Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Paano Ka Magiging Isang Matatag Na Kristiyano
Paano Ka Magiging Isang Matatag Na Kristiyano
Paano Ka Magiging Isang Matatag Na Kristiyano
Ebook129 pages2 hours

Paano Ka Magiging Isang Matatag Na Kristiyano

Rating: 3 out of 5 stars

3/5

()

Read preview

About this ebook

Dahil tinanggap mo si Hesukristo bilang iyong Panginoon at Tagapagligtas ikaw ay naligtas! Ikaw ay isang Kristiyanong ipinanganak na muli at ang iyong pangalan ay nakasulat sa Aklat ng Buhay. Ang iyong katanungan ay: ""Ano ang susunod na hakbang na dapat gawin?"" Ang pagiging isang Kristiyano ay isang magandang hakbang, subalit simula pa lamang iyon. Ikaw ay dapat na maging isang mabuti, matatag na Kristiyano. 'Kaya paano ko iyon gagawin? — Sa klasikong aklat na ito, matututunan mo ang mga hakbang na gagawin upang maging at manatiling matatag na Kristiyanong handa para sa kamatayan o pagpunta sa langit.

LanguageTagalog
Release dateApr 9, 2018
ISBN9781683986713
Paano Ka Magiging Isang Matatag Na Kristiyano
Author

Dag Heward-Mills

Bishop Dag Heward-Mills is a medical doctor by profession and the founder of the United Denominations Originating from the Lighthouse Group of Churches (UD-OLGC). The UD-OLGC comprises over three thousand churches pastored by seasoned ministers, groomed and trained in-house. Bishop Dag Heward-Mills oversees this charismatic group of denominations, which operates in over 90 different countries in Africa, Asia, Europe, the Caribbean, Australia, and North and South America. With a ministry spanning over thirty years, Dag Heward-Mills has authored several books with bestsellers including ‘The Art of Leadership’, ‘Loyalty and Disloyalty’, and ‘The Mega Church’. He is considered to be the largest publishing author in Africa, having had his books translated into over 52 languages with more than 40 million copies in print.

Related to Paano Ka Magiging Isang Matatag Na Kristiyano

Related ebooks

Reviews for Paano Ka Magiging Isang Matatag Na Kristiyano

Rating: 3.1818181818181817 out of 5 stars
3/5

11 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Paano Ka Magiging Isang Matatag Na Kristiyano - Dag Heward-Mills

    Kabanata 1

    Ang Kahulugan ng Pagiging isang Matatag na Kristiyano

    Sa katapustapusa’y MAGPAKALAKAS KAYO SA PANGINOON, at sa kapangyarihan ng kaniyang kalakasan.

    Mga Taga-Efeso 6:10

    Sa kabuuan ng Bibliya ang mga Kristiyano ay masidhing pagpapayuhan na maging matatag. Makikita mo ang pariralang maging matatag nang maraming beses sa kabuuan ng Bibliya. Upang maging matatag dapat mong patatagin ang iyong sarili. Karamihan ng mga Kristiyano ay matatag sa kanilang mga pangangatawan, pulitika, pag-aaral, negosyo, mga relasyon subalit hindi matatag sa Panginoon. Binibigyang-diin ng Diyos na ikaw ay maging matatag sa Panginoon

    Ang maging matatag sa Panginoon ay ang pagiging isang matatag na  Kristiyano.  Maraming  mga  tao  ang  nakakakila  sa Panginoon subalit hindi kailanman nagiging matatag sa Panginoon. Nananatili silang mga mahihinang espiritu sa kabuuan ng kanilang mga buhay. An aklat na ito ang magtuturo sa iyo kung paano maging isang mabuti at matatag na Kristiyano. May ilang mga bagay ang nagtutukoy sa isang mabuti at matatag na Kristiyano. Dapat na maging layunin mo ang pagpapalago sa lahat ng mga katangiang ito kung ikaw ay magiging isang mabuti at matatag na mananampalataya. Upang maging isang matatag na Kristiyano, ikaw ay dapat na malinang sa espiritwal, pagsisikay, kahinugan, kabanalan at katatagan sa Panginoon.

    May ilang mga bahagi ng iyong buhay na dapat na linangin kung ikaw ay tatawagin na isang matatag na Kristiyano. Ang buong aklat na ito ay ukol sa paglinang ng mga bahaging ito   na makakatulong upang ikaw ay maging isang matatag na Kristiyano. Ang siyam na aspeto na dapat mong linangin ay nakatala sa ibaba kung nais mong maging matatag sa Panginoon.

    1. Ang pagiging matatag na Kristiyano ay ang paglinang ng mas malalim na buhay Kristiyano.

    Kalaliman ay tumatawag sa  kalaliman  sa  hugong  ng iyong mga baha: lahat ng iyong alon at ang iyong malaking alon ay nagsitabon sa akin.

