Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Cia, The Worst
Cia, The Worst
Cia, The Worst
Ebook259 pages2 hours

Cia, The Worst

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Ang matapang at palaban na si Ciarra Verdal ay mapapasok sa isang University kung saan nag-aaral ang mga estudyanteng mga anak ng mga gangsters at may koneksyon sa underworld society. Ang paaralang hindi dapat pasukan ng mga mahihinang estudyante. Sa unang araw pa lamang sa kanyang pagpasok sa University pansin niyang kakaiba ang tingin sa kanya ng mga estudyante. Iyon ay dahil kamukha niya at kapangalan pa ang ex-gf ng kanilang University’s gangster King na si Worst. And this ex-gf is the one who destroyed their family and the daughter of her father with his mistress.

At dahil kamukha niya ang ex-girlfriend na ito, aani siya ng mga hatred at guguluhin pa ng gangster King. Hanggang sa magbalik ang ex-girlfriend ni Worst na inaakala niyang matatapos na ang panggugulo ni Worst sa kanya, ngunit nagkakamali siya dahil ginamit siya ni Worst bilang kasangkapan para pagselosin ang ex-gf nito. Naging fake gf si Ciarra ni Worst kapalit ng malaking halaga na magdadala ng panganib sa buhay ng dalaga. Takot siyang magtiwala at magmahal at higit sa lahat, ipinangangako niya sa sarili na hinding-hindi siya mahuhulog sa taong minsan ng na-link sa half-sister niya. Ngunit paano kung tuturuan siyang magmahal ng taong ex-girlfriend ng kanyang half-sister? Mauulit na ba ang sinapit ng mga magulang niya? Susunod ba siya sa yapak ng kanyang ina o Tita? Pipiliin ba niyang lumayo para maiwasan ang pagkaulit sa karanasang tinahak ng kanyang ina? O maghihiganti sa lahat ng nanakit sa kanila? Paano kung mahulog din siya kay Worst ngunit malalaman niyang may kinalaman ang pamilya ng binata sa pagkabuwag ng kanyang pamilya?

LanguageTagalog
PublisherUkiyoto
Release dateJul 8, 2021
Cia, The Worst

Related to Cia, The Worst

Related ebooks

Reviews for Cia, The Worst

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Cia, The Worst - Mischievdreamy

    Prologue

    She is an angel and he's the bad guy. But I am the worst of them all.

    At bakit worst ako? Isa akong babaeng nabubuhay sa mundo na puno ng galit sa puso. I am cold, miserable, and I hate anyone lalo na ang sinumang magsasabing mahal ako. Ginagawa ko ang anumang maisipan kong gawin. Wala akong pakialam kung may masasaktan man akong iba. Tinaguriang certified bad girl ng bawat paaralang mapapasukan. Hanggang sa malipat ako sa paaralang tingin ko kung saan ako nababagay. Ang paaralan kung saan mas marami ang mga katulad kong pariwara sa mundo.

    Mga estudyante silang hindi takot pumatay at mamatay. Most of the students here are evil. Dito ko makakasalubong at makakasalamuha ang iba't-ibang grupo ng mga gangsters and bad students. Dito ko rin makikilala ang isang Mafia heir na hindi takot pumatay at siyang anak ng may-ari ng paaralang ito. At siyang magpapagulo sa dati ko ng magulong mundo. I hate falling in love and yet I was trapped. And when I started to fall, his first love arrived. His only angel. His angel that looks like me. The angel who destroyed my family, and the girl I hate the most. Should I stay and take my revenge or just let them have a happy ending?

    She's the angel and he's the bad guy, but I am the worst of them all. Because I am Lhinea Ciarra Verdal, also known as CIA, THE WORST!

    Ciarra Verdal

    (Ciarra's p.o.v)

    Bakit ngayon ka lang umuwi ha? Anong oras na! Sigaw sa akin ni mama na kakagaling lang sa kusina.

    Bakit? May pake ka? Dahil sa sagot ko lumagapak na naman ang palad niya sa aking kaliwang pisngi. Napatabingi ako at damang-dama ko ang pag-iinit at pamamanhid ng kaliwang pisngi ko.

    Wala kang kwentang pagkaanak! Buti pang lumayas ka na lang dito! Ganyan naman palagi. Ilang ulit na ba niya akong pinapalayas? Di ko na nga mabilang eh. Kundi lang sa wala siyang kasama rito matagal ko na iyang ginawa. Kaya lang alam kong kailangan niya ako.

