Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Kilalanin ang Iyong mga Di-nakikitang Kaaway... ...at talunin sila!
Kilalanin ang Iyong mga Di-nakikitang Kaaway... ...at talunin sila!
Kilalanin ang Iyong mga Di-nakikitang Kaaway... ...at talunin sila!
Ebook251 pages3 hours

Kilalanin ang Iyong mga Di-nakikitang Kaaway... ...at talunin sila!

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Habang ikaw ay naglalakbay sa buhay matutuklasan mo na ang mundong hindi nakikita ay ang tunay na mundo at ang pisikal na mundong ito ay nagpapakita lamang ng ilang mga bagay sa hindi nakikitang mundo. Tulad ng pagkakaroon mo ng mga nakikitang kaaway, ikaw ay may mga hindi nakikitang mga kaaway din. Malalabanan mo ba ang iyong kaaway nang hindi siya nakikilala ang kanyang mgapamamaraan, estilo at ang kanyang mga sandata? Ang aklat na ito ay mahalagang kagamitan sa iyong lakbayin sa buhay. Matututunan mo sa aklat na ito kung sino ang iyong mga kaaway na hindi nakikita, ang ugat ng kanilang buhay, ang kanilang mga katangian at paano lalaban sa kanila.

Nawa’y matulungan ka ng mahalagang aklat na ito na mapagtagumpayan ang iyong mga hindi nakikitang mga kaaway!

LanguageTagalog
Release dateApr 26, 2018
ISBN9781683988915
Kilalanin ang Iyong mga Di-nakikitang Kaaway... ...at talunin sila!
Author

Dag Heward-Mills

Bishop Dag Heward-Mills is a medical doctor by profession and the founder of the United Denominations Originating from the Lighthouse Group of Churches (UD-OLGC). The UD-OLGC comprises over three thousand churches pastored by seasoned ministers, groomed and trained in-house. Bishop Dag Heward-Mills oversees this charismatic group of denominations, which operates in over 90 different countries in Africa, Asia, Europe, the Caribbean, Australia, and North and South America. With a ministry spanning over thirty years, Dag Heward-Mills has authored several books with bestsellers including ‘The Art of Leadership’, ‘Loyalty and Disloyalty’, and ‘The Mega Church’. He is considered to be the largest publishing author in Africa, having had his books translated into over 52 languages with more than 40 million copies in print.

Related to Kilalanin ang Iyong mga Di-nakikitang Kaaway... ...at talunin sila!

Related ebooks

Reviews for Kilalanin ang Iyong mga Di-nakikitang Kaaway... ...at talunin sila!

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Kilalanin ang Iyong mga Di-nakikitang Kaaway... ...at talunin sila! - Dag Heward-Mills

    Kabanata 1

    Ang Talaan ng mga Di-Nakikitang Kaaway

    Ang Biblia ay nagbibigay sa atin ng mainam na talaan ng mga di-nakikitang kaaway. Tungkulin nating paniwalaan ang Salita ng Dios at labanan ang bawat isa sa kanila hanggang sa madurog natin sila sa ilalim ng ating mga paa. Huwag mong maliitin ang katotohanan ng daigdig ng espiritu. Ang daigdig ng espiritu ay ang tunay na daigdig. Ang daigdig na ito ay panasamantalang (di-tunay) daigdig. Narito ang talaan ng mga di-nakikitang kaaway na asahang makasasagupa mo habang nananahan ka sa daigdig na ito. Si Jesucristo ay hindi lumayo bago niya nakasagupa ang mga diablo. Nakasagupa niya ang mga diablo sa buong buhay at ministeryo niya sa daigdig na ito.

    1. Ang mga pamunuan ay mga di-nakikitang kaaway.

    Sapagka't ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan.

    Efeso 6:12

    2. Ang mga kapangyarihan ay mga di-nakikitang kaaway.

    Sapagka't ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan.

    Efeso 6:12

    3. Ang mga Namamahala ng Kadiliman ay mga di-nakikitang kaaway.

    Sapagka't ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan.

