Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Then Came You
Then Came You
Then Came You
Ebook229 pages3 hours

Then Came You

Rating: 5 out of 5 stars

5/5

()

Read preview

About this ebook

Roni hit the lowest point in her life. Nangyari ang isang bagay na hindi niya inakalang mangyayari sa kanya. Nangyari sa kanya ang kaparehong bagay na nangyari sa kanyang ina. Her husband left her for her best friend. 

 

Alam ni Roni na ang kanyang ina lang ang lubos na makakaintindi sa kanyang pinagdadaanan, ang makakatulong talaga sa kanya. Kailangan niyang malaman kung paano nito nalampasan ang lahat, kung paano nito napaghilom ang mga sugat. Kaya naman mula Boston ay umuwi siya ng Pilipinas at nagtungo sa isang maliit na bayan kung saan na nakatira  ang ina.

 

Doon niya nakilala si Sef, ang anak ng partner ng kanyang ina. She was not ready for him. She was not ready for her reaction to him. 

Why did he have to be that gorgeous?

 

LanguageTagalog
PublisherBelle Feliz
Release dateApr 29, 2022
ISBN9798201997090
Then Came You
Author

Belle Feliz

Belle Feliz writes Tagalog romance.

Read more from Belle Feliz

Related to Then Came You

Related ebooks

Reviews for Then Came You

Rating: 5 out of 5 stars
5/5

9 ratings2 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

  • Rating: 5 out of 5 stars
    5/5
    Isa na naman po na story niyo na kakaiba. grabe lang ?

    Thank you so much po, Ms Belle ?
  • Rating: 5 out of 5 stars
    5/5
    Sef is so perfect! Love that the female lead's name is Veronica! Same with my daughter! More stories like this Ms. Belle! Not just only love stories but also abour mother's love. ?

Book preview

Then Came You - Belle Feliz

To you, my dear reader,

with gratitude.

xoxo

Contents

Contents

Chapter One

Chapter Two

Chapter Three

Chapter Four

Chapter Five

Chapter Six

Chapter Seven

Chapter Eight

Chapter Nine

Chapter Ten

Chapter Eleven

Chapter Twelve

Chapter Thirteen

Chapter Fourteen

Chapter Fifteen

Chapter Sixteen

Epilogue

About The Author

Chapter One

HOW DID I END UP HERE? Iyon ang tanong ni Roni sa sarili na hindi niya masagot-sagot. Idinikit niya ang noo sa glass window ng sinasakyang provincial bus. Huli na ang lahat para magbago ng isipan. Ayon sa konduktor ng bus, isang oras na lang at mararating na nila ang stop na bababaan niya.

Hindi pa rin mapaniwalaan ni Roni na patungo siya sa kanyang ina. Ina na matagal na niyang hindi nakikita nang personal. May ilang pagkakataon na nagkakausap sila pero palaging hindi nagtatagal ang usapan na iyon. Madalas na siya ang unang nagpapaalam. Madalas siya ang abala para makipag-usap nang matagal. Kaya naman madalas na ang ina ang tumatawag sa kanya para mangumusta.

Nanikip ang dibdib ni Roni. She hadn’t been a very good daughter, she realized recently. She had ignored her for so long. She had left her. She didn’t choose her. She had been so horrible to her mother she felt like she had no right to go to her now. Bakit naglakas-loob siya? Paano na lang kung hindi siya nito tanggapin, itaboy siya?

No. Hindi iyon magagawa sa kanya ni Virgie. Alam niya na mahal siya nito sa kabila ng lahat. Hindi siya nito itataboy. She would welcome her with open arms.

Mas nanikip ang kanyang dibdib sa realisasyon. Hindi kasi nagbabago ang pakiramdam na hindi siya nararapat sa ganoong pagmamahal at debosyon.

Sa kabila ng katotohanan na iyon, heto pa rin siya. Nakasakay sa isang bus patungo sa tao na lubos na makakaintindi sa kanya at sa kanyang kasalukuyang pinagdadaanan.

How did I end up here?

Roni used to have it all. A good career as a young brilliant neurosurgeon, a great husband, a nice enough home and a great set of friends. She had been happy in her life–for the most part. Halos wala na siyang mahihiling pa dahil ibinigay naman sa kanya ang lahat ng hiniling niya.. Then suddenly, everything had changed. She came home one day and everything was never the same again. Na para bang panaginip na lang ang masasayang sandali, ang magandang buhay.

