Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

The Room
The Room
The Room
Ebook107 pages54 minutes

The Room

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Nang magpakasal ang kapatid ni Kate na si Kuya Terrence, nagpasya siyang manirahang mag-isa sa isang 3 storey building sa Batangas, kung saan nakuha niya ang Room 305. Everything was doing well until things get crazy and spooky around her. Ano ang sikreto ng Room 305 at paano konektado dito si Kate?

LanguageTagalog
PublisherABS-CBN Books
Release dateJul 14, 2020
ISBN9781005418502
The Room

Related to The Room

Related ebooks

Reviews for The Room

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    The Room - Queen Elly

    THE ROOM

    ©Copyright 2018 by Queen Elly and ABS-CBN Publishing, Inc.

    All rights reserved. No part of this book may be reproduced in any form or any electronic means, including information storage or retrieval systems without permission in writing from ABS-CBN Publishing, Inc.

    Author Queen Elly

    Editor Kuiejor Garces

    Creative Director Sherwin Llames

    Editorial Coordinator Carl Chuidian

    President Ernesto L. Lopez

    Head, Print Publishing Mark J. Yambot

    Head, Retail Operations Ma. Kristine V. Hernandez

    Publisher Alexie Renz M. Cruz

    Pre-Press Production Manager Andy Lizardo

    Digital Imaging Supervisor Gil Cargason

    Digital Artist Mark Gregory Casabar

    Production Coordinator Jouie Mar Doca

    Head of Lifestyle Ecosystem Paolo M. Pineda

    Sr. Finance Officer-Narrowcast Myca G. Ramos

    Finance Manager Rowena Dote

    Finance Analyst Camille Batongbakal

    Photo courtesy: Shutterstock

    Published by

    8F ELJCC Building

    Mother Ignacia St. cor. Eugenio Lopez Drive

    Quezon City, Philippines

    Nasanay na akong mag-isa. I was 15 years old when my parents died. All I have now is my big brother, Kuya Terence, na bumukod na rin kasi kasal na siya. Niyaya niya naman akong tumira na lang sa kanila kasama ang pamilya niya pero tumanggi ako. Ayokong maging pabigat. Isa pa, nangako ako kay Mama before she passed away na I will take care of myself at magpapakatatag ako sa buhay. At dahil may sarili nang bahay sina Kuya, I decided to rent my own place. May nakita akong room for rent sa isang building na nasa medyo secluded na lugar, which is okay with me kasi ayoko ng mga maiingay na kapitbahay. Gusto ko tahimik lang.

    Saktong tapos na akong mag-impake at nailabas ko na rin isa-isa ang mga gamit ko sa salas nang dumating si Kuya Terence. Naka-box ang karamihan sa gamit ko habang nasa maleta naman ang mga damit. Daig ko pa ang pupunta ng ibang bansa. Napabuntong hininga ako nang libutin ko ng tingin ang kabuuan ng bungalow type na bahay namin. Sobrang mami-miss ko ang bahay na ito. Marami kaming memories dito, pero this is for my own good. Hindi ko rin naman kayang i-maintain ito at tumira dito nang mag-isa. I need a smaller space.

    Kuya, naka-ready na ang mga gamit ko, sabi ko nang yakapin ako ni Kuya.

    Sigurado ka na bang ayaw mo na samin ka na lang mag-stay? tanong niya matapos akong yakapin at bahagya pang ginulo ang buhok ko.

    Kuya, okay lang ako. Tsaka nakakahiya kay Ate Pat, sabi ko.

    Umiling-iling naman si Kuya. Mas gusto niya na nandun ka. Mas panatag ang loob namin. Delikado na kasi ang panahon ngayon, may bahid ng pag-aalalang sabi niya.

    Ako naman ang umiling. Hanggang ngayon talaga, parang baby pa rin ang turing niya sa akin. Kuya, may nakuha na akong room. Wala nang atrasan ‘to. ‘Di ba sabi ko sa’yo big girl na ako?

    Napabuntong hininga na lang si Kuya senyales na tapos na ang usapan at wala na siyang magagawa dahil buo na ang desisyon ko. Ikaw ang bahala. Basta pag may kailangan ka, sabihin mo lang sakin, sabi niya na sinagot ko naman ng sunod-sunod na tango.

    Nagsimula na kaming maghakot ng mga gamit. Isa-isa naming inilagay iyon sa kotse ni Kuya Terence. Ito pa ‘yung kotse na iniwan sa kanya ni Papa. Isang lumang sedan na kulay green. Kahit na kaya na naman ni Kuya na bumili ng bagong sasakyan, hindi niya pa rin pinapalitan ito. Pakiramdam niya raw kasi, sasama ang loob sa kanya ni Papa kapag ibinenta niya ito. Tulad ng bahay namin, maraming memories ang pamilya namin sa kotse na ito. Kung saan-saan na kami dinala ng sasakyang ito e.

    Matapos maisakay ang lahat ng gamit, itinulos ni Kuya ang sign na SOLD sa labas ng bahay. Pinasadahan pa namin ulit ng tingin ang bahay namin bago kami nagpasyang sumakay na ng kotse.

    "Naku, dito ka ba talaga kumuha ng bahay? Ang layo naman nito sa bahay namin ni

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1