    Efeso 6:12

    4. Ang Espiritu ng Kasamaan ay di-nakikitang kaaway.

    Sapagka't ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan.

    Efeso 6:12

    5. Ang mga karumaldumal na espiritu ay mga di-nakikitang kaaway.

    At silang lahat ay nangagtaka at nagsalitaan ang isa't isa, na nangagsasabi, Anong salita kaya ito? sapagka't siya na may kapamahalaan at kapangyarihan ay naguutos sa mga karumaldumal na espiritu, at nagsisilabas sila.

    Lucas 4:36

    At pinalapit niya sa kaniya ang kaniyang labingdalawang alagad, at binigyan niya sila ng kapamahalaan laban sa mga karumaldumal na espiritu, upang mapalabas nila, at upang kanilang mapagaling ang lahat ng sarisaring sakit at ang lahat ng sarisaring karamdaman.

    Mateo 10:1

    6. Ang masasamang espiritu ay mga di-nakikitang kaaway.

    At nang makita ni Jesus na dumaragsang tumatakbo ang karamihan, ay pinagwikaan niya ang karumaldumal na espiritu, na sinasabi sa kaniya, Ikaw bingi at piping espiritu, iniuutos ko sa iyo na lumabas ka sa kaniya, at huwag ka nang pumasok na muli sa kaniya.

    Marcos 9:25

    7. Ang mga Itinapong Anghel ay mga di-nakikitang kaaway.

    At ang mga anghel na hindi nangagingat ng kanilang sariling pamunuan, kundi iniwan ang kanilang sariling tahanan, ay iniingatan niya sa mga tanikalang walang hanggan sa paghuhukom sa dakilang araw.

    Judas 1:6

    8. Ang mga Pinuno sa Sanglibutang ito ay mga di-nakikitang kaaway.

    Na hindi napagkilala ng sinomang pinuno sa sanglibutang ito: sapagka't kung nakilala sana nila, ay dising di ipinako sa krus ang Panginoon ng kaluwalhatian:

    1 Corinto 2:8

    9. Ang mga demonyo ay mga di-nakikitang kaaway.

    At nangagpalabas ng maraming demonio, at nangagpahid ng langis sa maraming may-sakit, at pinagaling sila.

    Marcos 6:13

    10. Ang mga luklukan ay mga di-nakikitang kaaway.

    Sapagka't sa kaniya nilalang ang lahat na mga bagay, sa sangkalangitan at sa sangkalupaan, na mga bagay na nakikita at ang mga bagay na di-nakikita, maging mga luklukan o mga pagsakop o mga pamunuan o mga kapangyarihan; lahat ng mga bagay ay nilalang sa pamamagitan niya at ukol sa kaniya;

    Colosas 1:16

    11. Ang mga pagsakop ay mga di-nakikitang kaaway.

    Sapagka't sa kaniya nilalang ang lahat na mga bagay, sa sangkalangitan at sa sangkalupaan, na mga bagay na nakikita at ang mga bagay na di-nakikita, maging mga luklukan o mga pagsakop o mga pamunuan o mga kapangyarihan; lahat ng mga bagay ay nilalang sa pamamagitan niya at ukol sa kaniya;

    Colosas 1:16

    12. Ang mga espiritwal na langaw at mga insekto ay mga di-nakikitang kaaway.

    At sinabi ng mga eskriba na nagsibaba mula sa Jerusalem, Nasa kaniya si Beelzebub, at, Sa pamamagitan ng prinsipe ng mga demonio ay nagpapalabas siya ng mga demonio.At sila'y kaniyang pinalapit sa kaniya, at sinabi sa kanila sa mga talinghaga, Paanong mapalalabas ni Satanas si Satanas?At kung ang isang kaharian ay magkabahabahagi laban sa kaniyang sarili, hindi mangyayaring makapanatili ang kaharian yaon.

    Marcos 3:22-24

    13. Ang mga kasuklam-suklam na mga espiritwal na ibon ay mga di-nakikitang kaaway. Ang ilang mga demonyo ay tinatawag bilang kasuklam-suklam na mga ibon.

