Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Tikman Natin ang Init
Tikman Natin ang Init
Tikman Natin ang Init
Ebook171 pages2 hours

Tikman Natin ang Init

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Nang isakay ni Leonarda ang isang makisig pero misteryosong lalaki sa kanyang hot-air balloon, hindi niya inakalang magiging hostage siya sa isang adventure air trip. Isinama siya ni Adler, isang takas sa kulungan, para maghiganti. Ngunit hindi pala masamang tao si Adler, at lalong hindi ito mapagsamantala. Unti-unti, natagpuan ni Leonarda na nahuhulog na siya...

LanguageTagalog
PublisherRomantique
Release dateJun 23, 2018
ISBN9780463090336
Tikman Natin ang Init
Author

Romantique

I am Romantique, a Filipino romantic writer. I had written romance in the past and now I am returning to the fiction writing scene. Through the past 10 years, I was an online article writer. Thanks to Smashwords, my dream of writing romance again has become a reality.

Read more from Romantique

Related to Tikman Natin ang Init

Related ebooks

Reviews for Tikman Natin ang Init

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Tikman Natin ang Init - Romantique

    CHAPTER ONE

    Ilang sandali pa, pasahero na ni Leonarda ang isang matandang lalaki at ang limang apo nito na pulos mga binatilyo.

    Lolo! Lolo, tingnan n'yo po ako! anang pinaka-maliit. Nakataas ang mga braso nito habang nakaharap sa langit. Magiging astronaut ako balang araw!

    Kuu, masyado namang matayog ang pangarap nireng apo ko, ang magiliw na wika naman ng agwelo.

    Nagtawanan ang iba pang kabataan.

    Lobo pa lang itong sinasakyan natin, hindi pa rocketship! pambubuska ng isa sa mga ito.

    Naaaliw naman sa pakikinig si Leonarda habang abala sa pagmamaniobra ng hot-air balloon.

    Napangiti siya sandali dahil may pangarap din siya. Simple lang pero may katayugan din na katulad ng sa binatilyo.

    Kuntento na siyang maging tsuper ng lobong nagtataas-baba sa lupa, kahit na habang buhay. Paano'y natutuwa din siya kapag nakakakita ng purong kasiyahan sa mukha ng ibang tao.

    Sapat na sa kanya ang magbigay-aliw sa mga kustomer ng peryang pinaglilingkuran bilang si: 'Leo, the hot-air balloonist'!

    Oy, Leo, diyes minutos na! tawag ng matinis na boses ni Madame Carmen mula sa ibaba. Naintindihan niya kahit na ngamol ang tinig nito.

    Ay, bababa na agad tayo? protesta ng nangangarap na binatilyo.

    Bumili na lang uli tayo ng tiket, suhestiyon ng isa pa.

    Hep-hep! Tama na, mga apo ko. Baka maubos ang pensiyon ko -- bibili pa ko ng gamot sa rayuma ko, awat naman ng matandang lalaki, pero nakatawa. Saka na uli tayo sumakay dine.

    Pero, Lolo --

    Ang mabuti pa, sa inyong mga ama-ama na lang kayo mangulit, pakli ng agwelo habang kinakaladkad palayo ang mga binatilyo.

    Nice idea, Lolo! Yayayain ko dito si Daddy!

    Ako naman ay si Mommy!

    Napailing na lamang si Leonarda habang pinipigil ang pananaghili.

    Mabuti pa sila, may mga magulang pang mapaglalambingan, bulong niya sa sarili. Ulilang lubos na siya. Umabot siya ng edad na beinte singko, na nagpapalipat-lipat sa mga bahay ng mga kamag-anak at hindi man lang naramdaman kung ano ang pagmamahal-magulang.

    Oy, Leo! Bilangin mo ang mga pasahero mo! Baka mag-overload ka na diyan, ang pasigaw na paalala ni Madame Carmen sa kanya.

    Natulig siya kaya agad na nawaglit ang malungkot na nakaraan sa isipan niya.

    Oy, mamang ano, bakit n'yo naman ako inunahan? Narinig niya ang mataras na boses ng isang ginang.

    Inapuhap ng tingin niya ang pinagagalitan nito. Isang matangkad na lalaking may matipunong katawan ang nakita niya. Nakasuot ito ng jacket at pantalon na parehong kupasing maong. Ang mga mata ay nakatago sa ilalim ng black shades.

    Ako ang nauna sa pila, misis, bawi nito. Banayad at mababa ang tinig, pero may diin. Kayo ang nakipag-unahan sa akin.

    Aba't--sinungaling ka, a!

    Este, huwag na po kayong magtalo dito. Para walang hilian, pareho na lang kayong bumaba. Umawat agad si Leonarda.

