Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Paano Pawalan ng Halaga Ang Mga Sumpa
Paano Pawalan ng Halaga Ang Mga Sumpa
Paano Pawalan ng Halaga Ang Mga Sumpa
Ebook459 pages7 hours

Paano Pawalan ng Halaga Ang Mga Sumpa

Rating: 2.5 out of 5 stars

2.5/5

()

Read preview

About this ebook

Tayong lahat ay umaasa sa maluwalhating buhay kung saan ""WALA NANG SUMPA!"" Ito ay dahil sa ang buhay na ating kinahaharap ay isang kamalasan, paulit-ulit na panliligalig, pagkawalang-saysay, kalungkutan at kabiguan. Ang sumpa ay pinaka-naglalarawan sa mga sawing karanasan na kinahaharap natin. Makatatakas ba tayo? Mayroong bang daan palabas? Ang aklat na ito ang tutulong sa iyong maintindihan ang mga sumpa at malaman kung paano ihahanay ang iyong sarili para sa isang pagpapala.

LanguageTagalog
Release dateApr 9, 2018
ISBN9781683986805
Paano Pawalan ng Halaga Ang Mga Sumpa
Author

Dag Heward-Mills

Bishop Dag Heward-Mills is a medical doctor by profession and the founder of the United Denominations Originating from the Lighthouse Group of Churches (UD-OLGC). The UD-OLGC comprises over three thousand churches pastored by seasoned ministers, groomed and trained in-house. Bishop Dag Heward-Mills oversees this charismatic group of denominations, which operates in over 90 different countries in Africa, Asia, Europe, the Caribbean, Australia, and North and South America. With a ministry spanning over thirty years, Dag Heward-Mills has authored several books with bestsellers including ‘The Art of Leadership’, ‘Loyalty and Disloyalty’, and ‘The Mega Church’. He is considered to be the largest publishing author in Africa, having had his books translated into over 52 languages with more than 40 million copies in print.

Related to Paano Pawalan ng Halaga Ang Mga Sumpa

Related ebooks

Reviews for Paano Pawalan ng Halaga Ang Mga Sumpa

Rating: 2.625 out of 5 stars
2.5/5

8 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Paano Pawalan ng Halaga Ang Mga Sumpa - Dag Heward-Mills

    ANG KATOTOHANAN NG MGA SUMPA

    UNANG BAHAGI

    Kabanata 1

    Bakit ang Aklat na Ito ay Tungkol sa mga Sumpa?

    Kaya’t NILAMON NG SUMPA ANG LUPA, at silang nagsisitahan doon ay nangasumpungang salarin; kaya’t ang mga nananahan sa lupa ay nangasunog, at nangagilan ang tao..

    Isaias 24: 6

    Pansinin mula sa kasulatan sa itaas na ang mga sumpa ang lumamon sa lupa at hindi ang mga demonyo o masasamangespiritu.

    1. Ang mga modernong Kristiyano ay kailangan magkaroon ng wastong pagrespeto sa mga sumpa.

    Hindi nga ako mapapahiya, PAGKA AKO’Y NAGKAROON NG GALANG sa inyong lahat na mga utos.

    Awit 119: 6

    Ang mga modernong Kristiyano ay mas batid ang mga masasamang espiritu at mga demonyo kaysa sa mga sumpa. Nirerespeto ng mga modernong Kristiyano ang katotohanan sa mga demonyo ngunit hindi kinatatakutan at nirerespeto ang katotohanan sa mga sumpa.

    Aking dalangin na habang iyong binabasa ang aklat na ito, iyong mapapainam ang isang wasto at malusog na pagrespeto para sa katotohanan ng mga sumpa. Naniniwala ako sa katotohanan ng mga demonyo, masasamang espiritu at mga diablo. Iginagapos ko sila araw-araw at pinapalabas sila sa aking buhay. Nakapagsulat ako ng maraming aklat tungkol sa mga demonyo. Gayunpaman, naniniwala din ako na ang mga sumpa ang tunay na dahilan kung bakit ang masasamang espiritu na ito ay may pagkakataon na kumilos at magdulot ng kabiguan, kasamaan at kamatayan. Ang mga masasamang espiritu ang nagpapalaganap ng mga sumpa! Ang mga sumpa ang nagbibigay ng legal na balangkas upang maisakatuparan ng mga masasamang espiritu ang kanilang kasamaan. Ang mga sumpa ay totoo maniwala ka man sa kanilang pamamalagi o hindi!

    Kailangan mo na magsimula na magkaroon ng respeto sa pamamalagi ng mga sumpa na magpapasiya at huhugis sa buhay ng tao gaya ng pagkakaalam natin ngayon! Karamihan sa mga nararanasan natin ngayon ay naiimpluwensyahan ng mga sumpa at biyaya na ating binanggit taon na ang nakakalipas. Totoo nga, isa sa mga pangunahing katangian tungkol sa langit ay wala na ditong sumpa.

    … nguni’t hindi ninyo tiningnan siyang gumawa nito, O NAGPAKUNDANGAN man kayo sa kaniya na naganyo nito na malaon na.