    At siya'y sumigaw ng malakas na tinig, na nagsasabi, Naguho, naguho ang dakilang Babilonia, at naging tahanan ng mga demonio, at kulungan ng bawa't espiritung karumaldumal, at kulungan ng bawa't karumaldumal at kasuklamsuklam na mga ibon.

    Pahayag 18:2

    14. Ang espiritu ng mga palaka ay mga di-nakikitang kaaway. Ang ilang mga demonyo ay tinatawag bilang mga palaka.

    At nakita kong lumabas sa bibig ng dragon, at sa bibig ng hayop, at sa bibig ng bulaang propeta, ang tatlong espiritung karumaldumal, na gaya ng mga palaka:Sapagka't sila'y mga espiritu ng mga demonio, na nagsisigawa ng mga tanda; na pinaparoonan nila ang mga hari sa buong sanglibutan, upang tipunin sa pagbabaka sa dakilang araw ng Dios, na Makapangyarihan sa lahat..

    Pahayag 16:13-14

    15. Ang mga espiritwal na Alakdan ay mga di-nakikitang kaaway: Ang ilang mga masasamang espiritu at tinatawag bilang mga alakdan.

    Narito, binigyan ko kayo ng kapamahalaan na inyong yurakan ang mga ahas at ang mga alakdan, at sa ibabaw ng lahat ng kapangyarihan ng kaaway: at sa anomang paraa'y hindi kayo maaano.

    Lucas 10:19

    16. Ang mga espiritwal na dragon ay mga di-nakikitang kaaway: Ang ilang masasamang espiritu ay tinatawag bilang mga dragon.

    At inihagis ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na Diablo at Satanas, ang dumadaya sa buong sanglibutan; siya'y inihagis sa lupa, at ang kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama niya.

    Pahayag 12:9

    17. Ang mga espiritwal na ahas ay mga di-nakikitang kaaway: Ang ilang mga masasamang espiritu ay tinatawag bilang mga ahas. Sabihin pa, ang mga ito’y di pisikal na mga ahas kundi mga espiritwal na ahas.

    At ang ahas ay nagbuga sa kaniyang bibig sa likuran ng babae ng tubig na gaya ng isang ilog, upang maipatangay siya sa agos.

    Pahayag 12:15

    18. Ang mga espiritwal na kabayo at ang kanilang mga Sakay ay mga di-nakikitang kaaway

    At tumingin ako, at narito, ang isang kabayong maputla: at ang nakasakay dito ay may pangalang Kamatayan; at ang Hades ay sumusunod sa kaniya. At sila'y pinagkalooban ng kapamahalaan sa ikaapat na bahagi ng lupa, na pumatay sa pamamagitan ng tabak, at ng gutom, at ng salot, at ng mga ganid na hayop sa lupa.

    Pahayag 6:8

    19. Ang mga espiritwal na halimaw sa dagat ay mga di-nakikitang kaaway. Ang ilang mga masasamang espiritu at tinatawag bilang Leviatan. Ang Leviatan ay isang kilalang dambuhalang dagat o nilalang sa dagat na may maraming ulo.

    Iyong pinagputolputol ang mga ulo ng leviatan, ibinigay mo siya na pagkain sa bayan na tumatahan sa ilang.

    Awit 74:14

    20. Ang halimaw sa dagat na may maraming ulo ay nasa talaan ng mga di-nakikitang kaaway. Ang ilang mga demonyo ay mga halimaw na may maraming ulo na naninirahan sa dagat. Ang ilan ay tinatawag ang mga ito na mga espiritung sa pandagat.

    At siya'y tumayo sa buhanginan ng dagat. At nakita ko ang isang hayop na umaahon sa dagat, na may sangpung sungay at pitong ulo, at sa kanilang mga sungay ay may sangpung diadema, at sa kaniyang mga ulo ay mga pangalan ng kapusungan.

    Pahayag 13:1

    21. Ang mga halimaw mula sa ilalim ng lupa ay nasa talaan ng mga di-nakikitang kaaway. Ang ilang mga demonyo ay mga halimaw na may maraming ulo na nasa lupa. Ang mga ito ay mga espiritung panlupa.

