Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Mga Lihim ng Tagumpay
Mga Lihim ng Tagumpay
Mga Lihim ng Tagumpay
Ebook250 pages3 hours

Mga Lihim ng Tagumpay

Rating: 3 out of 5 stars

3/5

()

Read preview

About this ebook

Maaaring maging hamon ang buhay para sa lahat. kadalasan ang iyong kinakailangan upang mapagtagumpayan ang gumagambala sa iyo ay ang karunungan. Ang karunungan ay ang lihim ng Diyos na makatutulong sa iyong tumayo mula sa iyong mga paghihirap sa pagiging isang buhay na himala. Ikaw ay itinalaga ng Diyos para sa kaluwalhatian. Ang lihim ng Diyos ay ang karunungan ng Diyos sa isang misteryo na itinalaga para sa iyong kaluwalhatian at kagandahan. Nawa ang mga pagpapahayag sa aklat na ito ay magdala sa iyo ng tagumpayansa araw-araw! Nawa ang aklat na ito ay magbigay sa iyo ng karunungan upang magtagumpay!

LanguageTagalog
Release dateApr 9, 2018
ISBN9781683986799
Mga Lihim ng Tagumpay
Author

Dag Heward-Mills

Bishop Dag Heward-Mills is a medical doctor by profession and the founder of the United Denominations Originating from the Lighthouse Group of Churches (UD-OLGC). The UD-OLGC comprises over three thousand churches pastored by seasoned ministers, groomed and trained in-house. Bishop Dag Heward-Mills oversees this charismatic group of denominations, which operates in over 90 different countries in Africa, Asia, Europe, the Caribbean, Australia, and North and South America. With a ministry spanning over thirty years, Dag Heward-Mills has authored several books with bestsellers including ‘The Art of Leadership’, ‘Loyalty and Disloyalty’, and ‘The Mega Church’. He is considered to be the largest publishing author in Africa, having had his books translated into over 52 languages with more than 40 million copies in print.

Related to Mga Lihim ng Tagumpay

Related ebooks

Reviews for Mga Lihim ng Tagumpay

Rating: 3 out of 5 stars
3/5

2 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Mga Lihim ng Tagumpay - Dag Heward-Mills

    Lihim ng Tagumpay Blg. 1

    Ano ang Lihim ng Tagumpay?

    Iyo bang narinig ANG LIHIM NA PAYO NG DIOS? At ikaw ba’y nagpigil ng karunungan sa iyong sarili?

    Job 15:8

    Ang isang lihim ng tagumpay ay isang lihim na magsasanhi sa iyo na maging isang buhay na himala! Ang isang lihim ng tagumpay ay ang lihim ng Dios!

    Narinig mo na ba ang lihim ng Dios? Nabasa mo na ba ang lihim ng Dios? Nahantad ka na ba sa lihim ng Dios? Ang natatagong karunungan ng Dios ay ang lihim ng Dios! Natanggap mo na ba ang karunungan ng Dios? Natanggap mo na ba ang pahayag mula sa itaas? Kung hindi mo pa naririnig ang lihim ng Dios, naiwaglit mo ang talagang kailangan mo. Ang lihim ng Dios ay ang karunungan ng Dios sa isang hiwaga na itinalaga para sa iyong kaluwalhatian at pagpapaganda.

    Kundi sinasalita namin ang karunungan ng Dios sa hiwaga, yaong karunungan na itinalaga ng Dios, bago nilalang ang mga sanglibutan sa ikaluluwalhati natin:

