Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Noli Me Tangere
Noli Me Tangere
Noli Me Tangere
Ebook994 pages11 hours

Noli Me Tangere

Rating: 3 out of 5 stars

3/5

()

Read preview
LanguageTagalog
Release dateMay 2, 2003
Noli Me Tangere
Read preview

Related to Noli Me Tangere

Related ebooks

Reviews for Noli Me Tangere

Rating: 3.192982456140351 out of 5 stars
3/5

114 ratings5 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

  • Rating: 4 out of 5 stars
    4/5
    Reading and studying this novel by our National Hero is part of the curriculum in high school and sometimes also in college. Required or not, I actually liked this novel. It somewhat opened my eyes on the reality and gravity of the cruelty of the Spaniards and their cultural contributions during their colonial period here in the Philippines (333 years).
  • Rating: 3 out of 5 stars
    3/5
    Rizal's legendary (in the Philipines) love story and revolutionary precursor of his eventual fate.Read Aug 2005
  • Rating: 5 out of 5 stars
    5/5
    I like it
  • Rating: 5 out of 5 stars
    5/5
    like
  • Rating: 5 out of 5 stars
    5/5
    At last! After so many days, I’ve finally finished “The Social Cancer” (English Translation of Rizal’s Noli Me Tangere by Charles Derbyshire). This book made me proud that I’m a Filipino. However I guess the fact that I read it in English isn’t very nationalistic… But it’s not that I’m going to leave out the Tagalog Version. Of course, I’m going to read it since I’m already in my third year high school and at this point students study Rizal’s Noli Me Tangere. I’m just saving the Tagalog Version for the last. And maybe the original version (Spanish) will be later because I still don’t know Spanish… but I’m planning to learn.I think this is one of the greatest in the field of Philippine Literature. Brimming with thoughts of nationalism and patriotism in the dialogue, there is no doubt that this book played a crucial part in the country’s history during the Spanish occupation.

Book preview

Noli Me Tangere - Pascual Hicaro Poblete

TANGERE

HUAG ACONG SALANG̃IN NINO MAN



Dr. J. RIZAL

NOLI ME TANGERE

Novelang wicang Castila na tinagalog

NI

PASCUAL H. POBLETE

Kilalang manunulat at Tagapatnubay ng̃ mg̃a unang Pamahayagang Tagalog.

Schiller. Ang anino ni Shakespeare.

MAYNILA

Limbagan ni M. Fernandez

PAZ, 447, Sta. Cruz.


Ang sabing Noli me Tangere ay wikang latin. Mg̃a wika sa Evangelio ni San Lúcas. Ang cahulugán sa wikang tagalog ay Huwag acong salang̃in nino man. Tinatawag din namáng Noli me Tangere ang masamang bukol na nacamamatay na Cancer cung pamagatán ng̃ mg̃a pantás na mangagamot.


Sa hang̃ad na ang mg̃a librong NOLI ME TANGERE at FILIBUSTERISMO, na kinatha ng̃ Dr. Jose Rizal ay maunáwa at málasapang magaling ng̃ catagalugan, ang mg̃a doo'y sinasabing nagpapakilala ng̃ tunay nating calayaan at ng̃ dapat nating gawiin, at nacapagpapaálab, namán ng̃ ning̃as ng̃ ating puso sa pag-ibig sa kinamulatang lupa, minatapat cong ipalimbag ang isinawikang tagalog na mg̃a librong yaon, sa dahilang sa bilang na sampòng millong (sampong libong libo) filipino, humiguit cumulang, ay walang dalawampong libo ang tunay na nacatatalos ng̃ wicang castila na guinamit sa mg̃a kinathang yaón.

Cung pakinabang̃an ng̃ aking mg̃a calahi itong wagás cong adhica, walang cahulilip na towa ang aking tatamuhin, sa pagca't cahit babahagya'y nacapaglicod acó sa Inang-Bayan.

Maynila, unang araw ng̃ Junio ng̃ taong isang libo siyam na raan at siyam.

Saturnina Rizal ni Hidalgo,

ó

NENENG RIZAL.


