Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Sabihin Mo sa Kanila
Sabihin Mo sa Kanila
Sabihin Mo sa Kanila
Ebook174 pages2 hours

Sabihin Mo sa Kanila

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Ang kabukiran ay namumuti na at ang ani ng mga kaluluwa ay hinog na, subalit nasaan ang mga mangangaral?Ang bagong aklat ni Dag Heward Mills na nagbibigay inspirasyon ay isang tawag sa mga Kristiyano na maging mga taga-akay ng mga kaluluwa

LanguageTagalog
Release dateApr 9, 2018
ISBN9781683986591
Sabihin Mo sa Kanila
Author

Dag Heward-Mills

Bishop Dag Heward-Mills is a medical doctor by profession and the founder of the United Denominations Originating from the Lighthouse Group of Churches (UD-OLGC). The UD-OLGC comprises over three thousand churches pastored by seasoned ministers, groomed and trained in-house. Bishop Dag Heward-Mills oversees this charismatic group of denominations, which operates in over 90 different countries in Africa, Asia, Europe, the Caribbean, Australia, and North and South America. With a ministry spanning over thirty years, Dag Heward-Mills has authored several books with bestsellers including ‘The Art of Leadership’, ‘Loyalty and Disloyalty’, and ‘The Mega Church’. He is considered to be the largest publishing author in Africa, having had his books translated into over 52 languages with more than 40 million copies in print.

Related to Sabihin Mo sa Kanila

Related ebooks

Reviews for Sabihin Mo sa Kanila

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Sabihin Mo sa Kanila - Dag Heward-Mills

    Kabanata 1

    Isangdaan at Dalawampung mga Kadahilanan Kung Bakit Ikaw ay Dapat na Maging Tagapaghikayat ng Kaluluwa

    1. Ikaw ay dapat na maging tagapaghikayat ng kaluluwa dahil ito ang dakilang kautusan, dakilang kautusan, dakilang ipinag-uutos, dakilang tagubilin, dakilang utos na ibinigay sa atin ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Hesu-Kristo.

    At lumapit si Jesus sa kanila at sila’y kaniyang kinausap, na sinasabi, Ang lahat ng kapamahalaan sa langit at sa ibabaw ng lupa ay naibigay na sa akin. Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila’y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo: Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo: at narito, ako’y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan.

    Mateo 28:18-20

    2. Ikaw ay dapat na maging tagapaghikayat ng kaluluwa dahil ikaw ay tinawag sa dakilang gawain na ito ng panghihikayat ng kaluluwa.

    Sapagka’t marami ang mga tinawag, datapuwa’t kakaunti ang mga nahirang.

    Mateo 22:14

    Kaya’t ang mga una’y mangahuhuli, at ang mga huli ay mangauuna.

    Mateo 20:16

    Kung Ano ang Sinabi ni William Booth tungkol sa Tawag

    "Hindi tinawag! Ang siyang sinabi mo? Hindi narinig ang tawag, ang sa palagay ko ay ang dapat mong sinabi.

    Ilagay mo ang iyong tenga sa Bibliya, at pakinggan mo ang Siyang nagsasabi ng ikaw ay humayo at hilahin ang mga makasalanan palabas ng apoy ng kasalanan! Ilagay mo ang iyong tenga sa mga nabibigatan, naghihirap na puso ng sangkatauhan at pakinggan ang kaawa-awang pagtaghoy nito para sa tulong!

    Tumayo ka sa pintuan ng impiyerno, at maririnig mo ang pagsumamo na ikaw ay magtungo sa bahay ng kanilang mga ama at pakiusapan ang kanilang mga mga kapatid na lalaki at babae at mga alipin at amo na huwag pumunta doon!

    Pagkatapos ay tingnan mo si Kristo sa Kanyang mukha — na ang awa ay iyong ipinangakong sususdin — at sabihin mo sa Kanya kung ikaw ay magiging kabahagi nang buong puso at kaluluwa at katawan at mga kalagayan sa paglakad upang maipahayag ang Kanyang awa sa mundo."

    William Booth, ang nagtatag ng Salvation Army

    "Ako ay naniniwala na sa bawat saling-lahi ang Diyos ay tumawag nang sapat na mga kalalakihan at mga kababaihan upang mangaral ng ebanghelyo sa lahat ng mga hindi pa nararating na mga tribo sa lupa. Hindi dahil ang Diyos ay hindi tumawag, ang tao ang hindi tumutugon."

