Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Instasinta
Instasinta
Instasinta
Ebook126 pages1 hour

Instasinta

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Matapos mag-perform sa isang spoken word poetry gig, muling makakatagpo ni Aster, isang multimedia artist at videographer, ang kanyang childhood love interest na si Celestia, na isa na ngayong vlogger at influencer na maraming followers sa social media.

Magkakasundo silang mag-collab upang gumawa ng isang cinematic, feel-good short film na may potential maging viral. Mabuo kaya nila ito sa kabila ng masalimuot na talinhaga ng mga taong may split personality, pahiwatig ng kumakalat na scandal video at mga krimen, at hiwaga ng mga bituin at patuloy na lumalawak na uniberso?

LanguageTagalog
PublisherABS-CBN Books
Release dateSep 13, 2021
ISBN9781005060572
Instasinta

Related to Instasinta

Related ebooks

Reviews for Instasinta

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Instasinta - Jaret Co

    INSTASINTA

    Nobela

    Jaret Co

    Synopsis:

    Matapos mag-perform sa isang spoken word poetry gig, muling makakatagpo ni Aster, isang multimedia artist at videographer, ang kanyang childhood love interest na si Celestia, na isa na ngayong vlogger at influencer na maraming followers sa social media.

    Magkakasundo silang mag-collab upang gumawa ng isang cinematic, feel-good short film na may potential maging viral. Mabuo kaya nila ito sa kabila ng masalimuot na talinhaga ng mga taong may split personality, pahiwatig ng kumakalat na scandal video at mga krimen, at hiwaga ng mga bituin at patuloy na lumalawak na uniberso?

    1

    Talinhaga ng mga Tala, Pahiwatig ng mga Himig

    Mahiwagang Gabi sa Haraya Bar

    ISANG cafe sa Makati, gabi ng musika, pagkain, at tula. Sumali ako sa lineup ng mga indie musician at mga makata, mga ligaw na kaluluwang nakahanap ng kaligtasan sa maliit na daigdig na ito. Mga Makata ng Makati, bulong ko sa sarili. Tutugtog kami at tutula hanggang alauna o alasdos…o alastres…hanggang magkasawaan. Tuwing Sabado ang event na ‘to, gusto ko sabihing event para mas cool. In-organize ng owner ng cafe, I guess, to invite more customers, particularly artists, creative individuals, and the young in spirit. My first time to perform, naengganyo lang talaga dahil sa mga napapanood ko online. Subok lang. Not really my cup o’ tea. Gusto ko lang magsisigaw at maglabas ng sama ng loob. Rinig ko magandang outlet daw ‘to upang ibulalas ang galit mo sa mundo—in an explosively artistic way.

    Magandang avenue rin daw ‘to to discover great talents. It’s 2017, age of instapoetry and insta-art, instant kasikatan at its peak. Mag-viral ka lang online, pihadong instant celebrity ka na paggising mo bukas. May sumikat ngang poet from another cafe, sa Malate. Kakasara lang nu’ng place pero bukas na bukas ‘yung opportunities nu’ng artist as a celebrity. Recently kasama siya sa isang film, and as expected, spoken word artist din siya ru’n. What if suwertehin din ako? What if lang naman. Pero as I’ve probably hinted, wala akong planong serysohin ‘to. Nakikiuso lang.

    Tapos nang mag-perform ‘yung babaeng musician na nag-harp. Angelic. P’wede ring sumikat. My turn. Shit, bigla akong kinabahan. Putsa, paano ko nga ulit ‘to uumpisahan?

    Kung tutuusin, ilang beses na rin akong nakatuntong sa entablado (pero hindi para mag-spoken word ha, ‘yung mga pa-contest lang sa eskuwela like extempo speech, simpleng event hosting, and the likes na definitely ain’t a big deal). Kumbakit hindi ako masanay-sanay hindi ko talaga maintindihan. Stage fright? Social anxiety? Crippling introversion? Ewan ko. Ayaw ko namang magpahadlang. Hindi ako magpapatalo. Kaya ako nandito ngayo’t nakaharap sa mga estranghero. Kailangan kong sumigaw!

    Palayain ang sarili!

    Tumindig at magpumiglas!

    Tinuldukan ng hingal ang piyesa ko. Sinundan ng palakpakan at mga hiyaw. Anong sarap sa pakiramdam kapag nagustuhan ng ibang tao ang pinaggagagawa mo. Ulitin ko kaya ‘to? Seryohin? Is this a new dream? Do I have a new career now?

    Salamat, Aster, sa napaka-powerful mong piece, panapos ng host. You’ve got me really fired up!

    Sa pagbalik ko sa upuan, sinalubong ako ng iba’t ibang mga kamay para apiran ng mga katabing customer.

    Lupet nu’n, ‘tol! sabi sa’kin nu’ng guy sa kasunod na table.

