Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Mga Sermon sa Ebanghelyo ni Mateo (III) - Aling Ebanghelyo Ang Nagpaperpekto sa Mga Kristiyano?
Mga Sermon sa Ebanghelyo ni Mateo (III) - Aling Ebanghelyo Ang Nagpaperpekto sa Mga Kristiyano?
Mga Sermon sa Ebanghelyo ni Mateo (III) - Aling Ebanghelyo Ang Nagpaperpekto sa Mga Kristiyano?
Ebook427 pages6 hours

Mga Sermon sa Ebanghelyo ni Mateo (III) - Aling Ebanghelyo Ang Nagpaperpekto sa Mga Kristiyano?

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Sinasabi ni Apostol Mateo sa atin na ang Salita ni Jesus ay pinahayag sa bawat isa sa mundong ito, sapagkat kanyang nakita si Jesus bilang Hari ng mga Hari. Ang mga Kristiyano ngayon sa buong mundo, yaong mga kasisilang lang na muli sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na aming ipinalalawig, ay sadyang nananabik sa tinapay ng buhay. Ngunit hindi madali para sa kanila na makipisan sa amin sa tunay na ebanghelyo, dahil sila ngang lahat ay malalayo sa amin.
Kung gayon, upang katagpuin ang mga espiritual na pangangailangan ng mamamayan ni Jesu-Cristo, na Hari ng mga Hari, ang mga sermon sa aklat na ito ay inihanda bilang isang bagong tinapay ng buhay para sa upang makamtan nila ang espiritual na paglago. Pinapahayag ng may-akda na yaong mga nagkamit ng kapatawaran ng kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa Salita ni Jesu-Cristo, ang Hari ng mga Hari, ay dapat kanin ang Kanyang dalisay na Salita upang maipagtanggol ang kanilang pananampalataya at katigan ang kanilang espiritual na pamumuhay.
Ang aklat na ito ay magdudulot ng tunay na espiritual na tinapay ng buhay sa inyong lahat na naging dugong-bughaw na mamamayan ng Hari sa pamamagitan ng pananampalataya. Sa pamamagitan ng Kanyang Iglesia at mga lingkod, patuloy na ipagkakaloob ng Diyos sa inyo itong tinapay ng buhay. Nawa ang mga pagpapala ng Diyos ay mapasa-inyong lahat na mga isinilang na muli sa tubig at sa Espiritu, mga nagnanais na kamtan ang tunay na espiritual na pakikipisan sa amin kay Jesu-Cristo.

LanguageTagalog
PublisherPaul C. Jong
Release dateOct 5, 2023
ISBN9788928203253
Mga Sermon sa Ebanghelyo ni Mateo (III) - Aling Ebanghelyo Ang Nagpaperpekto sa Mga Kristiyano?

Related to Mga Sermon sa Ebanghelyo ni Mateo (III) - Aling Ebanghelyo Ang Nagpaperpekto sa Mga Kristiyano?

Related ebooks

Reviews for Mga Sermon sa Ebanghelyo ni Mateo (III) - Aling Ebanghelyo Ang Nagpaperpekto sa Mga Kristiyano?

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Mga Sermon sa Ebanghelyo ni Mateo (III) - Aling Ebanghelyo Ang Nagpaperpekto sa Mga Kristiyano? - Paul C. Jong

    Panimula

    Sa bawat mga bansa, maraming tao ang tumatanggap ng kapatawaran sa kasalanan. Bunga nito, tayo ay nangangailangan ng mga taong mangunguna sa kanila at magbibigay patnubay sa kanilang pamumuhay kasama ang Panginoon. Dapat nating akayin yaong nagkamit ng kapatawaran sa lahat nilang kasalanan sa Iglesia ng Diyos. Matibay ang aking pag-asam na maraming mga pinuno ang titindig sa bawat bansa ng sanlibutan. Nawa ay maaari kong isugo lahat ng aking mga kawani na mga manggagawa na magsiparoon sa sanlibutan bilang mga sugo ng Diyos, bilang mga misyonero. Subalit kung sila’y ipadadala sa ibang mga bansa, sino ang ang tutulong sa ebanghelyo ng katuwiran dito para sa gawain ng Diyos bilang mga palamuting globito ng kandelero? Ako, sa gayon, ay umaasa na ang mga manggagawa ng Diyos ay uusbong sa bawat bansa para sa dakilang ministeryong ito.

