Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Hello, Love, Goodbye
Hello, Love, Goodbye
Hello, Love, Goodbye
Ebook211 pages4 hours

Hello, Love, Goodbye

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

May mga taong darating sa buhay mo na panghabang buhay kang babaguhin.

Mabilis at busy ang buhay ni Joy (Kathryn Bernardo) sa Hong Kong bilang domestic helper, dahil marami siyang pangarap na gusto pang maabot at pinagtatrabahuhan. A greater life in Canada kasama ang kanyang pamilya—’yun ang nakikita niyang dulo ng paglalakbay niya. Si Ethan naman, matapos ma-brokenhearted, mas chill na sa buhay. Playboy lang, saktong trabaho lang.

Pero paano kapag nagtagpo ang landas ni Mr. Chill at Ms. I’m Too Busy For You? Mapapatigil ba ni Ethan ang oras para magkasama sila o dadalhin ba sila sa magkaibang landas ng matulin na takbo ng mga pangarap ni Joy?

(Aside from the story itself, additional narrations on Joy’s backstory in the Philippines, behind-the-scenes and on-set photos, and an epilogue (that was never shown in the film) are exclusively available to read in this book!)

LanguageTagalog
PublisherABS-CBN Books
Release dateJul 8, 2020
ISBN9780463081662
Hello, Love, Goodbye

Related to Hello, Love, Goodbye

Related ebooks

Reviews for Hello, Love, Goodbye

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Hello, Love, Goodbye - Charmaine Lasar

    CHAPTER ONE:

    A New Beginning

    Isa-isa kong tinitigan ang mga taong lumalabas sa Hong Kong station. Merong may kausap sa telepono, merong may hawak na kape, ’yung iba, diyaryo. Sunod kong napuna ang mga suot nila. Some looked very formal, parang a-attend ng business meeting, naka-coat and tie. Others were probably students, hanging out with their friends or loved ones. ’Yung iba, pami-pamilya, siguro mamamasyal.

    Isa lang ang pinagkapare-pareho nila: lahat sila, mukhang nagmamadali.

    I checked my watch. Bakit parang ang tagal naman ng hinihintay ko? It’s been half an hour since I arrived here at the station, wala pa rin.

    I sighed and shifted my gaze back to the sea of people. Just then, I saw someone. Kumurap-kurap ako para masigurong siya nga ’yun. When that certain person looked at me and smiled widely, doon ko na-realize na siya na nga.

    Natawa ako nang mapasigaw siya at mapatakbo papunta sa’kin. Niyakap niya ’ko nang mahigpit. I chuckled. Hindi siya nagbago. She’s the same old Mary Dale, eskandalosa pa rin. But that’s exactly why she’s my favorite cousin.

    Jusko, Ate! Ate Joy! Nakakaligaw pala dito! Buti na lang, sinundo mo ’ko! She looked around. Ang laki ng Hong Kong!

    Swerte ka, Linggo. Day off lahat ng DH. Kinuha ko ang ilan sa mga gamit na dala niya.

    Nagniningning ang mga mata niyang nagsalita, Kung day-off ng mga DH, ibig sabihin, makikita ko ang mama mo? May ipinadala kasi ang papa mo para sa kanya.

    I shifted my gaze. Kunwaring abala sa pag-iisip kung paano bibitbitin ang mga dala niya. When the truth is, I just didn’t know how to answer her question. Si Papa, may ipinadala kay Mama? Malapit na talaga akong maniwalang masokista ang tatay ko. He’s a martyr for allowing this set up. Konti na lang, patatayuan ko na siya ng rebulto.

    Ate?

    Napakurap ako. Sorry. Ah, baka hindi mo maibigay ’yan. Matagal nang ’di pumupunta ’yun dito.

    Kumunot ang noo niya. Ha? Bakit?

    I just shrugged. Ayoko nang malaman pa ng ibang tao ang ginawa ni Mama. At mas ayokong malaman ng iba na pumayag sa lahat ng ’to ang tatay ko.

    Hindi na naman nangulit si Mary Dale. I know my cousin, she can be nosy sometimes, but she also knows how to respect someone else’s privacy.

    Habang naglalakad papunta sa Central, wala siyang ibang ginawa kundi magkwento. She laughed when she started recalling our childhood. Those days of innocence—walang problema, walang inaalala.

    Ang saya-saya natin noon, she smiled.

    Why? Hindi ka na ba masaya ngayon?

    Ako, masaya pa. Ikaw, Ate, mukhang hindi na. Hindi pa rin.

    Nag-iwas ako ng tingin. Really? Am I sad? Am I still sad?

    Umiling ako. Ano ka ba, imagination mo lang ’yun. Ayan, malapit na tayo sa unang destination natin, itu-tour na kita ngayon! I tried to make my voice sound a little bit more cheery.

    Her eyes instantly glimmered, paikot-ikot ang paningin sa mga building sa Hong Kong. I looked exactly like her when I was new here—excited, movitated, eager. Ang nasa isip lang ay makalimot at kumita ng pera. I was full of hope. But the excitement started wearing off. Hanggang sa naubos na. Ngayon, mas lamang na ’yung pagod.

    Dinala ko si Mary Dale sa packing area. I expertly moved around the area. Kayang-kaya kahit may nakaharang na balikbayan boxes at mga kung ano-anong gamit. I shook my head as I saw my cousin struggle to keep up with my pace.

