Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

The Unexpected Journey (Tagalog Edition)
The Unexpected Journey (Tagalog Edition)
The Unexpected Journey (Tagalog Edition)
Ebook945 pages11 hours

The Unexpected Journey (Tagalog Edition)

Rating: 3.5 out of 5 stars

3.5/5

()

Read preview

About this ebook

Si Princess Janella Irish Doherty ay may matinding pagsubok na hinaharap kasama ang mundo. Ang mga misteryosong nilalang na nakatira sa Bhingelheim World ay balak na sakupin ang Destiny World na kanyang ginagalawan.
Ngunit si Zavier ay ang isang nilalang na handa maging taksil at maging tagapagligtas niya kahit na nakataya pa ang kanyang buhay rito. Drama, komedya, romansa.

LanguageTagalog
Release dateAug 28, 2016
ISBN9781370301201
The Unexpected Journey (Tagalog Edition)
Author

Harkin Deximire

Harkin Deximire is an artist and a novelist. She was born in Manila, Philippines on October 3, 1997 to both Filipino parents. Her first book, "The Unexpected Journey" was published on February 2016 in Filipino Paperback Edition. She was The Winner of NaNoWriMo 2015.

Related to The Unexpected Journey (Tagalog Edition)

Related ebooks

Reviews for The Unexpected Journey (Tagalog Edition)

Rating: 3.6666666666666665 out of 5 stars
3.5/5

3 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    The Unexpected Journey (Tagalog Edition) - Harkin Deximire

    Prologue

    Sa isang malaking kalawakan, binubuo ito ng maraming mga planeta. Iba’t-ibang uri ang mga nakatira sa bawat isa nito. May mga monsters, aliens, unknown creatures, dinosaurs, zombies at marami pang iba.

    Isa sa kilalang planeta ay nangangalang Destiny at ito ay kagaya rin ng planetang Earth. Ngunit mas maliit nga lang ang planetang ito kumpara sa planetang Earth, dahil ito ay binubuo lang ng iisang kontinente. Ang mga nakatira dito ay mga tao at mga hayop lang rin. Kakaunti lang ang kabuuang bilang ng populasyon ng mundong ito at higit pa sa lahat, hindi pa sila ganu’ng mayaman pa sa mga teknolohiya dahil nagsisimula pa lang sila.

    Sa mundong ito, alas-syete pa lang ng umaga ay pinagdiriwang na nila ang kaarawan ng kanilang prinsesa. Sobra-sobrang nagsasaya ang lahat dahil buong kontinente ay nagdiriwang. Palipat-lipat nga ng iba’t-ibang lugar ang prinsesa para bisitahin ang mga taong gusto siyang makita at para makita rin niya ang kalagayan ng kanyang mga kababayan. Mabuti naman at nakita naman niya na maaayos naman ang kanilang mga buhay. Hindi naman sila nahihirapan at patuloy lang silang mga nakangiti at masaya sa kanilang ginagawa sa buhay. Halos pinagdiwang niya ang kanyang kaarawan sa piling ng mga tao at hindi sa kanyang palasyo. Nakikain pa siya sa loob ng mga bahay dahil may mga handa pala sila para sa kanya. Nakipagkwentuhan din siya sa mga matatanda at nakipaglaro pa sa mga bata.

    Siya ay si Princess Janella Irish Doherty. Siya lang ang katangi-tanging prinsesa sa mundong Destiny. Labing-anim na taong gulang na siya ngunit makulit at parang bata pa rin kung kumilos. Hindi pa rin siya palaayos sa kanyang sarili. Hindi nga man lang marunong mag-ipit ng buhok at minsan pa nga ang pagsusuklay ay kinatatamaran pa niyang gawin.

    Hindi rin siya mahilig sa mga damit na hindi siya kumportable kapag sinuot, kahit na maganda pa ito sa paningin ng karamihan.

    Pasaway, matigas ang ulo, pikunin at maarte. Minsan pa nga, kapag dumadating ang punto na sobra siyang galit ay hindi na niya alam ang mga pinagsasabi niya sa kanyang kausap. Pero sa kabila ng ganu’n niyang ugali, maaalalahanin at mapagmahal din naman siyang dalagita. Matapang siya ngunit duwag din minsan sa ibang bagay.

    Mahilig siyang lumabas ng palasyo at mamasyal kung saan-saan at ang nakakatuwa pa, nasa ugali na rin niya ang makipaglaro sa mga mas bata pa sa kanya. Sumasali siya sa mga naglalarong mga bata sa tuwing na may nakikita siya sa labas.

    Ngunit tumigil ang selebrasyon dahil may nabalitaan sila na may masamang nangyari tungkol sa kanyang kabalyero na si Jasper. Hinatid ang sulat sa palasyo habang siya ay nasa ibang lupalop pa nagsasaya. Pero nang malaman niya ang tungkol dito, hindi niya napigilang umuwi at lumuha.

    Gabi na nang makabalik siya sa palasyo. Umuulan na naman ng malakas dahil sa may bagyo na paparating.

    Ang nabasa nilang sulat mula sa ama ni Jasper ay hindi katanggap-tanggap. Nalungkot ang mga tao sa buong kontinente nang malaman nila ito. Lalo naman si Janella, mas mahigit pa sa kanilang lahat ang kanyang nararamdaman sapagkat sobrang mahalaga ang taong ito sa kanya.

    Napakabait, malakas at napakamasunuring tao si Jasper. At isa pa noong siya ay bata pa, magkasama na sila at kabalyero na niya ito. Si Jasper pa mismo ang nagdesisyon na maging isa na siyang tagapagtanggol ng prinsesa kahit na sobra pa siyang bata. Pero naniniwala naman kasi siya sa kanyang sarili na kayang-kaya niyang protektahan ito kahit na ano man ang mangyari. Hanggang sa kanilang paglaki ay hindi man lang siya nito iniwan. Patuloy lang siyang pinoprotektahan at inaalagaan. Tinuring na niya itong nakababatang kapatid na babae dahil turing rin sa kanya ay nakatatandang kapatid na lalaki. Mahal na mahal nila ang isa’t isa bilang isang parang magkapatid kahit na sila ay magkaibigan.

    1: The Letter

    I know my knight is courageous and powerful.

    He protects me no matter how hard it is, and he always prevails.

    But something horrible has happened to him...

    How did this happen?

    -The Princess

    Mga tahimik lang ang mga tao sa loob ng palasyo at tanging ulan lang ang naririnig na ingay sa kanilang lugar ngayon. Gustong-gusto nang bisitahin ng isang babaeng servant si Janella sa kwarto dahil kaninang-kanina pa siya nagkulong dito matapos niyang malaman ang masamang balita.

    Hindi na siya nakatiis at pinuntahan na niya ang kwarto nito. Kumatok siya sa pinto. Your Highness, a-ayos lang po ba kayo? pag-aalalang tanong niya.

    Hindi sumagot si Janella kaya muli siyang kumatok. Your Highness? napaisip siya na buksan na lang niya ang pinto. Inuwang niya ito ng kakaunti at sinilip niya ang loob.

    Nakita niya ang prinsesa na nakaupo sa alpombra ng ilalim ng kanyang kama habang ang pagmumukha naman niya ay nakasubsob sa malambot niyang kama. Gusto niya itong lapitan dahil alam niya na siya ay umiiyak.

    My Lady… malungkot ang kanyang pagkakatitig sa kanya. Tuluyan na niyang binuksan ang pinto at marahan siyang pumasok sa loob. Sinara niya ito ng tahimik at tumayo lang siya sa tapat ng pinto pagkatapos. Napapikit siya at napabuntong-hininga saglit. Dumilat na muli siya at marahan siyang lumapit sa prinsesang lumuluha. Lumuhod siya sa tabi nito at hinawakan ang kanyang balikat. Naramdaman niya ang bawat paghikbi nito.

    Tahan na po ‘yan… hinimas niya ang likuran nito. Malungkot siyang napatingin sa ibaba. Naiintindihan ko naman po ang iyong nararamdaman ngayon, Your Highness. Sobra nga kasing nakakalungkot... dahil nama-- hindi pa man siya tapos sa kanyang sasabihin nang bigla naman siyang sinigawan ni Janella.

    PWEDE BA?!!! HUWAG MO NA ‘YAN SABIHIN PA SA ‘KIN?!!! ALAM NAMAN NATING LAHAT DI BA?!!! MASAKIT NA NGA, INUULIT MO PA!!! pasigaw na wika niya habang nakasubsob pa rin ang kanyang mukha sa kama at lalo tuloy siyang naiyak.

    Napahinto tuloy ang servant sa paghimas ng kanyang likuran at narinig niya ang bawat malalakas na paghikbi ng prinsesa.

    Iwanan mo muna ako dito mag-isa kung sino ka man! mataas na tonong sabi niya habang nakasubsob pa rin ang kanyang mukha sa kama.

    Nasaktan ang servant sa sinabi ng prinsesa dahil naisip niya na wala naman pala siyang maitutulong sa kanya. P-Pero… isa kitang kaibigan na dapat kong pasayahin. napalunok siya at napayuko. Binaba na niya ang kanyang kamay na nakahawak sa likuran ni Janella.

    Pagkatapos nitong magsalita ay nalaman ng prinsesa na kung sino ang kanyang kausap. Huwag ka nang mag-alala sa ‘kin. humihikbing wika niya. Umalis ka na lang dito sa aking kwarto, Mitch… pwede ba?

    Lalo tuloy nakaramdam ng lungkot si Mitch. Malumanay siyang tumayo habang nakayuko.

    May kumatok bigla sa pinto. Your Highness, nandiyan po ba si Mitch? mausisang tanong ng isang lalaking servant.

    Hindi sumagot si Janella.

    Tumalikod na si Mitch at tumungo na sa pintuan. Binuksan niya ito ng tahimik.

