Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Something Wonderful
Something Wonderful
Something Wonderful
Ebook215 pages3 hours

Something Wonderful

Rating: 5 out of 5 stars

5/5

()

Read preview

About this ebook

They were two different people from what seemed to be two different worlds. Kumbinsido sina Zoe at Hermi na hindi sila ang laan para sa isa't isa. Pinagbigyan nila ang mga sarili sa isang gabi pero nagpasya na maghiwalay na nang landas pagkatapos.

There were so much going in their lives. Parang wala silang gaanong panahon sa pag-ibig.

Pero kung laan yata ang dalawang tao ay magkakaroon at magkakaroon ng pagkakataon. Nahiling lang nila na sana ay hindi nila kailangan mawalan. They grieved together. They dealt with the loss together. They tried to heal each other's wounds.

They fell completely in love in the process. 

 

LanguageTagalog
PublisherEmma Belle
Release dateApr 30, 2023
ISBN9798215538951
Something Wonderful

Read more from Emma Belle

Related to Something Wonderful

Related ebooks

Reviews for Something Wonderful

Rating: 5 out of 5 stars
5/5

7 ratings2 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

  • Rating: 5 out of 5 stars
    5/5
    Ang galing mo po talaga ms. Belle satesfied always, thank you po..
    I love you ?
  • Rating: 5 out of 5 stars
    5/5
    Ang sarap ma-inlove ?

    I enjoy reading ?
    Thank you so much po Ms Belle ?

Book preview

Something Wonderful - Emma Belle

Chapter One

IT WAS HERMI’S BIRTHDAY and he was out with friends. They had decided to take his party to a noisy club. Semi-exclusive ang club. The hottest place to be, according to some. Nagtungo sila sa ikalawang palapag kung saan naroon ang private and exclusive cubicles. May bar roon na walang ibang laman kundi good stuff. Medyo mas tahimik sa bahaging iyon kumpara sa ibaba.

His friends looked like they were having fun. Most of them anyway. Mukhang hindi gaanong komportable ang dalawa, sina Jonathan at Isaac. Ang totoo ay pinilit lang niya ang dalawa para may makasama siya roon. Para hindi lang siya ang nagdurusa. He wasn’t a cruel friend. It was just his birthday.

Hindi rin talaga niya malaman kung paano siya napapayag sa ganoong klase ng selebrasyon. He had nothing against that kind of fun. He once enjoyed this kind of fun. Sadya lang yata talagang tumatanda na siya. Masyado na lang siyang narindi sa kantiyaw ng ilang mga kaibigan. Pumayag na lang siya para tumahimik na ang mga ito. He told himself it was just one night. He could spend the whole day with his girls after.

The night was too long for him. Hindi na siya makapaghintay na matapos ang lahat.

Inilibot niya ang paningin sa mga kaibigan na nagkakasiyahan. Karamihan sa mga ito ay lasing na. Most of them were with a woman—kahit na ang mga kasal na. Pinigilan niya ang sarili na mapailing-iling. Hindi niya gustong husgahan ang mga kaibigan. Not aloud, at least. He was judging them inside his head. Hindi rin talaga niya mapigilan. He was asking himself how he was friends with the likes of them.

Some had tried to introduce him to some women. Mga babae na kapiranggot lang ang suot at kung tumingin sa kanya ay parang handa na siyang lamunin nang buo. Hindi siya interesado at hindi iyon gaanong maintindihan ng ilang mga kaibigan. He could easily get any woman in bed, they said. Wala siyang sabit and he could have fun all night. Minsan ay mahirap ipaliwanag na hindi siya ang tipo ng lalaking masyadong kaswal ang pakikitungo sa mga babae.

He had needs, of course. But before going to bed with someone, he required something. He had to care for her. They had to have a relationship that could go somewhere. Ang problema ay hindi pa yata handa ang puso niya sa ganoon. Hindi siya handang makipagsapalaran.

Idagdag pa na masyado na siyang abala sa buhay para pagtuunan ng pansin ang ibang mga bagay. Bukod sa pagiging professional basketball player, he had accepted endorsements. He had to make sure he had enough for his daughters. Noong ginagawa pa lang ang bahay niya ay wala halos siyang offer na pinapalampas. He had done shampoo and soap commercials. Kahit na hindi siya gaanong komportable sa pagpapakita ng skin. Mabilis na nasundan ng men’s facial wash at energy drink commercials ang mga iyon. Pagkalaon ay mayroon na rin siyang hotdog, ice cream, canned tuna, milk and chocolate commercials. Napadalas din siya sa mga magazine spreads. He became the most visible athlete outside the court.

Sa sobrang kaabalahan niya minsan ay hindi niya malaman kung paano hahatiin ang katawan.

