Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Ninasa sa Panaginip
Ninasa sa Panaginip
Ninasa sa Panaginip
Ebook86 pages56 minutes

Ninasa sa Panaginip

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Nagtataksil ba si Rafael sa kanyang asawa dahil ibang babae ang palaging kasama sa mga panaginip?

Sa paglipas ng panahon, nakumbinsi niya ang sarili na bunga lang imahinasyon ang misteryosang babae. Kaya gayon na lang ang kanyang pagkamangha nang magkakilala sila ni Marie sa personal. Lalo na nang tila maramdaman niyang tila kilalang-kilala na nila ang isa’t isa.

LanguageTagalog
PublisherRomantique
Release dateAug 2, 2018
ISBN9780463798775
Ninasa sa Panaginip
Author

Romantique

I am Romantique, a Filipino romantic writer. I had written romance in the past and now I am returning to the fiction writing scene. Through the past 10 years, I was an online article writer. Thanks to Smashwords, my dream of writing romance again has become a reality.

Read more from Romantique

Related to Ninasa sa Panaginip

Related ebooks

Reviews for Ninasa sa Panaginip

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Ninasa sa Panaginip - Romantique

    CHAPTER ONE:

    Palaging nagsisimula ang panaginip sa tagpong nakahiga siya sa kama. Lango sa alak ang diwa pero ang katawan ay gising at mainit. Nagpupumiglas ang pagnanasa.

    Maririnig niya ang sarili na umuungol. Bumibiling-biling pa nga ang ulo niya sa unan. Nakadaklot ang mga daliri sa kubrekama.

    Ngunit habang pinaglalabanan niya ang kahinaan ng laman, lalo lamang siyang nahihirapan. Pinagpapawisan siya. Hinihingal. Nababalisa.

    Maya-maya'y bumalikwas siya ng bangon. Pabigla. Pupunta sana sa banyo nang mapapatda sa pagtindig. Paano'y sinalubong siya ng isang aparisyon na di-kapani-paniwala.

    Madilim ang paligid ng silid-tulugan, pero may kaunting iluminasyon na nagmumula sa labas ng bintana. Kaya naaaninag niya ang hugis ng isang babaeng marahang lumalakad palapit sa kanya.

    At habang nakatitig siya, unti-unti niyang napagtatanto na wala itong saplot sa buong katawan. Hubad ang mayamang dibdib. Maliit ang beywang pero bilugan ang balakang. Mahaba ang buhok. Tuwid na tuwid. Natitiyak niyang diretso ang buhok ng babae dahil sa kinang ng liwanag.

    Nasabik agad siyang mahipo at mahawakan ang mga hiblang makintab at malusog. Pati na ang makinis at malasutlang balat. Aywan kung paano niya nasiguradong gayon ang mga katangiang makakapa ng mga palad niya...

    Noon lang niya 'nakita' ang babae. Kahit hindi niya ito maaninaw, alam niyang isa itong estranghera. Gayunpaman, parang kilala na ito ng kanyang katawan. Para bang nagkita na sila sa realidad. Para bang pagbabalik-alaala na lamang niya ang madalas na pananaginip.

    Ngunit saan sila nagkatagpo ng babaeng ito? Bakit hindi niya maalala kung saan sila nagkaniig? Sino ang babaeng nasa panaginip niya?

    A, nagtataksil siya! Nagtataksil siya kay Rina, ang kanyang asawa...

    MATAPOS ang napakahabang panahon ng paghihintay, parang sa loob lamang ng isang kisapmata nang matapos ang lahat. Sa isang iglap, bumalik sa dati ang buhay ni Alona.

    Maliban sa ilang mahahalagang pagbabago siyempre. Natubos na sa pagkakasangla ang bukirin ni Itay. Gumaling na sa malalang karamdaman ang kanyang Inay-- naipa-ospital na kasi.

    At siya naman ay makaka-graduate na. May pantustos na siya para sa huling semester ng kursong kinukuha niya: B.S. Accountancy. Baka matupad pa nga niya ang pangarap na maging C.P.A. dahil may pera pa siya para makapag-review.

    Anupa't paulit-ulit na binibilang ni Alona ang mga biyayang natanggap nitong mga huling buwan habang walang katinag-tinag sa pagkakahiga sa recovery room ng maternity ward ng isang pribadong ospital.