May pagkakataon din na parang alam niya kung paano siya humantong sa ganoon. Ayon kay Brandon, ang kanyang ex-husband, she was seldom present. Na para bang siya lang ang naging labis na abala sa trabaho. He was lonely. He needed someone and he found that someone across the street. Her friend. He made her feel like the whole thing had been her fault. Nakakagalit marinig iyon dahil wala siyang kamalay-malay. Wala naman itong sinabi sa kanya before. Sinabi lang nito ang mga pagkukulang niya pagkatapos nitong magtaksil. Hindi niya inakala. Ni hindi siya nakaramdam ng kahit na maliit na duda. She was completely blindsided.

Hindi niya matanggap na naloko siya. She was livid. Livid was not even a strong enough word for what she had felt.

Dahil sa pakiramdam na iyon kaya narito siya ngayon.

Don’t be like your mother!

Mariing naipikit ni Roni ang mga mata nang parang umalingawngaw sa kanyang isipan ang tinig ng ama. Sinundo siya nito sa flower shop na pinagtatrabahuhan ni Ellen, ang bago ng kanyang ex-husband at dating matalik niyang kaibigan. She made a scene and they had to call the cops on her. Bago pa man dumating ang pulis, naunahan na ang mga ito ng kanyang ama. Halos kaladkarin siya nito paalis.

You look pathetic. Iyan ba ang gusto mong makita nila? Nawalan ka na ba ng respeto sa sarili mo?

Narinig ni Roni ang mga salitang sinabi ng ama pero nanatili ang focus niya sa unang pangungusap. Don’t be like your mother. Don’t be like your mother. Nagpaulit-ulit iyon sa kanyang isipan.

Then it suddenly struck her. She was being like her mother when her dad cheated on her, when he chose her stepmother over her. And after twenty years, she finally understood.

She had finally understood. She finally knew what her mother had felt, what she had gone through.

Kaya pala. Kaya pala naging ganoon si Virgie. Nakakawala pala talaga sa sarili ang galit, pait at pagkamuhi.

Mabilis na umalpas ang galit sa dibdib ni Roni para sa ama. Don’t be like my mother? Don’t be like my mother, did you really say that to me, Dad? Hindi na nakapagtataka na kay Brandon ang sympathy at understanding mo dahil pareho kayong cheater.

Roni, hindi na dapat balika–

I will be like my mother! You don’t have the right to tell me not to be like her. You made her the villain when you’re the one who was at fault. Don’t make it as if she was crazy for doing what she did because I do understand now. I know what she had felt then. You deserved everything she did to you in the past. You deserved more. Marahas na ibinaling ni Roni ang paningin kay Stella, ang kanyang stepmother. You don’t deserve to be happy. Cheaters don’t deserve to be happy. She was aware that there was so much hate and anger but she didn’t care. She was full of emotions.

How can you even sleep at night? How can you look at yourselves in the mirror? How can you even live? akusa niya sa dalawa. Paano kayo nagiging masaya samantalang alam na alam ninyong nanakit kayo ng ibang tao? Then you made everyone believe that that person was at fault. Na kasalanan niya kung bakit ka nagloko! Ang sama ng naging tingin niya sa ama. Tumingin uli siya kay Stella pagkatapos. Alam mo namang may asawa na, nilandi at pinatulan mo pa!

Her father had slapped her. Hindi naramdaman ni Roni ang sakit pero alam niya ang ginawa ng ama. Ilang sandali na nasa state of shock siya. Hindi niya mapaniwalaan na sinaktan siya nito. Kahit na paano rin ay nahimasmasan na siya. Alam niyang lumalabis na siya. Pinagsisisihan niya ang outburst pero hindi ang mga realisasyon at nararamdaman.

Roni, honey, I’m sorry. I didn’t mean–

Itinaas ni Roni ang mga kamay upang pigilan ang paglapit ng kanyang ama sa kanya. Mababakas sa buong mukha nito ang labis na pagsisisi sa ginawa. Hindi rin siguro nito mapaniwalaan ang nagawa sa kanya.

Roni knew he didn’t mean to. Napahupa ng sampal kahit na paano ang mga emosyon. Nakakapag-isip na siya at hindi lang mga masisidhing emosyon ang umiiral.

No, stay away from me, aniya sa mas mahinahon na tinig. You can’t help me. None of you here can help me. You just don’t know and you will never know how I feel. I need to go.

Matiwasay na nakauwi si Roni sa kanyang bahay pagkatapos ng outburst niya sa bahay ng magulang. Hindi iniisip ang time difference, tinawagan niya ang kanyang ina. Nang marinig niya ang malambing nitong tinig ay hindi niya napigilan ang kaagad mapahagulhol.

Kaagad na nag-alala si Virgie nang marinig ang pagtangis ng anak. Sinikap nitong kalmahin siya pero hindi niya magawang tumahan. Roni was not a crier. In fact, it was the first time she had cried since Brandon told her he was leaving her to be with Ellen. Her first reaction was anger and hatred. She felt the excruciating pain, but she didn’t cry. She stayed mad and she had vowed to not make things easy for the two cheaters.

