Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Hera X Ezra: Season 1
Hera X Ezra: Season 1
Hera X Ezra: Season 1
Ebook929 pages12 hours

Hera X Ezra: Season 1

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Hera Micolah is almost perfect. She has everything, money, family, beauty, and fame. But the one thing that her younger sister hates is that she is weak-hearted. How could she become a part of Medieval Asylum if she doesn't want to see blood? But everything changed when one of her nemeses made way for her to be part of the most dangerous academy in the city. And the one thing that her family always asks is, "How will she survive?"

LanguageTagalog
PublisherUkiyoto
Release dateSep 14, 2021
ISBN9781005313722
Hera X Ezra: Season 1

Related to Hera X Ezra

Related ebooks

Reviews for Hera X Ezra

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Hera X Ezra - Pitchgray

    Prologue

    Hera Micolah, ang Asia's Superstar na hinahangaan ng lahat maging ang mga artista. Sa pag-arte pa lang, walang-wala na sila. Sa pakikipagdebate, talo rin sila. Naipapanalo ko lahat ng laban 'wag lang sa sakitan.

    *~*

    Sa gitna ng katahimikan, may isang armadong lalaki ang pumasok ng walang pag-aalinlangan. Bigla niya akong hinatak at pwersahang inilabas sa aming tinitirhan. Todo ang pagsigaw ko ngunit walang nakakarinig sa akin. Napapaisip na nga lang ako kung mga bingi ba ang nakatira rito?

    ANONG GAGAWIN MO SAKIN?! ATRHON! Nagpapadyak ako upang makawala sa matindi niyang pagkakahwak. VEILAR! TULOOOOOOOOOOOOOONG! AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHH!!!

    'Wag kang maingay p**a! Naramdaman ko na lamang na bumigat na ang pakiramdam ko at parang masusuka na ako. Sa lahat ba naman ng pwede niyang suntukin eh ang sikmura ko pa talaga?

    Please... 'wag mo 'kong sasaktan...

    Bakit pa kita pwersahang kinuha kung wala akong balak na saktan ka? HAHAHAHAHAHA!

    Binuhat niya ako patungo sa isang madilim na lugar at pwersahan akong hinalikan. Sa braso, paangat sa balikat, sa tainga, hanggang sa marating na nga nito ang mukha ko. Panay suntok ako sa kanya pero balewala lang ito sa lakas niya.

    Mapangit siya. Sa totoo lang.

    Ahh...

    Unti-unti, dahan-dahan, dumausdos siya pababa dahilan para masilayan ko ang isang pigura ng isang lalaki sa 'di kalayuan. May hawak itong pana. Medyo malayo siya sa akin kaya hindi ko masyadong makita ang mukha niya. Kahit na gustung-gusto ko nang magpasalamat sa kanya eh hindi ko magawa dahil hindi pa rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

    Naglakad siya papalapit sa akin habang binababa ang maskara niya.

    Panda? Panda ang ulo niya? Bakit ba sa lahat ng maskarang pagpipilian niya eh panda pa talaga ang napili niya?

    Tara na.

    Gustuhin ko mang tumawa ay hindi ko magawa. Bakit ba siya nagsalpak ng voice changer? Para tuloy dwende ang boses niya.

    Sumama ako sa kanya hanggang sa isang pamilyar na daan na naman ang tumambad sa amin, ang Imperial Hall.

    Bakit tayo nandito? Nag-aalangan pa ako.

    Kasi gusto ko. Kanya namang pamimilosopo.

    Habang naglalakad kami, may isang Senior ang humarang sa amin.

    Hindi kayo pwede rito dahil—

    I don't f**king care who the f**k are you, B**CH.

    Halos malaglag ang panga nito sa narinig. Hindi niya siguro akalain na ang isang lalaking mas mababa ang antas o ranggo sa kanya ay kaya siyang pagsalitaan ng ganyan. Malakas na malakas talaga ang loob niya dahil mayroon siyang dalang pana. Lahat ng umatake sa kanya, kaya niya agad patumbahin. Bahagya niya itong tinulak dahilan ng pagbunggo nito sa poste. Hindi ko na siya tiningnan nang matagal dahil ayoko namang mas mapahiya pa siya.

    Nang marating na namin ang aming pupuntahan, doon ko lang napagtanto na sa Emperor's House pala ang aming pinatunguhan. Pinindot niya ang pin at agad naman itong bumukas. Muli na namang tumigil ang pagtibok ng puso ko nang masilayan kong muli ang tinitirhan niya. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Kung dapat ba akong magalit dahil may sinayang na naman siyang buhay, matakot dahil baka sayangin naman niya ang pinakamamahal kong buhay, o ang kaba dahil sa hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niyang kung anu-anong bagay.

    Hindi siya pumasok sa loob at pwersahan akong tinulak papasok sa bahay sabay sara ng pinto.

    Dim lights...

    Cold air...

    Warm breath...

    Did you forget my fries?

    S**T!   ..... sorry...

    Bahagya siyang natawa sa ekspresyon kong walang kwenta.

    B-bakit mo ko pinadala rito?

    Why? Because I want my fries. Where is my fries? Hindi ko na naman alam kung nagbibiro ba siya, nagpapatawa siya, o seryoso talaga siya pero pinagmumukha niya lang nakakatawa para kapag natawa na ako saka naman niya gagagawing seryoso. Huh? Ang gulo!

    Stay away from me, you KILLER! I threw the pieces of paper on his face.

    And why would I?

    Wala na akong alam na isasagot sa kanya dahil sobra na talaga ang pangangatog ng tuhod ko. Takot akong mamatay. Ayokong pang mamatay. Marami pa akong gustong gawin sa buhay ko kaya ayoko pang mamaalam. Paano na lang yung pamilya ko, si Relzé, yung fans ko at career ko?

    Lumapit siya sa akin at pinadausdos ang daliri niya sa mukha ko. Choose one. Fries or fires?

    Kung anu-ano na talagang mga walang kabuluhan ang pumapasok sa isipan ko. Kapag pinili ko ang fries, sigurado ako na papakainin niya ako ng fries na may lason at kapag pinili ko naman ang fires, baka sunugin niya ako or worse.... UGH!

    The clock is ticking... the minds are blowing... the fires are spreading.... Your knees are trembling... Nilagyan niya ng sobrang nakakapangilabot na tono ang mga salitang binibitiwan niya.

    W-why are you doing this?

    Guess what? Idiniin niya ang kamay sa desk kaya naman napaatras lalo ako nang sobra dahilan para bumunggo na ang pwetan ko sa edge ng mesa niya.

    Whatever. You're still a killer.

    Then call me Killer... If you want.

    Naramdaman ko na lamang na lumuluha na ako sa labis na takot. Sana naman pakawalan na niya ako.

    Ano bang gusto mo?

    Simple... Just... Be my Empress..

    Proposal

    HERA

    Dinig na dinig ko na agad ang hiyawan ng mga estudyante rito kahit nasa entrance pa lang ako ng Ceres, ang university kung saan ako pumapasok ngayon.

    My gosh! Si Hera 'yun 'di ba? Tugon nung isa

    Ang ganda talaga niya

    Pero siyempre kahit ganun ang nga sinasabi nila, hindi pa rin talaga maiiwasan ang mga bashers sa paligid. Tulad na lang neto.

    Psh. Retokada naman 'yan, eh.

    Balita ko may video daw yan.

    Malamang artista. Alangan naman walang video... Na matino. Mga tao talaga ngayon, noh? Wala nang maisip gawin kundi manira na lang ng ibang tao. Hindi ko alam kung sadya lang silang bored sa buhay nila o galit talaga sila sa existence naming mga artista.

    Kasama ko ngayon ang P. A. ko na si Hersh, short for Hershey Barcarcel. Mag-f-five years ko na siyang assistant since nung magsimula akong pumasok sa mundo ng showbiz.

    Pumunta na kami sa Room A4 kung saan ako pumapasok. Sabi ko nga sa dean na gusto ko dun na lang ako sa Room B36 para mas malapit sa bintana, kaso nga lang ang sabi niya, Room A4 daw ang silid kung nasaan pumapasok ang mga taga-Section 1. Gusto ko na ring magpalipat ng section pero grades daw ang basehan patungkol doon. As always naman.

    Hera Micolah is here! Bungad ng isang babaeng nerd bago kami pumasok dahilan para magsitakbuhan ang lahat ng nandoon patungo sa entrance ng room. Bago lang siyang pasok sa Ceres kaya hindi ko pa aiya ganun kakilala.

    Ms. Micolah pa-picture po. Ani Jacey, ang rank 3 ng class.

    Ngumiti lamang ako sa kanya at naglakad na papasok. Todo picture naman siya sa akin kaya wish granted siya.

    My gosh! Ms. Hera, you're so beautiful po. Turan naman sa akin ni Rhian, ang bookworm ng Ceres. Kaya ko nasabing bookworm siya dahil kahit anong oras at kahit saan, makikita’t makikita mo siyang may tangan na libro.