    First time, bro. Really nervous, pa-humble kong sagot.

    Bago pa man ako tuluyang makaupo, napako na ‘yung mata ko sa isang babaeng di-maputol ang tingin sa akin habang nakangiti. Nginitian ko siya pabalik. May pumitik sa bungo ko. Pamilyar siya, sa’n ko kaya siya nakita?

    Nakahinga na ako nang maluwag. Wala nang kaba. Lumawak bigla ang paligid ko. All of a sudden, parang kaibigan ko na ang lahat ng naririto. Nginingitian at tinatanguan ako ng mga tao, malapit sa puwesto ko’t maging sa malayo. Lumalawak pala ang paligid kapag natanggap ka na ng mundo. May nabago sa akin, ramdam ko. Pinapawisan ako, hindi dahil sa nerbiyos o kung anumang anyo ng pagdududa sa sarili. Kabaligtaran! Napupuyos ako sa nag-uumigpaw na tiwala sa sarili. Kumakabog ang dibdib ko sa excitement. Napapangiti ako sa kakaibang adrenaline na dumadaloy sa katawan ko. Dahil ba sa kape? Sa beer? May palihim bang drumoga sa akin? Hindi ko matukoy nang buo. Basta’t napupuno ako ng yabang! Kataka-taka rin dahil tinitigasan ako. Umaapaw ang lebel ng aking testosterone! Humanay ang mga planeta sa Solar System, umawit ang mga anghel, nagrakenrol ang mga diyablo, at may isinilang na bituin sa kalawakan! Pagkatapos ng performance ko, tila ba’y may kumawala sa aking natatagong katangian. Kakanyahan…o katauhan? I feel like a new person! Reborn! I’ve been transformed! What a cathartic experience indeed!

    Musikero ang pumalit sa akin sa stage. Pinerform niya ang cover niya ng Tadhana. Kakaiba ang kanyang istilo, nakalapat ang acoustic guitar niya sa lap nang pahiga habang tinatapik-tapik na parang piano keys ang strings. Walang sablay sa tono. Suwabe rin ang boses, partida lalaki.

    Habang nilalasap ang kanta niya, pasilip-silip din ako sa puwesto nu’ng babaeng nakatingin sa akin kanina. Ilang beses nagtama ang aming mga tingin. Pinalabis pa ng tama ng beer ang pagbaterya sa tinataglay ko ngayong confidence. Hindi ko na natiis. Tumayo ako’t tumungo sa puwesto niya. Cleavage agad ang sumalubong sa akin pagdating ko sa kanyang table.

    Aster? It’s you, right?

    Holy fuck. Kaya pala! Kaklase ko siya dati!

    Celestia?

    O-M-G! I knew it, it’s really you! Mukha ngang hindi siya makapaniwala.

    Ubo-ubo. Celestia…

    Ubo-ubo ulit. Umupo ako nang walang pag-iimbita.

    Wait, how long has it been? tanong niya.

    Mapapalaban ako sa Inglesan nito a. Need to shift immediately to my social climber twang.

    Siya si Celestia. Classmate ko noong elementary at high school sa Valenzuela. Isa sa sandosenang crush ko noon sa campus. May pagka-lover boy ako noon e. Noon pa man, attracted na ako sa kanya. Hindi ko siya namukhaan noong umpisa sa bar dahil hindi ganitong Celestia ang nakilala ko. Si Celestia ng 2007 ay mahinhin, tahimik, shy type; nakasisilaw ang puti; hanggang bewang ang deretsong buhok; walang abubot sa katawan maliban sa paborito niyang Minnie Mouse na headband; hindi nagmumura, sa unang tingin ay mukhang hindi gagawa ng bawal. Si Celestia, kumbaga sa termino ng mga literary buff ay damsel in distress; at loli naman para sa weebs.

    Meanwhile, fast-forward sa kasalukuyang mundo, si Celestia ng 2017 ay—Hot. As. Fuck. Ibang-iba na siya: feisty, mukhang palaban; hanggang balikat ang kulay-tansong buhok; medyo morena bagama’t makinis pa rin ang kutis; ipit ang okay-size boobs sa loob ng noodle strap straight-neck crop top na kalahating daliri lang ang gap sa kanyang high-waist denim short shorts. Inglisera. Mukhang graduate ng isang maganda’t mamahaling university.

    Inosente ang natanim na imahe sa akin ni Celestia sa buong buhay ko. Awkward na ako kapag di-sinasadyang mapalapit sa kanya dahil nga infatuated ako sa kanya. Even it was merely a puppy love. Pero ang liit ng tingin ko noon sa sarili ko. Mistula akong hampaslupa kung ididikit sa kanya. Ang maipagyayabang ko lang noon at maipantatapat ay ang pangalan ko.

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1