Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Bullet With A Name (Tagalog Edition)
Bullet With A Name (Tagalog Edition)
Bullet With A Name (Tagalog Edition)
Ebook328 pages3 hours

Bullet With A Name (Tagalog Edition)

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Paghihiganti. Kapootan. Tiwala.
"Hinding-hindi siya titigil hanggang sa matagpuan na niya ang mamamatay-tao..."

Kilalanin si Vladimiro Hartmann, ang isang binata na naghahangad ng hustisya matapos patayin ng isang misteryosong mamamatay-tao ang kanyang mga magulang noong 1990. Sa gitna ng kanyang dalamhati ay nakilala niya si Pancho Altamirano, at nag-alok si Altamirano ng tulong sa kanya upang hanapin ang mamamatay-tao na iyon sa pamamagitan ng pagsama niya sa kanya. Dahil kay Altamirano, si Hartmann ay sumali sa isang organisasyon ng Mafia na kung tawagin ay Altamirano Crime Family. At nang siya'y naging isang Mafia Soldier, binago ni Hartmann ang buong pagkakakilanlan niya bilang si El Sicario - ang isang propesyonal na hitman ng Altamirano Crime Family. Ngayon ay hinding-hindi siya titigil hanggang sa matagpuan na niya ang mamamatay-tao...

Nagustuhan mo ba ang Bullet With A Name? Bigyan ito ng magandang rating at review!

LanguageTagalog
Release dateApr 15, 2018
ISBN9781370834686
Bullet With A Name (Tagalog Edition)
Author

Kirsten Nimwey

Kirsten Nimwey is an artist, illustrator, and a novelist. She was born in Manila, Philippines on March 23, 1990 to both Filipino parents. She graduated in college under Bachelor's Degree in Information Technology and is currently working as an artist, specializing in cartoon illustration industry. Her first novel series, "The Explorers" was published on November 2013 in Filipino Edition.

Read more from Kirsten Nimwey

Related to Bullet With A Name (Tagalog Edition)

Related ebooks

Related categories

Reviews for Bullet With A Name (Tagalog Edition)

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Bullet With A Name (Tagalog Edition) - Kirsten Nimwey

    Roma, Valvassori. Taong 1981.

    Nagsimula ang paunang kuwento ngayong gabi sa isang kilalang restaurant na kung tawagin ay Unicorno Bianco.

    Ang Unicorno Bianco ay isang simpleng restawran lamang dito sa kalye ng Via del Roma ngunit isa ito sa mga kinikilala dahil sa masasarap at kilala nitong putahe sa siyudad. Hindi natin masasabing kasing elegante ito ng mga 5-star restaurants, ngunit maaari na rin itong ihanay sa kanila (halos).

    Dahil sa kanilang mga putahe ay madalas itong pinupuntahan ng mga lokal at maging mga dayuhan - lalo na ang kanilang mga specialities. Nagbubukas ito tuwing ikapito ng umaga at magsasara naman ng ikasampu ng gabi.

    Ngunit ngayong gabi ay hindi muna magsasara ang nasabing restawran dahil may isang selebrasyon doon. Ilang saglit lang ay nag-umpisa nang tumugtog ang grupo ng mga orkestra nang magpalakpakan na ang mga tao sa loob.

    Ikasampu na nga ng gabi, at dapat ay oras na ito ng pagsara ng restawran. Subalit may isang kilalang kumpanya ang nagbigay ng malaking treat sa kanilang mga manggagawa ng dalawang araw na bakasyon sa Roma at isang gabing party sa Unicorno Bianco. Kahit kilala ang kumpanyang ito na nakabase sa Muran at kayang-kaya ang 5-star restaurant ay pinili pa rin nila ang Unicorno Bianco dahil sa masasarap nitong putahe.

    Dahil doon ay bukas ang restawran hanggang kinabukasan. Nang tumugtog na ang orkestra ay kanya-kanya nang nagsayawan ang mga manggagawa kasama na rin ang mga nasa mataas na posisyon ng kumpanya. Sa gitna ng kasiyahan ay abala naman ang mga waiters at waitresses sa paghahanda ng mga putahe sa iba’t-ibang mesa.