He was a single dad. He had twins. He wanted to be hands-on as much as possible. Wala na ang ina ng mga ito pero gusto niyang siguruhin na magiging sapat siya sa ilang pagkakataon. His late wife would want him to be there for the girls as much as possible. Anumang libreng oras niya ay napupunta kina Dreasia at Denisia. Hindi iyon sapat at madalas siyang nagi-guilty dahil doon. He always wished he could be there more for his girls.

Kaya muli niyang naitanong ang sarili. Ano ang ginagawa niya roon? Bakit wala siya sa bahay at pinagmamasdan ang pagtulog ng mga anak?

Dude, you’ve become so boring, anang isa niyang kaibigan, halatang lasing na sa paraan ng pagsasalita. Humagikgik ang babaeng nakadikit dito. This said friend was also a teammate. He was very much married. Dapat ipanalangin nito na walang makakita sa kanila at makakilala. Sana ay wala ring gaanong mag-abalang kunan sila ng mga larawan. Dahil kapag kumalat sa Internet ang larawan nitong kasama ang ibang babae ay sasakit na naman ang ulo ng mga taga-PR. This particular friend was great inside the basketball court. They had a good teamwork going on. Outside the court, not so much.

Yeah, tugon niya.  I’m well-aware. Wala namang masama sa pagiging boring. Naniniwala rin siya na nasasabi nito ang mga ganoong bagay dahil hindi talaga nito nauunawaan ang kanyang sitwasyon. May asawa ito na nananatili sa bahay at nag-aalaga ng mga anak nito. He believed all he needed to do was to provide for his family and his wife would do all the nurturing.

Hermi had to provide and nurture.

It was just him and he was outnumbered. Being boring and workaholic had been his way of dealing.

Kahit na noon pa ay boring na siya, anang isa pang teammate na hindi na naman niya sigurado kung bakit itinuturing niyang kaibigan. They had their moments, he guessed. Hindi palaging ganito. He can have all the women in the world but he chose one woman. One. He can have variety pero pinili niya ang mag-ulam ng gulay araw-araw. Naghalakhakan ang mga lalaki sa kanyang paligid.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nakantiyawan si Hermi. Alam din niya na nag-iiba ang ilang teammate at kaibigan kapag nakakainom o nagkakaroon ng ganitong boy’s night. Ang ilan ay hindi gaanong aware sa mga lumalabas sa bibig. O nagiging madulas lang ang dila dahil sa alcohol kaya nasasabi ang ilang bagay na talagang tumatakbo sa mga isipan ng mga ito.

Naikuyom niya ang mga kamay. Hindi niya gustong magpaapekto pero parang nababastos na ang kanyang asawa. Asawa na wala roon para maipagtanggol ang sarili. Asawa na hindi deserve ang mga ganoong salita. She had been the best person he had ever met. She had been with him when he was just struggling. She stayed with him through thick and thin.

Just stop talking, please, hiling niya sa mahinahon na tinig. They were a great team and he didn’t want to do anything to jeopardize that. Hindi gaanong pinakinggan ang kanyang hiling. May mga tumahimik at lumayo pero may ilan—ang mga nagpasimuno ng ganoong usapan mostly—ang nagpatuloy.

Women want you, Hermi. Move on and have some fun. You’re missing so much in life, pal. You need to let go and be the man you truly can be. May tumapik-tapik sa kanyang balikat. You can be happy. You can be human for once. Masyado ka nang nagiging santo, nakakainis na minsan.

Totoo, dagdag ng isa pa. Nakakainis na sa tuwing sinasabi ng mga asawa namin na dapat kang tuluran. Ano ang dapat tularan sa `yo? You’re no fun.

Karaniwan ay mahaba ang pasensiya ni Hermi sa halos lahat ng bagay. He was always calm and collected. Sa loob at labas ng court, hindi niya pinaiiral ang init ng ulo. Hindi siya nanggigigil. Isa iyon sa mga bagay kung bakit isa siyang mahusay na manlalaro.

Pero nang mga sandaling iyon ay parang ang hirap panindigan ang pagiging calm at collected. Gusto niyang suntukin ang ilang mga kaibigan. Paano nagagawa ng mga ito sa kanya ang ganoon sa mismong birthday party niya? Paano nasasabi ng mga ito ang ganoong salita samantalang alam ng ilan sa mga ito ang pinagdaanan niya?

Bago pa nga lang niya mapagbigyan ang sarili sa gustong gawin ay nalapitan na siya nina Jonathan at Isaac. Hinila siya ng mga kaibigan palayo.