    Ang panunulat na ito ay isa sa aking serye ng espiritwal na paglago para sa mga darating na pinuno ng mga tinubos. Sa aking paglilingkod sa Panginoon, naniniwala ako na ang mamamayan ng Diyos ay uusbong. Sa inaasahang mga darating na pinuno, aking inihanda itong mga sermon sa tape, na akin ngayong inilalahad sa inyo. Ang mga sermon, na inilimbag at isinalin para sa layuning pagsasanay ng mga pinuno ng hinaharap, ito ay maghahatid ng mga mensahe na magsisilbing pagkain para sa kaluluwa ng inyong puso.

    Naniniwala ako na ang mga sermong ito ay tunay na magiging espiritwal na pagkain sa lahat ng tao. Dahil imposible para sa ating lahat ang magkaroon ng pakikipisan ng harapan kasama ang mga mananampalataya at mga manggagawa ng Diyos mula sa ibang mga bansa, nawa sa pamamagitan ng pagbabahagi sa aklat na ito, ako ay magkakaroon ng espiritwal na pakikipisan sa kanila, na nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Tayong lahat ay nagpapasalamat dahil tayo ay ginawa ng Diyos na maging Kanyang mga manggagawa, sa pamamagitan ng pagpapakain sa atin ng Pagkain ng Buhay.

    Tayo sa gayon, ay nakapagpalathala ng higit 20 aklat sa Ingles. At aming nabatid na marami sa mga bumasa ng mga aklat ang nagpapasalamat dahil kanilang nakamtan ang kapatawaran sa kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ngayon, sa pamamagitan ng mga sermon ukol sa espiritwal na paglago, akin muling ipapatotoo sa kanila na ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ang tanging Katotohanan na nagbibigay buhay. Nakatitiyak ako na sila, matapos basahing mabuti itong aklat, makikilala na lahat ng Kasulatan ay puspos ng Katotohanan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. At di-maglaon, lahat ng tao sa daigdig ay magkakaroon ng malalim na kaunawaan na ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ang tanging Katotohanan. Kapag kanilang nalaman ang Katotohanan at talikdan ang kanilang pananampalatayang batay sa damdamin, ang kanilang mga puso ay mapupuspos ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, na siyang tanging daan tungo sa walang hanggang katubusan. At silang lahat ay mamumuhay bilang mga alagad ni Cristo: magiging Kanyang mga instrumento na magliligtas sa mga naliligaw na kaluluwa; at isagawa ang Kanyang gawain para sa naliligaw na tupa sa ibang bansa sa pamamagitan ng paglalagay ng kanilang pananampalataya sa kapangyarihan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.

    Yamang ang bawat halaman ay namumulaklak at magkakaroon ng bunga pagkatapos, naniniwala ako na ang kapangyarihan ng tunay ebanghelyo ay hindi lamang pagpapalain yaong nananalig bagkus ay hahayaan din sila na mamumuhay bilang mga manggagawa ng Diyos. Sila’y pagpapalain sa katawan at espiritu. Ngayon, ang mga manggagawa ng Diyos sa lahat ng bansa ay maghahasik ng mga binhi ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, at ililigtas ang di-mabilang na mga tao mula sa kanilang mga kasalanan. Sa ating pangangaral ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, tayo ay patuloy na magliligtas ng mga kaluluwa. Tayo ay magkakaroon ng maraming mga bunga ng Diyos sa pamamagitan ng paniniwala nitong tunay na ebanghelyo. Tayo ay nabubuhay sa panahon ng pag-aani at tayo ay magkakaroon ng dakilang bilang ng mga bunga ng kaligtasan. Ngayon, tayo ay nananalig sa Kanyang Salita, nagpapasalamat sa Kanya, at niluluwalhati Siya.