    Ito na ang isa sa mga pinakamasasayang araw sa buong buhay ko! hiyaw ng isang optimistic na manggagawa na mag-isang sumasayaw sa gitna ng hall. Nagpapasalamat ako’t napabilang ako sa kumpanyang ito! dagdag pa niya.

    Pagkatapos ng panimulang tugtugin ay nagsalita na ang CEO ng kumpanya para sa kanyang speech. Nagpalakpakan ang lahat. Nakaupo na ang lahat nang maihapag na rin ang lahat ng mga pagkain sa mesa.

    Natapos na ang speech nang magpalakpakan uli ang lahat at sila’y sabay-sabay nang nagsikain. Pagkatapos ay inilapag naman ng mga waiters ang mga baso’t bote ng alak. Muling tumugtog ang orkestra nang sabayan naman ito ng mga samu’t saring boses ng mga nag-uusap. Nang matapos ang kainan ay muli silang nagtayuan upang sumayaw uli.

    May isang grupo ng mga manggagawa ang nakaupo sa isang sulok na mga hindi muna nakisali sa sayawan. Sila’y mga apat na lalaki, na mga nag-uusap lang ng tahimik habang umiinom ng alak.

    Sana’y mas lalo pang magtagumpay ang kumpanyang ito, wika ng isang Valvassorian na manggagawa na ang pangalan ay Alessandro. At sana sa susunod ay magbakasyon naman tayo sa labas ng bansa! dugtong niya sabay inom ng isang basong alak.

    "Sayang at wala ka noong mag-treat si boss sa Maldeen! sagot ng isa ring Valvassorian na manggagawang si Alfonso. Napakaganda ng dagat doon! Akala ko nga noo’y nasa paraiso na ‘ko at ayaw ko nang bumalik dito!"

    Oh talaga? Ilang araw kayo doon? tanong ni Alessandro.

    Matagal na kasi ‘yun eh, pahimas-babang wika ni Alfonso. Pakatanda ko, isang linggo ‘ata!

    Nakasama ka na ba namin noon doon sa Maldeen, Sebastian? tanong ni Alessandro sa kaharap niyang manggagawa rin na isang Gurman-Gringo na si Sebastian.

    Patlang.

    Natigilan si Alessandro nang hindi siya sinagot ni Sebastian at napansin niya na malayo ang tingin nito. Kaya napalingon siya sa likuran niya nang makita niya ang isang waitress na nagse-serve ng tatlong bote ng alak sa kabilang mesa.

    "Hoy, Sebastian! Pansin ko’y kaninang-kanina mo pa tinititigan ang waitress na ‘yan, ah! wika niya kay Sebastian. Kung talagang may interes ka sa kanya, ba’t di mo hingin ang pangalan niya pati na rin ang address niya?!"

    Mamaya na lang, maikling sagot ni Sebastian sabay inom ng alak, ngunit hindi pa rin niya inaalis ang tingin niya sa waitress na ngayo’y umalis na pabalik sa isang kuwarto.

    Pasado alas singko na ng umaga nang matapos na ang party. Paisa-isa nang sumakay ang lahat ng mga dumalo sa kanilang service bus pabalik na sa Muran. Sumakay na ang grupo ni Alessandro ngunit hindi nila napansin na hindi pala nila kasama si Sebastian.

    Palihim na nagtago si Sebastian sa likod ng restawran upang antayin ang waitress na lumabas ng restawran upang umuwi na rin. Maya-maya pa’y lumabas na nga ang babae, at binati niya ito ng may ngiti.

    "Ciao!" bati niya sa waitress na nakabihis na ng kanyang pang-alis.

    Nagulat ang babae. "C-Ciao..." alanganin nitong sagot ng nakayuko.

    Puwede ba ‘kong magpakilala? Ako nga pala si Sebastian Hartmann. Taga-Muran. Pero galing talaga ako sa bansang Gringham. Dito lang ako nagtatrabaho. Ikaw? Maaari ko bang malaman ang pangalan mo at sa’n ka nakatira?

