Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Just Another Girl
Just Another Girl
Just Another Girl
Ebook299 pages4 hours

Just Another Girl

Rating: 5 out of 5 stars

5/5

()

Read preview

About this ebook

"Wala kang pag-asa riyan."

"Hindi ka uubra."

"Langit siya, lupa ka."

Ilan lang sa mga narinig ni Harry sa pagkakaroon niya ng espesyal na pakiramdam para kay Lennon. Pero sadyang makulit ang puso niya. Hindi niya maawat kahit na ano ang sabihin ng ibang tao. Kahit na ano ang sabihin niya sa sarili niya.

Parang wala siyang ibang choice kundi ang umibig sa dalaga.

Maituturing na milagro na nagkaroon ng tugon ang damdamin na iyon. Nakita siya ni Lennon sa paraang hindi siya nakikita ng iba. Mahirap paniwalaan pero mahal din siya nito.

Lennon and Harry were young and very much in love. They had so much to look forward to. Pero kaagad sinubok ang pag-ibig ng mga ito. Isang araw, pumutok ang balita na buntis ang ex-girlfriend ni Harry at ito raw ang ama.

Would Lennon step aside? Would their love had to be set aside?

LanguageTagalog
PublisherEmma Belle
Release dateOct 4, 2023
ISBN9798223236856
Just Another Girl

Read more from Emma Belle

Related to Just Another Girl

Related ebooks

Reviews for Just Another Girl

Rating: 5 out of 5 stars
5/5

5 ratings1 review

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

  • Rating: 5 out of 5 stars
    5/5

    Done reading po,Ms Belle ?

    Keneleg, nainis, nasaktan for Lennon and Harry, but in the end love wins ♥️

    Super ganda ng naging flow ng story.
    While reading, pakiramdam ko bumalik ako sa teenage life. Ang sarap ma-inlove ?
    Gusto ko na lang din na maging parents sina Poetry and Yellie.

    At ang cute ni Lindsey and Whitney ?

    Thank you so much po sa story ni Harry and Lennon ♥️
    Abangers po sa next (overload keleg) story ♥️


Book preview

Just Another Girl - Emma Belle

Part One

Chapter One

ARAY NAMAN, REKLAMO ni Harry nang maramdaman niya ang hampas ng kamay sa likod ng ulo niya. Hindi naman gaanong masakit pero nagkunwa pa rin siyang labis na nasaktan. Nilingon niya si Harriete at tiningnan nang masama.

Sinabi na ngang bawal, sabi ng kaibigan.

Tingin lang naman, katwiran niya.

Tingin lang, sabi ni Ford. D’yan ka nagsisimula, eh. Sa tingin-tingin. `Tapos hindi mo na malubayan ng tingin.

Hoy, anak `yan ng magiging boss natin, hirit ni Harrison bago pa man maibuka ni Harry ang bibig para makatugon.

Kahit maging Harry Styles ka pa, bawal. Paalala ko lang sinabi ni Sir Poetry kasi parang nalimutan mo na agad, dagdag ni Harriete.

Mga ewan talaga kayo, sabi na lang niya. Alam naman niya ang lahat ng mga sinabi ng mga ito. Hindi naman niya nakakalimutan. Tingin nga lang. Tingin lang. Diyos ko naman. Bawal ba talaga tumingin? Pinanlakihan niya ng mga mata ang mga kaibigan at kabanda niya. Kapagkuwan ay muli niyang binuhay ang screen ng phone niya at pinagmasdan ang mga larawan ni Lennon. May kung anong nangyayari sa kalooban niya. Hindi niya gaanong maipaliwanag. Parang natutunaw hindi lang ang puso niya, lahat yata ng laman-loob niya. Parang hindi romantic pero ganoon talaga.

Si Lennon na siguro ang pinakamagandang babae na nasilayan ng kanyang mga mata at hindi pa niya nakikita sa personal ang dalaga. Hindi nga niya mapaniwalaan ang epekto nito sa kanya. Parang may puwersa na sumalakay sa kanya nang iharap ni Sir Poetry ang phone screen nito para maipakita ang anak nito sa kanila. Napatitig na lang siya sa nakangiting mukha. Lubos na nabighani.

Tingin ka lang, sabi ni Ben. Okay lang `yan.

