Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Yuuki no Hana
Yuuki no Hana
Yuuki no Hana
Ebook430 pages4 hours

Yuuki no Hana

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

"Nagpakita ka nga ng panty iyong hiniram mo pa sa lola mo!"

           

            Iyan si Ryu Otsuji. Bastos, walang modo, barumbado. Subalit halos lahat na kababaihan sa Sakura High School ay hahalik sa mga yapak niya at aminin man ng mga kalalakihan o hindi, nagkakandarapa rin silang maging kaibigan nito. Bukod kasi sa guwapo at mayaman, nadala pa niya sa kampeonato ang baseball team nila at nanalo pa sa Koshien, ang pinaka-prestihiyosong baseball tournament para sa high school sa Japan. Kaya ang kung sino mang mabigyan niya ng kaunting atensyon ay nagiging instant popular sa campus.

           

            "Bastos ka! Wala nang magandang salitang lumabas diyan sa bibig mo!"

           

            Iyan naman si Mara Santacruz. Isang Pinay transferee sa Sakura High School. Bukod-tanging hindi nabibilang sa sosyedad na ginagalawan ng mga mayayamang kaklase't kaeskwela kung kaya siya ang napagdiskitahan ng isang grupo ng mga babaeng humahabol kay Ryu.

           

            Sa simula pa lang hindi na magkasundo ang dalawa kaya nagulat si Mara kung bakit siya pinakilalang girlfriend ni Ryu. Nang hina-harass na siya nina Minami, ang babaeng patay na patay Kay Ryu, at Keisuke, ang mortal na kaaway ng binata saka niya lubos na naintindihan kung bakit. Seryoso si Ryu na pagdusahin siya dahil sa pambubulabog nilang mag-ina sa buhay nito. Pero nang sobra na siyang sinasaktan nina Minami at Keisuke, bakit lagi na lang siya nitong pinagtatanggol? At bakit sa halip na si Keisuke na crush niya, si Ryu na ang palagi niyang hinahanap-hanap?

LanguageTagalog
PublisherMaggie Sanapo
Release dateNov 13, 2020
ISBN9781393225003
Yuuki no Hana

Read more from Maggie Sanapo

Related to Yuuki no Hana

Related ebooks

Reviews for Yuuki no Hana

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Yuuki no Hana - Maggie Sanapo

    MAGGIE SANAPO

    (A.K.A. GRETISBORED/GRET SAN DIEGO)

    YUUKI NO HANA BOOK 1

    Philippine Copyright © 2014 Gretisbored/Maggie Sanapo

    All rights reserved. No part of this publication may be used or reproduced in any manner whatsoever without written permission from the publisher except in the case of brief quotations embodied in critical articles or reviews.

    This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

    PROLOGUE

    Pagod na pagod na ako pero kailangan ko pa ring tumakbo dahil kung hindi maaabutan nila ako. Gustuhin ko mang tawagan si Mama at magpatulong natatakot ako sa maari nilang gawin sa kanya. Ayaw ko siyang madamay.

    Naramdaman kong ang lapit-lapit na ng mga humahabol sa akin. Napausal ako ng maikling dasal, pero hindi ko natapos iyon dahil may bigla na lang nagprenong sasakyan sa tabi ko. Isang kulay itim na Otsuji SuperSonic Car. Bumukas ang pinto nito sa unahan at nakita ko si Ryu. Sinenyasan niya akong sumakay na. Hindi na ako nag-isip pa. Bago nito pinasibad ang kotse, dumungaw siya sa bintana, nilingon at kinantiyawan ang mga humahabol sa akin bago sila binigyan ng dirty finger.

    "Dōmo arigatō," pasasalamat ko sa kanya. Medyo awkward ako. Hindi kasi kami magkasundo ng ungas na ito, eh. Nakakapagtaka nga na heto siya’t sinaklolohan na naman ako.

    Hindi siya sumagot sa akin. Sa halip binigyan niya ako ng bote ng Suntory. Naubos ko agad ang laman niyon. Pakiramdam ko, iyon na ang pinakamasarap na mineral water na aking natikman.

    Ang yabang mo rin, ano? Akala mo dahil matulin kang tumakbo, kaya mo silang lusutan? Hindi ka talaga nag-iisip kahit kailan. Palibhasa ang bobo mo kasi, eh, ang sabi nito.

    Nagsalita ang matalino, asik ko sa kanya. Inirapan ko pa. Hindi niya pinansin ang sarcasm ko.

    "Jitensha wa doko? (Nasa’n ang bike mo?)" pag-iba niya ng usapan.

    Wala na, malungkot kong sagot.

    Anong wala na? At sumulyap siya sa akin nang nakakunot ang noo bago binalik ang atensyon sa daan.

    Sira na. Sinira nila. Wala na ang mga gulong nito kanina nang puntahan ko sa parking lot. Winasak nila, pakli ko.

    Hindi ka kasi nag-iingat.

