Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Sumpain Batang Di Nakikita: sumpain batang di nakikita, #1
Sumpain Batang Di Nakikita: sumpain batang di nakikita, #1
Sumpain Batang Di Nakikita: sumpain batang di nakikita, #1
Ebook145 pages1 hour

Sumpain Batang Di Nakikita: sumpain batang di nakikita, #1

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

 

Ano and gagawin mo pag biglang nawala ang anak mo...sa harap mo? Yan ang nangyari kay Roberto.

Habang naglalakad silang makaibigan, napatingin ni Roberto sa pinakamagandang babae sa balat ng lupa na kahit minsan di nya nakita, hanggat sa tinawag siya.

Nang hinawakan nya ang babae, bigla silang nawala. Hanggang sa umabot ng dalawang taon at lalo pang lumala...Demonic

totoong pangyayari

at Manila

 

 

LanguageTagalog
Release dateFeb 13, 2022
ISBN9798201663506
Sumpain Batang Di Nakikita: sumpain batang di nakikita, #1
Author

Veronica Rose

Veronica Rose loves to write across the spectrum, delving into thrillers and romance. Other works include What Does It Take, Once A Cheater, and Out of Body.

Related to Sumpain Batang Di Nakikita

Titles in the series (1)

View More

Related ebooks

Reviews for Sumpain Batang Di Nakikita

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Sumpain Batang Di Nakikita - Veronica Rose

    Di kaginsa-ginsa’y, biglang naglaho si Robby.

    Gulat na gulat na tinakbo at pinuntahan ni Sammy ang bakas kung saan nakatayo si Roberto, pero wala, pati ang bag ni Robby ay nawawala. Sinipat niya ang kapaligiran, pakiramdam niya ito ay pagbibiro o kaya’y kalikutan ng matalik niyang kaibigan.

    Wala namang Kanal, talabis o malalapit na gusali. Nakatayo siya sa gitna ng bakanteng lote na malimit na pinaglalaruan ng putbol ng mga kabataan. Nakaramdam siya ng masidhing takot hanggang sa kaibuturan ng kanyang kalamnan at galit na galit na siyang tawag nang tawag.

    Robby! Robby!

    Walang kasagutan.

    Robby! Robby! ang paulit-ulit niyang pagtawag habang dahan-dahang sinusukat, sinusuri ang buong kapaligiran.

    Ang kanyang mga kamay ay nasa kanyang magkabilang pisngi habang tuloy-tuloy ang kanyang pagtawag sa kaibigan.

    Mula sa kanyang kinatatayuan sa humigit kumulang na 40 yardang lawak at kapatagan ng bakuran, wala itong kahit na anomang mga bagay sa gitna nito maliban sa mga kalat at mga damuhan.

    Nakatayo siyang mag isa, takot at blanko ang isipan. Umupo siya at tumigil na sa pagtawag at naghihintay.

    Unti-unting kumakalat at bumabalot ang kadiliman sa buo niyang katauhan, alam niya oras na para bumalik o umuwi sa bahay.

    Habang papauwi na siya, nag uunahan na sa kanyang isipan ang mga kakaibang pangyayari at nakaramdam na siya ng panghihilakbot at sindak. Ano ang kanyang sasabihin? Hindi niya masasabing si Robby ay naglaho.

    (4)

    Magkakaroon ito ng mga masususing pag-uusisa at masisidhing mga katanungan. Dalawang oras na siyang gahol sa kanyang pag uwi, at alam niyang magagalit na ang kanyang ama. Galit, galit na galit.

    Alam niyang hindi siya basta-bastang makakauwi sa bahay na ang dala ay mga kwentong puno ng iminasyon at pantasya, lalo na ang paksang tungkol sa pagkawala at paglalaho, kahit ito’y may katotohanan.

    At naalala niya si Robby. Ano kung si Robby ay dumiretso nang umuwi sa bahay at ang mga ito’y kanyang mga kalukuhan, pero hindi naman basta-bastang gagawin ni Roberto na hahayaan akong papaluin. Hindi at hindi yon mangyayari.

    Nasaan kaya siya ngayon? At papaano siya naglaho?

    Pumasok na si Sammy sa kanilang bahay, ang kanyang ina na mula sa kusina ay nagmamadaling lumapit at agad siyang tinanong nito.

    "Saan ka galing anak? Alalang-alala kami sa iyo?

    Ang kanyang ama naman ay lumabas mula sa likuran ng silid na nakatingin ng masama.,

    Samuel, bungad nito, dalawang oras na kaming naghihintay sa iyo! Nasaan ka? tanong nito sa kanya.

    Ito na, Ito na ang nakakatakot na panahon habang blanko siyang lumalapit.

    Katahimikan.

