Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Mga Sugat sa Puso
Mga Sugat sa Puso
Mga Sugat sa Puso
Ebook79 pages45 minutes

Mga Sugat sa Puso

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Ano ba ang mas importante? Pag-ibig o karera? Ang mga taong praktikal ay magsasabing, hindi ka mabubuhay sa pag-ibig lang. Samantalang ang pera ay pambili ng pagkain at pambayad ng pangangailangan para mabuhay...

Si Gabriella ay ikinasal kay Rolando. Nagkaanak na sila ngunit nanatili sa kanya ang matayog na ambisyon. Nagpunta siya sa ibang bansa upang magtrabaho. At siya ay nagtagumpay. Ngunit ang naging kapalit ay ang pagmamahal ng kanyang asawa at anak...

Paano ba mapapaghilom ang mga sugat sa puso na idinulot ng paghihiwalay?

LanguageTagalog
PublisherRomantique
Release dateJul 31, 2018
ISBN9780463772225
Mga Sugat sa Puso
Author

Romantique

I am Romantique, a Filipino romantic writer. I had written romance in the past and now I am returning to the fiction writing scene. Through the past 10 years, I was an online article writer. Thanks to Smashwords, my dream of writing romance again has become a reality.

Read more from Romantique

Related to Mga Sugat sa Puso

Related ebooks

Reviews for Mga Sugat sa Puso

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Mga Sugat sa Puso - Romantique

    CHAPTER ONE:

    MEMORABLE ang araw na iyon para kay Gabriella Adaza, ang proprietress at chef ng sikat na sikat nang 'Gabbi's Lutong-Bahay Restaurant'.

    Sunud-sunod ang mga papeles na pinirmahan niya. Magkakasabay ang labimpitong applications for franchise na inaprubahan niya. Kaya magkakasabay ring magsusulputan sa iba't ibang panig ng Metro Manila ang mga branches ng mga restawran na nagtataglay ng pangalan at istilo ng pagluluto niya.

    Isa na siyang milyunarya ngayon.

    Wala nang kahirap-hirap ang pagkita niya ng pera. Nasa rurok na siya ng tagumpay na ninais marating. Pero bakit hindi pa rin siya masaya?

    Mayroon kasi siyang dapat na kasama habang papaangat nang papaangat ang estado ng kanyang buhay.

    Ano pa ba ang hinihintay niya?

    Oh, Rolando! Nasasabik na akong makita ka. Sana'y hindi mo naman tinutoo ang masasakit na salitang binitiwan mo sa akin noon... ang taimtim na usal niya.

    Naudlot ang pagmumuni-muni niya, nang sumungaw ang ulo ni Marie sa pinto, ang sekretarya niya.

    Ate Gabbi, me naghahanap sa 'yo. Rico Dominguez daw.

    Bumuntonghininga si Gabriella. Pinuwersang ibalik sa kasalukuyan ang isipan. Heto pa ang isa pang bagay na dapat niyang desisyunan ngayong araw na ito.

    S-sige, papasukin mo na.

    Isang matangkad at medyo payat na binata si Rico Dominguez, isang television executive producer.

    Good morning, Gabbi, anang modulatong boses ng disenteng lalaki. I've got good news for you!

    Bahagyang kumunot ang noo ni Gabriella. Hindi pa rin ako sigurado kung good news din para sa akin 'yang sasabihin mo, Rico.

    Nakilala niya ang kaharap bilang kostumer sa kanyang restawran. Napahanga ito sa sarap ng mga pagkain nila kaya nagpumilit na makilala at makipagkaibigan sa kanya. Nararamdaman niyang may atraksiyon si Rico, kaya naman mailap pa rin siya rito kahit na matagal na silang magkakilala. Kahit na nagdadala ito ng iba pang mga parukyano sa restawran upang mapalapit sa kanya.

    Tiyak na matutuwa ka, Gabbi, giit nito.

    Ano ba 'yon? Pilit ang interes na nakabahid sa tinig niya.