    Nagpanting ang tainga ko. Hindi ako nakapagtimpi.

    Kahit mag-ingat man ako kontrolado ko ba sila? Ikaw ang may kasalanan nito! Kung hindi dahil sa iyo hindi sana ito nangyayari sa akin!

    Ooopps, baka nakakalimutan mo? Sino ba ang naunang manggulo ng buhay ng may buhay? Tahimik ang buhay ko bago kayo dumating ng mama mo sa amin. Kaya huwag na huwag mong ibalik sa akin iyan. Why don’t you just go back to where you belong nang matapos na ang lahat?

    Inirapan ko na naman siya. Wala akong panalo sa damuhong ito. Nagpasalamat na lang ako dahil dumating siya at niligtas na naman niya ako sa tiyak na kapahamakan. Strange. Lagi na lang siyang nandiyan kapag kailangan ko. Parang ang hirap paniwalaan. Pero saka ko na iisipin kung ano man ang dahilan niya. Ang mahalaga, ligtas ako pansamantala sa pambu-bully nila Keisuke at Hiroto.

    **********

    AUTHOR’S NOTE

    Ang Otsuji Supersonic Car ay kathang isip lamang. Walang ganitong sasakyan sa tunay na buhay. ☺

    Kung nagsasalita ng Tagalog ang mga bida, ibig sabihin niyan ay nagni-Nihongo sila. Pili na lang ang mga pag-uusap na nilagyan ko ng Japanese at Tagalog versions. Napapahaba kasi ang manuscript kung dalawang versions lagi ang ilalagay ko.

    Enjoy reading! I hope magustuhan n’yo ang kuwento nila Mara Santacrus at Ryu Otsuji.

    CHAPTER ONE - ROTTEN

    Hinatid ako nina Mama at Otōsan (Tatay) sa bago kong eskwelahan, ang Sakura Senior High School. Ito raw ang pinakaprestihiyosong senior high school sa buong Osaka. Sinasabi nila na paaralan ito ng mga anak ng mayayamang angkan sa buong Kinki region.

    Stepfather ko si Otōsan, pangalawang asawa ni Mama. Kaya buong-buo ko siyang natanggap at tinuring na ring parang tunay na ama dahil siya ang kaunaunahang lalaking nagpasaya muli sa mama ko pagkatapos mamatay ng sundalo kong ama sa isang ambush sa Mindanao sampong taon na ang nakararaan. Matagal na pinagluksa ng mama ko iyon. Hindi ko nga naisip na darating pa ang panahon na iibig siyang muli.

    Bumalik ang diwa ko sa kasalukuyan nang makita ang guwapong lalaki sa field na kasamang nagpa-praktis ng baseball team ng Sakura Senior High School. Siya ang pinakamatangkad sa lahat ng naglalaro kung kaya kita siya agad. Siya rin yata ang pinakaguwapo. Tinuro siya sa amin ni Otōsan. Siya raw si Ryu, ang kaisa-isa niyang pamangkin.

    Pitcher siya ng baseball team. Ang galing niya, di ba? Siya ang dahilan kung bakit nasali sila sa Koshien ng nakaraang taon, proud pang kuwento ni Otōsan at pinaliwanag niya kung gaano ka importante ang masali sa Koshien. Ito raw ang pinaka-prestihiyosong baseball tournament para sa mga senior high schools sa buong Japan. Mahirap daw makapasok dito kung kaya kung sino mang team ang mapapabilang dito ay nagiging sikat agad. Ito ang dahilan kung bakit halos lahat na bintailyong Hapon ay nangangarap makapaglaro sa naturang tournament.

    Pagkakita ng nasabing Ryu sa amin bigla na lang itong tumalilis. Nagulat ang mga kasamahan niya. Pati ako’y napakunot-noo. Bakit?

    Ryu! habol pa sana ng stepfather ko, pero ni hindi man lang ito lumingon sa direksiyon namin. Akala ko magagalang ang mga Hapon.

    Hayaan na lang muna natin ang bata, sabi naman ni Mama kay Otōsan nang nakangiti. Alam ko nagkukunwari lamang siyang okay ang lahat. Kilala ko siya at sigurado akong nasaktan siya sa inasal ni Ryu.

    Nang papunta na ako sa classroom, nakita ko siya uli. Paakyat din siya sa second floor. Hindi ko siya sinabayan. Pinauna ko siyang umakyat kung kaya kitang-kita ko kung paano niya tinadyakan ang estudyanteng nakaupo sa hagdanan. Tumalsik ang makapal na salamin ng lalaki pati ang binabasa nitong libro. Hindi pa nakontento doon ang kumag. Nanulak pa ng nakasalubong na binatilyo na kagaya no’ng una ay mukhang nerd din. Ang nakapagtataka ni hindi man lang nagtangkang lumaban ang dalawa. Umiwas lang sila na parang takot na takot sa kanya.