    1 Corinto 2:7

    Ang kailangan mo ay hindi makalupang karunungan. Ang makalupang karunungan ay ang pagtuturo ng ekonomika, batas, matematika, agham, pagkukuwenta atbp. Lahat ng mga sekular na paksang ito ay mainam subalit ang mga ito ay makalupang pantaong karunungan. May isang lugar para sa lahat ng mga bagay na iyon. Subalit wala itong lugar sa iglesia. Sa iglesia, mayroon tayong higit na mas mataas "At ang aking pananalita at ang aking pangangaral ay hindi sa mga salitang panghikayat ng karunungan... (1 Corinto 2:4). May higit pang mas dakilang uri ng karunungan na nagmumula sa Dios. Ang karunungan ng Dios ay naglalaman ng lihim ng Dios. Iyon ang kailangan mo sa iyong buhay. Kundi sinasalita namin ang karunungan ng Dios sa hiwaga, yaong karunungan na itinalaga ng Dios, bago nilalang ang mga sanglibutan sa ikaluluwalhati natin" (1 Corinto 2:7). Ang uri ng karunungang ito at itinalaga na upang gawin kang maluwalhati at sanhiin kang maging isang buhay na himala.

    Tingnan natin ang mga kamangha-manghang pakinabang ng pagtuklas sa liihim ng Dios.

    Anim na Dahilan Kung Bakit Dapat Mong Tuklasin ang Lihim ng Dios

    1. Ang buhay at kamatayan ay nakadepende sa iyong pagtuklas sa lihim ng Dios:

    Ang hari ay sumagot, at nagsabi. Tunay na talastas ko na ibig ninyong magdahilan, sapagka’t inyong nalalaman na nawala sa akin ang bagay.Nguni’t kung di ninyo ipaliwanag sa akin ang panaginip, iisang kautusan lamang mayroon sa inyo; sapagka’t kayo’y nangaghanda ng pagbubulaan at mga hamak na salita sa harap ko, hanggang sa ang panahon ay magbago: kaya’t saysayin ninyo sa akin ang panaginip, at malalaman ko na inyong maipaliliwanag sa akin ang kahulugan niyaon.

    Ang mga Caldeo ay nagsisagot sa harap ng hari, at nangagsabi, Walang tao sa ibabaw ng lupa na makapagpapaaninaw ng bagay ng hari, palibhasa’y walang hari, panginoon, o pinuno man, na nagtanong ng ganyang bagay sa kanino mang mahiko, enkantador, o Caldeo. At isang mahirap na bagay ang inuusisa ng hari, at walang ibang makapagpapaaninaw sa harap ng hari, liban ang mga dios, na ang tahanan ay hindi kasama ng tao. Dahil sa bagay na ito ang hari ay nagalit at totoong nagalab sa galit, at nagutos na lipulin ang lahat na pantas na tao sa Babilonia. Sa gayo’y itinanyag ang pasiya, at ANG MGA PANTAS NA TAO AY PAPATAYIN; at HINANAP NILA SI DANIEL AT ANG KANIYANG MGA KASAMA UPANG PATAYIN.

    At si Daniel ay pumasok, at humiling sa hari na takdaan siya ng panahon, at kaniyang ipaaaninaw sa hari ang kahulugan. Nang magkagayo’y naparoon si Daniel sa kaniyang bahay, at ipinaalam ang bagay kay Ananias, kay Misael, at kay Azarias, na kaniyang mga kasama: UPANG SILA’Y MAGSIPAGNAIS NG KAAWAAN SA DIOS NG LANGIT TUNGKOL SA LIHIM NA ITO; UPANG SI DANIEL AT ANG KANIYANG MGA KASAMA AY HINDI MANGAMATAY NA KASAMA NG IBANG MGA PANTAS NA TAO SA BABILONIA. NANG MAGKAGAYO’Y NAHAYAG ANG LIHIM KAY DANIEL sa isang pangitain sa gabi. Nang magkagayo’y pinuri ni Daniel ang Dios sa langit. Si Daniel ay sumagot, at nagsabi, Purihin ang pangalan ng Dios magpakailan man: sapagka’t ang karunungan at kapangyarihan ay kaniya. At kaniyang binabago ang mga panahon at mga kapanahunan; siya’y nagaalis ng mga hari, at naglalagay ng mga hari; siya’y nagbibigay ng karunungan sa marunong at ng kaalaman sa makakaalam ng unawa; SIYA’Y NAGHAHAYAG NG MALALIM AT LIHIM NA MGA BAGAY; kaniyang nalalaman kung ano ang nasa kadiliman, at ang liwanag ay tumatahang kasama niya.