    Um... V-Valeria Velasco... sagot nito ng nakangiti.

    Ah, ikinagagalak kitang makilala, Valeria... sagot ni Sebastian ng nakangiti. Tagarito ka ba, Valeria?

    Umiling si Valeria. "Um, hindi... Isa akong Consolenni mula sa bansang La Consolacion. Nagtatrabaho lang din ako rito bilang waitress ng Unicorno Bianco."

    Ah, kaya pala iba ang tunog ng apelyido mo...

    Namula ang babae. Ikaw rin, ginoong Hartmann...

    Patlang.

    Um... umpisa uli ni Sebastian. Kung ayos lang sa ‘yo, um... na malaman ko kung saan ka nakatira para madalaw kita paminsan-minsang mapalibre ako sa trabaho? nahihiya nitong tanong.

    Hindi naman tumanggi si Valeria na ibigay ang kanyang address sa binata. Tutal naman kasi ay matangkad, maputi, guwapo, at mukhang maginoo si Sebastian... Sino ba namang babae ang di tatanggi sa alok nito na dalawin siya sa kanyang bahay?

    Nang malaman na ni Sebastian ang address ng dalaga ay saka na siya tinawag ni Alessandro mula sa malayo. Siya na lang pala ang inaantay ng lahat.

    Sebastian! Sebastian! Ano ba??! tawag ni Alessandro mula sa malayo. Ikaw na lang ang inaantay! Kaya ka pala biglang nawala sa ‘min! aniya.

    Ah siya, sige... nagkamot na ng ulo si Sebastian. Aalis na ‘ko. Dadalawin kita dito sa Roma kapag napalibre ako sa trabaho.

    Ikinagagalak kitang makilala, Ginoong Hartmann... nakangiting wika ni Valeria ng namumula.

    Sebastian... sagot niya. Kahit Sebastian na lang ang itawag mo sa akin.

    Hoy, Sebastian!!! tawag uli ni Alessandro.

    "O siya, magkita na lang uli tayo sa susunod. Mag-iingat ka sa pag-uwi, Valeria. Addio!"

    Kumaway na si Sebastian kay Valeria at pagkatapos ay nagtungo na siya sa kanilang service bus kasama si Alessandro.

    Tinupad nga ni Sebastian ang sinabi niya kay Valeria. Dinadalaw niya ang dalaga sa kanyang tahanan tuwing ikahuling linggo ng bawat buwan, kahit na mahigit limang oras ang layo ng biyahe mula Muran hanggang Roma. Sa mga bawat linggo ng pagkikita nila ay unti-unti nang nabubuo ang pagtingin nila sa isa’t-isa... habang patuloy pa rin nilang kinikilala ang isa’t-isa.

    Sa madaling salita ay nagkaroon na sila ng opisyal na relasyon. At pagkalipas ng pitong buwan ay nagdesisyon na silang magpakasal. Nang magpakasal sila ay nagdesisyon na sila na manirahan na lang sa La Consolacion, upang mamuhay bilang mag-asawa at bumuo ng sarili nilang pamilya doon. Dahil doon ay iniwan na nilang dalawa ang kanilang trabaho sa Muran at Roma, at pagkatapos ay lumipad na sila patungong La Consolacion.

    Hirap man ang naging buhay sa La Consolacion dahil walang mahanap na trabaho ang mag-asawa ay naisipan na lang nilang magtayo ng simpleng negosyo. At pagkalipas ng isang taon ay nabiyayaan naman sila ng anak na lalaki at ipinangalanan nila itong Vladimiro. Mabuti na lang ay may nahanap namang trabaho si Sebastian ngunit hindi sapat ang kita niya sa pang-araw-araw nilang pamumuhay.

