Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Sure na sa Pag-ibig mo
Sure na sa Pag-ibig mo
Sure na sa Pag-ibig mo
Ebook125 pages1 hour

Sure na sa Pag-ibig mo

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Isang manunulat si Leila Alban ngunit nagawa niyang mag-apply na 'caregiver' para sa lolo ng crush niyang Robze Valderama. Nakapasok naman siya kaso dedma pa rin siya rito kaya nabaling sa bunso nitong kapatid na si Ivan Valderama ang kanyang atensyon

 

Minahal niya si Ivan at ipinadama rin nito sa kanya kung gaano siya nito kamahal  Hanggang maramdaman niya ang unti-unting panlalamig nito, Kasabay ng panlalamig ni Ivan ay ang pagbibigay ng atensyon sa kanya ni Robze.

 

LanguageTagalog
Release dateAug 5, 2023
ISBN9798223059264
Sure na sa Pag-ibig mo

Related to Sure na sa Pag-ibig mo

Related ebooks

Related categories

Reviews for Sure na sa Pag-ibig mo

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Sure na sa Pag-ibig mo - Maria Angela Gonzales

    image-placeholder

    Sure na sa Pag-ibig mo

    Maria Angela Gonzales

    All rights reserved. No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the publisher, except in the case of brief quotations embodied in critical reviews and certain other noncommercial uses permitted by copyright law.

    This book is protected by copyright laws and international treaties. Unauthorized reproduction or distribution of this work, in whole or in part, constitutes a violation of the author's rights and is punishable by law.

    We will prosecute and pursue legal damages on any person or company that chooses to ignore this copyright warning for commercial purposes.

    Lahat ng karapatan ay ipinagbabawal. Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring mangopya, ipamahagi, o isalin sa anumang anyo o pamamaraan, kabilang ang pagpapakopya sa pamamagitan ng xerox, pagrerekord, o anumang iba pang elektroniko o mekanikal na paraan, malibang may pahintulot ng may-akda sa pagsulat, maliban sa maikling sipi na nasa loob ng mga pagsusuri ng kritiko at ilang iba pang hindi komersyal na mga paggamit na pinapayagan ng batas sa karapatang-sipi.

    Ang aklat na ito ay protektado ng mga batas sa karapatang-sipi at internasyonal na kasunduan. Ang hindi awtorisadong pagsasalin o pagpapamahagi ng akdang ito, sa kabuuan o sa bahagi, ay sumasalangsang sa mga karapatan ng may-akda at maaring parusahan ayon sa batas.

    Kami ay mag-uusig at maghahabol ng mga legal na pinsala sa sinumang tao o kumpanya na pipiliing huwag pansinin ang babala sa copyright na ito para sa mga layuning pangkomersyo.

    Copyright © 2023 Robert J Dornan

    Contents

    1.Si Leila Alban

    2.Si Robze ang Crush ni Leila

    3.Ang Pagkakalapit nina Ivan at Leila

    4.Ang Relasyon nina Ivan at Leila

    5.Ang Pagmamahalan nina Ivan at Leila

    6.Ang Init ng Pag-ibig

    7.Sa Probinsiya

    8.Ang mga Pangako

    9.Ang Pagbabago ni Ivan kay Leila

    10.Ang Pagkakamali ni Ivan

    11.Ang Wakas

    12.About the Author

    Chapter one

    Si Leila Alban

    ANG tadhana raw ang gagawa ng paraan para magkalapit, magkakilala at magkatuluyan ang dalawang pusong itinakda. Ngunit, anong gagawin mo kung hindi ka nakakasiguro na ang taong gustung-gusto mo ang nakatadhana para sa’yo?

    Tatanggapin mo na lang ba?

    Iiyak ka?

    O kikilos ka?