Nginitian ni Harry ang kaibigan na siyang tanging kakampi niya. Pero kaagad niyang nabatid na hindi niya ito kakampi talaga.

Wala ka namang pag-asa riyan, dagdag nito.

Gusto kitang suntukin, sabi niya at medyo seryoso siya. Bakit kaagad na inaalis sa kanya ang pag-asa?

Wala kang pag-asa riyan, giit ni Ben.

Malay mo may plot twist.

Nasa Amerika po `yan, paalala ni Harrison. May pamasahe ka ba papuntang New York?

Nag-aaral sa Juilliard, dagdag ni Ford. May ideya ka ba kung gaano kahirap pumasok sa eskuwelahan na `yon? Kahit na insanely talented na ang isang tao, nahihirapan pa rin. Ibig sabihin, isa siya sa mga pinakaespesyal. Huwag nang idagdag pa ang laki ng pera na kailangan para makapag-aral at makapanirahan doon. Hindi ka uubra.

Langit siya, lupa ka, `tol, sabi ni Harrison. Apo `yan ng media titan.

Hindi ka magugustuhan niyan. Kaya tigilan mo na `yang delusyon mo ngayon pa lang.

Maghahanap na talaga ako ng ibang mga kaibigan. Hindi niya maintindihan kung bakit parang nasaktan siya sa mga narinig, samantalang alam naman niya na tama ang lahat ng mga sinabi ng mga ito. Alam naman na niya ang lahat ng mga bagay na iyon, hindi na kailangan pang sabihin. Pero bakit parang ang sakit pa rin talagang marinig?

Para siyang tanga. Gusto niyang suntukin ang sarili. Talaga bang may strong feelings na siya sa isang babae na nakita lang niya sa isang screen ng phone?

Pero iyong ngiti ni Lennon... Parang may binuhay sa kanya. Hindi niya alam pero para talagang may malaking pagbabago sa kalooban niya. Iyon ang unang pagkakataon na naramdaman niya ang ganoon.

Mga wala kayong kuwenta, aniya. "Hindi n’yo man lang masuportahan ang pagiging delulu ko."

Maigi nang ngayon pa lang gising ka na sa katotohanan, sabi ni Harriete. Hindi iyong ipipilit mo na naman ang sarili mo, `tapos ang ending ikaw ang masasaktan. Iiyak-iyak ka na naman. Minsan kasi parang wala kang kadala-dala, eh.

Teka naman, protesta niya. Hinay-hinay naman tayo.

Huwag nga landi mo ang pag-usapan natin, suhestiyon ni Ben. Mas dapat nating pag-usapan ang tungkol sa banda.

May parte kay Harry ang gusto sanang mas pag-usapan pa ang tungkol kay Lennon, pero alam niya na mas dapat nilang pagtuunan ng pansin ang isang mahalagang bagay.

Parang nahihirapan pa rin akong maniwala na totoo, sabi niya sa mga kaibigan. Parang panaginip lang. Parang hinihintay ko lang na magising ako at sobrang madismaya sa realization na panaginip lang ang lahat at hindi totoo.

Halos magkakapanabay na tumango ang mga kaibigan niya, lubos na naunawaan ang kanyang sinabi. Pare-pareho sila na ipinoproseso pa ang lahat.

Lima silang matalik na magkakaibigan. Iisa ang kanilang interes at hilig: musika. Hindi na niya maalala kung kailan nagkaugat ang ideya na bumuo ng banda. Maliliit pa yata sila at abala pa sa paglalaro sa kalye. Naging seryoso sila sa interes nila sa musika.

Pinagsumikapan nilang matuto sa pagtugtog. Sa palagay naman ni Harry ay mahusay sila. May ihuhusay pa pero naroon ang potensiyal. Naniniwala siya na may talent sila at maganda ang tunog nila.

Gusto nilang mas seryosohin ang pagtugtog. Pangarap nilang maging isang sikat na banda. Pangarap nilang marinig ng maraming tao ang kanilang musika. Matayog na mga pangarap at hindi madaling abutin, alam nila, pero determinado silang lima. Lalo na si Harry.

Parang paglikha kasi ng musika ang tanging gustong gawin ni Harry. Parang kaya niyang gawin ang kahit na ano para matupad ang pangarap niya. Hindi lang niya gustong maging sikat. Nais din niyang mapabilang sa mga mahuhusay.