NOLI ME TANGERE

Catha sa wicang castila ni

Dr. José Rizal

at isinatagalog ni

Pascual H. Poblete


TALAAN NG NILALAMAN

ISANG PAGCACAPISAN.

CRISOSTOMO IBARRA

ANG HAPUNAN

HEREJE AT FILIBUSTERO

ISANG BITUIN SA GABING MADILIM

CAPITANG TIAGO

MAIROG NA SALITAAN SA ISANG AZOTEA

MANGA ALAALA

MANGA CAUGALIAN NG BAYANG ITO

ANG BAYAN

ANG MANG̃A MACAPANGYARIHAN

ANG LAHAT NANG MANGA SANTO

MGA PAUNANG TANDA NANG UNOS

ANG ULOL NA SI TASIO Ó ANG FILOSOFO

ANG MGA SACRISTAN

SI SISA

BASILIO

MGA CALOLOWANG NAGHIHIRAP

MGA KINASAPITAN NG ISANG MAESTRO SA ESCUELA

ANG PULONG SA TRIBUNAL

CASAYSAYAN NANG BUHAY NANG ISANG INA

MANGA ILAW AT MGA DILIM

ANG PANGIGISDA

SA GUBAT

SA BAHAY NG FILOSOFO

ANG VISPERA NG FIESTA.

SA PAGTATAKIPSILIM.

MANG̃A SULAT

ANG UMAGA.

SA SIMBAHAN.

ANG SERMON.

ANG CABRIA.

LAYANG-CAISIPAN.

ANG PAGCAIN.

MGA SALISALITAAN.

ANG UNANG DILIM

ANG GOBERNADOR GENERAL

ANG PROCESION.

SI DONA CONSOLACION.

ANG CATUWIRA'T ANG LACAS.

DALAWANG PANAUHIN.

ANG MAG-ASAWANG DE ESPADAÑA.

MGA PANUCALA.

PAGSISIYASAT NG CONCIENCIA.

ANG MGA PINAG-UUSIG.

SABUNGAN.

ANG DALAWANG GUINOONG BABAE.

ANG HINDI MAGCURO

ANG TINGIG NG MGA PINAG-UUSIG.

ANG MAG-ANAK NINA ELIAS.

MGA PAGBABAGO.

ANG SULAT NG̃ MG̃A PATAY AT ANG MG̃A ANINO.

IL BUON DI SI CONOSCE DA MATTINA.

QUIDQUID LATET, ADPAREBIT, NIL INULTUM REMANEBIT.

ANG CAPAHAMACAN.

ANG SABIHANAN AT ANG INAACALA.

¡VAE VICTIS!

ANG SIMUMPA.

ANG KINAGUISNANG BAYAN AT ANG MGA PAG-AARI.

MAG-AASAWA SI MARIA CLARA.

ANG PANGHUHULI SA DAGATAN.

PAGPAPALIWANAG NI PARI DAMASO.

ANG GABING SINUSUNDAN NG̃ PASCO NG̃ PAGNG̃ANG̃ANAC.

PANGWACAS NA BAHAGUI.


MGA LARAWAN

.....Ang Doctor De Espadaña at ang canyang guinoong asawa ang Doctora Doña Victorina....

—¡Binatà, mag-íng̃at pô cayó! ¡Mag-aral cayó sa inyóng amá!—anáng teniente sa canyá.

—Laguì bang isinaísip mo acó? ¿Hindî mo ba acó linimot?...

—....Mananatili ang ating capangyarihan hanggang sa capangyarihang iya'y nananalig......

—¡Ah! at ¿anó ang guinawâ mo sa bangcay pagcatapos?—ang ipinagpatuloy na pagtanóng ng̃ maselang.

—¿Inanó mo ang aking amá—ani Ibarra sa fraile.

—¡Doo'y walâ sino mang nagsasabi sa aking aco'y magnanacaw!—ang idinuctóng ni Crispín;—¡hindî itutulot ng̃ nanay! ¡Cung maalaman niyang aco'y pinapalò....

