Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Mariang Makiling: Ang Chronicles of Alamat nobela
Mariang Makiling: Ang Chronicles of Alamat nobela
Mariang Makiling: Ang Chronicles of Alamat nobela
Ebook334 pages4 hours

Mariang Makiling: Ang Chronicles of Alamat nobela

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

“Napapanahon na upang tuyuin mo ang
iyong mga luha, Mariang.”

Nang ang isang makapangyarihang diwata ng kabundukan ay
tumangging tumigil sa pagluha, ang ibig sabihin na ang libis ng
nayon ay nahaharap sa pinto nang pagkawasak. Ang kahinaan ng
pangunawa sa kaniyang kakayahan upang mapigilan ang

LanguageTagalog
Release dateDec 11, 2018
ISBN9780648381945
Mariang Makiling: Ang Chronicles of Alamat nobela
Author

Tessy C Scott

Tessy C. Scott was born and raised in Magdalena, Laguna: the where the Chronicles of Alamat begins, in the foothills of Mount Banahaw. It may seem a little more glamorous once you know that it's also known as the Little Hollywood of the Philippines. After she moved to Australia, her kids only knew a little of their cultural heritage and barely spoke a word of Tagalog (the base language of Filipino). So, after they grew up she wrote a series of books that would pique their curiosity, tell them about the characters of her native folklore and give them an insight into more about Filipino culture than just food and dance.

Related to Mariang Makiling

Titles in the series (1)

View More

Related ebooks

Reviews for Mariang Makiling

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Mariang Makiling - Tessy C Scott

    Dedikasyon

    Itinatalaga ko ang aklat na ito sa aking apat na anak na may katigasan ang ulo upang pagaralan o maala-ala ang Tagalog. Nang dahil sa inyo aking inilabas ito mula sa pinagtataguang aparador, pinagpagan nang alikabok bago inilathala.

    Nais ko ding ihandog ang aklat na ito sa aking Nanay, ang aking pangunahing tagahanga, at sa aking cute na mga apo na siyang nagbigay nang inspirasyon sa akin upang mas lalong mapahusay ko ang aking pagsulat.

    Contents

    Dedikasyon

    Contents

    Pagkilala

    Pagpapakilala

    Mahinahon, Hindi Sukat Akalain

    Sa Ituktok Ng Bundok

    Ang Ibon Na Ang Pangalan Ay Adarna

    Mga Ilang Uri Ng Punongkahoy

    Ang Pangatlong Bundok

    Wala Ni Isang Salita Tungkol Dito

    Isang Napakagandang Pagkamangha

    Para Sa Kanilang Pagod Na Mga Mata

    Mas Maliwanag Pa Kaysa Sa Buwan

    Natatanging Karapatan

    Isang Bayabas, Dalawang Bayabas

    Tahanan Sa Isang Sandali

    Ang Katabing Nayon

    Ang Paghahatid

    Ang Kaniyang Kakaibang Sayaw

    Araw Ng Pagsasanay

    Upang Maengkanto

    Nakalulugod Na Panauhin

    Batis At Lawa

    Hindi Diwata

    Salita Na Nagmula Sa Nayon

    Paglisan Kabanata

    Isa Lamang Tagasugo

    Kakaiba Ng Kaunti

    Pasalubong

    Paguwi sa Tahanan

    Ibinigay Na May Pasasalamat

    Panibagong Pagpapasiya

    Higante

    Tumayo Sa Kaniyang Paniningdigan

    Ang Matalino Na Batang Higante

    Tagapag-alaga

    Dalawang Maliliit Na Mga Bagwis

    Kabuang Bilog

    Ang Tungkol Sa Manunulat

    Pagkilala

    Unang-una, ay hinahangad ko ang pagkilala kay Janelle Brown, ang aking anak, editor sa English edisyon at tagadisenyo, na kung hindi sa kaniya ay hindi maililimbag ang aklat na ito. Ito ay nangyari nang dahil sa tinalakay ko sa iyo ang masalimuot na kulturang Filipino at alamat ng maraming oras.

