Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Ang Sining ng Ministeryo
Ang Sining ng Ministeryo
Ang Sining ng Ministeryo
Ebook237 pages3 hours

Ang Sining ng Ministeryo

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Upang maglinang ng isang sining ay ang pagpapalago ng abilidad o kakayanan. Sinasabi ng Bibliya na ang biyaya ay dumarating sa mga taong may kakayanan. Ang gawain ng ministeryo ay nangangailangan ng malaking kakayanan.
Ang bagong aklat na ito, ""Ang Sining ng MInisteryo"" ay isang lubos na kinakailangang pinagkukunan para sa lahat na nagnanais na gawin ang gawain ng ministeryo. Malinaw na ipinakikita nito kung ano ang tama at maling pag-iisip ukol sa ministeryo at kung paano gawin ang mga tungkulin ng isang ministro.
Naisip mo na ba kung paano gagawin ang iyong gawain sa ministeryo? Ang pambihirang aklat na ito ni Dag Heward-Mills ang hahamon sa iyo na lumakad nang nararapat sa tawag ng Diyos at gagabayan ka sa pagbibigay ng iyong sarili nang buong-buo sa gawain ng ministeryo."

LanguageTagalog
Release dateApr 9, 2018
ISBN9781683986621
Ang Sining ng Ministeryo
Author

Dag Heward-Mills

Bishop Dag Heward-Mills is a medical doctor by profession and the founder of the United Denominations Originating from the Lighthouse Group of Churches (UD-OLGC). The UD-OLGC comprises over three thousand churches pastored by seasoned ministers, groomed and trained in-house. Bishop Dag Heward-Mills oversees this charismatic group of denominations, which operates in over 90 different countries in Africa, Asia, Europe, the Caribbean, Australia, and North and South America. With a ministry spanning over thirty years, Dag Heward-Mills has authored several books with bestsellers including ‘The Art of Leadership’, ‘Loyalty and Disloyalty’, and ‘The Mega Church’. He is considered to be the largest publishing author in Africa, having had his books translated into over 52 languages with more than 40 million copies in print.

Related to Ang Sining ng Ministeryo

Related ebooks

Reviews for Ang Sining ng Ministeryo

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Ang Sining ng Ministeryo - Dag Heward-Mills

    Kabanata 1

    Ang Mga Kaloob at Pagtawag ng Dios ay Walang Pagsisisi

    Ang Unang Pagtawag

    Ang salita nga ng Panginoon ay dumating kay Jonas na anak ni Amittai, na nagsasabi, Bumangon ka, pumaroon ka sa Ninive, sa malaking bayang yaon, at humiyaw ka laban doon; sapagka’t ang kanilang kasamaan ay umabot sa harap ko..

    Jonas 1:1-2

    Ang Pangalawang Pagtawag

    At ang salita ng Panginoon ay dumating kay Jonas na ikalawa, na nagsasabi, Bumangon ka, pumaroon ka sa Ninive, sa malaking bayang yaon, at ipangaral mo ang pangaral na aking iniutos sa iyo.

    Jonas 3:1-2

    Ang Diyos ay Diyos ng awa! Bibigyan ka ng pangalawang pagkakataon na sumunod sa Kaniya. Si Jonas ay isang halimbawa ng isang tao na nagkaroon ng pangalawang pagkakataon na makinig at sumunod. Kung minsan ay may iisa lamang tayong pagkakataon!

    Ang Diyos ng Pangalawang Pagkakataon

    Marahil ay nais lagi ng Diyos na magtrabaho ka sa isang simbahan kaya ikaw ay nilikha Niya. Marahil ay tumatakbo ka mula sa pagtawag ng Diyos. Ngunit ang Diyos ay muling nangungusap sa iyo. Dalawang beses na nangusap ang Diyos kay Jonas. Sa pagitan ng una at pangalawang pagtawag, nagkaroon ng maraming karanasan si Jonas. Naranasan niya ang mga bagyo ng buhay at ang bilangguan sa tiyan ng balyena. Marahil ay pagkatapos ng maraming mahihirap na karanasan, handa ka nang makinig sa Diyos.