    Thanks a lot. Sambit ko dahilan para kiligin naman siya.

    Ang bait talaga niya.

    Matalino pa.

    Totoo yung sinabi nung isa, na matalino ako. Pero medyo tinitimpla ko pa yung sinabi nung isa kong kaklase na mabait daw ako. May pagka-maldita kasi ako, eh. May pagka-OC rin at the same time.

    Sikat na sikat na talaga kayo Ms. Hera. Bulong sa akin ni Hersh pagkaupo namin.

    Isang row ang pagitan namin ng mga classmates ko dahil siyempre, social distancing.

    You know, beautiful women are supposed to be famous I answered that made her laugh slightly.

    Ibang klase ho talaga kayo, miss.

    Dumating na rin naman si Prof. Glyden makalipas lamang ang ilang minuto. Professor namin siya sa History and nasa Mid-50's na siya. Medyo boring siya magturo kaya mostly ng mga students dito'y inaantok sa tuwing siya na ang nagtuturo. Pero good job naman siya para sa akin dahil marami naman akong natututunan sa kanya.

    Si Mr. Montecarlos naman ang sunod na pumasok sa klase namin. Professor naman namin siya sa Natural Science. Unlike Prof. Glyden, he's an energetic man kaya naman ganadong-ganado ang mga kaklase kong makinig sa kanya, but I'm an exception. For me kasi masyado siyang nakakahilong magturo. Yes, he is enthusiastic pero hindi naman dapat ganun yung pagtuturo niya. Hindi naman sa I'm bashing him pero masyado lang siyang malikot magturo.

    Tumunog na ang bell makalipas ang fifty minutes na pagtuturo niya. Lumabas na ang halos kalahati ng klase para magmeryenda at kasama na kami ni Hersh doon. Nagpunta kami sa cafeteria at doon kumain. Um-order lang naman siya ng isang hot chocolate at isang Tacos para sa akin. Hindi na raw siya o-order ng para sa kanya dahil busog pa raw siya.

    Hera. Napalingon kaming pareho sa aking likuran kung saan nagmula ang tinig at doon ko nga nakita ang aking childhood partner na si Relzé Madrigal.

    Family friend namin ang pamilya Madrigal kaya naman mabilis lang namin mapapayag sina mom and dad sa tuwing meron kaming meeting, date, or whatever.

    Oh hi! Bati ko sa kanya pabalik

    Gaya ko, isa rin siyang celebrity na dito rin nag-aaral. Madalang nga lang kami magkita dahil magkaiba ang course naming dalawa. Actually, we're loveteam at kilala sa tawag na HerZé. Nagsimula ang pagiging loveteam namin nang ipalabas nationwide ang movie na Still Into You kung saan kaming dalawa ang bida doon at noong sumikat nga ng sobra ang pelikula na iyon, doon na nagsimula ang tawag sa amin ng mga tao na HerZé. Magmula rin noon, palagi na kaming magkasama sa mga projects na ibinibigay sa amin and I'm so happy and so blessed with that.

    Ang HerZé magkasama na naman. Tugon nung isa sa kasama niya.

    Ang cute talaga nilang dalawa. Sambit naman nung isa.

    Bagay na bagay talaga sila.

    Napapangiti na lamang kaming tatlo sa mga usapan ng mga kapwa namin estudyante rito. Palagi namang ganyan ang mga sinasabi nila. Ang lakas kasi ng dating netong katabi ko, eh. Kaya siya sumikat ng ganyan dahil sa appeal niya.

    Nagpaalam na rin kami sa isa't isa nang muling tumunog ang bell hudyat na kailangan na naming pumasok sa kani-kaniyang rooms.

    After so many years of listening, the class dismissed and all of the students went out of the room except the two us. Inayos pa kasi namin ang mga gamit ko and ayoko rin namang sumabay sa bugso ng mga tao.

    Ms. Hera, nasa labas na raw po si Richard. Sambit niya kaya naman tumayo na kami at naglakad na ein palabas.

    Wala naman nang masyadong tao rito sa corridor dahil nakauwi na ang halos lahat sa kanila. Yung ibang students na lang na nakikipagjamming sa kapwa nila students at yung iba pang faculty members na lang ang natira.

    Naghihintay na nga si Richard sa labas sakay ng itim na Chevrolet gaya nga ng nasa message niya. Pumasok naman na kami sa sasakyan at pinaandar na niya ito pauwi. Inalalayan naman ako ni Hersh papasok ng bahay paghinto ng sasakyan.

    As usual, wala ang parents ko dahil meron silang meeting sa Batangas about doon sa launching ng Monocco Cosmetics na gaganapin this October. As a celebrity and a model, ako ang napili nila na maging endorser ng Monocco.

    Hi ate! Masayang bati sa akin ni Ralshé, younger sister ko.

    Kumusta ang studies? Bungad ko sa nerd sister ko.

    Okay naman ate. Perfect ako sa latest quiz namin sa history. Sagot niya at ipinakita pa sa akin ang paper niya.

    Wow naman! Keep up the good work! I brushed her hair with my hands before I walked away.

    Isa rin sa naging dahilan kung bakit magaan ang loob ko kay Relzé ay dahil iyon sa pangalan niya. Magka-rhyme kasi ang pangalan nila ng sister ko kaya nga minsan napagkakamalan silang magkapatid sa tuwing magkasama sila.

    Kinabukasan, wala namang pasok kaya hayahay ako for today. Saturday ngayon and Sunday naman bukas kaya mayroon akong two days to rest. Wala namang bagong projects na dumating sa amin kaya no worries at makakapagpahinga ako.

    Nagtimpla na lang ako ng hot choco at iyon ang ginawa kong breakfast. Nasusuka kasi ako sa tuwing kakain ako ng marami sa umaga. Besides, energy drink naman ito kaya sure ako na hindi ako magugutom nito.

    Habang kumakain ako, biglang nagvibrate ang phone ko. Tiningnan ko naman ito at isang message mula kay Relzé ang natanggap ko.

    Relzé:

    Dinner tayo sa Pav. Grills later, 7:00pm. Sunduin kita jan sa inyo.

    Napangiti naman ako sa message niyang iyon. He is so romantic and professional talaga. Kaya ko siya nagustuhan, eh.

    Me:

    Okay. See you!

    Ibinaba ko naman na ang phone ko matapos kong magreply.

    Ano kayan susuutin ko mamaya? I'm so excited. I just can't hide it.

    Anong ibig-sabihin ng ngiting 'yan, ate? Pambabasag ni Ralshé sa katahimikan dahilan para mapawi ang mga ngiti ko sa labi.

    Nanjan ka pala. Tugon ko at uminom ng hot choco.

    Hindi mo pa nasasagot ang tanong ko. Aniya Anong dahilan ng pagngiti mong iyan?

    Hindi talaga ako tatantanan nito hangga't hindi ko sinasabi sa kanya ang totoo.

    Yung kuta Relzé mo kasi, inaya niya akong magdinner. Yun lang. Uminom na naman ako matapos kong sagutin iyon para rin maibaling ko doon ang paningin ko.

    Sus. Parang hindi ka naman sanay.

    Napakacute talaga niya kahit kailan and I want to pinch her pinkish cheeks until she can't handle the pain.

    Maliligo na ako. Maiwan na kita jan.

    Hindi pa rin niya ako tinantanan ng mapanuyang tingin hanggang sa makalabas na ako ng dining room. Kahit kailan ka talaga Ralshé Francial Micolah.

    Naligo naman na ako habang nakikinig ng music. At oo. Nakikinig ako ng music. Nakasanayan ko na kasi iyon. Besides, waterproof naman ang speaker ko na regalo sa akin ni Tita Maytha nung birthday ko.

    Nag-ayos naman ako matapos kong maligo at kahit mamayang gabi pa kami lalabas, hinanda ko na kaagad ang mga susuotin ko sa dinner namin mamaya. Todo sukat ako sa harap ng salamin habang patuloy naman sa paghahanap ng karapat-dapat na suotin. Tinawagan ko na rin si Hershey para ayusan ako mamaya bago ako sunduin dito ng bebe ko.

    Maya-maya pa'y muli na namang nagvibrate ang cellphone ko at this time hindi na siya message kundi tawag na. Kinuha ko naman ito at tiningnan kung sino ang nag-aabalang tumawag sa akin ng ganitong oras. Pagtingin ko naman sa screen, nakita ko ang pangalan ni mommy.

    Hello, mom. Bati ko pero hindi man lang niya ako binati pabalik.

    Pumunta kayo ni Hershey bukas dito sa Batangas para sa photoshoot ng Monocco. We'll wait until 8 o'clock. Bungad niya

    Pero masyado naman po atang maaga ang 8. Ani ko Can you make it 10?

    No.

