Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Tell Me How You Want To Die
Tell Me How You Want To Die
Tell Me How You Want To Die
Ebook204 pages4 hours

Tell Me How You Want To Die

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

This is just a simple game.
How to play it?
Kapag tumapat sa iyo ang bote, kailangan mo lang sagutin ang tanong na...
"Ikaw, paano mo gustong mamatay?"
At pagkatapos, mamamatay ka na...
Sa paraang gusto mo.
Ang simple 'di ba?

Ikaw, paano mo gustong mamatay?

LanguageTagalog
PublisherABS-CBN Books
Release dateJun 30, 2020
ISBN9781370496075
Tell Me How You Want To Die

Related to Tell Me How You Want To Die

Related ebooks

Related categories

Reviews for Tell Me How You Want To Die

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Tell Me How You Want To Die - Ma. Ana Theresa Cruzate

    PROLOGUE

    Muling umikot ang bote ng soft drink na nasa gitna naming siyam. Magkakasama kami nina Ariane, Nero, AJ, Mike, Gelo, Jermie, Miles, at Aaron. Matagal ding umikot-ikot ang bote hanggang sa huminto iyon sa tapat ni Gelo, ang kaklase ko na may walong hikaw sa kanang tainga, lima sa kaliwa at ang alam ko ay mayroon ding isa sa dila. Mula sa nilalaro kong key chain na payaso, nagtaas ako ng tingin papunta sa kanya.

    O, game! Ikaw naman, Gelo, paano mo gustong mamatay? nae-excite na tanong ni AJ. Babae siya pero madalas ay kilos lalaki.

    Siyam na lang kami na natitirang gising sa huling gabi ng camping kasama ang iba pa naming mga kaklase at mga teacher na malamang ay naglalaway na sa kani-kanilang tent. Camping ito ng section namin para raw magkaroon kaming magkakaklase ng bonding bago matapos ang huling taon namin sa Faubourg Academy.

    Ako? ani Gelo bago saglit na humitit-buga sa hawak na sigarilyo. Ako? Simple lang. Gusto kong mamatay sa tapyas.

    Tapyas? nagtatakang ulit ni Aaron.

    Oo. Gusto ko, unang tatapyasin sa akin `yong mga braso ko, ‘tapos `yong mga paa ko. ‘Tapos syempre, pati `yong ilong ko, gusto ko matatapyas din bago lalaslasin `yong leeg ko na parang dinuguan!

    Eeewww! bulalas ni Miles na biglang binitiwan ang hawak na stick ng barbecue.

    Grabe ka, Gelo, ang morbid naman n’on! nandidiring komento ni Ariane.

    Napatitig ako sa magandang mukha ni Ariane. Para sa akin, siya ang pinakamagandang babae sa buong Faubourg Academy.

    Anong kadiri do’n? Astig nga, eh, nakangiting sabi ni Aaron, ang boyfriend ni Miles. Kung anong arte ni Miles, ganoon naman ang yabang ni Aaron. Bagay sila sa isa’t isa.

    Ayoko na ng game na ‘to. Iba na lang, sabi ni Ariane.

    Truth or dare kaya? mahinang sabi ko. Nakita ko ang pagguhit nang pilit na ngiti sa mga labi ni Ariane. Hindi! Ngiti talaga iyon dahil natuwa siya sa suggestion ko. Alam kong natuwa siya.

    Oo, go ako diyan! Si Jermie lang yata talaga ang gustong sumang-ayon sa akin.

    Sabagay, wala namang kwenta sa kanila ang alinman sa suggestion o opinyon ko kaya ibinalik ko na lang ang tingin sa kanina lang ay nilalaro kong key chain na may sumbrerong parang sungay. Noong una pa lang, ayoko na sa game na naisip ni Nero na nagsimula lang sa kwentuhan ng mga horror movie. Mahilig ako sa mga payaso, hindi sa mga nakakatakot na palabas. Kaya sobrang naiinis ako kapag ginagawa nilang katatakutan ang mga jester.

    Ang pagtayo ni Mike ang pumutol sa pagmumuni-mumi ko. Siya ang pinakagwapo sa barkadang Wantutri kung saan asungot lang ako. Hindi rin lingid sa kaalaman ko na matagal na siyang may gusto kay Ariane kaya madalas niya akong binu-bully. Inabot na niya ang bote at muli iyong pinaikot.