    Para sa matalentong si Nathaniel Umali, salamat sa pagbibigay buhay sa mundo ng Chronicles of Alamat sa pamamagitan ng iyong magandang likhang sining. At sa panghuli, pasasalamat sa aking Nanay, Adelaida Caravana, at sa aking kapatid na si Josie na siyang aking lupon na pinagkakatiwalaan at tagapagtaguyod sa buong panahon na itinagal nang paraan nang pagsusulat.

    Pagpapakilala

    K

    ung iniisip ninyo ang kuwento tungkol sa mga diwata, ay maaring iniisip din ninyo ang tungkol sa mga kastilyo at diwata at iba pang taga Europa nang pagbubukod-bukod nang mga bagay- bagay. Datapwa’t dito sa aming aklat na Filipinong kuwento tungkol sa mga diwata, ay aming hiniram ang Filipino idjang kuta, diwata at iba pang mga Filipinong bagay.

    A close up of a logo Description generated with very high confidence

    Ang Salaysay ng Alamat na ang mga kuwento ay ginamitan ng mga tuntuning Filipino na hiniram sa Tagalog upang magimbento ng mga pangalan na magagamit dito sa kuwento, dahilan 1: ito ay mas nakatutuwa na malaman kung saan ang pinanggalingan nito, 2: ano na lang ang pantasiya kung wala kahit maliit na imbensiyon, gayunpaman?

    May mga bagay kaming ginamit na mga titulo noong panahon pa bago dumating ang kastila. At ito ang pinagbatayan ko sa aking kuwento:

    Lakambini - Lakam-bini (reyna)

    Dayang - Day-ang ( prinsesa- maharlikang babae)

    Datu - Da-tu (hari)

    Gat - Gat (hari-pinuno ng nasasakupang idjang)

    Lakan- Lak-an- (hari)

    Nararapat lang na ikalat natin ang tungkol sa isa sa ating magandang kaugalian, kapag tayo ay dumadalaw sa bahay ng mga kaibigan natin na hindi Filipino. Ito ay ang tungkol sa pagbibigay nang pasalubong. Sangayon sa ating nakagisnan, palagi tayong may pasalubong dahil nais nating ibahagi ang mga bagay na makapagpapasaya sa ating mga kaibigan, kamaganak, at mahal natin sa buhay.

    Nagbigay kami nang madaliang paglalarawan nang tungkol sa maraming mga nilalang, dahilan sa alam namin na nang sulatin at patnugutan namin itong kuwento, na ito ay maari na magdugtong upang mas lalong maliwanagan ang tungkol sa Kulturang Filipino, at alam namin na nakaiinis kapag labis-labis ang pagkakalarawan nang mga bagay-bagay para doon sa mga iba na alam na ang kuwento at kung saan namin ginamit ang aming mapanlikhang lisensiya.

    Karamihan sa mga Filipino ay may kaalaman na tungkol kay Mariang Makiling, subali’t ang inyong mababasa ay si Mariang Makiling na dinagdagan namin nang naiibang palabok kaysa sa dati, upang mas lalong maging makulay ang kaniyang kuwento. Ito ay para doon sa mga mambabasa na katulad nang may katha ay mas nagugustuhan ang may masayang katapusan. Inaasahan namin na masisiyahan kayo sa salaysay na ito!

    Tessy C. Scott, Author, 2018

    1

    Mahinahon, Hindi Sukat Akalain

    I

    pinukol ni Mariang ang kaniyang paningin sa ibaba, ang pook na Libis ng Nayon na nakahimlay dito sa padahilig na lupa. Naramdaman niya na biglang pumagaspas ang simoy ng hangin sa kaniyang likuran, at si Sora-Sopra ay natanawan niyang lumalakad at ang maaninag niyang ginintuang bagwis ay tumiklop sa kaniyang katawan.

    Dayang Mariang, narinig ko na tinatawag mo ba ako, bati ng diwata, na nakangiti.

    Sora-Sopra, kinakailangang maghanda ka. Ang ating balak ay nagbago: tayo ay maglalakbay. Ang manipis na kilay ni Sora-Sopra ay naginginig.

    Saan tayo magtutungo? Hindi pa sila nakapaglalakbay nang mas malayo sa Bundok ng Makiling mula pa noon kung kaya alam ni Mariang na siya ay mabibigla.