    Napailing na lamang ako sa biglang pagsagot niyang iyon. As always naman.

    Napag-usapan na rito na 8 ang start ng photoshoot kaya huwag ka nang maarte pa. Besides, sanay ka na rin naman na gumising ng maaga kaya for sure makakarating kayo on-time. Pinutol na niya ang linya matapos niyang sabihin ang mga bagay na iyon sa akin.

    Talaga bang ganyan na siya palagi? Hindi man lang niya hinihintay ang response ko basta siya nasabi na niya yung gusto niya. Eh paano naman yung gusto kong sabihin? Yung sa side ko? Tsk. Ibang klase talaga siya. Si daddy din ganun. Mas malala pa nga. Kapag hindi ka kasi nakarating sa meeting place on-time, X ka na kaagad sa meeting nila or kung anuman ang dahilan ng pagpunta nila sa lugar na iyon.

    Nagbrowse-browse na lang ako sa internet kung ano man ang pwedeng mabasa o kaya naman news na makita. Pero kadalasan lang sa nababasa ko ay ang tungkol sa mga bagong products ng kakumpitensya naming pamilya.

    Halos magkatapat lang ang Monocco building at ang Transford Corporation na pagmamay-ari nila kaya kitang-kita kaagad kung sino sa amin ang may mas maraming customers and clients. Fortunately, mas marami kaming clients sa kanila kaso nga lang mas marami na silang naipatayong branches ng Transford Corporation kaysa sa Monocco Building na pagmamay-ari namin. Ang Transford ang first ever high technology company sa bansa kaya naman hindi na ako magtataka kung makabago ang mga teknolohiya nila.

    But I'm just wondering kung hindi ba talaga nasundan ang magkapatid na Caizer and Raizel? Sabi kasi ng mother nila sa isang interview na si Ms. Sheila , she's pregnant daw pero hindi naman na nasundan pa ang interview na iyon sa kanya after so many years. Hindi na namin alam kung she chose to have an abortion before the birth of her child or mas pinili lang talaga nila na gawing private ang panganganak niya at itago ang anak niya sa madla.

    Ate. Muntik na akong mapatalon sa biglaang pagtawag sa akin ni Ralshé.

    Hindi ka man kang ba marunong kumatok? Bungad ko.

    Pumasok naman siya sa kwarto ko at dali-daling dumamba sa kama ko. Napakalupit na bata talaga.

    Ano na naman bang kailangan mo? Panimulang tanong ko

    Naglabas naman siya ng cellphone at naglaro ng kung anu-ano.

    Mas malakas kasi ang wifi sa kwarto mo kaya dito ko napagdesisyunang pumunta. Sagot niya Tsaka mas malamig dito kaysa sa kwarto ko.

    Hay naku! Kahit kailan talaga 'tong batang 'to. Kampi palagi sa kung saan siya mas komportable.

    Inabot siya ng tanghali sa kakalaro kaya naman kinausap ko na siya.

    Tama na 'yan yung mata mo pag-ingatan mo. Tsaka kakain na tayo. Anyaya ko at nauna nang kumabas.

    Sumunod naman na siya sa akin sa dining room. Kaming dalawa kang sana ang kakain dito kaso nga lang napag-isipan ko na isabay na kang din ang mga maid namin dito pata mas masaya. Sabi ng nila, The more the merrier. Hindi sila sanay sa ganitong sitwasyon kaya sobra talaga ang saya nila nang anyayahan ko sila.

    –-

    Seven na ng gabi at nandito na rin si Relzé.

    Binati niya ako gaya ng palagi niyang ginagawa sa tuwing nakikita niya ako at binati ko rin siya pabalik gaya ng palagi kong ginagawa sa tuwing nakikita ko siya. Binuksan naman niya ang pinto ng sasakyan niya at naupo na ako sa passenger's seat.

    Pavillion Grills, right? Sambit ko

    Ngumiti naman siya sa akin at nagsimula nang magmaneho patungo sa aming pupuntahan. Pagkatating naman namin doon, agad siyang bumaba ng sasakyan para muli akong pagbuksan. Napangiti tuloy ako sa ginawa niyang iyon.

    Sinalubong naman kami kaagad ng mga staffs ng restaurant pagkapasok na pagkapasok namin doon. May isang staff naman na may name plate na Che-Che ang nanguna sa table namin. Nagtaka tuloy ako bigla. Lahat kasi ng mga tao dito ay nakatingin sa amin sa pagpunta namin sa aming kakainan. Para talagang may kakaiba ngayon, ah.

    Nagsimula naman nang patugtugin ang violin pagkaupo namin.

    Ano ba kasing ibig-sabihin nito? Takang tanong ko habang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa aking labi.

    This day is a very special day for me. Panimula niya.

    Anong ibig niyang sabihin?

    Marami ja ring nagvivideo at kumukuha ng litrato sa amin. Mas lalo tuloy akong na-cu-curious sa mga nangyayari.

    Matagal naman na tayong magkasama 'di ba? Sa projects, tapings, and even sa business. Pagpapatuloy niya. Kaya nga ako napamahal sa iyo, eh.

    Sabihin mo na kasi yung point ko. Naiinip na ako. Tatawa-tawa kong sabi.

    Hinawakan naman niya ang aking kamay at tumingin ng direrso sa aking mga mata.

    I love you, Hera. Aniya.

    Ngumiti naman ako sa kanya pabalik. I love you, too, Relzé

    Ibinalik niya ang kanyang kamay sa kanyang bulsa at may kinuha roon na isang maliit na red box. Papuso pa ang hugis nito kaya mas lalo akong kinukutuban na baka–-

    Ibinigay niya ito sa akin at binuksan at doon na lamang ako nagulat sa laman nito. Isang singsing.

    R-Relzé anong ibig-sabihin nito? Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa mga ginagagwa niya. Masyado kasi siyang mahilig sa mga prank, eh. Prankster siya. Kaya ako kinakabahan na baka kapag naniwala na ako na totoo nga ito, saka niya ilalabas yung hidden camera sa restaurant na ito at saka niya sasabihin sa akin na IT'S A PRANK!

    Hindi ko na talaga kayang itago itong nararamdaman ko. Matagal kong pinag-isipan 'to at ngayong araw na ito, alam ko sa sarili ko na siggurado na ako. Paliwanag niya Hera Micolah, will you be my wife?

    New Student

    HERA

    Hindi ko na talaga kayang itago itong nararamdaman ko. Matagal kong pinag-isipan 'to at ngayong araw na ito, alam ko sa sarili ko na sigurado na ako. Paliwanag niya Hera Micolah, will you be my wife?

    Hindi ko alam kung paano ako magrereact sa pangyayaring ito. Sasagutin ko ba siya ng oo? O sasagutin ko siya ng Yes? Ano ba dapat ang isasagot ko sa kanya?

    Oo naman. Yes. Payag ako.

    Nagpalakpakan naman ang mga tao sa loob ng restaurant nang marinig nila ang sagot ko at nang isinuot na niya sa akin ang singsing na hawak niya.

    I'm so happy. Anito at niyakap ako. Niyakap ko rin naman siya pabalik at mas mahigpit pa.

    Ang sweet...  Sabi nung isa.

    Sana all! Tugon naman nung isa

    Kumain na kami matapos ng scenario na iyon at umuwi na rin bago mag alas-otso. Kahit napaka-iksi lamang ng oras namin doon, sobrang sweet naman namin sa isa't isa kaya sulit pa rin kahit ganun.

    Anong ibig-sabihin ng singsing na 'yan? Bungad agad sa akin ni Ralshé.

    Wala na bang ililinaw yung mata netong nerd na 'to. Grabe! Kakapasok ko pa lang tapos nakita agad? Wow! Kakaibang tao.

    Engaged na kami ng kuya Relzé mo. Nakangiti kong sagot

    Wow ate! Congrats! Ayiieeee!!! Kinuha naman niya ang kamay ko at nagtatatalon na parang bata. Bata pa naman talaga siya.

    Teka. Teka. Saglit! Ang sakit ng kamay ko.

    Naku! Sorry! Excited lang. Nabigla ata siya sa pag-aray ko. Pero ate ano ba kasi? Paano ba kasi? Ano ba talaga kasi yung totoong nangyari? Yiiieeeee!! Kinikilig ako!!

    Eh basta. Dun tayo sa taas magkwentuhan. Bulong ko at nanguna na papuntang taas. Todo aunod naman siya sa akin hanggang sa makarating na nga kami doon.

    Oh so ano na? Muli niyang tanong.

    Ganito kasi yun. Panimula ko at dumamba sa kama. Ganun din naman ang ginawa niya. Psh.

    Kaninang umaga, 'di tinext niya ako. Todo tango naman siya.

    Pangiti-ngiti ka pa nga. Oh tapos? Biglang sabat niya.