    Isaias 22: 11

    2. Katungkulan ng ministro ng Diyos na ituro ang mga sumpa kung saan ito naroon.

    Hindi mali sa isang pastor na alamin ang presensya ng isang sumpa. Huwag labanan ang salita ng Diyos! Huwag itanggi ang pamamalagi ng isang sumpa kapag sinabi ito ng salita ng Diyos. Hindi mali sa isang pastor na sabihin o ideklara na ang isang tao o grupo ng tao ay gumagawa sa ilalim ng isang sumpa! Ito ay responsibilidad nga ng isang mabuting ministro ng Dios na alamin ang mga sumpa kapag ipinapakita na ito ng Diyos sa kaniya. Pakinggan ang sinabi ng propeta na si Malakias sa mga tao ng Israel. Sinabi niya sa kanila, Kayo’y nangagsumpa ng sumpa! Hindi siya mali sa pagturo ng sumpa. Siya ay tama sa pagtukoy na ang sumpa ay totoo at namamalagi. Tanging sa pagturo mo lamang ng isang sumpa ito malalampasan. Kapag iyong itinanggi na ang sumpa ay namamalagi, paano mo malalabanan ito o mapapawalan ng halaga ito?

    KAYO’Y NANGAGSUMPA ng sumpa sapagka’t inyo akong ninakawan, sa makatuwid baga’y nitong buong bansa.

    Malakias 3: 9

    3. Huwag mainsulto kapag ang isang sumpa ay natukoy at naituro.

    Sa panahon ni Malakias, ang mga tao ng Diyos ay hindi nainsulto nang ipinaalam niya sa kanila ang pamamalagi ng isang sumpa. Huwag mainsulto sa kung ano ang sinusulat ko sa aklat na ito tungkol sa mga sumpa na nakakaapekto sa iba’t- ibang grupo ng tao. Hindi ko sinusulat ang mga bagay na ito upang ibaba ang anumang grupo ng tao ngunit upang matukoy ang sumpa ng sa ganoon ay mapawalan mo ito ng halaga. Isang malaking parte ng aklat na ito ay nakatalaga sa pagpapawala ng halaga at paano mapagtagumpayan ang sumpa. Huwag hayaan na ako ay maging iyong kaaway dahil ibinahagi ko sa iyo ang katotohanan sa salita ng Diyos tungkol sa mga sumpa at biyaya.

    Habang ang propeta na si Malakias ay nagsalita ng katotohanan at sinabi sa mga tao na sila ay nasa ilalim ng isang sumpa, ibinabahagi ko din sa inyo ang tungkol sa pamamalagi ng sumpa.

    Kaya nga ako baga’y naging kaaway ninyo, sa pagsasabi ko sa inyo ng katotohanan?

    Galacia 4: 16

    4. Bawat sumpa ay mapapawalan ng halaga.

    Naniniwala ako na bawat sumpa ay maaaring mapawalan ng halaga! Sinusulat ko ang aklat na ito upang ang lahat ng bukas sa salita ng Diyos ay makilala ang sumpa at mapagtagumpayan ito sa pamamagitan ng karunungan ng Diyos. Paano mo mapapawalan ng halaga ang isang bagay kung sinasabi mo na hindi ito umiiral? Ang pagtanggi mo sa pamamalagi nito ay ang iyong pinakamalaking kahinaan!

    Huwag mong gamitin ang aklat na ito upang ibaba, insultuhin o ipahiya ang anumang grupo ng tao. Iyon ay mali. Gamitin ang mga katuruan ng aklat na ito upang itaas ang mga tao mula sa lahat ng natukoy na mga sumpa.

    Ito ay aklat ng pag-asa! Ito ay aklat ng katagumpayan! Ito ay isang aklat na nagpapahayag ng iyong kahigitan laban sa mga sumpa sa pamamagitan ng karunungan at kapangyarihan ng Diyos. Naniniwala ako na bawat grupo ng tao sa mundo - ang mayaman, mahirap, lalaki, babae, Judio, hindi Judio, mga itim at puti ay nirerespeto ng Diyos at may pagkakataon na tumakas at mapagtagumpayan ang bawat nalalantang sumpa na kumikilos sa kanilang mga buhay. Nirerespeto ka ng Diyos at inaasahan ka na tumayo at maging dakila.

    Huwag gamitin ang aklat na ito upang mandaya, mang- alipin o magnakaw sa sinuman. Ikaw ay masusumpa kung gagawin mo iyon! Pakiusap na gamitin ang aklat na ito upang pagtagumpayan, pawalan ng halaga, alisin at patayin ang lahat ng uri ng sumpa na maaaring kumikilos sa iyong buhay. Basahin ang kasulatan sa ibaba at isapuso sa kalooban ng Diyos para sa iyong pagkakapantay-pantay sa lahat ng kalalakihan at ang iyong katagumpayan sa lahat ng mga sumpa.

    At binuka ni Pedro ang kaniyang bibig, at sinabi, Tunay ngang natatalastas ko na hindi nagtatangi ANG DIOS NG MGA TAO: Kundi SA BAWA’T BANSA SIYA NA MAY TAKOT SA KANIYA, AT GUMAGAWA NG KATUWIRAN, AY KALUGODLUGOD sa kaniya.

    Mga Gawa 10: 34 - 35

    Kabanata 2

    Ano ang Sumpa?

    At HINDI NA MAGKAKAROON PA NG SUMPA: at ang luklukan ng Dios at ng Cordero ay naroroon: at siya’y paglilingkuran ng kaniyang mga alipin:

    Pahayag 22:3

    Ang buhay sa mundo ay nakukulayan ng walang humpay na kabiguan, patuloy na kalungkutan, kapanglawan, hindi maipaliwanag na kamalasan, kamatayan, kawalan ng laman, madalas na panliligalig, kalituhan, kawalan ng kabuluhan, digmaan, patuloy na alitan at kahirapan. Ang paglalarawan na tulad nito ay may isa lamang na ibig sabihin - isang sumpa!