    Oh, Mitch! ningitian niya ito kahit na napansin niya na malungkot ang kanyang pagmumukha. Kumusta siya? Patulugin mo na siya. bulong niya.

    Lumabas na lang ng kwarto si Mitch. Nakayuko pa rin siya habang sinarado na niya ang pinto. Nilayasan niya ang binata.

    U-Uy! mabilis siyang sumunod kay Mitch at tinabihan niya ito sa paglakad. Hello Mitch! Masyado ka nang nag-aalala kay Princess Janella ah. Dahil pansin ko kanina, sobrang tahimik mong nagtatrabaho sa ikalawang palapag habang patingin-tingin ka sa hagdanan. medyo nakangiti ito sa kanya habang ang kanyang mga braso ay nasa likuran pa ng kanyang ulo. Naglalakad lang silang dalawa sa ikatlong palapag ng koridor.

    Napahinto si Mitch at masama niya itong tiningnan. Siyempre naman Baron! Matagal na kaya ako sa palasyo na ‘to at bata pa lang kami ay magkakilala na kami! Matagal na rin kaming magkaibigan kaya marapat lang akong mag-alala sa kanya! medyo mataas na tonong sabi niya.

    Nagulat at nataranta si Baron sa malakas na boses ni Mitch. Pinuno kasi siya sa lahat ng mga servants at malalagot siya kapag may nagreklamo sa kaingayan nilang dalawa habang sila ay mga natutulog na. Ssshhh!!! Huwag mo namang lakasan boses mo! Natutulog na ang karamihan dito sa palapag oh! pabulong ngunit mataas na tonong sabi niya.

    Hmp! humalukipkip at tinalikuran niya si Baron habang nakapikit.

    Nanakot pa si Baron. Sige ka! Kapag may nagreklamo dito! Ikaw ang sisisihin ko!

    Eh’ di sabihin mo! Ako naman talaga di ba?! pinandilatan niya pa ang katulong.

    Nagulat siya. A-Ayos lang ‘yun sa ‘yo? Lahat kasi ng mga kasalanan ninyo, sinasalo ko para ako lang ang mapapagalitan! Pinoprotekatahan ko kasi kayo!

    Hindi inintindi ni Mitch ang sinabi niya. Hmp! muli siyang naglakad. Matalik kong kaibigan si Princess Janella! Tandaan mo ‘yan! medyo napalakas na naman niya ang kanyang boses.

    Bigla nilang narinig ang isang pinto mula sa kanilang likuran na bumukas.

    Napalingon at napatingin si Baron sa pintong bumukas. Nakita niya ang isang anino na papalabas na sa pintuan. Naku po! kinagat niya ang kanyang mga daliri at nataranta.

    Hmp! Humanda ka na. mahinang wika ni Mitch habang naglalakad.

    Dali! madaling hinawakan ni Baron ang magkabilang balikat ni Mitch at tumakbo.

    U-Uy!!! sigaw ni Mitch habang malakas siyang natutulak.

    Ssshhh!!! Huwag kang maingay~! sa sobrang taranta ni Baron, pati ang kanyang sinasabi ay nalalagyan na niya ng tono.

    Ano ka ba Baron! Bitiwan mo na nga ako! inis na wika ni Mitch. Halos magbuhol-buhol na ang kanyang mga binti. ANO BA ‘YAN BARON!!!

    Narating na nila sa wakas ang hagdanan at nakahawak pa rin sa balikat ni Mitch itong si Baron habang tinutulak pa rin siya.

    Bitiwan mo na nga kasi ako!!! Mahuhulog ako sa hagdan!!!

    Binitiwan na niya si Mitch bago pa sila makababa ng hagdan. Mabilis na bumaba si Baron habang si Mitch naman ay nakatayo lang sa tapat ng hagdan.

    Napahawak si Mitch sa kaliwa niyang balikat. Tsk! Kainis ‘to! sinusundan lang niya ng tingin si Baron na nagmamadaling bumaba.

    Nasa ikalawang palapag na si Baron habang nasa tapat rin ng hagdan. Hinihingal pa siya habang sinesenyasan si Mitch na bumaba na.

    Hmp! naiinis pa rin siya sa kanya at mabagal siyang bumaba.

    Ang bagal mo! Kapag ikaw nakita! bulong ni Baron.

    Hindi iniintindi ni Mitch si Baron basta mabagal lang siyang bumababa.

    Baron? tawag ng isang lalaki sa ikatlong palapag. Narinig nila ang tunog ng sapatos sa bawat pag-apak niya.

    Uh-oh... Patay! napasampal tuloy sa noo si Baron at lalo siyang kinabahan.

    Ningisihan ni Mitch si Baron at sumenyas ng lagot ka.

    Napalunok siya at inayos ang kanyang kasuotan. Tumayo siya ng tuwid at umakyat muli ng hagdan.

    Nasa ikalawang palapag na si Mitch. Lumakad siya patungo sa sala at nakita niya ang sulat na nakalaglag sa alpombra. Kinuha niya ito at binasa. Muli siyang nalungkot.

    Ilang minuto ang lumipas, bumaba na sa hagdan si Baron. Nagbalak pa siyang gulatin si Mitch hangga’t nakatalikod pa ito sa kanya. Pumunta siya ng tahimik sa kanyang likuran. Yup! Ang sulat galing sa ama ni Ginoong Jasper! pumeywang pa siya.

    E-Eh?! nagulat si Mitch. Mabilis siyang lumingon at tiningnan si Baron. Nakakagulat ka naman! Bakit ang bilis mo?!

    Ssshhh! Boses natin! Tandaan, ingat-ingat tayo sa pagsasalita! mahinang wika niya habang naka-silent pose pa.

    Hmp! tiningnan muli ni Mitch ang sulat. Napabuntong-hininga siya at napailing. Ginoong Jasper…

    Kaibigan mo rin ba si Ginoong Jasper? tanong ni Baron.

    Oo. mahinang wika niya habang nakatingin pa rin sa sulat.

    Tumango si Baron habang nakatingin din sa sulat. Hinimas niya ang kanyang baba.

    Hindi ka ba nalulungkot Baron? binaba ni Mitch ang sulat at humarap sa kanya.

    Hm? Anong ibig mong sabihin? Siyempre, nalulungkot din ako ‘no? ngumuso siya habang nakatingin sa kanya. Ang bait-bait pa naman ng lalaking ‘yun.

    Malungkot na tumingin sa ibaba si Mitch. Nawala na siya. bigla niyang naramdaman na naiiyak na rin siya.

    Mhm. tumango muli si Baron habang nakanguso. Napatingin siya sa malayo habang hinihimas pa rin ang kanyang baba. Gwapo pa naman.

    Tumingin muli si Mitch sa kanya. Tinago na niya ang sulat sa kanyang bulsa.

    Napatingin si Baron sa kanya. Pero… nagkibit siya ng balikat. Mas gwapo pa rin ako di ba? Hahaha! Biro lang! at nag-peace pose siya bigla at sabay ngiti.

    Biglang sumimangot si Mitch dahil seryoso ang kanilang pinag-uusapan. Huwag ka ngang magbiro ng ganyan! Hindi ako natutuwa sa ‘yo! piningot niya si Baron sa tenga at naglakad.

    A-Aray ko naman! sigaw ni Baron. Ginawa ko lang naman ‘yun para matawa ka naman kahit kakaunti!

    Ssshhh!!!! Ngayon! Ikaw naman ang maingay! huminto si Mitch sa paglakad at masama niyang tiningnan si Baron.

    A-Aray! M-Masakit kaya! pabulong ngunit mataas na tonong sabi ni Baron sa kanya. Hahawakan na niya sana ang kamay ni Mitch sa kanyang tenga para tanggalin.

    Ngunit pinandilatan siya ni Mitch. Sige! Subukan mong hawakan ang aking kamay!

    Muling ngumuso si Baron. Maawa ka naman sa ‘kin Mitch... ang sakit na kaya!

    HHMMM!!!! lalo niyang piningot ang kanyang tenga at pinagpatuloy muli ang paglakad.

    ARAY KO!!!!

    Ssshhh!!!!! Ang ingay mo!

    Kasi naman! Ang sakit-sakit na!

    Hindi na lang pinansin ni Mitch si Baron. Bumaba muli sila ng hagdan.

    Nasa ika-unang palapag na sila. Sa palapag na ito, dito kadalasang ginaganap ang mga partido. Kaya maluwang ang espasyo para sa mga upuan at sa mga lamesa. Dito rin ginaganap ang sayawan at kainan. Ngunit nandito rin sa palapag ang iisang kwarto ng mga servants.

    Pumasok na sila Mitch sa loob ng kanilang kwarto. Mga nakapatay na ang mga kandila sa tabi ng kanilang mga kama. Napansin din nila na tulog na pala ang lahat.

    A-Ahh... namamanhid na ang tenga ni Baron sa sobrang sakit.

    Sshh! Nandito na tayo! Tulog na silang lahat! bulong ni Mitch habang naka-silent pose.

    Bitiwan mo na kaya tenga ko! Maawa ka na sa ‘kin! Pakiusap! halos maiyak-iyak na siya sa sobrang sakit.

    O sige na! napilitan si Mitch na pakawalan na ang tenga nito.

    Hinawakan kaagad ni Baron ang kanyang tenga at muli siyang ngumuso. Tenga ko… baka paggising ko, nasa lapag ka na duguan... Stay with me.

    Napatingin si Mitch sa kanya at nandiri. Anong pinagsasabi mo diyan?! Tumigil ka nga! Ang dami mong alam! Good night! Matulog ka na! pabulong ngunit mataas na tonong sabi ni Mitch sa kanya.

    Nananatili lang na nakanguso si Baron habang hawak-hawak pa rin niya ang kanyang tenga. Malungkot siyang tumingin kay Mitch. Ikaw rin… Good night rin sa ‘yo. mabagal siyang pumunta sa kanyang kama. Umupo muna siya habang inaayos ng isa niyang kamay ang unan. Hanggang sa kanyang paghiga ay nananatili pa rin siyang nakahawak sa kanyang tenga.

