Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Bisikleta ni Pepe (Imagine Version) - Volume 1
Bisikleta ni Pepe (Imagine Version) - Volume 1
Bisikleta ni Pepe (Imagine Version) - Volume 1
Ebook54 pages27 minutes

Bisikleta ni Pepe (Imagine Version) - Volume 1

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Tumakbo ako palapit sa likod ng bahay. Hinanap ko ang bisikleta doon. Natatabunan na ito ng maraming mga basura. Marami ng kalawang ito pero di ko na inintindi. Sumakay ako at sinubukang pumedal kahit di ako marunong. Naging kulay ginto ito at kumikislap ito. May isang bilog na bagay sa bandang manibela nito na nagniningning.

Hinigop ako ng isang umiikot na liwanag na di ko alam kung saan nanggaling at biglaang dinala ako nito sa isang madilim na lugar at may nagsalita ng malakas, “Isang libo walong daan at animnapu’t isa”. Ha? 1861? Nasa panahon ako ng mga Espanyol? Pero bakit? Gabi noon at nasa isang malawak na lupain ako na maraming puno, at sa kabila ay mayroong ilog.

************

BLURBS/REVIEWS:

"Creativity is embedded in every soul. Whatever one believes one can do possesses the power that impels movement to achieve. The young Dexter Bano, just graduated from high school and now on his first year in college, proves that this is so. "Bisikleta ni Pepe," his first book about Rizal, is just the beginning." - Dr. Pablo S. Trillana III

"Ang ginawa ni Dexter na maikling kwento na 'Bisikleta ni Pepé' ay isang malikhaing pagtatangka ng isang kabataan rin na buhayin ang kabataan ni Dr. Jose Rizal para sa kabataang ng panahong ito. Hindi lamang mga kaalaman ang makukuha ng bata rito kundi huwaran ng karakter na maaaring humubog sa mga bata. Sana dumami pa ang mga ganitong pagtatangka. Panahon nang tumindig ang mga kabataan tulad ni Dexter, at ni Pepé Rizal." - Prop. Michael Charleston "Xiao" Chua

Ang "Bisikleta ni Pepe" Volume 1 ay isang matapang, malikhaing pagtatangka na buhayin si Pepe o Gat Jose Rizal sa mga kabataan. Isa ang hamon sa akdang ito, "Paano ihahalo ang mahika, imahinasyon at kasaysayan upang maikwentong muli si Dr. Jose Rizal?" Ang hamong iyan ay sasagutin kabilang ang mga tanong na sumusunod:

1. May bisikleta ba si Pepe?

2. Sino si Jose De Jesus?

3. May kaugnayan ba si Jose De Jesus kay Pepe?

4. Hadlang ba ang mga pagsubok upang maging mabuting kabataang gaya ni Pepe?

5. Ano ang magagawa ng kabataan upang maging gaya ni Pepe sa makabagong panahon?

LanguageTagalog
Release dateAug 28, 2020
ISBN9780463756928
Bisikleta ni Pepe (Imagine Version) - Volume 1
Author

Dexter Baño, Jr

He is a proud graduate of Quezon City University and the founder and CEO of Orbital Exploration Technologies, Inc. (OrbitX), Philippines' first commercial spaceflight company. Before doing his own company, he became the President of QCU Young Entrepreneurs Society.He is also the proponent of UltrAssist, an urban mobility concept that might solve traffic. He is also the business advisor of two startups, (1.) BAT4COVID, a telemedicine company chosen by Alibaba, and (2.) ZoneOut Entertainment, an esports startup.Back in 2013 while he was in 3rd year high school, he was the youngest radio field correspondent of Radio Veritas 846 and became the youngest biographer of Dr. Jose Rizal for his copyrighted work, "Bisikleta ni Pepé". He also received multiple recognitions such as Gerry Roxas Leadership Award, JCI Youth Leadership Award, Former Finance Sec. Salvador M. Enriquez Jr. Service Award and recently Marketing in Asia's Rising70 Professionals.He is also a public speaker with clients such as Department of Education - Philippines, Mapúa University, San Beda University and many more. His work were featured in local and international media outlets such as The Branding Beardos (Singapore), Petrospective (Pakistan), Gulf News (United Arab Emirates), Philippine News Agency, Manila Bulletin, Inquirer, ABS-CBN, CNN, BusinessMirror and BusinessWorld and many more.

Related to Bisikleta ni Pepe (Imagine Version) - Volume 1

Related ebooks

Reviews for Bisikleta ni Pepe (Imagine Version) - Volume 1

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Bisikleta ni Pepe (Imagine Version) - Volume 1 - Dexter Baño, Jr

    Para kay Ybeth, Yassie, Yahia, Amara at Geli at sa lahat ng mga makabagong batang Pilipino na babago ng mundo...

    DPBJr. at PN

    Hindi lang mga ordinaryong planeta at tala ang makikita sa kalawakan. May mga lugar na sinadya ng Diyos upang tirhan ng mga tagabantay ng kalawakan, at isa na riyan ang tala ng Pag-asa. Ang tala ng Pag-asa ang isa sa mga pinaka maningning na bituin. Dito nakatira ang mga diyos at diyosa na sina Ampay, Dato at Maguwang. Si Ampay ang nangangalaga sa kalusugan ng tao, si Dato naman ang tagapagbantay ng mga kayamanan at ang sa mga kabataan naman ay si Maguwang.

    Araw-araw nilang nakikita ang kalagayan ng mundo at ang mga paghihirap nito. Isang araw kasama ang ibang diyos, nag-isip ng paraan si Ampay, Dato at Maguwang kung ano ang dapat na ipadala sa mundo upang makatulong sa pangangalaga nito.

    Gumawa tayo ng isang bagay na magagamit ng tao sa paglalakbay, sabi ng isang diyos.

    Kailangan natin itong ibigay sa isang tao na may busilak ang kalooban lamang at hindi ito gagamitin sa kasamaan lalo’t magtataglay ito ng kakaibang kapangyarihan, sagot ni Dato.

    Mmmmm... BISIKLETA! sabi ni Ampay. Tama! Gumawa tayo ng bisikleta na may kapangyarihan!"

    Matapos ang kanilang pag-uusap ay agad na gumawa sila ng bisikleta. Inayos nila ang desenyo nito na kumikinang at may isang maliit na bagay na nakakabit sa may gawing manibela.

    Naisip ko lamang, isang bata ang napupusuan ko na paghandugan nito, isang batang maralita na nakatira sa bulubundukin ng Mindanao! sambit ni Maguwang.

    Agad na pinadala ng makapangyarihang mga diyos at diyosa ang bisikleta. Ipinasok nila ito sa isang napakalaki at nagliliyab na bato. Sa sabay-sabay na utos ng mga ito ay agad na bumulusok pababa sa kinaroroonan ng bata ang nagliliyab na bato.

    BOOOOOOOOOOOOOOM! nakakabinging pagsabog na dulot ng malaking bato.

    Lumingon ang lahat ng nagtatanim sa bukirin. Sumabog

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1