    Kung tutulutin ng Diyos, tayo’y patuloy na isasagawa ang mga bagay na ito at nang higit. At ako ay naniniwala na Kanyang pagpapalain ang bawat isa sa atin. Nawa’y ipagkaloob ng Diyos ang masaganang espiritual at pisikal na mga pagpapala—ang mga pagpapala ng banal na pananampalataya mula sa Langit at ang kasaganaan ng daigdig—sa lahat na nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.

    Paul C. Jong

    KABANATA 14

    Ang Labi ng mga

    Espiritwal na Saserdote ay

    Dapat Panatilihin ang

    Kaalaman ng Katotohanan

    < Mateo 14:1-12 >

    Nang panahong yao’y narinig ni Herodes na tetrarka ang balita tungkol kay Jesus, At sinabi sa kaniyang mga tagapaglingkod, ‘Ito’y si Juan Bautista; siya’y muling nagbangon sa mga patay; kaya’t ang mga kapangyarihang ito ay nagsisigawa sa kaniya.’ Sapagka’t hinuli ni Herodes si Juan, at siya’y iginapos, at inilagay sa bilangguan dahil kay Herodias, na asawa ni Felipe na kaniyang kapatid. Sapagka’t sinabi ni Juan sa kaniya, ‘Hindi matuwid sa iyo na aariin mo siya.’ At nang ibig niyang ipapatay siya, ay natakot siya sa karamihan, sapagka’t siya’y kanilang ibinibilang na propeta. Datapuwa’t nang dumating ang araw na kapanganakan kay Herodes, ay sumayaw sa gitna ang anak na babae ni Herodias, at kinalugdan ni Herodes. Dahil dito’y kaniyang ipinangakong may sumpa na sa kaniya’y ibibigay ang anomang hingin niya. At siya, na inudyukan ng kaniyang ina, ay nagsabi, ‘Ibigay mo sa akin dito na nasa isang pinggan ang ulo ni Juan Bautista.’ At namanglaw ang hari; datapuwa’t dahil sa kaniyang mga sumpa, at sa nangakaupong kasalo niya sa dulang, ay ipinagutos niyang ibigay na sa kaniya; At nagutos siya at pinugutan ng ulo si Juan sa bilangguan. At dinala ang kaniyang ulo na nasa isang pinggan, at ibinigay sa dalaga: at dinala nito sa kaniyang ina. At ang kaniyang mga alagad ay nagsiparoon, at kanilang binuhat ang bangkay, at kanilang inilibing; at sila’y nagsialis at isinaysay kay Jesus.

    Ang talata ng Kasulatan na ating binasa ngayon ay isinalaysay ang kamatayan ni Juan Bautista. Nang ang Empero ng Roma ang naghahari sa Israel bilang lupaing nasasakupan, iniluklok si Herodes bilang tetrarka, at sa pamamagitan ni Herodes si Juan Bautista ay pinaslang, dahil isinakdal ni Juan ang kasalanan ni Herodes. Si Haring Herodes ay may kapatid na lalaki sa pangalang Felipe, at ang asawa niya ay tinatawag na Herodias. Nang si Herodes ay kunin ang asawa ng kanyang kapatid at nagsama, marahas na isinakdal siya ni Juan Bautista dahil sa kanyang kasamaan. Si Herodes ay hindi nasiyahan dito, at nais na patayin agad si Juan, ngunit hindi niya maisagawa ito. Sa panahong iyon, kinikilala ng mga tao si Juan Bautista at naniniwala sa kanya bilang isa sa mga propeta sa Lumang Tipan, dahil dito hindi madali para kay Herodes na patayin si Juan. Sa halip ay ipinabilanggo si Juan.