    Daniel 2:8-13, 16-22

    Si Daniel at ang kanyang mga kasama ay nasa matinding panganib na mapugutan ng ulo. Tumititig na sa kanila ang kamatayan ng mukhaan. Alam ng hari na karamihan sa mga pantas, mga engkantador at mga salamangkero ay mga mapagkunwari, puno ng panlilinlang. Desperadong ninais ni Haring Nabuconodosor na linisin ang kanyang palasyo sa lahat ng mga impostor. Ang pagsubok na itinatag ng hari ay makatitiyak na tanging mga tunay na matatalinong tao ang mananatili sa kanyang palasyo bilang mga tagapayo. Upang maging isang mabuting tagapayo, kailangan mong malaman ang mga tiyak na lihim. May mga lihim na nasa likod ng bawat dakilang nakamit at nasa likod ng bawat dakilang tao.

    Kadalasan, mali nating winawari ang tungkol sa papaano naging dakila ang isang tao. Kadalasan hindi talaga natin nalalaman ang lihim ng kadakilaan ng isang tao. Ang pagtuklas sa mga tiyak na lihim ay makapipigil sa iyo sa pagkapahamak. Ang espiritu ng kaalaman ay ang Espiritu ng Dios din. …Sapagka’t siya’y darating na parang bugso ng tubig na pinayaon ng hinga ng Panginoon. (Isaias 59:19). Kapag dumarating ang kaaway upang patayin ka, nagtataas ng bandila ang espiritu ng kaalaman laban sa kanya. Ang salitang ‘bandila’ ay ang salitang Hebreong nus na nangangahulugang sanhiing mawala. Sa pamamagitan ng kaalaman, ang mga tiyak na bagay ay nagsasanhing mawala. Mga taon na ang lumipas, lahat ng nagkaroon ng malarya, hika, pagtaas ng presyon ng dugo o diyabetes ay namatay na lamang sa mga sakit na ito. Sa pamamagitan ng kaalaman, ang mga sakit na ito ay sinanhing mawala at napuksa.

    Maaaring nakadepende ang buhay at kamatayan sa iyong kaalaman ng mga tiyak na lihim. May mga lihim na napakahalaga sa iyong buhay. Ang sinumang pinagpala na matamasa ang mga lihim ng Dios ay nalalaman na kung tutuusin ang buhay at kamatayan ay nakadepende sa kanilang kaalaman ng mga tiyak na lihim. Kaya kailangan mong hanapin ang pahayag mula sa Dios. Ang iyong kaalaman sa isang lihim ay magsasanhi sa iyo na magkaroon ng nagkokontrol na posisyon. Lahat ng mga pag- unlad agham, medisina, astronomiya, agrikultura, mekanika at pisika ay nakabatay sa mga lihim na natuklasan na. Ang mga lihim na iyo ay mga katunayang umiral na sa loob ng libu-libong taon. Ang mga imbentor ay pangunahing mga tagatuklas ng mga lihim. Ang E ay palaging katumbas ng mc2. Si Einstein ang tanging tagatuklas ng lihim na umiral na sa loob ng libu-libong taon.

    Ang isang lihim ng tagumpay ay isang pahayag na nagdudulot sa iyo ng tagumpay! Ang mga lihim ng tagumpay ay mga pahayag mula sa Espiritu Santo na magsasanhi ng pagbabago sa gawain at ministeryo ng iyong buhay. Kadalasan, ang kaibahan sa pagitan ng buhay at kamatayan ay isang kakaunting kaalaman. Maaaring pagkalooban ka ng Dios ng kaalaman ngayon! Maaaring sanhiin ka ng Dios na malaman ang isang maliit na lihim na magbabago sa lahat ng bagay tungkol sa iyong buhay at ministeryo. Tinatawag ng ilang mga tao ang mga mahahalagang piraso ng kaalamang ito na isang pahayag. Anumang tawag mo rito, ang mga lihim ng tagumpay na ito ay magdadala sa iyo sa mga dakilang tagumpay at mga pagwawagi.