    At nakita ko ang ibang hayop na umaahon sa lupa; at may dalawang sungay na katulad ng sa isang kordero, at siya'y nagsasalitang gaya ng dragon.

    Pahayag 13:11

    Kabanata 2

    Ang Sampung mga Atas ng mga Demonyo Laban Sa’yo

    Sapagka't sa akin ay nabuksan ang isang pintuang malaki at mapapakinabangan, at marami ang mga kaaway.

    1 Corinto 16:9

    Walang Pagkatawag na hindi Hinahadlangan

    Walang komisyon o pagkatawag na walang oposisyon. Kapag tinawag ka ng Dios, hahadlangan ka ng diablo. Si Satanas ay babakahin ka sapagkat iyan ang kanyang kaukulan. Bawat dakilang pagkatawag ay may dakilang kahadlangan.

    Sapagka't sa akin ay nabuksan ang isang pintuang malaki at mapapakinabangan, at marami ang mga kaaway.

    1 Corinto 16:9

    Nang tawagin si Moises upang palayain ang mga Israelita, siya ay nakatagpo ng matinding paglaban mula sa Faraon. Ang Faraon ay isang uri ng Satanas na hindi magpapalaya sa bayan ng Diyos. Ang Faraon ay kumakatawan sa diablo na namumuhi sa paglilingkod ng bayan sa Diyos. Lahat ng batang lalaking Israelita ay pinatay sa pagtatangkang iligpit si Moses.

    Nang si Jesus ay isilang sa daigdig upang iligtas ang sangkatauhan, nakasagupa niya si Herodes na nag-utos na patayin ang lahat ng mga bata sa pagtatangkang iligpit ang Tagapagligtas. Ang dakilang pagkatawag at komisyon ni Jesus bilang Tagapagligtas ng sanlibutan ay nakasagupa ng pinakamatinding paglaban.

    Ang pagkatawag sa iyo ay makasasagupa rin ng matinding paghadlang. Lahat ng mga nilalang na binanggit sa nakaraang kabanata ay magtutulung-tulong laban sa’yo upang tiyaking hindi mo matapos ang iyong pagkatawag. Kapag ipinilit mong maglingkod sa Diyos, ikaw ay hahadlangan, bibiguin, pararatangan, pipinsalain at babakahin ng di-nakikitang kaaway sa buo mong buhay at ministeryo. Kung hindi ka mananalangin, at kung hindi ka espiritwal, hindi ka magtatagal sa matindi at di-nakikitang digmaang ito. Ang mga demonyo ay totoo. Ang masasamang nilalang ay totoo. Panahon na upang malaman kung ano ang iyong kinakaharap at durugin ito.

    Ang iyong Kapalaran ay Nakasalalay sa Pagdurog ng Kaaway gamit ang Kapangyarihan

    Kung walang kapangyarihan ng Diyos, hindi mo magaganap ang iyong pagkatawag. Malinaw ang kasulatan; tinatanggap mo ang lahat ng bagay na ibinigay sa’yo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos. Ang kapangyarihan ng Diyos ay ang daluyan kung saan tinatanggap natin ang marami nating pangangailangan. Ang kapangyarihan ng Diyos ay kailangan upang durugin ang kaaway. Nauunawaan ng kaaway ang pananalita ng kapangyarihan.

    Yamang ipinagkaloob sa atin ng kaniyang banal na kapangyarihan ang lahat ng mga bagay na nauukol sa kabuhayan at sa kabanalan, sa pamamagitan ng pagkakilala sa kaniya na tumawag sa atin sa pamamagitan ng kaniyang sariling kaluwalhatian at kagalingan;

    2 Pedro 1:3

    Sampung Atas ng mga Demonyo laban Sa’yo

    1. Paglaban at pagsalungat

    Kayo'y maging mapagpigil, kayo'y maging mapagpuyat; ang inyong kalaban na diablo, na gaya ng leong umuungal, ay gumagala na humahanap ng masisila niya:

    1 Pedro 5:8

    Ang iyong mga katunggali ay nilalabanan ang ideya na ikaw ay nagiging mahalaga. Lahat ng paglaban na nararamdaman mo habang sinusubukan mong sundin ang kalooban ng Dios ay dahil sa maraming katunggali. Nakadama ako ng paglaban mula sa lahat ng sulok simula ng pasimulan ko ang aking ministeryo. Minsan ang paglaban ay galing sa daigdig na nasa labas, ngunit minsan ito’y galing sa aking mga obispo; minsan galing ito sa aking mga katulong; minsan ito’y galing sa aking pamilya. Anuman ang kalagayan, dapat mong kilalanin ang paglaban bilang sa demonyo.

    Kayo'y maging mapagpigil, kayo'y maging mapagpuyat; ang inyong kalaban na diablo, na gaya ng leong umuungal, ay gumagala na humahanap ng masisila niya:

    1 Pedro 5:8

    Ang isang katunggali ay taong sumasalungat, humahadlang, humahadlang at pumipigil sa’yo sa pagtatamo ng kung anumang itinakda mo upang matapos. Kapag inisip mo ang mga salitang pagsalungat, pagkasiphayo, kahirapan, balakid, isipin mo ang mga demonyo.

    Isipin mo ang mga gawa ni Satanas tuwing makararanas ka ng balakid, siphayo, at mga kahadlangan sa iyong pagkatawag.

    Maraming kasiphayuan sa ministeryo ay gawa ng mga demonyo. Gaano man kaganda ang mga bagay sa labas, ang mga masasamang espiritu ay naririyan. Ang masasamang espiritu ay nariyan upang sumalungat, maniphayo, at lumaban sa mga lingkod ng Diyos.

    Marami sa mga kahirapan at hamon na nararanasan ng isang ministro ay gawa ng masasamang espiritu. Kung magiging higit na espiritwal ka, higit na mamamalayan mo ang aktibidad ng mga masasamang espiritu.

    2. Pagkasiphayo

    At siya'y magbabadya ng mga salita laban sa Kataastaasan, at lilipulin niya ang mga banal ng Kataastaasan; at kaniyang iisiping baguhin ang panahon at ang kautusan; at sila'y mangabibigay sa kaniyang kamay hanggang sa isang panahon, at mga panahon at kalahati ng isang panahon..

    Daniel 7:25

    Bilang bahagi ng plano sa pagsalungat sa iyo, si Satanas ay humahayo upang siphayuin ka. Bawat uri ng pagkainis, kaabalahan at pagkayamot na nararanasan mo ay tandang lahat ng aktibidad ng demonyo. Minsan, ang pagkainis at pagkayamot ay nanggagaling sa panloob na usapin. Ang simpleng gawain ay maaaring magpatuloy at maging mahaba at di-kaaya-ayang karanasan. Ito’y ang palagiang pamamalagi ng mga diablo na isinugo upang salungatin at siphayuin ang gawa ng Diyos na siyang nagbubunsod ng ganitong uri ng karanasan.

    3. Paghadlang sa mga tao

    Mula ng panahong yao'y nagpasimulang ipinakilala ni Jesus sa kaniyang mga alagad, na kinakailangang siya'y pumaroon sa Jerusalem, at magbata ng maraming bagay sa matatanda at sa mga pangulong saserdote at sa mga eskriba, at siya'y patayin, at muling ibangon sa ikatlong araw. At isinama siya ni Pedro, at nagpasimulang siya'y pinagwikaan, na nagsasabi, Panginoon, malayo ito sa iyo: kailan man ay hindi mangyayari ito sa iyo.

    Mateo 16:21-22

    Ang paghadlang sa gawa ng Panginoon ay siyang pinakamasayang pagkakataon kay Satanas. Nakapagpapatuloy siya sa gawaing paniniphayo sa gawa ng Diyos. Nagagawa niyang ganap na pigilan ito sa maraming pagkakataon. Mag-ingat sa mga bagay na ganap na nakapagpapahinto sa gawain ng Diyos.

