Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Kung’di na Ikaw at Ako
Kung’di na Ikaw at Ako
Kung’di na Ikaw at Ako
Ebook165 pages2 hours

Kung’di na Ikaw at Ako

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Kahit gaano pa kayo katagal o kahit gaano na kayo ka-komportable sa isa’t-isa kung ang isa ay nagsawa na at nawalan ng gana para mahalin ka, mawawala ang lahat ng masasayang alaala at nawawalan ng saysay ang mga pagsubok na pinagsaluhan ninyong dalawa. Siyam na taon nagtagal ang relasyon namin, akala ko siya at ako na sa dulo pero kapag pamilya at pangarap ang kalaban, hindi ka kakampihan ng tadhana, ikaw lamang mag-isa ang lalaban para ipaglaban ang munti mong pangarap para sa inyong dalawa.

Kung ‘di na ikaw ang dahilan ng saya niya, gagawa ka pa rin ba ng paraan para mapangiti siya?

LanguageTagalog
PublisherUkiyoto
Release dateJun 29, 2021
Kung’di na Ikaw at Ako

Related to Kung’di na Ikaw at Ako

Related ebooks

Reviews for Kung’di na Ikaw at Ako

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Kung’di na Ikaw at Ako - Alejandro Gamueda

    Prologue

    Hinawakan niya ang kamay ko saka inilagay ang kanyang ulo sa aking balikat habang inaawit ng Agsunta ang isang kanta nila.

    Hindi magkamayaw ang mga tao sa pagsigaw, pagsabay sa awit, at iyong iba ay nagyayakapan at naghahalikan.

    Tama nga siya na sobrang galing at mapanakit ng bandang ito na kahit siguro 'yong ibang hindi naman broken hearted ay mapapaiyak kapag nagsimula na silang kumanta. Tagos sa puso e. Kahit nga ako na kasama ko naman iyong taong mahal ko ngayon naaalala ko pa rin iyong mga panahong sobra akong nasasaktan. Iyong sobrang pinagpilitan ko ang sarili ko sa bagay na hindi na talaga puwede.

    I still remember the day when I heard those hurtful words from her. Mga panahong naglakad ako sa ulan nang walang pakialam kahit mabasa, mga gabing sinubukan ko pang ipaglaban ang laro ng tadhana nang mag-isa at mga oras na hindi ako handa na iiwanan lang pala niya ako.

    Thank you, I whispered even if she didn't hear dahil sa lakas ng musika.

    Inakbayan ko siya. Yumakap siya sa akin at hinalikan ko ang kanyang buhok.

    Biglang tumigil ang pagtugtog at nagsimula nang magsalita ang bokalista nila.

    Magandang gabi, sigaw niya. Nagsigawan silang lahat pati ang katabi ko ngayon. Pumalakpak lamang ako dahil sa nilalamig na. Maraming maraming salamat po sa pagpunta ninyo at pagsama sa amin ngayong nalalapit na pasko at sana masarap ang noche buean niyo mamaya.

    Natawa sila dahil doon at napangiti lang ako.

    May nais lang sana kaming hilingin.

    Natahimik kaming lahat at hinintay ang hiling na 'yon.

    Bibigyan po namin kayo ng pagkakataon na kumanta rito sa taas. Pasigaw niyang sinabi 'yon. Sino po ang gustong alayan ang mga exes nila? O kantahan ang mga mahal nila sa buhay?

    Nagkanya-kanyang turo ang lahat at tawanan. Nakita ko ang panay tanggi ng kung sino man ang itinuturo.

    Nagulat ako sa biglang pagbitaw niya sa akin at pagtaas ng kanyang kamay.

    Ako po, buong lakas na sigaw niya dahilan para matahimik ang lahat.

    Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat. Hindi siya magaling kumanta!

    Hoy! Pinanlakihan ko siya ng mata. Anong ginagawa mo?

    Nginitian lang niya ako.

    Mukhang may naglakas na po ng loob, ani ng vocalist ng banda.

    Lakas-loob siyang umakyat sa stage tapos bigla silang nagpalakpakan.

    Binigay sa kanya 'yong mic.

    Magandang gabi po sa lahat, aniya. Sumigaw naman silang lahat habang ako ay kabado. Hindi ko alam kung ipapahiya ba niya ang sarili niya o ano. Hindi po ako ang kakanta ngayon kundi ang aking boyfriend ko.

    Natahimik silang lahat. Mas domoble ang kaba ko dahil sa sinabi niya. Nanlaki ang mga mata ko sa kanya habang tatawa-tawa lamang siya sa stage.

    Alam ko po iyong pinagdaanan niya at sobra po siyang nasaktan, nais ko po sanang ibigay sa kanya ang opportunity na ito para mailabas lahat ng sakit dahil sure akong kulang pa ang iniyak niya.

    Nagsimula na namang umingay ang paligid.

    Ang Agsunta po ang paborito niyang banda kaya gusto ko po siyang palungkutin lalo, tumawa siya. Inaanyayahan ko po ang boyfriend ko rito sa taas ng stage para alayan tayong lahat ng kanta.

