Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Ibang Tao...
Ibang Tao...
Ibang Tao...
Ebook82 pages1 hour

Ibang Tao...

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Pinaaalala sa atin ng Bibliya na "huwag tingnan ng bawa't isa sa inyo ang sa kaniyang sarili, kundi ang bawa't isa naman ay sa iba't iba” (Mga Taga-Filipos 2:4). Sa napapanahong aklat na ito, hinahamon ka ni Dag Heward-Mills na lampasan ang pag-iisip ukol sa iyong sarili at isipin din ang iba! Mahalin din ang iba! Isaalang-alang din ang iba! Pakaingatan din ang iba! Mabuhay din para sa iba! Dumating si Hesus upang mamatay para sa atin dahil inisip Niya ang "iba". Nais kong maging mas katulad Niya. Nais mo bang maging tulad ni Hesus?

LanguageTagalog
Release dateApr 9, 2018
ISBN9781683986768
Ibang Tao...
Author

Dag Heward-Mills

Bishop Dag Heward-Mills is a medical doctor by profession and the founder of the United Denominations Originating from the Lighthouse Group of Churches (UD-OLGC). The UD-OLGC comprises over three thousand churches pastored by seasoned ministers, groomed and trained in-house. Bishop Dag Heward-Mills oversees this charismatic group of denominations, which operates in over 90 different countries in Africa, Asia, Europe, the Caribbean, Australia, and North and South America. With a ministry spanning over thirty years, Dag Heward-Mills has authored several books with bestsellers including ‘The Art of Leadership’, ‘Loyalty and Disloyalty’, and ‘The Mega Church’. He is considered to be the largest publishing author in Africa, having had his books translated into over 52 languages with more than 40 million copies in print.

Related to Ibang Tao...

Related ebooks

Reviews for Ibang Tao...

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Ibang Tao... - Dag Heward-Mills

    Kabanata 1

    Ang mga Kailangan mong Malaman tungkol sa IBANG TAO

    Huwag tingnan ng bawa’t isa sa inyo ang sa kaniyang sarili, kundi ang bawa’t isa naman ay sa iba’t iba. Mangagkaroon kayo sa inyo ng pagiisip, na ito’y na kay Cristo Jesus din naman:

    Filipos 2:4-5

    Maraming taon na ang nakalilipas, isang dakilang heneral ng kaharian ng Diyos ang nabuhay at nagtatag ng Salvation Army. Marami siyang pinuno at naging mabunga para sa kaharian ng Diyos. Isang araw, nagpadala siya ng mahalagang telegrama sa isang grupo ng kanyang mga pinuno. Inutos niya na ang lahat ay naroon sa pagbasa ng telegrama. Ang mga pinuno ay nagtipon para sa pagpupulong na may malaking pag-asa, at pagtataka kung ano ang mahalagang mensahe na iyon. Nang nakapwesto na ang lahat, binuksan nila ang nakasarang telegrama at nagpatuloy sa pagbasa nito sa pagtitipon. Silang lahat ay nabigla! Sa halip na mahabang sulat na may maraming tagubilin, ang natatanging telegrama na ito ay mayroon lamang isang salita. Ano kaya ang salitang iyon: "IBANG TAO"!

    Ang pagtitipon ng mga pinuno ng Salvation Army na nakaupo doon ay nabigla, nagtataka kung ano talaga ang mensahe na, "IBANG TAO! Ano ang ibig sabihin ni William Booth sa hindi pangkaraniwang mensahe na ito? Habang sila ay nakaupo doon, tahimik na nag-iisip sa salitang IBANG TAO, sigurado ako na nangusap ang Diyos sa bawat isa sa kanila. Ang salitang IBANG TAO" ay mensahe sa lahat ng Kristiyano.

    Ang Mensahe ng "IBANG TAO"!

    1. Ang mensahe ng "Ibang tao ay, mayroong‘IBANG TAO’"!

    2. Ang mensahe ng "Ibang tao ay, Ang ating mga isip ay kailangan nakatuon sa ‘IBANG TAO’"!

    3. Ang mensahe ng "Ibang tao ay, Ilalaan natin ang ating mga buhay para sa ‘IBANG TAO’"!

    4. Ang mensahe ng "Ibang tao ay, Nararapat tayong mabuhay para sa ‘IBANG TAO’"!

    5. Ang mensahe ng "Ibang tao ay, Nararapat tayong maglingkod sa ‘IBANG TAO’"!

    6. Ang mensahe ng "Ibang tao ay, Nararapat nating ialay ang ating mga buhay para sa ‘IBANG TAO’"!

    7. Ang mensahe ng "Ibang tao ay, Nararapat nating gamitin ang lahat ng mga biyayang ibinigay ng Diyos sa atin upang kalingain ang ‘IBANG TAO’"!