—At cayóng nacacakita ng̃ casam-an, ¿anó't hindî ninyo pinag-isip na bigyang cagamutan?

¡Nasirà ang isip ni Sisa! ¡Higuít ang calungcutan ng̃ canyang hinibíc-hibíc cay sa capanglaw-panglawang náririnig na mg̃a daíng cung gabíng ng̃itng̃it ng̃ dilím at umaatung̃al ang lacás ng̃ unós!

—¿Hindî pô ba maglalagay namán cayó ng̃ inyong paletada guinoong Ibarra?—anang cura.


SA AKING TINUBUANG LUPA[1]

Nátatalà sa historia[2] ng̃ mg̃a pagdaralità ng̃ sangcataohan ang isáng cáncer[3] na lubháng nápacasamâ, na bahagyâ na lámang másalang ay humáhapdi't napupucaw na roon ang lubháng makikirót na sakít. Gayón din naman, cailán mang inibig cong icáw ay tawáguin sa guitnâ ng̃ mg̃a bágong civilización[4], sa hang̃ad co cung minsang caulayawin co ang sa iyo'y pag-aalaala, at cung minsan nama'y ng̃ isumag co icáw sa mg̃a ibáng lupaín, sa towî na'y napakikita sa akin ang iyong larawang írog na may tagláy ng̃ gayón ding cáncer sa pamamayan.

Palibhasa'y nais co ang iyong cagaling̃ang siyáng cagaling̃an co rin namán, at sa aking paghanap ng̃ lalong mabuting paraang sa iyo'y paggamót, gágawin co sa iyo ang guinágawà ng̃ mg̃a tao sa úna sa canilang mg̃a may sakít: caniláng itinátanghal ang mg̃a may sakít na iyan sa mg̃a baitang ng̃ sambahan, at ng̃ bawa't manggaling sa pagtawag sa Dios ay sa canilá'y ihatol ang isáng cagamutan.

At sa ganitóng adhica'y pagsisicapan cong sipîing waláng anó mang pacundang̃an ang iyong tunay na calagayan, tatalicwasín co ang isáng bahagui ng̃ cumot na nacatátakip sa sakít, na anó pa't sa pagsúyò sa catotohanan ay iháhandog co ang lahát, sampô ng̃ pagmamahál sa sariling dang̃ál, sa pagcá't palibhasa'y anác mo'y tagláy co rin namán ang iyong mg̃a caculang̃án at mg̃a carupucán ng̃ púsò.

Ang Cumatha.

Europa, 1886.


NOLI ME TANGERE

I.

ISANG PAGCACAPISAN.

ag-anyaya ng̃ pagpapacain nang isáng hapunan, ng̃ magtátapos ang Octubre, si Guinoong Santiago de los Santos, na lalong nakikilala ng̃ bayan sa pamagát na Capitang Tiago, anyayang bagá man niyón lamang hapong iyón canyang inihayág, laban sa dati niyang caugalìan, gayón ma'y siyang dahil na ng̃ lahát ng̃ mg̃a usap-usapan sa Binundóc, sa iba't ibang mg̃a nayon at hanggang sa loob ng̃ Maynílà. Ng̃ panahóng yao'y lumalagay si Capitang Tiagong isáng lalaking siyang lalong maguilas, at talastas ng̃ ang canyang bahay at ang canyang kinamulatang bayan ay hindî nagsásara ng̃ pintô canino man, liban na lamang sa mg̃a calacal ó sa anó mang isip na bago ó pang̃ahás.

Cawang̃is ng̃ kisláp ng̃ lintíc ang cadalîan ng̃ pagcalaganap ng̃ balítà sa daigdigan ng̃ mg̃a dápò, mg̃a lang̃aw ó mg̃a colado[5], na kinapal ng̃ Dios sa canyang waláng hanggang cabaitan, at canyang pinararami ng̃ boong pag-irog sa Maynílà. Nang̃agsihanap ang ibá nang betún sa caniláng zapatos, mg̃a botón at corbata naman ang ibá, ng̃uni't siláng lahát ay nang̃ag iisip cung paano cayâ ang mabuting paraang bating lalong waláng cakimìang gagawin sa may bahay, upang papaniwalàin ang macacakitang sila'y malalaon ng̃ caibigan, ó cung magcatao'y huming̃í pang tawad na hindî nacadalóng maaga.