    Karamihan sa mga tao ay hindi man lang batid ang katotohanan na mayroong mga sumpa sa mundo. Ang aklat na ito ay nakalaan upang tulungan ka na matukoy ang mga sumpa sa mundo at magkaroon ng wastong pagrespeto para sa mga ito. Ang sinumang walang wastong pagrespeto para sa mga sumpa ay maaaring mabuhay na pagsisisihan ito.

    Isa sa mga pinaka-lumalaganap na bagay dito sa mundo ngayon ay ang sumpa at ang kakila-kilabot nitong epekto. Mayroong ilang mga sinaunang sumpa na gumagana gayundin ang ilang libong bago at mas modernong mga sumpa. Isipin mo na lang kung ano ang buhay sa mundong ito at agad mong matatanggap na mayroong sumpa sa mundo. Hindi ganoon kadali na ipahayag ang kahulugan ng sumpa kaya kailangan natin bumaling sa Biblia at tingnan kung ano talaga ang sumpa. Tingnan natin ang sampung biblikal na pakahulugan ng isang sumpa.

    Ang Sampung Biblikal na Pakahulugan ng Isang Sumpa

    1. Ang isang sumpa ay isang apila sa ilang hindi natural na kapangyarihan upang mag-atang ng kasamaan sa isang tao, na maaaring magdulot ng kapighatian o humantong sa kamatayan. Isang apila ang ginawa kay Balaam ni Balac hari ng Moab upang isumpa ang Israel.

    Kapag sinabi mo na mayroong isang sumpa sa isang tao, ibig mong sabihin na mayroon sigurong isang hindi kapani- paniwalang kapangyarihan na nagdudulot ng mga hindi kaaya-ayang bagay upang mangyari sa kanila. Maaari mong tukuyin ang isang sumpa bilang isang bagay na nagdudulot ng isang malaking perwisyo at sakit. Ikaw ay napalaya na mula sa anumang nagdudulot sa iyo ng isang malaking perwisyo at sakit!

    At kaniyang ibinadya ang kaniyang talinhaga, at sinabi, Mula sa Aram ay dinala ako rito ni Balac, Niyang hari sa Moab, na mula sa mga bundok ng Silanganan: Parito ka, sumpain mo sa akin ang Jacob. At parito ka, laitin mo ang Israel.

    Paanong aking susumpain ang hindi sinumpa ng Dios? At paanong aking lalaitin ang hindi nilait ng Panginoon?

    Mga Bilang 23:7-8

    2. Ang isang sumpa ay anumang naihayag na naisin na ang ilang anyo ng kahirapan o kamalasan ay mangyayari o maikakabit sa isang tao. Sa natatangi, ang isang sumpa ay maaaring tumukoy sa isang naisin na ang perwisyo o sakit ay magpaparusa sa isang tao, sa pamamagitan ng anumang hindi kapani-paniwalang kapangyarihan, tulad ng Diyos, sa pamamagitan ng engkanto, isang panalangin, salamangka, kulam o espiritu. Ang pagbabaligtad o pag-tatanggal ng isang sumpa ay tinatawag na pag-aalis o pagpuputol at madalas na pinaniniwalaan na nangangailangan ng kapantay na mainam na ritwal o panalangin.

    Ang Diyos ay naglagay ng isang sumpa sa lahat ng sumasamba sa mga diosdiosan. Huwag kang gumawa ng kahit ano upang sumamba sa diosdiosan at ikaw ay makaliligtas sa isa sa mga pinakamabagsik na sumpa sa mundo. Huwag pagsilbihan ang pera! Huwag sambahin ang pera! Huwag gumawa ng kahit ano para sa pera at ikaw ay maliligtas mula sa isang makapangyarihang sumpa!

    SUMPAIN ang taong gumagawa ng larawang inanyuan o binubo, bagay na karumaldumal sa Panginoon, na gawa ng kamay ng manggagawa, at inilagay sa dakong lihim. At buong bayan ay sasagot at magsasabi, Siya nawa.

    Deuteronomio 27:15

    3. Ang isumpa ay ang mahatulan ng pagbababa at kababaang uri. Ang ahas ay isinumpa ng Diyos at sa gayon ay nahatulan ng pagbababa at nasasakupan ng kaabaang uri. Sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos, hindi ka mahahatulan ng pagbababa at kababaang uri tulad ng ahas! Ang ahas ay nahatulan sa pinakamababang posisyon sa mundo. Ang ahas ay nahatulan din na kumain mula sa lupa magpakailanman. Ito ang pinakamababa na maaaring kabagsakan ng anumang nilalang. Kapag ikaw ay sinumpa, ikaw ay nadadala sa pinakamababang posisyon. Ikaw ay nahahatulan ng kababaang uri at ibinababa ng permanente. Ang Diyos ay paparating sa iyong buhay sa oras na ito upang iangat ka sa pamamagitan ng Kaniyang kapangyarihan.