    Apat na Bagay na Kailangan Mong Tandaan Tungkol sa "IBANG TAO"

    Mayroong apat na pangunahing bagay na kailangan mong isaisip pagdating sa "IBANG TAO". Kung matatandaan mo ang apat na bagay na ito, magkakaroon ka ng tamang saloobin sa ibang tao.

    1. KAILANGAN NG IBA SI CRISTO!

    Sinabi sa kaniya ng babae, Nalalaman ko na paririto ang Mesias (ang tinatawag na Cristo): na pagparito niya, ay ipahahayag niya sa amin ang lahat ng mga bagay. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako na nagsasalita sa iyo ay siya nga. At sa ganito’y nagsidating ang kaniyang mga alagad; at sila’y nangagtaka na siya’y nakikipagsalitaan sa isang babae; gayon ma’y walang taong nagsabi, Ano ang iyong hinahanap? o, Bakit nakikipagsalitaan ka sa kaniya? SA GAYO’Y INIWAN NG BABAE ANG KANIYANG BANGA NG TUBIG, AT NAPASA BAYAN, AT SINABI SA MGA TAO, magsiparito kayo, tingnan ninyo ang isang lalake, na nagsabi sa akin ng lahat ng mga bagay na aking ginawa: mangyayari kayang ito ang Cristo? Nagsilabas sila sa bayan, at nagsisiparoon sa kaniya.

    Juan 4:25-30

    Palaging tandaan na maraming tao ang nangangailangan kay Cristo. Milyon-milyong mga tao ang hindi nakakakilala kay Jesus sapagkat nabigo ang simbahan na isipin ang tungkol sa "ibang tao. Karamihan sa mga Kristyano ay hindi iniisip ang katotohanan na ang ibang tao ay hindi kilala si Cristo. Masaya sila na kawilihan si Cristo sa kanilang mga simbahan at sa kanilang magagandang samahan. Pakiusap na tandaan na maraming, maraming tao ang hindi alam ang tungkol kay Cristo at naghihintay na marinig na maipangaral ang purong ebanghelyo. Marami ang magbibigay ng kanilang puso sa Diyos kung mayroon lamang magpapatotoo sa kanila. Totoo nga, kailangan ng Ibang tao" si Cristo!

    Ang babae sa Samaria ay mabilis na naalala ang "ibang tao. Pagkatapos siyang maging mapalad na makilala si Jesus, naisip niya ang lahat ng tao sa kaniyang siyudad na walang alam tungkol kay Jesus. Ang babae sa Samaria ay isang dakilang halimbawa ng isang tao na nakaalala sa ibang tao". Karamihan sa mga tao ay masaya na tumanggap ng isang magandang bagay ngunit bihirang isipin ang ibang tao na wala ang kung anong mayroon sila.

    2. KAILANGAN NG IBANG TAO ANG ISANG PASTOL!

    At MAYROON AKONG IBANG MGA TUPA, na hindi sa kulungang ito: sila’y kailangan din namang dalhin ko, at kanilang diringgin ang aking tinig; at sila’y magiging isang kawan, at magkakaroon ng isang pastor.

    Juan 10:16

    Mayroon akong ibang mga tupa! Ibig nitong sabihin ay maramingmgatupa sa ibanglugar na naghihintay sa pastol. Si Jesus ay patuloy na nababatid na may ibang tao na nangangailangan ng Kanyang pagpastol na pagmamahal at pagkalinga. Batid ni Jesus na maraming "ibang tao ang nangangailangan ng Kanyang pagpapastol at katuruang pagpapastol. Batid mo ba ang ibang tao" na nangangailangan ng pastor at pagpapastol na pagkalinga?

    Mahalaga na maalala na maraming Kristyano ang nangangailangan ng isang pastol. Isang bagay ang maging ligtas, at ibang bagay naman ang mapastoran at mapastulan nang angkop.

    May malaking pangangailangan para sa mga mabubuting pastol at mabubuting pastor. Sinabi ni Jesus Mayroon akong ibang mga tupa! Mayroong ibang Kristyano na naghihintay at umaasa na may isang pastor na ilalagay upang alagaan at pakainin sila. Maraming mga Kristyano ang masayang kinawiwilihan ang mga tao ng Diyos na makapangyarihang nangangasiwa sa

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1