    4. Panunukso sa mga tao

    At pagdaka'y itinaboy siya ng Espiritu sa ilang.At siya'y nasa ilang na apat na pung araw na tinutukso ni Satanas; at kasama siya ng mga ganid; at pinaglingkuran siya ng mga anghel.

    Marcos 1:12-13

    Ang panunukso at pagsubok sa mga lingkod ng Diyos habang nagpapagal sila para sa Panginoon ay gawa ng mga diablo. Karamihan sa mga tao ng Diyos ay laging tinutukso habang naglilingkod sila sa Diyos. Maraming tao ang natitisod sa pamamagitan ng di-pagpapatawad, kalibugan, pagkainip at iba pang tukso.

    5. Pananakot sa mga tao

    Kayo'y maging mapagpigil, kayo'y maging mapagpuyat; ang inyong kalaban na diablo, na gaya ng leong umuungal, ay gumagala na humahanap ng masisila niya:

    1 Pedro 5:8

    Lahat ng uri ng takot ay mula sa diablo. Maraming mga lalaki’t babae ang ganap na kontrolado ng kanilang takot. Ang takot ay isang nakapanghihikayat at gumagabay na espiritu. Ito’y nagdadala sa’yo sa daan na humahantong sa pagakauntog sa pader.

    6. Panghahalina sa mga tao

    Nguni't ako'y natatakot, baka sa anomang paraan, kung paanong si Eva ay nadaya ng ahas sa kaniyang katusuhan, ang inyong walang malay at malinis na mga pagiisip na kay Cristo ay pasamain.

    2 Corinto 11:3

    At inihagis ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na Diablo at Satanas, ang dumadaya sa buong sanglibutan; siya'y inihagis sa lupa, at ang kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama niya.

    Pahayag 12:9

    Kilala si Satanas sa paglason ng puso ng mga Kristiyano. Marami ang nilason ng paghihinala, kapaitan, kataksilan, kaliluhan, at kalituhan. Ang pagpaparatang ay isa sa mga pinakamapanganib na lasong maaaring itanim sa puso ng mga Kristiyano. Maraming tao ang nawalan ng kainosentehan sapagkat nilason ni Satanas ang kanilang puso. Kapag nakasagupa ka ng pangkat ng mga tao na naaapektuhan ng mga bagay na kanilang naranasan, maaaring sila’y nilason ng diablo.

    7. pandaraya

    Kayo'y sa inyong amang diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya'y isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagka't walang katotohanan sa kaniya. Pagka nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagka't siya'y isang sinungaling, at ama nito.

    Juan 8:44

    Ang pagsisinungaling at pandaraya ay mga aktibidad ng diablo. Sa tuwing nakatatagpo ka ng isang sinungaling nakasasagupa ka ng mga siphayo. Ang sinungaling ay kadalasang isang magnanakaw na kumukuha ng isang bagay sa’yo. Ang mga taong di-nagsasabi ng buong katotohanan at ang mga taong nagliligaw sa’yo ay mga sinugo ni Satanas upang siphayuin at sirain ka. Sa buo mong buhay at ministeryo ay makasasagupa ka ng gayong mga tao. Lahat sila’y mga sinugo ng diablo upang sirain ka.

    Bawat ministro ng ebanghelyo ay dapat na mag-ingat sa mga bagay at mga taong nagsisikap na dayain siya. Si Satanas ay laging nagsisiskap na iligaw ka, ilihis ka, guluhin ka, at dayain ka. Lagi siyang nagsisikap na itago sa’yo ang mga bagay at palakarin ka sa kadiliman, kamangmangan at pandaraya. Ito ang palagian at di nagbabagong gawain ng masasamang espiritu. Ito ang dahilan kung bakit dapat palagi kang manalangin para sa karunungan, pagkaunawa, kaalaman, payo, liwanag at pahayag. Si Daniel ay itinuturing na nakaligtas mula sa kadiliman ng pandaraya. Siya ay inilarawan bilang isang taong may liwanag, pagkaunawa, at karunungan. Dahil sa liwanag, pagkaunawa at karunungang mayroon

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1