    Lumipas ang dalawang taon ay nawalan na ng trabaho si Sebastian dahil nalugi ang kumpanyang pinagtatrabahuhan niya. Sa kasamaang palad ay humina rin ang kanilang negosyo hanggang sa ito’y tuluyan nang nagsara. Kailangan nilang magkaroon kaagad ng pera para sa kanilang pamilya, at para na rin sa kinabukasan ng anak nilang si Vladimiro. Dahil doon ay naisipan na ni Sebastian ang bumalik uli sa Valvassori upang doon magtrabaho. Umutang muna siya ng malaking pera sa pamilya ni Valeria na nasa Merlid, naglakad ng mga papeles, at pagkatapos ay matagumpay naman siyang nakalipad patungong Valvassori.

    Pagkalipas ng isang buwan ay may ibinalita si Sebastian sa kanyang asawa na may nahagilap na siyang isang magandang oportunidad. Mula noon, buwan-buwan ay nakakapagpadala na siya ng pera sa kanyang pamilya sa La Consolacion, at habang tumatagal ay palaki na ng palaki ang kanyang padala. Dahil doon ay natutustusan na ng mag-ina ang kanilang mga pangangailangan sa araw-araw.

    Pagkalipas ng ilan pang buwan ay niyaya na ni Sebastian si Valeria na magtungo na rin sa Valvassori upang magtrabaho kasama niya. Dahil alam ni Valeria na malaki na ang kinikita ng kanyang asawa ay di na siya nag-atubiling sumama. Kaya nag-ayos na rin siya ng mga papeles, naghanap ng mag-aalaga kay Vladimiro sa Bartellina, at pagkatapos ay lumipad na rin siya patungong Valvassori.

    PROLOGUE - TWO

    Bartellina, La Consolacion. Taong 1987.

    Nanatili pa rin sa bansang Valvassori ang mag-asawang Hartmann, at naiwan ang kanilang anak na si Vladimiro sa La Consolacion kasama ang kanyang tagapangalaga. Kahit tatlong taon na ang kanyang mga magulang sa Valvassori ay nananatili pa rin ang kanilang komunikasyon, dahil buwan-buwan ay nagpapadala rin sila ng sulat sa kanya kasama na ang malaking halaga ng pera.

    Limang taong gulang na si Vladimiro, at dahil doon ay pinag-aral na siya ng kanyang mga magulang sa Escuela Santo Benedicto. Sampung minuto lang ang layo nito mula sa kanyang tinitirhan gamit ang school bus. Mismong ang kanyang tagapangalaga ang naghahatid sa kanya sa eskuwelahan na may kasamang kuwentong pambata upang lalo siyang maengganyo sa kanyang pagpasok.

    Sa kasamaang palad ay hindi naging maganda ang unang araw ng pagiging buhay-estudyante ni Vladimiro. Nagkaroon kaagad siya ng mga kaaway. May isang grupo ng mga estudyanteng nasa edad sampu ang biglang sumugod sa kanya at siya’y pinagsususuntok at pinagtatadyakan ng mga ito sa labas ng campus. Nangyari ito noong break time. Ang dahilan? Ang pagkakaroon lang niya ng dugong dayuhan.

    Hindi napapabilang dito ang mga batang hindi Consolenni! sigaw ng isang bata na si Pedro. Paano ka nakapag-aral dito? Hindi ka ba nahihiya na naiiba ka sa lahat?

    Samantala, nakaluhod lang si Vladimiro sa lupa na may dugo na sa labi.

    Alam mo kung anong magiging tawag sa ‘yo niyan? tanong naman ng isa pang estudyante na si Rolando. "Ang tawag sa ‘yo ay ‘extraterrestre’! Hindi ka tao, kundi isa kang extraterrestre!"

    Kung tutuusin kasi ay mas binibigyang prayoridad talaga ng Escuela Santo Benedicto ang lahat ng mga mag-aaral na Consolenni kaya hindi muna sila tumatanggap ng mga dayuhan. Ngunit kaya naman nila tinanggap si Vladimiro ay dahil sa kanyang ina na isang Consolenni.

    "Extraterreste! Extraterreste! Extraterreste!!!" sabay-sabay na panunukso ng mga estudyante kay Vladimiro, hanggang sa dumating na ang isang guro na si Mrs. Gonzales.

