Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Kasal Muna Bago Ligaw
Kasal Muna Bago Ligaw
Kasal Muna Bago Ligaw
Ebook104 pages1 hour

Kasal Muna Bago Ligaw

Rating: 5 out of 5 stars

5/5

()

Read preview

About this ebook

Nawalan ng trabaho si Antonia sa parehong araw na tinanggap siya ni Victor, ang bago niyang amo. Mahirap ang trabaho ngunit maganda ang suweldo. Isang araw, bigla na lang nag-alok ng kasal si Victor...

Kung ikaw si Antonia, pipiliin mo bang magpakasal sa isang lalaking walang pag-ibig para sa iyo? Iisipin mo bang sapat na ang pisikal na atraksiyon para sa magiging asawa mo?

LanguageTagalog
PublisherRomantique
Release dateAug 2, 2018
ISBN9780463136485
Kasal Muna Bago Ligaw
Author

Romantique

I am Romantique, a Filipino romantic writer. I had written romance in the past and now I am returning to the fiction writing scene. Through the past 10 years, I was an online article writer. Thanks to Smashwords, my dream of writing romance again has become a reality.

Read more from Romantique

Related to Kasal Muna Bago Ligaw

Related ebooks

Reviews for Kasal Muna Bago Ligaw

Rating: 5 out of 5 stars
5/5

1 rating0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Kasal Muna Bago Ligaw - Romantique

    CHAPTER ONE

         A, hello, Mila? Hindi ako makakapasok ngayon. Masakit ang tiyan ko. May nakain yata akong hindi kasundo ng sikmura ko kahapon diyan sa canteen, e.

         A, ganoon ba? O sige, sasabihin ko na lang kay boss mamaya, tugon naman ng kausap ni Antonia." 

         She didn't believe Mila. Ang malas naman niyang ito pa ang nakasagot ng telepono. May lihim na galit at inggit ang babaeng iyon sa kanya.

         After a short while, nagpasiya ang dalaga na maligo at magbihis kahit na medyo masakit pa ang tiyan niya. Nanlalambot siya dahil sa maya't mayang pagpunta sa banyo kagabi ngunit hindi siya dapat mabakante. Hindi dapat... 

         Mayroon siyang nakita sa ads kaninang umaga. Puwede niyang subukan doon ngayon. Baka wala na siyang trabaho bukas pagpasok niya sa opisina nila.

         Pinilit niyang ubusin ang nilutong mami noodles bago lumabas ng bahay.

         Hindi ka pumasok, Ate Toni? salubong ng dalagitang anak ng kasera niya, si Lowie, pagkakita sa kanya.

         Ngumiti si Antonia. May pupuntahan kasi ako, Lowie. Ikaw lang ba diyan ngayon? Wala ang Mama mo?

         Namalengke, e. Puwede ba akong sumama sa iyo? Boring dito sa bahay, reklamo nito habang kukuya-kuyakoy sa beranda ng salas nito.

         Ngumiti uli ang dalaga. Hindi puwede, Lowie. Next time na lang siguro, ha? Sabik siyang magkaroon ng kapatid kaya magiliw siya sa dalagita. 

         Nagkamot ng ulo si Lowie bago humagikgik. Nagbibiro lang naman ako, Ate Toni. Babay na lang sa'yo.

         Gumaan-gaan ang pakiramdam ni Antonia habang patungo sa sakayan. A cheerful smile and friendly words always had a soothing effect on her.

          Gumanda-ganda na ang pakiramdam niya nang makarating sa patutunguhan. Tatlong beses siyang nagpalit ng dyip. She smoothed her black shirt and chignon with her shaking hands, before approaching the building."

         Saan po kayo, ma'am? tanong ng guwardiya sa reception area. Tiningnan siya nito magmula ulo hanggang paa bago muling tumitig sa kanyang mukha.

        Nailang si Antonia. Nagtataka siya kung bakit palaging ganito ang reaksiyon ng mga lalaki sa kanya kapag unang pagkikita pa lang. She was always uncomfortable. Hindi naman siya maganda. Ordinaryo lang ang hitsura niya. 

         What she didn't know, nasa pagdadala ng damit ang kanyang appeal. She could wear any clothes with gracious panache. Kahit na anong istilo at disenyo, kayang dalhin ng kanyang slim body.   

         Idagdag pa ang high-checkboned features niya, pati ang oriental shaped eyes. Classic ang dating ng mukha niya. Although her lips were too generous for her own liking. Mas gusto niya ang maninipis na labi dahil takaw-atensiyon ang nasa kanya ngayon. Kaya nga, minimum make up lang ang kanyang ginagamit, especially sa lipstick.

         Sa kalituhan niya, dinukot niya ang diyaryong binili sa newstand kaninang madaling araw nang maghanap siya ng botikang mabibilhan ng gamot.

    Dito ako pupunta, sir, aniya habang itinuturo ang classified ads na binilugan ng ballpen.