    Ito ay higit na mas malayo kaysa sa magiging hula mo, tudyo ni Mariang. Sila Lakambini Maliw at Gat Panahon ay binigyan ako ng katungkulan. Tayo ay maglalakbay patungo sa Ikapitong Bundok ng Siena. Sangayon sa kanila ay katungkulan ko ang magbigay nang ulat sa mga Pantas ng Lumanglupa. At sa ngayon ay kinakailangan mong hanapin si Mailap. Siya man ay kinakailangan ding maghanda, dahil kasama din natin siya!"

    Oo Dayang! Awit ni Sora-Sopra, na ang kilay ay lubusang nanginig habang umiikot. Ito ay laging napakaluwalhating tanawin na mapagmasdan lagi na si Sora-Sopra ay natutuwa. Tayo ay nakahanda na tayo sa lalong madaling panahon. Papaano ba tayo maglalakbay? Ikakampay ba natin ang ating mga bagwis?"

    Tayo ay maglalakbay bukas. Si Mariang ay humagikhik, inalog ang ulo. Kailangang maging maingat tayo sa paghahanda. Ang mga draco ang maghihila ng kariton na siya nating sasakyan. Maging sila Halakhak at Layong ay kasama din natin, upang silang pumatnubay sa kanila gayundin din sila ang ating tagapagbantay.

    Kung gayon, ako din ba ang magpararating nang mga tagubilin para sa kanila, Dayang Mariang, ani ni Sora-Sopra.

    Mabuti kung gayon Sora-Sopra. Namataan ko silang nagpapatugtog ng musika sa harapan ng halamanan. Magtutungo ako sa Langit na Batis. Magagawa kong makapaghanda para sa aking sarili doon at habang ginagawa ko ito ay makakasilip ako sa mga yang-yang dahil maaring hindi tayo makabalik kaagad. Kayo ni Mailap ay nararapat na sumama sa akin kapag natapos na kayo.

    Oo Dayang. Buong kasabikang na nagmamadaling lumayo si Sora-Sopra. Samantala, si Mariang ay ngumiti sa kaniyang kaibigan bago nagmamadali nagtungo sa Langit na Batis na kung saan niya mapagmamasdan ang misteryosong munting taganayon.

    2

    Sa Ituktok Ng Bundok

    K

    inamot ni Teryo ang kaniyang tainga. Ito ay makati, at basa nang pawis. Mula sa kaniyang alala-ala tungkol sa alamat, hindi lang mga diwata ang matatagpuan sa Bundok Makiling; mayroon din mga iba nilalang dito. At marami ding mga ligaw na bungangkahoy at bulaklak sa bundok, dahilan sa ang pook ay iniwasan nang lahat ng salinlahi.

    Sinasabi nila na siya ay tanga sa paghahangad na umakyat dito upang masaksihan niya ito mismo sa kaniyang sarili. Kung kaya, hindi niya ipinaalam ito sa kanila. Natatakot sila sa pook. Gayunpaman, kapag mainit ang araw, sila ay tumitingin sa bundok at ibinubulong sa likod nang kanilang mga kamay ang magpakasawa sa mga bungangkahoy nito. Sila ngayon ang mga tanga.

    Ngayong araw na ito, magarbong pasimula niya na bukod tanging ang pinakamagaling na magsasaging lamang sa boung mundo ang makapagsasabi. Patutunayan ko na ang manga alamat na narinig ko mula sa aking ina, lola at lahat ng manga isinasatsat ng matatandang matatabil ay puro kasinungalingan. Magbabalik ako sa bahay na ligtas na lubusan na hindi nakakita ang manga nilalang na kung tawagin nila ay tikbalang. Inilalarawan niya sa kaniyang guni-guni kung gaano kalaki ang tikbalang, kung sakaling makasabat niya ang isa. Nang pasulimpatin niya nang husto ang kaniyang mata, ay naisalarawan niya ang malabong larawan ng kalahati- kabayo, kalahati-tao na nakatayo sa hulihan ng kaniyang binti, na kinakausap siya pababa sa madagundong na tinig, nakatitig ito sa kaniya habang nakahapon sa sanga ng malaking puno sa ulunan niya. Si Teryo ay nanginginig, tinangkang itaboy ang kaniyang mga mangmang na guni-guni.

