Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Kapangyarihan Ng Dugo
Kapangyarihan Ng Dugo
Kapangyarihan Ng Dugo
Ebook83 pages1 hour

Kapangyarihan Ng Dugo

Rating: 4 out of 5 stars

4/5

()

Read preview

About this ebook

Ang Bibliya ay nagsasaad ukol sa maraming uri ng dugo: ang dugo ng mga kambing, mga tupa at ng mga kalapati! Ang Bibliya rin ang nagpapahayag na kung walang pagbibigay ng dugo ay walang kapatawaran ng mga kasalanan. Kaya ba ng iba't ibang uri ng dugo na ito na alisin ang ating kasalanan? Ang sagot ay isang nagmamatigas na 'Hindi!' Kaya ano ang makapaglilinis ng ating mga kasalanan? Wala nang iba kundi ang dugo ni Hesukristo! Tanging ang dugo ni Hesus ang mayroong kapangyarihan na linisin ang ating mga kasalanan at magdala sa atin ng kaligtasan.
Sa napakahalagang aklat na ito, matutuklasan mo ang maraming mga banal na katotohanan ukol sa dugo ni Hesukristo. Matatagpuan mo kung paano ang dugo ni Hesus ang nagbibigay ng buhay at kung paanong nakuha ng dugo ni Hesus ang kahalagahan nito. Maiintindihan mo ang ugnayan sa pagitan ng Banal na Espiritu at ng dugo ni Hesus. Tunay na mayroong kapangyarihan sa dugo ni Hesus!

LanguageTagalog
Release dateApr 9, 2018
ISBN9781683986546
Kapangyarihan Ng Dugo
Author

Dag Heward-Mills

Bishop Dag Heward-Mills is a medical doctor by profession and the founder of the United Denominations Originating from the Lighthouse Group of Churches (UD-OLGC). The UD-OLGC comprises over three thousand churches pastored by seasoned ministers, groomed and trained in-house. Bishop Dag Heward-Mills oversees this charismatic group of denominations, which operates in over 90 different countries in Africa, Asia, Europe, the Caribbean, Australia, and North and South America. With a ministry spanning over thirty years, Dag Heward-Mills has authored several books with bestsellers including ‘The Art of Leadership’, ‘Loyalty and Disloyalty’, and ‘The Mega Church’. He is considered to be the largest publishing author in Africa, having had his books translated into over 52 languages with more than 40 million copies in print.

Related to Kapangyarihan Ng Dugo

Related ebooks

Reviews for Kapangyarihan Ng Dugo

Rating: 4 out of 5 stars
4/5

1 rating0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Kapangyarihan Ng Dugo - Dag Heward-Mills

    Kabanata 1

    Ang mga Salita at ang Dugo ni Hesu-Kristo

    Maraming mga bagay ang matututunan natin mula kay Hesu-Kristo. Maraming mga bagay ang maari nating pag-aralan tungkol kay Hesu-Kristo! Maaari nating pag-aralan ang Kanyang buhay, Kanyang pamilya, Kanyang mga nagawa, Kanyang ministeryo, Kanyang mga paglalakbay, Kanyang mga layunin at Kanyang paraan ng pamumuno. Ngunit ang dalawa sa pinakamahahalagang mga bagay tungkol kay Hesu-Kristo ay ang Kanyang mga salita at Kanyang dugo.

    Mahahalagang mga Salita

    Ang mga salita ni Hesus ay ahalaga sapagkat itinuturo nito sa atin ang mga katotohanan at ang karunungan ng Diyos.

    Ito ay sapat na upang ilagay ang mga salita ni Hesus na nakatataas sa lahat ng salita ng tao. Ngayon, ang mga salita ni Hesus ay hinihiwalay mula sa natitirang bahagi ng banal na kasulatan sa pamamagitan ng pulang tinta.

    Dati, ang magandang mga salita ni Kristo ay walang pili-piling inihalo sa natitirang bahagi ng Kasulatan. Ang Makabagong Bibliya ay nagtalaga ng karapat-dapat na karangalan sa mga salita ni Hesus. Sa mga pulang letra ng Bibliya, ang mga salita ni Hesus ay inilagay sa sarili nitong uri; isang uri na walang kapantay.

    Sa yugto ng repormasyon ng simbahan, ang mga tao ay nakatuon sa gawa ni Kristo sa Kalbaryo. Nauna rito, ang katauhan ni Kristo ang nakatatawag pansin. Sa mga nakalipas na taon, ang mga nilalaman ng Kanyang panlupang buhay mula sa sabsaban hanggang sa krus ay naging tampulan ng masusing pag-aaral. Ngayon, kailangan din nating bigyang-diin ang dugo ni Hesu-Kristo

    Sa kabutihang palad, ang natatanging halaga ng dugo ni Hesus ay kinikilala na ngayon. Ang dugo ni Hesus ay itinalaga sa pagkakakilanlan na nararapat dito.