    Iyon na nga, kanina, sinundo niya ako at nagdinner nga kami sa Pavillion Grills. Akala ko ng noong una, ordinaryong dinner lang iyon tapos hindi ko alam na magpopropose siya. Pagpapatuloy ko. Nag–

    Okay. Tapos?

    Natawa na lamang ako sa pagsingit niya. Ibang klase talaga.

    Nagtaka nga ako noong una kung bakit nakatingin sa amin ang lahat ng tao. Nasa isip ko siyempre dahil celebrities kami, pero habang tumatagal, kinukutuban na ako. Tumutugtog na kasi yung violist and napakaromantic ng paligid. Kakaiba talaga. So hinayaan ko na lang muna hanggang sa maglabas na siya ng red box mula sa bulsa niya.  Natigil ako sa pagkukwento ko dahil sa biglaang pagvibrate ng phone ko.

    Aish! Sayang naman. Sini ba kasi yan? Nagmamaktol pa siyang humiga as if na siya talaga ang engaged.

    Kinuha ko naman ang aking cellphone at doon ko nakita ang pangalan ni mommy. Again and again and again. Ughh!

    Hello mom?

    Gaya kanina, hindi rin siya bumati pabalik at dumiretso na siya sa point niya agad-agad.

    Hera, pupunta jan ngayon si Richard para sunduin kayo ni Hershey papuntang Batangas. Nagulat naman ako sa sinabi niyang iyon. Kasama na rin niyong pupunta rito si Mr. Wilkins.

    Pero bukas pa yung photoshoot, mom. Usal ko pero siyempre, hindi niya ulit ako pinakinggan.

    Dito na kayo magpahinga dahil bukas na ang protesta ng mga taga BigBang kaya siguradong matatagalan kayo sa pagpunta niyo rito. Kaya mag-ayos ka na at ihanda mo na yung sarili mo.

    T-teka teka mom! Paano 'tong si Ralshé? Tanong ko.

    Iiwan mo na lang ulit siya kasama si Yaya Feli. 'Di ba ganun naman palagi ang nangyayari kapag wala ka? Ngayon. Maghanda ka na dahil maya-maya lang, darating na sila. Ibinaba na niya ang phone niya matapos niyang sabihin ang mga bagay na iyon sa akin.

    Pabagsak kong ibinaba ang hawak ko bago sumampang muli sa kama.

    Oh ano raw meron? Parang haggard ka bigla, ah. Aniya habang pinapaikut-ikot ang braided niyang buhok sa kanyang kamay.

    Tumayo naman ako at binuksan ang walk in closet ko para makapaghanap ng damit. Una, naligo muna ako bago nagbihis ng kung anumang babagay para sa pagpunta sa Batangas. Nagtoner na lang ako at hindi na naglagay ng makeup. Malamig naman sa sasakyan kaya sigurado ako na hindi maguguli itong ayos ko. Saka aayusan naman ako before nmthe photoshoot kaya ano pang silbi ng makeuo ko ngayon kyng mabubura rin ito kapag tumagal?

    Maya-maya pa'y may kumatok na sa pintuan. Inunahan naman ako ni Ralshé sa pagbukas noon at nakita nga namin si Hershey na may hawak na bag at folder. Pumasok siya sa loib at ibinigay sa akin ang folder.

    Ano 'to? Panimulang tanong ko habang binabasa ang laman ng folder.

    Iyan po yung schedule niyo. In-email iyan sa akin ni Ms. Hyzelle para raw po maipakita ko iyan sa inyo. Paliwanag niya.

    Isinara ko naman na ang folder at ibinalik iyon sa kanya.

    Sakal as always. Tara na. Bye Ralshé. Pakabait ka kay Yaya Feli.

    Sige, ate. Bye.

    Lumabas na kami ni Hersh sa kwarto ko at naglakad na palabas ng bahay. Nang nasa gate naman na kami, sinalubong kami ni Mr. Dale Wilkins, ang manager ko. Gaya rin ni Hersh, mag-f-five years na niya akong hawak.

    C'mon girls. Anyaya niya at aalalayan na sana ako papasok ng van nang unahan ko na silang pumasok doon.

    Ganyan naman siya palagi, eh. Palagi niya akong inaalalayan kahit ayoko namang hinahawakan niya ako. Psh. Hindi na siya nasanay sa akin.

    Una akong pumasok sa van at susunod na nga sana siya ng bigla akong magsalita.

    Gusto kong katabi si Hersh. Usal ko at itinuon ang sarili sa pag-ce-cellphone.

    Nahinto naman siya ng panandalian pero itinuliy pa rin niya ang pagpasok kaya naman agad kong binuksan ang pinto sa side ko nang makaupo na siya.

    Oh, saan ka pupunta? Pa-inosente pa niyang tanong pero hindi ko lang siya sinagot.

    Naglakad ako papuntang kabila at saka pumasok. Nasa tabi ko na ngayon si Hersh at komportable na ako. Hindi naman sa hindi ko siya pinagkakatiwalaan pero nga kang kasi parang may feeling ako na hindi komportable sa tuwing makakatabi ko siya. Nasa mid-60's na siya at patay na rin ang asawa niya. Kakaiba rin ang tingin niya kaya kinakabahan ako sa tuwing kasama siya lalo na kung puounta kami sa isang lugar na kami lang dalawa.

    Nagbrowse na lamang ako ng News Feed ko hanggang sa makita ko ang mew post ng Ceres patungkol sa mew student.

    What? May new student na naman?

    Pero nasa secomd quarter na kami kaya hindi na pwedeng tumanggap ng bagong mga lilipat. Pwede silang tumanggap pero sa susunod ja taon na dapat at hindi ngayon. Nagkamali ata sila sa pagtanggap sa new student na iyon.

    Nakatulog na ako makalipas lamang ang isang oras ng pagbabasa at nagising na lamang ako na madaling araw na. Kaming dalawa na lamang ni Hersh ang nandito sa kotse at hawak niya ang laptop niya.

    Miss, gising na po pala kayo. Tara na po. Anyaya niya at nauna nang lumabas ng sasakyan.

    Binuhat naman niya ang aking bag at sinabayan akong maglakad patungo sa main building ng Monocco, Batangas.

    Nasa'n daw sila? Tanong ko.

    Nasa meeting room po sila sa may fifth floor. Sagot niya. Tayo na lang po ang hinihintay doon.

    Naglakad na ako papasok sa main building. Pero bago pa kami umakyat sa fifth floor, nagpunta muna ako sa rest room at naghilamos.

    We only have ten minutes na lang po, miss. Aniya

    I know. Sambit kl at naglagay ng toner sa mukha. Tara na. Anyaya ko at naglakad na palabas.

    Why are you so late? Bungad sa akin ni kommy na nakaupo sa may couch na nasa left side ng room.

    And what's the problem? Eight pa naman ang photoshoot and six pa lang ng umaga. Sagot ko pero nakapoker face pa rin siya.

    Eh naghahanda ka pa 'di ba? Bakit–- hidninko na pinatapos pa ang mga pagdadada niya dahil mabilis na akong nakapagsalpak ng earphones sa aking tainga at ayad na pinatugtog ang nga rock songs na nasa phone ko.

    Wala na akong pakealam sa sasabihin ng iba. Eh sa nakakainis siya, eh. Bungad ba naman sa akin why are you late? Oh 'di ba? Sino ba naman ang hindi maiinis doon? Kahit ba naman na palagi niya sa aking ginagawa ito, sana naman 'wag sa may mga tao. Ngayin, kung ganyan ang bungad niya sa akin edi ganito ang sagot ko sa kanya. Wala na akong pakealam kung sabihan man ako ng kung anu-ano ng mga nakakita sa akin. Eh sa maldita nga ako, eh. Anong magagawa nila?

    'New student of the Ceres University'

    Binasa ko ang headline ng newest post ng Ceres na nakita ko kanina. Bakit ba ganito ang feeling ko? Parang may kakaiba, eh. Parang may mali.

    Miss, ready na raw po. Tugon ni Hersh at sinamahan ako sa makeup room na nasa bandang keft side ng meeting room.

    Pagpasok namin doon, kumpleto na ang lahat at ako na lang talaga ng hinihintay. Ibinaba ko naman ang aking bag at umupo sa swivel chair na nasa harapan ng big mirror ng room. Pinaioot muna nila ang buhok ko at saka iyon itinali bago ako sinimulang makeup-an.

    Light makeup lang ang ginawa nila sa face ko dahil lipstick naman ang i-e-endorse ko at siyempre kasama sa commercial ang paglalagay ko ng cosmetic sa aking labi.

    Yan, miss. Perfect na. Ready na! Ani Kryshelle, makeup manager ng Monocco Team.

    Inilugay na nila ang buhok ko at tumayo na ako. Ibinigay na rin naman na sa akin ng costume manager ng team na si Trisha ang susuitin ko para sa photoshoot.

    Ten minutes na lang po miss before 8. Paalala sa akin ni Hersh bago ako pumasok sa Fitting Room.

