Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Baguhin Ang Iyong Ministeryo Bilang Isang Pastor
Baguhin Ang Iyong Ministeryo Bilang Isang Pastor
Baguhin Ang Iyong Ministeryo Bilang Isang Pastor
Ebook210 pages2 hours

Baguhin Ang Iyong Ministeryo Bilang Isang Pastor

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Ito ay isang aklat na tunay ngang magiliw na sumalubong. Si Obispo Dag Heward-Mills, isang pastor ang nagpapaliwanag kung bakit at paano magiging posible ang magiging epektibo ang iyong ministeryo ng pagpapastor.

LanguageTagalog
Release dateApr 9, 2018
ISBN9781683986676
Baguhin Ang Iyong Ministeryo Bilang Isang Pastor
Author

Dag Heward-Mills

Bishop Dag Heward-Mills is a medical doctor by profession and the founder of the United Denominations Originating from the Lighthouse Group of Churches (UD-OLGC). The UD-OLGC comprises over three thousand churches pastored by seasoned ministers, groomed and trained in-house. Bishop Dag Heward-Mills oversees this charismatic group of denominations, which operates in over 90 different countries in Africa, Asia, Europe, the Caribbean, Australia, and North and South America. With a ministry spanning over thirty years, Dag Heward-Mills has authored several books with bestsellers including ‘The Art of Leadership’, ‘Loyalty and Disloyalty’, and ‘The Mega Church’. He is considered to be the largest publishing author in Africa, having had his books translated into over 52 languages with more than 40 million copies in print.

Related to Baguhin Ang Iyong Ministeryo Bilang Isang Pastor

Related ebooks

Reviews for Baguhin Ang Iyong Ministeryo Bilang Isang Pastor

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Baguhin Ang Iyong Ministeryo Bilang Isang Pastor - Dag Heward-Mills

    Bahagi I

    ANG TOTOONG MINISTERYO

    Kabanata 1

    Bakit Mo Kailangang Iwasan ang Hindi Totoong Ministeryo

    Sa Lumang Tipan, ang totoong ministeryo ay inilalarawan ng ginto sa templo. Ang bawat mahalagang bagay sa loob ng templo ay nababalutan ng purong ginto. Ibinigay ng Panginoon ang disenyo ng templo kay Moises.

    At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi, Salitain mo sa mga anak ng Israel, na sila’y magdala sa akin ng isang handog: ang bawat tao na maganyak ang puso sa kagandahang loob ay kukunan ninyo ng handog sa akin… At kanilang igawa ako ng isang santuario; upang ako’y makatahan sa gitna nila… At gagawa ka ng isang luklukan ng awa, na taganas na ginto… At iyong ilalagay ang luklukan ng awa sa ibabaw ng kaban; at sa loob ng kaban, ay iyong ilalagay ang mga kinalalagdaan ng patotoo, na aking ibibigay sa iyo… At diya’y makikipagkita ako sa iyo, at makikipanayam sa iyo mula sa ibabaw ng luklukan ng awa…

    Exodo 25:1,2,8,17,21,22

    Ganito ang gusto ng Diyos na maging itsura ng Kaniyang templo. Walang karapatan ang tao na ipakita ang kaniyang sariling pagbabago sa plano ng Diyos. Nang itinayo ni Haring Solomon ang templo, sinunod niya ang plano ng Diyos sa pamamagitan ng sulat.

    At ang loob ng sanggunian ay may dalawampung siko ang haba, at dalawampung siko ang luwang, at dalawampung siko ang taas: at binalot niya ng taganas na ginto: at binalot niya ng sedro ang dambana. Sa gayo’y binalot ni Salomon ang loob ng bahay ng TAGANAS NA GINTO: at kaniyang kinaanan ng mga tanikalang GINTO ang harapan ng sanggunian; at binalot ng GINTO. At binalot ng GINTO ang buong bahay, hanggang sa ang bahay ay nayari: gayon din ang buong dambana na nauukol sa sanggunian ay kaniyang binalot ng GINTO. At sa sanggunian ay gumawa siya ng dalawang querubin na kahoy na olibo, na bawat isa’y may sangpung siko ang taas… At kaniyang binalot ng GINTO ang mga querubin… At ang lapag ng bahay ay binalot niya ng ginto, sa loob at labas.