    Awit 42:7

    2. Ang pagiging matatag na Kristiyano ay pagiging matatag.

    Kaya nga, mga kapatid kong minamahal, kayo’y magsitatag, huwag makilos, na laging sumasagana sa gawa ng Panginoon, yamang nalalaman ninyo na hindi walang kabuluhan ang inyong gawa sa Panginoon.

    1 Mga Taga-Corinto 15:58

    3. Ang pagiging matatag na Kristiyano ay pagiging hindi natitinag

    Kaya nga, mga kapatid kong minamahal, kayo’y magsitatag, huwag makilos, na laging sumasagana sa gawa ng Panginoon, yamang nalalaman ninyo na hindi walang kabuluhan ang inyong gawa sa Panginoon.

    1 Mga Taga-Corinto 15:58

    4. Ang pagiging matatag na Kristiyano ay pagiging espirituwal

    At ako, mga kapatid, ay hindi nakapagsalita sa inyo na tulad sa mga nasa espiritu, kundi tulad sa mga nasa laman, tulad sa mga sanggol kay Cristo.

    1 Mga Taga-Corinto 3:1

    5. Ang pagiging matatag na Kristiyano ay pagiging banal

    Sundin ninyo ang kapayapaan sa lahat ng mga tao, at ang pagpapakabanal na kung wala ito’y sinoman ay di makakakita sa Panginoon:

    Mga Hebreo 12:14

    6. Ang pagiging matatag na Kristiyano ay pagiging sukdulan.

    Upang tayo’y huwag nang maging mga bata pa, na napapahapay dito’t doon at dinadala sa magkabikabila ng lahat na hangin ng aral, sa pamamagitan ng mga daya ng mga tao, sa katusuhan, ayon sa mga lalang ng kamalian;

    Mga Taga-Efeso 4:14

    7. Ang pagiging matatag na Kristiyano ay pagiging masigasig na naaapektuhan palagi sa mabuting mga bagay. Ang pagiging matatag sa Panginoon ay pagiging masigasig.

    Datapuwa’t mabuti ang ipagmalasakit sa mabuting bagay sa lahat ng panahon, at hindi lamang samantalang ako’y kaharap ninyo.

    Mga Taga-Galacia 4:18

    8. Ang pagiging matatag na Kristiyano ay pagiging mabunga.

    Ako’y hindi ninyo hinirang, nguni’t kayo’y hinirang ko, at aking kayong inihalal, upang kayo’y magsiyaon at magsipagbunga, at upang manatili ang inyong bunga: upang ang anomang inyong hingin sa Ama sa aking pangalan, ay maibigay niya sa inyo.

    Juan 15:16

    9. Ang pagiging matatag na Kristiyano ay ang kahandaan na makaharap ang Diyos ano mang oras.

    Kaya’t ganito ang gagawin ko sa iyo, Oh Israel; at yamang aking gagawin ito sa iyo, humanda kang salubungin mo ang iyong Dios, Oh Israel.

    Amos 4:12

    Anim na Dahilan kung Bakit Dapat mong Patatagin ang Iyong Sarili

    1. Patatagin ang iyong sarili upang iyong mapalupig ang masasamang tao.

    Kayo’y aking sinulatan, mga ama, sapagka’t inyong nakikilala yaong buhat pa nang pasimula ay siya na. Kayo’y aking sinulatan, mga binata, sapagka’t kayo’y malalakas, at ang salita ng Dios ay nananahan sa inyo, at inyong dinaig ang masama.

    1 Juan 2:14

    Ang masasamang tao ay hingi mahina. Malulupig mo lamang ang masasamang tao kapag ikaw ay malakas. Kapag ikaw ay nakikipagbiruan sa kaaway, sarili mo lamang ang iyong dapat sisihin. Ang pakikipaglaban kay Satanas ay ang pakikipaglaban sa isang sinanay na mandirigma na nakakita na ng maraming labanan. Ang diablo ay nakipaglaban na sa maraming mga Kristiyano sa loob ng maraming taon. Siya ay maykaranasan   sa paninira at panunukso sa mga Kristiyano. Ang diablo ay nabubuhay na noong nabuhay si Hesus. Hindi siya ay hindi baguhan subalit ikaw ang baguhan! Bumangon ka at maging mas malakas upang iyong matalo ang kasamaan.

