Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Code Name: Ravenna
Code Name: Ravenna
Code Name: Ravenna
Ebook180 pages2 hours

Code Name: Ravenna

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Luc is an NBI agent and when he came out of nowhere to rescue Claudia from the goons, it was all she could do to act like a damsel-in-distress. But when it comes to the point of life and death – damn with her secret. She fought... fiercely. He is not the only one trained to protect other people, and she is not about to leave him fighting the evil men who have hurt both their fathers on his own!

But do stories ever end just like that in the lives of the secret elites of Black Bureau, Incorporated? Hah! Of course not. Just when they discovered they've had the hots for since they met, someone gets marked to die.

When the first assassins failed to complete the 'hit' there in the forest, someone more sinister is waiting to step in and finish the job.

LanguageTagalog
Release dateJun 26, 2020
ISBN9780463184486
Code Name: Ravenna

Read more from Elena Parks

Related to Code Name

Related ebooks

Reviews for Code Name

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Code Name - Elena Parks

    The Prologue

    Kumibot-kibot ang duguang mga kamay ni Julian Valverde habang nakahiga sa makapal na dayami sa sahig ng birthing barn kapit nang mahigpit ang kanyang leeg kung saan may sugat. Ramdam niya ang pagkabasa ng kanyang kamay at damit sa mainit na dugong pinipigil niyang umalpas.

    Nakapikit si Julian. Bahagyang nakakunot ang kanyang noo at umaalpas ang luha sa kanyang mga mata.

    Hindi mo…. makukuha… ang gusto mo… pagbubuo ng namumutla niyang mga labi sa mga salita. Hindi… Sa kanyang isip, nakikita niya ang mukha ni Eduardo… at ni Luc… they would be after them, too. But there was Claudia… her and her agency. The Agency. They would help.

    I’m so sorry, my son… I love you so much… I’ve given you so much grief… but it’s going to be alright… Luc…

    May humawak sa kanyang bisig. O nagha-hallucinate ba siya? Hindi na niya alam. May naririnig siyang tinig ng babae… umiiyak. Was it Marie? She wasn’t supposed to be here.

    Pero bago niya matuklasan kung totoo ang mga iyon, tuluyan nang nagdilim ang lahat. At pumikit ang mga mata niya sa mistula ay kahuli-hulihang pagkakataon…

    HULI NA noong narinig ni Eduardo ang ingay mula sa likuran niya.

    Napalingos siya mula sa sinasakyang kabayo, pero sa sumunod na sandali ay humampas ang katawan niya payakap kay Blue Wind matapos matamaan nang kung anong pwersa, at naramdaman niya ang nakakaparalisang sakit sa kanyang ulo.

    It was a struggle to think though his shock. May bumaril sa kanya. Basa ang kanyang mukha sa mainit na likido, at naaamoy niya ang bakal na amoy ng dugo. Imboluntaryo siyang napasabunot sa buhok ng kabayo upang hindi mahulog sa bigla niyong pagtakbo. May parte sa kanyang utak ang nakakapag-isip pa, kahit buong kamalayan niya ay tigil.

    Hindi agad nawalan ng malay si Eduardo. Nararamdaman niya ang vibrations sa lupa, naririnig ang naiiwang mga sigaw at mura sa likod niya ng mga humahabol sa kanila ni Blue Wind. Oh no… don’t shoot the horse…

    Pero unti-unti na siyang nanghihina, nawawala sa kanyang ulirat. Desperado man siyang manatiling may malay, alam niyang hindi magtatagal ay matatalo rin siya.

    Bumaha ang takot sa dibdib niya. Bakit siya? Sino ang mga ito? Anong kasalanan niya?

    Mamamatay na ba siya…?

    Paano ang anak niya?

    Mahabaging Dios, si Claudia ko… Ikaw na po ang bahala sa anak ko…

    Masakit… pero walang mas titindi pang pisikal na sakit sa pighating sumalakay sa kanyang puso habang naiisip na iiwan niya ang kanyang anak. Anong hirap ng loob ang mararamdaman ni Claudia kapag nakarating na ritong wala na siya, at sa ganitong paraan? Sa mga kamay ng masasamang loob habang naroon ito sa Maynila at nagliligtas ng buhay nang iba?

    Ang anak ko… Sisisihin niya ang sarili niya. Claudia… anak… huwag, anak. Wala kang kasalanan…

    Pero hindi na niya natapos ang iniisip dahil noon tuluyang nagdilim ang lahat….

    Chapter One

    May mali…

    Iyon ang naiisip ni Claudia nang maramdaman niya ang biglang pagbabago sa kagubatan habang naglalakad siya sa pusod niyon.

