Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Turuan Mo Ang Puso
Turuan Mo Ang Puso
Turuan Mo Ang Puso
Ebook104 pages52 minutes

Turuan Mo Ang Puso

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Napilitan si Myka na magpakasal kay Ralph, ang dating nobyo ng magandang pinsan niyang si Dahlia. Ngunit paano ang kanyang puso lihim na umiibig?

Ang buong buhay ni Myka ay nakatutok sa pagtanaw ng utang na loob sa mga kaanak na kumupkop sa kanya. Hindi siya makatanggi nang gawing kakutsaba para imanipula ang nobyo ng pinsan.

LanguageTagalog
PublisherRomantique
Release dateAug 2, 2018
ISBN9780463464892
Turuan Mo Ang Puso
Author

Romantique

I am Romantique, a Filipino romantic writer. I had written romance in the past and now I am returning to the fiction writing scene. Through the past 10 years, I was an online article writer. Thanks to Smashwords, my dream of writing romance again has become a reality.

Read more from Romantique

Related to Turuan Mo Ang Puso

Related ebooks

Reviews for Turuan Mo Ang Puso

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Turuan Mo Ang Puso - Romantique

    Chapter One

    Nanginginig ang mga kamay ni Myka habang pinipindot ang tamang button sa control panel ng sinakyang elevator.

    Para siyang preso na inihatid sa silya-elektrika. O tuturukan ng lason. Hindi na niya sigurado kung paano pinapatay ang mga makasalanan ngayon.

    Basta ang alam niya, tiyak na ganito ang magiging kapalaran niya dahil mayroon siyang dalang masamang balita.

    Sa hitsura ni Ralph Valdez, na may lahing kalahating Kastila at kalahating Hapon yata, mahusay itong mag-imbento ng mga paraan ng torture para sa mga taong katulad niya!

    Pumiksi si Myka. Hindi siya maaring magpatalo sa kanyang pag-aalinlangan at mga pangamba. Mas malilintikan siya kay Dahlia kapag hindi sinunod ang iniutos nito sa kanya.

    Kailangang makarating kay Ralph ang sulat na iyan, Mykaela! asik ng pinsan niyang dalaga. Nanlilisik ang mga mata nito at saglit na nawaglit ang klasikong kagandahan habang ipinakikita ang galit at poot sa kanya. Ultimatum ko iyan sa kanya. Tiyakin mong binasa niya iyan bago ka umalis sa harapan niya!

    Walang nagawa si Myka kundi ang tumango nang tumango. Magmula bata siya, sampung taong gulang yata siya nang maulila, alipin na siya ng magandang pinsan na mas matanda lang ng tatlong taon sa kanya.

    At gusto kong panoorin mo ang lahat ng mga reaksyon niya, pahabol nito habang papalabas siya ng pinto ng apartment nito.

    Oo, Dahlia. Gagawin ko lahat ng ibinilin mo, tugon naman ni Myka.

    Habang papalapit siya sa silid na tinutuluyan ni Ralph Valdez sa five-star hotel na sinabi ni Dahlia, lumilipat ang takot niya sa lalaking daratnan.

    Sino ba sa dalawa ang magaling magpahirap ng biktima? tanong niya sa sarili habang pinipindot naman ang doorbell.

    Sumusulyap siya sa kanyang relo panggalang habang naghihintay ng magbubukas.

    At kapag walang tao sa kuwarto ni Ralph, dagdag pa ni Dahlia matapos iaabot ang sobreng kulay rosas sa kanya. Tumawag ka agad sa akin dito sa numerong ito. Maliwanag ba?

    Lalong kinakabahan si Myka habang naaalalang isa-isa ang mga habilin ng pinsan. Para bang nakikini-kinita na niya ang kahihinatnan.

    Napapitlag siya nang halos padaskol na nabuksan ang pinto ng silid na destinasyon niya. Tumambad sa kanyang harapan ang matangkad at matipunong hubog ni Ralph Valdez.

    Makapigil-hininga ang kaguwapuhan ng binatang may-ari ng ilang plantasyon sa Davao at Zamboanga.

    Mataas ang noo nito na tila palaging nakakunot at matangos ang ilong na aristokrato. Makapal ang alun-along buhok kaya palaging may bakas ng pag-aahit ang matataas na pisngi at matitigas na panga, pati ang determinadong hugis ng baba.

    Matiim ang mga labing mamula-mula dahil walang bisyong paninigarilyo.

    Ang huli ang unang hinangaan ni Myka. Palibhasa, namatay ang kanyang ama sa kanser sa baga, pati ang kanyang ina ay gayundin kaya nasuklam siya sa produktong tabako.

    Hindi lang niya mailantad ang opinyon niyang ito dahil naninigarilyo ang kanyang pinsang Dahlia. Nakikitira lang siya rito kaya tinitiis na lang niya ang amoy ng usok.

    Napakurap siya nang pumitik sa hangin ang mahahabang daliri ni Ralph. Hey, stop daydreaming, young lady, tudyo nito habang pinapatuloy siya. May kailangan ka ba?