    Napangiti naman sila paglabas ko.

    You're so beautiful po. Puri ni Kryshelle at lumabas na kami ni Hersh sa makeup room.

    Nagpunta na kami patungo sa rooftop kung nasaan nandun na ang staffs, siyempre ang manager ko at ang parents ko para panoorin ako sa mga gagawin ko.

    Inihanda naman ng staffs ang camera na gagamitin at pinapwesto na ako sa red spot kung saan ako kukuhaan.

    After twelve shots, nagbreak muna kami. Bumaba ako sa cafeteria at bumili ng hot choco gaya ng palagi kong iniinom tuwing umaga. Maya-maya pa'y pumasok din doon ang aking manager at naupo sa tapat ko. Katabi ko kasi ang P. A ko at siya ang nasa harap ko.

    You're so hot in your photoshoot Hera. He said and leaned forward. Kaya hindi na ako nagtataka kung maraming nagkakagusto sa'yo. He stretched his right hand to reach mine but I immediately put it back on my lap.

    Bigla akong kinabahan sa ginawa niyang iyon. Anong trip niya at bakit niya gustong hawakan ang kamay ko? Ano yun, friendly touch?

    I grabbed my drink and ran out of the cafeteria. Hindi ko na kayang magtagal pa doon kasama niya. I'm not comfortable everytime I'm with him.

    Miss, bakit po kayo nagmamadaling lumabas? Eh wala naman pong malisya yung ginawa niyang yun, eh. Aniya habang bitbit bitbit ang drink at bag ko.

    Para sa'yo wala. Iyon lang ang tangi kong sinabi bago bumalik sa rooftop at doon na nagpahinga.

    Humahangos ka ata madam! Bungad sa akin ni Freya, ang baklang staff manager ng team.

    May rapist sa baba. Sagot ko dahilan para matawa siya.

    Wow, miss may rapist ka na. Congrats! Aniya na mas lalong nagpabusangot sa akin.

    Maya-maya pa'y dumating na si Relzé kasama si Mr. Wilkins. Imbes na matuwa tuloy ako'y kinabahan pa lalo ako.

    Oh hi, Hera! Bati niya sa akin at nakipagbeso sa akin.

    Nabaling naman ang aking paningin sa aking manager na sobrang talim ng tingin sa akin kaya agad ko rin iyong iniwas at si Relzé na lang ang pinagtuunan ko ng pansin.

    After several minutes, bumalik na kami sa shoot at makalipas lamang ang tatlumpung minuto'y natapos na rin ang photoshoot.

    Inayos na ng mga staffs ang mga gamit at umuwi na kami.

    How's the shoot, miss? Tanong ni Hersh nang makapasok na kami sa van.

    This time I felt more comfortable dahil hindi na namin kasama si Mr. Dale dahil may mahalaga pa siyang gagawin saka magkaiba ang daan patungo sa mga bahay namin kaya mali talaga kung sasabay pa siya sa amin. Si mom and dad lang ang kasama namin pauwi and I'm sure na super excited na si Ralshé na makita sila.

    Good job Hera! For sure marami na namang bibili ng magazine and ng monocco lipstick dahil sa'yo. Papuri sa akin ni dad na nagpangiti naman sa akin.

    Thanks, dad. Tipid kong sagot at nakinig na muli ng music.

    ~Oh, oh

    When the visions around you

    Bring tears to your eyes

    And all that surrounds you

    Are secrets and lies

    I'll be your strength

    I'll give you hope

    Keeping your faith when it's gone

    The one you should call

    Was standing there all along~~

    Eto ang favorite song ko sa playlist ko dahil theme song din ito ng HerZé. Naaalala ko si Relzé everytime na pinapakinggan ko ang kantang ito.

    Agad akong nakatulog pagdating na pagdating namin sa bahay. Siguro dulot na rin ng pagod at stress.

    Kinabukasan, gumising ako ng maaga dahil Monday na ulit at may pasok na ako ulit. Gaya ng palagi kong ginagawa, ligo muna bago kain, ayos ng unti at pasok na. Kasama ko muli si Hersh sa pagpasok at hinatid na kami ni Richard sa Ceres.

    Medyo nagpalate na ako sa pagpasok para hindi na ako dumugin ng mga estudyante rito adn mission accomplished naman dahil walang sumalubong sa akin sa pagpasok ko. Kaso nga lang, hindi pa rin talaga maiiwasan ang mga pasulyap-sulyap ng iba sa bintana habang dumadaan kami patungong room pero wapakels na lang ako sa mga iyan hanggang sa makarating na kami sa Room A4. Wala pa namang teacher pero natahimik na kaagad ang mga kaklase ko sa pagdating ko. Maybibang kumakaway at may iba namang ngumingiti. Tinamad akong ngumiti kaya walang emosyon akong umupo sa aming pwesto.

    Maya-maya pa'y dumating na ang History Prof. namin. Bumati siya sa amin at bumati rin naman sila pabalik.

    Oaky, class. Siguro informed naman na kayo about sa new student dito sa Ceres. Panimula niya at tumangu-tango naman sila. And fortunately, dito rin ang room niya kaya magiging classmate niyo siya

    Whuutt??

    Lumabas naman siya t tinawag na ang new student. Makalipas lamang ang ilang minuto'y pumasok na siya dahilan para mapatunganga kaming lahat sa kanya.

    He's not that campus heartthrob na mabibigyan ng second look kapag nadaanan ka.

    Why don't you introduce yourself to them? Ani Prof. sabay turo sa amin.

    He's just a typical cute and tall nerd na palahing nakatingin sa baba. Hindi ko alam kung shy type ba siya o sadyang introvert lang. Siya na ba yung sinasabi nilang new student? Akala ko pa naman mala-celebrity ang datingan.

    I'm Sky Del Valle, 21.

    Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa introduction niya or what.

    Hindi ko masyadong makita yung mata niya dahil bukod sa may nakaharang na salamin, halos matakpan pa iyon ng long bangs niya na mala-KPop ang dating.

    And seriously? 21 na siya? Eh parang 16 lang siya, eh. Baka naman naligaw lang siya sa Ceres.

    Okay, thank you. You may now sit on the mid-row. Sambit ng lecturer at tinuro ang row kung nasaan kami nakaupo.

    Ang row na lang kung saan ako nandoon ang wala pang laman kaya naman iyon ang napili ng lecturer na ituro sa kanya. Tumango naman siya at dire-diretsong nagtungo sa mid-row without having a glimpse on anyone.

    Akala ko naman tatabi siya sa akin dahil maganda ako, eh pero doon na lamang ako nagulat nang sa kabilang dulo siya ng upuan pumwesto.

    Huh? Ibang klase talaga.

    Give Up

    HERA'S POINT OF VIEW

    Wala ba talaga akong balak pansinin ng nerd na 'to? Nakakahiya siya kasi hindi niya ako pinapansin. My goodness! Kung ibang estudyante siguro yung nagtransfer dito siguro kanina pa yun hinimatay nang makita ako. Kasi eto hindi, eh. Ibang klase talaga.

    Okay. Class dismiss.

    Tumayo na ang lahat nang sabihin na iyon ni Ms. Swish. Siyempre pa-late ulit ako para hindi madumog kaso nga lang pa-late din si nerd eh. Unang naisip ko, dumaan na lang sa side namin kasi nakakahiya naman sa snoberong nerd na 'to, eh. Ayaw pang umalis. Kaso nga lang naisip ko na dumaan na lang sa side ni nerd para naman mapansin niya ako. Sobrang nakakahiya kasi, eh.

    Tumayo na kami at lumapit sa kinaroroonan ng busy na si Mr. Nerd at tinawag siya sa pangalan niya ng magiliw.

    Sky right? Uhm– hindi ka pa ba aalis kasi may meeting pa kami baka malate kami. Panimula ko pero tila wala siyang naririnig dahil patuloy lang siyang nag-aayos ng mga gamit niya. Doon ko tuloy napansin na Transford pala ang tatak ng bag niya. Naks! Yaman!

    Excuse? Kahit hindi niya ako pinansin, giniliwan ko pa rin ang boses at pananalita ko

    Meron namang daan sa side niyo bakit hindi kayo dun dumaan?

    Whuut??? Paano niya naatim na sabihin sa akin ang bagay na iyon? Hindi niya ba ako kilala?

    Wow! Mr. Del Valle, hindi mo ba ako kilala? Ako si– hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil agad na siyang nagsalita.

    Hera Micolah. Aniya Well, I don't care.

    Naiwan akong nakatulala sa kanya kahit pa lumabas na siya. Grabe! Ibang klase talaga. Wala siyang karapatan para sabihin sa akin yun, ah! Unang-una hindi siya kilala. Ano yun? Porket tatak Transford lang ang bag niya pa-cool na siya? Eh baka nga bigay lang sa kanya yun, eh. Naawa. Tsaka sa kaaway pa siya kumakampi. Pangalawa, bagong lipat lang siya sa school na 'to kaya wala siyang karapatan para barahin ako ng ganun.