    Siga pala ang hunghang. Sayang dahil kung hindi sana barumbado may hitsura siya. Kahawig niya ang paborito kong Japanese idol na si Jin Akanishi noong ito’y bata-bata pa. Mas guwapo pa nga siya nang kaunti at mas may dating dahil mas matangkad siya nang di hamak at mas maganda pa ang posture. Kaso sa pinakita niyang kagaspangan ng ugali, never ko siyang magugustuhan. As in never ever!

    Nang wala na siya sa paningin ko umakyat na ako sa second floor. Sumilip muna ako sa classroom namin para alamin kung sinu-sino na ang nandoon. Halos puno na ng estudyante ang silid kung kaya medyo atubili akong pumasok. Lalo pa akong na-conscious nang pinagtinginan nila ako. Ako lang pala ang nakasuot ng lampas-tuhod na palda. Ako rin ang namumukod-tanging may maitim na mahabang buhok. Mahahaba rin ang buhok ng ibang babae, pero hindi gaya ng akin kulay brown o mais ang mga ito. Outcast tuloy ang pakiramdam ko.

    "Minna-san, shizuka ni kudasai. Kyou wa atarashii gakusei ga imasu. (Class, please be quiet. Mayroon tayong bagong estudyante ngayon)," anunsyo ng homeroom teacher namin na si Tanaka-sensei.

    Tinawag niya ako na pumunta sa harap para magpakilala. Medyo nag-alangan ako noong una, pero dahil sa kapipilit niya ay napapunta rin ako sa harapan. Grabe ang kaba ko. All eyes kasi sila sa akin.

    "Minna-san, ohayō gozaimasu. Watashi wa Mara Santacruz desu. Firipin kara kimashita. (Magandang umaga sa inyong lahat. Ako si Mara Santacruz na mula sa Pilipinas.)"

    Hindi pa ako tapos magsalita nag-ingay na ang klase. Mukhang hindi sila interesadong makinig sa akin. May isa pa ngang kumuha ng make-up kit niya at nag-ayos ng sarili. Maganda siya pero mukhang maldita.

    Bumalik na ako sa upuan ko sa pinakalikod ng klase pagkatapos ng self-introduction. Mayamaya pa, pumasok na rin si Ryu. Dere-deretso ito sa direksiyon ko. Nakita ko na lang na nakatayo na ito sa harapan ko.

    Puwesto ko iyan, walang kaemo-emosyong sabi niya agad sa akin. Saglit akong nalito. Nang maintindihan ko siya ay kaagad akong tumayo at lumipat sa upuan sa unahan niya. Hindi na ako nagsalita pa.

    May nagtanong sa kanya tungkol sa akin.

    "Ryu, kanojo dare? Itoko? (Ryu, sino siya? Pinsan mo?)"

    "Shiranai. (Hindi ko kilala)," pasuplado niyang sagot.

    Nagtanong pa uli ang lalaking iyon, pero binara na niya. Natigil sa pagsusulat sa blackboard si Tanaka-sensei at pinagsabihan ang damuho. Hindi naman sumagot sa guro si Ryu.

    May nagmagandang-loob na makipagkaibigan sa akin.

    "Konnichiwa. Haruka desu. (Hello. Ako si Haruka)," pagpapakilala ng babae nang nakangiti. Ang cute niya kaso sungki-sungki ang ngipin.

    Nang mag-break time in-orient niya ako tungkol sa mga kaklase namin. Sino ang sasamahan ko at sino ang hindi. Binalaan din niya ako na huwag daw akong magkamali na magkagusto kay Ryu Otsuji, ang supladong lalaki, dahil tiyak na makakalaban ko raw si Minami Takahashi. Tinuro niya sa akin ang sopistikadang babae na ngayo’y kumakausap sa walang pakialam na si Ryu sa bandang pintuan. Ito iyong nagme-makeup kanina habang nagpapakilala ako sa sarili.

    "Matagal na iyang may gusto kay Ryu, elementary pa lang kami. Lahat ng babaeng nagkakagusto at lantarang naghahabol kay Ryu ay hina-harass niyan. Kaya kahit na maraming admirers si Ryu, walang nagkalakas-loob mag-confess ng feelings nila riyan o di kaya makipag-flirt man lang. Mahirap na kaaway si Minami kaya mag-ingat ka."

    Don’t worry, sabi ko. I’ll never fall for Ryu. Safe na safe sa akin ang damuhong iyan, sagot ko sa magkahalong Ingles at Nihongo.

    Ngumiti si Haruka. Parang hindi siya naniniwala sa akin.

    Nang mag-P.E. class na, sabay kaming naglakad papunta sa gym. May lumapit sa aming boys habang naglalakad kami. Pinakilala niya ako sa kanila. Mukha namang mababait sila kung kaya kinaibigan ko na rin. Miyembro raw sila ng track and field team. Nang nagpakita ako ng interes sa club nila niyaya na nila akong sumali. Unang araw ko pa lang sa school, may club na ako. Natuwa ako. Ang alam ko kasi big deal iyan dito sa Japan.

