Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Pak! Humor
Pak! Humor
Pak! Humor
Ebook179 pages1 hour

Pak! Humor

Rating: 4 out of 5 stars

4/5

()

Read preview

About this ebook

Gusto mong mag-artista, feeling mo may itsura ka at may talent, pero di mo alam kung paano sisimulan? May sagot ako diyan para hindi ka na masyadong gumastos at mahirapan.

Ha? Ayaw mong mag-artista? Eh, ano'ng gusto mo? Tsika? Tungkol sa lovelife? Tungkol sa kagagahan mo in life? Mga bagay na dapat mong ma-realize, dahil 'yun ang facts of life? O, smile ka na, ang dami kong ishe-share na tips na sana iyong i-like.

Curious ka rin ba kung paano maging isang Liza Soberano? Gusto mo ring sumunod sa yapak niya? E sa kung papaano ko hinaharap ang ,ga bashers sa pagiging "gay dad" ko? Naiintriga ka ba? Aaaay! Andito na ang sagot!

Pag nabasa n'yo 'to, siguradong sasabihin n'yo sa akin, "Pak na pak ka, Mama Ogs!"

At sasagutin ko naman 'yan ng, "Thank you, pero "Pak! Humor!"

LanguageTagalog
PublisherABS-CBN Books
Release dateJul 13, 2020
ISBN9781005239831
Pak! Humor

Related to Pak! Humor

Related ebooks

Reviews for Pak! Humor

Rating: 4 out of 5 stars
4/5

1 rating0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Pak! Humor - Ogie Diaz

    BUKAS NA LANG,

    GABI NA, EH!

    Gusto ko pong mag-artista, Kuya Ogie!

    -Baket, may pumipigil ba sa’yo?

    Wala naman po.

    -O, gusto mo ba pigilan kita?

    Hindi naman po. Gusto ko lang pong mag-artista.

    -Ngayong gabi?

    Ay, hindi po. Gusto ko pong kayo ang mag-manage.

    -Ng business mo?

    Hindi po. I mean, gusto ko po, kayo ang humawak sa akin.

    -Saang part ng katawan mo gusto?

    Hindi po. I mean, gusto ko po kayong maging manager ko sa showbiz.

    -Ah, ganun ba?

    Pwede po ba?

    -Ilang taon ka na ba?

    Twenty-six po.

    -Kelan ka ba magiging 30?

    Ha? Pag 30 pa? Hindi ba pwede ngayon?

    -Gabi na ngaaaa!!!

    Ayaw mo lang po yata eh!

    -Hindi naman, iho. Pero graduate ka na ba ng college?

    Opo.

    -O, eh wala ka bang balak kumuha ng second course?

    SO, GUSTO MONG

    MAG-SHOWBIZ?

    JUICE KO, nakakalokah, ang daming gustong mag-artista. Nu’ng kasikatan nina Aga Muhlach, Gabby Concepcion, and others, marinig lang ng mga teenagers na, Gusto mo bang mag-artista? Naku, kahit hindi sila balbon, tinitindigan na sila ng balahibo sa katawan. Nahihiya. Kinikilabutan. Parang hindi maimadyin ang sariling aarte, iiyak, o magpapatawa sa harap ng kamera.

    Isang pruweba na maraming gustong mag-artista ay ang pagsulpot din ng mga talent search at reality show. ‘Yung ibang sumasali, ang baon lang ay kapal ng mukha at tibay ng sikmura. Kung hindi nila matuklasan sa sarili nila kung anong talent meron sila, bahala na kung makukuha sila o madidiskober — kung may magkakainteres.

    ‘Yung iba, ayaw sumali. Takot sa contest, dahil ayaw matalo. Gusto, artista na agad sila na kahit magsimula muna silang paekstra-ekstra, okay lang. Kahit hindi na sumikat, basta makilala lang. Gano’n ka-humble ang pangarap nila.

    Pag nagsimula kang ekstra, tapos, eventually, makilala ka? Hay, nako, ituring mo nang para kang nanalo ng jackpot sa lotto. Kasi, super bihirang mangyari ‘yon sa ngayon. Kadalasan, nakikilala lang. Pero hanggang du’n lang.

    May mga wagi naman sa contest, as in nag-grand winner, pero hanggang contest lang ang career. Hindi na na-sustain. Hindi nabigyan ng chance na sumikat. Sumikat lang during the contest. Pagkatapos, nganga na. ‘Yung mga runners-up pa ang surprisingly, nakakaungos sa grand winner. May idea siguro kayo kung sino-sino ‘yon. Lalo na sa mga reality shows.

    Eto nga, eh. Mula nu’ng i-manage ko si Vice Ganda (pero siya ngayon ay hina-handle na ng ABS-CBN at mutual decision namin ang maghiwalay na), ang dami nang gustong magpa-manage sa akin. Lalo na kamo nu’ng sumikat ang isa ko pang alaga, si Liza Soberano, grabe. May mga sariwa—as in ngayon lang ita-try na karamihan ay mga kabataan—at meron namang artista na noon pa, huminto, at gusto ng pasabog na

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1