    Miss, baka tumanda kayo kaagad jan. Sabi ni Hersh nang makasakay na kami sa kotse. Kanina pa kayo nakabusangot jan, eh.

    Aish! Stop. Wala ako sa mood ngayon kaya wag mo kong kausapin Sambit ko

    Dahil po ba iyon kay Mr–- pinutol ko na kaagad ang sasabihin niya.

    Huwag mo nang ituloy pa yang sasabihin mo kung ayaw mong masupalpal ko yang bibig mo.

    Buti naman at tumahimik na siya. Hindi ko na kasi kaya pang marinig yung pangalan ng snob/ nerd na yun. Hindi naman porket cute siya pwede na niya akong ganun-ganunin. Nakakainis siya. Ipakulam ko kaya siya. Tapos magkatabi pa kami kaya. Ughh! Buti na lang talaga at walang nakakita sa amin kanina.

    Agad akong tinawagan ng manager ko pagdating namin sa bahay. Published na raw ang magazine at scheduled na rin ang Monocco launching kaya mabubugbog talaga ang week ko ngayon. Hindi naman na ako masyadong sumagot sa mga pinagdadada niya at mabilis ko nang pinutol ang linya matapos niyang sabihin ang mga bagay na iyon. Bahala siya jan.

    Maggagabi naman na kaya okay lang siguro kung matutulog na ako. Saka wala naman na akong iba pang gagawin dahil wala namang projects and tinamad din yung mga professor namin na magpahomework kaya hayahay ang buhay.

    Alas-tres ng madaling araw nang magising ako. Hindi naman na ako nakatulog pa dahil unang-una sira na ang tulog at pangalawa, wala na ang antok ko naisipan ko na lang na mag-browse sa internet.

    Kahit labas kalooban ko, tinry ko na lang din na tingnan ang account nung nerd na yun dahil wala na nga akong magawa, eh. Pero nagulat na lang ako nang wala ni isang post ang nakalgay sa timeline niya. Wow, ah! Bagong panganak ba siya? O kaya naman wala lang talaga siyang kaamur-amor sa social media. Hay naku! Kawawang bata naman.

    Maya-maya pa'y may biglang nagmessage sa akin.

    Si Sky?

    Tiningnan ko ang message niya at binasa iyon pero kinilabutan lang ako nang makita iyon.

    See u n hell

    Agad kong pinatay ang cellphone ko nang mabasa iyon. Aish! Sana wrong send lang yun.

    Kinabukasan, hindi sana ako pumasok dahil mayroong meeting ang Monocco team kaso nga lang naisip ko na sasabihin naman sa akin ng manager ko ang lahat ng napagmeetingan nila kaya hindi na ako sumama. Sabi nga niya na susunduin niya kami ni Hersh but I refused. Wala naman na siyang magagawa kung ako na mismo ang aayaw sa offer niya. Hindi naman na siya pwede pang magpumilit dahil baka ipatanggal ko siya. Joke.

    Tulad ng dati, todo kaway pa rin sila sa akin pero hindi na ako masyadong kumakaway sa kanila. Nakakapagod kasi kaya smile na lang. Ngayon, sa side na namin ako dumaan dahil baka mabara na naman ako ng nerd na yun sa harap ng maraming tao. Baka nga may magvideo pa nun tapos i-post sa social media na magiging dahilan ng pagbagsak ko.

    Miss, nagmessage si Ms. Micolah. Ang sabi niya susunduin ka raw dito ni Mr. Dale para dalhin doon sa Monocco Building. Ani Hersh na nagpainis sa akin.

    Eh ayaw ko nga diba. Sabihin mo sa kanila na hindi ako lalabas ng Ceres. Sagot ko.

    Pero ho kasi–- Hindi ko na siya pinatapos pa ng sasabihin niya dahil agad na akong sumabat.

    Kapag ayaw ko, ayaw ko. 'Wag mo nang pilitin.

    Napatango naman siya at bakas sa mukha niya ang pagkapahiya dahil sa sinabi ko. Kilala naman na niya ako kaya kung sinabi kong ayaw ko, 'wag na siyang magpumilit o kaya naman sumabat ng hindi ko magugustuhan dahil baka masabon ko pa siya.

    Maya-maya pa'y dumating na ang first prof. namin at saka nagturo. Medyo inantok ako dahil hindi nga ako nakatulog dahil nga sa message / wrong send ng nerd na yun.

    Tumunog naman na ang bell pagkatapos na pagkatapos niyang magturo kaya naman nagsilabasan na ang lahat maliban ulit sa amin ni Hersh at kay nerd. Ano ba kasing trip neto? Bakit ba parang wala siyang kaamur-amor sa mga tao. Kay bagu-bago pa lang niya tapos ganyan na agad siya.

    Tara na miss. Anyaya niya. Tumango naman ako at tumayo na pero hindi pa nga ako nakakarami ng lakad, nakarinig na ako ng tinig mula sa kabila.

    Sorry wrong send. Aniya at dali-daling umalis.

    Whuut the–- Ano?

    Uh– Buti naman..

    Ano pong ibig niyang sabihin niya, miss? Tanong ni Hersh pero agad ko siyang nilampasan.

    Don't mind him. Aniko

    Sana nga totoo yung sinabi niya na wrong send lang yun dahil baka makalbo ko talaga siya kapag totoo yung nabasa ko kanina at para talaga sa akin yun. Hindi pa nga kasi talagang magkakilala tapos ganyan na agad i-me-message niya sa akin. Buti pa sana kung 'hello idol' o kaya naman 'napakaganda niyo po' na lang yung sinend niya sa akin. Baka bigyan ko pa siya ng Monocco Bag kapag nagkataon.

    Miss–-

    Ano na naman?

    Nasa labas na po ang staff managers ng Monocco Team.

    Ano?!

    Napalingon naman sa amin ang mga estudyante rito nang magreact ako ng ganoon kaya naman nginitian ko na lamang sila at kumaway-kaway sa kanila bago muling umupo. Maganda naman ako kaya mabilis silang nahawa sa ngiti ko.

    Sabihin mo sa kanila may project pa kami. Utos ko pero umiling lamang siya. First time ata niyang umiling sa utos ko.

    Kinausap na rin po kasi ni Mr. Dale ang dean at sabi niya na pumayag daw ito. Nakapagbigay na rin siya ng excuse letter sa dean kaya pwede ka na raw pong lumabas ng school. Paliwanag pa niya habang kinakalikot ang cellphone niya.

    Eh sa ayoko– Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko sa biglaang pagdating ng manager ko.

    Tara na. Anyaya niya at lumapit sa akin.

    Ayoko sumama. sabi ko at agad na umalis sa pwesto kong iyon.

    Wait. Talagang hinabol pa niya ako.

    Ano ba? Agad ko siyang nilingon at kinalas ang pagkakahawak niya sa akin. Ayoko ngang sumama sa meeting! Napalakas ata ang boses dahil napatingin na naman sa amin ang mga tao dito.

    Wag mong ipahiya ang sarili mo. Sambit niya pero umiling lang ako.

    bahala ka sa buhay mo!

    Hindi ka rin naman nang pwedeng tumanggi dahil nakakahiya sa clients kung ikaw mismo ay hindi sisipot sa meeting.

    Naningkit naman ang mga mata ko sa narinig. Totoo ba? Akala ko exclusive meeting yun at para lang sa Monocco team ang pwede sa meeting na iyon.

    Nice alibi. Pero sorry dahil hindi pa rin talaga ako sasama sayo. May gagawin pa ako at hindi ko priority ang meeting na 'yan. Aalis na muli ako ngunit hindi pa nga ako nakakarami ng lakad, muli na naman siyang nagsalita.

    Kahit kasama pa si Chairman? Aniya na siyang nagpatigil sa akin.

    What? Kasama si Chairman? Paninigurado ko

    Yes. Sambit niya Actually, seven minutes na siyang naghihintay sa lobby ng Monocco Building.

    Impossible. Nasa States si Chairman at hindi niya ibinabalita sa amin ang pag-uwi niya kaya napaka-imposible na nandito na siya ngayon. Usal ko pa. Wag mo nga akong loko– Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil biglang nagring ang aking phone.

    Kinuha ko ito at nakita kong tumatawag si mommy. Akin itong sinagot at naghintay sa walang katapusan niyang sasabihin at utos.

    Where are you, Hera? Chairman is waiting. She said then hung up.

    Ibinaba ko ang phone nang puno pa rin ng pagtataka. Paano nangyaring hindi man lang ako informed sa pag-uwi niya?

    Hindi ko na hinintay pa na magsalita ang kaharap ko at mabilis na akong lbumaba sa lobby at lumabas ng Ceres. Nasa harapan lang naman ang sasakyan kaya mabilis akong nakapasok sa loob.