    Hawak-hawak ni Ginoong Santos ang katad na sinturon na nakapulupot sa kanyang kamay habang ito’y naghihintay. Walang kasagutan.

    Mahinahon pero maasik ang sinasabi ni Ginoong Santos.

    Bata, Pag hindi ka sasagot, malilintikan ka sa akin.

    Hinihintay ko po si Roberto," sagot niyang nakatungo habang sinasalatsalat ang butones ng kanyang damit.

    Minabuti ni Gng Santos ang tumahimik, habang hinahanap, sinisiyasat sa mukha ni Sammy kung ito’y nagsasabi ng totoo o nangdaraya, takot ang lahat ng kanyang mga nakikita.

    Nasaan na si Roberto, Samuel? Bakit ka naghintay sa kanya? urirat ng kanyang ama na nasa kamay pa rin ang katad na sinturon na sa anomang sandali ay gagamitin ito sa kanya.

    Alam ni Sammy dapat kaaya-aya at maiksi lamang ang kanyang isasagot.

    Nagkahiwalay po kami, at hinihintay ko po siya.

    (5)

    Nilapitan ni Gng Santos ang kanyang asawa at malumay na hinawakan ang kamay nito na may hawak na sinturon. Alam ng lahat na unti unti ng nagkakaroon ng katiwasayan.

    Sa kabilang dako, lumitaw si Roberto sa harapan ng pintuan ng kanilang bahay na walang kaabog-abog, nakatayo, parang lasing na nakatingin, balisa at blanko...parang si Sammy noon.

    Ibinaba ni Ginoong Reyes ang pahayagan at ang kanyang pipa habang walang imik na nakatitig sa kanyang anak na si Roberto.

    Hindi tuminag si Roberto, nakatayo lamang ito at naghihintay sa anomang mangyayari. Ang kanyang ina naman na may dala-dalang ulam at kalalabas lang buhat sa kusina ay biglang huminto. Sinipat si Roberto at nagtanong...

    Roberto Antonio Reyes, saan ka galing?

    Pasigaw nitong usisa kay Roberto habang inilatag ang tangan-tangang kaserola, at dagli niya itong inamoy.

    Parang amoy usok. Saan ka galing anak?

    Yumuko si Roberto at tinanggal ang sapatos na walang imik. Lumampas sa kanyang ina at tuloy tuloy sa kusina, hinawakan siya nito sa braso.

    Huwag mo akong balewalain, binata! Saan ka galing? pasigaw naman nitong pagtatanong.

    Nawalan siya ng kataga, pinipilit niyang sumagot, pero wala siyang tinig kunti mga ungol lamang.

    Tumindig si Ginoong Reyes, ibinaba ang pipa at tumayo sa harapan ni Roberto na may agwat na anim na pulgada mula sa mukha nito.

    Roberto, tinatanong ka ng iyong ina kung saan ka galing, at dalawang oras kang nahuli, walang kaabog-abog kang pumasok sa pag-aakalang hindi ka namin maririnig. Sagutin mo ako, sumbat ni Ginoong Reyes.

    Subalit hindi makasagot si Roberto, wala siyang kasagutan.

    Kasama ko po si Sammy, sabi niya.

    Ligid sa kaalaman ni Roberto, katatapos lamang ng usapan nina Gng. Santos at kanyang ina sa telepono. Alam niyang nagsisinungaling na ang kanyang anak.

    Kung magsisinungaling ka Roberto, pagbubuhatan na kita ng kamay.

    (6)

    Iyon ang pinaka grabeng pananakot dahil lahat ng mga pagpaparusa ay mula sa kanyang ama. Alam din ni Roberto na si Gng. Reyes ay isa sa mga kinakatatakutan sa lugar nila.

    "Hindi ako nagsisinungaling inay. Kasama ko si Sammy, at nakatagpo ako ng babae paliwanag ni Robby habang naghihintay na sasaktan.

    Ngayon nauunawaan na ng lubusan ang kanyang pagpapaliwanag, unti-unti na ang paghupa ng tension sa loob ng pamamahay.

    Nagkatinginan sina Ginoo at Gng Reyes sa isa’t-isa na para bang sinasabing AW! ganoon lang.

    Subalit, naroroon pa rin ang bahagi ng kanyang pagsisinungaling na kanilang sinusundan sa loob ng 30 minuto habang at pagkatapos nilang kumain.

    Ibinaba ni Roberto ang kanyang mga aklat at nagpahinga, nasa kanya pa ring isipan ang babaeng ito na walang pangalan basta babae lamang.

    Napakarami at kung saan-saang lugar ang kanilang nakita at narating sa loob lamang ng maikling panahong pagsasama nila at parang may kaakibat itong mahika.

    Napakalambing ng boses nito, inosente sa kasuotang puting-puti. Iyon lamang ang tangi niyang alam.