    Nagsigawan silang lahat. Inilarawan niya ang suot ko at itinuro niya ako upang umakyat sa itaas. Napailing iling ako dahil sa trip niya.

    Wala akong nagawa nang hatakin nila ako papunta sa taas at ibigay sa akin ang mic.

    Bumaba siya ng stage saka kinuha ang kanyang cellphone tapos itinutok sa akin. Sigaw siya nang sigaw at halos mapiyok na dahil sa lakas ng boses. Nasa harapan siya at siya lamang ang tinitignan ko. Proud na proud siya sa akin. Ang sarap sa mata.

    Sa mga tingin ko ay sinasabi kong 'humanda ka sa akin mamaya.'

    Inilibot ko ang paningin ko. Sobrang daming tao ang narito ngayon sa malamig na gabi. Open area kaya nakikita namin ang kalangitan, balita ko ay may pa-fire works mamaya. Ramdam na ramdam din ang hampas ng hangin at lamig ng gabi.

    Nang ilibot kong muli ang aking paningin ay natulala ako. Nakita ko siya, nakatingin sa akin habang hawak ang kanyang camera mag-isa niya pero biglang lumapit sa kanya ang isang lalaking mahal niya at mahal din siya. Iyong lalaking may lahi kaya mabibigyan siya ng mga gusto niya. Iyong lalaking dahilan kaya niya ako iniwan.

    Umakbay ang lalaki sa kanya habang hinihintay akong kumanta.

    Biglang bumalik ang mga masasayang alaala namin na nagbigay sa akin ng sakit ngayon.

    Iyong pangarap naming manood sa concert ng paboritong banda ay sa iba na niya tinutupad.

    Nagsimula lamang akong gumalaw nang may bumulong sa akin. Tinatanong kung anong kanta.

    Ibinulong ko rin ang sagot. Tumango sila at sinimulan na ang pagtugtog.

    Sa kanya niya ako nakatingin habang kumakanta. Sa lamig ng gabi ay bumaba ang aking luha habang may ibang nakaakbay sa kanya.

    Kung 'di na ako..

    Nanghihina ako pero nilalakasan ko ang loob ko para sa gabing ito at para matapos na ang kanta. Tama nga ang girlfriend ko na hindi pa ubos ang sakit at may iluluha pa ako.

    Nang matapos ang kanta ay sa kanya pa rin ako nakatingin. Nagulat ako nang bigla siyang hilain ng lalaki at sapilitang inilayo. Nakita ko pang nagpumiglas siya pero hindi siya binitawan ng lalaki.

    Dali-dali akong bumaba para sana sundan sila pero may humawak sa kamay ko. Paglingon ko ay nakita kong nakangiti siya kaya para akong tinutusok dahil sa konsensya.

    Ang sakit, gago! Natawa siya tapos niyakap niya ako. Hindi ko na hahayaang masaktan ka pang muli, nandito na ako.

    Alas-Dose .

    Sobrang sarap at saya sa pakiramdam na kasama ko pa rin siya hanggang ngayon. Nine years of living with her is the best.

    Ngayon ang eksaktong ika-siyam na anniversary namin bilang magkasintahan at pinili na lang namin na ipagdiwang ito rito sa condo. Tamang malamig na beer lang at sisig sapat na para sa aming dalawa. Kuwentuhan at tawanan ang ginagawa namin habang nasa harapan kami ng mesa na mababa, magkaharap at nakaupo sa lapag.

    Alam mo minsan, tumingala siya dahil sa pagpigil ng luha. Hindi man niya ipahalata iyon ay alam kong ginagawa niya 'yon sa t'wing ayaw niyang umiyak. Nasasabi kong nakakasawa ka na at nakakainis dahil pagod ako sa mga oras na 'yon and sorry for that.

    Naiintindihan ko 'yon, tinungga ko muna ang beer bago ipinagpatuloy ang pagsasalita. At hindi ako magsasawa na intindihin ka kahit nakakaselos. I laughed casually.

    Paano kung dumating 'yong araw na nagsawa ako? O nainlove sa iba? Biglang tanong niya pero imbes na mainis nginitian ko lamang siya at kumain ng sisig.

    Gagawin ko lahat ng alam kong paraan para maibalik sa dati kung gaano mo sinabi ang mga salitang mahal na mahal mo ako, hindi ako titigil hangga't hindi ko nakikita ang kung gaano ka kiligin sa mga banat ko, kinindatan ko siya at hinawakan ang pisngi niya. Lasing na ako pero malinaw pa rin sa akin na mahal na mahal ko siya.

    Natawa siya sa ka-kornihan ko tapos ay lumaklak ng beer. Hindi ba ang dami kong gustong gawin na ayaw mo? Ang dami kong hilig na ayaw mo rin pero ako pa rin palagi ang nasusunod.