    Tara na. Utos ko kay Richard kahit wala pa si Mr. Dale.

    Miss, wala pa po si Mr. Wilkins. Ani Hersh

    I don't care.

    Mabilis na pinatakbo ni Richard ang sasakyan kaya mabilis din kaming nakarating sa Monocco.

    Tara na, miss. Anyaya ni Hersh at binitbit na ang aking bag.

    Dali-dali akong tumakbo at dumiretso sa lobby para hanapin si Chairman pero wala na siya.

    Miss, nasa fifth floor na po sila. Saad ng aking kasama at mabilis kaming nagtungo doon.

    Pagpasok namin doon, agad na napatingin sa amin ang lahat ng staffs doon.

    Ms. Hera, nasa dining room na po silang lahat. Sambit nung isang staff.

    Napa-tsk na lang ako sa sinabi niya at mabilis na tumakbo patungo sa dining room. Pero pagdating ko doo'y huminto muna ako sa tapat ng pinto at huminga ng malalim.

    Open the door. Utos ko kay Hersh at sinunod naman niya iyon.

    Dahan-dahan akong pumasok sa loob. Kinakabahan ako. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nakaharap ko na si lolo.

    Oh my darling, you're here! Bungad sa akin ni mommy at agad akong niyakap pagkapasok na pagkapasok ko sa loob.

    Tch. Plastik.

    Sabi ko naman sa kanila kaya mong makarating dito. I'm so happy to see you. Hinimas-himas niya ang ulo ko na parang batang pinapatulog habang nakatingin ng matalim sa aking mga mata.

    Best actress. Sa kanya ata ako nagmana, eh.

    Humarap naman siya sa mga taong kasama namin at saka nagsalita.

    This is my daughter, Hera. Panimula niya.

    Nakita ko naman sa si lolo na tumayo at lumapit sa amin. Tumayo siya sa harap ko at ngumiti.

    Nice to see you again, Hera. Bati nito sa akin at niyakap ako.

    Welcome back, 'Lo nanginginig kong sabi.

    Kumalas naman na siya sa pagkakayakap sa akin at nagtungo na sa upuan niya pero bago pa siya umupo, itinuro niya muna ang upuan na nasa tabi niya at tumango hudyat na kailangan ko nang umupo. Pinilit ko namang ngumiti at umupo na sa tinuro niya.

    Hindi ko alam ang gagawin ko. Kabang-kaba na ako dahil bukod sa katabi ko si lolo, nandito pa ang buong family namin. Akala ko clients ang nandito pero hindi pala. Buti na lang at nasa tapat ko si Relze at katabi naman niya ang mom and dad niya. Bali nasa side ko ang family namin at kaharap naman namin ang buong family niya.

    So, siguro alam niyo naman na ang pag-uusapan natin. Panimula ni lolo.

    Yes, Chairman. Sagot ni Tita Maytha, ang mommy ni Relze.

    Ang cold talaga niya. Pero kahit na ganoon, mas gusto ko naman siya kaysa kay mommy dahil hindi siya plastik.

    Natapos ang dinner nang wala man lang masyadong lumalabas sa aking bibig. Puro tango at 'okay' lang at bukod doon wala na.

    Umalis naman na kami ni Hersh sa building matapos noon. Hiwalay ang sinasakyan ng parents ko sa akin. Umuwi na rin naman sina tita pagkatapos na pagkatapos ng dinner. Actually, hindi na nga nila kami hinintay, eh. Si lolo naman, separate din ang sasakyan niya sa akin pero doon din naman siya didiretso sa bahay. Nabawasan naman na ang kaba na nararamdaman ko pero hindi pa rin ito nawawala.

    Pagkauwi namin, agad na inihanda ni Yaya Felis ang gatas ko at ibinigay iyon sa akin.

    Jan na lang muna. Utos ko at kumuha ng cucumber sa ref at ibinigay iyon sa kanya. Pakihiwa.

    Tumango naman siya at mabilis na hiniwa ang cucumer at ibinigay sa akin ang slices nun. Kumuha naman ako ng dalawa at inilagay sa mata ko. Masyado akong stressed ngayong araw. Magmula sa pahirap na quizzes kaninang umaga, kay nerd , at doon na nga sa dinner. Buti nga talaga at hindi na sumama pa yung manager ko doon dahil exclusive family dinner lang yun.

    Miss, nanjan na po sila. Sambit ni Hersh

    Tinaggal ko naman na ang nakalagay sa aking mata at dali-daling bumaba sa sala. Nakita ko naman ang mga maids na binubuksan ang pinto kaya mabilis na akong nagtungo sa entrance at inabangan sila.

    Welcome home po Bungad ko sa kanila.

    Nakangiting pumasok sa loob si lolo samantalang naka poker-face pa rin sina mommy at daddy. Mga mapagkunwaring mga tao talaga kahit kailan. Sabagay, saan na nga ba ako magmamana?

    Paakyat na sana ako sa taas nang bigla akong tawagin ni mommy.

    Hera. Anito Umupo ka

    Sa tono pa lang ng pananalita niya halatang sesermonan na naman niya ako. Sanay naman na ako kaya dahan-dahan akong lumingon sa kanila at umupo sa sofa, tumingin sa kanila at naghintay ng sasabihin nila.

    Ano bang nangyari sa'yo? Bakit late ka ng fifteen minutes? Nakakahiya! Buti na lang talaga at pumunta sa school niyo si Mr. Dale dahil kung hindi, baka hindi ka na dumating pa. Panimula nito nang makaupo na.

    Sorry po mommy. Hindi na po mauulit. Sambit ko pero alam ko naman na hindi siya tatablan ng paawa looks ko, eh.

    Anong magagawa ng sorry mo? Tapos na. Wala na. Late ka na nga tapos ganyan pa yung itsura mo. Nakakahiya talaga. Nakakahiya ka. Kung hindi ko lang siguro 'to magulang, kanina ko pa siya nasuntok. Ayoko na 'tong maulit. Dagdag pa niya bago naglakad palayo.

    Umakyat na rin naman na ako sa kwarto ko matapos niya akong pagalitan. Buti nga, hindi ako bata para palu-paluin niya. Besides, hindi rin naman nila ako pinapalo nung sunud-sunuran pa ako sa kanila. Psh. Kailan ba ako sumuway sa kanila?

    WAAAAAAAAHHHHHH!!! NAKAKAINIIIIIIIIIIIISSS!!! Panay sigaw lang ako dito sa loob nang makapasok na ako. Sarap niyong kutusan! Siagw ko pa at kumuha ng unan at saka iyon pinagsusuntok hanggang sa masira ang punda,

    Sana mukha na lang 'to ni mommy.

    Natulog ako ng sobrang sama ng loob ko kaya sobrang sama rin ng gising ko. Bumangon na ako at naligo. Tinawagan ko na rin si Hersh at Ricahrd na ihatid na ako papuntang Ceres. Takang-taka nga sila dahil hindi ko naman daw ugali ang pumasok ng maaga dahil nga baka dumugin pero ang sabi ko, 'wag na silang madami pang satsat dahil masama ang gising ko. Wala naman na silang iba pang nagawa kundi sunduin na lang ako.

    Pagdating namin sa Ceres, halos wala pang tao kaya dumiretso na lang kami ni Hersh sa garden kung saan maaliwalas ang paligid. Akala ko nga tahimik na at magiging maginhawa ang buhay ko dahil akala ko kami lang ang nandito pero mali ako. Mali ako dahil may kasama kami rito. Siguro naman alam niyo na kung sino.

    Uyy, miss, si Mr. Del Valle yun, oh bulong niya sa akin.

    Sobrang busy niya ngayon sa pagbabasa ng libro. Akala ko naman na story ang binabasa niya pero hindi pala dahil isang maliit na encyclopedia ang nakita kong hawak niya. Inay! Napakaboring naman ng binabasa nitong nilalang na 'to. Iyang libro na lang bang hawak niya ang meron siya kaya ayan na lang ang pinagtitiyagaan niya? Owwss!!! Kawawa naman siyang nilalang.

    Talaga bang wala siyang balak na pansinin ako?

    Miss, mukha talagang wala siyang balak na pansinin kayo. Baling muli sa akin ni Hersh.

    Pati sa P.A, ko, napapahiya na rin ako dahil sa kagagawan niyang nerd siya. Nakakainis siya, Bakit ba kasi wala siyang kusa kahit kailan. Sa lahat ng nandito siya lang yung ganyan.

    At dahil nga sa hindi ko na napigilan pa ang sarili ko, tumayo na ako at nagpunta sa gawi niya at saka tinabig ang libro na binabasa niya pero ang buong akala ko pa naman, mahuhulog ito kaso nga lang na-wrong move ata ako dahil mahigpit pa rin ang hawak niya rito. What the–- Hindi sa kanya gumana yung attention effect ko? Pero hindi papansin effect. Grabe talaga. Expected na ba niya na gagawin ko ang bagay na yun kaya hinigpitan niya ang hawak sa librong binabasa niya? Ughh. kakaiba talaga siya. Tao pa kaya siya? Wala naman na akong ibang choice kundi ang umalis na lang sa pwesto namin na iyon dahil baka mas lalo lang akong mapahiya doon.