    May magandang offer sa 'yo ang network! Gusto ka nilang bigyan ng ten-minute slot--pagkatapos mismo ng early evening news, ang excited na pagbabalita ng binata. Imagine, Gabbi? Baguhan ka pa lang--pero gusto ka na nilang ilagay sa primetime!

    Napabuntonghininga lang uli si Gabbi.

    Hindi ka ba natutuwa?

    Umiling siya. Alam mong hindi ako interesado d'yan, Rico, tugon niya.

    Pero lalo kang sisikat kapag lumabas sa telebisyon, Gabbi, pang-aamuki ng binata. Makikilala na ng maraming tao ang fantastic cooking mo!

    Sikat na ako, sabi mo nga, bawi niya. Hindi ko na hangad na sumikat pa lalo.

    'Iba na ang hinahangad kong makamtan ngayon...' dagdag niya sa sarili.

    Saglit na napatunganga si Rico Dominguez. Marami ka pang puwedeng marating, Gabbi! bulalas nito. Hindi makapaniwalang wala na siyang ambisyon na lampasan ang narating na niya.

    I'm sorry talaga, Rico. Wala 'yan sa mga inambisyon kong marating nung makipagsapalaran ako dito sa siyudad. Seryoso at tiyak ang kanyang pahayag. Sa katunayan, nag-iisip na nga akong umalis, dagdag pa niya, halos wala sa loob.

    A-ano? Saan ka naman pupunta? Nag-alala na agad ang binata.

    B-babalik na lang siguro ako sa pinanggalingan ko.

    Gabbi, please, listen to me. Hindi mo puwedeng iwanan ang buhay mo dito. You got everything here. Lahat ng oportunidad ay nandito. Pati ang kaligayahan mo. May bahid na ng desperasyon ang huling pangungusap nito.

    Nagkakamali ka, Rico. Wala dito ang kaligayahan ko. Tumindig si Gabriella mula sa swivel chair. Humakbang patungo sa bintana upang tumanaw sa malayo. Sa gawing kinaroroonan ng pag-ibig na iniwanan niya noon.

    'Oh, Rolando...' ang panaghoy ng puso niya.

    Nandito naman ako, Gabbi. Handa akong gawin ang kahit na ano para sa 'yo--para sa ikatatagumpay mo.

    Sinundan siya ni Rico. Hinawakan sa magkabilang balikat upang masuyong iharap.

    Nakipagtitigan si Gabriella sa binata, pero wala siyang nadamang anuman.

    I think I love you, Gabbi, ang mausyong bulong nito. Ikaw ang babaeng gusto kong pakasalan.

    Napakurap si Gabriella. Saglit siyang napatigagal. Minsan na kasi niyang narinig ang mga katagang iyon. Matagal na matagal nang panahon ang nagdaan...

    K-kaibigan lang ang turing ko sa 'yo, Rico. Pinilit niyang gawing kalmado ang kanyang tono. M-may iba nang nagmamay-ari sa puso ko, dagdag niya, para makabawas sa sakit na idudulot ng pagbigo niya.

    S-sino sa mga karibal ko ang pinalad na lalaki? tanong ni Rico.

    Wala kang karibal, Rico, pagtatama niya. Isa pa, hindi ka naman nanliligaw sa akin, a? Magkaibigan lang tayo, paalala pa niya.

    Bumuntonghininga ang binata. Napakailap mo naman kasi. Para kang hangin na kay hirap hulihin.

    Bahagyang napangiti si Gabriella. Mabuti't nakikita mo pa ako, aniya. Ang tutoo'y wala akong interes na makipagrelasyon kaninuman, dugtong niya. Muling sumeryoso.

    Tinitigan siya uli ni Rico. Naiwan ba siya sa pinagmulan mo, Gabbi? Siya ba ang babalikan mo, 'pag alis mo rito? panghuhula nito.

    Marahang tumango si Gabriella.

    P'ano kung wala na siya doon? P'ano kung hindi na siya naghihintay sa 'yo?

    Iyon ang

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1