Marami na ang tumawa sa pangarap niya na iyon. Marami ang hindi siya sineryoso. Marami ang naniniwala na hindi iyon magkakaroon ng katuparan. Marami ang nagsabi sa kanya na kailangan niyang maging mas realistic at practical.

Maraming beses na rin naman siyang naniwala na tama ang ibang mga tao sa pagsasabi na walang saysay ang pangarap niya at hindi iyon magkakaroon ng katuparan. Maraming beses na siyang nasaktan at nadismaya. Aware rin naman siya sa mga limitasyon niya. Aware siya sa realidad.

Pero hindi talaga niya ganap na mapakawalan. Masidhi ang kagustuhan niya. Parang ayaw bumigay ng determinasyon niya. Parang pakiramdam talaga niya ay doon siya dapat na mapunta. Malinaw ang gusto niyang maging buhay. Malinaw ang daan na gusto niyang tahakin. Malinaw rin naman sa kanya na hindi magiging madali ang daan na iyon.

He was very willing to go through every hardship. Kahit na parang imposible, hindi nagmamaliw ang kagustuhan niyang maging isang mahusay at matagumpay na musikero.

Alam niya na mas kailangan niyang maging praktikal. Alam niya na hindi siya gaanong privileged para sa ilang pangarap. Pero sadyang mahirap paglabanan ang kagustuhan ng puso.

Gusto niyang subukan, at least. Gusto niya na kapag dumating ang araw na kailangan na talaga niyang isuko ang pangarap, kaya niyang sabihin na ginawa niya ang lahat para makamit ang gusto. Hindi siya nagkulang. Sinubukan pa rin niya kahit na imposible. He would not owe himself anything. Walang could’ve beens and might’ve beens. Walang doubt. Walang panghihinayang. Wala siyang magiging kasalanan sa sarili niya.

Ang laki ng pasasalamat niya dahil natagpuan niya ang mga tao na kapareho niya ng nararamdaman. Siya ang bokalista. Marunong siyang tumugtog ng gitara pero mas mahusay si Harrison. Drummer nila si Harriete. Bahista si Ben. Sa keys si Ford.

Lubos ang paniniwala nila sa mga talento nila, sa banda nila. Hindi lang yabang o labis na self-confidence, alam ni Harry na mahusay sila. Maganda ang tunog nila.

Iyon nga lang, minsan ay ayaw silang pakinggan dahil ang unang nakikita ay mga hitsura nila. Wala namang pangit sa kanila, naniniwala rin siya roon. Wala lang conventionally attractive sa kanila. Tama nga iyong sabi sa isang pelikula: Mata ang unang nagmamahal.

Marami ang nagsabi na hindi sila sisikat dahil sa mga hitsura nila. Pinagtawanan ang mga pangarap nila dahil hindi raw katulad ng mga mukha nila ang sumisikat.

Nasasaktan sila sa tuwina kahit na itinatawa nila madalas. Kahit na bugbog minsan sa panlalait, hindi pa rin natitinag ang kagustuhan nila. Patuloy pa rin sila sa pagtugtog. Susubukan pa rin.

Madalas silang tumugtog sa mga school program. Naimbitahan na rin silang tumugtog sa mga birthday at debut. Madalas na pagkain lang ang bayad pero masaya naman na sila. Madalas nilang sabihin sa mga sarili nila na maigi nang may practice.

Isang pinsan ni Ben ang nagtatrabaho sa isang TV network. Hindi maituturing na giant ang media company pero magkakaroon ng major rebranding. Nalaman nila ang tungkol sa malaking audition para sa isang variety show. Kaagad silang naging determinado na mag-audition.

Nagpasya sila na kantahin ang isa sa mga orihinal nilang kanta. Pinaghandaan nila iyon nang husto. Nag-practice sila nang husto. Pinag-isipan niya nang maigi ang magiging suot. Siya ang itinalagang frontman kaya naman naisip niya na tungkulin niyang pukawin kaagad ang interes ng mga hurado. Kailangan niya ng flair at swag.

Nakakita siya ng gold suit at nakahiram ng aviator glasses. He looked good, sa paniniwala niya. Alam niya na gagalingan niya nang husto. Buong-buo ang paniniwala niya sa kakayahan nila bilang isang banda. Lubos ang paniniwala niya na maganda ang kanta na nabuo nila. May potensiyal. Kailangan lang niyang maiparinig sa maraming tao.

