Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Ang Isa sa Inyo ay Diablo
Ang Isa sa Inyo ay Diablo
Ang Isa sa Inyo ay Diablo
Ebook175 pages2 hours

Ang Isa sa Inyo ay Diablo

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Ang malawak na pahayag na ito "isa sa inyo ay isang diablo" ay ginawa ni Hesukristo sa Kanyang maliit na grupo ng labindalawang mga alagad. Marami sa atin ang inaapi ng diablo dahil hindi natin alam kung paano siya ibubunyag o tukuyin ang kanyang gawain. Sa pinagpalang aklat na ito, matutuklasan mo ang mga kasalan ng mga diablo at mapagpasyahang huwag nang lumakad muli sa mga ito. Nawa ang pariralang "isa sa inyo ay isang diablo" ay hindi magamit sa iyo!

LanguageTagalog
Release dateApr 26, 2018
ISBN9781683988809
Ang Isa sa Inyo ay Diablo
Author

Dag Heward-Mills

Bishop Dag Heward-Mills is a medical doctor by profession and the founder of the United Denominations Originating from the Lighthouse Group of Churches (UD-OLGC). The UD-OLGC comprises over three thousand churches pastored by seasoned ministers, groomed and trained in-house. Bishop Dag Heward-Mills oversees this charismatic group of denominations, which operates in over 90 different countries in Africa, Asia, Europe, the Caribbean, Australia, and North and South America. With a ministry spanning over thirty years, Dag Heward-Mills has authored several books with bestsellers including ‘The Art of Leadership’, ‘Loyalty and Disloyalty’, and ‘The Mega Church’. He is considered to be the largest publishing author in Africa, having had his books translated into over 52 languages with more than 40 million copies in print.

Related to Ang Isa sa Inyo ay Diablo

Related ebooks

Reviews for Ang Isa sa Inyo ay Diablo

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Ang Isa sa Inyo ay Diablo - Dag Heward-Mills

    Kabanata 1

    Papaanong ang mga Kasalanan ng mga Diablo ay Maging Kasalanan ng mga Tao

    Sinagot sila ni Jesus, Hindi baga hinirang ko kayong labingdalawa, at ANG ISA SA INYO AY DIABLO?

    Juan 6:70

    Sinabi ni Hesus sa Kanyang mga disipulo, Ang isa sa inyo ay diablo. Kilala ni Hesus ang diablo mula sa panahon ng kanyang pagbagsak. Alam Niya ang kanyang kasamaan, ang kanyang kabuktutan, ang kanyang kalikasan, ang kanyang mga kasalanan at ang kanyang pagbagsak. Para sabihin ni Hesus sa Kanyang mga disipulo na Isa sa inyo ay diablo, ito ay isang tunay na matapang na pahayag.

    Ang ibig sabihin nito ay isa sa kanyang mga disipulo ay lumalakad sa kasalanan at sa mga yapak ng mismong diablo. Ang isa sa kanyang mga disipulo ay kumikilos ng tulad ng diablo. Lubhang madali para kay Hesus na matukoy ang diablo dahil alam niya ang nakalipas na kabantugan, ang mga kasalanan at ang pagbagsak ni Lucifer!

    Ngayon, maraming tao ay lumalakad sa mga kasalanan at sa mga yapak ni Lucifer. Gingawa nila ang bawat kasalanan na ginawa ni Satanas. Maraming pastor ang lumalakad sa katulad na mga hakbang na nilakaran ni Lucifer at humantong sa katulad na nakalilitong kadilimang kalagayan na kinalalagyan ni Satanas ngayon. Umaasal ka ba tulad ng diablo? Ikaw ba ay diablo? May kilala ka bang tao na umaasal ng katulad ng diablo at ginagawa ang lahat ng mga kasalanan na ginawa ni Lucifer?

    Sa kasalukuyan, si Satanas ay nakatali at limitado sa kadena ng kadiliman sa halip na pagiging malaya at maligaya sa kaharian ng liwanang at kawalang hanggan. Ang kanyang buhay, kanyang ministeryo at ang kanyang kinabukasan ay nawasak dahil sa mga pagkakamali at mga kasalanan na kanyang ginawa habang siya ay anghel sa kalangitan. Niligaw niya ang libo-libong mga anghel at nakapagdulot nang lahat ng kalituhan, kaguluhan at kasamaan na nasa sanlibutan sa kasalukuyan.