    Marahil ay habang hawak mo ang aklat na ito, binibigyan ka ng Diyos ng pangalawang pagkakataon na magtrabaho sa loob ng Kaniyang tahanan. Oras na upang sumali sa hukbo para sa huling labanan.

    Walang Pagbabago sa Pagtawag

    Mapapansin mo na sa una at pangalawang pagtawag ay magkapareho. Sa parehong una at pangalawang pagtawag, ipinadala si Jonas sa parehong lungsod (Nineveh) nang may parehong mensahe. Ang mga kaloob at pagtawag ng Diyos ay hindi nagbabago (Mga Taga-Roma 11:29).

    Hindi nagbabago ang isip ng Diyos habang lumilipas ang panahon. Kahit na pagkatapos mong maranasan ang sakit ng mga bagyo, balyena; mga tiyan, magagamit ka pa rin Niya. Sampung taon man ang lumipas simula noong sinimulan kang tawaging ng Diyos. Hindi pa gaanong huli upang sumunod sa Kaniya. Nagagalak ako na pinaglilingkuran ko ang Diyos na hindi nagbabago ang Kaniyang isip.

    Ang pagtanggap sa pagtawag ng Diyos ay pagtanggap sa maging isang bagay na hindi ikaw. Inalukan ni Jesus si Pedro na gawin siya sa kung hindi siya noon – isang mangingisda ng mga tao!

    Ang pagpasok sa ministeryo ay hindi tungkol sa paggawa ng malaking kontribusiyon sa kaharian ng Diyos. Walang nakadepende sa iyo at walang masisira sa pamamagitan ng iyong pagpapabaya sa ministeryo. Lahat tayo ay maliit ang halaga at maaaring palitan.

    Sapagka’t kami’y walang anomang magagawang laban sa katotohanan, kundi ayon sa katotohanan.

    2 Mga Taga-Corinto 13:8

    Tinuturuan tayo ng Kasulatang ito na wala tayong magagawa na kokontra sa katotohanan ng Salita ng Diyos. Hindi mahahadlangan ng ating pinakamalaking pagkakamali ang katotohanan ng Ebanghelyo. Hindi kayang baguhin ng ating lubos na pagpapabaya sa ating pagtawag ang direksiyon ng matagumpay na hukbo ng Diyos. Isang pribilehiyo para sa atin ang matawag sa ganitong gawain. Karangalan para sa atin ang maisama. Panahon na para itigil ang pag-iisip na gagawa ka ng isang bagay na hindi karaniwan para sa Diyos.

    Isang kahanga-hangang karanasan ang pagiging nasa ministeryo na kung saan ay matutututo ka talaga tungkol sa Diyos at tumanggap ng habag. Sinabi ni Jesus sa Kaniyang mga alagad na sumunod sa Kaniya at mayroon Siyang gagawin sa kanila. Sa buong-panahon na ministeryo, mahuhubog ka na maging isang daluyan na maaaring gamitin ng Diyos.

    At sinabi sa kanila ni Jesus, Magsisunod kayo sa aking hulihan, at gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng mga tao..

    Marcos 1:17

    Sa buong-panahon na ministeryo, mag-iiba ang iyong anyo sa pamamagitan ng pagbabago ng iyong isip at sa pamamagitan ng maraming kahanga-hangang karanasan na naghihintay sa iyo. Ang buong-panahon na ministeryo sa totoo lang ay ang simula ng isang lakbayin na magdadala sa iyo palapit sa Diyos. Babaguhin ka nito at gagawin kang isang tao na mapagpakumbaba. Ang pinaka- katangian ng hinamak na gawain na ito at ang pakikisalamuha sa ibang mga Kristiyano sa ministeryo ay tunay na lilinangin ka at gagawin kang mas mabuting tao! Isa pa, ang pakikisalamuha sa mga hindi nananampalataya na hindi naiintindihan ang tungkol sa buong-panahon na ministeryo ang mag-uudyok sa iyo nang mas malalim pa sa Diyos.

