Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Nangangako ang Bukas
Nangangako ang Bukas
Nangangako ang Bukas
Ebook79 pages57 minutes

Nangangako ang Bukas

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

"AnSi Atty. Agatha Louise Palma, 26, manunulat, dating aktibista at aktibong organisador noong kolehiyo ay nagbalik Pilipinas buhat ng limang taong pag-aaral ng pagkaabogasya sa Amerika, upang magbigay ng libreng serbisyo at dahil malaking bahagi ng sarili niya ay pilit niya pa ring hinahanap. Nakatagpo niyang muli si Claveria ‘Sol’ Soledad, 26, pintor, hayag na tibo, isang higit pa sa kapanalig sa kaniyang adbokasiya para sa mga kababaihan at LGBTQIA+ limang taon na ang nakararaan ay nasangkot sa pornograpiya at prostitusyon. Waring nalimutan na ng dalawa ang daan tungo sa isa’t isa. Si Agatha lamang ang matatakbuhan nila Sol at ng mga babaeng biktima ng eskandalo. Pipiliin niya ba itong isalba at makikipagtulungan ba siya kung si Sol ang mitsa ng unang beses na pagkaligalig ng kaniyang sekswalidad na nililihim niya noon pa? Ang pagsasamang winasak ng masalimuot na lipunan limang taon na ang nakalilipas, ay handa na ba muling makibaka para sa isang pangarap na bukas?
Ang Nangangako ang Bukas ay unang nobela ng may-akda na nagpapamalas ng mga sala-salabat na suliraning patuloy na dinadanas ng Kababaihan at ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer, Intersex, Asexual atbp. (LGBTQIA+) sa pamilva, paaralan, trabaho, relihivon, midva, kultura at lipunan. Maingat nitong tinalakay ang hitik na kontradiksyong pumipiglas sa pag-ibig ng dalawang nilalang na noon ay nawasak ngunit susubok muli.
Sa Pilipinas, ang komunidad ng LGBTQIA+ ay sektor ng lipunan na napag-iiwanan para sa mga karapatan at ganap na pagtanggap. Kaugnay nito ang Kababaihan ay nananatiling bulnerable sa isang macho-patriyarkal na bansa. Alay ng may-akda ang nobela sa lahat ng indibidwal at organisasyong naniniwala, nagtitiwala at kumikilos para sa panlipunang pagbabago. Layon nitong mapalaya ang ating mga isip at puso sa kasalukuyang paniniwala at sistemang nagnonormalisa ng diskriminasyon, karahasan at inhustisya laban sa Kababaihan at LGBTQIA+ mula sa pang-araw araw na pamumuhay at pagdanas ng buhay sa tirahan, paaralan, trabaho, simbahan hanggang sa ilalim ng batas.
Ginawaran ito ng ikatlong karangalan sa unang taon ng Normal Awards for Gender-Inclusive Literature 2021 para sa kategoryang Nobelang Pangkabataan. Ang paligsahan ay itinaguyod ng Philippine Normal University - University Center for Gender and Development upang isulong ang kamalayan, inklusyon at pangkasariang pagkakapantay-pantay gamit ang panitikan at pagsulat. Ang akda ay binubuo ng sampung kabanata at rekomendado para sa mambabasang edad 13-18.
g librong ito ay paunang paglilikom lang ng mga tula ng may-akda. Hinugot nya ang inspirasyon ng mga kanyang mga tula mula sa mga karanasan, tagumpay, pagsubok, at mga samu’t-saring aral ng buhay. Nagsimula ang kanyang pagsusulat mula sa murang edad na 17 hanggang sa ngayong may sarili ng pamilya sa edad na 37.
Ang paglilimbag ng kanyang mga tula bilang isang libro ay isa sa kanyang matagal ng pangarap. Naniniwala syang ito ang pinakamabisang paraan upang maibahagi nya ang kanyang mga panulat, hindi lang sa kasalukuyan ngunit pati na rin sa hinaharap.
Bilang pagpupugay sa kanyang lugar na kinalakihan, kung saan nagsimula syang magsulat, ang aklat na ito ay pinamagatang “Unahi”, isang diyalektong Marinduqueno na ang ibig sabihin ay “go ahead”. Inuudyukan ng may-akda ang sinumang magbabasa na kung may nais silang gawin sa kanilang buhay, huwag ng mag-atubili at gawin agad hanggat may lakas pa.
Hindi katulad ng ibang aklat ng tula, isinalaysay din ng may-akda sa aklat na ito ang mga kwento sa likod ng kanyang mga tula, upang lubusang maintindihan ang kanyang damdamin at inspirasyon habang isinusulat niya ito.

LanguageTagalog
PublisherUkiyoto
Release dateMay 7, 2022
ISBN9781005903640
Nangangako ang Bukas

Related to Nangangako ang Bukas

Related ebooks

Reviews for Nangangako ang Bukas

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Nangangako ang Bukas - Maria Jamaica S. Columbres

    Chapter 1

    SIYA SI AGATHA LOUISE, (she/her/26), bagong abogado.

    Nagising siya sa lakas ng tunog ng kaniyang cellphone, ala-siyete ng umaga, may nambubulabog. Sa kabilang linya, ang nakababata niyang kaibigan si Francisco Jr., (she/her/22), Cisco sa umaga, estudyante ng Pamantasan ng Makati. Frencheska naman, Eska for short, sa gabi. Rumarampa sa gay bars bilang comedian o ‘di kaya, dumadayo sa mga beauty pageants kung saan-saan. Bago nakilalang drag queen ng Makati, raketera na talaga ‘to simula pagkabata para lang maka-survive. Pinalayas kase siya dahil hindi tanggap ng pamilya, ng pulis na ama na siya’y ladlad na bakla. Nagkakilala ang dalawa nang namasukan si Eska na tagapamahala ng tinutuluyang studio-type apartment ni Agatha sa Kalye ng Burgos ng Makati.

