Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Karugtong ng Kahapon
Karugtong ng Kahapon
Karugtong ng Kahapon
Ebook82 pages55 minutes

Karugtong ng Kahapon

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Walang kinalaman sa isang love triangle sa nakaraan si Samantha pero nadawit sila ni Adam... Dahil sa bugso ng mga emosyon, naging mga bihag sila ng isang kasal na hindi nilikha ng pag-ibig.

At kahit na may sumibol na damdamin sa mga puso nila, nangibabaw pa rin ang lason ng nakaraan. Matutuhan kaya nilang magmahal kahit na ang nararapat nilang madama ay tanging pagkamuhi lang?

LanguageTagalog
PublisherRomantique
Release dateAug 2, 2018
ISBN9780463440070
Karugtong ng Kahapon
Author

Romantique

I am Romantique, a Filipino romantic writer. I had written romance in the past and now I am returning to the fiction writing scene. Through the past 10 years, I was an online article writer. Thanks to Smashwords, my dream of writing romance again has become a reality.

Read more from Romantique

Related to Karugtong ng Kahapon

Related ebooks

Reviews for Karugtong ng Kahapon

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Karugtong ng Kahapon - Romantique

    CHAPTER ONE:

          NAKAYUKO si Samantha habang nakikinig sa panalangin na sinasambit nang malakas ng matandang pari, kasabay ng pagwiwisik ng benditadong tubig sa kabaong na yari sa plywood at kawayan.

    Sinikap niyang bawasan ang pagiging hamak at payak ng huling himlayan ng kanyang Lolo Teban sa pamamagitan ng pagkakabit ng mga bulaklak na ligaw sa palibot at sa ibabaw. Ang salamin na ginamit ay kinuha sa kuwadro ng letrato ng mga magulang niya nung ikinasal. Iniipit muna niya sa bibliya iyon habang nag-iipon siya ng ipambibili ng kapalit.

    Kung kailan siya magkakaroon, hindi pa niya alam.

          A, paano na siya ngayon? Nag-iisa na lang siya.

          Ang akala ni Samantha, naubos na ang luha niya. Ngunit nang sinimulan na ang pagbababa ng ataul sa malalim na hukay sa lupa, umagos uli ang maalat na likido mula sa kanyang mga mata. Tahimik siyang umiyak. Ayaw niyang marinig ng sinuman ang pagdadalamhati niya dahil ayaw niyang may maawa sa kanya.

          Nanatiling nakakubli sa ilalim ng suot na belong itim ang kanyang mukha habang kinokontrol ang sarili. Nagtagumpay siyang makalma uli ang kalooban bago natapos ang pagtatapon ng lupa. Blangko na uli ang maskarang iniharap niya sa mga taong nakipaglibing.

         Samantha, ineng, nakikiramay uli kami sa 'yo, pahayag ng matandang babaeng kinikilalang pinuno sa kanilang baryo dahil may nalalaman sa panggagamot. Inaanyayahan kitang sa aming bahay na manirahan. Kawawa ka naman. Nag-iisa ka na lang sa kubo n'yo.

          M-maraming salamat po, Nana Caring, pero mas gusto ko po sa kubong naiwan ni Lolo ako manirahan, ang magalang na pagtanggi niya.

          Tila may gustong sabihin ang matanda pero nagdalawang-isip at hindi na itinuloy. Tumango na lang ito at nagbigay ng isang bungal na ngiti.

          Basta't tatandaan mo lang na palaging bukas ang aming tahanan, ineng, wika nito habang tinatapik-tapik ang mga kamay niyang magkabuhol sa kanyang harapan. O, siya, magpapaalam na ako. May pasyente pa ako sa kabilang baryo.

          Opo. Maraming salamat po uli. Inihatid niya ng tingin ang matandang babaeng malakas pa rin kahit na mahigit otsenta na ang edad.

          Ganito rin kumilos ang kanyang Lolo Teban. Maliksi pa rin kahit na mahigit sisenta naman. Ngunit dahil sa isang maliit na pagkakamali sa karkulasyon, biglang natapos ang masayang pagsasama nilang mag-agwelo.