    Maraming magagandang halimbawa ng mga epekto ng mga lihim ng tagumpay ang matatagpuan sa mga aklat ng kasaysayan. Noong ikalabing-apat na siglo, isang sakit na tinatawag na ang Salot ay nakapasok sa mundo at inubos ang milyun-milyong tao. Maraming tao ang namatay at ang buong populasyon ay nalipol. Ang takot sa karamdamang ito ay tumagal ng mga taon bilang ang Salot na nagpatuloy na muling mangibabaw sa iba’t ibang bahagi ng mundo, sinisindak ang populasyon at nililipol ang mga malalaking grupo ng mga tao.

    Tunay nga, ang naunang Modernong Europa ay nakaranas ng napakasamang sakuna ng tao sa Europeong kasaysayan, nang tamaan ng Salot ang Europa noong 1347. Ang salot-bubonikang ito sa katunayan ay lumipol ng ikatlo sa populasyon ng Europa. Naiisip ba ninyo na lumalaganap ang isang sakit sa buong kontinente at nililipol ang ikatlo sa populasyon nito? Maging sa modernong panahon, nang lumaganap ang mikrobyong Ebola sa buong Sierra Leone, Liberia at Guinea, sampung libong tao lamang ang namatay. Isipin na isang sakit na makalilipol ng milyun-milyong tao at makapagbabakante ng isang kontinente ng populasyon nito.

    Ang mga biktima ng salot ay may napakababang tsansa na mabuhay dahil sa mga sintomas gaya ng matataas na lagnat, at panloob na pagdudugo, na magsasanhi ng maiitim na batik at malalaking bukol. Sinumang nahawahan ng sakit ay namamatay sa loob ng tatlo hanggang limang araw.

    Inisip ng mga doktor noong araw na ang salot ay likha ng hanging narumihan ng mahalumigmig na lagay ng panahon, nabubulok na di-nailibing na katawan at di-maayos na kalinisan. Inisip ng ilang mga tao na ang sakit ay ipinalaganap ng mga Hudyo. Hindi alam ng mga medikal na doktor ng ikalabing-apat na siglo na ang sakit ay nanggaling sa isang simpleng bakterya na dala ng mga pulgas at mga daga. Hindi alam ng medikal na propesyon ang tungkol sa simpleng antibyotiko! Sila ay lubusang walang paraan na labanan ang sakit. Ang kaalaman ng lihim ng antibyotiko ay nakapagligtas sana ng milyun-milyong tao mula sa kamatayan.

    ¹Hindi pa iyon hanggang 1877 na naobserbahan nina Louis Pasteur at Robert Koch na ang dala ng hangin na bacillus ay maaaring makapigil sa paglago ng isa pang bakterya, bacillus anthracis. Ang pangyayaring ito na ipinamalas ng anti-bakteryal na mga gamot ay tinawag na antibiosis. Noong 1942 lamang nang ang mga gamot na kumilos sa paraang iyon sa kalaunan ay pinangalanang antibyotiko ng Amerikanong microbiolohista, si Seiman Waksman.1

    Ang lihim ng antibyotikong ito ay wala noong ikalabing- apat na siglo! Ito ang lihim na pumigil sa milyun-milyong tao mula sa pagkapahamak sa mga kamay ng salot-bubonika noong ikalabing-apat na siglo. Ang mga simpleng gamot tulad ng streptomycin, gentamicin at ciprofloxacin ay makapagpapatigil ng sakit sa landas nito. Ngayon, ang mga tsansa mong mamatay mula sa salot-bubonika ay halos wala.

    Hindi mamatay ang kahit isang tao mula sa salot-bubonika kung mayroon tayong lihim ng antibyotiko. Ang isang lihim ng tagumpay ay lubhang nakatatransporma ng mga buhay. Inililigtas ng isang lihim ng tagumpay ang maraming buhay. Binabago ng isang lihim ng tagumpay ang lahat ng bagay.