    At sinabi ng Panginoong Dios sa ahas, Sapagka’t ginawa mo ito, ay sumpain ka ng higit sa lahat ng hayop, at ng higit sa bawa’t ganid sa parang; ANG IYONG TIYAN ANG ILALAKAD MO, AT ALABOK ANG IYONG KAKANIN sa lahat ng mga araw ng iyong buhay:

    Genesis 3:14

    4. Ang isumpa ay ang magkaroon ng patuloy na kapanglawan. Ito ang nauulit, patuloy, madalas, matindi at natutugunan na kapanglawan na ipinapahayag bilang sumpa. Si Adan ay nahatulan ng kapanglawan sa tanan ng kaniyang buhay. Ito ang dahilan para sa patuloy na kapanglawan ng sangkatauhan. Ang matinding kalungkutan, depresyon at kadiliman na nakakaapekto sa buong mundo ay ebidensya ng sumpa na nananatili. Tanggapin ang kagalakan na nagmumula sa Banal na Espiritu at maiangat mula sa sumpang ito!

    At kay Adam ay sinabi, Sapagka’t iyong dininig ang tinig ng iyong asawa, at kumain ka ng bunga ng punong kahoy na aking iniutos sa iyo na sinabi, Huwag kang kakain niyaon; SUMPAIN ang lupa dahil sa iyo; KAKAIN KA SA KANIYA SA PAMAMAGITAN NG IYONG PAGPAPAGAL SA LAHAT NG MGA ARAW NG IYONG BUHAY;

    Genesis 3:17

    5. Ang isumpa ay ang patuloy na kumilos ang lahat laban sa iyo sa lahat ng oras. Ang isumpa ay ang maranasan ang kasamaan, kamalasan at kamatayan kung saan ay dapat ay natanggap mo ang kabutihan, magandang kapalaran at buhay.

    ANG ISISIBOL NIYAON SA IYO AY MGA TINIK AT MGA DAWAG; at kakain ka ng pananim sa parang;

    Genesis 3:18

    6. Ang isumpa ay ang pagpawisan, makipagbuno, mabahala, magtiis. Ang pakikipaglaban, pakikipagbuno, pagpapagod at pagpapagal ay ang ebidensya ng sumpa. Tanggapin ang biyaya upang bumangon sa mga pakikipagbuno, pagpapagod at kawalan ng kabuluhan sa mundo.

    At kay Adan ay sinabi, Sapagka’t iyong dininig ang tinig ng iyong asawa, at kumain ka ng bunga ng punong kahoy na aking iniutos sa iyo na sinabi, Huwag kang kakain niyaon; SUMPAIN ang lupa dahil sa iyo; kakain ka sa kaniya sa pamamagitan ng iyong pagpapagal sa lahat ng mga araw ng iyong buhay;

    Ang isisibol niyaon sa iyo ay mga tinik at mga dawag; at kakain ka ng pananim sa parang; SA PAWIS NG IYONG MUKHA ay kakain ka ng tinapay, hanggang sa ikaw ay mauwi sa lupa; sapagka’t diyan ka kinuha: sapagka’t ikaw ay alabok at sa alabok ka uuwi.

    Genesis 3:17-19

    7. Ang isumpa ay ang patuloy na mabigo, hindi maging masaya at tanggapin ang kabaligtaran ng nararapat sa lahat ng iyong pagtatrabaho. Si Cain ay isinumpa at iyon ang dulot ng sumpa sa kaniya. Ang kawalan ng laman, kawalang-kabuluhan, kabiguan, paghawak at pananabik sa magagandang bagay ay ang pinakadakilang ebidensya ng pananatili sa sumpa. Sa halip na pumapasok sa paaralan, nagtatrabaho at nagpapakapagod, ang kawalan ng laman at kawalang-kabuluhan ang nagpapahirap sa sangkatauhan.

    At sinabi ng Panginoon kay Cain, Saan naroon si Abel na iyong kapatid? At sinabi niya, Aywan ko: ako ba’y tagapagbantay sa aking kapatid? At sinabi niya, Anong iyong ginawa? ang tinig ng dugo ng iyong kapatid ay dumadaing sa akin mula sa lupa. At ngayo’y SINUMPA ka sa lupa na siyang nagbuka ng bibig na tumanggap sa iyong kamay ng dugo ng iyong kapatid; Pagbubukid mo ng lupa, AY DI NA IBIBIGAY MULA NGAYON SA IYO ANG KANIYANG LAKAS; ikaw ay magiging palaboy at hampas-lupa sa lupa.

    Genesis 4:9-12

    8. Ang isumpa ay ang hindi mapagtibay, isang palaboy, patuloy na tumatakbo, patuloy na isang pulubi, isang patay-gutom, isang hampas-lupa at isang walang halagang tao. Ang maging isang palabuy-laboy ay ang mamuhay sa ilalim ng isang sumpa. Inaangat ka ng Diyos mula sa bawat pananatili na tulad ng isang palabuy-laboy!

    At sinabi ng Panginoon kay Cain, Saan naroon si Abel na iyong kapatid? At sinabi niya, Aywan ko: ako ba’y tagapagbantay sa aking kapatid? At sinabi niya, Anong iyong ginawa? ang tinig ng dugo ng iyong kapatid ay dumadaing sa akin mula sa lupa. At ngayo’y SINUMPA ka sa lupa na siyang nagbuka ng bibig na tumanggap sa iyong kamay ng dugo ng iyong kapatid; Pagbubukid mo ng lupa, ay di na ibibigay mula ngayon sa iyo ang kaniyang lakas; IKAW AY MAGIGING PALABOY AT HAMPAS-LUPA SA LUPA.