    Mabilis iyong umikot…

    Umikot nang umikot…

    Hanggang sa unti-unting bumagal ang pag-ikot ng bote at nagbadyang malapit na itong huminto.

    Malapit na malapit na…

    Napapalunok na napatingin ako sa bote.

    Yahooo! Sa wakas, tumapat din kay Rayden!

    Akala ko hindi ka na matatapatan, eh!

    Si Rayden na lang pala ang hindi pa nakakasagot sa game na ‘to!

    Halos lahat ng walong kasama ko, nakangiting nakatingin sa akin. Ang iba sa kanila ay halata pang nang-aasar. Hindi ko tuloy alam kung kakabahan o mae-excite ako dahil sa kauna-unahang pagkakataon, sa akin tumapat ang nguso ng bote ng soft drink na kanina pa namin pinaglalaruan.

    Game na, Rayden, sabi ni Jermie. Sa Wantutri, siya ang pinakamabait sa akin. Iyong totoong mabait at walang halos kaplastikan. Ikaw, paano mo gustong mamatay?

    Muli akong napalunok. Ayoko pang mamatay, pero kailangan kong sagutin ‘yun. Kailangan, hindi dahil ayokong makantyawan na KJ, kundi dahil ayokong maputol ang napakaliit na koneksyon na mayroon ako para mapalapit kay Ariane. M-malunod?

    ‘Tapos? Si Nero ang nagtanong.

    Malunod. ‘Yon lang, muling sagot ko. Hindi nga kasi ako mahilig sa mga horror movie kaya wala akong maisip na pwedeng isagot na kagaya nung mga sinabi nila na tila ba kinuha pa mula sa mga morbid scene ng horror movies. Saka isa pa, hindi ako marunong lumangoy kaya iyon lang ang naisip kong sagot.

    Ang korni! inis na sabi ni Aaron.

    Dapat iba na lang kay Rayden, dagdag ni Miles. Sige, ikaw ngayon ang mag-truth or dare!

    H-ha? sabi ko kahit naintindihan ko ang sinabi ni Miles.

    Pili ka na dali…

    Napatingin uli ako sa magandang mukha ni Ariane. Parang musika lagi sa pandinig ko ang malambing niyang boses.

    D-dare… Pagdating kay Ariane, palagi na lang akong nauutal sa pagsasalita. Para kasing bumibilis ang tibok ng puso ko kapag siya ang kausap ko.

    Dare? nakangiting ulit ni AJ. Sa apat na babae sa barkada, siya ang pinakaayaw ko. Siya kasi ang pinaka-bully sa lahat. I-kiss mo nga ngayon ang crush mo dito sa Wantutri.

    H-ha? Malinaw kong narinig ang sinabing iyon ni AJ. Malinaw kong naintindihan ang dare na gusto niyang ipagawa sa akin. Ang hindi malinaw sa akin ay kung paano ko iyon gagawin.

    Wow, exciting!

    Go na, Rayden, don’t be shy!

    Kiss na!

    Ang tagal naman!

    Halos sabay-sabay na sila sa pangangantiyaw sa akin.

    Sshhh… Guys, ‘wag masyadong maingay at baka magising sina Coach Arthur, saway ni Mike. Tsaka para na rin makapag-concentrate si Rayden.

    Napapalunok na inilibot ko ang tingin sa mga kasama ko. Lahat sila, mukhang excited sa bawat kilos na gagawin ko. Bakit kaya hindi sila ang gumawa ng dare?

    Rayden, gawin mo na…

    Kinakabahan akong tumingin sa may-ari ng boses na nangibabaw sa pandinig ko. Napatanga na naman ako sa magandang mukha ni Ariane na nakangiti at nakatingin sa akin. Hinihikayat ba niya akong gawin ang dare o ang halikan siya?

    Natutuyuan na ako ng laway, pero patuloy pa rin ako sa paglunok dahil sa kaba. Hanggang sa isang malalim na hininga ang pinakawalan ko bago ako tumayo. Tumahimik ang lahat at ramdam kong nakapako sa akin ang mga mata nila habang naglalakad ako nang mabilis palapit sa crush ko...

    Palapit kay Ariane…

    Wala pa yatang sampung segundong tumagal ang halik na iyon. Mabilis ko na siyang hinalikan sa pisngi. Pero hindi ko alam kung bakit bigla na lang siyang humarap sa akin kaya saglit na naglapat ang mga labi namin!