    At wala akong nakitang kapre. Sabi nila ang nanabakong higante ay tulog sa araw, kaya tumingala siya sa mga sanga ng puno sa kaniyang ulunan. Sila ay nakatira sa malalaking punong kagaya nitong isang ito. Matapos akong makakuha nang katibayan na sila’y hindi totoo, maaring bilang gantimpala sa aking sarili, ako ay magpapatuloy upang humingi nang kahilingan sa diwata ng kabundukang ito.

    KALANSING, KALABOG, KALANSING, KALABOG, KALANSING.

    Anong ingay iyon? bumulong-bulong siya, nasipa niya ang dumi ng siya ay yumukod sa likod nang isang katabing malagong puno. Parang ingay nang isang malaking nilikhang naglalakad sa paligid... Maaring ito ay kalabaw lamang. Tinangka niyang payapain ang sarili at tumahimik datapwa’t nangangatog ang kaniyang mga tuhod. Iginala niya ang paningin sa paligid. Ang guwang na batong iyan ay mainam na mapagtataguan.

    Magmula sa loob nang guwang, ay nasaksihan ng kaniyang dalawang mata, ang mga nilalang na kinatatakutan nang mga taga nayon. Ang higante ay humapon sa isang malaking puno at isinubo sa pagitan ng labi, ang isang malaking tabako bago nagsimulang magbuga ng usok na mistulang asuhan.

    Siya na nga, hingal ni Teryo. Isinampal niya ang kaniyang kamay sa kaniyang bibig. Iyan ang higante mula sa kuwentong bayan, na nanabako! Ang kaniyang mga mata ay busog sa detalye. Siya na nga sa kung papaanong paraan ng pagkakalarawan ng lola at nanay ko sa kapre. Nakabahag pa nga siya! Nanginginig siya, nakamasid sa nakabahag- na halimaw. Nakakatakot!

    Ang isipin lang na ang malaking mga matang iyon ay nakapako sa kaniya ay sapat na upang mawalan siya ng lakas na pigilin ang kaniyang manga tuhod. Lalong lumakas ang panginginig nang manga ito, habang sinubukan niyang maupo nang tahimik.

    KALANSING, KALABOG, KALANGSING, KALABOG, KALANSING.

    Nakita ni Teryo ang nilalang na tumigil sa harapan ng kapre. Ito ay ang mabutong kabayong-tao na matalas ang makapal na buhok na dumaloy hanggang sa kaniyang matalas na gulugod. Hinihila nitong pabalik ang hulihan ng kaniyang binti, umaangil, ang mapulang mga mata na nakapako sa kapre, inilabas nito ang mga ngipin. Kung gayun, ito na nga ang tikbalang, bulong niya. Malakas ang kalabog ng puso ni Teryo sa kaniyang dibdib. Ang matalas na kuko ng tikbalang ay nakahanda ng sikmatin ang nakatabakong kapre.

    Nilalang, hindi mo ba ako kilala? dagundong ng galit na tikbalang. Ako si Buguy. Bakit mo tinakot ang anak ko na nakikidaan lamang? Sabi niya ay ayaw mo siyang payagang makalampas dito. Sa akala mo ba ay ikaw lamang ang may karapatan sa pook na ito? Anong akala mo na ikaw ang datu sa pook na ito? Sangayon sa tunog ng kaniyang salita ay parang nais mong makapangyari sa pook na ito!

    Ako si Bukwang, at hindi lang ang sinumang nilalang, ingatan mo ang bibig mo, nanghilura ito. Kung gayun Buguy, anak mo ba ang salbaheng iyon?Ang tingin ni Buguy ay lalong nanlisik. Ang anak mo ang siyang bumato sa akin habang natutulog ako. Kaya sabihin mo nga sa akin papaano ko siya palalampasin dito, na siya ang gumising sa akin?