    Ngumiti lang ako. Alam ko 'yon. Gusto niya iyong ganito at kahit ayaw ko ginagawa ko pa rin para sa kanya. Gusto niya iyong ganoon at kahit ayaw ko 'yon ang masusunod dahil ayaw kong dumating sa punto na baka 'yon pa 'yong maging dahilan ng paghihiwalay namin kaya hanggang sa naiintindihan ko siya 'yon ang gagawin ko at isa lang ang dahilan at 'yon ay mahal ko siya.

    Kahit sabihin mo pang pupunta tayong mars gagawa pa rin ako ng paraan para roon tayo titira, sagot ko.

    Paano kung sinabi kong ayoko na sa'yo?

    Napatigil ako sa sinabi niyang 'yon.

    Tapos itigil na natin 'to? Susundin mo pa rin ba?

    Lasing ka na, tumayo na ako, hindi pinansin ang sinabi niya.

    Wala pa akong maisagot sa tanong niyang 'yan kundi hindi ko kaya. Wala 'yan sa plano.

    Tinignan ko sa cellphone ko ang oras at alas-dose na pala ng hating-gabi. Binuksan ko ang playlist ko at pinatugtog ang kanta ng Agsunta na Alas-dose.

    I turned off the light at nagtungo sa kanya na nakaupo pa rin doon. Hinagkan ko siya mula sa likod tapos hinalikan. Napahawak siya sa mesa. Nagulat kaming pareho nang masanggi niya iyong isang bote kaya napatigil kami.

    Natawa na lang kaming pareho.

    Hinawakan ko ang pisngi niya at hinalikan siyang muli. Tumugon siya sa halik na 'yon hanggang sa unti-unti kaming tumayo at naglakad patungo sa kuwarto while doing that. Hindi na namin naisara ang pintuan at kaagad na nagtungo sa kama.

    Natigil 'yon sandali nang hubarin niya ang damit ko tapos ganoon din ang ginawa ko sa kanya.

    I love you, niyakap ko siya pagkatapos 'non habang balot kami ng puting kumot. She hug me back tightly. She is my safe place. Naramdaman ko pang umihip ang malamig na hangin mula sa bintana kaya mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayap sa kanya.

    Marami akong bagay na hindi maibigay sa'yo pero papakasalan pa kita kaya 'wag na 'wag kang magsasawa sa akin ha? I started talking while hugging her. From the start ikaw na talaga ang alam kong dadalhin ko sa altar e.

    Naririnig ko na ang paghilik niya kaya hinalikan ko siya sa noo.

    I love you! I love you! Bulong ko sa kanya.

    Tumayo ako dahil hindi ako makatulog. Nag-CR ako tapos isinindi ang lamp shade tapos tinignan muli ang mga litrato namin na magkasama na nakadikit sa dingding. Hinawakan ko ang isa nang magkasama kami sa Baguio City. Nakaakbay ako sa kanya 'ron tapos nakahalik sa noo niya. Nakataas naman ng kamay niya.

    Ang dami naming litrato together but this is one of my favorite. Last pic namin 'yon sa Baguio at pauwe na and that time, she thank me that much tapos sinabi niya na more travel with me.

    That was a year a ago at sabi nila lahat daw ng pumupunta ng Baguio ay naghihiwalay kaya medyo natakot ako 'non pero look at us now, we're still stronger than before.

    Habang hawak ko ang litratong 'yon ay tumingin ako sa kanya. Naaaninag ko ang mukha niya habang tulog. Lasing man ako o hindi ay pareho pa rin ang pakiramdam kung gaano ko siya kamahal gaya 'nong una o mas minamahal ko siya araw-araw.

    Gustong-gusto ko na siyang pakasalan pero there's on me na hindi pa puwede dahil sa family matter niya. Her family needs her help. Sabi ng mama niya kailangan pa nila si Sasa. Dahil bukod sa may sakit ang papa niya at patuloy itong lumalaban ay si Sasa lamang ang tanging pag-asa nila. May dalawang kapatid siya at iyong bunso ay patuloy niyang sinusuportahan at 'yong pangayan naman ay nasa kanila tumutulong sa pag-aalaga sa papa niya. Kaya as long as mayroon din ako, nagbibigay ako sa kanila.

    Sa totoo lang I really looking forward to have a kids pero hindi pa iyon ang priority ni Sasa and I respect that. Wala naman na rin akong pamilya dahil bukod sa nag-iisang anak lang ako wala na sila mama at papa. They both died on a car accident.

    Kaya para hindi maramdaman ng pamilya niya na inaagaw ko si Sasa sa kanila. I'm willing to help Sasa and her family. Kahit gaano pa katagal 'yan basta kasama ko siya. Kahit gaano pa katagal ang responsibilidad na 'yan sasamahan ko siya.

    Her phone rang kaya tinignan ko kung sino ang nagtext.

    Mama: Nak, uwe ka muna sa 16 kailangan nating mag-usap.

    Today is December 13 kaya tatlong araw na lang ay uuwe na siya at kung 'yon ay gusto

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1