    Genesis 4:9-12

    9. Ang isumpa ay ang maging alipin ng mga alipin. Ang isang alipin ng mga alipin ay permanenteng masira (pagpigil mula sa paglaki at kasaganaan), patuloy na pagkalito at pagkalinlang. Ang maging alipin ng mga alipin ay ang maging patuloy sa hindi pag-angat, paghabol ng hindi pagiging masaya at paghihinagpis. Ikaw ay madadala mula sa lahat ng uri ng hindi matatakasan na pagkaalipin!

    At sinabi, SUMPAIN si Canaan! Siya’y magiging ALIPIN NG MGA ALIPIN sa kaniyang mga kapatid.

    Genesis 9:25

    10. Ang isumpa ay ang mapaligiran, pasakitan, patuloy na guluhin, patuloy na pahirapan, hindi makatakas at patuloy na pagdating sa hinatulan at sinumpang katapusan. Maging pagpasok o maging paglabas, ikaw ay darating sa parehas na konklusyon at kalituhan. Binibigyan ka ng Dios ng susi ng karunungan na maglalayo sa iyo sa mga kalaban na nasa paligid mo!

    SUSUMPAIN ka sa iyong pagpasok, at SUSUMPAIN ka sa iyong paglabas.

    Deuteronomio 28:19

    Ang mahahalagang kahulugan na ito ng isang sumpa ay nagpapakita na ang isang sinumpang tao ay napapaligiran. Ang isumpa ay ang mapaligiran. Walang gumagana at walang gagana kapag ikaw ay napapaligiran. Lahat ng kahulugan ng isang sumpa ay dadalhin ka sa konklusyon na ito. Ikaw ay napapaligiran!

    Kanilang kinubkob ako sa palibot na parang mga pukyutan …

    Awit 118:12

    Subukan natin na unawain kung ano ang ibig sabihin ng mapaligiran. Kung ikaw ay napapaligiran ng kamatayan, matatagpuan mo ito sa bawat direksyon na pupuntahan mo. Samakatuwid, kung ikaw ay isinumpa na mamatay, kahit saang direksyon ka bumaling, mamamatay ka pa din. Maaari kang mamatay sa pagtimpla mo lamang ng tsaa. Maaari kang magpunta sa mahabang paglalakbay at gayundin ikaw ay mamamatay. Ang sumpa ay hindi nakabatay sa abilidad ng isang tao na tumakas. Dadaan ang sumpa sapagkat walang paraan upang tumakas mula dito. Ang mga Kristiyano samakatuwid ay kailangan magkaroon ng tamang pagrespeto sa mga sumpa at biyaya.

    Ang isumpa ay ang ikubkob. Ang ikubkob ay ang mapaligiran ng lahat ng panustos na daan at punto ng kaginhawaan na tuluyang nasaraduhan. Mapapansin mo na maraming bagay sa buhay ang walang kabuluhan. Maraming bagay ang walang magandang paliwanag sa paraan kung ano sila. Maraming bagay ang tuwirang kabaligtaran ng kung ano ang iyong inaasahan.

    Ang sumpa ay lumilikha ng hindi maipaliwanag at hindi nagkakamaling larawan. Ang larawan na ito ay nagreresulta ng parehas na istorya na binibigkas ng mga nasa ilalim ng sumpa sa tuwing, anumang paraan at saan man sila naroon! Gunitain ang istorya ng Aprika! Maging ang mga bansa man sa Aprika ay nasakop o maging naranasan nila ang apartheid, maging hindi man sila nasakop o alinman sa nagkaroon sila ng rebolusyon, demokrasya at kalayaan, lahat ng ito ay nagtaaas sa parehas na larawan sa Aprika.

    Ano ang paliwanag sa estado ng Aprika na pinakikilos ng kahirapan? Saan mang bansa sa Aprika ka magpunta, parehas na larawan ang ipinapakita. Kinukubkob ba tayo at pinapaligiran? Hindi ka makakalayo mula dito, saan ka man magpunta o anuman ang iyong gawin.

    Kapag may sumpa sa isang pamilya halimbawa, wala sa mga babae ang makakapangasawa. Maging sila man ay matangkad, maliit, maputi o maitim, maganda o pangit, ang resulta ay parehas lang. Walang kasal!

    Ang mga tao ay may sumpa ng kamatayan na lumilipad sa kanilang mga isip. Maging ikaw man ay mayaman, mahirap, sikat, hindi mahalaga, taga-Europa, Amerikano, Aprikano, itim o puti, ang kamatayan ang kalaban na kailangan mong harapin. Walang makakatakas mula sa kalaban na ito maging sino ka man.

    Mahalaga na maunawaan ang isang sumpa sa paraan na ito kung nais mo na malampasan ito. Ang Biblia ang tanging aklat na nagsasabi sa atin kung paano lumabas kapag napapaligiran na tayo. Kapag ang maliit na siyudad ay napapaligiran ng magiting na hari kasama ang hukbo nito, ang kamatayan at pagkawasak ay parang hindi maiiwasan. Walang makakatakas at walang daan palabas ng siyudad. Anuman ang gawin mo, ang resulta ay parehas lamang - kamatayan!

    Sinumpa Ka Ba? Napapaligiran Ka Ba?