    Isa sa mga pinakamahahalagang panalangin ng iyong buhay ay dapat maging panalangin para sa espiritu ng pahayag. Manalangin para sa mga lihim ng tagumpay! Iyon ang panalangin para sa napapanahong pahayag at kaalaman na magsasanhi ng pagbabago sa iyong buhay.

    2. Ang iyong kasaganaan ay nakadepende sa iyong pagtuklas sa lihim ng Dios:

    Ganito ang sabi ng Panginoon sa kaniyang pinahiran ng langis, kay Ciro, na ang kanang kamay ay aking hinawakan, upang magpasuko ng mga bansa sa harap niya; at aking kakalagan ang mga balakang ng mga hari; upang magbukas ng mga pintuan sa unahan niya, at ang mga pintuang-bayan ay hindi masasarhan;

    Ako’y magpapauna sa iyo, at, papatagin ko ang mga bakobakong dako: aking pagwawaraywarayin ang mga pintuang tanso, at aking puputulin ang mga halang na bakal:

    At ibibigay ko sa iyo ang MGA KAYAMANANG NASA KADILIMAN, at ang MGA NATATAGONG KAYAMANAN SA MGA LIHIM NA DAKO, upang inyong maalaman na ako ang Panginoon na tumatawag sa iyo sa inyong pangalan, sa makatuwid baga’y ang Dios ng Israel.

    Isaias 45:1-3

    Dadalhin ka ng mga lihim ng tagumpay sa kasaganaan. Karamihan sa mga kayamanan ay natatago sa paningin. Karamihan sa mga tunay na kayamanan ay natatagong palayo sa paningin. Kaya ang mga ito ay tinatawag na mga kayamanan ng kadiliman. Karamihan sa mga kayamanan sa ating mundo ay natatago sa mga lihim na dako. Ang hanapin ang mga kayamanan ng mundong ito, kakailanganin mong mabigyan ng pahayag upang mabuksan ang lihim kung paano matatagpuan ang kayamanan. Kakailanganin mong tuklasin ang mga lihim na dako kung saan natatago ang kayamanan.

    Bakit ang ilang mga tao ay mayaman ay nananatili pa ring isang hiwaga sa marami. Gumagawa ng maraming bagay ang mga tao upang sumagana, subalit iilan ang nabibigyan ng lihim ng kasaganaan. Ang salapi ay nakakandado sa mga lihim na dako. Kung walang kaalaman sa mga tiyak na lihim, mabubuhay ka sa kahirapan sa buong buhay mo. Kailangan mo ang espiritu ng pahayag na bigyan ka ng mga lihim ng kasaganaan at ng tagumpay. Ang paglago sa iglesia ay napalalaya sa pamamagitan ng iyong kaalaman sa mga tiyak na lihim. Lahat ng ating mga kahirapan ay maaaring madala sa isang biglaang katapusan kung tutuklasin natin ang lihim sa likod ng totoong tagumpay.

    Kailangan mong tuklasin ang mga lihim sapagkat ang kadakilaan at kasaganaan ay nakabatay sa pagtuklas sa mga mahahalagang lihim. Ang mga tao na nakaimbento ng mga kotse, mga eroplano, mga elektronikong tablet (gaya ng iPad), mga telepono at mga telebisyon ay ang mga milyonaryo sa ating mundo. Hindi nalalaman ng maraming bansa ang mga lihim kung paano pagaganahin ang mga bagay na ito. Ang mga nakatuklas ng mga lihim na ito ay naging mga pinakamayayamang tao sa mundo. Isaalang-alang ang napakalaking kaibahang umiiral sa pagitan ng mga yaong nakatuklas ng lihim ng paggawa ng mobil na telepono at ng mga yaong nag-aani lamang ng mga kamatis at mga kahel. Hindi mo na kailangan ng anumang espesyal na lihim upang mag-ani ng mga buko o paminta. Subalit kailangan mo talagang malaman ang mga tiyak na lihim upang mapagana ang isang telebisyon. Ang pagkaalam sa mga lihim ay nagsasanhi sa mga tao na maging napakahalaga. Hindi lamang napanatiling buhay si Daniel, bagkus siya rin ay naging ang ikatlong pinakamahalagang tao sa bayan at nakatanggap ng kasaganaan na isinagisag ng isang gintong kuwintas na inilagay sa palibot ng kanyang leeg. Kapag natuklasan mo ang lihim ng Dios sa pamamagitan ng espiritu ng pahayag, ikaw rin ay magiging mahalaga. Mababalutan ka ng ginto, ng espiritu ng pahayag.

