Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Marami ang Tinawag
Marami ang Tinawag
Marami ang Tinawag
Ebook206 pages2 hours

Marami ang Tinawag

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Tayo ay madalas na nahihikayat kapag naiisip natin ang katotohanan na ""Marami ang tinawag"". At mabilis tayong nasisiraan ng loob kapag tayo ay nagninilay sa katotohanan na ""..iilan ang pinili"". Ikaw ay maaaring mabilang sa maraming tinawag at sa iilang napili kung gagawin mong bahagi ng iyong buhay ang aklat na ito.
Sa kahanga-hangang aklat na ito ni Dag Heward-Mills matutuklasan mo mula sa Bibliya kung bakit masasabi mong ikaw ay tinawag. Malalaman mo ang mga katangian ng mga ""taong tinawag"" at ikaw ay mahihikayat upang maging matatag hanggang sa dulo ng iyong takbong Kristiyano.

LanguageTagalog
Release dateApr 9, 2018
ISBN9781683986324
Marami ang Tinawag
Author

Dag Heward-Mills

Bishop Dag Heward-Mills is a medical doctor by profession and the founder of the United Denominations Originating from the Lighthouse Group of Churches (UD-OLGC). The UD-OLGC comprises over three thousand churches pastored by seasoned ministers, groomed and trained in-house. Bishop Dag Heward-Mills oversees this charismatic group of denominations, which operates in over 90 different countries in Africa, Asia, Europe, the Caribbean, Australia, and North and South America. With a ministry spanning over thirty years, Dag Heward-Mills has authored several books with bestsellers including ‘The Art of Leadership’, ‘Loyalty and Disloyalty’, and ‘The Mega Church’. He is considered to be the largest publishing author in Africa, having had his books translated into over 52 languages with more than 40 million copies in print.

Related to Marami ang Tinawag

Related ebooks

Reviews for Marami ang Tinawag

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Marami ang Tinawag - Dag Heward-Mills

    Kabanata 1

    Bakit Ikaw ay Nananatili pang Buhay

    Sapagka’t tayo’y kaniyang gawa, na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa, na mga inihanda ng Dios nang una upang siya nating lakaran.

    Mga Taga-Efeso 2:10

    Minsan akong nakipagkwentuhan sa isang Ingles na nagmamaneho ng itim na taksi na siyang nagdala sa akin sa gitnang London. Tinanong ko siya kung siya ay naniniwala sa Diyos.

    Sinabi niya, Talagang hindi. Hindi ako naniniwala sa Diyos.

    Pagkatapos ay tinanong ko siya, Naniniwala ka ba na may Impyerno?

    Syempre hindi! matalisik niyang sagot.

    Nagpatuloy ako, " Naniniwala ka ba sa Langit?’

    Hindi ako naniniwala sa anumang bagay na ganyan.

    Pagkatapos ay sinabi ng drayber ng taksi sa akin, Hayaan mo akong magtanong sa iyo.

    Syempre naman, malaya kang magtanong. Magtanong ka ng kahit na anong tanong na nais mo, sagot ko.

    Tinanong niya sa akin, Naniniwala ka ba sa Langit?

    Siyempre naniniwala ako, sagot ko.

    Sige payagan mo akong magtanong ulit sa iyo ng isa pang katanungan. Tinanong niya, Kung ikaw ay naniniwala na pupunta ka sa Langit, bakit hindi mo na lang patayin ang sarili mo at pumunta ka na sa Langit ngayon. Pagkatapos nang lahat makakatakas ka sa lahat ng iyong mga bayarin, utang at mga problema ng mundong ito.

    Nagulat ako. Hindi ko inasahan ang ganoong katanungan. Ngunit mukhang may saysay ito. Kung ang Langit ay lubhang maganda, ano pa ang ginagawa ko dito sa lupa? Bakit hindi ko na lang patayin ang aking sarili at umalis sa miserableng mundong ito ngayon.

    Naisip ko sa aking sarili, Magandnag tanong iyon. Ngunit bago pa ako nagkaroon ng pagkakataon na makasagot sa kanya, dumating na kami sa aming destinasyon.

