Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Anak Mapagtatagumpayan Mo Ito
Anak Mapagtatagumpayan Mo Ito
Anak Mapagtatagumpayan Mo Ito
Ebook156 pages1 hour

Anak Mapagtatagumpayan Mo Ito

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Ang aklat na ito ay magpapagaling sa mga sakit sa damdamin ng mga anak na babae! Sa matagal na hinintay na aklat na ito, ay Hinahamon ang mga kababaihan na hayaaang sila ay tulungan ng karunungan ng Diyos upang mapagtagumpayan ang maraming imposibleng mga sitwasyon na kanilang kinahaharap. Hihipuin ng Diyos ang iyong buhay at palalakasin ka habang tinatamasa mo ang makapangyarihan at bagong aklat na ito na natatanging isinulat para sa mga anak na babae.

LanguageTagalog
Release dateApr 9, 2018
ISBN9781683986454
Anak Mapagtatagumpayan Mo Ito
Author

Dag Heward-Mills

Bishop Dag Heward-Mills is a medical doctor by profession and the founder of the United Denominations Originating from the Lighthouse Group of Churches (UD-OLGC). The UD-OLGC comprises over three thousand churches pastored by seasoned ministers, groomed and trained in-house. Bishop Dag Heward-Mills oversees this charismatic group of denominations, which operates in over 90 different countries in Africa, Asia, Europe, the Caribbean, Australia, and North and South America. With a ministry spanning over thirty years, Dag Heward-Mills has authored several books with bestsellers including ‘The Art of Leadership’, ‘Loyalty and Disloyalty’, and ‘The Mega Church’. He is considered to be the largest publishing author in Africa, having had his books translated into over 52 languages with more than 40 million copies in print.

Related to Anak Mapagtatagumpayan Mo Ito

Related ebooks

Reviews for Anak Mapagtatagumpayan Mo Ito

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Anak Mapagtatagumpayan Mo Ito - Dag Heward-Mills

    Kabanata 1

    Ang mga Kababaihan

    Ito ay isang aklat na aking isinulat sa mga babae. Ito ay isang mensahe sa mga babae sa lahat ng dako. Ang mga babae ay nilikhang kaiba sa mga lalaki at naniniwala akong nararapat para sa kanila ang espesyal na mensahe.

    Tinawag ni Jesus ang mga kababaihan sa dalawang magkaibang paraan. Tinatawag Niya silang mga babae o mga anak na babae.

    May kaibahan ang anak na babae at babae. Kung ako ay isang babae, nanaisin kong tawagin ako ni Jesus na anak. Sa aking pag-iisip, ang isang anak ay higit na madaling tumanggap, higit na bukas at higit ang pagiging mababang loob. Sa kalikasan, ang isang nasa gulang na babae ay hindi madaling maimpluwensiyahan tulad ng isang anak.

    Ang Kapaitan ng Buhay

    Maraming mga babae ang masama ang loob sa mga karanasan nila sa buhay. Sila ay naging matigas, hindi mapagpatawad at walang awa. Ang masasakit na karanasan ng buhay ay hinugasan ang kagandahan ng pananalig at pagtitiwala. Huwag kang magtiwala sa lalaki, sabi nila. Sinasabi nila sa kanilang sarili, Huwag kang magtiwala sa isang babae. Napansin ko na maraming mga babae ang nabubuhay na mag-isa. Sila ay mapag-isa na halos walang mga kaibigan.

    Pansinin mo kung paano si Jesus ay kinausap ang babae na taga-Samaria. Sinubukan niyang hikayatin ang babaeng ito na maniwala sa mga bagay na kanyang sinasabi.

    …BABAE, PANIWALAAN MO AKO, na dumarating ang oras, na kahit sa bundok na ito, ni sa Jerusalem, ay hindi ninyo sasambahin ang Ama.

    Juan 4:21

    Pansinin mo kung paano si Jesus ay kinausap ang babaeng nahuli sa pangangalunya. Ang babaeng ito ay halos nawalan ng buhay sa mga kamay ng mga taong hindi makapagpatawad. Ninais Niyang muling mapaniwala ito sa pag-ibig .

    …BABAE,SAAN SILA NANGAROROON? Wala bagang taong humatol sa iyo? At sinabi niya, Wala sinoman, Panginoon. At sinabi ni Jesus, Ako man ay hindi rin hahatol sa iyo: humayo ka ng iyong lakad; mula ngayo’y huwag ka nang magkasala.

    Juan 8:10,11

    Pansinin din kung paano si Jesus ay kinausap ang babaeng nagdanas ng pagkakuba ng labing walong taon. Ang babaeng ito ay maraming mga pinagdusahan. Siya ay may kapaitan at sakit sa mahabang panahon. Ang babaeng ito ay nangailangan ng himala. Pansinin kung paano siya tinawag ni Jesus sa simbahan:

    …BABAE. KALAG KA NA sa iyong sakit. At ipinatong niya ang kaniyang mga kamay sa kaniya: at pagdaka siya’y naunat, at niluwalhati niya ang Dios.