    Masama lang na nakatingin si Mitch sa kanya ngunit bigla na lang siyang naawa sa kanya. Ang kulit-kulit mo kasi e! Nakakainis! wika niya mula sa kanyang isip. Tumalikod na siya’t naglakad na para puntahan naman ang kanyang kama na nakapwesto sa pinakadulo ng kwarto. Inayos rin niya ang kanyang unan bago humiga.

    Habang si Janella naman sa kwarto, nakapatay lang ang mga ilaw sa loob. Ang kurtina ng bintana ay mga nakabukas para makapasok sa loob ang liwanag ng buwan. Nakahiga na rin siya sa kanyang kama habang nakatulala sa kisame.

    Jas...per... malungkot niyang wika at muling tumulo ang isa pa niyang luha sa kanyang pisngi. Bakit ikaw pa? tinakpan niya ang kanyang bibig at napailing habang sumunod-sunod na ang kanyang pagluha. Nasira ang espesyal na araw ko na ‘to simula nung marinig ko ang masamang balita sa ‘yo… humihikbi-hikbi na siya. Miss na miss na kaya kita… dahil ilang araw na tayong hindi nagkikita. Nandito lang ako inaantay ang pagdating mo hanggang sa sumapit na nga ang aking kaarawan… tapos… napapikit siya at napabuntong hininga.

    Patay ka na pala… mahinang wika naman ni Mitch sa kama niya habang nakapatong ang kanyang kanang kamay sa dibdib kasama ang sulat. Alam kong ginawa mo ‘to para…

    Ipagtanggol ako… wika muli ni Janella. Inalis niya ang kamay niyang nakatakip sa kanyang bibig at pinilit niyang tumigil sa pag-iyak. Pero bakit hindi mo pinaalam sa amin ang lahat ng plano mo lalo na sa ‘kin? Bakit hindi mo sinabi sa ‘kin na makikipaglaban ka na pala sa ibang mundo?! hinigpitan niya ang kanyang pagkakahawak sa kumot. Pero hindi ko maintindihan kung bakit mo ginagawa ‘to. A-Ano bang meron? Gulong-gulo na ako! Hindi ko pa rin maintindihan ang lahat dahil limitado lang ang sinabi ng ama mo sa sulat! Ang alam ko lang ay nakipaglaban ka sa ibang mundo para ipagtanggol ako, pero bakit? hindi muna siya nagsalita at huminga muna siya ng malalim para pawiin ang kalungkutan kahit kakaunti. P-Pero... naniniwala pa rin ako na buhay ka pa rin. Nandiyan ka pa rin di ba? Nasa ibang mundo ka lang, baka… naligaw ka lang.

    Ginoong Jasper… mahinang wika naman ni Mitch habang nakatagilid at nakatingin sa nakabukas niyang kandila. Tumihaya muli siya’t tumingin sa kisame at pinatong ang kanang braso sa noo niya. Napabuntong hininga siya. Kahit na ganu’n... hinding-hindi ka namin malilimutan. Palagi ka naming maaalala sa lahat ng oras at panahon. napangiti siya at dahan-dahan na siyang pumikit.

    Nandito ka lang sa puso’t isip ko… Hinding-hindi ko rin malilimutan ang mga panahon na nasa tabi kita. Kung paano mo ako pinaligaya. tumulo pa ang isang luha ni Janella. Napangiti rin siya ng kakaunti at napapikit na rin pagkatapos.

    Kinabukasan ng umaga.

    Princess Janella. tawag ni Baron habang siya ay nakaupo sa tabi ng kama nito.

    Nagising ang prinsesa at dahan-dahan siyang dumilat. B-Baron? kinusot niya ang kanyang mga mata at umupo.

    Yes! This is Baron, looking at your beautiful face! masayang wika niya habang tinataas-taas pa niya ang magkabila niyang kilay. Punong-puno pa ng mga imaginary roses ang kanyang likuran habang ito ay mga kumikinang pa at sobrang nakakaakit.

    Ahm, ahehehe! natawa na lang siya ng kakaunti. N-Nasaan si Mitch?

    Oh. nawala paisa-isa ang mga rosas na parang isang bula sa kanyang likuran at muli itong bumalik sa normal. Ahm, natakot po yata siya sa ‘yo nung sigawan at palayasin mo daw siya sa kwarto kagabi. wika niya habang nakatingin sa dalawang dulo ng kanyang hintuturo na pinagbabangga niya.

    Ah. hinawakan ni Janella ang kanyang noo at pumikit. Pasensya na… alam n’yo naman di ba na sobra ‘kong lungkot kagabi? Kahit pati naman ngayon.

    Napayuko si Baron. Opo, kaya naiintindihan ka naman po siguro ni Mitch, Your Highness.

    Sana nga. dumilat na siya at inalis ang kamay niya sa kanyang noo.

    Tumingin muli si Baron sa prinsesa. Siya nga po pala, kumain na po kayo. masayang wika niya.

    Tumingin din sa kanya si Janella. Ah, oo… sige bababa na ako.

    O sige po. tumayo siya at inabot ang kanan niyang kamay sa prinsesa para alalayang patayuin.

    Napangiti siya. Ayos na ako Baron… salamat na lang.

    Ah, o sige po. napangiti din siya. Binaba na niya ang kanyang kamay at yumuko para magbigay galang. Lalabas na po ako. pumunta na siya sa pintuan at lumabas.

    Nakatingin lang si Janella sa kanya. Nakalabas na siya at tahimik niyang sinara ang pinto pagkatapos.

    Tumingin na siya sa bintana at nakita ang malakas na sinag ng araw na pumapasok sa kanyang kwarto. Jasper, sana ayos ka lang ngayon. Hindi naman ako naniniwala na patay ka na… Naniniwala ako na nasa malayong lugar ka lang. Basta mag-ingat ka lang palagi. wika niya mula sa kanyang isip. Tinutop niya ang kanyang dibdib at pumikit. Hahanapin rin kita kung maaari.

    Your Highness? inuwang ni Mitch ang pinto para silipin si Janella sa loob.

    Dumilat siya at marahan siyang tumingin kay Mitch. Kinabahan siya at hindi niya alam kung paano siya hihingi ng paumanhin sa kanya. M-Mitch, patawarin mo ako. Alam kong hindi na tama o maayos ang mga pinagsasabi ko sa ‘yo kagabi. Parang… nawala na lang ako sa sarili nang malaman ko ang balita. Kaya pasensya na talaga… malungkot niyang wika.

    Ngumiti siya ng kakaunti. Binuksan na niya ang pinto at pumasok sa loob para lapitan si Janella.

    Malungkot lang na nakatingin si Janella sa kanya. Pasensya na talaga Mitch.

    Umupo si Mitch sa kama nito at sabay yakap sa kanya. Naiintindihan ko at kahit na anong mangyari, hinding-hindi masisira ang pagkakaibigan natin.

    Nanlaki ang mga mata ni Janella nang siya ay biglang yakapin. Maraming salamat... pinagsisihan ko na lahat-lahat ng mga sinabi ko sa ‘yo. niyakap rin niya ito.

    Ngumiti muli siya at bumitaw na siya sa prinsesa. Your Highness, pinatatawag ka nga po pala ng iyong nanay sa Dining Hall. nakangiting wika niya. Kumain na po kayo. at tumayo.

    O sige. tumango ang prinsesa at ngumiti rin sa kanya kahit kakaunti. Salamat ulit sa ‘yo, dahil pinatawad mo ako kaagad.

    Wala pong anuman. inabot niya ang kanang kamay niya para sa tatayong prinsesa.

    Ngumiti muli si Janella at hinawakan niya ang kamay nito.

    Lumabas na silang pareho sa kwarto habang papunta na sila ng ikalawang palapag. Mga nasa sala lang ang mga servants at ang iilang bisita. Mga nag-aabang sila sa hagdanan dahil inaantay nilang bumaba si Janella. Nagsibulungan silang lahat nang makita na nila ang prinsesa na bumababa na.

    Sabay-sabay na tumayo ang mga bisita.

    Si Princess Janella… wika ng isang dalaga.

    Yumuko tayong lahat. wika naman ng isa. Yumuko silang lahat para magbigay galang.

    Mga nag-aalala silang lahat sa ‘yo. Dahil sinabi ng nanay mo sa kanila ang lahat ng nangyari sa ‘yo kahapon. bulong ni Mitch habang hawak-hawak niya ang kamay ni Janella na inaalalayan niyang bumaba.

    Nakahawak lang sa palda si Janella habang nakatingin sa hagdan. G-Ganu’n ba?

    Hindi siya naging masaya kahapon, kawawa naman. Kaarawan pa naman niya kahapon. bulong ng isang bisita sa kanyang kausap habang sila ay mga nakayuko.

    Pagkatapos bumaba ni Janella, tumungo kaagad sila ni Mitch sa Dining Hall. Nadaanan niya ang mga servants at ang mga bisita. Tumingin paisa-isa sa kanya ang lahat at ngumiti. Napangiti din siya kahit kakaunti. Kumatok si Mitch sa pinto ng Dining Hall at binuksan ito ng isang servant na lalaki mula sa loob.

    Your Highness, magandang umaga po! nakangiting bati ng binata.

    Napangiti ng kakaunti si Janella habang siya ay nakatingin sa kanya. Salamat Clayden. pumasok na siya sa loob.

    Inaalalayan lang siya ni Mitch. Tumungo na sila sa mahabang lamesa na punong-puno ng mga pagkain.

    Tumayo at yumuko rin ang mga nakaupo para magbigay rin ng galang sa kanya. Inurong ni Mitch ang upuan para sa prinsesang uupo.

    Salamat Mitch. umupo na si Janella. Tiningnan niya saglit ang kanyang nanay sa kabilang dulo ng lamesa.