Guinawâ ang anyaya sa paghapong itó sa isáng bahay sa daang Anloague, at yamang hindî namin natatandâan ang canyang bilang (número), aming sásaysayin ang canyang anyô upang makilala ng̃ayón, sacali't hindî pa iguiniguibá ng̃ mg̃a lindól. Hindî camí naniniwalang ipinaguibâ ang bahay na iyon ng̃ may-arì, sa pagca't sa ganitong gawa'y ang namamahala'y ang Dios ó ang Naturaleza[6], na tumanggap din sa ating Gobierno ng̃ pakikipagcayarì upang gawín ang maraming bagay.—Ang bahay na iyo'y may calakhan din, tulad sa maraming nakikita sa mg̃a lupaíng itó; natatayô sa pampang ng̃ ilog na sang̃á ng̃ ilog Pasig, na cung tawaguin ng̃ iba'y ría (ilat) ng̃ Binundóc, at gumáganap, na gaya rin ng̃ lahát ng̃ ilog sa Maynílà, ng̃ maraming capacan-ang pagcapaliguan, agusán ng̃ dumí, labahan, pinang̃ing̃isdâan, daanan ng̃ bangcang nagdádala ng̃ sarisaring bagay, at cung magcabihirà pa'y cucunán ng̃ tubig na inumín, cung minamagalíng ng̃ tagaiguib na insíc[7]. Dapat halataíng sa lubháng kinakailang̃ang gamit na itó ng̃ nayong ang dami ng̃ calacal at táong nagpaparoo't parito'y nacatutulig, sa layong halos may sanglibong metro'y bahagyâ na lamang nagcaroon ng̃ isang tuláy na cahoy, na sa anim na bowa'y sirâ ang cabiláng panig at ang cabilâ nama'y hindî maraanan sa nálalabi ng̃ taon, na ano pa't ang mg̃a cabayo, cung panahóng tag-init, canilang sinasamantala ang gayong hindî nagbabagong anyô, upang mulà roo'y lumucsó sa tubig, na ikinagugulat ng̃ nalilibang na táong may camatayang sa loob ng̃ coche ay nacacatulog ó nagdidilidili ng̃ mg̃a paglagô ng̃ panahón.

May cababâan ang bahay na sinasabi namin, at hindî totoong magaling ang pagcacàanyô; cung hindî napagmasdang mabuti ng̃ arquitectong[8] namatnugot sa paggawâ ó ang bagay na ito'y cagagawán ng̃ mg̃a lindól at mg̃a bagyó, sino ma'y walang macapagsasabi ng̃ tucoy. Isáng malapad na hagdanang ma'y cacapitáng culay verde, at nalalatagan ng̃ alfombra sa mumunting panig ang siyang daanan mulâ sa silong ó macapasoc ng̃ pintuang nalalatagan ng̃ azulejos[9] hanggang sa cabahayán, na ang linalacara'y napapag-itanan ng̃ mg̃a maceta[10] at álagaan ng̃ mg̃a bulaclac na nacalagay sa pedestal[11] na lozang gawâ sa China, na may sarisaring culay at may mg̃a dibujong hindî mapaglirip.