    Paano'y pilit niyang inaalo ang sarili. Hindi niya akalaing magiging masakit pala ang magiging wakas ng pinakamabigat na desisyong nagawa niya.

    Ang akala kasi niya noon, magiging madali lang ang paghihiwalay dahil hindi naman sila magkakakilala. Pero hindi pala, hindi pala...

    Napakagat-labi siya habang sinasapo ng isang kamay na namamanhid ang tapat ng tiyan. Wala na ang munting nilalang na nabuhay at pumintig doon sa loob ng walong mahahabang buwan. Hindi man lang niya nasilayan. Hindi man lang niya nahawakan.

    Napahikbi na siya dahil ni hindi nga niya puwedeng kilalanin ang sanggol na ipinagbubuntis at isinilang kagabi!

    Inarkila lang kasi ang katawan niya upang makalikha ng panibagong buhay. Nasilaw siya ng isang milyon--pero hindi siya nagsisisi.

    Paano siya magsisisi kung ang malalaking suliranin niya ay nalutas nang sabay-sabay?

    Ang katotohanang iyon ang nagsilbing angkla ng kanyang katinuan upang manatiling nasa kanya. Para kasing gusto na niyang mabaliw. Labis-labis na ang pangungulilang dinaranas niya gayong wala siyang alaalang pinanghahawakan. Ni anino ng anak ay hindi niya nakita.

    Ngunit pipilitin niyang makabangon. Pipilitin niyang makalimot.

    Pumikit siya nang mariin. Paano naman niya lilimutin ang gabing iyon...? Tila nakakintal na sa utak niya ang lalaking nagpunla ng binhi sa kanyang sinapupunan. Isa rin itong estranghero. Hindi rin niya puwedeng makilala.

    Pero ang paos na boses na masuyong bumubulong ng mga papuri sa kanyang balat habang inaangkin siya ay habambuhay na niyang dadalhin sa gunita!

    CHAPTER TWO:

    SAAN galing ang batang yan? tanong ni Rafael sa kabiyak na si Rina. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman habang nakatingin sa maamo at munting mukha ng sanggol na nakabalot ng makapal na lampin.

    Kulay asul ang naturang tela kaya nahulaan niyang lalaki ang maliit na anghel. At parang pamilyar...

    Inampon ko. ang maikli at pa-kaswal na tugon ng asawa. Pumayag ka na, hindi ba?

    Kumunot ang noo ni Rafael. Wala akong natatandaan na sinabi kong pumayag ako, Rina, wika niya kapagkuwan. Alam mo naman na ayaw kung umampon, hindi ba?

    Sumimangot si Rina, pero nagawa pa rin nitong maging maganda. At kahit na may hawak na sanggol, hindi pa rin maikailang isa itong commercial model.

    Napag-usapan na natin 'to ng maraming beses, darling, giit nito. Naglalambing na ang tono. Baka hindi mo na-realized na pumapayag ka na.

    Papilig na umiling si Rafael. Sinabunutan niya ang sarili habang nagpapalakad-lakad sa gitna ng maluwang na master's bedroom. Hindi niya magawang siguruhin na wala siyang ginagawang gayon. Napatunayan na sa mabilis na paglago ng mga negosyo niya ang matalas na utak niya.

    Pero nitong mga huling buwan nga ay may gumugulo sa kanyang panaginip...

    Sweetheart, ito ang kailangan natin para manatiling matibay ang ating pagsasama, pang-aamuki ng malamyos na tinig ni Rina. Inilapag na nito sa kanilang kama ang sanggol. Atsaka... hindi siya ordinaryong ampon lang, dagdag nito, pero halatang nambibitin.

    Para marahil nakuha ang buong atensiyon niya. Na nangyari naman dahil maliksi siyang lumapit sa kinatatayuan ni Rina upang hawakan ito sa magkabilang balikat. Magaan lang. Hindi niya kinakalimutan na bawal itong magkaroon ng kahit na malabong pasa sa balat.

    Ano'ng ibig mong sabihin? tanong niya.

    Well, siya ang resulta ng test tube pregnancy. Bahagya nang nakangiti ang asawa. Tila nakakasigurong matutuwa siya.

    Gayon nga ang magiging reaksiyon

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1