    Isobel Kuhn, misyonero sa Tsina at Thailand

    3. Ikaw ay dapat na maging tagapaghikayat ng kaluluwa dahil ikaw ay nilikha upang magsagawa ng mabuting gawain nang panghihikayat ng kaluluwa.

    Sapagka’t tayo’y KANIYANG GAWA, na nilalang kay Cristo Jesus PARA SA MABUBUTING GAWA, na mga inihanda ng Dios nang una upang siya nating lakaran.

    Mga Taga-Efeso 2:10

    Minsan akong nagkaroon ng pakikpagtalakayan sa isang nagmamaneho ng taksi sa London. Sinabi ko sa kanya na ako ay isang Kristiyano, at ako ay nagsimulang magbahagi sa kanya nang tungkol kay Kristo. Sinabi ko rin sa kanya ang katotohanan ng Langit at Impiyerno. Siya ay tumawa at nagtanong kung ako ba ay talagang naniniwala sa aking mga sinasabi.

    Sinabi niya, Kung ang Langit ay totoo, bakit kayong mga Kristiyano ay hindi na lamang magpakamatay upang mapunta na sa Langit?

    Ang kanyang sinasabi ay gayun din lamang na ang Langit ay isang napakagandang lugar, wala nang kailangan pang gawin ang mga Kristiyano sa lupa, kaya’t sila ay dapat nang lumipat sa Langit.

    Kung totoo nga na wala nang dapat pang gawin ang mga Kristiyano sa lupa, ang taong ito ay may magandang punto. Gayunpaman, ang katotohan na ang mga Kristiyano ay marami pang dapat gawin sa lupa bago mapunta sa Langit. Tayo ay dapat na maging mga saksi at ipangaral ang Mabuting Balita ni Hesu-Kristo. Dapat nating mahikayat ang mga naliligaw ng landas sa kahit anong paraan.

    Ang kaligtasan ng milyon-milyong mga tao ay nakadepende sa atin. Ikinalulungkot kong sabihin na hindi pa nahahanap ng karamihan sa mga Kristiyano ang mga dahilan kung bakit sila ay naligtas.

    Sinasabi sa Bibliya na tayo ay naligtas dahil sa isang dahilan

    — para sa mabubuting mga gawa!

    Sapagka’t tayo’y KANIYANG GAWA, na nilalang kay Cristo Jesus PARA SA MABUBUTING GAWA, na mga inihanda ng Dios nang una upang siya nating lakaran.

    Mga Taga-Efeso 2:10

    Ang mga Kristiyano ay nawawala sa pananampalataya araw-araw dahil sila ay walang layunin sa simbahan. Ang mga tao ay dumadalo ng pagsamba, ngunit pagkaraan nang ilang panahon sila ay umaalis, nang hindi nahahanap ang ibig sabihin ng buhay sa simbahan. Ang sinoman na nagsasagawa ng panghihikayat ng kaluluwa ay magsisimulang matuklasan ang dahilan ng kanyang pagkakaligtas. Ang panghihikayat ng kaluluwa ay nagpapataas ng tiwala sa sarili ng isang Kristiyano.

    4. Ikaw ay dapat na maging tagapaghikayat ng kaluluwa dahil ang panghihikayat ng kaluluwa ay ay nagbibigay ng lubos na kaligayahan at nagbibigay-sigla sa mga Kristiyano.

    Pagkatapos nga ng mga bagay na ito, ang Panginoon ay naghalal ng pitongpu pa, at sila’y sinugong daladalawa, sa unahan ng kaniyang mukha, sa bawa’t bayan at dako 

    ... at sinabi niya sa kanila, Sa katotohana’y marami ang aanihin…magsiyaon kayo sa iyong lakad…

    At NAGSIPAGBALIK ang pitongpu NA MAY KAGALAKAN…

    Lucas 10:1-3,17

    Anumang oras na ikaw ay lumabas at mangaral ikaw ay babalik nang may kagalakan. Mayroong kagalakan kapag ang mga kaluluwa ay nahihikayat. Hindi ko ito maipaliwanang. Tanging ang isang ina lamang ang makakapagpaliwanag ng kanyang nararamdaman matapos maisilang ang isang sanggol. Nakakita na ako ng maraming mga kababaihan na nahirapan sa panganganakm ngunit hindi ang sakit o paghihirap ang makakapigil sa kanila upang magsaya.