    Ano ang Hindi Buong-panahon na Ministeryo

    Ang nasa buong-panahon na ministeryo ay kung ginawa ka ni Jesus na mangingisda ng mga tao. Ang binabayaran sa ministeryo ay hindi ka ginagawang isang buong-panahon na ministeryo.

    Ang pagpapalit ng pinagmumulan ng sahod mula bangko sa simbahan ay hindi nangangahulugan na ikaw ay nasa buong- panahon na ministeryo. Ang buong-panahon na ministeryo ay isang hakbang na sinasaklaw ang lahat na kung saan ay sumusunod ka sa Panginoon nang walang pasubali. Ang iyong pagsunod sa Kaniya ay nangangahulugan ng maraming bagay, kabilang ang mga punto na nakalista sa ibaba.

    Ang buong-panahon na ministeryo ay hindi kasing-simple ng pagpalit ng trabaho. Ito ay panghabang-buhay na pagtatalaga. Lalamunin nito ang iyong buong pagkatao at mag-iiba ang iyong anyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos.

    Ang buong-panahon na ministeryo ay hindi alinman sa mga ito:

    Ang buong-panahon na ministeryo ay hindi isang naaangko na pagpipilian.

    Ang buong-panahon na ministeryo ay hindi mas madaling pagpipiliian na trabaho.

    Angbuong-panahonnaministeryoayhindipinagreretiruhang plano para sa mgamatatanda.

    Ang buong-panahon na ministeryo ay hindi paghahanda sa mga manggagawang ipapadala muli.

    Ang buong-panahon na ministeryo ay hindi kanlungan ng mga ina ng mga maliliit na bata.

    Ang buong-panahon na ministeryo ay hindi pang-huling nais bago mamatay para sa mga taong ginugol ang kanilang mga mas magandang taon sa ibang mgabagay.

    Ang buong-panahon na ministeryo ay hindi palihim na pinaplanong negosyo. Gustong gamitin ng ibang mga tao ang buong-panahon na ministeryo upang siguraduhin ang malagihang sahod habang ginagawa nila ang kanilang ibang negosyo. Ang negosyo ay negosyo at ang ministeryo ay ministeryo!

    Ang buong-panahon na ministeryo ay hindi isang gawain para sa mnga tao sa pagitan ng mgatrabaho.

    Ang buong-panahon na ministeryo ay hindi isang pinagsisimulan upang lumipat sa mga secular naambisyon.

    Ang buong-panahon na ministeryo ay hindi isangpanukalang magpapabawangkahirapan.Kungminsanaymasmainamna magtrabaho sa ministeryo pagdating sa usapangpinansiyal.

    Ang buong-panahon na ministeryo ay hindi kagaya ng paglipatngiyongpropesyonmulasekularsasimbahan.Hindi dahil ikaw ay isang accountant ay dapat kang magingisang accountant sa loob ngsimbahan.

    Ang buong-panahon na ministeryo ay hindi lang tungkol sa paglilipat ng iyong pinagmumulan ngsahod.

    Ang buong-panahon na ministeryo ay hindi trabahong pang- bakasyon. Ang buong-panahon na ministeryo ay hindi isang bagaynaginagawangmgaestudyantehabangnasabakasyon.

    Mga Delusyon Tungkol sa Buong-Panahon na Ministeryo

    May mga karaniwang delusyon na nagpapahirap sa mga tao sa iba’t ibang pagkakataon. Ang mga tao na nasa buong- panahon na ministeryo ay hindi nakakawala mula sa kanilang magkakaparehong delusyon. Ang ilan sa mga delusyon na nagpapahirap sa mga buong-panahon na ministeryo ay:

    1. Dahil ako ay sa buong-panahon na ministeryo, ako ay natatangi.

    2. Dahil ako ay sa buong-panahon na ministeryo, magkakaroon ako ng magandang sahod.

    3. Dahil ako ay sa buong-panahon na ministeryo, nakuha ko na ang pinakamataas na hakbang pang-espiritual at wala nang ibang hakbang pang-espiritual na hahakbangin.