    Dumukot ng pera sa bulsa ng pantalon ang lalaki. O, misis, heto ang dagdag na pambili ng gatas ng anak n'yo. Pumayag ka nang ako ang mauna sa pagsakay dito.

    Hindi nagustuhan ni Leonarda ang panunuhol na ginawa ng lalaki. Ngunit wala siyang magawa nang tanggapin ng ginang ang suhol.

    Naku, ka-bait namang mama nire. Halika na, bunso. Baba muna tayo. Magiliw na ang tono at ang anyo nito.

    Napailing na lang siya. Talagang iba ang mahika ng pera!

    Buweno, magsipaghanda na po kayo, mga kaibigan. Aangat na tayo sa ere, pahayag niya habang bumabaling sa iba pang pasahero. Handa na ba kayo sa paglipad? tanong niya.

    Handa na! ang sabay-sabay na tugon ng apat na babae at isang lalaki na tinedyer. Walo silang lahat. Ang hindi tumugon ay ang aroganteng lalaki at ang isang nerbiyosang babae.

    Ang mga kabataan ay pawang mga datihan na. Pamilyar na sa tingin niya ang mga ito.

    Isang linggo pa lamang silang nagtatanghal sa lugar na iyon, na nasa boundary ng Bicutan at Muntinlupa. Ngunit popular na agad sila. Marami na agad suki. Ang pinakamalakas na humatak ay ang hot-air balloon.

    Kinalas niya ang maluwang na pagkabuhol ng mga lubid upang muling umangat sa lupa ang lobo.

    Naglalagay siya ng mga tipak ng kahoy sa kalan na nagbubuga ng mainit na hangin sa bibig ng lobo, nang makaramdam siya ng kakatwang kilabot. Kaipala, lumapit ang lalaking kinayamutan dahil sa panunuhol.

    Paano n'yo ibinibiyahe ang lobong ito kapag lilipat na kayo sa ibang lugar? tanong nito. Binalewala ang kawalan ng imik niya. Pinalilipad n'yo rin ba?

    Minsan po, ang magalang na tugon niya. Kapag maayos ang panahon.

    Ang tutoo, kahit na masama ang panahon ay kayang lumipad ng hot-air balloon. Basta't kumpleto lang sa mga panggatong.

    Hindi ka ba nagsasawa sa trabahong ito? sabad naman ng isa sa mga tinedyer na interesadong nakikinig. Nakakabato naman ang manatili lang sa iisang lugar sa buong araw.

    At paulit-ulit pa ang ginagawa, dagdag ng isa pa.

    Ang sagot diyan ay katulad rin ng dahilan n'yo sa paulit-ulit na pagsakay dito sa higanteng lobo, mga kaibigan, ang maagap na tugon niya.

    Nagkatawanan ang iba pang kabataan. Oo nga, ano?

    Ang galing naman! papuri ng isa sa mga tinedyer na babae.

    Ngumiti si Leonarda. Matipid lang para manatiling nakatago ang hinog na hugis ng bibig niya.

    Kunwa'y inabala niya ang sarili sa pag-aayos ng mga ballast bag na nakatali sa gilid ng basket upang makalayo sa lalaki. Ang mga sakong puno ng buhangin ay nagsisilbing pabigat kapag kailangan nang bumaba.

    Matapos ayusin ang balanse ng basket, saka lang niya pinayagan ang sarili na tumanaw sa maaliwalas na langit.

    Ay, tingnan mo, ate! May rainbow, o? Parang ang lapit-lapit, bulalas ng isang dalagitang nagtatatalon sa tuwa.

    Huwag ka namang masyadong malikot, saway naman ng nakatatandang kapatid. Gumegewang tayo. Baka sumemplang itong sinasakyan natin.

    Halatang napilitan lang ang babae sa pagsakay. Parang namumutla na ito sa sobrang pagkalula.

    Nilapitan niya ang naturang pasahero para aluin. Huwag kayong mag-alala, miss. Ligtas ang higanteng lobo na ito. Hindi tayo tatangayin dahil ang mga lubid ay hawak-hawak ng mga tauhan sa ibaba.

    Tutoo ang sinasabi niya, ate. Subukan mong sumilip sa ibaba, o. Dumukwang pa ang matapang na tinedyer sa gilid ng basket para ipakita ang kawalan ng takot.

    Ay! Ano ka ba? Huwag ka ngang maglambitin diyan! saway ng natatakot na babae sa kapatid. Ayaw ko na! Ibaba mo na ito! utos nito kay Leonarda.

    Agad siyang tumalima. Hindi na biro ang grabeng pamumutla ng pasahero. 

    Okey, miss. Bababa na tayo. Huminahon ka lang. Hinga nang malalim habang nakapikit, pang-aalo niya habang isa-isang inilalawit ang mga ballast bag, matapos takpan ang bibig ng kalan. Isipin mong sa bangka lang tayo nakasakay.