    Simula nang usapang iyon kasama ang nagmamaneho ng taksi, sinasagot ko ang kanyang katanungan sa iba’t-ibang mga kongregasyon: Bakit hindi tayo agad pumunta sa Langit pagkatapos nating maligtas!

    Kahit na hinipo ng Diyos ang ating mga buhay at ibinigay sa atin ang pangako ng Langit, mayroon pang gawain na dapat tapusin sa lupa. May mga bagay na dapat na matamo para sa Diyos. Inaasahan ng Diyos na tutugon tayo sa Kanyang malaking pag-ibig sa pamamagitan ng pagbibigay nang ating mga sarili sa Kanyang gawain.

    Nang tayo ay lumapit kay Hesus, tinanggal Niya ang ating mga pasan na kasalanan at kadiliman at ibinigay sa atin ang Kanyang pasan. ( Mateo 11:28-29). Ano ang pasananin ni Kristo? Ito ay ang pasanin na mga nawawalang kaluluwa ng mundong ito.

    Kamngha-mangha na karamihan sa mga Kristiyano ay naggugugol nang kanilang buhay nang hindi napapagtanto na ang dahilan na sila ay nananatiling buhay ay para makagawa sila ng mga bagay para sa Diyos. Hindi sila nabubuhay upang sila ay makapagpatayo ng mga bahay at makatamo ng mabubuting bagay ng mundong ito. Hindi sila nabubuhay upang sila ay makatamo ng mas madaming salapi at magtamo ng mga kayamanan sa mundong ito. Iisang dahilan lamang ang mayroon tayo upang mabuhay, at iyon ay upang maglingkod sa ating Tagapagligtas na nagsuko nang lahat para sa atin. Malungkot na katotohanan na maraming aral sa katawan ni Kristo ay nag-aakay sa mga Kristiyano palayo mula sa tunay na layunin nang pagiging buhay.

    "Ating isipin ang tungkol sa ating Diyos, ating Tagapagligtas at ating Hari. Ang Isa na nagbigay ng lahat. Isinuko Niya ang lahat… upang tayo ay maging kaibigan Niya." Alam ko na bihira nating maisip ang tungkol sa ating Tagapagligtas at ating Hari. Bihira nating maisip ang tungkol sa Nag-iisang nagbigay nang lahat. Iyon ang dahilan kung bakit bibihira nating isuko ang lahat ng bagay. Iyon ang dahilan kung bakit tayo ay napakatigang at napakawalang bunga sa kaharian. Awit mula kay Tommy Walker, Let’s think about Our God.

    Kabanata 2

    Maraming Kristiyano ang Tinawag

    Kung ikaw ang Diyos at mayroon kang anim na bilyonng tao na ililigtas, ano ang gagawin mo? Magpapadala ka ba ng isa o dalawang tao upamg iligtas sila o magpapadala ka ng maraming tao. Tiyak na magpapadala ka ng maraming tao sa mga bukirin ng anihan. At iyon ang eksaktong ginawa ng Diyos. Tinawag Niya ang maraming tao! Huwag magpalinlang sa pamamagitan ng mga ilang pastor na iyong nakikita na nakaupo sa harapang hanay ng mga simbahan. Iyon ay palaging nagbibigay ng impresyon na iilan lamang ang tinawag, o ang karamihan sa kongregasyon ay hindi tinawag. Sa katunayan, ito ay tunay na kabaligtaran. Marami at hindi lamang iilang pastor ang tinawag sa gawain nang pagliligtas sa mundo.

    Limang Katotohanan tungkol sa Tawag ng Diyos

    1. Marami ang tinawag.

    Sapagka’t marami ang mga tinawag, datapuwa’t kakaunti ang mga nahirang.

    Mateo 22:14

    Ano ang ibig sabihin nang Marami ang Tinawag?

    Ang marami ang tinawag ay nangangahulugan na malaking bilang ng mga tao ang tinawag.

    Ang marami ang tinawag ay nangangahulugan na ang mga masa ay tinawag.

    Ang marami ang tinawag ay nangangahulugan na may napakalaking bilang ng mga tao ang tinawag.