    Maraming mga ministeryo ang nabubuhay sa kalituhan at nahahadlangan ng kabiguan, kahirapan at sukdulang kadiliman. Hindi man lamang nila alam kung ano ang nangyayari sa kanila. Hindi nila nauunawaan kung bakit ang kanilang mga ministeryo ay napakalimitado, pinaghihigpitan at mahirap.

    Matutuklasan mo na ang bawat isa sa mga kasalanan ni Satanas at hindi mo na ito lalakaran pagkatapos mong basahin ang aklat na ito!

    Sa aklat na ito, nais kong ibahagi sa iyo kung paano mo maiiwasan ang pagiging isang diablo at malakaran ang mga kasalanan ni Satanas. Ang bawat ministro ng Ebanghelyo ay dapat na maging masigasig na maiwasan ang paglakad sa mga yapak ni Lucifer na minsang naging isa sa pinakamataas na mga ministro ng Diyos. Kung si Lucifer, na nanirahan sa liwanag, ay maaaring mahulog at makapagdulot ng napakaraming kalituhan, papaano pa tayong mga namumuhay sa kadiliman at bulag na mundo!

    Kabanata 2

    Mayroon Bang Mga Taong Diablo?

    Sinagot sila ni Jesus, Hindi baga hinirang ko kayong labingdalawa, at ANG ISA SA INYO AY DIABLO?

    Juan 6:70

    Dapat mong matanggap na ang tao sa buhay mo ay maaaring sa isang saglit ay maging tunay na nabubuhay na diablo na kumikilos. Ang ganoong tao, ay hindi dapat sinusunod, hindi dapat na binibigyan ng daan ay hindi dapat na pinapakinggan.

    Ikaw ay hindi dapat pinapangasiwaan ng iyong nakikita. Ikaw ay dapat na pinapangasiwaan ng banal na paghahayag ng taong pinakikitunguhan mo.

    May mga tao na dapat itinuturing bilang mga diablo dahil sila ay ( kung sa ilang panahon lamang) ay literal na mga diablo sa iyo. May mga tao ay ganap na inaangkin at sinasakop ng diablo. Ang pagkabigong hindi ituring ang ilang tao bilang mga diablo ay hahantong sa mga seryosong problema. Bakit ako magsasabi ng mga bagay na katulad niyon? Itinuturo ng kasulatan na tayo ay nakikipagbuno laban sa laman at dugo ngunit laban sa mga pamunuan at mga kapangyarihan. Mula sa kasulatang ito, ito ay malinaw na ang ating kaaway ay hindi laman at dugo ngunit isang espiritu. Tunay nga, ang ating pakikipagbuno, pakikibaka at pakikipag-away ay hindi sa laman at dugo. Ito ay sa pamamagitan ng mga masasamang espiritu.

    Gayunman, ang mga masasamang espiritu na ito ay kayang manirahan, makaimpluwensiya, at maka-angkin ng ilang mga tao na halos mahirap nang makilala ang pagkakaiba sa pagitan ng tao at ng diablo. Kapag ito ay nangyari, ang mga tao ay nagiging literal na mga diablo at dapat na pakisamahan bilang ganoon.

    Ibig kong bigyan ng diin na kung ang tao ay ganap na pinaninirahan, iniimpluwensiyahan at ginagamit ng diablo, hindi mo dapat hinahayaan na ang taong ito na kumilos sa iyong paligid. Nakakita na ako ng mga ministeryo na nawasak dahil ang mga pastor ay napakagalang, napakamahinahon at nagpipigil sa kanilang pakikitungo sa diablo. Nakakita na rin ako ng mga ministeryo na nawasak dahil ang mga pastor ay napakagalang, napakamahinahon at nagpipigil sa kanilang pakikitungo sa mga tao na nangangasiwa bilang diablo!

    May ilang mga tao na dapat mong makita bilang diablo. Dapat mong kausapin ang mga ganoong tao na para bang nakikipag-usap ka sa mismong diablo! Ang pagkabigo sa paggawa nito ay ang pagpayag sa diablo na malayang mabuhay at kumilos sa iyong paligid at laban sa iyo.