    Noong ako ay nasa mataas na paaralan, ako ay pinagtutulungan ng mga masasamang nakatatandang mag-aaral. Napagdaanan ko ang iba’t ibang uri ng pagpapahirap at parusa na ginawa sa akin ng mga taong may isang taon lamang na tanda sa akin. Sa panahong ito, napagtanto ko ang lalim ng kasamaan at ito ay nananatili sa puso ng sangkatauhan. Ang mga labing-tatlo at labing-apat na taong gulang na mga lalaking ito ay nagpakita ng kapangyarihan sa akin dahil sila ay mas matanda ng isang taon.

    Minsan, pinagagawa nila sa akin ang tinawag nilang ‘ang sayaw ng unggoy’. Sa ibang pagkakataon, ginagawa ko ang parusang ‘Tore ng Kalayaan’. Minsan, kailangan kong kuskusin ang mga palikuran at mga paliguan ng 3:00 ng umaga. Minsan kailangan kong buhatin ang maraming balde ng  dumi  ng  hayop sa layong limang kilometro. Minsan ay inutusan akong magbantay at pumatay ng mga lamok na lumilipad sa ibabaw ng kama. Ang ibang mga parusa ay ang pagkain ng gari (ginayod na kamoteng kahoy) at dinurog na mapapait na tableta ng quinine. Sa loob ng maraming buwan, nagdusa ako sa ilalim ng kamay ng mga masasamang nakatatanda. Isang araw, napansin ko ang isa sa aking mga kamag-aral ang hindi tinawag, hindi ipinadala saan man, hindi pinahirapan at hindi pinarusahan! Subalit nalaman ko kung bakit! Siya ay mas malaki at mas malakas sa mga nakatatanda! Ang kamag-aral kong ito ay mas malaki, mas malakas at mas matanda sa lahat ng aming kaklase at ang mga nakatatandang mag-aaral ay tunay na natatakot sa kanya. Maaari niyang bugbugin ang sinoman sa kanila sa oras na siya ay pag- initan.

    Mayroong mga pagkakataon na ang mga nakatatandang mag- aaral ay sisigaw: "Isang maliit na lalaki! Ito ay nangangahulugan na ang lahat ng mga nakababata ay tatakbo patungo sa nakatatanda na tumawag ng Isang maliit na lalaki!" Kaming lahat ay tatakbo subalit ang mas matanda, mas malaki at mas malakas na lalaki ay hindi papansinin ang mga nakatatanda at magpapatuloy sa kanyang ginagawa. Walang nagtanong sa kanya ng kahit na ano. Sila ay takot sa kanya dahil sa napakalakas niya! Subalit hindi ako malakas. Ako ay mahina, madaling bugbugin at parusahan. Ako ay isang magandang biktima para sa mga masasama at walang pusong nakatatandang mag-aaral. Kung kasing lakas ko lang sana ang malaki at maskulado kong kamag-aral.

    Dito ko natutunan ang kahalagahan ng lakas! Kapag malakas ka, ang mga masasama ay napipilitang iwanan ka nag-iisa. Alam ng mga masasama na sila ay matatalo. Hindi susubukan ni Satanas na magsimula ng problema dahil alam niyang na sa huli ito ay hindi matatapos ng maganda para sa kanya. Ikaw ay dapat na maging malakas dahil kapag may kumalaban sa iyo na mas malakas kaysa sa iyo, ikaw ay tatalunin at sisirain nito.

    Pagka ang lalaking malakas na nasasandatahang lubos ay nagbabantay sa kaniyang sariling looban, ang kaniyangmgapag-aariaywalasapanganib. Datapuwa’t kung siya’y datnan ng ibang lalong malakas kay sa kaniya, at siya’y matalo, ay kukunin nito sa kaniya ang lahat ng kaniyang sandata na kaniyang inaasahan, at ipamamahagi ang mga nasamsam sa kaniya.

    Lucas 11:21-22

    Ito dapat ang pinakamatibay na pagganyak para sa pagpapalakas ng iyong sarili! Habang ikaw ay nagiging mas malakas ikaw ay napipilitang iwanan nagiiIsa ng masama dahil alam nila na ang mga tukso ay hindi gagana sa iyo. Maging matatag sa Panginoon!

    2. Dapat mong patatagain ang iyong sarili sa Panginoon dahil ang iyong kaaway ay nagpaplanong salakayin kang muli.

    At pinatay ng bawa’t isa ang kanikaniyang kalabang lalake; at ang mga taga Siria ay nagsitakas, at hinabol sila ng Israel; at si Ben-adad na hari sa Siria ay tumakas na nakasakay sa isang kabayo na kasama ng mga mangangabayo.

    At ang hari sa Israel ay lumabas, at sinaktan ang mga kabayo at mga karo, at pinatay ang mga taga Siria ng malaking pagpatay.

    At ang propeta ay lumapit sa hari sa Israel, at nagsabi sa kaniya, IKAW AY YUMAON, MAGPAKALAKAS KA, at iyong tandaan, at

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1