    Nagtaka si Madame Carmen nang bumaba ang hot-air balloon sa maling oras.

    Tatlong minuto pa lang kayo sa itaas, Leo. Bakit? Ano'ng problema?

    Hindi pa siya nakakatugon, hinihimatay na ang babaeng mayroon yatang acrophobia.

    May hinimatay sa nerbiyos, Madame Carmen, pahayag niya. Tulungan n'yo kaming buhatin ang babae palabas dito.

    Nataranta agad ang babaeng amo. Pinag-uutusan nito ang mga tauhan. Hala, pagtulung-tulungan n'yong ibaba ang hinimatay!

    Aywan kung paano nangyari ang mga sumunod na eksena. Ngunit nagulantang na lang silang lahat nang magsimulang umangat uli ang higanteng lobo sa ere.

    Ay! Ay! Bakit n'yo binitawan ang mga lubid? Nagtitili na naman si Madame Carmen. Dali! Dalian n'yo! Kunin ang mga lubid!

    Si Leonarda ang agad na nakalapit sa basket. Maliksi niyang hinawakan ang isa sa mga lubid na nakalawit. Dapat ay napigil na iyon sa paglipad pero gayon na lang ang pagkagulat niya nang tila lalo pang bumilis ang pag-angat ng lobo. Parang humihina nang humihina sa pandinig niya ang mga boses ng mga tao sa paligid.

    Tumingin siya sa ibaba upang tiyaking tama ang pakiramdam.

    Takang-taka si Leonarda. Binilisan niya ang pag-akyat sa pamamagitan ng lubid.

    Huh! Nanggilalas siya nang makita ang lalaking kinayamutan kanina. Ito lamang pala ang pasaherong hindi bumaba nang magkagulo ang lahat sa hinimatay na babae.

    Ano'ng ginagawa mo? pang-uusig niya. Bakit pinakikialaman mo 'yan?

    Nilinga siya ng matangkad na lalaki. Inalis na nito ang shades kaya lumantad na ang isang pares ng mga matang matatalim at puno ng panganib.

    Nagmura ito nang makita siya. Dammit! Bakit nandito ka?

    Saglit lang ang pagkatigagal niya. Ikaw ang dapat kong tanungin ng ganyan, ginoo! bawi niya sa pinatapang na tono. Hindi mo dapat pinakikialaman ang kalan! hiyaw niya nang makitang nakaalis ang lahat ng mga takip na bakal sa bibig ng kalan.

    Lalapit sana siya doon ngunit mas maagap ang lalaki. Pinigilan siya nito sa magkabilang braso. Itinulak siya nito patungo sa gilid ng basket.

    Ang mabuti pa'y tumalon ka na ngayon bago pa tumaas nang husto ang lipad nito, utos ng lalaki. Hindi kita puwedeng isama sa pagtakas ko.

    Pagtakas? ulit niya, pabulalas. Sinadya mong paliparin ang lobong ito? Ninakaw mo ito? Hindi siya makapaniwala dahil wala sa hitsura ng kaharap na isa itong magnanakaw.

    Oo, tugon ng lalaki habang maliksing tinatalian ng lubid ang beywang niya. Talon na, utos nito.

    Nagpumiglas siya upang mabitiwan ang kanyang mga balikat. Hindi ako tatalon! tutol niya. Hindi ko iiwan ang lobong ito!

    Nagmura na naman ang lalaki. Nangilo siya dahil sa sobrang lutong. Ipapahamak mo lang ang sarili mo. Tumalon ka na bago pa mangyari 'yon! ang pagigil na utos nito.

    Isinasalya siya nito habang nagtatalo sila. Ngunit lalo lang niyang hinigpitan ang pagkapit sa magaspang na labi ng basket. Ibinaon din niya ang mga paang nakasuot ng rubber shoes sa sahig na plywood.

    Bumaba ka na lang. Baka madamay ka pa sa akin.

    Hindi!

    Nagtagis ang mga bagang ng lalaki. Hindi nagustuhan ang patuloy na pagmamatigas niya.

    Abut-abot ang kaba ni Leonarda. Para bang handa nang pumatay ng tao ang lalaki nang mga sandaling iyon.

    Habang natatakot, biglang umandar ang malikot na imahinasyon niya. 

    I-isa ka bang kriminal? panghuhula niya. Isang takas sa Munti?

    Nanlisik ang mga mata ng lalaki. Ngayong nahulaan mo na, dapat lang na hindi na kita paalisin dito! Habang pagigil na nagsasalita, maliksi naman nitong iginagapos ang mga kamay niya. "Mananatili kang bihag sa lobong ito hanggang hindi ako

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1