    Isang araw, sa isang pagdiriwang, ang anak na babae ni Herodias, na pamangkin ni Herodes, ay mahusay sa pagsasayaw na nagdala sa pagdiriwang. Ang sayaw na ito ay kahanga-hanga. Dahil Herodes ay lubos na naaliw sa sayaw na ito at siya’y nangako sa anak na babae ni Herodias, Ibibigay ko sa iyo anuman ang ibig mo. Pagkatapos, sa paghimok ng ina kanyang hiniling ang ulo ni Juan Bautista. Si Herodes ay malaki ang kawalan, nguni’t dahil hindi niya maaaring bawiin ang kanyang pangako, inutos niya sa kanyang mga kawal na pugutan ang ulo ni Juan Bautista.

    Dahil pinagsabihan ni Juan Bautista si Herodes sa kanyang mga kasamaan, siya’y pinatay ni Herodes at ng kanyang asawa. Gayon din, maraming mga lingkod ng Diyos sa Biblia ang nangamatay dahil sa paghahayag ng katotohanan.

    Sino si Juan Bautista?

    Si Juan Bautista ang huling propeta at saserdote ng Lumang Tipan na sinugo ng Diyos. At siya ang lehitimong inapo ni Aaron. Sinabi ng ating Panginoon na ang Kaharian ng Langit ay dumaranas ng karahasan simula sa mga araw ni Juan Bautista (Mateo 11:12). Si Juan Bautista ay isang lingkod ng Diyos, na tutupad sa kanyang pagkasaserdote bilang Mataas na Saserdote ng Lumang Tipan, binautismuhan si Jesu-Cristo at nagpatotoo ukol sa Kanya bilang handog na Kordero ng Diyos.

    Si Juan Bautista ay pinagsabihan din ang karaniwang mga tao dahil sa kanilang mga kasalanan, sinasabing, Magsisi, kayong lahi ng mga ulupong. Salamat dahil dito, maraming tao ang nakarinig ng kanyang pagsaway ang nanumbalik sa Diyos. Nang marinig ang pagsaway ni Juan, ang bayan ng Israel ay nakilala ang kanilang mga kasalanan at marami sa kanila ang nanumbalik sa Diyos.

    Ang mga lingkod ng Diyos ay kinikilala ang mga hari at ang mga karaniwang tao dito sa daigdig bilang magkakatulad at sinasaway ang kanilang mga kasalanan. Si Juan Bautista ay hindi basta na lamang hinayaan ang mga kasamaan ni Herodes, bagkus ay marahas na isinakdal ang kanyang kasalanan. Nangahas na sawayin ang kasalanan ni Haring Herodes, nagsasaad na siya’y dakilang lingkod ng Diyos. Dahil si Juan Bautista ay lingkod ng Diyos kaya siya’y buong tapang na pinagsabihan maging ang kasalanan ng isang hari. Sa Lumang Tipan, lahat ng lingkod ng Diyos ay tulad nito.

    Paano ba ngayong kasalukuyang panahon? Yaon bang tinatawag na mga lingkod ng Diyos ay tinuturo ang mga kasalanan ng kongregasyon at pinangangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu? Sa kanilang pagiging labis na paglilingkod sa paraang walang paggalang sa sarili sinisikap nila na bigyang lugod ang kanilang sariling kongregasyon at umiiwas sa kaguluhan anumang pangyayari, hindi lamang sila nabigo na ibunyag ang mga kasalanan ng kongregasyon, bagkus sila’y bigo rin sa pangangaral ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ang mga mananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ay dapat munang tukuyin ang mga kasalanan ng tao at ipatotoo ang Katotohanan ng kaligtasan na magbibigay daan para sa kanila na isilang na muli.