    Umupo na rin ang mga bisitang kumakain sa lamesa. Nakatayo lang sa gilid ang mga servants.

    Princess Janella. mahinang tawag ng kabalyero ng kanyang ina mula sa kanang bahagi niya.

    Napatingin si Janella sa kanya.

    Ngumiti lang ito sa kanya.

    Kumain na tayong lahat. seryosong wika ng nanay ni Janella at nagsimula na silang kumain.

    Nakatingin lang si Janella sa pagkain niya. Hindi niya kaagad kinuha ang kutsara at tinidor.

    Janella? nagtaka ang kanyang inang nakatingin sa kanya.

    Madaling tumingin si Janella sa kanya. P-Po?

    Anong problema?

    W-Wala po. umiling lang siya at muli siyang tumingin sa pagkain. Kinuha na niya ang kutsara at tinidor at nagsimula na siyang kumain.

    Pagkatapos ng ilang minuto…

    Tapos nang kumain ang iba habang si Janella naman ay pinapapak na lang ang natira niyang ulam sa kanyang plato.

    Janella. seryoso lang na nakatingin ang kanyang nanay sa kanya.

    Po? hinihiwa lang niya ang karne.

    May pag-uusapan tayo.

    Napatigil si Janella sa paghiwa ng karne. Marahan niyang binaba sa lamesa ang panghiwa pagkatapos. Napabuntong-hininga siya at napatingin sa kanya. Ano po ‘yun, ina?

    Pumunta dito kanina ang ama ni Jasper habang tulog ka. Sinabi niya sa amin ang lahat. May pinakilala rin siya sa amin na pwedeng maglingkod sa ‘yo bilang isang kabalyero. Siya ay si Lucius Alexandre at siya ang pinakamagaling na piloto niya.

    Taas noong tumayo si Lucius at ningitian niya si Janella.

    Tumingin si Janella sa kanya. Nagkatinginan ang dalawa.

    Si Lucius ay dalawampung taong gulang. Mas matanda siya kumpara kay Jasper.

    Kumunot ang noo ni Janella nang marinig niya na kinukumpara ng kanyang nanay si Jasper kay Lucius. Nakaramdam siya ng pagkainis habang nananatili pa ring nakatingin sa binata.

    May alam siya tungkol sa planetang Bhingelheim. Ang pla- naputol ang kanyang sasabihin nang biglang sumagot si Janella.

    Bhingelheim? Anong planeta ‘yun? mausisang tanong niya. M-May problema ba tayo do’n?

    Nagtinginan sa isa’t-isa ang mga servants.

    Bumuntong-hininga ang kanyang nanay. Hindi pa ako tapos Janella. Makinig ka muna sa ‘kin.

    Bumuntong-hininga na lang siya at yumuko.

    Napakamisteryoso ng planetang Bhingelheim sapagkat wala pang sinuman ang nakakakita’t nakakapunta do’n, Janella. napatingin siya kay Lucius. Pero salamat kay Lucius Alexandre, dahil siya pa lang ang katangi-tanging nakapunta na at may alam sa mundong ‘yun.

    Proud na proud si Lucius sa kanyang sarili habang pinagmamasdan niya ang mga nakikinig.

    Ayon sa kanya, masyadong delikado ang planetang ‘yun para sa ating mga tao dahil mga misteryoso ang nakatira do’n. Ang mga nakatira sa planetang ‘yun ay ang mga La luna Spirits at Dia Spirits--- natigilan siya bigla sa pagsasalita nang maalala niya si Jasper. Bigla siyang nagalit. Mga walang puso ang mga La luna! Namatay si Jasper dahil sa napakawalang puso nila! Sila ang pumatay sa ‘yong kabalyero!

    Nanlaki ang mga mata ni Janella sa sobrang pagkagulat. Napatingin siya sa kanyang nanay. A-Ano? biglang lumungkot ang kanyang pagmumukha.

    Yes, Your Highness. Ang mga La luna ang pumatay kay Jasper. Dahil sila ang may gustong sumakop sa mundo natin. wika ni Lucius.

    Ha?! napatingin ang prinsesa kay Lucius. Tinakpan niya ang kanyang bibig dahil hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig. A-Ano?! S-Sakupin nila ang mundo natin?!

    Oo, gusto nila tayong sakupin at ikaw ang kanilang hinahanap. Pero huwag kang mag-alala Princess Janella, I’m now here for you. Handang-handa ako sa lahat. Mas mahigit ang aking kakayanan kaysa kay Jasper. Ako ‘yung taong malakas at handang-handang harapin ang anumang problemang dumating sa atin. Wala kang mababalitaan sa ‘kin na kahit anong masama. Ito pa, hindi ko na kailangan ng iba pang kasama para makipaglaban sa planetang Bhingelheim. Kahit ako lang mag-isa! Kayang-kaya ko naman silang lahat. ngumisi siya.

    Humanga ang lahat sa kanyang sinabi.

    Hindi namangha si Janella. Tumayo siya at dinabog ang dalawa niyang kamay sa lamesa. BAKIT?! SA TINGIN MO BA MAY KASAMA SI JASPER NUNG PUMUNTA SIYA SA PLANETANG ‘YUN?! DI BA WALA?! WALA AKONG PAKIALAM KUNG SINO KA LUCIUS!!! SINO KA BA PARA IKUMPARA ANG SARILI MO SA KANYA?!!!! bigla siyang naluha at mabilis niya itong pinahid. KAYA KO NA NG AKO LANG ‘TO!!!! AKO LANG!!!! HINDI KO NA KAILANGAN PA NG KABALYERO KAYA HINDI NA KITA KAILANGAN PA!!!!!

    Ang isang prinsesa ay hindi ganyan kung magsalita, Janella! medyo nainis ang kanyang nanay nang makita niya na sinigawan ng kanyang anak si Lucius. Tinitimpi lang niya ang kanyang inis dahil nakakahiya sa mga bisita kapag pinagalitan pa niya ito ng harap-harapan.

    Tahimik lang ang mga nasa loob. Medyo nainis rin si Lucius sa sinabi ni Janella sa kanya. Seryoso lang siyang nakatingin sa prinsesa habang siya ay nananatili pa ring nakatayo.

    Bakit ginaganito n’yo na lang si Jasper? pinupunasan pa rin ni Janella ang kanyang mga luha. Dahil ba sinasabi n’yong patay na siya ganu’n ba?! dinabog muli ng magkabila niyang kamay ang lamesa. PARANG SINASABI MO NA MAHINA SIYA!!! WALA KANG RESPETO!!!

    Ano ba Janella! Kailangan mo na ng panibagong kabalyero! Nanganga--

    EWAN!!! tinakpan niya ang magkabila niyang tenga. Ewan! Ewan! EWAN! Ayoko na! tumakbo siya at tumungo sa pintuan.

    Janella! napatayo na ang kanyang nanay habang sinusundan lang niya ito ng tingin. Oh, dear... napapikit siya at biglang napaupo. Napahawak siya sa kanyang noo at mukhang hihimatayin pa sa ginawa ng kanyang anak.

    Queen Adelaide! madaling lumapit ang mga katulong sa kanya.

    Tumayo ang kabalyero ni Adelaide at mabilis na sinundan ang prinsesa.

    Humarang si Clayden sa pintuan para harangan si Janella. Your Highness!

    Umalis ka diyan!!! malakas niya itong tinulak.

    Ah! natulak si Clayden at natumba siya sahig.

    Madaling binuksan ni Janella ang pinto at lumabas.

    Princess Janella! tawag ng kabalyero habang siya ay tumatakbo. Pinilit niyang abutin ang damit ng prinsesa.

    Umiiyak lang si Janella habang hawak-hawak ang kanyang palda. Mas binilisan pa niya ang kanyang pagtakbo.

    Nagulat ang mga bisita sa sala nang makita nila si Janella na tumatakbo. Napatayo silang lahat habang tinitingnan ang dalawa. Nag-alala silang lahat. Anong nangyari?! nagsibulungan muli sila.

    Tumungo ang prinsesa sa terasa. Sinubsob niya ang kanyang mukha sa railing at do’n siya umiyak ng umiyak.

    Huminto ang kabalyero sa pintuan. Malungkot lang siyang nakatingin kay Janella. Your Highness... malumanay siyang lumapit sa kanya. Kailangan mong tanggapin si Lucius sapagkat may alam siya sa planetang Bhingelheim. May balak silang patayin ka para makuha ang mundong ito. Ikaw ang gusto nila sapagkat ikaw ang susunod na mamumuno dito sa ating mundo balang araw.

    Malumanay na tumingin si Janella sa kanya. Tumigil siya sa pagluha ngunit pahikbi-hikbi siya. B-Bakit? Ano bang meron sa mundo natin Alexius?! Ano bang gusto nila dito?!

    Hindi ko rin alam. mahinahong wika ni Alexius at hinawakan niya ang kaliwang balikat ng prinsesa.

    La luna Spirits… pagalit na bulong ni Janella. Kainis kayo… hinding-hindi ko kayo malilimutan… ibalik n’yo si Jasper sakiiin!!!!!

    Malungkot lang na nakatingin si Alexius sa kanya. Hinimas niya ang likuran nito. Oo nga, kung maibabalik lang nila si Jasper…

    Maibabalik nila si Jasper! Hindi pa siya patay Alexius!

    Natahimik siya.

    JAAASSSPPPEEERRR!!!!!! bigla niyang tinakpan ang kanyang mukha at napaluhod. Umiyak muli siya.

    Lumuhod din si Alexius sa kanyang harapan habang hinihimas ang likuran ni Janella. Alam mo ba, isa pa palang sinabi ni Lucius na binubuo daw ng dalawang pulo ang planetang ‘yun?

    Muling pinunasan ni Janella ang kanyang luha. Yumuko siya habang humihikbi. A-Anu-anong pulo ‘yun?