    Lucas 13:12,13

    Kabanata 2

    Ang mga Anak na Babae

    Natural lamang na masasabi na ang mga anak na babae ay hindi puno ng kapaitan at kawalan ng kapatawaran. Mayroong katamisan at kawalang-malay na pagkakakilanlan sa isang anak na babae. Higit sa lahat, mayroong natatanging pagtitiwala at pananalig ang anak sa kanyang ama. Sa kasawiang palad, ang paniniwala, pag-asa at pag-ibig ng mga anak na babae ay kumukupas sa kanilang paglaki hanggang sa abutin nila ang sapat na gulang .

    Tinawag ni Jesus ang ilang babae bilang mga anak. Naniniwala ako na ito ay dahil sa pananalig nila sa Kanya. Napansin Niya ang dalisay na pag-ibig nila sa Kanya.

    Ating masdan ang pangkat ng mga babae na pinagministrohan ni Jesus. Sa sandaling ito, pansinin natin kung paano Niya tinawag sila ng di magkakatulad.

    Isa sa mga dakilang himala na ginawa ni Jesus, ang pagpapagaling sa babaeng dinudugo, nakita natin na siya ay tinawag ni Jesus bilang anak! Ang babaeng ito ay nakuha ang pagpapahid kahit na hindi naramdaman ng iba sa paligid niya.

    …at kaniyang naramdaman sa kaniyang katawan na magaling na siya…

    Marcos 5:29

    Datapuwa’t sinabi ni Jesus, MAY HUMIPO sa akin, sapagka’t naramdaman ko na may umalis na bisa sa akin.

    Lucas 8:46

    Mayroong mga bagay na nais kong mapansin ninyo tungkol sa anak na ito. Una sa lahat, mayroon siyang malaking pananampalataya sa kakayahan ni Jesus. Sa kanyang karamdaman at panghihina, sumiksik siya sa mga tao hanggang mahawakan niya ang tupi ng Kanyang damit.

    Kinailangan ng babaeng ito ang matinding pananalig upang sumiksik sa karamihan ng mga tao. Iyan ang tunay na dahilan kung bakit siya ay naging isang dakilang anak na babae: pananalig at pagtitiwala. Ang labingdalawang taon niyang mapait na karanasan sa ibat-ibang tao ay hindi sapat na hadlangan ang pusong may pananalig.

    Maingat na mga Babae

    Kung minsan, ang mga makasalanang karanasan sa ibat-ibang lalaki ay nagiging mahirap para sa isang babae ang pagtiwalaan ang kahit na sinong lalaki. Mayroon siyang kakaunting pagtitiwala sa kanyang ama, sa kanyang pastor o kahit na sinong lalaking naglilingkod sa Dios. Hindi niya kayang paniwalaan na mayroon pang kabutihan at kalinisan. Minsan, sa paglaki lamang sa isang kultura ng paghihinala at usap-usapan, ang binhi ng kawalan ng pagtitiwala ay naitatanim magpakailanman. Ang babaeng ito ay palaging walang-katiyakan, walang paniniwala, mapag-alinlangan at mapaghinala. Pangkaraniwan na, ang babaeng hindi kayang magtiwala ay hindi rin kayang magmahal. Siya ay puno ng takot. Ang ganap na pag-ibig ay nag-aalis ng takot. Ang sabi ng Biblia, ang pag-ibig ay

    …lahat ay pinaniniwalaan…

    1 Mga Taga-Corinto 13:7

    Ang mga Anak na Babae ay Nakakamit ang Pagpapahid ng Kanilang mga Ama

    Ang iba pang bukod-tanging palatandaan ng anak na ito, (ang babaeng dinudugo), ay ang katotohanang tinanggap niya ang pagpapahid ni Jesus. Ito ang kaisa-isang tala sa Biblia na ang pagpapahid ay umapaw patungo sa isang tao na kung alin ay naramdaman ng dalawa. Naramdaman ni Jesus ang bisa ng pagpapahid na naalis sa kanya at naramdaman ng anak na ang pagpapahid ay pumasok sa kanyang katawan.

    Makikita mo, ang mga bata ang nakatatanggap ng mga mahalagang kaloob na nagmula sa kanilang mga magulang. Ang mga bata at hindi ang mga kapantay nila o kasamahan ang nakatatangap ng pamana sa kanilang mga ama.

    Dumarating ang panahon sa buhay ng isang babae na hahamunin niya ang kapangyarihan ng isang lalaki. Hindi ko siya masisisi dahil marami sa mga kalalakihan ay iresponsable at hindi mapagkakatiwalaan.