    Atihh! Ughh. Kumusta kaaaa?! Hindi ka man lang nagsabi, dapat sana’y nasundo man lang kita sa airport. Ano ba ‘yan!

    Hello. Hellooo? Nandyan ka ba? Ang sabi nu’ng poging-pogi si Marcus, ito pa rin numero mo.

    Magsalita ka naman! Ga-tha!

    Sabik na sabik si Eska kay Agatha. Halos ituring niya nang nakatatandang kapatid. Nagpapadala ito sa kanya ng pera, dagdag pang-allowance na halos walang palya, isang beses sa isang buwan sa loob ng nagdaang limang taon buhat nang nilisan nito ang Pilipinas.

    Tumira si Agatha sa California, kung sa’n siya nakatanggap ng prestihiyosong scholarship sa kapita-pitagang Stanford Law. Matagal nang US Citizens ang kaniyang ama’t ina. Retiradong senador ang tatay niyang si Anluver Enriquez Palma na nagpursige sa kaniyang lisanin ang Pilipinas. Kung papipiliin kase si Agatha, mas gusto niyang tumira at makapag-aral ng pag-abogasya sa Pilipinas. Hinding-hindi niya ito ipagpapalit sa Amerika, gaano man ka prestihiyoso ang Stanford.

    Magtatampo na ‘kooo. Isa!

    Mas tuminis at numipis ang boses nito kaysa dati. Napangiti ang nakapikit pang si Agatha pagkatapos ay napilitang dahan-dahang bumangon sa kama.

    Wag magtampo, Cisco.

    ...Ba’t ka naman kase tumatawag ng gan’to kaaga, naninibago pa ‘ko, ganitong oras gabi pa sa Amerika."

    Ay Ate pasensya ka na, na-excite lang talaga. Miss na miss na kase kita!

    Pupuntahan kita. Ikaw talaga ang una kong pupuntahan.

    Zsa Zsa Padilla, Babooo!

    NAKA-CHECK IN si Agatha ng araw na iyon sa isang five-star hotel sa may Pasay. Kinuha niya ang susuutin niyang blouse, slacks at stiletho sa napakalaki niyang luggage. Mayamaya ay may paparating sa kaniyang kuwarto, nag-doorbell. Baka empleyado ng hotel, sa isip-isip niya. Pagkapihit niya sa hawakan ng pinto ay tumambad ang 5-foot-10, matipuno, moreno at guwapong si Marcus Lucero (He/Him/26), hawak paangat ang tray sa kanang palad na parang lehitimong doorman.

    Ms/Ma’am, ay mali, Attorney na pala dapat... Attorney, at your service, pagkatapos ay ipinatong nito sa round table ang tray. May nakahaing dalawang pancake, ham, cheese, sandwich at egg.

    Anong ginagawa mo dito?

    Ang sungit naman.

    Kumurba ang kulay-rosas na labi ni Agatha at niyakap ang binata.

    Pinapunta ako ng Papa mo. Bodyguard mo raw. Isang saglit lang, may nareceive siyang voice call.

    Papa naman!

    Anak, para sa kaligtasan mo, nag-aalala kase ‘ko sa’yo. May tiwala naman ako kay Marcus. Nandiyan na ba siya? Tinapat niya ang screen ng cellphone kay Marcus at magiliw na kumaway-kaway ito.

    Oo, Pa nandito na siya.

    Sige, mabuti. Bye anak. Wag magpaka-stress. Enjoy your stay there.

    Nang mag-end call, napansin niya na kanina pa siya tinititigan ni Marcus, waring sinusuri siya mula ulo hanggang paa. Ngumisi lang ang binata sa kanya. Natawa na lang din siya pabalik.

    Grabe, ibang-iba ka na Agatha, este Attorney.

    Marcus, umasta ka namang close tayo. Ako pa rin ‘to, ang bestfriend mo, si Agatha.

    Batchmates sila ni Marcus noong High School. Sobrang bait nito sa kanya. Kahit madalas silang gaw’an ng isyu ng mga kaklase ay dedma sila. Si Marcus ang mahusay sa Sipnayan at Agham, si Agatha naman sa Ingles at mga Agham Panlipunan kaya study buddy nila ang isa’t isa. Nang mag-college, naging magkaklase sila sa ilang asignatura, kabilang na ang Etika, Panitikan at magkasama rin sa mga trabaho bilang opisyal ng Student Council.

    Tama, sa bestfriend ko, na-busted ako.

    Nagbalik kay Agatha ang eksenang umamin sa kanya si Marcus sa library pagkatapos ng pulong nila sa Council. Kahit itaga pa sa bato, mapapangako niyang hindi niya kailanman nahalata na may pagtingin pala sa kanya ang binata. Buhat ng pag-amin nito, kahit kailan hindi siya nailang, hindi rin nakaramdam ng kung anong espesyal na kilig, higit pa sa pagkakaibigan na mayroon sila.

    Ha? Hindi ako nagpaligaw before ah.

    Ay oo nga pala. Iba pala yung naging bet mo.

    Natigilan si Agatha, kumunot ang kaniyang noo at hinawakan ito. Naalala niya ang dapat nang kalimutan.

    Kumusta ka naman? Tigil-tigilan mo na sana ‘yung pambababae mo, ha. Para maka-build ka na ng long lasting relationship.

    Uy nagbago na ko. Ang babae, dapat iniingatan ‘yan.

    Kaya pala iningatan mo silang lahat.

    Ikaw ang pakaiingatan ko dito... biro lang!

    Alam ni Agatha na nasaktan niya si

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1