    Si Juan Bautista ay taong nauna kay Jesu-Cristo upang ihanda ang daan ng Kanyang pagliligtas at ang kanyang ministeryo ay mahalaga. Yamang kanyang pinagsabihan ng buong tapang maging ang hari dahil sa kanyang mga kasalanan, ito ay di-maiiwasang kapahayagan na kanya ring pagsasabihan ang karaniwang tao dahil sa kanilang mga kasalanan. Sa pagsagawa nito, kanyang napanunumbalik ang marami sa Diyos. Sa madaling salita, ang tao ay nababatid ang kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng kanyang pagtukoy sa kasalanan at manunumbalik sa Diyos.

    Malibang tukuyin ng mga lingkod ng Diyos ang kasalanan ng tao, ang tao ay hindi makikilala ang kanilang mga kasalanan bagkus ay mahuhulog sa kanilang kapahamakan. Sila’y araw-araw na nagkakasala animo sila’y regular na kumakain, hindi nalalaman ang katotohanan na ang pinagmumulan ng kanilang mga kasalanan ay nakakubli sa kanilang mga puso. Hindi nila nalalaman kung ano ang kasalanan, ni hindi batid ang kalubhaan ng kanilang mga kasalanan, dahil sila ay may kaunting kaalaman sa mga paksang iyon. Ito kung bakit labis na maraming Kristiyano ngayon ang naniniwala lamang kay Jesus bilang isang relihiyon ng sanlibutan, hindi nababatid na sila’y patungo sa impiyerno dahil sa kanilang mga kasalanan.

    Kaya malibang tukuyin ng mga lingkod ng Diyos ang kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, paano nila mababatid na malubha ang kanilang mga kasalanan? Sila’y mga makasalanan na hindi nakikilala ang Diyos ni ang paghahatol ng kasalanan na naghihintay sa kanila. Kapag ang mga lingkod ng Diyos ay lumapit sa kanila at tukuyin ang kanilang mga kasalanan sa kalaunan ay mababatid ang mga kasalanan sa kanilang puso at manunumbalik sa Diyos sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.

    Tayo na nananalig sa ebanghelyo ng Salita ng tubig at ng Espiritu ay siyang mararangal na saserdote sa Kaharian ng Langit. Bilang mga espiritwal na saserdote, dapat nating isagawang mabuti ang dalawang gawain: tulutan ang mga makasalanan na makilala ang kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pagtukoy sa kanilang mga kasalanan at mga kasamaan, at gawin silang manumbalik sa Diyos upang maligtas sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.

    Ang taong nabubuhay sa panahong ito ay lubos na walang pagnanais sa Salita ng Diyos kung saan wala tayong magagawa kundi tukuying ang kanilang mga kasalanan. Labis na maraming tao ang hindi nalalaman ang kalubhaan ng kanilang mga kasalanan kahit pa sila’y patuloy sa pagkakasala. At maging sa mga pinuno ng relihiyon, labis na marami ang taong nanamantala sa kanilang mga kongregasyon sa pamamagitan ng tusong panlilinlang. Sa gayon, si Apostol Pablo ay nagbigay din ng babala sa mga tunay na mananampalataya sa kanyang panahon na sila’y mag-ingat sa gayong mga huwad na ministro, sa pagsabing, sila ang mga kaaway ng krus ni Cristo: Na ang kanilang kahihinatnan ay ang kapahamakan, na ang kanilang dios ay ang tiyan, at ang kanilang kapurihan ay nasa kanilang kahihiyan, na nagiisip ng mga bagay na ukol sa lupa (Filipos 3:18-19).

    Ang mga pinuno ng relihiyon ay ginawa ang di-mabilang na mga tao na maging mga pawang relihiyoso lamang, at kanilang inaakay sila sa kapahamakan. Sinasabi nila sa kanilang mga kongregasyon na maging tapat lamang sa kanilang sariling damdamin habang nabubuhay sa pananampalataya, at puspusin ang kanilang mga puso ng masidhing damdamin sa pagpili ng malulungkot na mga kwento o marubdob na mga awiting pagpupuri. Sa mga bagay na ito, likas lamang sa mga Kristiyano na may maling kaunawaan kay Jesus igigiit na mabuti ang kanilang sariling mga relihiyosong damdamin.