    Naumagahan ako sa pag-uwi dahil may group project kaming ginawa kaso sa sobrang pagod ko, nakatulog ako sa bahay ng isa sa mga kagrupo ko. Kakagaling ko lang din kasing mag community service bilang punishment ko dahil sa may sinapak ako sa paaralan.

    May ginawa ka na ngang kasalanan sa school. May warning ka na nga, dinadagdagan mo pa ang atraso mo! Wala ka na bang gagawing tama sa buhay mo? Puro ka nalang kalokohan!

    Si mama ang pinakamagaling manghusga sa akin. Siya na sarili kong ina. Ni hindi man lang niya tinatanong kung bakit ko binugbog ang taong ‘yon? Kung bakit ako nagabihan sa pag-uwi? Kung kumusta ang pag-aaral ko? May nambastos ba sa'kin? May sakit ba ako? Pagod ba? Ayos lang ba? Kumain na ba?

    Wala yang pakialam. Ang tanging alam niya ang husgahan ako at sigawan. Palayasin. Do'n siya magaling.

    Mas mabuti pang ibigay na lamang kita sa papa mo. Baka mapapatino ka pa niya! Sigaw niya pa.

    Papa? I just laughed mockingly hearing her said that. I look at my mother with no emotion in my eyes.

    Buti pa nga. Nang masipa ko ang ari niya. Nang sa ganon, hindi na siya basta-bastang nagtatanim ng semilya sa kung saan-saan at iwan. Para di na dadami ang mga sakit sa ulo sa mundong ito. I coldly replied. Kaya ayan, lalong pumula ang mukha ni mama sa sobrang galit.

    Iniwan ko na lamang si mama na mag-isa sa sala at pumasok na lamang sa aking kwarto kaysa naman mag-away lang kami palage.

    Lumaki akong may sama ng loob sa aking mga magulang. Lalong-lalo na kay Crizan Verdal. Siya ang ama ko daw na kahit anino niya ayaw kong makita. Para sa akin matagal na siyang patay. Iisa lang ang pamilya ko at iyon ay si mama lamang. Ang tanging pangarap ko lang na makakatagpo siya ng taong tunay na magmamahal sa kanya, nang sa gano'n, maibsan na rin ang galit at lungkot na nakatago sa puso niya. Hindi ganyan ang aking ina dati pero dahil sa walangyang Crizan at Claris na 'yon nagiging ganyan si mama.

    Hindi ko man nararamdaman ang pagmamahal niya katulad ng dati, hindi ko siya masisi. Dahil kamukha ko naman ang mga taong dahilan ng sakit at galit na nakatanim sa puso niya.

    Napabuntong-hininga na lamang ako. I did everything para mapasaya siya but I am still the worse daughter in her eyes. Sinagot-sagot ko man siya kanina, nasaktan lang kasi ako sa mga pinagsasabi niya. Husgahan ka man ng ibang tao ayos lang. Pero kung pati ang nag-iisang taong natitira at nanatili sa buhay mo ang siya pang manghusga sayo ni hindi man lang inalam ang tunay na nangyari ay ang pinakamasakit na pangyayari sa buhay ko. It hurts a lot.

    But she is still my mother and the only family I have. By the way, I am Lhinea Ciarra Verdal. Seventeen years old, the rebellious girl with lonely life and bad personality. I didn't trust anyone other than myself. And I hate my life even myself.

    Papikit na ako when I heard my mom said na nagpawala sa antok ko.

    Bukas, susunduin ka na ng driver ng taong 'yon. Taong 'yon. And I know who is that man. Kaya mas mabuti pang mag-empake ka na. So, matagal na niyang pinag-isipan ang bagay na 'to? Di man lang tinanong ang opinyon ko at nagdesisyon na agad siyang mag-isa.

    I just close my eyes again. Kung ayaw na niya akong makita ano naman ang magagawa ko? Kung presensya ko ang palaging nagpapaalala sa mga kalungkutan niya mas mabuti pa ngang lumayo-layo na muna ako sa kanya nang sa ganon, magawa na niyang makalimot kahit panandalian lamang.

    Bakit ko ba ipipilit ang sarili kong mahalin ng isang inang hindi ako kayang mahalin? Sa mundong ito, walang nagmamahal sa akin. Kahit ano man ang gagawin ko, I am always the worst child in her eyes.

    Kinabukasan, sinundo nga ako ng driver ni Crizan Verdal. Ayaw ding magpakita ng taong iyon sa akin a. Anim na taon pa lamang ako no'ng huli ko siyang makita. At ngayon, seventeen na ako. Running eighteen. At hanggang ngayon hindi pa siya nagpapakita sa katulad ko. I wonder if I am also the worst daughter in his eyes?