    4. Dahil ako ay sa buong-panahon na ministeryo, mas magaling ako kaysa sa mga kasamahan sa ministeryo.

    5. Dahil ako ay sa buong-panahon na ministeryo, lalakbay ako sa iba’t ibang mga bansa.

    6. Dahil ako ay sa buong-panahon na ministeryo, magkakaroon ako ng malaking bahay.

    7. Dahil ako ay sa buong-panahon na ministeryo, magkakaroon ako ng sasakyan.

    8. Dahil ako ay sa buong-panahon na ministeryo, ako ay naging espiritual.

    9. Dahil ako ay sa buong-panahon na ministeryo, magkakaroon ako ng mas magandang buhay may-asawa at buhay may- pamilya.

    10. Dahil ako ay sa buong-panahon na ministeryo, magkakaroon ako ng mas maraming panahon na manalangin, magpuri at mag-aral ng Salita.

    11. Dahil ako ay sa buong-panahon na ministeryo, labis nang nalulugod ang Diyos sa akin.

    12. Dahil ako ay sa buong-panahon na ministeryo, lumalakad na ako sa pag-ibig.

    13. Dahil ako ay sa buong-panahon na ministeryo, magiging mas madali ang aking paghatol.

    14. Dahil ako ay sa buong-panahon na ministeryo, puspos ako at naaalagaan.

    15. Dahil ako ay sa buong-panahon na ministeryo, maganda ang magiging kahihinatnan ng aking mga anak.

    16. Dahil ako ay sa buong-panahon na ministeryo , ano man ang mangyari ay pupunta ako sa langit.

    17. Dahil ako ay sa buong-panahon na ministeryo, ako ay tapat. Wala sa mga bagay na nasa itaas ay kinakailangan na totoo.

    Maaaring maging totoo ang mga ito, ngunit ilan sa mga ito ay hindi totoo sa iyong kalagayan. At tiyak na hindi ito mga bagay na basta na lang nangyayari. Kinakailangan mong sumpungin ang Diyos sa buong-panahon na ministeryo upang mangyari ang lahat ng Kaniyang mga plano.

    Kabanata 2

    Ang Pagkakaiba ng Gawaing Sekular at Gawaing Ministeryo Mayroong Pagkakaiba

    Gayon ma’y sila’y magiging kaniyang alipin; upang kanilang makilala ang paglilingkod sa akin, at ang paglilingkod sa mga kaharian ng mga lupain.

    2 Cronicas 12:8

    oong nagrebelde si Rehoboam sa Diyos, nagpadala ang propeta ng isang nakaka-alarmang mensahe sa kaniya. Sinabi niya sa kaniya na ipakita sa kaniya ang pagkakaiba na pagtatrabaho para sa Diyos at pagtatrabaho para sa mga bansa sa mundo.

    May pagkakaiba sa pagtatrabaho para sa Diyos at pagtatrabaho para sa mundo. Ang pagpaparami ng kayamanan ditto sa nagugunaw na mundo ay hindi maihahambing sa pinakamataas na pagtawag ng Diyos.

    Ang pagpapatayo ng walang hanggang siyudad na may tunay na mga pundasyon ay ang pinakamataas na pribilehiyo para sa mortal na tao. Iginugugol ng karamihan sa mga tao ang pagpapatayo ng mga pansamantalang bagay na walang kinabukasan. Ang karaniwang tao ay gumagawa lamang ng pansamantalang kastilyong buhangin.

    Sino si Faraon?

    Si Faraon ay isang uri ni Satanas. Ang Egipto ay isang uri ng mundo at ang Israel ay isang uri ng mga tao ng Diyos. Pinahirapan ni Faraon ang mga tao ng Diyos sa pamamagitan ng mahihirap na trabaho at pinagawa sila ng mga mahahalagang siyudad. Ipinapakita nito ang sekular na mundo ngayon.