         A, fourth floor po iyan, ma'am. Sa opisina ng big boss namin may nangangailangan ng secretary, pahayag nito habang ngumingiti na nang lubos sa kanya. 

         Pinilit niyang gumanti ng ngiti bilang pasasalamat bago siya tumalikod para magtungo sa hagdan.

         Miss, nandoon ang elevator, anang security guard nang akmang aakyat na siya.

         T-thank you. She stammered. Naliliyo na siya, iyon ang totoo.

         Pagdating niya sa fourth floor, nagulat siya sa dinatnan na eksena. Parang may kaguluhan. Tarantang kumikilos ang lahat. Putlang-putla sa matinding takot habang hindi magkandatuto sa pagtatrabaho.

         Isang lalaki ang kalmadong nakamasid sa mga ito. At least, ganoon ang unang impresyon niya.       

      Mali pala. Matigas ang ekspresyon nito dahil sa pormal na galit na tinitimpi lang nang husto. 

         Isang empleyada ang lumapit. Halatang nanginginig dahil sa hawak na papel. Ipinakikita sa lalaki.

         Iyon marahil ang big boss na tinatawag ng guwardiya sa ibaba, hula ni Antonia. Minasdan niya ang matangkad na lalaki. 

        Even from afar, he looked menacing because an aura of danger surrounds him. Hindi guwapo pero attractive pagmasdan. Para bang may karisma ang bawa't linya ng matatag na mukha nila. Para bang may magneto ang mga matang malalalim...

         Ipinilig ni Antonia ang kanyang ulo upang maiwaksi ang malilikot na imahinasyong naglalaro sa kanyang isipan.

         Excuse me, anang isang babae na galing sa gawing likuran niya. Papasok ito sa maluwang na pintuan, kung saan nakatayo si Antonia, nang makiraan ito kaya aksidenteng napapasok siya sa loob. 

         The angry man speared her with his dark eyes. You! What are you doing here?

         Nilunok ng dalaga ang kanyang nerbiyos. I--I'm an applicant, aniya. Huminto siya dahil nanginginig ang kanyang boses. Muli niyang inilabas ang diyaryo para ipakita dito. 

         Sinipat muna siya nito nang matagal. 

         Pigil-hininga naman ang dalaga. Lihim niyang inaasam na iiling ito at tatanggihan siya, nang makaalis na siya sa lugar na iyon. 

         Ngunit sinenyasan siyang sumunod dito sa loob ng isang pribadong silid. 

         I'm looking for a secretary, Miss--? he gestured for her to take a seat, which she did, before making a reply. 

         Miss Antonia Colmo, sir, tugon niya, halos pabulong.

         He inclined his head. Miss Colmo, sambit nito. What do you know? I mean, wala ka man lang bang resume?

         Napakurap si Antonia. Pinilit niyang bawiin ang kanyang wisyo. Binawi niya rin ang kanyang tingin sa lalaki.

    I do, of course.  Yumuko siya upang tingnan ang loob ng kanyang bag. Nandoon ang kanyang envelope na naglalaman ng mga credentials niya. 

         Kinuha ng lalaki ang hinugot niyang folder mula doon ay binasa nang mabilis. Hinanap ng mga matang matatalas ang mga importanteng impormasyon tungkol sa kanya bilang isang aplikante.

         Impressive ang iyong background, Miss Colmo, pamumuri nito ngunit blangko ang tono. I just hope, tutoo ngang lahat ng mga nandito.

          Namula ang mga pisngi ni Antonia habang itinutuwid niya ang kanyang likod. Tumingin siya nang diretso sa lalaki. hinahamon siya nito!

    I could provide some demonstration, sir, she challenged him. You could give me some tests.

         Of course, Miss Colmo. He smiled at her coldly. Pinindot nito ang intercom. Send us some coffee. Two cups! He commanded the unseen employee who answered the office device.

         Antonia found herself disliking the man and more as the minutes go by. Para bang walang consideration sa mga tauhan ang lalaki.

    But she remained impassively calm. Nasa loob lang niya ang lahat ng mga naiisip at nadarama niya. Mahusay siyang magtago. For her, hiding the emotions were a necessity to live and to survive--since childhood...

         Let's start, he said after staring at her for a long while, I'll dictate some letters. 

         Makalipas ang kalahating oras, parang isinuot sa butas ng karayom si Antonia. She felt drained, and grilled and dried up! 

         Okey, that's for the dictation examination, wika ng lalaki habang tumitindig. May I see them?

         Kinuha nito ang hawak niyang stenopad kahit na hindi pa niya iniaabot. Binuklat-buklat bago muling ibinalik sa kanya, paitsa.

    I can't read 'em. Please, have them typed at the electronic typewriter outside. Nakasulat kasi sa steno symbols ang mga ito. 

         Gusto nang umusok ng bumbunan ni Antonia dahil napaka-arogante ng tono nito sa pag-uutos sa kanya.

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1