Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Bilanggo ng Karangyaan
Bilanggo ng Karangyaan
Bilanggo ng Karangyaan
Ebook81 pages54 minutes

Bilanggo ng Karangyaan

Rating: 5 out of 5 stars

5/5

()

Read preview

About this ebook

Seguridad ang dahilan kaya nagpakasal si Phoebe kay Marc. Alam ng asawa ang bagay na iyon. Kaya naging napaka-seloso nito. Inalisan siya ng laya dahil sa kawalan ng tiwala. Ginawa siyang bilanggo ng karangyaan. Saka lang niya napagtanto na mas nais pala niya ang pagmamahal kaysa sa kahit na anong kayamanan. Huli na kaya para umasam...?

LanguageTagalog
PublisherRomantique
Release dateJul 31, 2018
ISBN9780463224182
Bilanggo ng Karangyaan
Author

Romantique

I am Romantique, a Filipino romantic writer. I had written romance in the past and now I am returning to the fiction writing scene. Through the past 10 years, I was an online article writer. Thanks to Smashwords, my dream of writing romance again has become a reality.

Read more from Romantique

Related to Bilanggo ng Karangyaan

Related ebooks

Reviews for Bilanggo ng Karangyaan

Rating: 5 out of 5 stars
5/5

1 rating0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Bilanggo ng Karangyaan - Romantique

    CHAPTER ONE:

    Malayo pa si Phoebe, natatanaw na niya ang asawa na pabalik-balik sa maluwang na veranda sa ikalawang palapag ng malaking bahay nito. Karugtong iyon ng master's bedroom, kaya nakasuot lamang ng puting roba. Tila kanina pa nakauwi at inip na inip na sa kanyang pagdating.

    Lalong tumindi ang pagkabog ng dibdib niya. Nagsimula siyang kabahan nang abutin ng traffic ang kotseng sinasakyan sa gawing Dapitan kaninang alas kuwatro. Napakalayo pa nila sa Novaliches. Tiyak na gagabihin siya. At tiyak na magagalit ang kanyang asawa.

    Ngayon nga ay sigurado na siyang nagagalit ang asawa.

    Ma'am, ako na lang ang magpapaliwanag kay Sir Marc, wika ng matandang tsuper. Naaawa ang ekspresyon.

    Sa loob ng dalawang taong pagsasama nilang mag-asawa, kabisado na ng matandang empleyado ang mga dahilan ng pagtatalo nila ni Marc. Palaging selos.

    Pilit ang ngiti ni Phoebe habang umiiling. S-salamat na lang ho, Mang Kanor. Lalong hindi ho maniniwala si Marc.

    Bumuntonghininga ang matanda habang iiling-iling. Hindi na kumibo pero bubulung-bulong sa sarili. Wala naman kasing dapat ipagselos, selos ng selos!

    Er, pakidala na lang ho ang mga pinamili sa kusina, Mang Kanor, utos ni Phoebe bago umibis matapos pumarada ang kotse sa garaheng nasa tagiliran ng bahay.

    Oo, Ma'am, tugon ni Mang Kanor. May bahid ng pag-aalala ang mga mata habang sinusundan ang paglayo niya.

    Parang nakalutang sa hangin si Phoebe habang patungo sa itaas. Ninenerbiyos na siya. Hindi niya alam kung makakapagpaliwanag siya nang maayos sa asawa.

    Huwag naman sana siyang mapaiyak agad...

    Nanginginig na ang mga biyas niya nang huminto sa tapat ng pinto. Madulas ang seradurang metal nang pihitin niya dahil sa sobrang pagpapawis ng palad at mga daliri.

    Kusang humulagpos iyon nang buksan ang pinto mula sa loob. Madilim ang anyo ni Marc, nang sambitlain siya sa isang braso upang hilahin papasok.

    Saan ka galing? Bakit gabing-gabi ka na?

    N-namili kami sa Divisoria, Marc. Nagpaalam ako sa 'yo, di ba? Basag na agad ang tinig niya.

    May tinda pa ba sa Divisoria ngayon?