    Kapag ikaw ay nakapagdala ng mga tao sa Panginoon, matutuklasan mo kung ano ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng kagalakan ng Panginoon. Hindi ko ito maipapaliwanang sa iyo. Ito ay dapat mong matuklasan para sa iyong sarili. Natukalasan ko na ang mga miyembro ng aking simbahan ay nagkakaroon ng sigla kapag sila ay nagiging kabahagi ng panghihikayat ng kaluluwa. Ang panghihikayat ng kaluluwa ay nakakapagpakawala ng kagalakan ng Panginoon sa simbahan.

    5. Ikaw ay dapat na maging tagapaghikayat ng kaluluwa dahil ang tunay na kadakilaan ng anumang simbahan ay hindi kung gaano karami ang mga upuan ngunit kung gaano karami ang mga naipapadala nito.

    6. Ikaw ay dapat na maging tagapaghikayat ng kaluluwa dahil ang panghihikayat ng kaluluwa ay ang tinitibok ng puso ni Hesus.

    Ilang taon na ang nakakaraan, ako ay nagkaroon ng isang pangitain. Sa pangitaing ito, nakita ko ang isang puso ng tao na puno ng dugo. Ang puso ay tumitibok. Inilagay ng Diyos sa aking puso noong araw na iyon na ang iyak ng puso ni Hesu-Kristo ay ang pag-aani sa kabukiran. Hindi iniwan ni Hesus ang Kanyang trono para sa walang kabuluhan na bagay! Siya ay pumarito sa mundong ito upang iligtas ang mga makasalanan.

    Sapagka’t ang Anak ng tao ay naparito upang hanapin at iligtas ang nawala

    Lucas 19:10

    7. Ikaw ay dapat na maging tagapaghikayat ng kaluluwa dahil ang panghihikayat ng kaluluwa ay nakakahadlang ng pagkakahiwa-hiwalay sa simbahan.

    Kapag ang mga miyembro ng iyong simbahan ay nagsasagawa ng mga produktibong mga gawain, sila ay walang panahon para sa mga walang saysay na mga alitan na nagdadala ng mga pagkakahiwa-hiwalay. Ang mga pastor ay dapat na magturo sa mga miyembro ng kanilang simbahan na ang kaluluwa ay kaluluwa at ito ay mahalaga sa Diyos.

    Kapag ang mga miyembro ng simbahan ay mapag-alala sa mga kaluluwa na dapat na mahikayat, ang kanilang mga priyoridad ay nagiging ang mga priyoridad na nauukol sa bibliya.

    Ang pagkakahiwa-hiwalay ng simbahan at pagkakahati ay naiiwasan. Kapag napakaraming mga Kristiyano ang nasa iisang lugar lamang at walang ginagawa, kalimitan ng ito ay pinagmumulan ng mga sakitan, pag-aaway at mga sugat.

    8. Ikaw ay dapat na maging tagapaghikayat ng kaluluwa dahil panghihikayat ng kaluluwa ay lumilikha ng banal na suporta at proteksyon.

    Hindi dahil sa ating kagustuhan na tayo ay nagpapakalat ng Mabuting Balita o hindi. Ating ikamamatay ang hindi paggawa nito."

    Peter Taylor Forsyth

    Kapat ikaw ay nakakapaghikayat ng mga kaluluwa, ikaw ay lumilikha ng banal na suporta sa lahat ng iyong mga ginagawa.

    Habang binabasa mo ang Bibliya, matutuklasan mo na ang panghihikayat ng kaluluwa ay ang pinagmumulan ng makalangit na kagalakan. May makalangit na pagtugon sa bawat isang kaluluwa na iyong mahihikayat para sa Panginoon.

    Sinasabi ko sa inyo, na gayon din MAGKAKATUWA SA LANGIT dahil sa isang makasalanang nagsisisi, kay sa siyam na pu’t siyam na taong matutuwid na di nangagkakailangang magsipagsisi.

    Gayon din, sinasabi ko sa inyo, na may TUWA SA HARAPAN NG MGA ANGHEL NG DIOS, dahil sa isang makasalanang nagsisisi.

    Lucas 15:7,10

    Dapat malaman ng mga simbahan kung bakit sila ay naririto: upang makapagdala ng mga kaluluwa para sa Langit. Ang mga embahada ay binuo upang kumatawan sa pamahalaan na kanilang pinanggalingan. Ang simbahan ay mayroon ding makalangit na mga embahada.

    Marami ang nananalangin na sila ay mailayo sa kasamaan. Alam mo ba na ang banal na proteksyon ay para sa lahat na nakikibahagi sa paggawa ng kalooban ng Diyos?