    1 Mga Hari 6:20-23, 28,30

    At ginawa ni salomon ang lahat na kasangkapan na nasa bahay ng Panginoon: ang ginintong damabana, at ang dulang na gininto na kinaroroonan ng tinapay na handog; At ang mga kandelero na TAGANAS NA GINTO na lima sa dakong kanan, at lima sa kaliwa sa harap ng sanggunian; at ang mga bulaklak, at ang mga ilawan, at mga pangipit na Ginto; At mga saro, at ang mga panggupit na micha, at ang mga mangkok, at ang mga panandok, at ang mga suuban, na TAGANAS NA GINTO; at ang mga pihitang Ginto maging sa mga pinto ng bahay sa loob, na kabanalbanalang dako, at ang sa mga pinto ng bahay, sa makatuwid baga’y ng templo.

    1 Mga Hari 7:48-50

    Pagkalipas ng maraming taon, pinalitan ng isa pang hari ang ginto ng tanso. Halos kapareho ng tanso ang ginto. Magkalapit at magkapareho ito, ngunit hindi ito ginto. Nagdala si Haring Rehoboam ng tanso sa templo ng Panginoon. Maaaring pareho ito sa totoong ginto ngunit hindi nalugod ang Diyos dito. Ang tanso ay haluang metal na binubuo ng tanso at zink. Sa katunayan, ibang-iba ang tanso sa totoong ginto! Maraming tao ang nalilinlang kapag ang totoo ay pinalitan ng hindi totoo. Iyon ang dahilan kaya ko isinusulat ang librong ito.

    Tanso, at ipinagkatiwala sa mga kamay ng mga punong kawal ng bantay, na nagsisipagingat ng pintuan ng bahay ng hari.

    2 Mga Cronica 12:9-10

    Sa pamamagitan ng librong ito, nais ko kayong tulungan upang mapanatili ang ginto sa templo. Hindi ninyo dapat ipagpalit ng kahit anuman ang totoong ministeryo na naaayon sa Biblia. Kagaya ito ng maraming mga propesyon, hindi alam ng mga karaniwang tao kung ano ang ginagawa ng mga propesiyonal na tao. Hindi talaga alam ng mga karaniwang tao, halimbawa, kung ano ang alam ng isang piloto o doctor. Napakahalaga sa bawat isang pumapasok sa ministeryo na malaman ang lahat ng tungkol dito!

    Napagtanto ko na maraming mga tao ang mahilig lumikha ng isang napakatinding hangin tungkol sa kanilang ginagawa. Ginagawa nila ito upang mapaganda ang kanilang imahe sa kanilang mga propesyon. Gayunman, inudyukan ako ng Panginoon upang ituro sa inyo kung ano talaga ang totoong tungkulin ng isang pastor. Sa librong ito, hindi ko nanaising ipaliwanag ang bawat detalye ng trabaho ng isang pastor. Ibabahagi ko lang ang mga pangunahing bagay sa inyo.

    Ipinapanalangin kong maniniwala kayo sa pagiging payak ng ministeryo. Napagtanto ko na kadalasan, mas gusto ng mga tao ang mga katuruang mahirap unawain kaysa sa simpleng katotohanan. Pakiramdam nila na kapag mas mahirap unawain ang mensahe, marahil ito ay nagmula sa Diyos. Ngunit ang pinakamalaking katotohanan ay madalas simple lamang upang maunawaan ng karaniwang tao.

    Sa libro ng Mga Gawa, dumating si Pedro at ang iba pang mga apostol sa isang krus na daan ng ministeryo. Sa krus na daan na iyon, kailangan nilang magpasiya kung aling direksyon ang kanilang tatahakin. Kinailangan nilang magpasiya kung sila ba ay magiging mga totoong ministro o mga tangapangasiwa na walang kaugnayan sa rehiyon. Ngunit pinili nila ang totoong ministeryo!

    At tinawag ng labindalawa ang karamihang mga alagad, at sinabi, Hindi marapat na aming PABAYAAN ANG SALITA NG DIOS, AT MANGAGLINGKOD SA MGA DULANG. Magsihanap ng akayo, mga kapatid, sa inyo, ng pitong lalake na may mabuting katunayan, puspos ng Espiritu at ng karunungan, na ating mailalagay sa gawaing ito. Datapuwa’t MAGSISIPANATILI KAMING MATIBAY SA PANALANGIN, AT SA MINISTERYO NG SALITA.