    Diabolos

    Ang salitang, ‘diabolos’ ay karaniwang isinasalin sa salitang ‘diablo’ at tumutukoy sa literal na diablo. Ang salitang diabolos ay ginamit ng tatlumput-walong beses sa kabuuan ng Bagong Testamento. Sa tatlumput-limang beses, ang salitang diabolos ay isinalin sa salitang diablo. Halimbawa, at si Hesus ay inakay sa kaparangan upang tuksuhin ng diablo."

    Gayon pa man, sa tatlong ibang napakahalagang mga okasyon, ang salitang diabolos ay ginamit upang ilarawan ang mga tao. Hindi ba iyon kagulat-gulat? Ang salitang diabolos ay ginamit upang tukuyin ang walang iba kundi si Judas Iscariote, ang ilang mga asawa ng pastor at ang ilang matatandang kababaihan. ( Mangyaring patunayan ito para sa iyong sarili). Kung ang aking sinasabi ay nasa Bibliya, dapat mo itong paniwalaan.

    Sundin ang Halimbawa ni Hesukristo at Pakitunguhan ang Ilang mga Tao bilang Mga Diablo.

    1. Pinakitunguhan ni Hesus si Pedro na para bang siya ang diablo.

    At isinama siya ni Pedro, at nagpasimulang siya’y pinagwikaan, na nagsasabi, Panginoon, malayo ito sa iyo: kailan man ay hindi mangyayari ito sa Iyo.

    Datapuwa’t lumingon siya, at sinabi kay Pedro, " LUMAGAY KA SA LIKURAN KO, SATANAS! ikaw ay tisod sa akin: sapagka’t hindi mo pinagiisip ang mga bagay ng Dios, kundi ang mga bagay ng tao.

    Mateo 16:22-23

    Katulad ni Hesus, dapat mong tanggapin ang katotohanan na ang ilang mga tao ay naangkin ng ilang sandali at nagagamit ng diablo sa paraan na sila ay nagiging literal, at mga tunay na diablo sa iyong buhay. Si Pedro, na hinirang ni Hesus bilang pinuno ng simbahan, ay nagamit sa ilang sandali bilang diablo at siya ay hinarap ni Hesus ng biglaan at agaran. Hindi pinahintulutan ni Hesus na siya ay magpatuloy sa pagsasalita sa Kanyang kinalalagyan. Hindi siya pinahintulutan ni Hesus na magpatuloy na magpatakbo sa Kanyang buhay.

    Hindi sinabi ni Hesus na si Pedro ay naiimpluwensiyahan ni Satanas! Tinawag ni Hesus si Pedro bilang si Satanas!

    Kilala ni Pedro si Hesus. Ang kanyang pagkakahirang bilang pinuno ng simbahan ay marahil na umakyat sa kanyang ulo at kailangan niyang maibalik sa dapat niyang kalagyan. Sinubukan niyang pamahalaan si Hesus sa Kanyang ministeryo. Sinimulan niyang pagsalitaan ang Anak ng Diyos. Sinabi niya kay Hesus na kalimutan ang tungkol sa kawalang halaga ng krus! Tandaan na ang pangangaral ng krus ay kahangalan sa maraming tao! Tunay ngang kahangalan ito kay Pedro nang araw na iyon. Sinabi niya kay Hesus na hindi na kailangang pang magpatuloy at tumungo sa anumang krus. Nakita ni Hesus ang hindi pa pagiging ganap o pagiging masyadong sanay ni Pedro. Ngunit hindi Niya sinasabi na si Pedro ay bata pa o masyadong sanay na sa Kanya. Nakilala Niya si Satanas na ginagamit ang tinig ni Pedro. Sinaway Niya si Pedro ng madalian at pinigilan nang tuwiran si Satanas.

    Kung nakilala lamang ng mga tao ang tinig ni Satanas nang magbibigay ng mga talumpati si Adolf Hitler noong 1933, pipigilan nila ang kanyang landas. Ngunit ang mamatay taong ito ay tinawag ng mga pastor bilang isang bayani. Si Adolf Hitler ang naging sanhi ng kamatayan ng limampung milyon na katao. Alam niyang ipinadala niya ang maraming tao sa kanilang mga kamatayan. Ang kanyang huling tagubilin ay ubusin ang kanyang mga kapwa Aleman. Sinabi niya na hindi sila nararapat na mabuhay dahil natalo sila sa digmaan. Ang pagpapahintulot sa lalaking ito na magsalita, mabuhay, kumilos, umunlad at maging pinuno ay ang pinakamalaking pagkakamali na nagawa ng mga Aleman kailanman. Dapat na makilala at matukoy si Satanas sa kanyang mga landas!