    Ikaw ang may kasalanan na matulog sa buong araw na nakikita ka nang lahat, singasing ni Buguy. Ang singasing ay nasundan nang ingay nang isang nabaling sanga. Pagkatapos ang punong naputol ay tumalsik papunta kay Buguy. Datapwa't, nakita nang malaki niyang mga mata ang paglipad ng sanga na tinutumbok siya kaya mabilis siyang kumilos upang maiwasan ito. Ito ay mas lalong nagpapuyos nang galit sa kapre.

    Umalis ka sa harapan ko Buguy, bago kita ihagis sa kabilang bundok. Hindi mo nanaising manggulo kay Bukwang.

    Aba, e, talagang naghahanap ka pala nang away Bukwang. Ngayon, ay ako pa ang sinisisi mo, na inaakala mo na ako pa ang may kasalanan nito, sabi ng tikbalang, ang pagiiringan ay nagpakapal ng hangin sa kapaligiran. Walang sabi-sabi, ang kapre ay biglang sinugod si Bugoy at kapagdaka ay binuhat ito at itinaas lampas ulo. Nagkakawag si Buguy at nagtatadyak upang pakawalan ang sarili mula sa tikbalang, subalit hindi nagtagumpay na daklutin si Bukwang nang matalas na kuko.

    Si Teryo sa kasalukuyan ay nasa bingit nang pagkawalang malay tao, takot at pagkataranta sa pagitan nang kung tatakbo o matahimik na manunuod. Sinungaban ni Bugoy ang mukha ni Bukwang ng kaniyang matalas na kuko, inabot paikot bago bumuwelta at binuno ang kapre hanggang sa sila ay magkasabay na bumagsak sa lupa.

    PUKPOK!

    Si Bukwang ay bumagsak sa tikbalang at tinuunan niya ito. Naramdaman ni Teryo na ipinagkanulo siya ng kaniyang mga tuhod. Nang mga sumandaling iyon, ay nasilayan niya ang isang magandang babaeng nakatayo sa may tabi niya. Umunat siya. Nakangiti ang dalaga at hindi lang iyon, tumango pa mandin ito. Pagkatapos ay naglaho siya sa isang kisap mata. Papaanong nangyari iyon? Nagkandaduling siya sa pagtatangkang pabaliking makitang muli ang magandang babae. Naglaho siya.

    Kinakailangang niyang makalayo. Maraming mga hindi maipaliwanag na bagay ang naga-ganap. Maingat siyang kumilos, itinayo ang sarili sa pamamagitan nang pagkapit sa puno nang mga madulas na pawisang kamay, sa pagasang ang kaniyang paa ay bumagsak sa lupa nang matahimik na sapat na upang makalayo sa dalawang nakakatakot na mga higante. Ang kislap na kumukutitap na mas nakahihigit pa sa sikat ng araw ang umagaw sa kaniyang paningin. Nang mapagmasdan niya ito ng malapitan, ay muling natambad sa kaniyang paningin ang panibagong magandang babae, na may pinakamahaba, at may pinakamaitim na buhok na kaniyang nakita kailanpaman. Siya ay nakalutang sa hangin, at may ngiti na waring batu-balani na humihigop sa kaniya. Kumaway ito sa kaniya at nasumpungan ang sarili na gumanti naman sa kaway niya! Sa isang iglap ay naghatid ito ng biglaang pagkatakot sa buhay nila ni Serya. Papaano kung siya ay maagaw ng mga nakakatakot na panlilinlang ng babaeng ito? Bakit mukhang hindi man lang siya natakot? Paano niya ito matatakasan? Maaring mangyari na makalimutan niyang bumalik sa kanilang bahay! Ngayon si Teryo ay mas higit ang pagkatakot at pagkalito. Maaring pinanghihina siya nang gutom? Siya man ay biglang naglaho din katulad ng naunang babae. Maaring siya ay naengkanto?