    Mayroon ka bang sitwasyon sa iyong buhay kung saan ay nararamdaman mong napapaligiran ka na walang lalabasan? Lahat ba ng ginagawa mo ay dinadala ka sa parehas na punto ng pagkabigo at kabiguan? Marahil isang totoong sumpa ang kumikilos. Napakaraming Kristiyano ang naglalaan ng malaking oras upang alamin kung may sumpa mula sa kanilang lola o mula sa kanilang mga ninuno. Hindi iyon ang kinakailangan. Bakit kailangan na alamin kung ang iyong lola, iyong lolo sa tuhod ay nagdala ng isang sumpa sa pamilya? Sinasabi ng Biblia na mayroong sumpa sa mundo. Kung sa sumpa, ito ay totoo at ito ay narito! Gaano man kalaki ang iyong pananampalataya, ang iyong pananampalataya ay hindi hihigit sa kung ano ang nakasulat sa Biblia. Sa halip na sayangin ang iyong oras sa paghahanap kung mayroong sumpa sa iyong pamilya, isipin mo na mayroon nga. Ang kailangan mong gawin ay alamin kung paano umalis sa isang sitwasyon kung saan ikaw ay napapaligiran. Tulad ng lahat ng tao sa mundo, ikaw malamang ay napapaligiran. Sa oras na iyong maunawaan kung ano ang ibig sabihin ng mapaligiran, magagawan mo na ng paraan na makaalis dito.

    Kinubkob ako ng lahat ng mga bansa sa palibot: sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila.

    Kanilang kinubkob ako sa palibot; oo, kanilang kinubkob ako sa palibot: sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila.

    Kanilang kinubkob ako sa palibot na parang mga pukyutan: sila’y nangamatay na parang apoy ng mga dawag: sa pangalan ng Panginoon ay aking ihihiwalay sila.

    Awit 118:10-12

    Sinisiguro ko sa iyo na ang iyong pamilya ay kasing sama ng iba pang pamilya sa mundo. Sigurado ako na ang iyong pamilya ay may pantay na dami ng masasamang tao, makasalanan, mangkukulam at manggagaway tulad ng alinmang pamilya. Habang iniisip mo na ang pamilya ng isang tao ay may mga mangkukulam at manggagaway, mayroon ding nag-iisip na ang iyong pamilya ay may mga mangkukulam at manggagaway. Tigilan na ang pagsasayang ng oras sa paghahanap ng mga pinanggalingan at pinagmulan ng mga sumpa at kulam. Hindi ko kailangan na payuhan ka ng personal upang malaman na may sumpang kumikilos saan man.

    Malinaw na binanggit sa atin ng Biblia na mayroong sumpang kumikilos sa ilalim ng araw. Maging ikaw ay nasa Ghana, Nigeria, Romania, Amerika, Inglatera, Alemanya o Malaysia, ikaw ay pagpapawisan bago ka kumain. Matutuklasan mo na ang parehas na kabiguan ng kamatayan at kawalan ng kabuluhan ay matatagpuan sa lahat ng dako. Isa sa mga pinakadakilang hudyat ng ating pagbabago na wala sa mundong ito ay ang kawalan ng sumpa at lahat ng kumakatawan dito. Sa langit, ang sikat na kasulatan na ito AT HINDI NA MAGKAKAROON PA NG SUMPA... (Pahayag 22:3) ay tuluyang maihahayag. Huwag mag-isip ng malayo kapag ikaw ay nag-iisip ng isang sumpa. Ang sumpa ay nasa lahat ng dako. Ito ay kumikilos at nagdudulot ng isang matinding kabiguan at kawalan ng laman sa lahat ng ginagawa natin sa mundo. Si Solomon, ang pinakamatalinong tao, ay alam na mayroong matinding sumpa na kumikilos. Sa totoo lang, kinakailangan ng karunungan upang matukoy na mayroong sumpang kumikilos saan man.

    Inilarawan ni Solomon ang Sumpa dito sa Mundo

    Ano sa tingin mo ang ibig sabihin ni Solomon nang sinabi niya na ANG LAHAT AY WALANG KABULUHAN? Lahat ng kaniyang ginawa ay nagtapos sa parehas na paraan: kawalan ng kabuluhan, kawalan ng kapakinabangan, kawalan ng laman, kahatulan, kabiguan at kalituhan! Ang buhay sa mundo ay may sumpa ng kabiguan, kawalan ng kabuluhan at kawalan ng saysay sa paghawak ng mga bagay. Ang parusa kay Adan sa kaniyang paghihimagsik ay talagang naging napakabagsik. Sinubukan ni Solomon na takasan ang sumpa sa pamamagitan ng paggawa ng iba’t- ibang mga bagay. Anupaman ang gawin ni Solomon, nagtapos siya sa parehas na lugar - kawalan ng kabuluhan! Natuklasan niya sa kaniyang sarili na ang buhay ay puno ng kawalan ng kabuluhan. Tingnan natin ang iba’t-ibang bagay na sinubukan ni Solomon.

    Sinabi ni Solomon, Tara na, subukan natin ang kasiyahan. Hanapin natin ang magagandang bagay sa buhay. Ngunit nalaman niya na ito din, ay walang kabuluhan. Kaya sinabi niya, Ang pagtawa ay ulol. Anong ginagawa nito? Pagkatapos ng matagal na pag-iisip, nagpasiya siya na pasayahin ang kaniyang sarili sa alak. At habang naghahanap pa ng karunungan, hinawakan niya ang kamangmangan. Sa paraang ito, sinubukan niyang maranasan ang tanging kaligayahan na natagpuan ng karamihan sa mga tao sa panahon ng maikling buhay nila sa mundong ito.

