Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Halik ng Tukso
Halik ng Tukso
Halik ng Tukso
Ebook95 pages54 minutes

Halik ng Tukso

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Isang paruparo si Chiara. Palipat-lipat ang pansin, papalit-palit ng emosyon. Hanggang sa dumating si Ruel. Naging hamon sa kanya ang tuksuhin ito. At ibulid sa kasalanan...

Ngunit ibayong kaparusahan ang naging kapalit ng mapagnasang atraksiyon na iyon--itinakwil at kinamuhian siya ng lahat. Liligaya pa kaya ang isang tulad niyang makasalanan?

LanguageTagalog
PublisherRomantique
Release dateAug 1, 2018
ISBN9781370028788
Halik ng Tukso
Author

Romantique

I am Romantique, a Filipino romantic writer. I had written romance in the past and now I am returning to the fiction writing scene. Through the past 10 years, I was an online article writer. Thanks to Smashwords, my dream of writing romance again has become a reality.

Read more from Romantique

Related to Halik ng Tukso

Related ebooks

Reviews for Halik ng Tukso

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Halik ng Tukso - Romantique

    CHAPTER ONE:

    Sino siya? bulong ni Chiara sa sarili. Walang kakurap-kurap ang pagkakatitig niya sa bagong dating.

    Isang matangkad na lalaki ang nakatayo sa dulo ng mahabang buffet table. May hawak itong whisky tumbler na may kaunting alak na kulay ginto at isang tipak ng yelo, habang seryosong nakikipag-usap sa kanyang ama.

    Minasdan niya ang butuhan at makarakter na mukha. Sinipat niya ang mahaba at balingkinitang katawan.

    Naglaro sa imahinasyon niya ang mga nakatagong siksik na kalamnan sa ilalim ng mamahaling evening suit.

    Siya si Ruel Hidalgo, isang successful banker -- despite the inflation, pahayag ng isang tinig-babae sa kaliwang panig niya.

    Nahulaan niyang si Rona ang nagsalita. Luminga siya rito matapos munang hagurin ng isa pa uli ang kabuuan ng pinakamakisig na bisita sa pagtitipong iyon.

    Ruel Hidalgo, ulit niya, halos wala sa loob.

    Guwapo at macho siya, hindi ba?

    Oo. Hindi niya itinanggi ang paghangang nadarama.

    Sorry, he's already taken, darlin' pambubuska ni Rona. He's very much married, dugtong pa nito, paismid.

    Tumikwas ang isang kilay ni Chiara.

    Magka-eskuwela sila ni Rona. Magkaibigan kapag magkaharap, pero nagsisiraan kapag nakatalikod sa isa't isa.

    May lihim na inggit sa kanya ang babae. Palagi kasing siya ang nakakalamang. Mas mayaman ang pamilya niya. Mas maganda at seksi siya. Ganoon lang sila kababaw.

    I don't care, bawi niya, sabay kibit ng isang hubad na balikat. Off-shoulder na multi-colored chiffon gown ang suot niya. Sopistikada at elegante kahit na seksi dahil hakab na hakab sa perpektong hubog ng katawan.

    Ibinagay sa formal dinner party na kasalukuyang idinadaos bilang birthday celebration ng kanyang Mama.

    He's out of your league, Chiara. Irespeto mo naman ang pagiging married niya.

    Wala namang mawawala sa akin kung susubukan kong makipagkaibigan sa kanya, hindi ba? tanong niya rito, pa-inosente kunwari. Wala namang batas na nagbabawal, dugtong pa niya.

    Mayroon, Chiara. Girls like us just wanna have fun, remember? pakli ni Rona. At hindi na katuwaan ang dulot ng pakikiapid.

    Natigilan si Chiara. May sinusunod na 'unspoken rule' ang mga 'social butterflies', na katulad nila. Puwede silang magpalit-palit at magpalipat-lipat. Walang magagalit. Alam ng lahat ng kasali sa sirkulo nila ang ganito.

    Pero...

    Well, you've got a point there, sang-ayon niya kapagkuwan. Kaya lang, crush ko talaga siya, e. Makikipagkaibigan na lang ako sa kanya, okey?

    Alam nating dalawa na hindi ka nagsasabi ng tutoo, Chiara. Kilalang-kilala ko ang kislap ng pag-iimbot sa 'yong mga mata.

    Hindi napigil ni Chiara ang pag-ingos. Inggit ka lang, tse!

    Hay, matigas talaga ang ulo! bulalas ni Rona, pero pabulong. Natanaw kong dumating na si Chuck. Hinahanap ka na yata niya.