    Ngayon na nakita ko na ang dalawang nilalang na ito, alam ko na ang kuwento ay totoo. Kung mahuli nila ako ay maaring talupan nila ako nang buhay. At kung ang mga kabigha-bighaning babae ay hindi ako pakawalan, paano si Serya? Sila ay di hamak na mas mabilis kaysa sa akin, hindi ako makalalayo. Gayunpaman, nakasisiyang malaman na meron pa rin akong gayuma kahit na may idad na ako sa ngayon. Hinayaan niya ang sarili na tumakas sandali sa kaniyang gunam-gunam upang magkaroon ng kaunting kapayapaan. Hmm, upang magustuhan ng mga diwata... Ngumiti siya, nakadama ng tunay na kasiyahan. Mas mabuti pa ay umuwi na ako sa nayon nang mabilis hangga't maari, hangga't buhay pa ako. Pagkatapos kong masaksihan ang tikbalang at kapre na nagaaway, ay hindi pa ako ngayon nakahandang makipagusap sa makapangyarihang diwata. Hindi ko alam kung anong gagawin niya sa isang kagaya ko. Bumuntunghininga siya nang pinakamahabang buntunhininga sa buong buhay niya. Datapwa't sabi ni nanay na iilan lang ang mga piniling nilalang na mapalad na nakakita ng diwata. Kahit papaano ay may kuwento ako tungkol sa kapre at tikbalang na maisasaysay ko pagdating ko sa bahay.

    Kung kaya si Teryo ay nagsimula na sa mahabang paglalakbay pabalik sa kaniyang bahay, habang ineensayo ang kaniyang kuwento at binabati ang sarili habang daan sa pagiging matapang at mapangahas. Kung kaya, nandoon ako sa pagitan ng kapre at tikbalang, tumango-tango siya. May magandang tunog na ang kuwento mula rito.

    3

    Ang Ibon Na Ang Pangalan Ay Adarna

    "

    Dayang Mariang Makiling, Dayang Mariang Makiling, Dayang Mariang Makiling."

    Ang tinig nang isang batang babae ay inihatid nang mahinhing simoy ng hangin sa Bundok Makiling. Ang tawag ay nagmula sa maliit na nayon pababa sa may dakong libis.

    Narinig mo ba iyon, Sora Sopra at Mailap? tanong niya nang buong katuwaan. Tumingin sila sa kaniya na waring blangko. Sa mga sandaling ito, ay may tumatawag sa aking pangalan. Parang tinig ng isang batang babae ang tumatawag sa akin na nagmumula sa Libis Ng Nayon! Kailangang tawagin ko si Ibong Adarna. Pinitik niya ang kaniyang mga daliri upang makuha ang nakatiklop na dahon bago nagpatugtog nang pantay na tunog na himig. Naala-ala ba ninyo ang nangyari ng makita natin ang yang-yang sa bundok? Di ba ito ay nakatatawa, maging ang paraan na kung papaano siya bumungisngis at nagmamadaling umalis."

    Talaga, siya ay kakaibang nilalang. Bungisngis nila Sora-Sopra at Mailap.

    Ako ay nagtataka kung lahat ba sila ay kagaya niya? tanong ni Mailap habang ang kaniyang kilay ay mabilis na lumundag nang pataas at pababa.

    Bakit ba hindi ako nakipagusap sa kaniya? Pumagaspas siya nang may panghihinayang na umikot tumatawa, hanggang bumagal sa daloy ng hangin. Maaring siya ay magiging mas higit na kawili-wili!

    Dayang Mariang, napakaganda nang araw, huni nang makulay na Ibong Adarna, lumipad patungo kay Mariang. Anong maipaglilingkod ko sa iyo?

    Ibong Adarna, irit ni Mariang. Mayroong isang batang babae sa dako ng nayon sa may libis ng bundok na tinatawag ang pangalan ko. Mga ilang beses siyang paulit-ulit na tumatawag! saad ni Mariang na may maringal na ngiti na sadyang pinigilan ang kaniyang mukha. Nararamdaman ko na may masamang mangyayari sa kaniya. Kailangang makita mo siya. Humayo ka na, upang matulungan mo siya sa tamang panahon!

    Ngayon din, Dayang Mariang. Matatagpuan ko ang batang babaeng. Si Ibong Adarna ay pumailanglang palayo, tumaas na mas higit na mataas pa sa mga puno.