    Kaanu-ano mo ba si Ryu? Pinsan mo ba? tanong ng isa sa mga miyembro ng Track and Field Club sa akin sa salita nila.

    Hindi. Asawa ng mama ko ang uncle niya, sagot ko naman.

    Nagkatinginan ang grupo, pero hindi na nagsalita pa.

    Nang uwian na, inabangan ako ni Ryu. Galit na galit ito dahil nakarating sa kanya na tsinika ko sa mga miyembro ng Track and Field Club na asawa ng mama ko ang uncle niya.

    You shouldn’t have told them! sigaw niya sa akin sa wikang Ingles.

    Nagulat ako sa accent ng English niya kung kaya hindi ako nakapag-react sa himutok niya. Paano kaya niya natutunan ang American accent? Ang alam ko kasi’y bihira sa mga Hapon ang nakaka-Ingles nang matino.

    Dahil hindi ako nakasagot, nagratatat na siya ng kung anu-ano. Ingles pa rin ang gamit niyang salita. Huminga muna ako nang malalim bago nagsalita. Sinagot ko na siya, pero sa lenggwahe nila.

    Bakit naman hindi? Iyon naman ang totoo.

    Siya naman ngayon ang nagulat at nakakapagsalita ako ng Nihongo. Lalo niyang ikinagalit iyon.

    Nakakapagsalita ka pala ng Japanese pinag-Ingles mo pa ako!

    Ano ba’ng pinagpuputok talaga ng butse mo? May masama ba roon sa sinabi ko? Eh totoo namang asawa nga ng uncle mo ang mama ko.

    Sa susunod itikom mo iyang bibig mo! At tinalikuran niya ako.

    Nang wala na siya sa paningin ko saka lang ako nakaramdam ng takot. Paano kung mayroon pala siyang violent tendencies? Magkasama pa naman kami sa bahay.

    Pag-uwi ko nang hapong iyon nandoon na siya sa amin. Mag-isang kumakain. No’n naman dumating buhat kung saan sina Mama’t Otōsan. Nagulat sila nang makita roon ang mokong. Bumati sila sa kanya, pero dinedma lang niya ang mga ito at mabilis na dinala sa lababo ang pinagkainan. Nagmukha tuloy tanga ang dalawa. Kung hindi nga umatras ang nanay ko nang dumaan ito palabas ng kumedor, pakiramdam ko’y babanggain lang niya ito basta. Wala talagang modo!

    Pagkatapos naming maghapunan, pumunta ako sa Entertainment Room (ER) ng bahay. Nasa second floor ito at katabi lang ng kuwarto ko. Kinuha ko ang isang gitarang nakasabit sa dingding at sinubukang tumugtog. Dahil naka-earphone hindi ko narinig na may pumasok na pala. Nabigla na lang ako nang may umagaw ng gitara sa akin.

    Sino’ng maysabi sa iyo na pwede mong pakialaman ang mga gamit ko rito? malamig niyang tanong sa akin. Naintindihan ko naman siya agad dahil dahan-dahan ang pagsasalita niya ng Nihongo.

    Napahiya ako. Daig ko pa ang nahuling nagnakaw. Yumuko ako sa harap niya at humingi ng dispensa. Pero sa halip na tanggapin iyon nagratatat na siya sa lenggwahe nila. Wala na akong naintindihan. Kaya sa inis ko bumitaw din ako ng mga salita sa Tagalog.

    Ang damot-damot mo! Isaksak mong lahat iyan sa baga mo! Pagkasabi ko no’n kaagad ko siyang tinalikuran, pero hinabol niya ako at hinarangan sa pintuan. Nakatukod ang isa niyang kamay sa gilid ng pinto para hindi ako makalabas. Ano raw ang sinabi ko?

    Oo at naintindihan ko, sabi ko sa kanya sa salita nila sa tonong eksaheradong malambing. Ngumiti pa ako nang pilit.

    Umasim ang mukha niya at naglagay pa ng hintuturo sa ilong.

    Did you brush your teeth? tanong sa akin.

    Nangunot ang noo ko. Bago pa ako makasagot humirit siya ulit.

    Your breath smells rotten. At bumalik siya sa loob ng silid. Naiwan naman akong nakanganga. Shocked na shocked ako sa narinig. Wala pang nakapagsabi niyon sa akin.

    Binalikan ko siya at minura pa, pero wala nang saysay. Naka-head phone na ang ungas at nagkukuskos na ng electric guitar niya. Alam kong nararamdaman niya ang presence ko, pero nagkukunwaring walang narinig. Demonyo talaga! Grrr! Sarap kutusan!

    Umalis na lang ako nang nagdadabog. Bumuga-buga pa ako sa kamay at inamoy-amoy iyon. Hindi naman mabaho, a. Talagang rotten bastard!