    Subali’t, ang pakikipag-away laban sa mga lalaki at pangangampanya laban sa kanilang kapangyarihan ay makapaglalayo sa iyo sa pagpapahid. Palagi kang magkakaroon ng mapagmatigas na kalooban sa mga kaloob ng Dios. Mapapansin mo, marami sa mga sisidlang ginagamit ng Dios ay mga lalaki.

    Kung tinanggap mo ang isang tao bilang ama, binubuksan mo ang iyong sarili na tanggapin ang pinkamahalagang kaloob na nagmula sa kanya. Marahil, iyan ang dahilan kung bakit tinawag siya ni Jesus na anak.

    …ANAK, PINAGALING KA NG PANANAMPALATAYA MO; yumaon kang payapa, at gumaling ka sa salot mo.

    Marcos 5:34

    Ang mga Anak ay Magpakailanman

    Sa isang pagkakataon, noong si Jesus ay patungo sa krus, maraming tao ang sumunod sa kanya. Sa karamihan, naroon ang mga nalulungkot na babae dahil sa kawalang-katarungang ginawa sa kanya.Tinaguyod nila siya nang walang lihim at sa harap ng tao ay naki-isa sila sa kanya.

    Sa oras na ang lahat ng mga kalalakihan at mga sumusunod sa Panginoon ay iniwan siya, ang mga babae ay matibay na tumayo. Bumaling si Jesus sa kanila at nagministro ng salita ng propesiya na nagmula sa kanyang puso. Hindi niya tinawag ang mga nagtataguyod sa kanya na mga babae bilang babae,subalit bilang mga anak.

    …MGA ANAK NA BABAE NG JERUSALEM, huwag ninyo akong tangisan, kundi tangisan ninyo ang inyong sarili, at ang inyong mga anak.

    Lucas 23:28

    Magpasya ka na maging isang babae na makikita ni Jesus bilang isang anak. Isang tao na bukas sa kanyang pagpapahid! Isa na na magtataguyod sa tao ng Dios! Isa na handang maki-isang walang

    Kabanata 3

    Ang Panakip 

    Kailangan ng mga Kababaihan ang Panakip

    Ang mga kababaihan ay nangangailangan ng panakip sa kanilang buhay. Ang panakip ay nagsisilbing kalasag ng pangangalaga. Sa kasawiang palad, marami sa mga kababaihan ay hindi binibigyang pansin ang katotohanang ito. Nakikita nila ang kanilang sarili na kapantay ng mga lalaki at higit na mabuti tulad ng iba.

    Datapuwa’t ang bawa’t babaing nananalangin o nanghuhula na walang lambong ang kaniyang ulo, niwawalan ng puri ang kaniyang ulo…

    1 Mga Taga-Corinto 11:5

    Sa pagkakaroon ng espiritu ng kababaan ay matatanggap mo ang ganitong katotohanan. Ang Kaharian ng Dios ay matatamong lubusan sa pamamagitan ng saloobin tulad ng isang maliit na bata.

    …Malibang kayo’y magsipanumbalik, at maging tulad sa maliliit na bata, sa anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian…

    Mateo 18:3

    Mahalaga sa isang babae na malukuban siya sa kanyang espiritu at ang panakip na ito ay nagmumula sa namumuno. Kahit na ang babae ay may asawa o wala, maari siyang magkaroon ng panakip na kanyang kailangan.

    …at ang pangulo ng babae ay ang lalake…

    1 Mga Taga-Corinto 11:3

    Ang panakip ay nagmumula kung minsan sa asawa, mga pastor o mga espiritual na ama. Ang isang babae na nagmiministro ng walang panakip na espiritual ay wala sa lugar. Walang alinlangan, kung ikaw ay kasal sa isang di nananampalataya, hindi siya maaring maging espirtual na panakip mo. Iyan ang dahilan kung bakit tinawag itong panakip.

    Mahal kong kapatid, may espiritual na panakip ka ba? Ikaw ba ay nakabukas sa payo ng mga kalalakihan na binigay ng Dios sa iyo bilang panakip? Sino ang espirtual na panakip mo? Ikaw ba ay mapanghimagsik? Huwag mong kalimutan na wala sinoman sa atin ang mataas pa sa Salita ng Dios.

    Kabanata 4

    Anak, Ito ang Iyong Karangalan!

    At sinabi ni Barac sa kaniya, Kung ikaw ay sasama sa akin ay paroroon nga ako: nguni’t kung hindi ka sasama sa akin, ay hindi ako paroroon. At kaniyang sinabi, Walang pagsalang sasama ako sa iyo: gayon ma’y ang lakad na iyong ipagpapatuloy ay HINDI MAGIGING SA IYONG KAPURIHAN;SAPAGKAT IPAGBIBILI NG PANGINOON SI SISARA SA KAMAY NG ISANG BABAE. At si Debora ay tumindig at sumama kay Barac sa Cedes.

    Mga Hukom 4:8, 9

    Sa kasaysayang ito, ang babae ay binigyan ng pagkakataon na kuhanin ang karangalan sa isang lalaki. Ang gawain

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1