    Tumingala si Adriale sa tuktok ng Bundok Makiling mula sa Libis ng Nayon, hawak-hawak ang dahon ng saging na pinagsulatan niya nang tula tungkol kay Mariang Makiling. Ubod lakas niya itong binasa mula sa kanilang bahay kubo na tinagurian nilang tahanan, sa may bintana na nasa harapan ng bundok, babad sa init ng araw. Matapos niyang basahin ang tula, ay pumalakpak at nagbunyi ang nanay niya. Nakaramdam ng pagmamalaki si Adriale.

    Inay, sa palagay ninyo ay narinig ng Diwata ang aking tula? Masaya siya lubos ang pagasa na sasangayon ang nanay niya at papayag ito at sasagot nang oo. Ano sa palagay ninyo?.

    Oo, maganda ang pagkakahabi mo nito Adriale. May palagay akong narinig ka niya. Umaasa si Adriale. Labis ang paghanga niya sa Diwata mula sa manga kuwento.

    Inay, totoo bang makapangyarihan ang manga Diwata? Tahimik na pinagmasdan ng nanay niya ang bundok pagkatapos ay muling humarap ito sa kaniya.

    Ito ay totoo, sangayon sa narinig ko sa aking nanay at sa mga matatanda sa nayon.

    Kaya, mapapahinto din nila ang malakas na hangin at ulan?

    Kung gugustuhin nila, maari din nilang magawa iyan, humugong nang malakas ang hangin. Tumingala ang nanay niya sa langit. Mukhang babagsak ang ulan Adriale, ang langit ay parang dumadagim. Mabuti pa ay saraduhan natin ang bintana.

    Matapos tulungan ang nanay niyang ipinid ang mga kawayang bintana, sila ay nagsisiksikan na magkatabing naupo sa salumpuwit na kawayan. Ang malakas na dagundong ng kulog kapagdaka ay nasunundan ng matalim na kidlat na gumuhit sa kalangitan. Ito ay tanda na magsisimula nang bumabagabos ang malakas na ulan. Kapuwa sila malungkot na nakatitig sa mga dinding.

    Anak, ako ay nababahala na maaring bumagsak ng ating bahay, kahit na tinukuran pa ng Tatay Teryo mo ito matapos bumagyo noong nakaraang Linggo.

    Inay hindi ito babagsak, tiniyak ni Adriale sa nanay niya.

    Ang ulan ay waring sumalungat dito at mas lalo pang bumubugos ito. Napahigpit nang husto ang paghakahawak ng nanay niya sa kaniyang kamay mas mahigpit pa kaysa pagkapit niya sa kawayang haligi ng bahay. Napangiwi si Adriale. Umaasa na hindi niya nasugatan ng kaniyang tula ang damdamin ng mga Diwata. Bumugso ang pagdaloy ng tubig sa loob ng bahay. Sa loob nang ilang nakasisindak na sandali ay umabot ang tubig hanggang sa kanilang bukung-bukung. Ipinatong nilang magina ang kanilang mga paa sa ibabaw ng salumpuwit bago mahigpit na humawak dito. Ipinikit ni Adriale ang kaniyang mga mata, at nagiisip bago huminga ng malalim.

    Mariang Makiling! Mariang Makiling! Mariang Makiling!

    Adriale, anong pinagsasabi mo? Nang magmulat siya ang kaniyang mga mata, ay nakabadha ang pagkabahala sa mukha nang ina. Anak, kumapit ka ng husto sa haligi huwag kang bibitiw! Sumunod si Adriale sa tagubilin ng nanay niya, para na din sa kapakanan nito. Malakas ang hampas nang walang humpay na ulan, at naramdaman nila na ito ay tumama sa kanilang mukha, nang biglang bumagsak ang dinding ng tabing bundok at rumaragang pumasok ang tubig. Nakahulagpos ang kamay niya mula sa mahigpit na pagkakahawak ng nanay niya.

    Inay! Inay! Inay! sigaw siya ngunit walang kasagutan. Ang sigaw ni Adriale ay nilunod ng malakas na hugong ng ulan. Hinalbot nang malakas na daloy ng tubig ang kaniyang maliit na katawan na tinangay nang agos, lampas sa mabigat

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1