    Young lady, tayo na po. Magalang na sabi ng driver sa akin at siya na ang nagbuhat sa mga maleta ko. Matagal na panahon na ring hindi ko narinig ang salitang yan. Young lady? I almost laughed sarcastically. Isang tunay na legitimate child bigla nalang nagiging illegitimate? How laughable.

    Pumasok na lamang ako sa loob ng kotse at di na nagsalita pa. I am cold to anyone and I don't know how to smile a happy and sincere smile. But why not enjoy my life? I can enjoy my life kahit walang nagmamahal sa akin.

    Starting today, I need to be happy.

    Ciarra’s Sad Memories

    Handa na ang lahat ng mga kakailanganin ko sa pag-aaral. Halatang matagal na nga nila itong pinghandaan. Pagtapak ko palang sa school gate kanina may napansin na akong kakaiba. Hanggang sa makarating na ako sa aking dorm, kakaiba parin ang reaksyon ng mga estudyante, kahit ang mga doormate ko nagbubulungan pa.

    Bakit pa siya bumalik?

    Bumalik? Hindi naman ako minsang napadpad sa paaralang ito a. Saka ang creepy kaya ng paaralang ito. Iyong mga estudyante rito parang mga gangster. Mababae man o lalake. Ang astig kasi nila makatingin at parang mahilig mambasag ng ulo.

    Maybe she wants a life worst than death.

    What are they talking about? A life worst than death? Parang ganyan na din naman ang buhay ko ngayon a. Hindi na nila kailangan pang iparamdam sa akin ang miserable life na iyan dahil ramdam na ramdam ko na simula pa bata.

    Matapos maibigay ng driver sa akin ang susi ng silid ko ay agad na siyang umalis. Mukhang pang VIP ang aking kwarto dahil sa sobrang lawak nito. May swimming pool sa loob at may terrace. May sarili rin akong kitchen at kumpleto na sa mga kagamitan ang silid na ito.

    May nakapatong pang susi ng kotse sa glass table at iilang credit cards. May pera din na nakalagay sa isang bag. Mayaman nga naman. Kaya lang, aanhin ko ba yan ngayong malaki na ako? Bakit ngayon pa? Bakit hindi niya ginawa noong bata pa ako? Bakit niya kami hinayaang mamuhay sa hirap ni mama noon?

    Naikuyom ko na lamang ang aking kamao at pumasok sa aking kwarto. Inayos ang mga gamit sa isang cabinet. May mga wardobes pala rito at may sarili rin akong library? Ang laki din ng walking closet ko at may mga nakalagay ng mga mamahaling mga damit na saktong-sakto naman sa pigura ko. May nakita akong isa pang pintuan kaya pumasok ako. I didn't thought na may makikita akong mini-gym dito. Kumpleto sa kagamitan sa pag-eehersisyo ang silid na ito.

    May iba't-ibang uri rin ng mga punching bag akong nakikita. So, alam niyang nag-aaral ako ng self-defense? O lahat ng mga estudyante ay may mga mini-gym sa mga kwarto nila?

    Magmula no'ng iwan kami ng taong iyon, pinilit ko si mama na ipasok ako sa martial arts school. Ang gusto ko lang naman sa mga oras na 'yon na ipaghiganti si mama at bugbugin si Crizan at ang kabit niya. Bata pa ako sa mga oras na 'yon, pero alam ko na, na masakit ang traydorin ng sariling kapatid at ng taong minamahal.

    Napapayag naman si mama. At kahit nahihirapan siya sa pagbabayad ng tuition, pinilit parin niya. Pero no'ng napansin niyang nakapokus lang ako sa pag-aaral ng martial arts at napapabayaan na ang academics ko, pinahinto niya ako. Kahit scholar na sana ako sa nasabing paaralan dahil minsan na akong nanalo sa isang martial arts competition kaso pinahinto parin niya ako.

    Kung nagbigay lang ng suporta si Crizan, di ko na sana kailangan pang magpakahirap para lang magkapera. Lalo na no'ng naospital si mama, hindi ko na alam ang gagawin ko at kung saan ako manghihingi ng pera. Nang may narinig ako tungkol sa mga underground fight para sa mga kabataan, pinilit ko ang aking kaklase na kabilang sa lalaban na ako ang papalit sa kanya at napapayag naman siya at ang ama niyang miyembro din ng mafia. Para sa mga batang mafia heir ang nasabing laban kaya kailangan ko ng koneksyon para makasali. Hindi ako takot mamatay at masaktan. Ang mahalaga sa akin na mailigtas ko lang si mama.