    Ayaw nitong sagutin ang mga katanungan tungkol sa sariling pamilya, pagkatao at kung saan nagmumula. Balewala na ito sa kanya dahil napamahal na siya dito.

    Ika-2 kabanata:

    Nagising si Roberto na nasa harapan niya ang kanyang Angel na nakatitig sa kanya. Napakaganda nito. Nababato balani siya ng napakaamo, napakaganda at perpektong hugis ng mukha nito. Kampante na siyang nakaupo at nakatitig.

    Lumapit ito sa kanya at hinimas-himas ang kanyang buhok at naramdaman niya ang buong kaligtasan dito, na parang alam nito ang sekreto ng sanlibutan at siya’y naroroon para sa kanya, siya lang at tanging siya lamang.

    Tahimik lamang ito na nakatingin sa kanya habang patuloy na hinahaplos-haplos ang kanyang buhok. Ito’y nakaupo sa kasuotang puting puti. Ang nito buhok ay nakasayad na sa sahig habang nakaluhod.

    (7)

    Nakatingin lamang siya sa mga mapang-akit nitong mga mata. Punong-puno sila ng pagmamahalan. Hawak nila ang susi ng kaligayahan, ang kabuohang pinapangarap niya noon pa man.

    Nag-umpisa na siyang magsalita, pero magiliw siyang pinatahimik at Idinampi nito ang daliri sa kanyang mga labi habang nakahawak ang mga kamay sa magkabila niyang pisngi, langhap na langhap niya ang tamis at bango ng cinnamon na tumagos sa buo niyang kalamnan.

    Tahimik na siyang nakahiga, nabibighani. Humahagod ang makikinis nitong mga daliri sa kanyang mga labi habang nasa palad nito ang kanyang ulo.

    Langhap na langhap niya ang kalinisan, kadalisayan at kawagasan nito at kanya ring hinahagkan ang mga daliri nito.

    Naiintindihan niya ang pagkakaisa ng babae at lalake, ang pagiging malapit sa isat’-isa, sisiluin upang magbunga ng isang nilalang.

    Alam niya rin ang mga birhen na sumasapit sa pagkakadalaga na maiintindihan ang mga bawat bagay na bagong natutuklasan.

    Ang mga lahat ng hindi pa natutuklasan at kadalisayan ay para lamang sa kanya. Hayaan na lang natin doon.

    Mayroon pang kakaibang katangian tungkol sa pagkatao nito na kanyang nararamdaman; mga bagay na pag-aari nito, ang kaalaman tungkol sa dako pa roon. Simpling alam nito, na may alam din siya at alam nito. Nasa katauhan pa rin nito ang kalinisan, walang karanasan katulad niya.

    Habang hinahagkan niya ang mga kamay nito, naramdaman niya ang masisidhing init na daloy ng kuryente na halos tumupok sa buo niyang pagkatao na siya niyang ikinabigla at siya’y napaurong.

    Hinawakan nito ang kanyang mga kamay. Tumayo siya at sumunod habang binubuksan nito ang pintuan ng kanyang kwarto.

    Ang oras ay 5:55 na ng umaga. Ang kanyang ina ay nagluluto at nag-piprito ng itlog sa kusina at ang kanyang ama naman ay nakaalis na.

    Lumingon ito kay Roberto, at inakay siya nito at dumaan sa sala habang nakatalikod at abalang-abala ang kanyang ina sa pagluluto. Seninyasan nito si Roberto para tumahimik at tumango naman siya. Lumapit sila sa pintuan at sa isang iglap ay nasa labas na sila.

    (8)

    Wala itong hinawakan kahit anoman maliban sa pintuan ng kwarto. Tumagos na lamang silang bigla sa harapan ng nakasarang pintuan. Nagulat pero nagsawalang kibo na lamang si Roberto at iginala ang paningin sa kapaligiran.

    At mula sa kabilang bahay ay lumabas si Ginoong Santos, sandaling tumigil. Nakamasid sina Angel at Roberto. Nakatingin si Ginoong Santos sa kahabaan ng pasilyo kung saan nakatayo sina Roberto at Angel. Diretso siyang nakatingin dito, wala siyang sinabing kahit ano, iniisip niyang siya’y nag-iisa.

    Ipinasok ni Ginoong Santos ang kanyang daliri sa kanyang ilong, bagay na hindi niya ginagawa sa harapan ng ibang mga tao.

    Napagtanto ni Roberto hindi sila nakikita ninoman at basta tumagos na lamang sila sa nakasarang pintuan.

    Tumawa si Angel na narinig ni Ginoong Santos. Nagulat ito at iginala ang paningin sa kapaligiran animo’y isang mangangaso, iniisip na may ibang taong nag-eespiya

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1