    That was…That was my first kiss!

    Saglit akong napatulala kay Ariane bago ako mabilis na bumalik sa kinauupuan ko. Patuloy pa rin ang malakas na kabog ng dibdib ko. Inayos ko ang salamin at buhok ko bago ko inilabas sa bulsa ang key chain ko. Walang kahit sino sa kanila ang nagsalita at ramdam kong nasa akin pa rin ang tingin nila. Tititigan ba nila ako hanggang sa sumikat ang araw?

    Aray! Muntik na akong mapasubsob sa damuhan dahil may malakas na tumadyak sa likod ko. Napalingon ako sa aking likuran. Si Mike, na kanina lang ay atat na atat na gawin ko ang dare, ay namumula ngayon ang mukha sa galit.

    Upakan na ba natin? nakangising tanong ni Gelo na nakatayo na rin sa likuran ko at katabi ni Mike.

    Mauna na ba akong sumapak? Si Aaron naman ang sumingit.

    Feel na feel mo pa kasi ang pag-kiss kay Ariane, eh! gatong pa ni Miles na nasa tabi ni Ariane at hanggang ngayon ay parang tulala pa rin.

    Nagsimula namang manginig ang katawan ko sa takot.

    Aminado ako na lampa talaga ako…

    Duwag…

    At hindi marunong makipag-away.

    Pero kapag ganitong nasasaktan na ako…

    Emosyonal at pisikal…

    Teka lang!

    Dapat…

    Dapat…

    Dapat kanina pa ako umiyak para tigilan na nila ako!

    Guys, tama na!

    Tumayo ako at bahagyang napaatras nang pumagitna sa amin si Jermie, ang tagapagtanggol ko sa mga ganitong klaseng eksena. Saglit na nabaling ang tingin ko sa nakaupo pa ring si Ariane na nakatingin sa amin—sa akin—habang pilit kong sinusubukang basahin ang ekspresyon ng kanyang mukha. Gulat? Concern? Excitement? Hindi ko talaga mabasa. Pero siguro, magkahalong gulat dahil sa ginawa ko at concern dahil inaaway ako nina Mike ngayon.

    Nagsimulang magpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang lahat. Kay Jermie na lagi kong tagapagtanggol, kay Ariane na matagal ko nang gusto, kay Mike na madalas mam-bully sa akin at sa iba pang miyembro ng Wantutri. Ayoko naman talaga sa barkadang ito. Sa kanila. Pero dahil kina Jermie at Ariane, nagagawa kong tiisin ang pambu-bully na ginagawa sa akin nina Mike.

    O, ano? Lalaban ka? Lalaban ka na? muling hamon ni Mike.

    Mike, tama na nga ‘yan! Baka magising pa si Coach Arthur! saway ni Nero.

    Ang PE teacher namin ang tinutukoy ni Nero at siya ang isa sa mga dahilan ng pagsama ko sa camping. Kinulit ako ni Coach Arthur na sumama dahil gusto niyang magkaroon ako ng mga totoong kaibigan bago matapos ang huling taon ko sa high school.

    Bad trip kasi, eh. Ang kapal ng mukha na magnakaw ng halik. Ang pangit-pangit at ang baho-baho pa!

    Umuwi ka kaya muna at maligo, baka sakaling mag-amoy tao ka!

    Palibhasa, putok sa buho kaya mabaho!

    Shut up! Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Masyado na nilang inaapakan ang buong pagkatao ko.

    Tuluyan akong natumba sa damuhan nang dumapo sa pisngi ko ang kamao ni Mike. Ramdam kong dumugo ang labi ko. Ano ba ang kasalanan ko sa kanila? Sino bang nagsimula at nanudyo sa akin na gawin ang dare na ‘yun? Bakit ba lagi na lang nila akong ginaganito? Pinaglalaruan! Pinagtutulungan! Sinasaktan!

    Mabilis akong tumayo at tumakbo sa kung saan. Tumakbo ako nang tumakbo kahit na wala akong siguradong direksyon at pupuntahan. Hanggang sa makarating ako sa tabing-ilog na medyo malayo na sa kung saan nakatayo ang mga tent namin. Pinahid ko ang dugo sa labi ko bago ako umupo sa isang tabi at doon nagsimulang umiyak. Doon ko ibinuhos ang sama ng loob ko sa lahat ng nangyari.