    Karamihan sa mga panahong iginugugol sa sekular na mundo ay iginugugol sa pagpapatayo ng mga siyudad ng mundong ito. Sa panahon na tayo ay patay at wala na, nagdagdag lang tayo ng mas marami pang gusali sa ibabaw ng mga siyudad ng mundong ito.

    Ang gawain ng mundong ito ay may mas maraming kahirapan, tensiyon at maraming pawis. Ginawa tayo upang lalong sipagan natin ang pagtatrabaho na hindi natin napagtatanto na nagpapatayo na pala tayo ng mga mahahalagang siyudad ng mundong ito. Ang New York City, Paris, London, Accra, Lagos at Nairobi ay naipatayo sa pamamagitan ng pawis ng mga masisipag na mga tao.

    Patay at wala na ang mga taong ito ngunit nananatili pa rin ang mga mahahalagang siyudad. Ang kanilang mga ginawa ay maaaring ibilang na ambag nila sa pagpapaunlad ng mga mahahalagang siyudad ng mundo. Kung hindi mo alam, sinabi ni satanas kay Jesus noong ipinakita niya sa Kaniya ang mga bansa ng mundong ito:

    At sinabi sa kaniya ng diablo, Sa iyo’y ibibigay ko ang lahat ng kapamahalaang ito, at ang kaluwalhatian nila: sapagka’t ito’y naibigay na sa akin; at ibibigay ko kung kanino ko ibig.

    Lucas 4:6

    Ipinapakita nito na si Satanas talaga ang nagpapamalas ng kapangyarihan sa mga siyudad ng mundong ito. Ang diablo ang dios ng mundong ito (2 Mga Taga-Corinto 4:4). Si Satanas ang nagbigay sa mga anak ng mga tao ng mabigat na trabaho at ginabayan niya sila na ipatayo ang mga siyudad ng mundong ito.

    Sumasama na lamang ang mga Kristiyano sa hukbo ng mga nagpapatayo at inaambag ang kanilang mga dapat iambag upang maipatayo ang mga mahahalagang siyudad na mga ito.

    May bumangon ngang isang bagong hari sa Egipto, na hindi kilala si Jose.

    At sinabi niya sa kaniyang bayan, Narito, ang bayan ng mga anak ni Israel ay higit at lalong malakas kay sa atin: Hayo’t tayo’y magpakadunong sa kanila; baka sila’y dumami, at mangyari, na, pagka nagkadigma, ay makisanib pati sila sa ating mga kaaway, at lumaban sa atin, at magsilayas sa lupain. Kaya’t nangaglagay sila ng mga tagapagpaatag, upang dalamhatiin sila sa atang sa kanila. At kanilang ipinagtayo si Faraon ng mga bayan na kamaligan, na dili iba’t ang Phithom at Raamses. Datapuwa’t habang dinadalamhati nila sila, ay lalong dumadami at lalong kumakapal. At kinapootan nila ang mga anak ni Israel.

    At pinapaglingkod na may kabagsikan ng mga Egipcio ang mga anak ni Israel:

    Exodo 1:8-13

    Kung paanong hinawakan ni Faraon ang Egipto, hinahawakan din ni Satanas ang mundo at ang mga siyudad nito. Kung kaya ang pagbagsak at pagkalito ng mundong ito ay palala nang palala hanggang sa wakas nito.

    Kung ikaw ay nagtatrabaho sa mga institusyong pinansiyal, mga bangko at iba pang mga sekular na organisasiyon ng mundong ito, maaari kang ihalintulad sa mga Israelitang nagtatrabaho para kay Faraon; mayroong maraming paghihirap, maraming tensiyon at maraming pawis tungkol sa pagpapatayo ng mga kastiylong buhangin.