Dumating ang araw ng audition. Punong-puno sila ng pag-asa kahit na labis na takot at kaba rin ang kanilang nadarama. Kailangan nilang maniwala sa mga sarili nila. Pero nakita niya ang pagbuntong-hininga at pagsama ng mukha ng isang naka-suit sa mahabang table paglabas nila sa stage. Alam na niya kahit na hindi pa sila nagsisimula na hindi aayon ang lahat sa gusto nila. Pero sumige pa rin sila. Tumugtog pa rin. May isang babae kasi sa table na iyon ang napangiti nang makita sila. Sapat na ang ngiti ng isa. Nakadalawang linya nga lang siya sa kanta bago sila sinigawan ng Stop!

You all look like losers, sabi ni Jefferson, ang presidente ng TV network. `Probably are losers, bulong nito mas yata sa sarili nito pero nakarating sa pandinig ni Harry. Not just you. Itinuro siya nito. All of you. As a band. You’re a bunch of losers. I cringe so hard; I think my soul just left my body. I’m sorry it’s a no. People with looks like yours will never make it in this industry.

Parang namanhid ang buong katawan ni Harry. Noon lang talaga niya nalaman ang kahulugan ng sinasabi nilang parang pinagsakluban ng langit at lupa. Maraming masasakit na salita na siyang narinig. Mas malala pa nga yata sa mga sinabi ng presidente ng network. Pero iba ang epekto nito sa kanya.

Hindi ang mga salitang binanggit nito ang talagang sumapol sa kanya, kundi ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Noon lang siya nakakita ng ganoon kasidhing disgusto at pagkamuhi. Noon lang niya nakita ang ganoon kasidhing disgusto at pagkamuhi patungkol sa kanya.

It wasn’t an objective criticism—or that was how it felt. It felt like hate. It was jarring to be hated on doing something he was passionate about. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang kasidhi ang pagkamuhi na nakita niya sa buong mukha ng lalaki na hindi naman sila kilala. Parang ang laki ng kasalanan na nagawa niya. Dahil lang ba sa hindi sila kaaya-ayang tingnan?

Siguro ay magiging madali para sa kanya kung pinagtawanan na lang sila. Mas magaan iyon sa pakiramdam. Mas kaya niyang pakitunguhan dahil sanay naman sila na pinagtatawanan at hindi sineseryoso.

Inakala ni Harry na iyon na. Iyon ang kailangan niya para talaga tumigil na. Katapusan na ng mga pangarap niya. Sa palagay niya ay ganoon din ang naramdaman at naisip ng mga matatalik niyang kaibigan. Iyon ang magpapasuko sa kanila. Iyon ang sampal ng katotohanan. Siguro ay mas madali nang tanggapin na hindi nila makakamit ang gusto nilang mangyari sa mga buhay nila.

Pero iyon yata ang simula. Inabangan sila ng babaeng ngumiti paglabas nila. Binigyan sila nito ng isang business card ng presidente ng isang music label. Isa si Poetry Fernando sa mga hero nila. Dati itong frontman ng isa sa mga pinaka-successful na local bands sa Pilipinas, ang Rebel Hearts. Nang hindi na maging aktibo sa pagbabanda ay itinatag nito kasama ang matalik na kaibigan ang Sweet Talk, isang independent music label. Sinabi ng babae na tumawag at pakikinggan sila ni Poetry. Isinulat pa nito sa likod ng card ang pangalan at numero nito. Yellie.

Hindi niya maiproseso nang husto ang nangyari. Hindi niya mapaniwalaan. Paano niya paniniwalaan na may gustong makinig sa musika nila pagkatapos ng naranasan nila?

Imbes na sumuko at talikuran na ang pangarap, madalas niyang titigan ang card. Naglakas ng loob siyang tumawag. Sinabi niya sa sarili na last na. Wala naman nang mawawala. What was the worst that could happen?

Sinabi niya na kapag hindi sinagot ang tawag niya, hindi siya magpupumilit. Iyon na talaga. Labis siyang nagulat nang sagutin ang tawag niya. Mas lalo siyang nagulat nang papuntahin siya at ang banda niya sa Sweet Talk.