    Bukod sa weird at pangit kong hitsura, lumaki akong walang kinikilalang totoong mga magulang. Ang sabi kasi ng kinikilala kong Tita at Tito, may nag-iwan lang daw sa akin sa tapat ng gate nila noong walong buwan pa lang ako. At isa iyon sa walang kamatayang dahilan kung bakit palagi akong nabu-bully at pinagkakaisahan.

    Ilang saglit pa akong umiyak hanggang sa unti-unti na akong mahimasmasan. Malakas ang agos ng tubig kaya malamang, walang makakarinig sa pag-iyak ko. Ito lang talaga ang alam kong paraan para kahit papaano ay gumaan ang loob ko.

    Pinunasan ko na ang mga mata kong basa pa ng luha gamit ang likod ng mga palad ko bago ako tumingin sa suot kong relo. Kailangan ko nang bumalik dahil baka hanapin ako nina Coach. Didiretso na lang ako sa tent at matutulog para maiwasan ko sina Mike. Pero bago ko pa magawang tumayo, isang pares ng mga kamay ang biglang tumulak sa akin, dahilan para gumulong ako at diretsong mahulog sa ilog.

    T-tulong! Tulong! sigaw ko.

    Sinumulan kong ikampay ang mga paa at kamay ko para lumutang at humingi ng tulong, pero walang maabot na tuntungan ang mga paa ko. Masyadong malalim ang ilog at nadadarang na ako ng malakas na agos nito. Hirap na hirap akong palutangin ang sarili ko. Sino na naman kayang may kagagawan nito? Alam kong may tao sa batuhan na kinatatayuan ko kanina lang. Alam kong naririnig at nakikita niya ako.

    Tulong! Tulungan mo ako! Please…T-tulungan mo ako! pagmamakaawa ko habang pilit na pinalulutang ang sarili at nilalabanan ang agos. Pero bakit parang wala siyang naririnig? Bakit parang natutuwa pa siyang nalulunod ako?

    Bago ako tuluyang lamunin ng malalim na ilog, nakita ko ang mukha ng nagmamay-ari ng mga kamay na tumulak sa akin.

    Bakit siya?

    Paanong nangyaring siya ang tumulak sa akin?

    Bakit gusto niya akong patayin?

    CHAPTER 1

    GOODBYE, RAYDEN

    Mabigat ang pakiramdam ni Jermie nang humakbang siya papasok sa Faubourg Academy. Saglit siyang napahinto sa tapat ng little garden kung saan nakalagay ang isang nakangiting larawan ni Rayden. May mga kandila at mga bulaklak na nagkalat doon.

    Nakagat niya ang labi nang muling mapatingin sa litrato. Hindi pa rin siya makapaniwalang totoong wala na si Rayden.

    Ang pag-ihip ng malamig na hanging biglang yumakap sa katawan ni Jermie ang nagtanggal sa nararamdaman niyang lungkot. Napatingin siya sa maliwanag na kalangitan. Nakapagtatakang napakataas ng sikat ng araw, pero nakakaramdam siya ng kakaibang lamig.

    Nagpakawala na lang siya ng malalim na buntong hininga bago muling nagpatuloy sa paglalakad. Maingay ang karamihan sa mga kaklase niya nang makapasok siya sa classroom kaya kapansin-pansin ang barkada niyang Wantutri na tahimik sa isang sulok.

    Isang linggo na ang nakakalipas mula nang matagpuan ang lumulutang na bangkay ni Rayden sa ilog malapit sa pinagka-camping-an nila. At nang tanungin silang lahat ng mga pulis, iisa lang ang naging sagot ng magbabarkadang Wantutri—walang nangyaring laro bago ang insidenteng iyon. Pagkatapos nilang maghapunan, pumasok na sila sa kanya-kanyang tent para magpahinga at matulog.

    Hindi maiwasan ni Jermie ang makonsensya sa isinagot niyang iyon, pero sabi nga ni Mike, mas magugulo lang ang lahat kapag may nakaalam ng laro nila bago ang aksidente. Oo, naniniwala siyang isa lang iyong aksidente dahil hindi naman talaga marunong lumangoy si Rayden. Aksidente lang iyon at wala nang iba pang dahilan.

    Hi, girl! nakangiting

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1