    Sa kabilang dako, ang gayong mga pinuno ng relihiyon ay patuloy na nagsisipaggawa ng bagong mga programa na magbibigay kasiyahan sa kanilang mga kongregasyon. Batid nila, sa madaling salita, kung paano matutustusan ang karnal na mga hangarin ng kanilang mga kongregasyon. Ang mga tao ay nagsisikap na magtamasa sa lahat ng kaaliwan ng buhay ngayon habang sila’y nabubuhay pa rin, animo’y kanilang nababatid na sila di-maglaon ay papanaw sa isang malungkot na kamatayan at magdurusa magpakailanman. Nalalaman ang paghihirap na darating sa kanila, sinisikap nilang magtamasa ng kanilang mga sarili sa bawat pagkakataon at sa anumang paraang maaari, una pa man upang kanilang malasap lahat ng kasiyahan ng buhay. Ito dahil ang kanilang kinabukasan ay madilim. Sa maikling salita, sa ngayong sekular na Kristiyanismo, ang batas ng supply at demand ay mahigpit na pinatutupad, at ito kung bakit ang relihiyosong buhay ay isang kalagayan ng isang katauhan ng isang tao.

    Sinasabi ng mga tao na si Juan Bautista ay isang kabiguan, dahil siya’y pinugutan ng ulo, ngunit ito ay malayo sa katotohanan. Si Juan Bautista ay ang natatanging lingkod ng Diyos na tumupad sa lahat ng kanyang mga tungkulin habang naririto sa lupa. Si Juan Bautista ay nabuhay dito sa lupa ng halos 30 taon, at siya’y sumisigaw sa ilang, Magsisi, kayong mga lahi ng ulupong, at kanya ring pinagwikaan maging ang hari. Bagaman si Juan Bautista ay lubos na iniibig, siya rin ay kinamumuhiang lubos. Tayo rin, ay hindi maiiwasan kundi ang pagwikaan ang maraming Kristiyanong pinuno na inililigaw ang kanilang mga tagasunod. Sa katunayan, hindi nila kinikilala ang Salita ng Diyos o ang Kanyang kautusan. Sinisikap lamang nila na pigilan ang kanilang mga tagasunod na marinig ang tunay na Salita ng Diyos, nagsasabing, Hindi kayo dapat magtungo sa gayong iglesia kung saan ang mga tao ay iginigiit lamang ang Salita ng Diyos. Ang kanilang pananampalataya ay panatiko lamang. Hindi natin maiiwasang pagsabihan sila. Wasto lamang para sa atin na pagsabihan ang mga Kristiyano na naliligaw at kamuhian nila, tulad ni Juan Bautista.

    Sa mga Kristiyanong denominasyon, yaong kabilang sa Presbyterian Church ay iginigiit lamang ang Kautusan ng Diyos at hinihiling sa kanilang mga tagasunod na mamuhay ng may tila kabanalang buhay. Walang kaalaman sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, hindi nila ito pinangangaral sa kanilang mga tagasunod, bagkus kanilang tinutukoy lamang ang kanilang mga kasalanan at pinipigilan sila at gapos ng mga kasalanang ito—ito rin, ay isang malubhang kasalanan.

    Ano Ang Ating Dapat Gawin?

    Tayo na nananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu ang siyang tiyak na lingkod ng Diyos. Kung gayon, dapat nating tupdin itong dalawang tungkulin—tukuyin ang mga kasalanan ng tao at ipangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa kanila. Dapat din nating tukuyin ang mga kasalanan ng tao at pagwikaan sila, at bilang mga saserdote, dapat nating ialay ang mga handog para sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Sa atin pinagkatiwala itong mahalagang gawain na mag-aakay sa mga tao tungo sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, ngunit ito ay hindi madali.