Muli, inisip niya na wala namang mawawala na. Subukan na nila. Kaysa naman isipin nila kung ano ang mangyayari kung maduwag sila at hindi pumunta. Sinabi niya sa sarili at sa mga kaibigan na ihanda na lang nila ang mga sarili nila sa rejection. At least makikilala nila ang mga hero nila. Makapasok man lang sila sa isang record label.

Kahit na hindi nila alam ang gagawin o ihahanda sa mga ganoong meeting, nagtungo pa rin silang lima sa Sweet Talk. Hindi nila alam ang aasahan nila, o kung may dapat silang asahan.

Parang hihimatayin si Harry nang makilala niya sina Sir Poetry at Sir Van. Both came from successful bands. They were their influences. Napakalaking bagay nang makaharap ang dalawa, makausap at makamayan. Bahagya silang nakalma nang makita na naroon din si Miss Yellie. Nginitian sila nito na para bang sinasabi sa kanila na huwag silang mag-alala at magiging maayos ang lahat.

Kinausap sila ng mga ito, bahagyang kinilala. Siya ang nagpakilala sa kanila. Ipinaliwanag niya ang pangalan ng kanilang banda, The Harries. Lahat kasi sila ay Harry. Siya ang maituturing na Harry One. Harry na ang buong pangalan niya, hindi lang basta nickname. Harry Two si Harrison. Harry Three si Harriete. Harry Four si Ford dahil Harrison Ford. Harry Five si Ben na ipinilit lang nilang talaga. Hinanapan lang ng paraan para maging Harry rin. Roque ang apelyido nito. Mukhang naaliw naman ang mga tao.

Hindi lang pinakinggan ng mga ito ang demo nila, pinag-perform din sila ng live. Sa unang pagkakataon ay nakatapak sila sa isang malaking recording studio. Ipinagamit sa kanila ang mga instrumento na naroon. Para talaga siyang mawawalan ng malay pero nagawa naman niyang kumanta. Napaghusayan naman niya. Hindi siya pinatigil. Pinanood at pinakinggan ang banda niya. Napakalaking bagay na niyon para kay Harry. Ang sabi niya ay solve na siya. Hindi niya inakala na sobrang laking bagay pala na makita na pinakikinggan sila, ang kanilang musika. Habang kumakanta ay nakita niya ang ngiti ng lahat.

Nabatid niya na iyon ang tanging gusto niyang gawin sa buhay niya. Ang lumikha ng musika na pakikinggan ng mga tao.

It’s a great song, guys, sabi ni Sir Poetry.

T-thank you po, tugon ni Harry. Hindi n’yo lang po alam kung... Hindi niya naituloy ang sasabihin dahil umaapaw ang emosyon sa kanya. Tumikhim siya. "Solb na po ako, Boss." Totoo iyon. Solve na solve na siya.

It’s great, truly, sabi uli ni Sir Poetry. Itinuon nito ang atensiyon kay Harrison. The guitar intro really perks the ears. It commands attention. Binalingan siya nito. Your voice is good. There’s potency and power. We can work on clarity but it’s... organic. Great vocal performance, Harry.

Parang sasabog ang dibdib niya sa labis na kaligayahan. What he just heard was everything.

Really cool bass sound, sabi ni Sir Van kay Ben. Binigyan nito ng pansin si Ford. The keys sound a little weird on some parts, but it works so perfectly, it’s so amazing.  Tumingin ito kay Harriete kapagkuwan. Very impressive drumming. Powerful.

Harriete beamed at him.

You have a good chemistry as a band. You’re captivating.

First time po naming marinig `yan, sabi ni Harry. Parang gusto niyang maiyak dahil tama siya. Tama sila. Mahusay silang banda. Medyo natatakot po ako kasi parang may ‘but’. Sa kabila ng lahat, naroon pa rin ang trepidation. Baka rin kasi nananaginip lang siya. Baka magising na siya anumang sandali sa magandang panaginip na iyon.

It’s truly a great song, guys. Hindi exactly ‘but’ ang sasabihin ko, more of a suggestion. Do you wanna try something?

Tumango silang lahat. Tanga lang ang tatanggi sa mga suhestiyon mula sa dalawang batikang musikero.

Just minor edits, paniniguro ni Sir Van. Nothing drastic.

Tumango uli sila. Nakahanda silang gawin ang kahit na anong sabihin ng mga ito sa kanila.

Mas lumapit sina Sir Poetry at Sir Van. You’re gonna play the song again and we’re gonna interrupt and suggest.