    Para sa dalawampu't isang taong gulang na si Leila Alban, ang tao ang gumagawa ng sarili niyang tadhana kaya kung may gusto siyang mangyari sa kanyang buhay ay kumikilos siya para magkaroon ng katuparan ang kanyang pangarap.   Dahil ang pangarap ay inaabot, hindi dapat hintaying mag-landing sa’yong harap. Three years ago ay nagpasya siyang makipagsapalaran sa Manila para matupad ang pangarap niyang maging manunulat. Sumali siya sa mga writing workshop at sa loob ng panahon na iyon ay nakagawa siya ng 175 na nobela. Siya ay bahagi ng Heart Valentine Romance, ang nangungunang romance publishing sa bansa. 

    Nagtapos siya ng Education hindi dahil sa gusto niya talagang maging guro kundi dahil iyon ang gusto ng mga magulang niya para sa kanya. Pareho kasing Elementary teacher ang mga ito. Gayunman, hindi siya nakaramdam ng self-accomplishment ng makatanggap siya ng diploma at naging Magna cim laude pa siya. Ang dahilan, hindi pagiging guro ang pangarap niya. 

    Ang nais talaga niya sa buhay ay maging isang magaling na manunulat. Labis itong tinutulan ng kanyang mga magulang dahil wala naman daw pera sa pagsusulat. Samantalang kung magiging guro siya, hindi man kalakihan ang sahod ay sure naman na di siya magugutom. May punto naman ang kanyang Mamang at Papang kaya sinunod niya ang mga ito. Nagtapos siya ng Education sa General de Jesus na matatagpuan sa San Isidro, Nueva Ecija.

    Dahil sa pakiramdam niya’y hindi niya magagawa ang lahat ng gusto sa buhay tulad ng pagtupad sa kanyang pangarap, nagpasya siyang lumuwas ng Manila pagka-graduate niya. Kontra man ang mga magulang niya na payagan siya'y  walang nagawa ang mga ito noon kundi bigyan siya ng basbas. Ang kasunduan kasi nila ng Papang at Mamang niya, magagawa na niyang magdesisyon para sa kanyang sarili kapag nakapagtapos na siya ng pag-aaral. 

    Alam niya kasing kapag nanatili lang siya sa kanilang farm, malaki ang posibilidad na panghimasukan lang ng mga magulang niya ang kanyang buhay. Kahit inaalok siya sa dating eskuwelahan na magturo roon, hindi niya tinanggap. Ang konsentrasyon niya kasi noon ay nasa pagsusulat na dahil iyon naman talaga ang kanyang pangarap. Iyon nga ang dahilan kaya hindi siya gumagamit ng pen name. Ibig niya kasing ipagmalaki na ang pangalang Leila Alban  ay may narating sa buhay. 

    Bukod sa ‘career’ gustung-gusto na rin ng mga magulang niya na magkaroon siya ng lovelife. Hindi dahil sa  gusto na mga magulang niya na madagdagan pa ang limang apo ng mga ito kundi dahil sa natatakot ang mga ito na tumanda siyang dalaga tulad ng kanyang mga tiyahin. Kaya nang makapagtapos siya ng pag-aaral ay inatupag naman ng mga magulang niya na ireto siya kay Damian, ang kababata niyang nagpahayag na ng pagkagusto sa kanya noon ang siya ay nasa kolehiyo. 

    Marami man ang nagsasabi na pang-Miss Universe ang kanyang ganda dahil mestiza siya, maliit ang mala-barbie doll niyang mukha na mayroong mala-diyamanteng mata na may mahahabang pilik na binagayan ng manipis at maarking kilay, matangos na ilong, mapupulang at manipis na labi. Ang pinakamaganda raw sa kanya ay kapag ngumingiti na siya dahil sa mapuputi at pantay-pantay niyang mga ngipin na binagayan ng dalawang malalalim na biloy sa magkabila niyang pisngi. Bukod sa kanyang mukha ay panalo rin daw ang kanyang tangkad at katawan. 5’8" kasi ang kanyang height ay 36-21-36 naman ang vital statistic niya. 