Yamang walang bantay-pintô ó alilang huming̃î ó magtanong ng̃ billete ó sulat na anyaya, tayo'y pumanhic, ¡oh icaw na bumabasa sa akin, catoto ó caaway! sacali't naaakit icaw ng̃ tugtog ng̃ orquesta, ng̃ ilaw ó ng̃ macahulugáng clin-clan ng̃ mg̃a pingga't cubiertos[12] at ibig mong mapanood cung paano ang mg̃a piguíng doon sa Perla ng̃ Casilang̃anan. Cung sa aking caibigán lamang at sa aking sariling caguinhawahan, hindî catá pápagalin sa pagsasaysay ng̃ calagayan ng̃ bahay; ng̃uni't lubháng mahalagá ito, palibhasa'y ang caraniwan sa mg̃a may camatayang gaya natin ay tulad sa pawican: hinahalagahan at hinihirang tayo alinsunod sa ating talucab ó tinatahanang bahay; dahil dito't sa iba pang mg̃a anyô ng̃ asal, cawang̃is ng̃a ng̃ mg̃a pawican ang mg̃a may camatayan sa Filipinas.—Cung pumanhic tayo'y agad nating marárating ang isáng malowang na tahanang cung tawaguin doo'y caida[13], ayawán cung bakit, na ng̃ gabing ito'y guinagamit na comedor[14] at tuloy salón ng̃ orquesta. Sa guitna'y may isáng mahabang mesa, na nahihiyasan ng̃ marami at mahahalagang pamuti, na tila mandin cumikindat sa colado, taglay ang catamistamisang mg̃a pang̃acò, at nagbabalà sa matatacuting binibini, sa walang malay na dalaga, ng̃ dalawang nacaiinip na oras sa casamahán ng̃ mg̃a hindî cakilala, na ang pananalita't mg̃a pakikikiusap ay ang caraniwa'y totoong cacaiba. Namúmucod ng̃ di ano lamang sa mg̃a ganitong handang sa mundo'y nauucol, ang sumasapader na mg̃a cuadrong tungcol sa religión, gaya bagá ng̃ Ang Purgatorio, Ang Infierno, Ang hulíng Paghuhucom, Ang pagcamatáy ng̃ banal, Ang pagcamatáy ng̃ macasalanan, at sa duyo'y naliliguid nang isáng maring̃al at magandañg marco na anyong Renacimiento[15] na gawâ ni Arévalo, ang isáng mabuting ayos at malapad na lienzo na doo'y napapanood ang dalawang matandang babae. Ganitó ang saysay ng̃ doo'y titic: Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje, na sinasamba sa Antipolo, sa ilalim ng̃ anyong babaeng magpapalimos, dinadalaw sa canyang pagcacasakít ang banal at bantog na si Capitana Inés[16]. Tunay mang ang pagcacapinta'y hindî nagpapakilala ng̃ arte at cabutihang lumikhâ, datapowa't nagsasaysay naman ng̃ caraniwang mamalas: ang babaeng may sakít ay tila na bangcay na nabûbuloc, dahil sa culay dilaw at azul ng̃ canyang mukhâ; ang mg̃a vaso't iba pang mg̃a casangcapan, iyang maraming mg̃a natitipong bagay bagay sa mahabang pagcacasakít ay doo'y lubhang mabuti ang pagcacasipì, na ano pa't napapanood patí ng̃ linálaman. Sa panonood ng̃ mg̃a calagayang iyong umaakit sa pagcacagana sa pagcain at nagúudyoc ng̃ ucol sa paglasáp ng̃ masasaráp na bagay bagay, marahil acalain ng̃ iláng may masamáng isipan ang may-arì ng̃ bahay, na napagkikilalang magalíng ang calooban ng̃ halos lahát ng̃ mg̃a magsisiupô sa mesa, at ng̃ huwag namáng máhalatang totoo ang canyang panucalà, nagsabit sa quízame ng̃ maririkít na lámparang gawâ sa China, mg̃a jaulang waláng ibon, mg̃a bolang cristal na may azogueng may culay pulá, verde at azul, mg̃a halamang pangbíting lantá na, mg̃a tuyóng isdáng botete na hinipa't ng̃ bumintóg, at iba pa, at ang lahát ng̃ ito'y nacúculong sa may dacong ílog ng̃ maiinam na mg̃a arcong cahoy, na ang anyo'y alang̃ang huguis europeo't alang̃ang huguis insíc, at may nátatanaw namáng isáng azoteang[17] may mg̃a balag at mg̃a glorietang[18] bahagyâ na naliliwanagan ng̃ mg̃a maliliit na farol na papel na may sarisaring culay.