    Isang twelve years old ang nakalaban ko. Nakatakip ang mukha at anak ng mafia. Training daw niya ang laban na iyon, at ako pa ang nakatunggali niya. Syempre katulad niya nakatakip rin ang mukha ko. Cia the worst ang ginamit kong codename. Dahil nakasanayan ko na ang pangalang iyan. Iyan kasi ang madalas kong naririnig sa mga guro ko at mga kaklase. Ako ang worst sa lahat ng mga estudyante. At ako ang worst sa mga mata ni mama.

    Natalo ko ang aking katunggali kaya nagkapera ako. Kaya natuwa sa akin ang ama ng kaklase ko dahil dala ko ang pangalan nila sa laban. Hindi ko na maalala ang pangalan ng kaklase kong iyon maging nong batang nakatunggali ko. Kung may babanggit sa pangalan nila siguro maaalala ko sila.

    Nang makalabas na si mama sa hospital nalaman niya ang pagsali ko sa underground fight. Kaya mahigpit niya akong pinagbawalan na huwag ko ng uulitin. Sinubukan ko lang naman sanang sumali sa laban para magkapera pero ikinagalit ito ni mama. Ngunit di parin ako tumigil at ilang beses ko paring ginagawa ng palihim. Kaya lang nalaman niya parin.

    Nalaman din niyang nakikipagpustahan ako sa mga kaklase ko kapag may secret duel kaming ginagawa at nalaman din niyang madalas din akong nakikipagbugbugan. Secret fight ang tawag namin sa tuwing naglalaban kami at magpupustahan sa kung sino ang mananalo kasama ang mga kapwa ko mag-aaral sa Martial arts school. Kapag nananalo ako, nagkakaroon ako ng pera. Sa pamamagitan lang nito, nagkakaroon ako ng pera. Ayaw ko kasing matalo, kaya sinisikap ko talagang manalo. Di bale ng mabugbog ang mahalaga magkakapera.

    Nang mag senior highschool na ako, palihim akong nagpapartime job kaya madalas matagal akong nakakauwi. Doon na mas lumala ang panghuhusga sa akin ni mama. Madalas kasi akong hindi nakikinig sa mga payo niya kaya unti-unti ring mas lalong lumalayo ang loob niya sa akin. Kasalanan ko naman ang lahat kaso gusto ko lang naman sanang makatulong sa kanya kaya lang ikinagagalit niya lahat ng mga gagawin ko.

    Hindi lang niya alam na ginagawa ko iyon para lang makaipon ng pera. Saan ba kasi ako kukuha ng pera di ba? At alam kong nahihirapan na rin siya at ayaw ko iyong dagdadagan pa. Gusto kong magkapera sa pamamaraang alam ko. Sumasali ako sa competitions legal man o illegal, sumasali sa mga underground fight o sa mga secret fight para magkapera. Kaya madalas akong umuuwing may pasa noon. Hanggang sa nasanay na rin ako.

    Binawalan niya akong makipagkaibigan at makipagkita sa mga dati kong kaklase sa martial arts school lalong-lalo na sa batang pinalitan ko noon sa underground fight. Kaya hindi na kami muling nagkita pa at nakalimutan ko na ang pangalan niya. Siya lang naman ang itinuturing kong kaibigan dati pero nilayo siya sa akin ni mama dahil bad influence daw ito.

    Kaya di ako natutuwa makakita ng perang alam kong galing kay Crizan. Naaalala ko lang ang mga oras na halos mamalimos ako sa kalsada. Kundi ko nakausap yung kaklase ko wala ng pag-asa pang makasali ako sa nasabing underground fight at di ko sana mapapagamot si mama. Baka wala na sana siya sa mga oras na ito. Hindi ko alam kung sino ang bumangga sa kanya at kung bakit nito iniwan si mama matapos mabanggaan?

    Pero ang palaging pinapaalala ni mama sa akin na hinding-hindi ako dapat umibig sa mga taong kabilang sa grupo ng mga mafia o ba kaya mga gangster. Anak ba kaya ng mga sendikato at sa mga taong may koneksyon sa underground world. May hinala akong kabilang dito si Crizan kaya ayaw ni mama na matulad ako sa kanya? Hindi ko alam kung ano pa man ang nililihim ni mama sa akin. At bakit galit na galit siya nang matuklasan niyang may kaibigan akong may koneksyon sa underground world.