    Mharius at Ashbell Islands. Nakatira ang mga La luna sa Mharius at ang mga Dia naman ay sa Ashbell.

    Kung ganu’n ang mga nasa Mharius pala ang... nainis si Janella.

    Marahang inangat ni Alexius ang kanyang baba. Tama ka.

    Inalis ni Janella ang kanyang kamay sa kanyang baba. Kainis sila... KAINIS SILA!!!!! Hindi ako maniniwalang patay na si Jasper dahil sa kanila! ISA SIYANG MALAKAS AT HINDI KAYANG TALUNIN NG SINO MAN!!!!! sigaw niya.

    Nauunawaan ni Alexius ang nararamdaman ni Janella. Alam niyang hindi niya pa rin tanggap ang pagkamatay ng kanyang kabalyero. Bumuntong-hininga siya. Kaya tanggapin mo na si Lucius, Your Highness. Malay mo, makita niya pa si Jasper at buhay pa nga siya do’n.

    Hindi pa nga patay si Jasper! Ilang beses ko pa bang dapat ulitin?!

    Your Highness... malungkot at mahinang wika ni Alexius.

    Ayoko na! Baka may kung ano din ang mangyari kay Lucius dahil sa ‘kin. tumulo muli ang kanyang luha.

    Huwag kang mag-alala sa kanya. Naniniwala ako sa buong kakayahan niya.

    Ayoko na nga sabi!

    Nag-alala si Alexius. Pero hindi ka nga pwedeng mawalan ng kabalyero! Ang kabalyero ang magsisilbing magtatanggol at pipigil sa masamang plano nila sa ‘yo!

    Kaya ko ‘to ng ako lang! Hinding-hindi ko papabayaan ang aking sarili kagaya ng ginagawa sa ‘kin palagi ni Jasper! Huwag na huwag n’yo na akong pilitin pa! tumayo siya at umalis sa kanyang harapan. Pumasok muli siya sa loob.

    Your Highness! sinundan ng tingin ni Alexius ang paalis na prinsesa.

    Nakita muli ng mga bisita at ni Mitch si Janella na patungo sa hagdanan. Nakatayo at tahimik lang silang lahat habang pinagmamasdan si Janella na galit na umaakyat sa hagdan. Pumasok na siya sa kanyang kwarto at malakas niyang sinara ang pinto.

    Nagulat ang lahat nang marinig nila ang malakas na pagsara ng pinto. Muli silang nag-alala.

    Pumasok na rin sa loob si Alexius. Nasaan na siya? tanong niya habang siya ay mabilis na naglalakad.

    Umakyat po. wika ng isang lalaking bisita. Nakatayo siya habang hawak-hawak ng kanang kamay niya ang basong iniinuman niya.

    Opo, kamahalan. sumang-ayon si Mitch mula sa gilid ng hagdanan.

    Tumingin si Alexius kay Mitch. Salamat. hinawakan niya ang railing ng hagdanan at madaling umakyat.

    Sinusundan lang ng tingin ni Mitch si Alexius na umaakyat.

    Nasa loob na ng kwarto si Adelaide. Nakahiga siya sa kanyang kama habang inaasikaso siya ng iilang servants na nasa loob rin ng kanyang kwarto. Muntikan na talaga siyang himatayin dahil sa nangyari kanina.

    Animnapung taong gulang na siya. Alam ng lahat kung gaano siya kaistriktong magulang ni Janella dahil ang gusto lang naman niya ay maging ligtas ang sarili niyang anak sa lahat.

    Lumabas na muna kayo. Maraming salamat nga pala sa inyo. mahinahong wika niya.

    O sige po. yumuko ang mga servants para magbigay galang sa kanya at sabay-sabay silang lumabas pagkatapos. Sa kanilang paglabas, nag-aabang pala si Clayden sa pintuan.

    Harony! tawag ni Clayden sa isang babaeng servant na lumabas ng kwarto.

    Napalingon si Harony at napatingin siya sa kanya. Hello! Bakit? nilapitan niya ito.

    Ahm, kumusta siya? ngumiti siya ng kakaunti at medyo nahihiya pa siyang kausapin ang dalaga.

    Ayos naman siya. tumango siya habang nakangiti.

    Ahmm... nag-iisip pa si Clayden ng pwedeng itanong. Paano mo nasabi?

    Napadaan si Baron sa kanilang dalawa. Ngunit bumalik siya nang makita niya si Clayden na namumula. Ay sus Clayden! pinapahaba pa ang usapan! Ligawan mo na kasi! pumeywang siya.

    Nagulat si Clayden sa kanyang narinig at masama niyang tiningnan si Baron. Ano?! Anong pinagsasabi mo diyan?! kumunot ang kanyang noo.

    Clayden ah! Ayiii!!!!! nakatawa lang si Baron habang siya ay kinikilig. Umalis na siya.

    Namula siya ng sobra-sobra. Huwag ka ngang maingay Baron! Naiistorbo mo ang ating mahal na reyna sa kwarto! hindi inaalis ni Clayden ang tingin niya kay Baron hangga’t nakikita niya pa siya.

    Nakaalis na siya. mahinang wika ni Harony.

    Tumingin muli siya sa kanya. Huwag kang makinig sa mga pinagsasabi ng pangit na ‘yun. humalukipkip siya.

    Ayos lang ‘yun. ngumiti muli si Harony. Oo nga pala, sasagutin ko na ang tanong mo. Dahil nakita ko sa kanyang kalagayan na maayos na siya hindi katulad kanina.

    Ah… napakamot sa ulo si Clayden. Okay… napayuko siya habang namumula pa rin.

    Tumango na lang muli siya habang nakangiti.

    Lalo siyang namula nang makita niya itong ngumiti. Ahm, galing ba kay Princess Janella ‘yung narinig naming dabog ng pinto kanina? Papunta na kasi ako dito nung marinig ko ‘yun.

    Ah ‘yun? napaisip si Harony. Oo nga e, narinig ko nga rin. Hindi ako sigurado kung siya nga ba ‘yun.

    Bumalik muli si Baron dahil bababa na siya ng hagdanan. May kinuha lang siya dahil inutusan siya ng isang bisita kaya siya umakyat. Nakita niya muli ang dalawa. Clayden! Ano bang klaseng pag-uusap ‘yan? Ligawan mo na nga kasi! Pinapatagal mo pa e! Hahaha!

    Kumunot ang noo ni Clayden. Habang nasa likuran niya pa si Baron naglalakad, binatukan na niya ito kaagad bago pa ito nakaalis.

    Aray ko! napahinto siya at napahawak sa tuktok ng kanyang ulo. Napatingin siya kay Clayden at ngumuso.

    Bakit ba kanina ka pa nagpapansin, ha?! Wala ka bang kausap mula kanina?! Huwag nga ako ang asarin mo dahil masasaktan talaga kita! umaapoy ang mga mata ni Clayden habang siya ay nakaharap sa kanya.

    Ang sungit mo naman Clayden... malungkot na wika ni Baron habang nakanguso. Lumabas mula sa kanyang likuran ang mga imaginary roses na kumikinang habang nagsisikintaban pa ang kanyang mga mata.

    SHUT UP!!! inaperkat ni Clayden si Baron.

    UUUGGGGHHH!!! tumalsik siya.

    Madaling humarap si Clayden ng nakapikit kay Harony. Pinapagpag niya sa hangin ang dalawa niyang kamay. Bumagsak na sa kanyang likuran si Baron habang pangisay-ngisay pa ang kanyang mga paa.

    Ganyan talaga ang dalawa. Matalik silang magkaibigan ngunit ibang klase ang pagkakaibigan nila. Palaging nagsusuntukan at nag-aaway.

    Habang si Alexius naman ay kumakatok lang sa kwarto ni Janella. Your Highness? nakakailang katok na siya at hindi pa rin sumasagot ang prinsesa sa kanya.

    Nasa tabi lang niya si Mitch at nakikiramdam din sa sagot ni Janella. Kamahalan, ako na lang po ang bahala sa kanya. Tatawagin ko na lang po kayo kapag sumagot na po siya.

    Lumingon at tiningnan ni Alexius si Mitch. Ayos lang ako dito Mitch. Ako na ang bahala. Salamat na lang sa ‘yo. ngumiti siya ng kakaunti. Asikasuhin mo na lang ang mga bisita natin sa ibaba.

    O-O sige po. yumuko siya para magbigay galang at bumaba na ng hagdan pagkatapos.

    2: On My Own Way

    Gabi na nang makauwi na ang mga bisita. Mga nag-aayos at nagliligpit na ng mga pinagkainan ng mga bisita ang mga servants sa Dining Hall.

    Nasa ika-unang palapag ang ibang servants habang pinapalitan naman nila ang mga bulaklak sa plorera kung kinakailangan nang palitan. Dahil ang iba dito ay sira-sira na sapagkat may mga batang makukulit at pinaglalaruan lang ang mga ito. Inaayos rin nila ang mga prutas na nakagulo sa tabi ng plorera at inaalis naman nila ang mga nakain nang prutas na hindi naman naubos.

    Pinagpatong-patong ni Baron ang mga platong ginamit sa isang lamesa. Lumingon siya sa kaliwa niya. Nagulat siya nang makita niya muli na magkausap ang dalawa. Mga pababa na sila ng hagdanan. Tumigil muna siya sa kanyang ginagawa at gusto na naman niyang asarin si Clayden. Harony! tawag niya.

    Hinanap ni Harony kung saan galing ang boses ni Baron. Nakita niya ito sa ibaba ng hagdan habang kumakaway-kaway pa sa kanya. Baron! Nandiyan ka pala! Bakit? kinawayan na rin niya ito.

    Biglang sumimangot si Clayden nang makita niya si Baron.

    Kumusta na ang mahal na reyna? Inutusan kasi ako kanina kaya hindi ko na siya naasikaso! nakangiting wika niya.