Nasasalas ang mang̃agsisicain, sa guitnâ ng̃ lubháng malalakíng mg̃a salamín at na ng̃agníningning na mg̃a araña[19]: at doon sa ibabaw ng̃ isáng tarimang[20] pino[21] ay may isáng mainam na piano de cola[22], na ang halaga'y camalácmalác, at lalò ng̃ mahalagá ng̃ gabíng itó, sa pagca't sino ma'y walang tumútugtog. Doo'y may isáng larawang al óleo[23] ng̃ isáng lalaking makisig, nacafrac, unát, matuwíd, timbáng na tulad sa bastóng may borlas na tagláy sa mg̃a matitigás na daliring puspós ng̃ mg̃a sinsíng: wari'y sinasabi ng̃ larawan:

—¡Ehem! ¡masdán ninyó cung gaano carami ang suot co at aco'y hindî tumatawa!

Magagandá ang mg̃a casangcapan, baga man marahil ay hindî maguinhawahang gamitin at nacasasamâ pa sa catawan: hindî ng̃â ang icaiilag sa sakít ng̃ canyáng mg̃a inaanyayahan ang naiisip ng̃ may-arì, cung dî ang sariling pagmamarikít.—¡Tunay at cakilakilabot na bagay ang pag-iilaguín, datapowa't cayó namá'y umuúpô sa mg̃a sillóng gawáng Europa, at hindî palaguing macacátagpò cayó ng̃ ganyán!—itó marahil ang sinasabi niya sa canilá.

Halos punô ng̃ tao ang salas: hiwaláy ang mg̃a lalaki sa mg̃a babae, tulad sa mg̃a sambahang católico at sa mg̃a sinagoga[24]. Ang mg̃a babae ay iláng mg̃a dalagang ang iba'y filipina at ang iba'y española: binúbucsan nila ang bibíg upang piguilin ang isáng hicáb; ng̃uni't pagdaca'y tinátacpan nilá ng̃ caniláng mg̃a abanico; bahagyâ na nang̃agbubulung̃an ng̃ iláng mg̃a pananalitâ; anó mang pag-uusap na ipinagsúsumalang pasimulán, pagdaca'y naluluoy sa iláng putól-putól na sábi; catulad niyáng mg̃a ing̃ay na náriring̃ig cung gabí sa isáng bahay, mg̃a ing̃ay na gawâ ng̃ mg̃a dagâ at ng̃ mg̃a butikî. ¿Bacâ cayâ naman ang mg̃a larawan ng̃ mg̃a iba't ibang mg̃a Nuestra Señora[25] na nagsabit sa mg̃a pader ang siyang ninilit sa mg̃a dalagang iyong huwag umimíc at magpacahinhíng lubós, ó dito'y talagang natatang̃ì ang mg̃a babae?

Ang tang̃ing sumasalubong sa pagdatíng ng̃ mg̃a guinoong babae ay isáng babaeng matandang pinsan ni capitán Tiago, mukhang mabait at hindî magaling magwicang castilà. Ang pinacaubod ng̃ canyáng pagpapakitang loob at pakikipagcapuwa tao'y walâ cung ang dî mag-alay sa mg̃a española ng̃ tabaco at hitsô, at magpahalíc ng̃ canyang camáy sa mg̃a filipina, na ano pa't walang pinag-ibhán sa mg̃a fraile. Sa cawacasa'y nayamot ang abáng matandang babae, caya't sinamantala niya ang paglagapác ng̃ isang pinggang nabasag upang lumabás na dalidalì at nagbububulong:

—¡Jesus! ¡Hintay cayó, mg̃a indigno[26]!

At hindî na mulíng sumipót.