    Anong kalokohan na naman ito? gulat na wika ni Mrs. Gonzales. "Tigilan n’yo siya! Mga pasaway talaga kayo! Maya-maya’y ipadadala ko kayo kaagad sa Guidance Office!"

    Nasindak naman niya ang mga pasaway na bata nang magsitakbuhan na ito papalayo kay Vladimiro. Nilapitan niya ang kaawa-awang si Vladimiro na ngayo’y nakatayo na’t humihikbi ng malakas.

    Ayos ka lang ba? tanong ni Mrs. Gonzales. "Pasensya na... Matagal nang hindi maganda ang record ng mga batang iyon sa eskwelahang ito," paumanhin niya.

    Hindi sumagot si Vladimiro. Umiiyak pa rin siya.

    "Mamaya’y dadalhin ko sila sa Guidance Office upang ipatawag ang kanilang mga magulang. Halika, dadalhin kita sa klinika para gamutin ‘yang sugat mo sa labi."

    Hinawakan ni Mrs. Gonzales ang kamay ni Vladimiro ngunit agad siyang pinigilan nito. Nagulat ang adviser.

    Huwag mo ‘kong hawakan! sigaw ni Vladimiro nang agad siyang tumakbo papalayo kay Mrs. Gonzales.

    Pagkalipas ng ilang araw ay kinalimutan na ni Vladimiro ang nangyari sa kanya noong unang araw ng pagpasok. Ngunit sa kinatagalan ng kanyang pag-aaral ay hindi man lang siya nagkaroon ng kahit isang kaibigan. Sa halip ay nagkaroon pa siya ng maraming kaaway... Dahil sa tuwing nakikita siya ng grupong iyon ay agad uli siyang sinasaktan ng mga ito na may kasamang tawa at panunukso.

    "Extraterreste! Extraterreste! Extraterreste!!!"

    Sa loob ng dalawang taon ay naging biktima si Vladimiro ng bullying, dahilan iyon ng pagkakaroon na niya ng matinding trauma sa pagpasok sa eskwelahan. Minsan, isang linggo na siyang hindi pumapasok. Minsan pa nga ay dalawang linggo.

    Ipinaalam naman ito ng tagapangalaga niya sa kanyang mga magulang sa pamamagitan ng sulat... iyon nga lang ay wala na siyang natanggap na sagot mula sa kanila. Sa katunayan nga ay wala na silang naririnig na anumang balita sa mag-asawang Hartmann sa Valvassori mula pa noong tatlong buwan na ang nakalilipas. Sa isang iglap ay bigla na lang silang hindi nagparamdam sa di malamang dahilan. Walang anumang sulat, at wala na ring padalang pera.

    Mula noon ay pinagkasya na lang ng tagapangalaga ni Vladimiro ang lahat ng natirang pera nila sa bangko. Tumigil na sa pag-aaral si Vladimiro, na hanggang ngayon ay sumasailalim pa rin sa matinding trauma at depresyon.

    Pagdating ng Disyembre ay biglang dumating ang mga magulang ni Vladimiro sa kanilang tahanan. Ikinagulat iyon ng dalawa at tinanong ng tagapangalaga kung bakit sila umuwi ng biglaan at hindi agad ipinaalam sa kanila. Tinanong rin niya ang dahilan ng matagal nilang di pagpaparamdam sa loob ng ilang buwan. Ngunit hindi siya sinagot ng mag-asawa. Sa halip ay itinuon na lang nila ang kanilang pansin sa muling pagpapatayo ng negosyo at ituloy muli ang pag-aaral ni Vladimiro (nang malaman nilang huminto na pala ito sa pag-aaral).

    Mabuti nama’t nakumbinsi nila si Vladimiro na bumalik na uli sa pag-aaral, nang mahimasmasan na uli siya sa nangyaring pananakit sa kanya ng grupo ng mga estudyante. At para matapos na ang away ay kinausap na rin ng mag-asawang Hartmann ang mga magulang ng mga estudyanteng iyon sa Guidance Office. Doon lang nalaman ng mag-asawa na may ilan sa mga magulang ay miyembro pala ng isang sindikato nang makita nila ang iisang tattoo sa kani-kanilang braso.