    "Ayos naman! Ayos naman! masayang wika ni Harony.

    Napabuntong-hininga at napailing na lang si Clayden. Nauna na siyang bumaba kay Harony.

    Hm? nagtaka ang dalaga at sinundan niya ng tingin si Clayden na mabilis na bumababa. Napansin rin niya na parang mainit na naman ang ulo nito.

    Masayang tumingin si Baron kay Clayden at kinawayan. Uy CLAY! ‘Musta? inasar niya pa ang kanyang pangalan.

    Eto! Maayos naman BALUT! pagganting wika naman ni Clayden. Balut ang tinawag niya imbis na Baron.

    Aba! May pang-asar ka na rin sa ‘kin! Bago ‘yan Clay! Love you!

    Oo! Sa ‘yo kasi luma na! masamang nakatingin si Clayden sa kanya. Bulok na sa ‘yo! Hate you! nilagpasan niya ito.

    Hahaha!!! natatawa lang si Baron sa kalokohan nilang dalawa. Lumapit siya kay Clayden at tinapik ang kanyang balikat. Uy Clayden! Naiinis ka na naman e! Itimpi mo naman ‘yan! Pumapangit ka kaya!

    Nilagay ni Clayden sa ulo ni Baron ang basahang hawak-hawak niya. Oh, ayan ang bagay sa ‘yo! Umalis ka na at maglinis ka na!

    Napatingin si Baron sa basahan na nasa kanyang ulo. Tumingin siya muli kay Clayden pagkatapos. Teka! Ito naman ang bagay sa ‘yo! nilagay naman niya sa ulo ni Clayden ang isang kulay-rosas na headband na napulot niya. Ahahaha!

    Seryoso lang na nakatingin si Clayden sa kanya. Babae ba ako?

    Ayan! Ang ganda mo na, Clay! Hahaha! tinanggal na ni Baron ang basahan na nasa kanyang ulo. Napahawak siya sa kanyang tiyan habang malakas siyang tumatawa.

    Naiinis na talaga si Clayden sa kanya. Kinuha niya ang isang mansanas na nasa lamesa. Wala pa itong kagat at halatang-halata na hindi ito ginalaw ng sinuman. Hmmm!!!!!! Ayan! Tikman mo ‘to! pinasok niya sa malaking bunganga ni Baron ang mansanas.

    Huminto sa kakatawa si Baron, dahil may mansanas na ang bunganga niya habang masaya pa rin ang ekspresyon ng kanyang pagmumukha. Inalis na niya ang mansanas mula sa kanyang bunganga habang nakatingin kay Clayden.

    Umalis na si Clayden sa kanyang harapan.

    Napansin ni Baron na hindi pa rin tinatanggal ni Clayden ang headband sa ulo niya habang siya ay papalayo na ng papalayo. Clay! Mukhang gustong-gusto mo ‘yung headband ah! Gusto mong bilhan kita ng maraming headband?!

    Wala akong maintindihan sa ‘yo! malayo na ang boses ni Clayden. Mabilis niyang tinanggal ang headband at pagalit niya itong hinagis sa malayo.

    Oo nga pala Clay! Salamat nga pala sa mansanas! Napalibre pa tuloy ako! at masaya niya itong kinagat. Hay... hay naku... hiningal si Baron sa kakatawa. Tumalikod na siya at babalikan na niya ang lamesa na nililinis niya kanina. All right, back to work. nakita niya bigla si Harony na nililinis na ang lamesa.

    H-Harony! madali niyang nilapitan si Harony. Magpahinga ka na! Kanina ka pa nagtatrabaho e. inubos kaagad ni Baron ang mansanas.

    Hm? nagtaka si Harony. Tumigil siya sa ginagawa niya at tumingin siya kay Baron. Ayos lang ‘yun Baron. ngumiti siya.

    Hindi! Hindi! inalis niya ang mga kamay ni Harony mula hawak-hawak niyang basahan. Harony, magpahinga ka na... Ako na ang bahala dito. Kanina ka pa kaya nagtatrabaho. kumunot ang noo niya.

    Nahiya siya. Aheehee! Ikaw naman! Siyempre kailangan ko rin na tumulong sa inyo kahit papaano. Dapat sabay-sabay tayong lahat nagpapahinga di ba? ngumiti siya at kinuha muli niya ang basahan.

    Lumingon-lingon si Baron habang hinahanap si Clayden. Dapat si Clayden ang nandito e! Hindi pa ‘yun nagtatrabaho! Medyo tamad kasi ‘yung magandang ‘yun e! pabirong wika niya.

    Natawa si Harony. Hindi naman! umiling siya. Lahat naman tayo dito ay masisipag!

    Ah. napangiti si Baron. Bigla siyang kinilig. Sayang! Dapat nandito si Clayden! Siguradong kikiligin ‘yun!

    Hm? Bakit ano bang meron?

    Wala naman! Hahaha! nakita niya na hawak-hawak na naman ni Harony ang basahan. Oops! Ano ‘yan?! inalis muli niya ang basahan sa kamay niya. Magpahinga ka na kasi. pumeywang siya.

    Ayoko! kinuha muli ni Harony ang basahan mula sa kamay ni Baron. Gusto kong pang magtrabaho Baron.

    Pero ako ang pinuno ninyo! Marapat lang na sundan n’yo ang aking sinasabi! Kung hindi ka pa rin titigil diyan, buong gabi ka magtatrabaho! Sige ka! pinandilatan niya si Harony at medyo nilaniman rin niya ang kanyang boses para matakot at sumunod na sa kanya ang dalaga.

    Hahaha! natawa pa si Harony. Alam kong nagbibiro ka lang Baron. Hindi ako natakot sa ‘yo! ngumiti siya’t humalukipkip.

    Hm? Ganu’n?

    Oo! Kilala ka namin! Ikaw kaya ‘yung taong hindi marunong magalit!

    Ah. napakamot sa ulo si Baron. Hehehe!

    Napangiti si Harony. Huwag kang magbabago. Nakakatuwa ka kaya bilang isang pinuno namin. nakangiting wika niya habang nakahalukipkip.

    Salamat Harony. tumango siya. Hm, itutuloy ko na muli ang aking trabaho. ningitian na lang niya si Harony at niligpit na ang mga pinagkainan.

    Baron. humarang bigla ang mukha ni Harony sa kanyang mukha.

    Uy! nagulat si Baron at madaling nilayo ang kanyang mukha sa kanya.

    Tutulong ako ha? Aheehee! natawa siya.

    Hay! O sige na nga! Ikaw talaga! napailing siya at napahawak sa kanyang noo. Nakakagulat ka naman kanina!

    Pasensya na! Gusto ko lang talaga tumulong! masayang wika niya habang nililinis ang lamesa.

    Sipag mo talaga. nakahawak pa rin sa noo si Baron.

    Salamat! ngumiti muli si Harony.

    Sana tumulad si Clayden sa ‘yo! Hahaha!

    Nasa likuran lang ng poste si Clayden nagtatago. Pinagmamasdan lang niya ang kanyang mga kuko sa kanyang mga daliri habang pinapakinggan ang pag-uusap ng dalawa. Nakaramdam siya ng pagkaselos habang naririnig niya si Harony na tumatawa.

    Nasa kwarto pa rin si Janella habang nakaupo sa kanyang kama. Kumakain siya ng mansanas habang pinakikiramdaman niya kung kakatok pa si Alexius. Pero hindi na ito kumatok pa at mukhang umalis na.

    "Tsk! Ano na ba ang gagawin ko?!" tanong niya mula sa kanyang isip. Bakit pa kasi sa lahat ako pa?! Bakit itong mundo na ‘to?!

    Tumayo siya at pumunta sa kanyang vanity table triple mirror. Umupo siya sa upuan at malungkot niyang tiningnan ang kanyang sarili sa salamin. Napatingin siya sa picture frame ni Jasper na nakapatong dito.

    Jasper... hinawakan niya ito. Kung mas magaling o ano pa si Lucius kaysa sa ‘yo, hinding-hindi ko na siya tatanggapin pa bilang isang tagapagtanggol ko dahil hindi ko na kailangan pang magkaroon. Kaya ko na ‘to sa tingin ko. Ayoko na rin kasing makatanggap ng isang napakasakit na balita... Ayoko nang may nagbubuwis pa ng buhay para sa ‘kin... naiiyak na naman siya ngunit tinitimpi lang niya ito. Kung makakalimutan ka man nila, hindi ka pa rin mag-iisa dahil nandito ka pa rin naman sa puso’t isip ko, Jasper. napangiti siya at tumayo pagkatapos. Lumingon siya at tumingin sa bintanang bukas. Malamig at malakas ang hangin. Puntahan ko kaya si ina. bulong niya sa kanyang sarili.

    Lumabas siya sa kanyang kwarto at pumunta sa kwarto ni Adelaide. Kumatok siya.

    Ina? kumakatok pa rin siya.

    Janella?

    O-Opo, ako nga po ‘to. kinabahan siya nang marinig niya ang boses nito. Napakagat-labi siya.

    Pumasok ka. mahinahong wika niya.

    Nasa loob rin pala si Alexius at ngayon ay palabas na siya ng kwarto para matulog na sa kanyang kwarto. Siya na ang nagbukas ng pinto para sa prinsesa. Magandang gabi, Your Highness.

    Mas lalong kinabahan si Janella nang bumukas na ang pinto. Ngunit nagulat siya nang makita niya na nakangiti sa kanya ang kanyang ina.

    Ina... pumasok siya sa loob at nilapitan si Adelaide sa kama. Pasensya na po sa pinakita kong pangit na ugali kanina. malumanay siyang umupo sa kama.

    Hindi kaagad nakasagot si Adelaide habang nakatingin lang siya sa mga mata ni Janella. Huwag na huwag mo nang uulitin ‘yun Janella. Ayoko ng ganu’ng ugali. Lalo na sa harapan ng mga bisita natin. napailing siya. Sobrang nakakahiya ‘yun sa isang prinsesa.