    CHAPTER TWO – PANTY

    Outcast. Iyan ako sa school. Si Haruka lang talaga ang nagtiyagang makipagkaibigan sa akin. Ang grupo ng mga boys na nakipagkilala noong unang dating ko sa eskwelahan ay isa-isa ring nawala. Tingin ko, nilapitan lang nila ako dahil sa pag-aakalang mapapalapit sila kay Ryu. Pero nang makita nila na wala namang pakialam sa akin ang damuhong iyon, hindi na nila ako pinansin. Saklap!

    Ang sabihing sikat si Ryu sa school ay parang kulang. Lahat halos mapababae man o mapalalaki ay lumuluhod sa kanya. Siya raw kasi ang dahilan ng pagkapanalo ng school namin sa Koshien. Ang sabi nga ni Haruka, ang masuwerteng kinakaibigan ni Ryu ay instant sikat. Kaya pati mga boys ay nagpapapansin din sa walang modong iyon.

    Pina-parking ko na ang bisikleta isang umaga nang bigla na lang may umarangkada sa tagiliran ko. Napatalon ako sa kabiglaanan. Nabitawan ko pa ang bike. Buti na lang hindi tinamaan ang paa ko.

    Nagpakita ka nga ng panty iyong hiniram mo pa sa lola mo!

    Si Ryu at nakita ang panty ko!

    Kaagad na nag-init ang pisngi ko. Awtomatikong napahawak ako sa maikli kong palda na siyang standard uniform ng eskwelahan.

    Bastos ka! sigaw ko sa kanya.

    Sa susunod, piliin mo naman ang sinusuot mong panty kung gusto mong mag-display—-iyong hindi matetanu ang mata ng makakita, ang sabi pa niya bago tumalikod.

    Mumurahin ko sana siya pero mabilis na nakalayo. Hindi na naman ako nakabawi. Grrr! May araw ka rin sa akin!

    Imbes na dumeretso sa classroom namin, dumaan ako sa tearai (CR). Kahit na ayaw kong paniwalaan ang mga sinabi ng damuho, hindi ko rin natiis na hindi bistahan ang suot kong panties. Sinipat ko ito sa salamin. Nag-blush na naman ako nang maisip na nakita ni Ryu ang kulay rosas na bulaklakin kong panties. Bwisit siya talaga! Gusto ko siyang tirisin.

    Nagro-roll call na si Tanaka-sensei nang pumasok ako sa silid. Nauna pa ang frequent latecomer na si Ryu.

    Bakit ngayon ka lang? tanong ni Haruka sa mahinang tinig.

    W-wala. Medyo sumakit kasi ang tiyan ko, pagsisinungaling ko.

    Okay ka lang? Gusto mong dalhin kita sa clinic?

    Kasi dapat nagsusuot ka ng cycling shorts. Hayan tuloy, napuno ng hangin ang tiyan mo. Nagtanong ka man lang sana sa kaibigan mo, sabad ni Ryu sa likuran sa mabagal na Japanese.

    Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Nakikinig ang damuho sa usapan naming magkaibigan! Napalingon si Haruka sa kanya at tumingin uli sa akin. Parang nalilito.

    Nilingon ko si Ryu at pinandilatan. Sa mga titig ko’y binalaan ko siya. Sige, pag nagsalita ka pa tungkol doon ay papatayin kita! Nakita kong ngumisi nang saglit ang kumag at kaagad na nag-stoic-faced. Maya-maya’y napayuko ito at nakita kong yumuyugyog ang balikat niya. Pinagtatawanan ako ng damuho! Hindi pala nakaligtas iyon kay Haruka. Tinanong niya ako kung ano’ng ibig sabihin ni Ryu. Hindi ako sumagot. Mabuti’t hindi naman siya nagpumilit na mang-usisa.

    Napaharap na kami kay Tanaka-sensei nang manghingi ito ng nominations para sa class representative. Tumaas agad ng kamay si Minami. Ni-nominate niya si Ryu.

    Hoy! Sino ang may sabi sa iyong maaari mo akong i-nominate?! sigaw dito ni Ryu. Nagulat si Minami. Actually, lahat kami’y nabigla.

    Akala ko tulog ang damuho. Nagtutulug-tulugan lang pala.

    Gusto kong matawa sa reaksiyon ni Minami. Napahiya kasi.

    Oo nga. Nagbo-volunteer nga ako at ikaw ang napili kong co-representative, confident nang sagot ni Minami kay Ryu nang makabawi sa kabiglaanan. "Hindi ba’t dalawa ang kailangan n’yo, Tanaka-sensei? Isang lalaki at isang babae?"

    Sumang-ayon naman ang guro.

    I-co-representative mo’ng mukha mo! naaasar na sagot ni Ryu sabay tayo. Nagpaalam agad itong pupunta ng tearai.

    Napasimangot si Minami at nagsabi na ayaw na raw niya.

    Fickle-minded! Buti nga sa iyo. Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako at nakita iyon ng maldita. Galit itong tumayo at tinuro ako. Ba’t hindi na lang daw ang Firipinjin (Filipina) ang maging representative ng klase? Total naman daw ay mukhang interesado raw ako?