    Sinasabi sa Awit 91 na, ikaw ay ililigtas at iingatan ng Diyos dahil inilagak mo ang iyong pag-ibig sa Kanya.

    Sapagka’t kaniyang inilagak ang kaniyang pagibig sa akin, KAYA’T INILIGTAS KO SIYA: aking ilalagay siya sa mataas, sapagka’t kaniyang naalaman ang pangalan ko.

    Siya’y tatawag sa akin, at sasagutin ko siya; ako’y sasa kaniya sa kabagabagan: AKING ILILIGTAS SIYA, at pararangalan siya.

    Aking bubusugin siya ng mahabang buhay, at ipakikita ko sa kaniya ang aking pagliligtas

    Awit 91:14-16

    Kapag inilagak mo ang iyong pag-ibig sa Diyos upang pasayahin Siya, sinasabi ng Diyos na ikaw ay Kanyang ililigtas. Naniniwala ako na ginagawa ko ang kalooban ng Diyos. Marahil ito lamang ang tanging dahilan kung bakit ako ay nabubuhay pa. Katulad ni Pablo, ako ay may ilang mga karanasan na rin sa bingit ng kamatayan, kasama na ang kamuntik nang pagbagsak ng eroplano at mga aksidente sa sasakyan.

    Sila baga’y mga ministro ni Cristo? (ako’y nangungusap na waring nasisira ang bait) lalo pa ako; sa pagpapagal ako’y lubhang sagana, sa mga bilangguan ay lubhang madalas, sa mga palo ay walang bilang, sa mga ikamamatay ay malimit.

    Sa mga Judio ay makalimang tumanggap ako ng tigaapat na pung palo, kulang ng isa. Makaitlong ako’y hinampas ng mga panghampas, minsan ako’y binato, makaitlong ako’y nabagbag, isang araw at isang gabi na ako’y nasa kalaliman ng dagat;

    2 Mga Taga-Corinto 11:23-25

    Sa lahat ng mga ito masasabi ko rin na katulad ni Pablo na ako ay iniligtas ng Diyos mula sa lahat nang mga ito.

    Sapagka’t ako’y naniniwalang lubos, na kahit ang kamatayan man, kahit ang buhay, kahit ang mga anghel, kahit ang mga pamunuan, kahit ang mga bagay na kasalukuyan, kahit ang mga bagay na darating, kahit ang mga kapangyarihan, Kahit ang kataasan, kahit ang kababaan, kahit ang alin mang ibang nilalang, ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pagibig ng Dios, na nasa kay Cristo Jesus na Panginoon natin.

    Mga Taga-Roma 8:38-39

    Nakikita ko na ikaw ay inililigtas na ngayon ng Diyos! Nakikita ko na tinutulungan ka ng Diyos sa panahon ng iyong paghihirap! Nakikita ko na ang Diyos ay kasama mo dahil inilagak mo ang iyong pag-ibig sa Kanya!

    Nais mo bang manatili sa kalooban ng Diyos? Nais mo bang lumago ang iyong simbahan? Maging tagapaghikayat ng kaluluwa ngayon. Makikita mo ang kaibahang magaganap sa iyong simbahan.

    Makikita ko lamang na ang aking trabaho bilang isang pastor ay natupad na kapag ang isa sa aking mga miyembro ay naging isang ministro na. Nais ko na ang bawat miyembro ng aking simbahan ay maging tagapaghikayat ng kaluluwa. Nais ko na sila ay magkaroon ng bunga na maipapakita balang araw. Kung wala ang pag-aani ng mga kaluluwa, ang pastor ay walang mga tupa na babantayan. Ang bawat pastor ay maaring makagawa ng gawain ng isang mangangaral ng ebanghelyo!

    9. Ikaw ay dapat na maging tagapaghikayat ng kaluluwa dahil ang panghihikayat ng kaluluwa ang makakahadlang sa iyo na hagurin nang paulit-ulit ang pare-parehong mga putol ng pilak.

    O aling babae na may sangpung putol na pilak, na kung mawalan siya ng isang putol, ay hindi baga magpapaningas ng isang ilawan, at wawalisan ang bahay, at hahanaping masikap hanggang sa ito’y masumpungan niya?

    At pagka nasumpungan niya, ay titipunin niya ang kaniyang mga kaibigan at mga kapitbahay, na sinasabi, Makipagkatuwa kayo

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1