I’m sorry, sabi ni Roni sa ina habang patuloy sa paghagulhol. Hindi nga niya sigurado kung nauwaan nito ang sinabi niyang iyon. I’m so sorry, Mommy. I didn’t know it was like this. I didn’t know.

It’s okay, anak. It’s okay. Wala kang dapat na ihingi ng paumanhin. Hindi ko gustong marinig na umiiyak ka nang ganito at malayo ako, pero let it all out. You’d feel a lot better when all the tears are out. It’s going to be all right, anak. Mahirap paniwalaan pero huhupa rin ang sakit.

Lalo lang napaiyak si Roni. Hindi nagtanong si Virgie kung ano ang nangyari, hinayaan lang siya nitong umiyak. Inaalo siya nito at sinasabing magiging maayos ang lahat kahit na alam nitong mahihirapan siyang paniwalaan iyon.

Roni was so drained that night. Halos hindi niya namalayan na nakatulog na siya habang kausap pa niya ang ina. Hindi siya lumabas ng bahay kinabukasan at inisip ang mga kailangan niyang gawin. She wanted to continue making things difficult for Brandon and Ellen. She didn’t want to make things easy for the two people who betrayed her. They shouldn’t get away with everything.

But she wanted her mother more. She wanted to be with her. Alam niya na si Virgie lang ang makakatulong at makakaintindi sa kanya. Hindi siya matutulungan ng ama lalo na ang kanyang stepmother. Mas madadamay lang ang mga ito sa nararamdaman niyang galit at pagkamuhi para kina Brandon at Ellen.

She hastily made a decision. Pupuntahan niya ang ina. Uuwi siya ng Pilipinas. Bago pa man niya mapag-isipan talaga ang gustong gawin, nakapag-empake na siya at nakabili ng ticket pauwi ng Pilipinas. Ni hindi siya nagpaalam sa ama at stepmother. She just had to be with her mother.

Hindi nga lang niya sinabi kay Virgie ang plano kahit na alam niyang dapat. Natatakot siya na tanggihan siya nito. Hindi niya gustong marinig na hindi iyon magandang ideya. Sa totoo lang ay may karapatan ang ina na tanggihan siya. Pagkatapos niyang piliin ang ama dalawang dekada na ang nakakaraan, nararapat lang sa kanya ang lahat ng rejection mula kay Virgie.

Kaya narito si Roni, nakasakay sa provincial bus patungo sa kanyang ina. Virgie used to be a professor at a prestigious college in Manila. She was respected and revered. Until her father had cheated and decided to end their marriage. She had begun drinking excessively and she made things really difficult for her father and stepmother. She lost the respect because she was so broken she couldn’t keep things together.

Isang doktor ang ama ni Roni. Not a hotshot doctor but a decent general practitioner. Doktor na nagpasyang bumalik sa kolehiyo para maging isang nurse. Plinano nitong magtungo ng States dahil in-demand ang mga Filipino nurse. Vernon, her dad, had always wanted the American dream. Hindi gaanong sang-ayon si Virgie pero dahil mahal nito ang asawa, sinuportahan nito ang gusto. Sa nursing school nito nakilala si Stella. The affair had lasted for two years before he decided to leave his wife for the other woman.

Nagkaroon ng pagkakataon na makaalis ng bansa sina Vernon at Stella. Dinala siya ng mga ito at pumayag si Virgie dahil gusto niyang sumama sa kanyang ama. Naging maayos ang buhay nila sa Amerika. Madalang silang umuwi ng Pilipinas kaya madalang din niyang nakikita ang ina. Madalas siya nitong tawagan pero madalas nga na hindi siya nagtatagal sa telepono o kahit na sa harap ng computer. She had so much to do. She had always been busy.

May mga pagkakataon na nag-summer si Roni sa Pilipinas pero madalas na dalawang linggo lang at nahahati pa ang oras niya sa mga grandparents. Pagkatapos niya ng high school ay mas naging abala siya sa buhay niya sa Amerika at mas dumalang ang pag-uwi niya ng Pilipinas. Med school was not a walk in the park. Then came residency. Then fellowship.

Virgie would always tell her she understood but Roni had just realized how it must have been hard and heartbreaking.

When she got married, Virgie was not able to attend. She and Brandon opted for a simple small wedding. They got married two weeks after he proposed. Medyo huli na nang maalala niyang tawagan si Virgie at huli na para planuhin ang isang trip abroad. She realized it must have been so hard for a mother not to be able to see her only daughter getting married to the man she decided to spend her life with.

Ngayong hindi nag-work ang marriage na iyon ay patungo siya sa ina. Anong klase siyang anak?