    Hindi kumibo ang mag-asawang Hartmann. Hanggang sa huli ay nakipagkamayan na lang sila sa mga magulang, nagngitian sa isa’t-isa (kahit di natural), at pagkatapos ay umalis na ng Guidance Office kasama si Vladimiro.

    Pagkalipas ng mga ilang buwan...

    Kasalukyang nasa eskwelahan si Vladimiro at katatapos lang ng kanyang klase. Hapon na at oras na ng pag-uwi. Nakaparada na ang mga service buses na susundo sa mga estudyante. Sumakay na ang ilan sa mga bus, habang ang ilan ay nakikipagkuwentuhan pa sa kani-kanilang mga kaklase sa labas ng campus.

    Sa kasamaang palad ay nasiraan pala ang bus na susundo kay Vladimiro. Kaya nagtungo na lang siya sa waiting shed upang antayin ang tagapangalaga niya na siyang susundo sa kanya kapag wala ang bus. Naging gawain na iyon ng tagapangalaga kapag hindi makakasundo ang service bus ni Vladimiro. Ang meet up nila ay sa waiting shed.

    "Diyan ka lang at huwag kang aalis, ha? Dadating ako diyan ng 15 minutes..." iyon ang palaging bilin sa kanya ng tagapangalaga niya kapag ito ang susundo.

    Lumipas na ang dalawampung minuto, ngunit hindi pa rin dumadating ang tagapangalaga. Tumingin sa relo si Vladimiro hanggang sa lumipas na ang dalawampu’t limang minuto. Wala pa rin, sa loob-loob niya. Nasa’n na kaya si ate?

    Tatlumpu’t minuto na ang lumipas at wala pa rin ang kanyang tagapangalaga.

    Hindi na natiis ni Vladimiro ang inip nang makita niya na iilan na lang ang nasa labas. Nakaramdam na siya ng pag-aalala. Gusto na niyang umuwi. Nagugutom na siya. Ngunit bakit wala pa rin ang kanyang tagapangalaga? Hindi pa ito nahuhuli ng ganitong katagal, dahil alam niya na palagi itong on time.

    Apatnapu’t minuto na ang nakalilipas at hindi pa rin ito dumadating...

    Hindi na talaga nakatiis si Vladimiro. Kaya nadesisyon na siyang sirain ang rule nang iwan na niya ang waiting shed upang umuwi na lang ng mag-isa niya. Ngayon lang niya gagawin ito, ngunit malaki na raw siya. Walong taong gulang na raw siya. Isa pa ay alam naman niya ang daan pauwi.

    Pagkalipas ng kalahating oras ay nakarating na siya sa kanilang tirahan. Pero malayo pa lang sa kanyang bahay ay biglang nag-iba na ang kanyang pakiramdam. Isang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag. Isang pakiramdam na kahit kailan ay hindi pa niya naramdaman sa buong buhay niya.

    Napansin niya ang kanilang bahay na mukhang tahimik na may nakakakilabot na tunog ng hangin. Hindi niya maintindihan kung bakit, pero gayunpaman ay naisipan pa rin niyang tumuloy. Nilibang ang sarili at huminga ng malalim. Inisip na lang niya na marahil ay dala lang ito ng horror story na kinuwento kanina ng kanyang kaklase nu’ng break time nila.

    Binuksan niya ang pinto.

    "Mamá, papi... Nandito na po ako..." mahina niyang tawag.

    Patlang. Wala siyang narinig na sagot. Tahimik na tahimik ang buong bahay. Bakit kaya? Sa loob-loob niya. Umalis kaya sila? Bakit di yata nila sinabi sa akin?

    Mamá? Papi?

    Nagtungo siya sa living room. Marahang naglakad. Doon ay biglang nandilim ang kanyang paningin... nang salubungin siya ng nakahandusay na niyang ina na sahig na may tama ng bala ng baril sa ulo. Sa ulo ay may tulo ng maraming dugo pati sa sahig.