    Napayuko si Janella. Pasensya na po talaga...

    Tiningnan lang sila saglit ni Alexius habang nakangiti. Lumabas na siya ng kwarto pagkatapos at dahan-dahan naman niyang sinara ang pinto.

    Napapikit si Adelaide at napahawak sa kanyang noo. Muntikan na nga akong himatayin.

    Nakayuko lang ang prinsesa. Masyado lang po kasi akong nainis nang ihambing n’yo po si Lucius kay Jasper. Parang minamaliit n’yo na po kasi siya...

    Dumilat si Adelaide at muling tumingin sa kanya. Hindi sa ganu’n anak, ang ibig ko lang sabihin ay may alam na si Lucius tungkol sa Bhingelheim World kaya siguradong mapapalayo ka niya sa kapahamakan.

    Ganu’n din naman po siguro si Jasper... malungkot na wika niya.

    Malumanay na umupo si Adelaide at inalis ang iilang buhok ni Janella na nakaharang sa kanyang mukha.

    Malungkot na tumingin si Janella sa kanya.

    Umiling siya. Hindi ko alam anak. Kahit nga ang kanyang ama ay wala ring alam tungkol sa planetang ‘yun. Paano pa kaya siya di ba? Sumugod na lang talaga siya nang malaman niya ang masamang plano ng mga La luna. Pero alam naman natin na ginawa naman niya ang buong makakaya niya para sa ‘yo at para sa ating mundo.

    Bakit hindi naman pinigilan ni Ginoong Damion ang kanyang anak na si Jasper? Siguro alam naman niya na susugod siya sa Bhingelheim di ba?

    Ayon sa sinabi ni Damion, madaling araw daw kahapon umalis si Jasper sa ating mundo. Huli na daw ang lahat dahil umaga na niya nabasa ang iniwang sulat ni Jasper sa kwarto niya na pupunta daw siya sa Bhingelheim World para harapin ang mga kalaban na gustong sumakop sa atin.

    Hindi muna sumagot si Janella. Napapikit muna siya at pinipilit niyang hindi mapaluha. Pagkatapos ng ilang minuto, dumilat na siya at handa na muling magsalita. Ina, bakit parang hindi ko po alam na may balak na po pala ang mga La luna sa mundong ‘to? tinutop niya ang kanyang dibdib at kinabahan. Tapos hindi ko rin po alam na papatayin din nila ako. B-Bakit w-wala akong kaalam-alam?!

    Huwag ka nang mag-alala sa ‘yong sarili. Nandito na si Lucius para sa ‘yo at para sa atin. Hindi ka daw manganganib kung nandito ka lang daw sa loob ng palasyo. Delikado na daw ang labas para sa ‘yo sabi niya. Sumasang-ayon ako sa kanya at marapat ka nga lang dito.

    Mas nalungkot si Janella dahil ang kahit paglabas sa palasyo ay hindi na rin pwede sa kanya. Napapikit muli siya at napabuntong-hininga. Pero… parang ayoko na... dumilat muli siya at tumingin sa mga mata ng kanyang nanay.

    Anong ibig mong sabihin, Janella? nagtaka si Adelaide.

    Kinabahan muli siya at yumuko. Ayoko na po talagang magkaroon ng kabalyero. Hindi ko na siya kailangan.

    Bigla siyang nainis dahil ang akala niya ay tatanggapin na ni Janella si Lucius bilang isang kabalyero niya. Anak, hindi nga pwede! Kailangan mo nga siya! medyo galit na ang tono ng kanyang boses. Kumunot ang kanyang noo.

    Ina! Kaya ko na nga po ‘to!

    Paano kung mapahamak ka?! May magagawa ka pa ba?!

    Hindi po... umiling-iling si Janella. KA-YA-KO-PO-I-TO-NANG-AKO-LANG. ngumiti siya ng kakaunti habang kinakabahan naman sa loob-loob.

    SABING HINDI NGA PWEDE!!! madiin niyang hinawakan ang magkabilang balikat ni Janella.

    Hindi po ba kayo nagtitiwala sa ‘kin? Paano po kung may mangyari ring masama kay Lucius?!

    ANAK! IKAW ANG KAILANGAN NILA! KAYA IKAW ANG DAPAT NA PROTEKTAHAN DITO!!!

    Ibig sabihin, ayos lang po na sila ang mapapahamak at mamamatay para sa ‘kin? Ganu’n ba ina?

    Binitiwan ni Adelaide ang magkabila niyang balikat. MAKINIG KA NGA SA MGA SINASABI KO JANELLA!

    Nakikinig po ako sa inyo!

    BUONG MUNDO AY MADADAMAY KUNG MAY MASAMANG MANGYAYARI SA ‘YO!

    Kaya ko nga ‘to ina! Walang masamang mangyayari sa ‘kin!

    Naluluha na si Adelaide sa inis. Wala tayong magagawa! Kailangan mo siya sa buhay mo dahil hahanapin at papatayin ka ng mga La luna!

    Hindi po, hinding-hindi ko po papabayaan ang aking sarili kagaya ng ginagawa sa ‘kin ni Jasper... Pangako ko po ‘yun sa inyo ina... naluluha na rin si Janella sapagkat nakikita niyang lumuluha si Adelaide.

    JANELLA! MAKULIT KA!

    Patawarin n’yo po ako, pero ayoko na po talaga! tumayo na siya mula sa kama nito at umatras. Ayoko lang po na baka may mangyari ring masama sa kanya! tumakbo na siya habang patungo sa pintuan para lumabas ng kwarto.

    JANELLA!!! sigaw ni Adelaide.

    Tumungo ang prinsesa sa kanyang kwarto. Pumunta siya kaagad sa kanyang aparador para kunin ang kanyang mga gamit.

    Maghahatinggabi na maya-maya at oras na para matulog. Ngunit may mga atupagin pa ang mga servants na dapat pang tapusin.

    Luminga-linga si Baron dahil parang may kulang sa kanila. Katabi niya si Harony. Harony... tumingin siya sa kanya. Nakita mo ba si Mitch?

    Hmm... napaisip si Harony. Parang hindi. umiling siya.

    Oops! humarang si Clayden sa pagitan ng dalawa. Baron! Ibahin natin ang pormasyon ng mga lamesa’t upuan. Huwag naman sa gilid. Sakupin naman natin ang espasyo ng sayawan! ningisihan niya si Baron.

    Kumunot ang noo ni Baron dahil hindi niya naintindihan ang ibig sabihin nito. Ha? Bakit natin sasakupin ‘yun e para nga sa sayawan ‘yun?

    Kumunot ang noo ni Clayden. Binatukan niya si Baron at sabay tayo ng tuwid. Pumikit siya. Tanggalin lang muna natin ang espasyong ‘yun! Tutal wala naman gaanong sumasayaw e! Saka hindi naman pang-habangbuhay ang ganu’ng arrangement! Iniiba naman natin ‘yun linggo-linggo kaya ayos lang! binatukan niya muli si Baron. Para maiba naman!

    Napahawak na sa ulo si Baron. Tsk! Ang sakit naman Clay!

    Ah, o sige! nakangiting wika ni Harony habang nakatingin kay Clayden.

    Madaling humarap si Clayden kay Harony habang nakapikit. Yes Harony. ngumiti siya.

    Okay! Let’s do it! tumungo na si Harony sa mga lamesa.

    Nakangiti lang si Clayden habang pinagmamasdan si Harony.

    Hindi ba pangit tingnan ‘yun? Parang ang gulo e! Anong tawag sa ganu’ng arrangement? Ang magulong arrangement ni Clayden, ganu’n?

    Madaling humarap si Clayden kay Baron at inaperkat.

    UUUGGGGHHH!!! tumalsik na naman siya.

    Baka gusto mo ng The Flying Baron? Just shut up! nakapikit lang siya habang nakasimangot. Tumalikod na siya at pinagpag ang magkabila niyang kamay. Inayos niya ang kanyang kasuotan at tumayo siya ng tuwid. Lumakad siya patungo kay Harony.

    Bumagsak na si Baron. Aray ko...

    Napansin ng isang katulong na lalaki si Baron na nakahilata sa isang tabi at mukhang hilong-hilo. Naawa siya sa itsura nito kaya lumapit siya sa kanya. Kuya, anong nangyari po sa inyo?

    Hindi sumagot si Baron.

    Kuya...?

    W-Wala... marahan siyang umupo habang iritable ang ekspresyon ng kanyang pagmumukha.

    Kuya?

    Tumingala si Baron para tingnan siya. Nanliit ang kanyang mga mata sapagkat nasisilaw siya sa mga ilaw. I-Ikaw ba ‘yan Nathy?

    O-Opo, ako nga po. nag-aalala pa rin si Nathy.

    Ah... ngumiti siya. Kahit na maliwanag ang mga ilaw na nasa likuran mo, nakikilala pa rin kita lalo na sa height! Ang liit mo kasi!

    Nahiya ang kausap at napayuko. Tatangkad din po ako kuya! Huwag po kayong ganyan! malungkot niyang wika.

    Ahehehe! Ikaw talaga Nathy! nakatawa si Baron habang nakatingin sa kanya. Pwede mo ba akong tulungang patayuin? Nahihilo kasi ako e.

    O-O sige po. tumango at inabot niya ang dalawa niyang kamay sa kanya.

    Huwag kang babagsak sa ‘kin ha? Baka kasi pagkahila ko ng kamay mo, matumba ka sa lakas ko. biro ni Baron sa kanya.

    H-Hindi po! umiling si Nathy at namula sa hiya.

    Sigurado ka ah!

    Tumatango siya habang nakayuko.

    Eto na! hinawakan na niya ang kanyang kamay at hinila-hila niya.