    Nang magkagayo’y nagutos si Belsasar, at pinanamit nila si Daniel ng kulay morado, at nilagyan ng kuwintas na ginto sa palibot ng leeg niya, at nagtanyag tungkol sa kaniya, na siya’y ikatlong puno sa kaharian.

    Daniel 5:29

    3. Ang lihim ng Dios ay ibinigay sa mga matuwid at sa Kanyang mga propeta.

    Sapagka’t ang suwail ay kasuklamsuklam sa Panginoon: nguni’t ang kaniyang payo ay kasama ng matuwid.

    Kawikaan 3:32

    Hindi mo sinasabi ang iyong mga lihim sa lahat. Bakit mo inaasahan ang Dios na sabihin ang Kanyang mga lihim sa lahat? Ang mga tao kung kanino ibinigay ng Dios ang Kanyang lihim ay yaong mga nakikita Niyang matuwid. Pinipigil ng Dios ang Kanyang pahayag mula sa mga taong masama at ibinibigay ang mga ito sa mga matuwid.

    Ang mga lingkod ay malapit sa kanilang mga amo at gumagawa sa palibot ng kanilang lugar. Ito sa gayon ay hindi kakaiba na nalalaman ng mga lingkod ang maraming lihim na hindi kailanman malalaman ng mga nasa labas. Sikaping maging isang lingkod ng Dios at sikaping maging Kanyang propeta at makagagarantiya ka sa isang mayamang panustos ng mga kamangha-manghang lihim.

    Tunay na ang Panginoong Dios ay walang gagawin, kundi kaniyang ihahayag ang kaniyang lihim sa kaniyang mga lingkod na mga propeta.

    Amos 3:7

    4. Ang lihim ng Dios ay ibinibigay sa mga espesyal na panahon ng iyong buhay:

    Oh ako nawa’y napasa mga buwan noong dakong una, gaya noong mga kaarawan ng binabantayan ako ng Dios; Nang ang kaniyang ilawan ay sumisilang sa aking ulo, at sa pamamagitan ng kaniyang liwanag ay lumalakad ako sa kadiliman; Gaya noong ako’y NASA KABUTIHAN NG AKING MGA KAARAWAN, NOONG ANG PAGKASI NG DIOS ay nasa aking tolda;

    Job 29:2-4

    Natamasa ni Job ang pagkaalam sa ilan sa mga lihim na ito sa isang tiyak na panahon ng kanyang buhay. Marubdob siyang nagsalita tungkol sa panahon nang ibinigay ng Dios sa kanya ang mga lihim at pahayag. Palagi kang lilingon sa panahon nang ibinigay ng Dios sa iyo ang mga tiyak na pahayag.

    Desperadong ninais ni Job na muling maranasan ang mga panahon ng pahayag. Sasabihin ng mga totoong propeta kapag mayroon silang pahayag at kapag wala sila. Ang realidad ay yaong hindi dumarating ang pahayag sa lahat ng panahon. Sinasabi ni Job na hiniling niya na maging bata muli, nang ang mga lihim ng Dios ay naihayag sa kanya (Job 29:4).

    Inilarawan ni Kenneth Hagin kung paano siya pinagpala ng Dios ng walong pangitain ni Jesu-Cristo sa pagitan ng 1950 at 1958. Inilarawan niya kung paanong hindi na nagpakita ang Panginoon sa kanya sa paraang iyon simula noong 1958. Si Kenneth Hagin ay tatlumpu’t tatlong taong gulang lamang nang magpakita sa kanya ang Panginoon. Nagministeryo siya hanggang

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1