    K-kanina pa kami umalis d'on. Na-traffic lang kami. Tinangka niyang ikawala ang bisig. N-nasasaktan ako, Marc. Bitiwan mo ako, please, pakiusap niya.

    Magsabi ka muna ng tutoo, giit ng lalaki. Sinong kalaguyo ang kinatagpo mo, ha?

    Kahit na malimit niyang marinig ang bintang na iyon, nasasaktan pa rin siya nang husto. Paano'y masakit sa pakiramdam ang mapagdudahan ang moralidad.

    May respeto sa sarili si Phoebe. Mataas ang pagpapahalaga niya sa reputasyon ng pamilya. Hindi niya kailanman bibigyan ng kahihiyan ang pangalan ng kanyang ama. Lalo na ang apelyidong ibinigay sa kanya ng asawa niya.

    Pero palaging hindi naniniwala si Marc. Wala talaga itong tiwala sa kanya, kahit mula pa sa umpisa ng kanilang pagsasama...

    M-marc, si Mang Kanor ang kasama ko. Wala ka bang tiwala sa kanya?

    Inarok siya ng matatalas na titig. Sinukat ang katapatan sa kanyang mga mata.

    Matanda na si Mang Kanor. Puwedeng nalalansi mo na siya.

    P-paano? maang ni Phoebe. Wala pa siyang sinubukang lansihin sa buong buhay niya!

    Tumatakas ka kapag nakakatulog siya sa kahihintay sa pamimili mo.

    Marc! Ganyan ba kababa ang tingin mo sa akin? Puno na ng hinanakit ang tono niya.

    Babae ka, Phoebe.

    Mababa ang tingin mo sa lahat ng mga babae? Hindi siya makapaniwala. P-pati kay Mama?

    Labas si Mama sa usapang ito.

    Babae rin siya, a?

    Ina ko siya. Kilala ko siya mula pagkabata ko.

    Gusto ko ring maging ina, Marc, bawi niya. Iyon ang paborito niyang argumento. Pumayag ka na sanang magkaroon tayo ng anak. Hayaan mong patunayan ko sa 'yo na matino at mapapagkatiwalaan ako.

    Ano'ng palagay mo sa akin? Gago? Hahayaan kitang magkaroon ng dahilan para palaging makalabas ng bahay? ang pausig na salo ng asawa.

    A-ano ba ang gusto mong gawin sa akin, Marc? Muling gumaralgal ang boses ni Phoebe. Asawa ba ako o bilanggo? Bakit inaalisan mo ako ng laya?

    Ano ba ang dahilan ng pagpapakasal mo sa akin, Phoebe? ganting-tanong ng lalaki. Sagutin mo nga 'yan. Sabihin mo nga ang katotohanan. Inalog pa siya nito ng ilang ulit.

    Naumid ang dila niya. Hindi magawang sambitin ang kasagutan.

    Security lang ang hanap mo kaya ako ang pinili mo, hindi ba? Ako lang ang makakapagbigay sa 'yo ng habambuhay na karangyaan, hindi ba?

    Ibinaling niya ang mukha sa dingding. Hindi siya makatagal na tumingin sa lalaki.

    Tutoo ang mga sinabi nito--noon. Hindi na ngayon. Napagtanto na kasi niyang mas magiging maligaya siya sa pagmamahal kaysa sa kahit na anong kayamanan.

    Ngunit tila huli na para umasam na magbago pa ang sitwasyon niya. Kailanman ay hindi maniniwala ang asawa na umiibig na siya rito.

    A, hanggang kailan kaya niyang makakayang kimkimin ang damdamin...?

    M-marc, please, bulong niya. Pagod na ako. Puwede bang bukas na natin ituloy ang pagtatalong ito? Nakiusap pati ang mga mata niya sa lalaki.

    Bumaon ang mga daliri nito sa mga balikat niya. Tila may pinipigil ring emosyon. Kapagkuwa'y bigla siyang binitawan.

    Damn you! asik nito habang tumatalikod. Mahina lang pero narinig niya. Gumurlis iyon sa kalooban niya.

    Huminto ang lalaki sa

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1