    Ang marami ang tinawag ay nangangahulugan na maraming tao ang tinawag.

    Ang marami i ang tinawag ay nangangahulugan na hindi mabilang na tao ang tinawag.

    Ang marami ang tinawag ay nangangahulugan na napakaraming tao ang tinawag.

    Ang marami ang tinawag ay nangangahulugan na karamihan sa mga tao ang tinawag.

    Ang marami ang tinawag ay nangangahulugan na sobra-sobrang tao ang tinawag.

    Nakakalungkot na tinuturing ng karamihan sa mga pastor ang kanilang kongregasyon bilang mga tao na hindi tinawag. Nakikiugnay sila sa kanila bilang mga tao na wala masyadong magagawa para sa Diyos. Karamihan sa mga pastor ay nagtuturo sa kanilang mga kongreagasyon kung paano magkaroon ng higit na maayos na buhay. Karamihan sa mga pangangaral ay tungkol sa ating mga sarili, ating mga buhay, ating mga buhay mag-asawa, ating mga tahanan, ating mga pananalapi, at iba pa. Ang ganitong uri ng pagtuturo ay ang nakakalikha ng malaki, makasarili at tigang na mga kongregasyon ngayon.

    Ang mga pastor, mga apostol, mga mangangaral ng ebanghelyo, at mga guro ay dapat na gawing perpekto ang mga santo, nang sa gayon ay magawa ng mga santo ang gawain ng ministeryo. Kahit na ang mangangaral ng ebanghelyo na siyang karaniwang inaasahan na mag-ani ng mga kaluluwa ay may pangunahing gawain na pabutihin ang mga santo para sa gawain ng ministeryo. ( Mga Taga- efeso 4:11-12)

    2. May tawag sa pagiging mabunga.

    Hindi mo na kailangang marinig pa ang tawag; ikaw ay tinawag na.

    Keith Green

    Ano ang tawag na dapat nating gawin? Tayo bang lahat ay tinawag upang maging mga apostol, mga propeta, mga ebanghelista, at mga guro? Ang sagot ay simpleng, Hindi. Karamihan sa atin ay walang mga ganitong kamangha-manghang mataas na pagtawag. Tayo ay simple lamang na tinawag upang maging kapaki-pakinabang.

    Ako’y hindi ninyo hinirang, nguni’t kayo’y hinirang ko, at aking kayong inihalal, upang kayo’y magsiyaon at magsipagbunga, at upang manatili ang inyong bunga: upang ang anomang inyong hingin sa Ama sa aking pangalan, ay maibigay niya sa inyo.

    Juan 15:16

    Kung susundinlamang natin ang ating mga Kristiyanong aral sa kanilang makatwirang mga pagpapasiya, karamihan sa mga Kristiyano ay magsasakripisyo at gagawa ng bagay para sa Diyos. Ang lubhang nakakalungkot, at marahil ang pinakapangit na katangian ng maraming mga Kristiyano ngayon ay kung gaano kaliit ang ating ginagawa para kay Kristo. Tayo ay naligtas sa pamamagitan ng kamangha-manghang pagkilos ng pag-ibig at biyaya, ngunit tayo ay hindi handang magbitaw ng anuman upang maligtas ang iba. Napakalungkot na makakita ang mga Kristiyano na sinasayang lamang ang kanilang mga buhay, na walang ginagawa para sa Panginoon.

    3. Ang ilang mga tao ay tinawag sa kamangha-manghang paraan.

    At sa kaniyang paglalakad, ay nangyari na siya’y malapit sa Damasco: at pagdaka’y nagliwanag sa palibot niya ang isang ilaw mula sa langit: At siya’y nasubasob sa lupa, at nakarinig ng isang tinig na sa kaniya’y nagsasabi, Saulo, Saulo, bakit mo ako pinaguusig? At sinabi niya, Sino ka baga, Panginoon? At sinabi niya, Ako’y si Jesus na iyong pinaguusig: Nguni’t magtindig ka, at ikaw ay pumasok sa bayan, at sasalitain sa iyo ang dapat mong gawin.