    Bumalik ako sa aking kwarto at magpahinga na muna. Saka ko nalang aalamin kung bakit ako biglang pinalipat dito ni mama. Alam kong may dahilan siya at iyon ang dapat kong malaman.

    Bakit Ka Pa Bumalik?

    (Ciarra's p.o.v)

    Habang naglalakad ako sa hallway, pansin ko ang mga mapanuyang tingin ng mga estudyante, mababae man o lalake. Ano bang problema nila sa akin? Hindi ko na lamang sila pinansin at nagpatuloy na lamang sa paglakad.

    Si Cia ba yan? Bakit siya bumalik? Tanong ng isang babae. Ilang ulit ko na bang narinig ang tanong na yan?

    Iiwan na naman ba niya si Worst?

    Binalikan ka mo. Bumalik nga di ba? kontra ng katabi niya.

    Worst? Sino ba yang worst na yan? At saka may pangalan bang ganyan? Worst talaga at di worse?

    Nagpatuloy na lamang ako sa paglakad habang nakatingin sa mapang hawak ko. Mapa ng paaralang ito at kung saan banda naroroon ang magiging classroom ko.

    Pare, look! Si Cia ba yan? Lalo siyang gumanda.

    Mas tumangkad at nagiging mas sexy rin siya a.

    I wonder how Worst would feel, that she's back. Hindi ko na pinansin ang tatlong lalaking madadaanan ko. Sino ba kasi iyang Worst Worst na ‘yan?

    Sino din ba iyang kapangalan ko? Bigla akong natigilan nang may maalala. Wag mong sabihing dating estudyante ang anak ni Crizan dito? If I’m not wrong Lhynee Cianna Verdal ang kanyang pangalan. Kung ganon, baka Cia rin ang palayaw nila sa kanya?

    That so called sister of mine is older than me by one year at medyo kahawig ko siya noon. Hindi ko lang alam ang hitsura niya ngayon dahil di na kami muling nagkita pa magmula no'ng aksidenteng nagkatagpo ang landas namin seven years ago. Kasama pa niya ang taong iyon (refer to his father crizan) kaya nakilala ko agad na anak siya ni Crizan at ni Claris. (Crizan, name of her father and Claris name of her mother's younger sister.)

    Nakita ko na rin ang magiging classroom ko. Kahit yung guro mukhang ang sama ng tingin sa akin. Ano bang kasalanan ko sa mga ‘to?

    Miss Verdal. Mukhang namali ka yata ng classroom. Nasa kabila ang HRM Building for 2nd year. This is engineering building and this room is for freshmen. Sabi niya pa.

    First year pa po ako so I’m not in the wrong place. Maybe you're just mistaken me for someone else. Saka engineering talaga ang course na kinukuha ko. Natigilan siya sa sagot ko. Tinitigan muna ako bago pinapasok at hinayaang magpakilala sa mga magiging kaklase ko.

    Kaya lang bago pa man ako makapagsalita may nauna na sa akin.

    Ang kapal ng mukha mong bumalik pa. Dahil bumagsak ka sa dating kurso mo lumipat ka agad dito? Sigaw ng isang babae na di ko kilala.

    Excuse me. Do I know you? Kunot-noo kong tanong. Makasigaw kasi bakit kilala ko ba siya? Baka siya itong bagsak sa unang napili niyang kurso kaya lumipat dito.

    Siya yung rumored gf ni Worst di ba? Nakita ko narin siya in person. Hindi na nahiya, bumalik pa siya dito at nagshift pa ng kurso? Ano bang pinagsasabi ng mga to?

    Bakit ka pa bumalik? At sino na naman itong lalaking sinigawan ako bigla?

    Nagtataka na lamang ako dahil sa grupong nagsipasukan na di ko naman kilala.

    Nandito ang worst gang at Lion gang! Halos panabay na sambit ng lahat. Worst gang? Lion gang? Di kaya ang Lion gang ang tinatawag nilang worst gang? Gagawa-gawa pa sila ng pangalan kung worst gang din naman.

    Oh my ghad! Nakita ko narin sila in person. a girl said. Mga nasa apat lang ang babae sa room na ito.

    Yung idol ko nandito. One of the boys said.

    Teka lang. May mga gangsters ba dito? Kung gano’n, may mga gangster sa University na ito? Nga pala, XIONGFA University ang tawag sa paaralang ito.

    What are you doing here? Bakit ka pa bumalik? Ano na naman bang binabalak mo ha? Akma akong hawakan nitong lalaking may nametag na Disaster. Ang panget ng pangalan, siguro gang name niya yan? Agad kong iniwas

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1