    Huminto ako nang makita ang mga kaibigan ko—sina Gina at Sally. Nakilala ko sila noong bago pa lang ako rito bilang DH. They are both older than me. Pareho silang kalog, maingay, at masayang kasama.

    Joy! Ikaw? Hindi magpapadala? Kinuha ni Gina ang packing tape at sinimulang ayusin ang box na lalagyan nila ng mga padala.

    Umiling ako. Hindi na muna.

    Sayang space, oh! Alam mo naman, magaling magsiksik si Sally. Itinuro niya ang kaibigan naming abala sa pagbabalot ng mga sabong pampaputi.

    Tumayo si Sally, taas-noong nagsalita. Opkors! I’m the maderpacker!

    I snorted. Magsasalita pa sana ako nang biglang sumigaw si Mary Dale. Packing siyet! Lahat pala dito packing!

    Nilingon ko siya. Her eyes were wide, looking around the area. Napailing na lang ako. Natawa naman ang mga kaibigan ko.

    Heto na ba si Mary Dale? tanong ni Sally. Ipinagpatuloy niya ang pagbabalot. Mukhang patapos na rin sila dahil wala na halos nakakalat na mga gamit.

    Tumango ako. Nakuwento ko sa kanilang darating ang pinsan ko.

    23 ka na ba? Gina started scrutinizing my cousin. Tiningnan niya mula ulo hanggang paa. Loka talaga ’to!

    Napakurap si Mary Dale. 23 na po.

    Sally’s eyes squinted. Hindi mo dinaya ang birthday mo? This time, kinuha niya ang packing tape kay Gina.

    Hindi po! Young-looking lang po talaga ako.

    Pare-pareho kaming napailing na lang, lalo na nang humirit pa si Sally, Ganyan din ako dati, eh.

    Kunwaring nabilaukan si Gina. Kaya ikaw, Mary Dale, ’wag kang magpaka-stress sa amo mo, kundi magiging ganyan ka! Sabay turo kay Sally.

    Napabuntong-hininga na lang ako sa mga kalokohan nila. They are part of the reasons why Hong Kong remains to be a worthy place for me. Kahit nakakapagod at mahirap, dahil sa kanila, kahit papa’no, gumagaan ang lahat.

    Pagkatapos namin sa packing area, naglakad-lakad kami patungo sa footbridge sa Central. It’s a place where DH like us congregate during our day off, usually on a Sunday. Kanya-kanyang latag ng karton na parang naka-apartment style.

    Some people find it weird. Noong una ko ngang sabihin sa kapatid ko na dito ako tumatambay kapag day off, pinagtaasan niya ako ng kilay. Bakit daw dito tumatambay ang mga DH? Pwede naman daw mamasyal tuwing day off, kumain sa labas, o mag-ikot sa Hong Kong.

    Binatukan siya agad ng tatay ko, siguro para matauhan ang kapatid ko. If you really want to provide for the family, you will do everything to save money. At hindi ’yun mangyayari kung panay ang gala. Hindi naman ako turista rito.

    Kaya hinding-hindi ako mapipilit ng kahit sino na pumunta sa kung saan-saan kung day off ko. Gastos lang ’yun.

    Ang galing! Parang mga apartment. Bahay-bahayan! Mary Dale exclaimed. Nagmadali siya sa paglalakad. Huminto siya nang may makitang space sa isang tabi.

    Eto, Ate, may space pa. Pwede po tayo dito.

    Umiling ako. Bago pa ako makapagpaliwanag, nauna na si Sally.

    Hindi pwede. Dito, kanya-kanyang pwesto. Kung saan ka palaging tumatambay, du’n ka na.

    Hinila niya ang pinsan ko at sinenyasang magpatuloy sa paglalakad.

    Korek! hirit ni Gina. Tsaka grupo-grupo dito. Du’n ang mga Kapampangan, du’n mga taga-Davao. Dito, mga taga-Bicol.

    Oh ’di ba, halos bawat probinsya may representative! natatawang sabi ni Sally.

    Sa’n po ang area niyo?

    Mas binilisan ko ang paglalakad. Sumunod naman sila. Dun pa, sa subway.

    Habang naglalakad, nadaanan namin ang mga grupo ng mga DH na nagsasayaw at nagzuzumba, their music on full blast. Nagulat na lang ako nang makisayaw na ang tatlong kasama ko. Pinanood ko lang sila.

    Grabe, ang saya pala dito! Party-party!

    Mary Dale, naku! ’Pag linggo talaga akala mo fiesta ng mga Pinoy dito. Hanggang du’n ’yan! Daming ganap! Events, workshops, photography. ’Yung iba naman nagha-hiking. Pambawas homesick. Tuloy pa rin ang pag-indak ni Gina.

    Buti ’di po sila pinapaalis ng mga Chinese?

    Sally butted in, Naku, sa mahigit dalawang daang libo ba naman na mga Pinoy dito, pinaubaya na lang sa atin ang Central tuwing day off!

    Lalong napasayaw si Mary Dale. Ang bait naman nila!

    Inagaw ko ang atensyon nila sa pamamagitan ng pag-ubo. Sabay-sabay nila akong

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1