Virgie had never gotten married again but she was with someone for a long while now. Hindi niya alam kung bakit hindi nagpakasal ang ina pero iniwan nito ang buhay sa Maynila at nagpasyang manirahan sa isang maliit na munisipalidad para makasama ang partner. That was telling something. Nabatid ni Roni na wala siyang ideya kung ano ang buhay nito sa probinsiya, kung masaya ito sa kasalukuyang sitwasyon. Ni hindi niya alam kung anong klase ng tao ang stepfather niya. She didn’t ask. She always forgot to ask.

Isa rin siguro iyon sa mga dahilan kung bakit masidhi ang kagustuhan niyang makita si Virgie. Gusto niyang makita ang kalagayan ng ina pagkatapos ng ginawa ng kanyang ama. How did she live her life? How did she move on?

Paano nagpatuloy ang buhay para rito? Paano nito nabuo uli ang mga nabasag na piraso? Paano ito naging masaya uli? Ipinapanalangin niya na sana ay masaya ang madatnan niyang Virgie.

Gusto niyang malaman ang mga sagot sa tanong na iyon sa lalong madaling panahon. Gusto niyang malaman kung ano ang kailangan niyang gawin.

Virgie was the only one who could help her get through this.

Sinabi ng konduktor kay Roni na bababa na siya sa susunod na bus stop. Dahil iyon ang unang pagkakataon na makakarating siya sa bagong bahay ng ina, kinailangan niyang sabihin sa konduktor na kailangan nitong sabihin sa kanya kapag malapit na siya at kapag narating na niya ang tamang babaan.

Pagbaba ni Roni sa bus ay hindi niya alam ang gagawin sa loob ng ilang sandali. Nakatayo siya sa gilid ng kalsada katabi ang kanyang maleta. She felt as if she was in another world. Hindi ito ang nakasanayan niyang lugar. Malayong-malayo.

How did I end up here? muli niyang naitanong sa sarili.

Nasa isang bayan siya. Hindi iyon katulad ng inaasahan niya. Hindi isang bus stop sa gitna ng highway at walang kahit na anong establishment. May mga establishment sa kanyang paligid. May malaking Catholic church sa kanyang harapan. There were lovely flowers in different colors in front of the church. Sa kanyang kanan ay may 7-Eleven.  Sa kanyang kaliwa ay may fast-food restaurant. Abala ang kalye sa mga dumaraang motorista.

Hindi naman malaman ni Roni kung bakit inasahan niya ang isang liblib na lugar. Isang lugar na walang gaanong tao at establishment. Lahat ng lugar ay nasa progreso na.

Isang matandang lalaki ang lumapit sa kanya. Nginitian siya nito kahit na wala nang ngipin. His face was friendly. May sundo ka po, Ma’am?

Halos wala sa loob na umiling si Roni. Hindi alam ni Virgie na parating siya. Alam niya ang address nito sa probinsiya dahil nakalagay iyon sa return address ng mga packages na ipinapadala nito sa mga mahahalagang okasyon. Alam niya na may store sa bayan ang kinakasama ng ina. Nabanggit din minsan ni Virgie ang pangalan ng shop. She had a good memory. She wasn’t really paying attention to that at the time but she was able to remember the name.

Maquiling, ani Roni sa munting tinig. Alam niya na wala pa siya sa Maquiling. Nasa kabilang bayan pa iyon pero ang bayan na iyon ang may pinakamalapit na bus stop.

"Puwede ko po kayong ihatid doon, Ma’am. Wan pipti lang po." Itinuro nito sa kanya ang isang tricycle na luma na pero mukhang matibay pa rin naman.

Hindi na gustong tumayo pa ni Roni sa gilid ng daan kaya tumango na lang siya. Humingi ng permiso ang tricycle driver na bitbitin ang maleta niya. Dapat siguro ay mas mag-ingat siya sa mga estranghero at hindi dapat siya nagtitiwala kaagad, pero ano naman kasi ang gagawin niya, maglakad papuntang Maquiling? Hindi nga niya alam ang daan.

Masyado nang mahaba ang kanyang naging biyahe. Gusto na lang niyang makarating sa dapat na puntahan.

Ilang sandali na pinagmasdan ni Roni ang tricycle at hindi makasakay. Hindi iyon ang unang pagkakataon na makakasakay siya ng tricycle. Noong bata siya ay nakakasakay naman siya sa tricycle. Masyado lang sigurong matagal na panahon ang lumipas at hindi niya inakala na makakasakay uli siya sa ganoon.

Nang tumingin si Roni sa tricycle driver ay nakita niyang salubong na ang mga kilay nito. Pinilit niya ang sarili na sumakay na bago pa man ito magkaroon ng impresyon na

Enjoying the preview?
Page 1 of 1