    Huwag pahintulutan ang diablo na kumilos sa iyong buhay kahit na sa loob ng isang minuto. Maging matalino at mabilis tulad ni Hesukristo. Kung nakahanap ka ng ulupong sa iyong sala, hahayaaan mo ba ito ay manatili doon ng ilang mga lingo?

    Bantayan ang mga tao na nagpapahintulot na manirahan ang mga ulupong sa kanilang sala. Gumagawa sila ng napakalaking pagkakamali!

    Bantayan ang mga tao na nagkakaroon ng pagkasanay sa iyo!

    Bantayan ang mga tao na umalis sa kanilang kinalalagyan! Ang mga ganoong tao ay nakalimot sa katotohanan na hindi ito ang kanilang kinalalagyan upang mag-gabay, magkontrol o magtama ng lingkod ng Diyos.

    Ang pakikitungo sa pagiging tao ng mga lingkod ng Diyos ay maaaring makapagpalito sa iyo at magtukso sa iyo upang pumasok sa kaguluhan.

    2. Pinakitunguhan ni Hesus si Hudas na para bang siya ang diablo.

    Sinagot sila ni Jesus, Hindi baga hinirang ko kayong labingdalawa, at ang ISA SA INYO AY DIABLO?

    Juan 6:70

    Ang mga alagad at mga katulong na pastor ay maaaring maging diabolos ( diablo) at kumilos tulad ng diablo.

    Tinawag ni Hesus ang kanyang sariling pinagkakatiwalaang tagatuos na diabolos. Si Judas Iscariote at tinukoy bilang isang diabolos. Ang pagpapahintulot sa taksil na traydor na kumilos sa paligid mo ay maaaring maihalintulad sa pagpapahintulot sa tunay na cobra na manirahan at malayang nagpapagala-gala sa iyong tahanan.

    Huwag pahintulutan ang anumang uri ng taksil na tao na lumapit sa iyo. Huwag hayaan ang mga cobra na mabuhay kasama ng iyong mga tauhan sa simbahan. Tukuyin sila at harapin sila ng mabilisan.

    Tinukoy ni Hesus si Judas bilang isang diablo. Hindi Niya sinabi na si Hudas ay naiimpluwensiyahan ng diablo. Sinabi Niya na siya ay diablo. Sinabi Niya, "Hindi baga hinirang ko kayong labingdalawa, at ang isa sa inyo ay diablo?" Kung pahihntulutan mo ang diablo sa pagkilos ng malaya sa iyong buhay at ministeryo, tunay na magkakaroon ka ng mga problema. Ang pagpapahintulot a iyong taksil na kasama na malayang kumilos sa simbahan ay katulad ng pagpapahintulot sa diablo na gawin kung ano ang nais niyang gawin sa simbahan.

    Naiisip mo ba ang pagkakaroon ng ahas sa sala ng iyong bahay? Pahihintulutan mo ba ito na magpatuloy na manirahan doon? Hindi mo ba ito pakikitunguhan bilang isang mamamatay tao? Kung makakatagpo ka ng itim na mamba sa iyong bahay, iiwanan mo lang ba ito?Hindi mo ba ito pakikitunguhan bilang isang bagay na mapanganib sa iyong buhay? Hindi mo ba ito pakikitunguhan bilang isang bagay na nagdadala ng kamatayan? Hindi mo ba gagawin ang lahat upang tanggalin ito sa iyong buhay? Hindi mo ba susubuking patayin ito? Naniniwala ako na ang ahas ay dapat na ituring bilang pinagmumulan ng kamatayan at hindi tulad ng paboritong hayop. Ang makamandag na ahas ay hindi alagang hayop! Ang makamandag na ahas ay hindi nararapat sa anumang kabaitan at alam nito na hindi siya makatatanggap ng anumang kabaitan mula sa iyo. Iyon ang dahilan kung bakit ang mga ahas ay nagtatago sa lahat ng pagkakataon!

    Itinuring ni Hesukristo ang taksil na si Hudas bilang isang taong mapanganib. Siya ay tinawag Niya na isang diablo. Ganito ang paraan na dapat mong gawin sa mga taong taksil na tumalikod sa iyo at nagtaksil sa iyo. Ang lahat ng mga pastor na may magaan na pag-uugali tungo sa pagtataksil

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1