    Mga Gawa 6:2-4

    Dapat mong malaman ang pagkakaiba ng totoong ministeryo at hindi totoong-ministeryo. Ang hindi totoong ministeryo ay hindi makatotohanang bagay! Katulad ng tanso, kung saan ito ay hindi magandang kapalit ng ginto, malapit at magkapareho ito sa totoong bagay. Mayroong maraming bagay na katulad ng totoong ministeryo, ngunit hindi naman totoo.

    Halimbawa, bilang isang tagapangasiwa ng simbahan nagiging abala ka sa tungkol sa ministeryo. Maraming mga pastor ang sa totoo lang ay mga tagapangasiwa. Nakikita sila sa pagiging abala sa loob at sa palibot ng opisina ng simbahan. Sa pangkaisipan, ang pakiramdam nila ay nagtatrabaho sila para sa Diyos. Sa kabila ng lahat, karamihan sa mundo ay umiikot sa mga opisina at sa likod ng mga computer. Para bang may mga mahahalagang bagay na ginagawa ang mga tao araw-araw mula ika-siyam ng umaga hanggang sa ika-lima ng hapon. Lumalabas sila bilang mga sekretarya, mga guwardya, mga computer programmers at iba pa. Kung ang pastor ay hindi kinakikitaan ng katulad ng ganitong mga gawain, pakiramdam niya ay wala siyang trabaho. May mga taong tumatawag sa aking tahanan sa alas onse ng umaga. Itinatanong nila kung ako ay tulog pa. Inaakala nila na buong linggong natutulog ang mga pastor.

    Mga minamahal na ministeryo ng Ebanghelyo, huwag kayong patitinag sa mga opinyon ng mga tao. Huwag kayong bumigay sa mga makamundong kahirapan. Ang prinsipe ng kapangyarihan ng hangin ang namamahala at nag-uutos sa sanlibutan. Ang lahat ng bagay sa sanlibutan ay pinamuunuan sa mundong Espiritwal. Si satanas ay isang matalinong nilalang at nalinlang niya ang buong sanlibutan. Ngunitang panlilinlang ay hindi dapat makapasok sa iglesia.

    Na inyong nilakaran noong una ayon sa lakad ng sanlibutang ito, ayon sa pangulo ng mga kapangyarihan ng hanagin, ng espiritu na ngayon ay gumagawa sa mga anak ng pagsuway:

    Mga taga-Efeso 2:2

    Ang sanlibutan ay nalinlang sa pag-aakala na wala nang buhay pagkatapos ng kamatayan. Kumain, uminom at magpakasaya sapagkat mamamatay na tayo kinabukasan! Kapag ikaw ay namatay, katulad mo ang isang namatay na aso! Ang langit ay nasa mundo at ang impyerno ay nasa mundo! Ang buhay ay kung paano mo ito gawin! Ang mga mabababaw na salawikain na ito ang naka-impluwensiya sa mga tao upang mamuhay na hinahangad ang pera at kasiyahan.

    Kapag nakapasok ang ganitong uri ng pag-iisip sa iglesia, mararamdaman ng mga tao na ang mga secular (mga walang kaugnayan sa relihiyon) na bagay lamang ang mga mahalaga. Maging ang mga pastor ay nasusubok ding bumili ng mga computer at umupo sa mga opisina katulad ng iba. Ngunit hindi tayo mga iba! Mga pastol tayo ng kawan ng Diyos!

    Ang mga pastol ay maruming mga tao na namumuhay kasama ng mga tupa. Ang mga pastol ay mga taong nagbibigay ng kanilang mga buhay para sa mga tupa. Ang isang pastol ay hindi isang tagapangasiwa sa upuan!

    Kapag ipinahayag mo na ang iyong trabaho ay pananalangin, agad kang nagmumukhang kakaiba! Ang mga opisyal sa pamahalaan ay may lakas na loob na imungkahi na ilaan ng iglesia ang panahon nito sa mga bagay na nagbubunga. Tunay nga! Ano pa ang mas mabunga kaysa sa panalangin? Bakit tayo makikinig sa mga sinasabi ng mga hindi mananampalataya kung paano natin gagawin ang ating trabaho? Bakit sana tuturuan ng mga taong walang diyos ang iglesia sa kaniyang tungkulin?

    Ang iglesia ay dumaranas ng matinding kabigatan na maraming mga ministro ang isinasantabi ang Dakilang Tungkulin. Ang Dakilang Tungkulin ay ang ating pangunahing katuruan mula sa pinuno ng iglesia.

    Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila’y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo: Na ituro ninyo sa kanila nakanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo; at narito, ako’y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanlibutan.