          Nagtataga ng kawayan na gagamitin sanang pampalit sa mga nabubulok na bakod, nang bagsakan ng mismong pinutol matapos lumiko habang nababali. Hindi na nakailag si Esteban Ignacio nang pagewang na matumba ang puno ng kawayan na singtaba ng braso at singhaba ng poste ng palo-sebo. Tinamaan ito sa tagiliran ng ulo. Nagkaroon ng pagdurugo sa loob ng utak na siyang ikinamatay nito matapos ang tatlong oras na mahimbing na pagtulog.

          Ikatlong araw pa lamang ngayon, mula ng mangyari ang sakunang iyon. Hapon nang iuwi ng mga kasamahan mula sa kasukalan. Kahapon ng umaga naigawa ng kabaong. At ngayong hapon nila inilibing.

          Kung hindi nangyari kay Samantha, hindi siguro siya maniniwalang posibleng magbago ang takbo ng buhay ng isang tao sa loob lang ng tatlong araw.

          Nung isang linggo lang, masaya silang nagbibidahan ng sari-saring kuwento tungkol sa maraming bagay habang naghahanda ng pagkain sa hapunan. Ganitong oras din yata iyon......

           Apo, malapit ka ng magdisi-otso. Tumatanda ka na. Wala ka pa bang balak mag-asawa? Aba'y bukas-makalawa, matrona ka na, ang pabuskang wika ng agwelo. Litaw ang mga namula at napudpod na ngipin dahil sa pagnguya ng nganga. Pero mas makaagaw-pansin ang mga matang tila mga hiyas na nagingislap.

            Namana niya ang mga matang iyon. Kaya naman napakaraming binata sa kanilang baryo ang nararahuyong manligaw. Na lihim niyang ikinayayamot dahil nga walang-wala sa isip niya ang makipagligawan. Aywan kung bakit pero ayaw niyang magplano ng tungkol sa pag-aasawa. Masaya at kuntento na siya sa simpleng pamumuhay nilang mag-lolo.

          Ang Lolo naman, ang bata-bata ko pa po para mag-isip ng tungkol diyan, protesta nita, pero nakangiti. Nagsasawa na po ba kayo sa akin? Kunwa'y nilagyan niya ng himig-nagtatampo ang malambing na tinig.

          Hinding-hindi, apo ko. Kahit na habang buhay, gusto kong nandito ka lang sa piling ko, ang maagap na bawi nito. Pero kawawa ka naman kung paiiralin ko ang magiging makasarili. Paano kapag wala na ako? Mag-iisa ka na lang. Gusto ko sana, bago ako pumanaw, makita na kita na may asawa't mga anak na magmamahal at mag-aalaga sa 'yo. Naging seryosong bigla ang tema ng pag-uusap.

           Naibahan si Samantha ngunit pinalis din agad ang kaba na dumunggol sa dibdib niya. Mangyayari po 'yan, Lolo. Sa takdang panahon, magkakaroon ng katuparan ang mga gusto n'yo, pahayag niya.

           Ngumiti uli ang matandang lalaki. Apo, kapag dumating ang panahong iyon, tinitiyak ko sa 'yo na magiging maligayang-maligaya ako, pangako nito. O, baka naman nadurog na ang isda diyan sa sinigang natin? Kanina pa 'ata kumukulo ang sabaw. Aba'y kumain na tayo. Bigla nitong iniba ang usapan kaya nawaglit na agad ang kaba na idinulot ng mabigat na paksa.

           Ngayon niya napapagtanto na nagpapaalam na pala ang kanyang mahal na Lolo Teban.

           'Paalam din sa 'yo, Lolo, bulong niya habang inilalagay sa ibabaw ng puntod ang maliit na pumpon ng mga bulaklak na puti. Sari-sari. May sampaguita, rosal, magnolia, at rosas. Alam niyang magugustuhan ng agwelo ang pabaon niya dahil ang mga iyon ang malimit na ibigay sa agwela niya nung nagliligawan pa, ayon sa kuwento nito. 

           'Tiyak na masaya na kayo, dahil magkikita na kayo ni Lola Rosa. Kumusta na lang po kay Inay... At kay Itay--kung nandiyan na rin siya...

            Hindi pa siya ipinapanganak nang yumao ang kanyang Lola. Maliit pa siya nang pumanaw ang kanyang Inay. Ayon sa sabi-sabi ng mga kapitbahay, hindi na raw nakayanan ng ina niyang

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1