    Sinubukan ding hanapin ni Solomon ng ibig sabihin sa pamamagitan ng paggawa ng malalaking mga bahay para sa kaniyang sarili at sa pamamagitan ng pagtatanim ng magagandang ubasan. Lumikha siya ng mga hardin at parke, pinuno ito ng lahat ng klase ng bungang kahoy. Nagtayo siya ng mga imbakan ng tubig upang ipunin ang tubig para patubigan ang marami niyang namumulaklak na kakahuyan. Bumili siya ng mga alipin, kapwa lalaki at babae, at ang iba ay ipinanganak sa kaniyang pamamahay. Nagmay-ari din siya ng malalaking kaban at kawan, higit sa kahit sinumang hari na nabuhay sa Israel bago sa kaniya.

    Nag-ipon din si Solomon ng malaking kabuuan ng pilak at ginto, ang kayamanan ng maraming hari at probinsya. Umupa siya ng kagilagilalas na mga mang-aawit, kapwa lalaki at babae, at nagkaroon ng maraming asawa at kalaguyo. Mayroon siya ng lahat ng ninanais ng isang tao!

    Kaya naging mas dakila siya sa lahat ng nabuhay sa Jerusalem bago sa kaniya, at ang kaniyang karunungan ay hindi siya binigo. Anuman ang naisin niya, ay kukunin niya. Hindi niya ipinagkait sa sarili niya ang kasiyahan!

    Natagpuan pa ni Solomon ang malaking kasiyahan sa paggawa. Ngunit habang kaniyang pinagmamasdan ang lahat ng kaniyang pinaghirapan na matamo, lahat ng ito ay walang kabuluhan - tulad ng paghabol sa hangin. Wala talagang mahalaga saan pa man. Akma niya itong inilarawan at sinabi, lahat ng ito ay kawalan ng laman at kawalang-kabuluhan ..

    Sapagka’t ano ang tinatamo ng tao sa lahat niyang gawa, at sa nais ng kaniyang puso na kaniyang iginawa sa ilalim ng araw? Sapagka’t lahat niyang kaarawan ay mga kapanglawan lamang, at ang kaniyang pagdaramdam ay hapis; oo, pati sa gabi ay hindi nagpapahinga ang kaniyang puso. Ito man ay walang kabuluhan.

    Mangangaral 2:22-23

    Magandang bagay ito kung tutuusin kapag natuklasan mo na ang isang sumpa ay kumikilos. Bakit ganoon? Kapag nalaman mo ang tungkol sa isang sumpa, maaari kang manalangin ng karunungan upang maiwasan ito at hadlangan ang epekto nito. Sa lahat ng dako ng aklat na ito matututunan mo ang tungkol sa maraming sumpa at kung gaano ito katotoo. Matutuklasan mo din kung paanong ang karunungan ng Dios ay matutulungan kang makaligtas at malampasan ang mga sumpa sa buhay na ito.

    Kabanata 3

    Ang Pandaigdigang mga Sumpa

    At HINDI NA MAGKAKAROON PA NG SUMPA: at ang luklukan ng Dios at ng Cordero ay naroroon: at siya’y paglilingkuran ng kaniyang mga alipin

    Pahayag 22:3

    Mayroong tatlong kategorya ng mga sumpa na malinaw na matatagpuan sa Kasulatan.

    1. Ang Pandaigdigang Sumpa

    2. Ang Nangungunang mga Sumpa sa Biblia

    3. Mga Gawang-tao na mga Sumpa

    Ang mga Pandaigdigang Sumpa ay mga sumpa na lumitaw sa mundo mula pa noong pinakasimula at nananatili at patuloy na nakakaapekto sa buong mundo

    Ang Nangungunang mga Sumpa sa Biblia ay ang mga karaniwang bagay na alam natin sa Biblia na tinawag bilang sumpa. Anumang aktibidad o gawa na lumampas sa ilang mga linya ay nagdudulot ng mga sumpa sa Biblia na ito. Sa lahat ng dako sa Biblia, matatagpuan mo ang mga halimbawa ng mga sumpa sa Biblia na ito na kumikilos.

    Ang mga Gawang-tao na mga sumpa ay binibigkas ng mga tao sa iba dahil sa pang-aalipusta na nagawa laban sa taong ito. Ang mga walang dahilan na sumpa ay hindi tumatalab ngunit ang ibang mga sumpa ay may kapangyarihan kapag mayroon itong dahilan!

    Kung paano ang maya sa kaniyang paggagala, kung paano ang langaylangayan sa kaniyang paglipad, GAYON ANG SUMPA NA WALANG KADAHILANAN AY HINDI TUMATALAB.

    Kawikaan 26:2

    Sa kabanata na ito at ang dalawa na kasunod nito, titingnan natin ang mga Pandagidigang Sumpa, mga Sumpa sa Biblia at ilang mga Gawang-tao na mga Sumpa.

    Ang mga Pandaigdigang Sumpa

    1. Ang sumpa sa lalaki.

    At kay Adam ay sinabi, Sapagka’t iyong dininig ang tinig ng iyong asawa, at kumain ka ng bunga ng punong kahoy na aking iniutos sa iyo na sinabi, Huwag kang kakain niyaon; sumpain ang lupa dahil sa iyo; kakain ka sa kaniya sa pamamagitan ng iyong pagpapagal sa lahat ng mga araw ng iyong buhay;

    Ang isisibol niyaon sa iyo ay mga tinik at mga dawag; at kakain ka ng pananim sa parang;

    Sa pawis ng iyong mukha ay kakain ka ng tinapay, hanggang sa ikaw ay mauwi sa lupa; sapagka’t diyan ka kinuha: sapagka’t ikaw ay alabok at sa alabok ka uuwi.