    Naramdaman ni Nathy ang kabigatan ng kamay nito. Malaking tao kasi itong si Baron at baka nga pagkahila nga ng kanyang kamay ay siya ang matumba. Opo! malakas pa rin ang kanyang loob.

    Nagbibiro lang naman si Baron. Lahat na lang talaga ng bagay kay Nathy ay tinototohanan niya. Alam naman niya na hindi naman talaga siya kaya nito.

    ‘Wag na nga lang Nathy! Mabait naman ako e! malumanay siyang tumayo at pinagpag ang kanyang damit. Alam mo naman ako, ayokong may nahihirapan lalo na sa mga cute! bigla niyang pinisil ang pisngi nito. Parang ikaw! HHMMM!!! at nanggigil pa.

    A-Aray ko po!!! napahawak siya sa dalawang kamay ni Baron.

    Bakit ba ang cute mo Nathy?! pinipisil pa rin niya ang magkabilang pinsgi nito. Hmmm! HMMM!!!

    KUYA! M-MASAKIT NA PO!!!

    Mabilis niyang binitiwan ang magkabila niyang pisngi. Hehehe! Pasensya na Nathy. hinimas niya ang ulo nito.

    A-Ahmm... namumula pa si Nathy habang nakatingin sa kamay ni Baron na nasa ibabaw ng kanyang ulo.

    Ngumiti si Baron at tumawa pa ng marahan. Nagsilabasan muli ang mga imaginary roses na kumikinang-kinang sa kanyang likuran. Punta tayo kina Clayden. Kaya halika na, Nathy… inakbayan niya ito at naglakad patungo sa mga lamesa. May slow motion effects pa nung maakbayan niya si Nathy.

    A-Ah!!! biglang nailang si Nathy dahil hindi siya sanay nang inaakbayan.

    Nathy, alam mo parang wala akong inaakbayan.

    Yumuko na lang siya at nakaramdam ng hiya. Kuya naman e. mahinang wika niya.

    Hehehe! Biro lang! Ikaw naman! nakatawa si Baron at muli niyang hinimas ang ulo nito. Mas lalo pang nagkinangan ang mapupulang rosas sa kanilang likuran.

    Kina Clayden at Harony naman, nagtutulungan lang silang dalawa sa pag-aayos ng mga upuan at lamesa.

    Clayden, napansin mo ba si Mitch? tanong ni Harony.

    Hindi e, bakit?

    Hmm, nagtataka lang ako.

    Biglang bumukas ang main door at pumasok si Mitch sa loob na seryoso ang pagmumukha.

    Si Ate Mitch! tinuro ni Nathy si Mitch.

    Oo nga ‘no?! madaling lumapit si Baron kay Mitch. Mitch! humarang siya sa harapan nito.

    Walang ganang makipag-usap si Mitch ngayon dahil pagod na pagod na siya. Matutulog na ako Baron. Mauuna na ako sa inyo.

    Bakit?

    Anong bakit? Pagod na pagod na kaya ako!

    Taray mo naman... mahinang wika ni Baron. Paano kung ayaw pa kitang pagpahingahin?

    Bumuntong-hininga si Mitch at napahawak na lang sa kanyang noo. Naglinis na ako sa hardin at ang dami-dami ko pang ginawa! Patulugin mo na ako!

    Nakatingin sa ibaba si Baron at ngumuso. Sungit mo talaga. Biro lang naman ‘yun. himihikbi-hikbi pa siya kunwari.

    Good night. Matutulog na ako Baron. umalis na siya sa kanyang harapan.

    Lumingon si Baron at tiningnan si Mitch habang malungkot siyang nakanguso.

    Hello Mitch! kumaway si Harony sa kanya.

    Hello. walang ganang bati ni Mitch sa kanya. Good night. dumiretso na kaagad siya sa kwarto.

    Ay… binaba ni Harony ang kanyang kamay at sinundan niya ng tingin si Mitch. Matutulog na siya.

    Pabayaan mo na. Ayos lang yun. Pagod na rin kasi siya. mahinang wika ni Clayden habang ang mga kamay niya ay nakapasok pa sa bulsa ng kanyang pantalon. Napatingin siya kay Harony. Harony, ayusin na muli natin ng mga lamesa’t upuan.

    Tumingin sa kanya si Harony. O sige. tumango siya.

    Seryoso na ang lahat habang inaayos ang mga lamesa at upuan. Iniiba talaga nila ang arrangement ng mga lamesa’t upuan para hindi nga naman nakakasawa sa paningin. Si Clayden naman ang nagiging pinuno nila pagdating sa mga ganyan. Dahil mas malawak ang kanyang imahinasyon hindi katulad ni Baron.

    Natapos na rin nila ang kanilang atupagin pagkatapos ng ilang oras. Maayos at maganda nang tingnan ang lahat. Ngayon at dumating na ang kanilang pinakahihintay nilang oras, ang oras ng tulugan.

    O sige! Matulog na kayo guys! Iwanan n’yo na ako dito! Iikutin ko pa ang buong palasyo! Ang hirap talaga kapag pinuno ‘no?! Sana kahit papaano, sabay-sabay pa rin tayong matutulog! nagpaparinig si Baron sa kanilang lahat sapagkat siya kasi ang may tungkulin na gawin ang ganitong trabaho.

    O sige iwanan na natin siya! Inaantok na kami! wika ni Clayden. HOOOHHH!!! kunwari pa siyang himikab. Sige, good night Baron! humarap na siya sa mga servants. Matulog na tayong lahat!

    Oo nga! Matutulog naman talaga tayo ah! Sino ba ang may sabi na hindi pa tayo dapat matulog pagkatapos ng trabaho? nagtaka ang isang servant na lalaki.

    Hahaha! Wala! Sino ba Julius? nakatawa lang si Clayden.

    Ewan ko sa inyo! Kaya nga tinatanong ko di ba? pumikit si Julius at humalukipkip. Ano pa ba ang inaantay natin dito? Pumunta na kaya tayo sa kwarto. Ang bagal n’yo! naiinip na siya.

    Natawa si Clayden ngunit mabilis niyang tinakpan ang kanyang bibig para pigilan. Napatingin siya kay Baron at nakaramdam siya ng awa para dito.

    Tumalikod si Baron sa kanilang lahat. Muli siyang ngumuso at tinutop pa niya ang kanyang dibdib. Sakit naman, iiwanan nga nila ako...

    Sige Baron! Matutulog na kami! Oras na kasi ng pahinga namin! nagparinig rin si Clayden.

    Bakit ba parang nagpaparinigan pa kayo? nakakunot noong tanong ni Julius habang nakahalukipkip.

    Humarap si Baron sa kanila. Sige na, matulog na kayo. ngumiti siya ng kakaunti.

    Okay! Oras na ng tulugan! tinaas ni Clayden ang dalawa niyang kamay.

    Halika na! Pinatatagalan pa kasi! naglakad na si Julius.

    Ahehehe! natawa na lang si Clayden. Sumunod siya kay Julius.

    O sige Baron, aantayin ka na lang namin sa kwarto. wika ng mga babaeng servants habang sila ay mga nakangiti.

    Salamat. ningitian rin ni Baron ang mga kababaihan.

    Mga pumunta na sila ng kwarto. Tanging si Baron na lang ang tao sa palapag dahil mga nasa kwarto na ang lahat. Nililibot pa niya ang buong palasyo para siguraduhin kung maayos na talaga ang lahat. Hawak-hawak lang niya ang kandila habang pinapatay niya ang bawat ilaw na madadaanan niya. Maayos na ang lahat sa ika-una at ikalawang palapag. Umakyat na siya para tingnan naman ang ikatlong palapag. Naisipan niyang bisitahin si Adelaide dahil madadaanan niya ang kwarto nito. Nang madaanan niya ang kwarto nito, napansin niyang nakaawang ang pinto nito.

    "Gising pa ang mahal na reyna?" tanong ni Baron mula kanyang isip. Pumunta siya at sinilip si Adelaide sa loob.

    Nakahiga lang ito sa kanyang kama habang tulog. Nakabukas pa ang mga ilaw nito sa loob. Pinasok ni Baron ang kanyang braso para patayin sa switch ang ilaw. Have a good night’s rest, Your Majesty... bulong niya habang siya ay nakangiti. Sinara na niya ng dahan-dahan ang pinto. Naisip rin niyang bisitahin si Janella sa kwarto.

    Naglakad muli siya habang patungo na sa kwarto ni Janella. Nung madaanan niya ang kwarto nito, may naririnig siyang malakas na hangin mula sa loob ng kanyang kwarto. Kumatok siya.

    Your Highness? nagtaka siya at pinakinggan niya ang malakas na hangin sa pinto.

    Matulog ka na! mataas na tonong sabi ni Janella sa loob.

    Ha? nagulat si Baron dahil gising pa rin pala si Janella hanggang ngayon. Your Highness, bakit hindi pa po kayo natutulog?

    Matutulog na ako! Matulog ka na rin!

    Nilayo na ni Baron ang kanyang tenga sa pinto. Ah, o-opo... have a good night’s rest, My Lady.

    Sa loob naman ng kwarto ni Janella, ang bintana niya ay nakabukas habang malakas naman na pumapasok ang hangin sa loob. Mga nakapatay na rin ang mga ilaw sa loob. Tanging malakas na liwanag lang ng buwan ang nagsisilbi niyang ilaw ngayon.

    Kainis! Nahihirapan ako! galit na bulong ni Janella.

    Tinago niya mula sa kanyang kasuotan ang isang matalim na bagay. Tinago naman niya sa loob ng isang bag ang kanyang mga gamit. Nakasuot siya ng pang-alis na kulay itim.

    "Tatakas ako dito! Ako pala ha? Ako pala ang kailangan nilang patayin ha?! Hmp! Aalis ako sa palasyo na ‘to para walang gulo! Mas susundin ko ang plano ko kaysa sa plano mo Lucius! Tandaan mo, hindi kita kabalyero para

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1