    Hindi niya inintindi ang sinabing iyon ng katabi. Wala na siyang interes sa sinupamang lalaki. Ipinagpatuloy niya ang pagtitig sa matikas na kabuuan ni Ruel Hidalgo.

    Inilayo niya ng ilang hakbang ang sarili sa kausap. Gusto niyang mabistahang maigi ang lalaking pinakamakisig magdala ng formal suit sa lahat ng nakita niya.

    Hindi mo tipo ang kayumanggi, hindi ba? Sinundan pa rin siya ni Rona.

    Shut up, Rona, angil niya habang kunwa'y nakangiti. Naunahan lang kita kaya ka nagkakaganyan.

    Correction, please! pagtataray naman ng katabi. Nauna akong makapansin diyan pero hindi na nga puwede!

    Tumawa si Chiara. Modulato at aral ang tunog na pinahulagpos niya mula sa maputing lalamunan. Dinisenyo iyon para makatawag-pansin.

    At hindi naman siya nabigo. Napansin siya ni Ruel Hidalgo.

    Itinaas niya ang noo habang marahang pinasisilay ang isang matamis na ngiti. Awtomatikong lumiyad ang kanyang dibdib upang ipagmalaki ang malalambot at mapuputing umbok. Hindi niya ikinubli ang pagnanasang tuksuhin ang lalaking ito. Walang kiyemeng inihain niya ang katawan. Wala siyang pakialam sa sasabihin ng ibang tao.

    Ngunit gayon na lang ang pagkabigla niya nang walang anuman na tumalikod ang lalaki matapos siyang tapunan ng isang pahapyaw na sulyap.

    Napilitan siyang ikubli ang pagngingitngit dahil kay Rona.

    O, kitam? panunuya nito habang tatawa-tawa. Isnaberong numero uno, hindi ba? Ang mabuti pa'y si Chuck na lang ang asikasuhin mo, Chiara babes!

    Hindi kumibo si Chiara. Nanatili siya sa kinatatayuan habang nag-iisip. Wala sa loob, kumuha siya ng isang kopita ng alak mula sa isang unipormadong weyter na may dalang wine tray. Sinimsim niya ang manamis-namis na likido habang nakatutok ang paningin sa matangkad na lalaki.

    Hindi niya nagustuhan ang ginawa nitong pang-i-ignora sa kanyang kariktan.

    Kailanman, hindi pa siya na-ignora ng isang lalaki.

    But he's very much married, ain't he? sabad ng isang bahagi ng utak niya.

    Ano ba ang ibig sabihin n'on? pagtataray naman ng isa pa. Hindi siya makapaniwalang may lalaking tapat sa asawa. Ang kanyang Papa nga ay ilang beses na niyang nakitang may kasamang ibang babae.

    'Hmm, baka naman nagpapakipot?' bulong niya sa sarili.

    Saka lang siya napangiti uli. Tinungga niya ang lahat ng laman ng kopita bilang pagtanggap sa paghamon ni Ruel Hidalgo.

    O, bakit ngingiti-ngiti ka diyan? usisa ni Rona. Mukhang may binabalak kang hindi maganda, a? panghuhula pa nito.

    Walang pakialaman, Rona, pakli niya. Kanya-kanya lang tayong diskarte.

    Hay, ikaw na nga ang bahala sa buhay mo. Para concerned lang ako sa 'yo, e.

    Well, salamat na lang sa concern. I don't need it, pamamrangka niya. Ang kailangan ko ay isang magandang tiyempo.

    Hmp! Maldita ka talaga! Iningusan siya ni Rona. Dapat lang sigurong mawala na sa 'yo si Chuck.

    Iyung-iyo na siya! Nag-flying kiss pa siya sa papalayong babae.

    Nang mapag-isa, hinanap uli ng mga mata niya si Ruel Hidalgo. Nakikipag-usap pa rin ito sa kanyang Papa.

    Pinagkumpara niya ang dalawang lalaki. Matangkad rin si Juan Sandoval pero wala na sa pigura ang pangangatawan. Malaki na ang tiyan at luyloy na ang mga kalamnan sa malapad na dibdib.

    Itim na itim ang buhok ni Ruel, samantalang ang sa kanyang ama ay abuhin na. Kulay Pilipino ang una at ang huli naman ay mestisuhin.

    Hindi siya sigurado kung sino ang mas mataba ang bulsa, pero nakakatiyak siyang mas malusog ang utak ni Ruel Hidalgo. Bakas na bakas sa intelihenteng noo at matatalas na mata ang mataas na I.Q.. Beauty and brains, 'ika nga sa Ingles.

    Tiyak na kung anuman ang tagumpay at

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1