    Genesis 3:17-19

    2. Ang sumpa sa babae.

    Sinabi niya sa babae, Pararamihin kong lubha ang iyong kalumbayan at ang iyong paglilihi; manganganak kang may kahirapan; at sa iyong asawa ay pahihinuhod ang iyong kalooban, at siya’y papapanginoon sa iyo.

    Genesis 3:16

    3. Ang sumpa ni Noe.

    At sinabi, Sumpain si Canaan! Siya’y magiging alipin ng mga alipin sa kaniyang mga kapatid.

    Genesis 9:25

    4. Ang sumpa sa Israel.

    Nguni’t mangyayari, na kung hindi mo didinggin ang tinig ng Panginoon mong Dios, na isasagawa ang lahat ng kaniyang mga utos at ang kaniyang palatuntunan na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, na ang lahat ng sumpang ito ay darating sa iyo at aabot sa iyo.

    Deuteronomio 28:15

    5. Ang sumpa sa mga napopoot sa Israel.

    Ang mga Judio ay pinagpalang tao. Mapanganib na bagay ang mapoot sa kanila at ang labanan sila. Sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, Si Adolf Hitler at ang kaniyang nakamamatay na koponan ay pumatay ng anim na milyong Judio, ngunit sa pagtatapos ng araw, nasa pito at kalahating milyong Aleman ang namatay din. Ang bansa ng Alemanya ay nawasak sa pagtatapos ng 1945 ngunit ang bansa ng Israel ay isinilang pagkatapos ng 1945. Ang mga tao na lumalakad sa isang buhay na napopoot sa mga Judio ay naglalakad ng matuwid papunta sa isang sumpa. Hindi kinakailangan na ikaw ay pumasok sa sumpa na naghihintay sa lahat ng napopoot at sumusumpa sa mga tao ng Dios.

    Magpasiya na mahalin sila at pumasok sa biyaya ng Panginoon. Ito ang biyaya na karamihan sa mga ministeryo ay hinahanap upang pasukan sa pamamagitan ng pagsuporta sa Israel at ang paggawa ng mga bagay upang tulungan ang Israel.

    Ang iglesia ng Diyos ay kailangan mapagtanto ang biyaya na mayroon sa mga nagmamahal sa Israel.

    Ang mga bayan ay mangaglingkod nawa sa iyo. At ang mga bansa ay mangagsiyukod sa iyo: Maging panginoon ka nawa ng iyong mga kapatid, At magsiyukod sa iyo ang mga anak ng iyong ina: Sumpain nawa ang mga sumusumpa sa iyo. At maging mapapalad ang mga magpapala sa iyo.

    Genesis 27:29

    At pagpapalain ko ang mga magpapala sa iyo, at susumpain ko ang mga susumpa sa iyo: at pagpapalain sa iyo ang lahat ng angkan sa lupa.

    Genesis 12:3

    Kabanata 4

    Ang mga Nangungunang Sumpa sa Biblia

    At IBINILIN NI MOISES SA BAYAN nang araw ding yaon, na sinasabi, ANG MGA ITO’Y TATAYO SA IBABAW NG BUNDOK NG GERIZIM, UPANG BASBASAN ang bayan, pagka inyong naraanan na ang Jordan; ang Simeon, at ang Levi, at ang Juda, at ang Issachar at ang Jose, at ang Benjamin: AT ANG MGA ITO’Y TATAYO SA IBABAW NG BUNDOK NG EBAL UPANG SUMUMPA; ang Ruben, ang Gad, at ang Aser, at ang Zabulon, ang Dan, at ang Nephtali.

    Deuteronomio 27:11-13

    Si Moises ang may-katha ng karamihan sa mga nangungunang biyaya at sumpa sa Biblia. Ipinahayag niya ang mga sumpang ito sa mga tao ng Diyos habang itinatag niya ang Israel bilang bansa.

    Ang mga nangungunang mga sumpa sa Biblia ay nakalista bilang mga bagay na kailangan mong iwasan. Kailangan mong mamuhay sa paraan kung saan ay maiiwasan mo na umapak man lang sa mga bagay na ito. Kung wala kang wastong pagrespeto para sa mga nakasulat na sumpang ito, sasakupin nila ang iyong buhay at kukulayan ang lahat ng iyong gagawin. Ang pagbisita sa Yad Vashem Memorial sa Israel ay makakatulong sa iyo upang magkaroon ng wastong pagrespeto sa mga sumpa na ipinahayag ni Moises.

    Kapag walang wastong pagrespeto sa mga sumpang ito, patuloy mong gagawin ang mga bagay na magdadala ng mga sumpang ito sa iyong buhay. Napansin ko na maraming mga tao ang walang wastong pagrespeto sa mga sumpa sa mundo. Ito ay kawili-wili sapagkat naniniwala ako na ang buhay ay higit na napagpapasiyahan ng mga biyaya at sumpa na binigkas na sa himpapawid.

    1. ANG SUMPA SA SUMASAMBA SA DIOSDIOSAN.

    Ang mga tao na nagmamahal sa pera at sumasamba sa pera bilang diosdiosan ay isinumpa, (kahit sila pa ay mga pastor). Walang diosdiosan ang nararapat na samabahin. Matatagpuan mo lagi ang isang sumpa sa mga taong sumusunod sa pera at pinagsisilbihan ito sa halip na pagsilbihan ang Diyos. Ang mga pastor

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1