    Mahalagang Dugo

    Ang ating mga kasalanan ay hindi maaring mahugasan ng mga salita ni Hesus. Kailangan natin ang dugo ni Hesus upang tayo ay linisin mula sa ating pagkakaiba at makasalanang kalagayan upang ang ating pangalan ay maisulat sa Aklat ng Buhay. Gaano man karami ang mga sinabi, ipinangaral at itinuro ni Hesus, kailangan pa rin Niya tayong iligtas sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Kanyang dugo. Maliban sa pagkabuhos ng dugo ay wala nang iba pang kapatawaran sa kasalanan. Kinakailangan ng pagbubuhos ng dugo upang matabunan nito ang ating mga kasalanan.

    Sino ang Magbabayad ng Ating mga Kasalanan?

    Tunay na ang pangangaral at karunungan ng Diyos ay matatagpuan sa mga aral ni Hesu-Kristo. Subalit sino ang magbabayad ng ating mga kasalanan? Sino ang magbabayad ng halaga upang tayo ay makatakas mula sa impyerno? Tayo ay tinubos (ibinalik) ng dugo ni Hesu-Kristo. Tayo ay tinubos hindi ng mga salita ni Hesus kung hindi ng Kanyang dugo. Tayo ay tinubos hindi nang dugo ng mga toro at mga kambing ngunit ng dugo ni Hesus.

    Itigil ang Pangangaral at Hayaang Dumaloy ang Dugo

    Bakit si Hesu-Kristo ay huminto ng pangangaral sa edad na tatlumpu’t tatlo at nagpatuloy sa krus? Bakit hindi Niya ipinagpatuloy ang Kanyang misyon ng pangangaral at pagtuturo ng salita ng Diyos sa ibang mga bansa? Hindi ba Siya maaaring magtungo ng Syria, Lebanon, Inglatera, Alemaniya, Iraq, Persiya, India at Aprika? Tiyak na ito ay maari. Siya ay tatlumpu’t tatlong taon pa lamang nang ibigay Niya ang Kanyang buhay sa krus. Kung Siya ay nabuhay ng apatnapung taon pa, marahil sa edad na walumpu, maaaring nagawa pa Niyang maglakbay sa buong mundo.

    Noong binisita ko ang Chennai sa india, natagpuan ko ang isang simbahan na itinayo sa ala-ala ni Santo Tomas, ang mapag-alinlangan. Si Tomas ay isa sa labindalawang apostol ni Hesu-Kristo. Tila, ang apostol na si Tomas ay naglakbay sa India at naglingkod doon. Siya ay naging isang martir at isang simbahan ay itinayo doon bilang parangal sa kaniya. Kung si Tomas, na nabuhay at lumakad na kasama ni Hesus ay nagawang maglakbay sa India, kung gayon, si Hesus mismo ay may kakayanan din na maglakbay sa India. Ito ay angkop na angkop sa kakayanan ni Hesu-Kristo na maglakbay sa buong mundo upang ipangaral ang ebanghelyo ng kaharian.

    Si Hesu-Kristo ay biglang tumigil sa pangangaral at Siya ay nagtungo sa Jerusalem kung saan alam Siya ay maaring mahuli, mapahirapan at mapatay. Sinabi ni Hesus, ‘walang maaring kumuha ng aking buhay. Inilatag ko ito sa aking sariling kapasyahan.’ Bakit ginawa iyon ni Hesus? Siya ba ay nag-iisip ng tama?

    Bakit ang Krus?

    Bakit si Hesus ay kusang-loob at sinadyang pumunta sa lugar kung saan Siya ay ipapako sa krus at kung saan Siya ay papatayin ng masasamang tao? Ang paraang ito ang pinahintulutan ni Hesus upang maibuhos ang Kanyang dugo para sa kasalanan ng sangkatauhan. Kung hindi binubos ni Hesus ang kaniyang dugo para sa atin, nagtagal sana ang kaniyang ministeryo hanggang sa maglaho ang Kanyang mensahe. Ngayon, ang kapangyarihan ng ibinuhos na dugo ni Hesus ay gumagana pa rin. Ito ay umabot sa pinakamataas na bundok at sa pinakamababang lambak sa ating daigdig. Ang kapangyarihan ng kaligtasan ng Diyos ay napapakawalan pa rin dalawang libong taon na ang nakalipas makaraan ang kamatayan ni Hesus. Ito ang dahilan kung bakit ang dugo ni Hesus ay mahalaga.

    Ang mga salita ni Hesus

    Hindi natin malalaman na si Hesus ang daan, ang katotohanan at ang buhay kung hindi Niya binanggit ang kilalang mga salita na ito. Ang kaligtasan ay hindi sana darating sa atin kung hindi sinabi sa atin ni Hesus na gayon na lamang

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1