    Nanlaki ang kanyang mga mata. Hindi makasigaw. Hindi makagalaw. Nakatitig lang siya sa kanyang ina sa sahig na wala ng buhay sa tabi ng sofa. Sa itaas ng sofa ay may isang bintana na may maliit na butas. Mukhang doon nanggaling ang bala.

    Napanganga si Vladimiro. Sa matinding gulat ay napaatras na lang siya upang iwan muna ang living room at hanapin naman ang kanyang ama. Pero wala ang ama niya sa kanilang bahay. Marahil ay nandoon iyon sa kanilang tindahan.

    Utal man at hindi makapaniwala sa nakita ay nagtungo pa rin siya sa tindahan. Sa labas pa lang ng tindahan ay napansin na agad niya ang nakasarang pinto na may nakatagos nang dugo sa ilalim. Muling natigilan ang bata. Lalong bumagal ang kanyang paghakbang. Huminga ng malalim... Nananalangin na sana ay isa lamang itong panaginip.

    Marahan niyang binuksan ang pinto nang mas lalong dumilim ang kanyang paningin. Sumalubong naman sa kanya ang nakahandusay na rin niyang ama sa sahig na wala na ring buhay!

    1

    Patlang.

    Walang anumang galaw si Vladimiro sa kanyang puwesto sa tabi ng pinto. Patlang. Lalo siyang hindi makapagsalita, at lalo rin siyang hindi makasigaw kahit gustuhin man niya. Naramdaman niyang timigil ang pagtibok ng puso niya ng saglit. Gusto rin niyang tumakbo papalayo ngunit hindi rin niya magawa.

    Patlang.

    Pinagmasdan niya ang kanyang ama na malapit lang sa pinto. Nakadapa ito at may tama rin ng bala ng baril sa ulo. Napansin rin niya ang isang bintana ng tindahan na may butas na siyang dinaanan ng bala. Sa tabi ng katawan ay may basag nang bote ng alak.

    Ngayon ay nakaramdam na ng emosyon si Vladimiro nang tumulo na ang kanyang mga luha. Napaluhod siya sa tabi ng ama at marahang hinipo ang pisngi nito. Hindi niya namamalayan na nanginginig na pala ang kanyang mga kamay nang abutin niya ang pisngi ng kanyang ama. Humikbi siya ng sunud-sunod at sa wakas ay sumigaw na siya ng napakalakas at buung-buo.

    RRRUUUUAAAAAAAAAAHHHHHH!!!

    Sa tinis, taas, at lakas ng mahaba niyang sigaw ay halos mabasag na ang kanyang lalamunan. Pagkasigaw niya ay lalong tumindi ang kanyang dalamhati. Lumakas ang kanyang mga hikbi. Lumakas pa ang panginginig ng kanyang katawan na para siyang kinuryente ng kidlat.

    RUUUUUAAAAAAAAAAAAAAHHHHHH!!!

    Maya-maya pa’y lumitaw na ang sunud-sunod na tunog ng mga sirena. Ang mga tunog ay papalapit sa kanya. Huminto ang mga ambulansya pati na rin ang mga pulis. Nakita siya ng mga ito, kaya nilapitan siya ng isang pulis at marahang hinila ang kanyang braso.

    Bitiwan n’yo ko! BITIWAN N’YO ‘KOOOO!!! sigaw niya. "Papi! PAAAPPPIIII!!!"

    Kailangan mo na munang lumayo sa kanya, bata... awat ng pulis. Kailangan natin siyang imbestigahan ngayon din.

    "AYOKO! PAPI! PAAAAPPPIII!!!"

    Ayaw mang magpaawat ni Vladimiro ay hindi rin siya pinayagan ng pulis. Kaya sa huli ay hawak na siya ng mga ito.

    Nilagyan na ng mga pulis ng police tapes ang buong paligid ng pinangyarihang krimen. Pinasok na rin ng ilan pang mga pulis, forensics,

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1