Mataman silang nakinig sa bawat suhestiyon. Ginawa nila nang mahusay—sa abot ng kanilang makakaya—ang lahat ng sinabi ng mga ito. Dahil sa minor edits, na-elevate ang kanta. Mas naging maganda ang tunog. Parang wala namang gaanong nabago sa tunog, mas naging pulido lang.

Sir Poetry and Sir Van were gentle. Parang naramdaman din nila ang respeto. First time nilang naranasan iyon. Hindi sila na-intimidate. Hindi nila naramdaman na labis na pinakialaman ang gawa nila. Inayos lang talaga pero iyon pa rin. Ipinaramdam sa kanila na kanila pa rin ang kanta. Hindi nila alam na puwede naman pala ang ganoon.

Okay, let’s go again from the top and this time we’re recording, sabi ni Sir Poetry pagkatapos. Sinenyasan nito ang isang tech.

Bigay-todo si Harry sa pagkanta. Ginawa niya ang lahat ng suhestiyon sa kanila. Hindi niya maalala ang pagkakataon na kumanta siya na puno ng ligaya ang dibdib.

Dahil nakita niya ang magandang ngiti nina Sir Poetry at Sir Van, hindi napigilan ni Harry ang umasa. Nagustuhan naman ng mga tao roon ang performance nila. Nagkaroon siya ng pakiramdam na magiging maayos ang lahat. Ito na ang katuparan ng mga pangarap niya.

Kaya naman labis ang dismaya niya nang ibigay sa kanila ang isang thumb drive na naglalaman ng bagong recording ng kanta, audio and video.

You can use this as a demo and shop around. I-submit n’yo sa ilang labels, malumanay na sabi ni Sir Poetry.

Pakiramdam ni Harry ay mas matinding rejection iyon kaysa sa rejection na natanggap nila sa presidente ng Starlight. He felt so betrayed.

We want you, maagap na sabi ni Sir Van. Of course we want you. Iniusod nito ang isang folder palapit sa kanila. This is what we can offer. But you can get a better deal on a much bigger label. You deserve the best, guys.

We’ve been where you are now, dagdag ni Sir Poetry. "Iyong gustong-gusto mong mag-sign sa unang label na magka-interes sa `yo. The excitement can get to you. So we want you to calm down and think very carefully. Assess yourselves and make sure this is what you really want. Kung handa na ba talaga kayo dahil hindi magiging madali ang lahat. We want each of you to read our offer very carefully. Gusto namin na intindihin ninyong maigi. Ipabasa n’yo sa isang abogado o kahit na sa mga kapamilya at kaibigan na pinagkakatiwalaan n’yo.

We also want you to know what’s out there, what you can get from other labels. We want you to have options. You’re all very talented. You’re also all young. Wala pang nakakatuntong ng beinte anyos sa inyo. The world is yours.

Hearing those words meant the world to Harry. Iba ang naging boost ng confidence. Naniniwala ang mga ito sa kanila. Nakita ng mga ito ang potensiyal. Naniwala ang mga ito na maaari nilang makamit ang inaasam nila.

Hindi niya magawang magsalita. Walang makapagsalita sa kanila. Alam niya na hindi lang siya ang bahagyang nahihirapan na iproseso ang nangyari.

Nakinig sila habang sinasabi sa kanila na maliit at independent label ang Sweet Talk. Sinabi sa kanila kung paanong mas may resources ang malalaking label para sa kanila.

We’re gonna be rooting for you no matter what.

Ipinagpasalamat ni Harry na binigyan sila ng option ng Sweet Talk. Binigyan sila ng panahon na kumalma at makapag-isip talaga. Naramdaman talaga niya ang concern ng mga ito. Naramdaman niya ang pananalig ng mga ito sa kanilang banda, sa kanilang mga talento.

Kaya hindi pa man sila umaalis sa Sweet Talk nang araw na iyon, alam na niya na babalik siya roon. Doon niya gustong lumago at maging mas mahusay. Sa label na iyon niya gustong ibigay ang lahat ng kaya niyang ibigay.

Maybe he was young and naive, but he wanted to devote his life to making music with Sweet Talk.

Kahit na sigurado na si Harry sa magiging pasya, hindi muna niya sinabi sa mga kabanda. He was the frontman at minsan ay

Enjoying the preview?
Page 1 of 1