    Pahapon na. It should be noisy, the usual peaceful noise of an undisturbed forest. Pero biglang bigla ang katahimikan. Nawala ang huni ng mga ibon at unggoy sa mga puno, ang ingay ng mga kuliglig, at parang maging pati hangin ay tumigil sa pag-ihip sa mga dahon ng mga puno. Biglang, gaya ng mga hayop, gusto niyong magtago.

    May ibang tao sa gubat.

    Kumabog ang dibdib niya. Malapit na siya sa bangin kung saan niya sana balak magpalipas nang ilang sandali bago umuwi. Pero sa halip ay sa pinakamalapit na puno siya mabilis na napaakyat para magtago rin sa kung anong panganib na ibinababala ng gubat.

    She had climbed up many trees here so many times while she was growing up so it wasn’t really hard. Playground niya ang kakahuyang nakapaligid sa kanilang bukid, na isang malawak na kalupaang pag-aari ng kanyang itay. She was nicknamed Monkey Pigtails because of it. Mayroon siyang mga paboritong puno na sanay siyang akyatin, pero sa mga sandaling iyon ay hindi siya pwedeng mamili.

    Kung kilala niya ang umistorbo sa gubat, alam din ng mga ito kung saan siya hahanapin. Alam ng mga tagabukid kung saan siya nagtititigil dito sa kakahuyan kahit ngayong malaki na siya. Lumaki siyang lamang-gubat. Pero ewan ba niya kung bakit kinakutuban siya nang kakaiba.

    Kung tagarito ang nasa gubat ngayon…

    Hindi sana tatahimik ang gubat.

    Anong ginagawa ng mga unwelcome sa playground niya?

    Tumiim ang bagang niya kasabay nang pag-iinit ng kanyang mga mata.

    Dalawang araw na mula noong pinagtangkaan ang buhay ng kanyang Itay Edu sa gubat ding ito. She still hadn’t recovered from the shock that followed afterwards… at sa sobrang galit na minsan ay nangangatal pa siya dahil doon.

    Who could have done it? Sa sobrang daming mga taong nagmamahal sa kanyang Itay, mga taong pinagmalasakitan nito nang walang pag-aatubili sa mga oras ng pangangailangan, ay walang gagawa nang ganoon sa matanda rito.

    Kilala niya bawat isang nakatira sa farm at sa malapit. This was a very peaceful place. Walang krimeng naganap dito sa kanyang alaala mula noong bata pa siya. Trahedya, sakuna o aksidente, oo. But never anyone hurting someone else.

    Whoever did it would not have come from this place.

    Nagbalik ba ang mga kriminal? Natuklasan ba ng mga ito na hindi napatay ang tatay niya? Dumating na ba ang tsansa niyang masingil ang inutang na hustisya?

    Nasa gubat si Clau dahil binisita niya ang crime scene kung saan binaril ang kanyang Itay Edu. The bullet went through his right temple and out his right eye, na mabuti na lang ay hindi nakapingas sa brain mass nito. They were going to repair his upper face in a succeeding operation, but he would be blind in his right eye. They talked about getting an eye transplant for him pero masyado siyang windang ng mga sandaling iyon at hindi yata siya nakasagot nang maayos sa conversation. Masaya na lang siya na ligtas ito!

    Clau gritted her teeth as her eyes filled with tears. Akala niya mababaliw siya habang nasa labas ng OR noong hindi pa nila alam kung okay na si Itay Edu. Noong nasa ICU na ito, umalis siya at nagtungo rito sa bukid. Wala siyang magagawa sa ospital na hindi kayang gawin nang mas maayos ng ekspertong mga doktor at medical support ng BBI, but this she could do – tumulong mahanap ang mga salaring gumawa nito.

    Nag-predict ng heavy rains at thunderstorms ngayong gabi ang weather forecast kaya na rin agad siyang umuwi sa farm. If she wouldn’t finish processing the crime scene, mabubura nang pagbuhos ng ulan ang mga ebidensyang maaaring hindi nakita ng lokal na mga pulis.

    Nag-tense si Clau nang marinig niya ang mga yabag ng mga paang tumatakbo palapit sa kinalalagyan niya. Kumakabog ang kanyang dibdib habang naghahanda sa kung sino ang kanyang makikita.

    Pero nang sumulpot ang lalaki sa pagitan ng dalawang punong binabantayan ng kanyang mga mata at malantad sa kanya ito, muntik na siyang nakabitiw sa sangang kanyang hawak sa sobrang gulat.

    Luc? tawag niya, hindi makapaniwala.

    Agad na tumingala ang lalaki, pawisang pawisan ang mukha, namumula ang mga pisngi sa pagtakbo. Natigilan ito nang makita siya, saka namilog ang mga mata.

    Clau?! What the… Pagkatapos ay bumaha ang relief sa mukha nito. Clau! muli nitong sambit. Na parang napakaimportanteng makita siya

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1