    Kung ang ibang babae ay gustung-gustong ipakita ang kanilang mga katangian, siya naman ay pilit na itinatago iyon sa pagsusuot niya ng maluluwag na t-shirt, mahahabang short at pantalon. Wala naman kasing kinalaman ang pangarap niya sa pagiging maganda niya. Ang dapat na hasain pa niya ay ang kanyang imahinasyon. 

    Ibig niyang  mas makilala siya bilang magaling na manunulat lalo na sa larangan ng romance. Gayunman, hindi sapat iyong nakakulong na lang siya sa kanyang condo unit at nagtitipa ng nobela. Alam niyang mas magiging epektibo ang pagsusulat niya kung mararanasan niya ang pinagdaraanan ng kanyang heroine. 

    Really? Sarkastikong tanong niya sa sarili. 

    Alam naman kasi niyang hindi lang ang pagsusulat niya ang rason kung bakit nasa harap siya ng Mansyon ng mga Valderama na matatagpuan sa San Antonio Village kundi ang lalaking nagpapatibok sa kanyang puso. 

    Mag-a-apply po sana akong caregiver, nakangiti niyang sabi sa matandang babaeng nagbukas ng gate, sabay turo sa karatulang ‘WANTED CAREGIVER’.

    MATAMIS na matamis na ngiti pa rin ang pinawalan ni Leila kahit ilang ulit siyang ssinuyod ng tingin ng kaharap. Wari’y nagdadalawang-isip kung maniniwala nga bang mag-a-apply siya bilang caregiver.

    Sigurado kang pagiging caregiver ang gusto mong pasukan? napapantastikuhang tanong ng matandang babae na tantiya niya ay nasa edad singkwenta. Kung hindi nga lang ito naka-maid’s uniform ay hindi niya iisipin na katulong ito o maaaring mayordoma ng mga Valderama. Taas noo kasi itong magsalita na para bang gustong sukatin ang kanyang katapatan. Kahit tuloy mabilog ito at nasa five-two lang ang height, pakiramdam niya’y malaking tao ito.

    Siguradong-sigurado po, aniyang ngiting-ngiti tapos inabot niya rito ang dala niyang brown envelope. Para maipakita rito ang patunay na mayroon siyang certificate na nagpapatunay na kumuha siya sa TESDA ng caregiver training course at naroroon na rin ang kanyang resume, barangay clearance, cedula, ID at birth certificate, na alam niyang kakailanganin sa kanyang pag-a-apply. Dinagdagan pa niya iyon ng NBI clearance para magkaroon siya ng tsansa na matanggap sa trabaho.

    Nang kumuha siya ng caregiving training course eight months ago, wala sa hinagap niya na isang araw ay magagamit niya ang certificate niyang iyon  para mag-apply ng trabaho. Ang tanging layunin lang naman niya noon ay magkaroon siya ng kaalaman tungkol sa pag-aalaga ng matatanda at imbalido dahil sa romance novel na kanyang ginawa sa huli niyang nobela. 

    Mas mukha ka kasing mag-a-apply ng modelo ng shampoo kaysa mag-a-apply ng caregiver.

    Sa halip na mainsulto siya sa sinabi ng matandang babae, napangiti pa siya dahil may naka-appreciate sa lampas balikat niyang buhok na alun-alon at brownish ang kulay. Kapag tinatamaan ng sikat ng araw ay pumupula. Sa pagkakataon kasing ito’y hindi ang ‘kakayahan’ niya ang mahalaga kundi ang kanyang hitsura. Dahil ang dahilan kaya siya naroroon ngayon ay dahil sa lalaking nagpapabilis sa pintig ng kanyang puso -- si Robze Valderama.

    Thank you po sa papuri sa aking beautiful hair pero talaga pong nandito ako para mag-apply na caregiver. Gusto ko po kasing makatulong. Kailangan ko ring kumita. At need din ng puso ko si Robze, gusto sana niyang sabihin pero nagawa niyang awatin ang kanyang sarili.

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1