    Napamulagat ako. Hindi agad ako naka-react sa pagkagulat.

    Tumayo naman ang dalawa niyang alipores at sinuportahan ang sinabi niya. Dahil doon pumayag na rin ang lahat. Nagprotesta ako, pero wala akong nagawa sa kanilang lahat.

    Huwag kang mag-alala masyado, Mara. Katuwang mo naman kami sa lahat ng gagawin ng klase natin, eh. Ang problema na lang ay ang co-representative mo. Dapat may magre-represent din sa mga lalaki dahil kung wala baka hindi sasali ang mga iyan, sabi ng guro.

    Natapos lang ang klase namin sa umaga nang walang may nagprisinta na maging partner ko kaya hanggang sa pagpasok namin sa shokudo (school cafeteria), iyon ang pinoproblema ko. Hindi ko tuloy nakita ang nakaharang na paa ni Minami at natisod ako. Nadapa talaga ako nang bongga. Napataas ang hemline ng palda ko at nakita ng lahat ang kulay rosas kong panties. Mabilis ko pa sana itong binaba pero huli na ang lahat. Pinagtawanan na ako ng mga mapanglait. Nangunguna riyan ang grupo ng bruhang si Minami.

    Low class ka talaga kahit kailan! Kinder lang ang sumusuot ng ganyang style na panties. Yuck! sabi pa ni Minami. Nakatayo siya sa harapan ko habang nakahalukipkip. Ang talim ng tingin niya sa akin. No’n naman pumasok si Ryu. Hinablot nito ang braso ko at marahas akong itinayo. Napaaray ako sa higpit ng hawak niya.

    ’La ka na ngang sense of fashion lampa ka pa! anas nito sa akin sabay tulak. Muntik na akong mapasubsob sa sahig.

    Nagulat si Minami nang tinulungan akong makatayo ni Ryu, pero napangiti din ito nang makitang marahas naman akong tinulak ng damuho. Tinawag niya si Ryu at inanyayahan sa mesa nila, pero hindi siya pinansin nito. Sa halip, umupo ito sa mesa ng mga kasamahan sa baseball team.

    Buti nga sa iyo. Bruha ka. Tahimik kaming lumayo doon ni Haruka.

    Sabi sa akin ni Mama, masanay na raw ako sa mga kaklase ko. Kasi all their lives, mula kinder hangang junior high school, sila raw ang magkakasama kung kaya may pinagsamahan na. Dahil transferee lang ako natural na tingin nila sa akin ay outsider. Gano’n daw ang kultura sa Japan.

    Naisip ko ang mga kabarkada ko sa Pilipinas. Ang saya-saya ko siguro kung nandoon pa rin ako nag-aaral. Ano na kaya ang nangyayari sa mga iyon? Miss na miss din kaya nila ako?

    Nalungkot ako lalo nang pagdating ng bahay ay wala si Mama. Nakahain na ang dinner ko. Namin ni Ryu. May note sa mesa para sa akin. Kami na raw ang bahala dahil may pinuntahan silang pagtitipon.

    Dahil wala pa ang magaling kong kaklase nauna na akong kumain. Hindi ko na siya hinintay pa. Pagkatapos ng mga nangyari sa amin sa school, hindi ko siya kayang harapin ngayong gabi. O kahit bukas pa. Kung puwede nga lang ay ayaw ko na siyang makita pa.

    Paakyat na ako ng kuwarto nang bumukas ang front dorr at iluwa no’n ang kinaiinisan ko. May hawak-hawak pa siyang baseball bat at gloves. Tumingin siya sa akin. Umiwas naman ako. Dederetso na sana ako sa pag-akyat nang sinigawan niya ako.

    Oy, nakalilis ang palda mo!

    Awtomatikong napahawak ako sa palda ko. Lumingon-lingon pa ako. Narinig ko ang nakalolokong tawa ng kumag. Kasabay ng, Joke!

    Biglang kumulo ang dugo ko at bago ko pa namalayan ay naibato ko na sa kanya ang isang pares ng indoor slippers ko. Umilag siya kung kaya sa flower vase iyon tumama. Bumagsak sa sahig ang mamahaling vase ni Mama. Na-shock ako at nang ma-realize ang nagawa ay natakot na rin dahil nabasag ko ang isa sa mga mamahaling gamit ng nanay ko.

    Ang tapang mo, sabi ni Ryu sa normal na boses. Hindi na siya nakatawa. No’n lang ako natakot nang sobra sa kanya. Strange. Kung sumisigaw ito, hindi ako masyadong naaapektuhan. Pero ngayong banayad ang boses at kalmado ay nininerbyos naman ako.

    Hindi na ako sumagot pa sa kanya. Mabilis akong kumuha ng walis at dust pan. Nilinis ko ang mga nagkalat na basag na parte ng vase. Panay pa bulong ko ng, Sorry po, Mama!