    Mga Gawa 9:3-6

    Ang apostol Pablo ay tinawag sa dramatiko at kamangha-manghang paraan. Nakakita siya ng maliwanag na ilaw na bumaba mula sa Langit at nakarinig ng tinig na nangungusap sa kanya. Nahulog siya sa lupa at nabulag ng ilang mga araw. Sa kasamaang palad, sa tuwing may taong nagbabahagi ng karanasang mayroon siya, ang lahat ay nagnanais na magkaroon ng katulad na karanasan. Ang lahat ay nagnanais na makakita ng liwanag at makarinig ng tinig; kung hindi sila ay hindi maniniwala na sila ay tinawag. Ngunit hindi mailalagay sa kahon ang Diyos at hindi natin maaasahan na uulitin Niya ang Kanyang sarili sa katulad na paraan muli.

    Naalala ko nang may mabasa ako na tungkol sa kung papaanong gumaling si Kenneth Hagin sa kanyang sakit sa puso at kung paano siya bumangon mula sa pagkakamatay. Isang araw, ako ay may karamdaman at sinubukan kong gayahin ang katulad na karanasan. Sasabihin ko sa iyo, mahal na kaibigan, muntik nang mawala ang aking buhay dahil sa pagsusubok na maranasan ang katulad na bagay na naranasan ni Kennet Hagin. Maniwala ka, ang Diyos ay may iba’t-ibang paraan sa pakikitungo sa iba’t-ibang mga tao.

    4. Ang ilang mga tao ay tinawag sa pangkaraniwang paraan.

    At kaniyang sinabi, Ikaw ay yumaon, at tumayo ka sa ibabaw ng bundok sa harap ng PANGINOON. At, narito, ang PANGINOON ay nagdaan, at bumuka ang mga bundok sa pamamagitan ng isang malaki at malakas na hangin, at pinagputolputol ang mga bato sa harap ng PANGINOON; nguni’t ang PANGINOON ay wala sa hangin: at pagkatapos ng hangin ay isang lindol; nguni’t ang PANGINOON ay wala sa lindol: At pagkatapos ng lindol ay apoy; nguni’t ang PANGINOON ay wala sa apoy: at pagkatapos ng apoy ay isang marahang bulong na tinig ( 1 Mga Hari 19:11-12)

    Mabuting maranasan ang Diyos sa ilang dramatikong paraan. Lahat tayo ay maghangad ng kamangha-manghang mga karanasan kasama ang Diyos. Bilang isang mangangaral, naghahangad ako ng kamangha-manghang mga karanasan upang masabi ko sa kongregasyon ang tungkol sa aking naranasan. Palagi kong naiisip na ako ay magiging mukhang higit na makapangyarihan. Kaawaan!

    Sa aking palagay, karamihan sa mga tao ay tinawag sa karaniwang paraan at dahil dito ay hindi nila pinapansin ang kanilang pagtawag. Habang pinapangaral ko ang tungkol sa mga taong tinatawag, napagtanto ko kung paano ito nakakagising sa mga bagay na nasa kanilang kalooban. Maraming tao ang tinawag ngunit hindi lang nila ito nalalaman. Humahanap sila ng tawag sa kamangha-manghang paraan. Ngunit ang kalimitang pagtawag ay dumarating sa pangkaraniwang paraan. Ang nakatatandang mga propeta tulad ni Elias ay nakagawa ng pagkakamali na paghahanap para sa pagtawag ng Diyos sa dramatiko at kamangha-manghang paraan. Kung magpapatuloy ka sa paghahanap para sa tawag ng Diyos sa ganoong paraan, mawawala ang iyong pagpapala. … At kaniyang sinabi, Ikaw ay yumaon, at tumayo ka sa ibabaw ng bundok sa harap ng Panginoon. At, narito, ang Panginoon ay nagdaan, at bumuka ang mga bundok sa pamamagitan ng isang malaki at malakas na hangin, at pinagputolputol ang mga bato sa harap ng Panginoon; nguni’t ang Panginoon ay wala sa hangin: at pagkatapos ng hangin ay isang lindol; nguni’t ang Panginoon ay wala sa lindol: At pagkatapos ng lindol ay apoy; nguni’t ang Panginoon ay wala sa apoy: at pagkatapos ng apoy ay isang marahang bulong na tinig. At nangyari, nang marinig ni Elias, ay tinakpan niya ang kaniyang mukha ng kaniyang balabal, at lumabas, at tumayo sa pasukan sa yungib. AT NARITO, DUMATING ANG ISANG TINIG SA KANIYA, AT NAGSABI, Ano ang ginagawa mo rito Elias? ( 1 Mga Hari 19:11-13).