    Hiniling ni Moises na mapalaya ang mga Israelita upang makapaglingkod sila sa Panginoon. Masusumpungan ng sinumang nagnanais na pumasok sa buong-panahon na ministeryo ang kaniyang sarili na humihiling siya ng pag-alis mula sa sistema ng mundo. Ang buong-panahon na ministeryo ay paglilingkod sa Panginoon! Ito ay parang paglayas mula Egipto patungo sa ilang upang magsakripisyo sa Panginoon at ipatayo ang Kaniyang tabernakulo!

    Gusto ng Diyos na igugol ng Kaniyang mga tao ang kanilang panahon sa pagpapatayo ng Kaniyang tabernakulo at nagpupuri sa Kaniya.

    Totoo na hindi madali ang tumakas mula sa sistema ng mundo. Hindi naging madali para kay Moises at kaniyang mga anak na umalis mula sa Egipto. Sa pamamagitan lamang ng determinadong pagpupunyagi na sa wakas ay nakatakas ang mga tao ng Diyos mula kay Faraon.

    Mahal kong kaibigan, hindi magiging madali para sa iyo ang tumakas mula sa gawaing sekular. Kapag nangyari ito, sa pamamagitan ito ng matinding pagpupunyagi.

    Apat na Yugto Para sa Pagtakas Mula kay Faraon

    At nangyari, nang magmatigas si Faraon na hindi kami tulutang yumaon....

    Exodo 13:15

    Hindi nalugod si Faraon na palayain ang mga anak ng Israel. May apat na yugto na pagdaraanan ng bawat Kristiyano upang makapagsimula sa buong-panahon na ministeryo. Kinakailangan mong kilalanin ang bawat isa sa mga kalagayang ito kapag ikaw ay nahaharap sa mga ito.

    Yugto 1: Hindi gusto ni Faraon na umalis mula sa kaniyang trabaho.

    At sinabi ni Faraon, Sino ang Panginoon na aking pakikinggan ang kaniyang tinig, upang pahintulutan kong yumaon ang Israel? Hindi ko nakikilala ang Panginoon at saka hindi ko pahihintulutang yumaon ang Israel.

    Exodo 5:2

    Gusto ni Faraon na magtrabaho ka sa kaniya hanggang sa ikaw ay mamatay. Gusto niya na pagpawisan at magtrabaho ka hanggang sa ikaw ay mamatay. Alam ni Satanas na maraming mga tao ang hindi na makakaabot sa gulang na kung saan ay magreretiro na sila. Nililinlang niya sila sa pagtatrabaho patungo sa haka-hakang pagreretiro na hindi magkakatotoo.

    Yugto 2: Pahihintulutan ka ni Faraon na maglingkod sa Diyos ngunit gusto niya na manatili ka sa kaniya.

    At tinawag ni Faraon si Moises at si Aaron, at sinabi, Yumaon kayo, maghain kayo sa inyong Dios sa lupain.

    Exodo 8:25

    Sa yugtong ito, naglalagay si Faraon ng isang bagay na nakakapagpabigat. Sumasang-ayon siya na maglingkod ka sa Diyos ngunit kinakailangan na manatili ka sa Egipto. Kinakailangan na ipagpatuloy mo ang pagpapatayo ng mga piramido ni Faraon. Itong anyo ng paglilingkod ay magalang na tinatawag na katulungan na ministeryo. Naglilingkod ka sa Diyos ngunit nakadepende ka sa sistema ng mundo ng pag-iipon ng pera!

    Ipapaalam ni Faraon kung maaari o hindi ka maaaring pumunta sa simbahan. Kapag ikaw ay nasa kaniyang lupain, pag-aari ka niya at siya ang nagpapasya sa lahat ng bagay na gagawin mo. Siya ang nagpapasya kung kailan ka gigising o matutulog. Siya ang nagpapasya sa ginagawa mo araw-araw sa isang lingo. Iniiwan niya ang mga Linggo para sa iyo na kung saan ay makapagpapahinga ka ngunit kung minsan ay kinukuha pa niya ito mula sa iyo.

    Bakit sasabihin ni Faraon sa iyo na maglingkod sa Diyos

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1