Huwag mo na lang silang pansinin, payo ni Jonathan sa mahinahon na tinig. Hindi nila alam ang mga sinasabi nila. Lasing lang sila.

Ikaw ang talo kung papatulan mo sila, dagdag ni Isaac. You know better. Hindi mahalaga ang mga sinasabi nila, o ang ilang opinyon dahil alam mo kung sino ka.

Humugot ng malalim na hininga si Hermi. Alam niya na totoo ang mga sinabi ng mga kaibigan, pero nasa dibdib pa rin niya ang hindi maipaliwanag na galit at frustration. Masyado lang silang—

Insensitive, sabi ni Jonathan.  They had this idea that it’s hard for you but they don’t really understand how hard it is because they had never experienced what you experienced firsthand. Madaling sabihin na ‘move on’ o ‘get over it’ pero hindi nila talaga alam kung gaano kahirap gawin ang bagay na iyon. You know how it is. Everyone seemed to have the answers when they were not the ones in pain.

Or inggit lang sila sa `yo, dagdag ni Isaac. Dahil kahit na mahirap ang naging sitwasyon mo, nagawa mo pa rin ang mga bagay na hindi nila kayang gawin. So they’re trying to trash talk. Baka gusto ka talaga nilang mawala sa kontrol at magkaroon sila ng rason na sirain ang image mo sa media.

Marahas na napabuntong-hininga si Hermi sa mga narinig mula sa mga kaibigan. They were both right.

Let’s just stay out here and have a little fun, suhestiyon ni Jonathan.

I told you this is not a good idea, sabi ni Isaac.

Sa susunod ay makikinig na ako sa inyo kahit na masabihan tayong boring at walang life, pangako ni Hermi habang nauupo sa bakanteng area ng bar. Mukhang nakilala siya ng lalaking bartender base sa pagliwanag ng mukha nito. Dahil sa paghanga nito sa kanya, kaagad silang nabigyan ng maiinom.

Huli na iyon, ang pangako ni Hermi sa sarili. Aalis na siya pagkatapos. Kailangan lang niyang kalmahin ang sarili.

Ipinagpasalamat ni Hermi na may mga kaibigan siya na lubos na nakakaunawa sa kanya. Sina Isaac at Jonathan ang itinuturing niyang pinakamatatalik na kaibigan sa ngayon. Sa unang pagkakataon na nagkakilala sila ay kaagad silang nagkasundo. Malaking tulong siguro ang pagiging single dad nilang tatlo. Magkakaiba ang kanilang mga naging sitwasyon pero nagkaintindihan sila sa isang bagay—single parenting girls.

They got him. Mas nauunawaan siya ng mga ito kaysa ng ibang mga tao. Kahit na wala siyang ibigay na paliwanag ay nauunawaan siya ng mga ito. They weren’t regular dads and they had to stick together. It takes a village, ang madalas nilang marinig. They had created their own village.

Kung walang Jonathan at Isaac sa kanyang buhay ay hindi siguro niya alam kung ano ang gagawin. Kung wala ang suporta ng mga ito ay hindi niya masabi kung ano ang kalagayan ng kambal.

Nalulong masyado si Hermi sa mga iniisip na hindi niya namalayang may ibang pinagkakaabalahan na ang dalawang kaibigan. Si Isaac ay mukhang abala sa phone. Si Jonathan ay may kausap na babae. Hindi niya inasahan na si Jonathan ang magkakaroon ng interaksiyon sa babae ngayong gabi kaya naman na-curious siya. Bibistahan sana niya nang husto ang kausap ng kaibigan nang magsalita si Isaac. Nabaling sa isa pang kaibigan ang kanyang atensiyon.

Man, I need to get going, anito habang patayo na sa kinauupuan. Paise can’t sleep. Paisley was Isaac’s daughter.

Tumango si Hermi, nakauunawa. I’ll take care of the bill.

Tinapik nito ang kanyang balikat. Thanks. Happy birthday, man.

Tumango na lang siya bilang pasasalamat. Kung naiba-iba siyang kaibigan at hindi katulad nitong single dad, hindi niya basta na lang hahayaan na umalis ang kaibigan. Hindi niya iisipin na hindi mahalaga ang dahilan ng pag-alis nito. Pero dahil ama siya ng dalawang five-year-old girls, alam niya ang kasalukuyang nadarama ni Isaac. It was hard to say no to a daughter. They were complete softies when it came to daughters.

Nang magpaalam din kay Jonathan si Isaac ay napagmasdan na sa wakas ni Hermi ang babaeng kausap ni Jonathan. Napatingin din sa kanya ang babae. Hindi niya sigurado kung ano ang nangyari. Bigla na lang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Parang bigla ay hindi naging maayos ang kanyang paghinga. Parang bigla na lang nawala ang mga tao sa kanyang paligid at natuon na lang ang kanyang atensiyon sa magandang babae na pakiramdam niya ay pamilyar sa kanya.

