Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Hiram na Pag-ibig
Hiram na Pag-ibig
Hiram na Pag-ibig
Ebook85 pages1 hour

Hiram na Pag-ibig

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Ang puso daw ay bulag sa pag-ibig. Katulad ng puso ni Honey... Matagal na siyang umiibig sa pinakasimpatikong lalaking nakilala niya – si Robert. Ngunit wala naman siya sa kalingkingan ng maganda at modelong girlfriend na ‘Honey’ rin ang palayaw.

Nang tugunin ng tadhana ang sikretong hiling, sinunggaban ng dalawang kamay ni Honey ang atensiyon na iniukol ni Robert sa kanya... kahit na siguradong masasaktan siya bandang huli!

LanguageTagalog
PublisherRomantique
Release dateAug 1, 2018
ISBN9780463543900
Hiram na Pag-ibig
Author

Romantique

I am Romantique, a Filipino romantic writer. I had written romance in the past and now I am returning to the fiction writing scene. Through the past 10 years, I was an online article writer. Thanks to Smashwords, my dream of writing romance again has become a reality.

Read more from Romantique

Related to Hiram na Pag-ibig

Related ebooks

Reviews for Hiram na Pag-ibig

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Hiram na Pag-ibig - Romantique

    Chapter One:

    ANG pag-ibig, kapag dumating sa puso, ay hindi alam kung saan at kung kailan. At ni walang dahilan. Basta nararamdaman na lang na umiibig na nang lubos. 

    Ganito ang dinanas ni Honey. Ngunit ang pag-ibig na nararamdaman niya ay  agad ring binahiran ng lungkot. Hindi pa man ay kaagad na siyang nabigo. Pag-aari na pala ng ibang babae ang lalaking napusuan niya.

    Atsaka hindi sila magkabagay.

    Si Robert De Vera ay isa sa napakaraming suki ng kanilang karinderya. Kahit na mayaman ito at halatang sosyal, malimit itong makipagsiksikan sa mga kustomer ng munting restawran nila.

    Ayaw niyang may makahalata sa lihim na pagtingin niya sa binata kaya hindi lumalabas ng kusina si Honey kapag dumating na ito para mananghalian o magmeryenda.

    Marami siyang naidadahilan, katulad ng paglilinis ng refrigerator at paghuhugas ng mga ginamit na kaldero.

    Mas gusto niyang magkaskas ng mga higanteng kaldero sa loob ng mainit na kusina.

    Nagkakasya na lamang si Honey sa mga panakaw na pagsilip sa maliit na bintana na pinalagyan nila ng one-way mirror. Sa pamamagitan ng palihim na panunubok, nakilala niya ang malalapit na kaibigan ni Robert kasa-kasama nito. Pati na ang maganda at seksing nobya – na kapalayaw pa niya!

    Maria Honesta Mallari ang buong pangalan niya. Samantalang ang sosyal na modelo ay may screen name na Honey Baron.

    Elegante. Sopistikada. Matangkad. Maputi. Makinis.

    Pero ubod ng arte.

    Halos kabaligtaran si Maria Honesta o Honey. Simple lang siya. Medyo mapusyaw ang kulay ng makinis na balat. Medyo matangkad nang kaunti. Marunong magdala ng damit kung kinakailangan. At walang kiyeme sa pagkilos. Palagi siyang maliksi, lalo na kapag nagtatrabaho sa loob ng kusina.

    Hindi dahil sa magkaribal sila sa pag-ibig kay Robert kaya nasasabi ni Honey na maarte ang modelo. Ang totoo ay talagang maarteng kumilos ang babae.

    Palagi itong nakaingos at nakataas  ang noo kapag nagpupunta sa kanilang kainan, ang HoneyBee Eatery & Catering. Alam niyang hindi pa rin nakapasa sa sosyal na panlasa ni Miss Baron ang malinis at simple pero semi-class na kaayusan ng kanilang puwesto. Siguradong mas gustong sa mga five-star hotel and restaurants.

    Gayunpaman, walang magawa si Honey kundi ang tumanggap ng pagkatalo dahil halatang-halata naman na napapaligaya ng nobya si Robert. Kahit na masakit, sumasaya na rin ang kanyang kalooban sa tuwing nakikitang nakangiti ang lalaki kapag kasama si Miss Baron.