    Baliw ka ba?

    Natigil ako sandali sa paglilinis ng bubog ng vase. Napatingin ako sa kanya. Nagtama ang aming paningin at nakaramdam ako ng kakaibang feeling. Hindi ko matukoy kung ano iyon but it made my cheeks feel warm.

    Baliw ka nga. Mga sira-ulo lang kasi ang nakikipag-usap sa sarili, sabi pa ng damuho bago ito umakyat sa ikalawang palapag ng bahay. Ni hindi man lang niya ako tinulungan. Gusto ko siyang habulin ng tsinelas. Hindi pa rin ako naka-get-over sa inis ko sa kanya.

    At ikaw nama’y walang modo! Umuwi-uwi ka pa! sigaw ko na lang sa kanya sa Tagalog dahil sa matinding frustration.

    Inasahan kong balikan niya ako’t gantihan, pero ni hindi na siya lumabas ng silid nang gabing iyon. I was very disappointed.

    CHAPTER THREE – CHARADE

    Nagtaka ako kung bakit nagsipagtakbuhan ang mga girls sa unahan. Nagtititili pa sila na sobrang kilig na kilig. Hindi ako nakatiis. Pinuntahan ko ang pinagkakaguluhan nila. Napaawang ang mga labi ko nang makita ang isang lalaking nakataas ang sweater upang ipakita ang tiyan. Oh, my God! He has killer abs! At ang guwapo-guwapo niya! Kamukha niya si Haruma Miura sa Last Cinderella.

    Nagpapapicture sa kanya ang mga girls. Mukhang enjoy na enjoy naman siya sa atensyon. Sino kaya siya? Bakit hindi siya nakauniporme? Estudyante rin kaya siya sa school?

    May galit na boses sa likuran ko, pero hindi ko iyon masyadong inintindi. Nasa hot guy kasi ang buo kong atensyon.

    Okay, girls. Next time ulit, pagpapaalam ng lalaki sa mga admirers niya. Nalungkot lahat pati na rin ako. Sayang at hindi ako nakapagpa-picture sa kanya.

    Aalis na sana ako patungo sa kinaroroonan nila Ryu nang paglingon ko’y napansin ko siya. Nakahalukipkip siya at madilim ang mukha.

    Ay, Ryu. Nandyan ka pala, magiliw kong bati.

    Kanina pa, tipid niyang sagot. Halatang may kinikimkim na galit.

    Sorry hindi kita napansin. Dinedma ko ang sarcasm niya.

    Halata nga. At tinitigan ako nang matalim.

    Heto pala ang obento nyo, oh. Nakabili na ako. At pinakita ko sa kanya ang dalawang supot.

    Inagaw niya ang mga ito sa akin. Parang na-bruise pa ang mga kamay ko sa biglaang paghila niya ng mga dala ko. Gusto ko na siyang batukan. Ginawa na nga akong alila, hindi pa marunong magpasalamat.

    Paanong hindi ka matagalan? Abala ka sa kung anu-ano!

    Naalala ko uli ang hot guy. I’m sure, kilala siya ni Ryu.

    Ryu, sino pala iyong guy na pinagkaguluhan nila kanina? tanong ko bigla. Hindi alintana ang galit niya. Mas nanaig sa akin ang curiosity.

    Bakit sa akin ka nagtatanong? Mukha ba akong police station?

    Nagtatanong lang, eh. Ang suplado naman nito.

    Magtanong ka sa nanay mo! Binilisan nito ang lakad.

    Hay buhay. Wala talaga akong pakinabang sa kumag. Hindi ko na siya hinabol pa. Tiyak magbabangayan lang naman kami.

    May humarang na mga girls kay Ryu. Kinikilig din sila. Gusto rin nilang magpa-picture sa kanya, pero tinapunan lang sila nito ng matalim na titig at basta na lang tinalikuran. Walang nagawa ang mga babae.

    Ito ang kaibahan ni Ryu sa hot guy. Si hot guy mabait sa mga admirers. Binibigay ang hilig ng mga ito. Kaya hindi ako magtataka kung later on ay mauungusan na nito si Ryu. Kahit campus hearthrob ang mokong kapag ganito ang ugali niya for sure mawawalan din ito ng admirers kalaunan.

    Ano ka ba? Iyan nga ang charm ni Ryu, ang sagot naman ni Haruka nang sabihin ko ito sa kanya. Ang pagiging aloof at snobbish nga raw ni Ryu ang nagpapadagdag ng appeal nito.  Kung sa bagay marami namang girls talaga na suplado at mukhang barumbado ang gusto.   

    Si Haruka na ang nagsabi sa akin kung sino si hot guy. Malamang ang nakita ko raw ay si Keisuke Kobayashi, ang star swimmer ng campus. Silang dalawa lang naman daw ni Ryu ang pinagkakaguluhan ng ganoon.

    Keisuke. Ang gandang pangalan.