Tungcol sa mg̃a lalaki'y nang̃agcacaing̃a'y ng̃ cauntî. Umaaticabong nang̃agsasalitaan ang iláng mg̃a cadete[27]; ng̃uni't mahihinà ang voces, sa isa sa mg̃a súloc at manacanacang tinitingnan nila at itinuturo ng̃ dalirî ang iláng mg̃a taong na sa salas, at silasila'y nang̃agtatawanang ga inililihim ng̃ hindi naman; ang bilang capalit nama'y ang dalawang extrangero[28] na capowâ nacaputî ng̃ pananamit, nang̃acatalicod camáy at dî umíimic ay nang̃agpaparoo't paritong malalakí ang hacbang sa magcabicabilang dulo ng̃ salas, tulad sa guinágawâ ng̃ mg̃a naglalacbay-dagat sa cubierta[29] ng̃ isáng sasacyán. Ang masaya't mahalagáng salitàa'y na sa isang pulutóng na ang bumubuo'y dalawang fraile, dalawang paisano[30] at isáng militar na canilang naliliguid ang isáng maliit na mesang kinalalagyan ng̃ mg̃a botella ng̃ alac at mg̃a biscocho inglés[31].

Ang militar ay isang matandang teniente, matangcád, mabalasic ang pagmumukhâ, na ano pa't anaki'y isang Duque de Alba[32] na napag-iwan sa escalafón[33] ng̃ Guardia Civil[34]. Bahagyâ na siya nagsásalita, datapuwa't matigás at maiclî ang pananalitâ.—Ang isá sa mg̃a fraile'y isang dominicong bata pa, magandá, malinis at maningning, na tulad sa canyang salamín sa matang nacacabit sa tangcáy na guintô, maaga ang pagca ugaling matandâ: siya ang cura sa Binundóc at ng̃ mg̃a nacaraang tao'y naguing catedrático[35] sa San Juan de Letran[36]. Siya'y balitang dialéctico[37], caya ng̃a't ng̃ mg̃a panahong iyóng nang̃ang̃ahas pa ang mg̃a anac ni Guzmang[38] makipagsumag sa paligsahan ng̃ catalasan ng̃ ísip sa mg̃a seglar[39], hindî macuhang malitó siya ó mahuli cailan man ng̃ magalíng na argumentador[40] na si B. de Luna[41]; itinutulad siya ng̃ mg̃a distingo[42] ni Fr. Sibyla sa máng̃ing̃isdang ibig humuli ng̃ igat sa pamamag-itan ng̃ sílò. Hindî nagsasálitâ ang dominico at tila mandin pinacatitimbang ang canyang mg̃a pananalità.

Baligtád ang isá namáng fraile, na franciscano, totoong masalitâ at lalò ng̃ maínam magcucumpás. Bagá man sumusung̃aw na ang mg̃a uban sa canyang balbás, wari'y nananatili ang lácas ng̃ canyang malusóg na pang̃ang̃atawán. Ang mukhâ niyang magandá ang tabas, ang canyang mg̃a pagting̃ing nacalálaguim, ang canyáng malalapad na mg̃a pang̃á at batìbot na pang̃ang̃atawan ay nagbibigay anyô sa canyáng isáng patricio romanong[43] nagbalát cayô, at cahi't hindî sinasadya'y inyóng mágugunitâ yaong tatlong monjeng[44] sinasabi ni Heine[45] sa canyáng Dioses en el destierro[46], na nagdaraang namamangcâ pagcahating gabi sa isang dagatan doon sa Tyrol,[47] cung equinoccio[48] ng̃ Septiembre, at sa tuwing dumaraa'y inilálagay ng̃ abang mámamangca ang isáng salapíng pílac, malamíg na cawang̃is ng̃ hielo, na siyang sa canya'y pumupuspos ng̃ panglulumó. Datapuwa't si Fray Dámaso'y hindî mahiwagang gaya nilá; siya'y masayá, at cung pabug-al bug-al ang canyáng voces sa pananalità, tulad sa isang taong cailan ma'y hindi naaalang-alang, palibhasa'y ipinalálagay na banal at walâ ng̃ gágaling pa sa canyáng sinasabi, kinacatcat ang sacláp ng̃ gayóng ugalî ng̃ canyáng táwang masayá at bucás, at hangang sa napipilitan cang sa canya'y ipatawad ang pagpapakita ng̃ mg̃a paang waláng calcetín at mg̃a bintíng mabalahíbo, na icakikita ng̃ maraming pagcabuhay ng̃ isáng Mendicta sa mg̃a feria sa Kiapò.