Naglaho ang lahat sa kanyang paligid at mga kaisipan sa kanyang utak. Ang tanging mahalaga nang mga sandaling iyon ay ang babae.

Noon lang naramdaman ni Hermi ang ganoon. Hindi niya alam na posible pala. Parang may parte sa kanya ang gustong mag-panic pero hindi niya magawa. He was too consumed with admiring her, wanting her.

May naririnig siyang tinig pero hindi niya gaanong maunawaan ang sinasabi niyon. Nakaramdam siya ng tapik sa kanyang balikat at bahagya siyang natauhan. Ilang sandali muna ang lumipas bago niya nabatid na si Jonathan ang nagsasalita, na kinakausap siya nito. Ipinilig niya ang ulo at pilit na pinalinaw ang isipan. Ano ba ang nangyayari sa kanya?

I’m sorry, what did you say? aniya nang mas manumbalik na ang katinuan sa kanya.

Nagsalubong ang mga kilay ni Jonathan, parang hindi gaanong mapaniwalaan na hindi siya nakikinig sa mga sinasabi nito. Nagpasalamat siya na hindi na gaanong nagtanong ang kaibigan at inulit na lang ang sinabi sa kanya.

I said, this is Zoe, a good friend and Braelyn’s aunt.

Ang kilay naman ni Hermi ang nagsalubong sa pagtataka.  Akala ko ba ay walang kapatid na babae si Bettina? Ang tinutukoy niya ay ang ex ni Jonathan. Braelyn was his sixteen-year-old daughter.

She’s Bettina’s baby cousin. Zoe, this is one of my best friends, Hermi.

I know who he is, nakangiting sabi ni Zoe kay Jonathan bago ibinaling ang tingin at ngiti sa kanya.  It’s a pleasure to meet you nonetheless.

Hindi maipaliwanag ni Hermi ang epekto ng ngiting iyon sa kanya. Mas gumanda sa kanyang paningin si Zoe. Mas naramdaman niya ang pagiging pamilyar nito kahit na alam niya na ngayon lang sila nagkakilala. Parang nakita na niya dati pa ang mukha nito, pero saan?

Sinubukang ngumiti ni Hermi para hindi naman siya gaanong magmukhang bastos at walang manners.  Ikinagagalak din kitang makilala. You look familiar, hindi niya napigilang idagdag. Hindi siguro siya matatahimik hanggang sa hindi niya maalala kung saan niya unang nakita ang dalaga at kung bakit may ganoon siyang kakaibang reaksiyon dito.

Mas lumawak ang ngiti sa mga labi ni Zoe. Nangislap ang mga mata nito sa kaaliwan.

Si Jonathan ang sumagot kay Hermi.  That’s because her face is all over the place. She has billboards everywhere.

Not everywhere, sabi ni Zoe, nakangiti pa rin.

Hindi maunawaan ni Hermi ang sinasabi ng mga ito.

She’s an actress, sabi ni Jonathan. Tumingin sa kanya ang kaibigan na para bang ang laki ng kasalanan niya dahil hindi niya nakilala si Zoe. "Paanong hindi mo siya kilala? She’s practically everywhere."

Noon naalala ni Hermi ang malaking billboard na nasa daan niya pauwi. Zoe was too glammed up in that billboard. Naka-makeup din naman ito sa kasalukuyan pero hindi heavily made-up. Parang mas batang tingnan. Iyon siguro ang dahilan kung bakit hindi niya kaagad naalala kung saan niya unang nakita ang dalaga.

Tipid na lang siyang tumango dahil ang totoo ay hindi siya sigurado sa magiging reaksiyon.

Mas tumamis ang ngiti ni Zoe. Mas nanginang ang mga mata sa kaaliwan.  It’s okay, sabi nito kay Jonathan pero hindi siya inaalisan ng tingin.  I love that he doesn’t know who I am. Hindi ko naman talaga inaasahan na makikilala ako ng lahat.

Nagsalubong ang mga kilay ni Hermi. Mas sumisidhi ang anumang kakaibang nadarama. Hindi rin niya maalis ang tingin kay Zoe kahit na pilitin niya ang sarili. Hindi siya gaanong komportable sa mga nararamdaman dahil hindi niya alam ang gagawin, o kung paano iyon pakikitunguhan.

Hindi rin niya maintindihan kung bakit nabubuhay ang mga ganoong pakiramdam sa kanyang dibdib. Gusto niyang mahanapan ng paliwanag.

Enjoying the preview?
Page 1 of 1