    Napalunok si Myka. Hindi niya alam kung dapat niyang ikatuwa ang pagngiti ni Ralph sa kanya. Lalong lumakas ang pagkabog ng dibdib niya.

    Paano'y alam niyang mabubura ang pagkagiliw sa ekspresyon nito sa sandaling malaman kung ano ang 'kailangan' niya.

    Walang imik na humakbang papasok si Myka. Pakiramdam niya iginigiya na siya ng lalaki patungo sa kanyang katapusan!

    Dinukot ni Myka ang sobre mula sa handbag na pinaglumaan ni Dahlia. Kulay puti iyon na katulad ng suot niyang blusa.

    Nakasuot siya ng kanyang uniporme sa opisinang pinapasukan bilang clerk- typist. Umaasa siyang makakapasok pa siya pagkatapos ng misyon niya kay Ralph Valdez.

    Iniabot niya ang naturang sobre sa lalaking kaharap. Pinilit niyang iangat ang kanyang tingin dahil isa ito sa mahigpit na ibinilin ni Dahlia. Malaki ang takot niya sa pinsan.

    Susundin niya ang lahat ng mga utos nito kahit na hindi naman siya nito nakikita nang mga sandaling iyon.

    Titingnan mo siyang mabuti, Mykaela, diin ni Dahlia habang pinanlilisikan siya ng mga mata. Kailangan ko ng buong report mo tungkol sa bawat pagbabago ng ekspresyon ng mukha ni Ralph. Malilintikan ka sa akin kapag hindi ako nasiyahan sa mga dala mong impormasyon!

    Ngunit lalo siyang nanginginig habang pinagmamasdan niya ang aroganteng kurba ng makakapal na kilay ni Ralph Valdez!

    Huwag nang idagdag ang sensuwal na hubog ng mga labi nito...

    Pinagalitan ni Myka ang kanyang sarili habang tahimik na nakatitig sa kaharap. Parang dinurog ang kanyang puso nang makitang nilamukos ng mahahabang daliri ang mahalimuyak na papel na sinulatan ni Dahlia ng mga salitang may kamandag.

    Napakatusong babae! bulong ng lalaki sa matigas na tinig. Bumaling ang matalim na mga mata nito sa gawi ni Myka. Alam mo ba kung ano ang sinasabi ng sulat na ito?

    Tuluyan nang naumid ang dila ng pobreng dalaga. Sunud-sunod na pag-iling lang ang kaya niyang gawin habang nanlalaki ang mga mata niyang bilugan.

    Dumudulas ang suot niyang salamin dahil sa pagpapawis ng kanyang makinis na balat. Ganito siya kapag ninenerbiyos.

    A-ano raw ang--ang sagot mo? bulong niya sa garalgal na tinig. Ibig na niyang kumaripas ng takbo palayo sa lalaking biglang naging mapanganib ang anyo.

    Dahan-dahang humakbang palapit sa kanya ang lalaki. Madilim na madilim ang mukha habang umaangat ang mga kamay nito paamba sa kanyang leeg.

    Napaatras si Myka sa takot.

    Sasakalin siya ng lalaki! bulong niya sa sarili.

    H-huwag--- Isang sigaw sana ang katagang iyon ngunit wala na siyang lakas upang lumikha ng ingay mula sa nagsisikip nang lalamunan.

    Kasabay ng paghawak ni Ralph Valdez sa kanyang mga braso ang pagpanaw ng kanyang ulirat. Hindi na niya nakayanan ang labis na tensiyon na dinadala magmula pa nang gisingin siya ng pinsan kaninang madaling araw.

    Gising, anang isang tinig-lalaki habang may tumatapik-tapik sa kanyang pisngi.

    Isang malamig at matigas na bagay ang dumaiti sa kanyang bibig, bago dumaloy papasok ang nag-aapoy na likido. Napaubo siya at parang maduduwal nang mapaso ang dila at lalamunan.

    Lulunukin mo iyan, utos ng mabalasik na tinig. Huwag mong iluluwa.

    Likas ang pagiging masunurin ni Myka, kaya pinilit niyang lunukin ang matapang na alak. Parang namaga ang kanyang dila, pati ang gilagid pagkatapos.

    Ngunit napalis naman ang panlalamig na bumabalot sa kabuuan niya.

    At tila may bumangon na ibang Myka sa kanyang kaibuturan.

    Nakakaramdam siya ng pagkamuhi para sa sarili.

    A, napakahina niya! Bakit hindi niya magawang salungatin ang mga puwersang nakakasalubong niya?

    Maupo ka.

    Awtomatiko ang pagtalima niya.

    Umikot ang kanyang paningin kaya napilitan siyang pumikit.

    Habang patuloy siya sa pang-uusig sa sarili.

    Walang ibang puwedeng sisihin kundi siya lang. Hindi siya mapupunta sa mga ganitong klaseng sitwasyon kung magiging malakas siya.

    Kung matututo siyang sumalungat...

    Hindi siya puwedeng pilitin ni Dahlia kung ayaw niyang gawin ang ipinagagawa nito sa kanya, hindi ba?

    U-uuwi na ako. Sinimulan niya ang pagtatapang-tapangan.

    "Not so

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1