    Mateo 28:19,20

    Basahin mo ito sa iyong sarili! Ito ay nakasulat! Walang binanggit na gawaing panlipunan, pangkalusugan, o edukasyon.

    Ang kalusugan at edukasyon ay maaaring kakambal na bunga ng Dakilang Utos ngunit hindi dapat maging pangunahing produkto ang kakambal na bunga!

    Ngayon, ang malaking bahagi ng iglesia ay mga hospital na lamang, mga paaralan, mga organisasyon na nagbibigay tulong, at mga samahang panlipunan. Ito ay nakakalungkot! Mapapansin mo na hindi isinasantabi ng mga organisasyon na may kaugnayan sa kalusugan at edukasyon ang kanilang mga trabaho upang ipangaral ang Salita ng Diyos! Nasisiyahan si Satanas kapag ang mga ministro ng Ebanghelyo ay nag-iiba at nagiging mga pulitiko, mga manggagawa ng panlipunan at kalusugan. Ang ginto ng ministeryo ay napalitan ng tanso!

    Ang pag-uugaling ito ay lumilihis patungo sa mga pangkaraniwang Kristiyano. Isang araw, dinala sa akin ng isang estudyante ang isang balita mula sa unibersidad.

    Sinabi niya, Pastor, kumikilos ang Diyos sa loob ng aming paaralan!

    Sinabi ko, Talaga, ano ang nangyayari? Sinabi niya, Kumikilos ang Diyos!

    Kaya tinanong ko. Paano kumikilos ang Diyos? Ano ang kaniyang ginagawa?

    Sinabi niya sa akin, Naipapasa ng mga tao ang kanilang mga pagsusulit!

    Napatanong ako. Pagsusulit?

    Kahit hindi ko sinabi ito, naisip ko, Kapag ang Diyos ang kumilos, maliligtas ang mga tao at mapupuspos ng Espiritu. Ang makapasa sa mga pagsusulit ay isang biyaya mula sa Diyos ngunit hindi ito pagkilos ng Diyos. Huwag sana tayong malito tungkol sa gawain ng Diyos. Intindihin natin kung ano ang itinuturo sa atin ng Banal na Kasulatan tungkol sa ministeryo. Huwag tayong magkamali na ang tanso ay ginto. Iwasan natin ang hatol ni Rehoboam sa pagdadala lamang ng ginto sa templo.

    Dalangin ko ito na habang binabasa mo ang librong ito, maiintindihan mo kung ano ang dapat sanang gawin ng mga pastor, mga tagapangalagaa at mga lider ng iglesia. Panahon na para umalis sa hindi totoong ministeryo. Hindi natin mapapadali ang pagbabalik ng Panginoong Jesu-Cristo sa isang bagay na parang totoo ngunit hindi pala totoo.

    Mga Tatlong Kadahilanan

    Sa kabuuaan, ito ang tatlong kadahilanan kung bakit kailangan nating iwasan ang isang hindi totoong ministeryo:

    1. Ang iglesia ay ang bukod-tanging itinatag na siyang inutusan upang magpahayag ng Ebanghelyo at gawing mga alagad ang bawat bansa. Walang ibang gagawa ng ating trabaho para sa atin!

    2. Huwag nating subuking pasiyahin ang sanlibutan sa pamamagitan ng paggawa ng mga bagay na gusto nilang ipagawa sa atin. Ang Diyos ang Siyang tumawag sa atin at Siya dapat ang bigyan natin ng kaluguran.

    3. Madadaig lamang natin si Satanas at ang kaniyang mga pangkat sa pamamagitan ng totoong ministeryo! Ang isang hindi totoong ministeryo ay walang lugar sa dakilang digmaan sa katapusan ng mundong ito.

    Mayroon akong maliit na kodigo na maaaring tumulong sa iyo at sa akin upang maalala ang isang mapagkumbabang tungkulin ng isang naatasang pastor ng Diyos. At ganito kung paano: P (prayer) pananalangin, V (visitation) pagbisita, T (teaching) pagtuturo (pagbibigay payo at pangangaral) at I (interaction) pakikibahagi. (P.V.T.I)

    Kabanata 2

    Paano Mo Makakamit ang Kahusayan sa Ministeryo

    Makakamtan mo ang kahusayan sa ministeryo! Hindi kailangang karaniwan ang iyong ministeryo. Ngunit kailangan mong malaman na kailangan mng makamtan ang

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1