    5. Ang ilang tao ay tinawag sa pamamagitan ng kanilang mga hangarin.

    Tapat ang pasabi, Kung ang sinoman ay magsisikap na maging obispo, ay mabuting gawa ang ninanasa.

    1 Timoteo 3:1

    Ito ang paraan kung paano ko natanggap ang aking pagtawag. Ako ay hindi nagkaroon ng mga dramatikong karanasan katulad ng sinasabi ng mga tao. Patuloy akong namamangha kapag naririnig ko kung paano natanggap ng mga tao ang kanilang tawag sa ministeryo. Wala akong dramatikong mga karanasan ngunit naniniwala ako na ako ay tunay na tinawag ng Diyos. Wala akong nakitang liwanag o narinig na anumang tinig. Hindi kailanman nagpakita sa akin si Hesus upang atasan ako na pumunta sa mundo ng ministeryo. Gayunman ay naniniwala ako na ako ay tunay na inatasan para sa ministeryo.

    Naalala kong minsan nang may dumating na kapatid at nanirahan sa aking tahanan ng Sabado at Linggo. Ilang buwan pagkatapos niyon, sinabi niya sa akin ang tungkol sa pagtatagpo na naranasan niya kasama ang Panginoon sa aking bahay. Siya ay aking panauhin at siya ay naninirahan sa itaas kasama ng aking buong pamilya. Inialrawan niya kung paanong isang gabi, biglang bumukas ang pintuan at pumasok sa silid si Hesus. Sinabi niya sa akin kung paanong naglagay si Hesus ng bagay sa kanyang kamay at sinabi sa kanya na inatasan Niya siya para sa malaking gawain.

    Hindi ako makapaniwala sa aking narinig- nagpakita si Hesus sa panauhin sa aking bahay! At habang nagpapatuloy ang kapatid na ito sa paglalarawan sa kanyang pakikiharap kasama ang Panginoon, naging higit akong galit ngunit hindi ko maipakita ang aking galit. Kinailangan kong magpanggap na ako ay masaya tungkol sa kanyang pakikiharap kay Hesus.

    Ito ang aking matagal ng pinapanalangin,’ naisip ko sa aking sarili. Nagalit ako sa Panginoon dahil ang dahilan ko ay, Bakit pupunta si Hesus sa aking bahay, habang ( ako) ang may-ari, nag-anyaya at kasero ay hindi man lamang dinalaw samantalang ang tao na nagpalipas lamang ng gabi bilang isang panauhin ay Kanyang dinalaw.

    May kinikilingan ang Panginoon, naisip ko.

    Nanalangin ako ng maraming taon na magpakita sa akin si Hesus. Desperado akong maging tulad ni Kenneth Hagin na nakakayang mailarawan ang mga personal na mga pagdalaw ni Hesus at ang mahabang oras nang talakayan na mayroon siya kasama ang Panginoon tungkol sa iba’t-ibang bagay na may kinalaman sa ministeryo. Papaanong hindi ito nangyayari sa akin? Bakit nangyayari ito sa mga bisita sa aking bahay?

    Gayunpaman, sa kabila ng kawalan ng mga ganoong pangitain, binigyan ako ng Panginoon ng isang ministeryo. At dahil wala akong mga ganoong kamangha-manghang mga pakikiharap, kaya kong palakasin ang loob ng iba na wala ring mga ganoong pangitain na maniwala sa Diyos at maniwala sa kanilang mga pagtawag.

    Kabanata 3

    Papaano Tinawag ang

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1