Ang isa sa mg̃a paisano'y isang taong malingguit, maitím ang balbás at waláng íkinatatáng̃ì cung dî ang ilóng, na sa calakhá'y masasabing hindî canyá; ang isá, nama'y isang binatang culay guintô ang buhóc, na tila bagong datíng dito sa Filipinas: itó ang masilacbóng pinakikipagmatuwiranan ng̃ franciscano.

—Makikita rin ninyó—ang sabi ng̃ franciscano—pagca pô cayó'y nátirang iláng bowan dito, cayó'y maniniwálà sa aking sinasabi: ¡ibá ang mamahala ng̃ bayan ng̃ Madrid at ibá, ang mátira sa Filipinas!

—Ng̃uni't....

—Acó, sa halimbáwà—ang patuloy na pananalitâ ni Fr. Dámaso, na lalong itinaas ang voces at ng̃ dî na macaimíc ang canyang causap—aco'y mayroon na ritong dalawampo at tatlong taóng saguing at morisqueta[49], macapagsasabi aco ng̃ mapapaniwalâan tungcól sa bagay na iyan. Howág cayóng tumutol sa akin ng̃ alinsunod sa mg̃a carunung̃an at sa mabubuting pananalitâ, nakikilala co ang indio[50]. Acalain ninyong mulá ng̃ aco'y dumatíng sa lupaíng ito'y aco'y iniucol na sa isang bayang maliit ng̃a, ng̃uni't totoong dúmog sa pagsasaca. Hindî co pa nauunawang magalíng ang wicang tagalog, gayon ma'y kinúcumpisal co na ang mg̃a babae[51] at nagcacawatasan camí, at lubháng pinacaíbig nila aco, na ano pa't ng̃ macaraan ang tatlóng taón, ng̃ aco'y ilipat sa ibáng báyang lalong malakí, na waláng namamahálà dahil sa pagcamatáy ng̃ curang indio roon, nang̃agsipanang̃is ang lahat ng̃ babae, pinuspos acó ng̃ mg̃a handóg, inihatid nila acong may casamang música....

—Datapowa't iya'y nagpapakilala lamang....

—¡Hintáy cayó! ¡hintay cayó! ¡howag naman sana cayóng napacaning̃as! Ang humalili sa akin ay hindí totoong nagtagal na gaya co, at ng̃ siya'y umalís ay lalò ng̃ marami ang naghatíd, lalo ng̃ marami ang umiyác at lalo ng̃ mainam ang música, gayóng siya'y lalò ng̃ mainam mamálò at pinataas pa ang mg̃a derechos ng̃ parroquia[52], hangang sa halos nag-ibayo ang lakí.

—Ng̃uni't itutulot ninyó sa aking....

—Hindî lamang iyan, nátira aco sa bayang San Diegong dalawampong taón, may iláng bowán lamang ng̃ayong aking.... iniwan (dito'y nagpakitang tila masamâ ang loob). Hindî maicacait sa akin nino mang dalawampong tao'y mahiguít cay sa catatagán upang makilala ang isang bayan. May anim na libo ang dami ng̃ taong namamayan sa San Diego, at bawa't tagaroo'y nakikilala co, na parang siya'y aking ipinang̃anac at pinasuso: nalalaman co cung alín ang mg̃a lisyang caasalan nito, cung anó ang pinang̃ang̃ailang̃an niyon, cung sino ang nang̃ing̃ibig sa bawa't dalaga, cung ano anong mg̃a pagcadupilas ang nangyari sa babaeng itó, cung sino ang tunay na amá ng̃ batang inianac, at iba pa; palibhasa'y kinucumpisal co ang calahatlahatang taong-bayan; nang̃ag-iing̃at ng̃ mainam sila sa canicaniláng catungculan. Magsabi cung nagsisinung̃aling aco si Santiagong siyang may arì nitong bahay; doo'y marami siyang mg̃a lupà at doon camí naguíng magcaibigan. Ng