    Miss, saan na po ang next destination natin? Tanong niya sa akin nang makalayo na kami roon.

    Sa cafeteria. Sagot ko at sinabayan siya sa paglalakad papunta roon.

    Pagdating namin doon, nakita namin ang ilang estudyante na nandoon at nagkukwentuhan. May ibang nagcecellphone at may iba namang nagbabasa ng libro, pero hindi encyclopedia siyempre. Sino naman kaya ang mangangahas na magbasa ng boring na libro?

    Miss, give up na po ba kayo kay Mr. Del Valle?

    Nagulat ako sa tanong niyang iyon. Saan naman kayang lupalop ng mundo nanggaling ang tanong niyang iyan? Muntik na tuloy akong mabulunan doon.

    Anong give-up? Saka anong Del Valle? Nahihibang ka na ba?

    Bahagya naman siyang natawa sa sinabi ko. Anong nakakatawa doon?

    Bat ka tumatawa? Muli kong tanong sa kanya pero umiling lang siya.

    Wala po, miss. Anito at nagpatuloy na sa pag-b-browse sa kanyang laptop.

    Ano kayang problema ng isang 'to?

    Transford

    HERA'S POINT OF VIEW

    Ilang saglit pa, dumami na ang mga tao rito sa cafeteria. Parang dati ulit, ngiti sakin, kaway sakin, pa-picture sa akin at iba. Samantalang ako, pangiti-ngiti lang, plastik nga lang. Best actress naman ako kaya hindi nila malalaman yun.

    Miss, pasok na po kayo habang hindi pa po ganoon karami ang tao. Ani Hersh at saka tumayo.

    Mauna ka na Utos ko at ibinigay sa kanya ang aking bag.

    Pero po–

    Sundin mo na lang kung ano ang sinabi ko. Sambit ko sabay tingin sa kanya. Kung ayaw mong matanggal. Dagdag ko pa na ikinagulat naman niya.

    Mabilis naman niyang kinuha ang bag at dali-daling umalis nang hindi man lang nagpapaalam. Ako naman, nandito lang at nagkalikot ng cellphone. Wala na akong masyadong magaawa lalo na't patay na araw ngayon. Tuesday kasi kaya kadaasan sa mga school staffs, tinatamad pumasok. Kaya ayun, pati tuloy mga estudyante, tinatamad na rin.

    ~TINITINININININTINININTINNIJINININTINTINTINIJININININTINININ~~~

    UGHH! Sino na naman ba kasi yung tumatawag? Unknown number kasi, eh kaya naisipan ko na huwag na lang sagutin. Pero makulit talaga dahil ayaw pa rin niyang tumigil. Hindi ba talaga siya papatalo? Hay naku! Sino ba kasi 'to?

    Hello panimula ko nang sagutin ko na ang aking phone. Ang ingay na kasi, eh. i-b-block ko na nga kasi sana kaso nga lang hindi ko magawa sa hindi malamang kadahilanan.

    See you in hell! Buhay na buhay nitong ani saka pinatay ang linya.

    Bigla tuloy akong kinilabutan doon. Hindi na kasi ito ang unang beses na mangyari sa akin. Pangalawang beses na ito dahil una iyong text ni Sky sa akin na wrong send lang naman. Pero kasi ngayon imposibleng na-wrong number na naman ako dahil tawag na siya eh. Buti sana kung text lang yun. Eh hindi. Tawag na.

    Agad kong tinawagan si Hersh at saka siya pinapunta rito.

    Bakit po, miss? Tanong nito sa akin nang makaratin na muli sa cafeteria.

    Maraming prank callers 'di ba? Sambit ko

    Opo Tatangu-tango nitong sagot. Bakit po?

    Inilahad ko naman sa kanya ang phone ko at ipinakita sa kanya ang number ng hinihinala kong prank caller.

    Gusto kong i-track mo kung sino ang may gamit ng number na ito. Utos ko at mabilis naman niya itong kinuha. Sige. Alis na.

    Tumayo na rin naman ako matapos ko siyang utusan. Wala naman na siya sa harapan ko dahil nakaalis na siya, malamang. Pinagmadali ko ba naman, eh. Halos lahat ng estudyante rito'y nakatingin sa akin hanggang sa paglabas ko. Ganda ko, eh.

    Balak ko na sanang pumasok sa room nang may biglang nahagip ang mata ko. Nilapitan ko ito at kinuha mula sa sahig. Para kasing pamilyar ang eyeglasses na ito, eh. Parang nakita ko na kasi 'to somewhere. So, nilaru-laro ko na lamang iyon sa hangin hanggang sa madaanan ko ang boys' room. Hindi ko alam pero parang may humahatak sa akin sa loob ay mayroong nag-uutos sa akin na pumasok doon. Mukha mang kadiri pero ginawa ko na rin. Hindi pa naman start ang klase okay lang kahit hindi pa ako pumasok ng room ngayon. Tsaka palagi naman akong nagpapalate, eh. Saka sanay na rin naman ang professors and classmates ko sa ginagawa kong pagpasok ng late.

    Miss beautiful, anong ginagawa mo rito? Tanong nung isang manyak na ewan pagpasok na pagpasok ko pa lang doon ngunit tiningnan ko lamang siya ng may pagmamataas bago siya lampasan. Hindi na exotic sa akin ang ganoong pormahan dahil sanay na sanay naman na ako. Maraming gumaganyan sa akin lalo na kapag may fan meeting or launching ako sa malls or wherever.

    Hindi ko nga matanggap ang sarili ko dahil sa ginawa ko ngayon lalo na't first time ko itong gawin sa buong buhay ko. Nakakahiya dahil kilala akong tao rito sa campus tapos bigla na lang nila akong makikitang pumasok sa boys' room. Kung hindi rin naman pala maging kasuklam-suklam sa paningin ng iba. Baka nga mamaya may ma-gm pa o kaya naman may magvideo pa sa akin tapos gawan ako ng kung anu-anong issue about sa ginawa ko.

    Pero wala akong pake. Bahala sila jan.

    Nanalamin na lamang ako at nagretouch. Wala naman nang tao rito dahil nagbell na at nagsilabasan na rin ang lahat ng nandito kaya lalabas na rin sana ako dahil parang wala naman ata akong mapapala rito nang biglang bumukas ang pintuan ng isa sa mga cubicles na nandito at doon na lamang ako nagulat sa nakita.

    Shems!

    A-anong ginagawa mo rito? Utal kong tanong sa kanya paglabas na paglabas niya pero parang hindi man lang siya nagulat nang makita ako.

    Nice. 'Di ba dapat ako ang magtanong niyan sa'yo? Anong ginagawa mo rito? Pa-chill-chill pa niyang tanong.

    Bakit wala kang pang-itaas tsaka bawal maligo rito, bakit ka naligo? muli kong tanong pero hindi niya ito sinagot.

    Bumaba ang tingin niya sa aking kamay na hawak-hawak pa rin ang eyeglasses niya ata.

    Bakit nasa sa'yo 'yan? Pangiti-ngiti pa niyang ani.

    Limse! Sky ikaw ba talaga 'yan?!

    Ginalaw niya ang kanyang kamay para abutin ang hawak ko ngunit agad ko na itong inilapag sa sink bago pa niya ito makuha at agad na umalis. Dali-dali akong tumakbo palayo at mabilis na pumasok ng room. Sakto namang nandoon na ang lecturer pagpasok na pagpasok ko. Nginitian lang naman niya ako at nagpatuloy na sa pagtuturo. Hindi ko alam pero kabadong-kabado akong pumasok sa loob at umupo sa dulong seat ng third row. Sa kalagitnaan ng kanyang pagtuturo'y muli na namang bumukas ang pintuan at mula sa labas ay pumasok na ang lalaking nakausap ko kanina. Gaya ng nakagawian, nakayuko na naman siyang naglakad patungo sa kanyang upuan na para bang hiyang-hiya sa lahat ng nandito. Para talagang hindi siya ang nakaharap ko kanina.

    May kakambal kaya siya?

    Sana naman meron at yung kakambal niya ang nakaharap ko kanina.

    (Discussion)

    Tumunog na ang bell hudyat na break na namin. This time, ako ang naunang lumabas ng room dahil ayoko talaga siyang makasabay sa paglabas.

    Miss, bakit–- hindi ko na pinatapos pa si Hersh sa kanyang sasabihin dahil agad na akong nagsalita.

    Gutom na 'ko. Sambit ko at nagpatuloy na sa paglalakaf pero bago pa kami makapasok

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1