    ‘Baliw ka talaga, Maria Honesta!’ Sinusumbatan niya palagi ang puso. Pero wala naman talaga siyang puwedeng gawin kundi ang maging maligaya para sa minamahal.

    Hanggang sa lumipas ang dalawang taon…

    Ang sikretong pag-ibig ay nanatiling buhay. Hindi man yumayabong, patuloy naman sa paglalim ang mga ugat. Tila hindi na makikitil kahit ano pa ang gawin niyang paraan ng paglimot.

    Isang araw, naiwanang mag-isang nakatao si Honey sa eatery. Linggo kasi kaya ang tatlong serbidora at dalawang helper na lalaki ay mga naka-day-off. Ang biyudang ina na si Aling Modesta ay nagsimba sa Baclaran. Ang mga nakababata niyang kapatid na sina Mark, Manny, at Au-Au ay nanood naman ng sine.

    Hindi na sana magbubukas ng puwesto si Honey dahil Linggo naman. Pero sayang rin ang kikitain kahit siguradong madalang ang mga kustomer.

    Nang makita si Robert at ang ilang mga kaibigan, agad na nagsisi ang dalaga kung bakit binuksan pa niya ang maluwang na pinto ng eatery.

    Halos hindi makontrol ang pangangatog ng mga tuhod niya dahil ngayon lang niya makikita nang malapitan ang binata. Parang naubusan ng hangin ang mga baga ni Honey nang lumapit si Robert sa counter para um-order ng pagkain.

    Maririnig na niya ang boses ng tanging lalaking pinag-ukulan niya ng makukulay na panaginip at malalalim na buntonghininga.

    Good afternoon, miss, ang magalang na bati ng binata sa kanya. Tila nagtataka habang nakatitig sa mukha ni Honey. Wala si Aling Modesta?

    Ikinuyom ni Honey ang mga palad na mariing ibinaon sa magkabilang bulsa ng suot na jeans. Ilang segundo siyang nakatulala habang ang utak ay paulit-ulit na nagtatanong. Nakapagsuklay na ba siya? Nakapagpulbo ba pagkatapos mag-shower kanina?

    H-ha? A, e, n-nagsimba. Nagkapili-pilipit ang dila niya. Hindi magkandatuto sa pagtugon.

    Oh my God! Mas mapungay pala ang mga mata ng mahal ko sa malapitan. Parang pambabae ang mahahaba at makakapal na pilikmata pero hindi naman nakabawas sa masculine appeal. Napakatangos ng ilong. Kayumanggi ang malinis na balat. Lalaking-lalaki.

    Pinilit  niyang ipaling ang tingin upang muling makapagsalita. Daig pa niya ang nahihipnotismo habang nakatingin kay Robert.

    Er, a-ano po ba ang kailangan n'yo kay Inay? tanong ni Honey nang makabawi ng kaunting wisyo. Napasulyap siya dalawang kaibigan ni Robert nakaupo sa di-kalayuang mesa pero nakamasid sa kanilang dalawa.

    Anak ka rin ni Aling Modesta? Napamaang ang binata. Ikaw siguro ang sinasabi niyang panganay?

    Lumala ang nadaramang pagkakimi ni Honey. Ngunit pinilit niyang paglabanan ang biglaang pag-atake ng pagkamahiyain. Beinte-nuwebe na siya. Dalawang taon na lang, wala na sa kalendaryo ang edad niya. Malapit nang mapag-iwanan ng biyahe.

    Okey lang sa kanya. Si Robert lang naman kasi ang gusto niya…

    Baliw…

    Kapag natuluyan siyang tumandang dalaga, ang dahilang iisipin ng mga tao ay ang sobrang pagkalibang niya sa pagnenegosyo. Magmula nang yumao ang ama, siya na ang gumampan sa papel na magulang para sa mga nakakabatang kapatid. Sakitin kasi ang kanyang ina. Nag-working student siya para makatapos sa college. Nagsipag at nag-ipon ng puhunan nang makapag-abroad.

    Kaya wala siyang dapat ipangimi sa harap ng lalaking lihim na itinatangi.

    Ako nga po. Sino po ba sila? Nagawa niyang maging matatag nang umiwas ng tingin. Hindi lang niya makontrol ang pamumula ng mga pisngi dahil titig na titig sa kanya ang lalaki.

    Ako si Robert De Vera. Nasa tapat lang ang opisina namin. Isang calling card ang iniabot sa kanya. "Puwede bang malaman

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1