    Hoy, okay ka lang? Kanina ka pa tulala riyan, ah. Sabi ko, gusto mo ba itong miso soup? Hindi ko kasi maubos, untag sa akin ni Haruka.

    H-Ha? Parang nabigla pa ako.

    Natawa si Haruka. Parang ang lakas daw ng tama ko kay Keisuke. Hindi ko na nga ikinaila iyon sa kanya. Tinanong ko siya tungkol dito.

    Huwag ka nang umasa. Patay na patay iyon kay Minami.

    Si Minami? Parang tinurok ang puso ko. Ganoon pala ang type niya. Wala na nga akong pag-asa. Maputi at matangkad na babae si Minami. Tantya ko mga five feet and ten inches siya. Ako nama’y mahigit kumulang limang talampakan at apat na pulgada lang. Kung sa Pilipinas, mas maputi ako sa karamihan at tisay ang description sa akin, pero dito sa Japan ang itim ko na. Mapuputi kasi ang mga Hapon.

    Pagbalik namin sa classroom, kinausap ako ni Tanaka-sensei. May nakuha na ba akong co-representative sa mga kaklase kong lalaki? Kailangan ko na raw ng katuwang dahil kaming dalawa ang magde-desisyon sa gagawin ng buong klase sa nalalapit na Parents-Teachers’ Day.

    Naku, nakalimutan ko na ang tungkol doon. Patay!     

    Last year sumayaw kami pero hindi okay ang kinalabasan dahil may mga last minute na nagback-out. Sana kumanta na lang tayo this year. Kung may mag-back out man hindi halata, suhestyon ni Haruka.

    Okay lang sa akin. Kaso paano ito? Walang may gusto na maging co-representative ko? Bakit hindi ikaw na lang?

    Naku, hindi puwede. Kung walang leader ang mga boys, tiyak hindi sasali ang mga iyon. Kaya kailangan ng lalaki ring representative. Iyong kayang-kaya silang manduan.

    Sino naman kaya iyon? Pati iyon ba’y poproblemahin ko pa?

    Naisip ko si Ryu. Tama! Siya na lang ang hindi ko pa nalalapitan. Tiyak, babarahin ako no’n tulad ng ginawa kay Minami pero I have no choice. I have to try. Bahala na si Batman.

    **********

    Naiiyak na ako. Wala kasing nakikinig sa akin. Hindi kami magkasundo sa kanta na aawitin namin para sa Parents-Teachers’ Day. Three weeks to go na lang. Pine-pressure pa ako ng class adviser namin na dapat by the end of the week ay mayroon na akong co-representative from the boys. Pero sino ang kukunin ko kung lahat ay umayaw na? Kailangan namin talagang magmiting pagkatapos ng klase para i-finalize lahat pero paano ko sila mapapa-attend nito kung ayaw nga nila sa akin?

    Sorry, I’m busy. May taping pa kami mamaya eh, sabi ni Minami at kinuwento ang bago nitong TV drama. Part-time actress kasi siya.

    Ang yabang. Pero extra lang siya doon, bulong sa akin ni Haruka.

    Napangiti ako. Kung maka-announce akala mo siya na ang bida.

    Hindi rin ako puwede, sabi rin ng kaibigan ni Minami. "May baito (part-time job) pa ako mamaya, eh. Sorry."

    "Ako rin. Nagpapasama kasi si Okaasan (mother) na magshopping. Pasensya na, ha?" exaggeratedly sweet na sabi naman ng isa pa.

    Nagkakagulo ang room at kanya-kanyang alibi kung bakit hindi sila puwedeng mag-attend ng afterclass meeting nang biglang sumulpot si Ryu. May dala itong malaking backpack. Mukhang kagagaling lang sa praktis.

    Anong oras ba ang meeting mamaya? tanong nito agad sa akin.

    Nagulat ako. Ano naman ang pakialam nito? Malinaw na tumanggi din itong makisali sa activity ng klase. Plus, he flatly refused to be my co-representative nang i-offer ko ito sa kanya kahapon.

    Sabi ko, anong oras ang meeting mamaya para masabihan ko si coach kung anong oras ako darating, ulit nito.

    Aatend si Ryu?!

    Five thirty, pakli ko, nalilito.

    Ryu, aatend ka? tanong ng isa kong kaklaseng lalaki. Para itong shocked na shocked. Nanlaki pa nga ang singkit niyang mga mata.

    Bakit naman hindi? Eh ako nga ang representative n’yo?

    What?! Hindi makapaniwalang bulalas ni Minami. Tumayo ito at namaywang pa. Sinumbatan niya agad si Ryu. Akala ko ba ayaw mo?

    Simple lang. Dahil ayaw kita, pasuplado nitong sagot na ikinagulo ng lahat. Biglang naging sentro ako—-kami ng atensyon nila. Lumapit si Ryu sa akin at inakbayan muna ako bago nagpaliwanag.

    Matatanggihan ko ba naman ang girlfriend ko?

    Napaawang ang mga

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1