    Kapag ang mga lingkod ng Diyos ay tinutukoy ang mga kasalanan ng tao, kanilang makikilala ang kanilang mga kasamaan at masusumpungan ang pag-iingat ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu na binigay ni Jesu-Cristo. Kapag ang mga lingkod lamang ng Diyos ay wastong tinukoy ang kasalanan ng tao sila’y lalapit kay Jesu-Cristo at makakamtan ang kapatawaran sa kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu; kung hindi, lahat ng ito ay magiging imposible.

    Gayon pa man, sa iba’t-ibang paraan, sa pamamagitan ng aking mga aklat, mga sermon, at mga babasahin sa aming website, aking tinutukoy ang mga kasalanan ng tao. Kapag ako ay nangangaral ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, aking maliwanag na tinutukoy ang mga kasalanan ng tao. Sinuman ang nakatindig sa aking harapan, kung ang taong ito ay nais marinig ang ebanghelyo, sa gayon aking malinaw na sasabihin sa kanya kung gaano ang kanyang kasamaan at kung paano siya matutungo sa impiyerno dahil sa kanyang kasalanan.

    Kamakailan ako ay nangaral ng ebanghelyo sa isang nurse, at sinasabi nitong nurse na siya’y hindi pa nagkakasala. Kami ay nag-usap ng dalawang oras at hanggang sa oras na ito sinasabi niyang siya’y hindi pa nagkakasala, kahit minsan, at wala siyang nilalabag sa Kautusan, ang Salita ng Diyos. Gaano man ang aking pagpapaliwanag ng Sampung Utos sa kanya at sinabi sa kanya na ang paglabag kahit isa lamang sa mga ito ay isang kasalanan, patuloy lamang siya sa pagpipilit na siya’y hindi nagkakasala. Kaya ako ay labis na nanghihinayang.

    Tiyak ka ba na hindi ka pa nagkakasala?

    Oo, ako’y hindi pa nagkasala.

    Kaya ako’y tapat na nagtanong, Hindi ka pa ba nagkaroon ng malaswang imahinasyon sa isang lalaki?

    Namula ang kanyang mukha at kanyang pinahayag na siya’y nagkaroon ng gayong malaswang mga kaisipan. Sa katunayan, ang lahat ay tulad niyaon; paano mangyayari na ang sinuman ay walang mga kasalanan kung iaangkop sa Salita ng Diyos?

    Subalit, anong mangyayari kapag ang mga tao ay aaminin ang kanilang mga kasalanan sa Diyos? Papayagan ng Diyos ang gayong tao na marinig ang ebanghelyo ng Katotohanan na walang kabiguan. Kung gayon, sa pakikinig at pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, kanilang makakamit ang kapatawaran sa kanilang mga kasalanan. Ang nurse sa una’y nagsasabing siya’y hindi pa nagkasala, nguni’t matapos kilalanin ang kanyang likas na kasamaan at marinig ang ebanghelyo ng Salita ng tubig at ng Espiritu, siya’y lubos na nagagalak.

    Bago ko ipangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, aking tinutukoy muna ang mga kasalanan ng tao. Hindi lamang ako ang gumagawa nito, bagkus lahat ng mangangaral ng ebanghelyo ay isinasagawa ito. Dahil kapag ang isang tao ay nakamtan ang kapatawaran sa kanyang mga kasalanan sa pamamagitan ng ganap na kaalaman at pagtanggap sa sarili, at tanggapin at manalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, itong ebanghelyo ay magkakaroon ng malalim na ugat sa kanyang puso. Dahil kapag ang mga kasalanan ng tao ay hindi nabibigyang-pansin, ang kapatawaran sa kasalanan ay hindi ganap na matutupad sa kanilang mga puso.

    Kapwa ko mga mananampalataya, lahat tayo ay masasama sa harap ng Diyos. Hindi ba kayo nakagagawa ng gayong mga kasalanan tulad ng masasamang kaisipan, pagpatay sa kapwa-tao, paninibugho, pangangalunya, pagnanakaw, kapalaluan, at kamangmangan? Hindi ba kayo gumagawa ng gayong mga kasalanan?

    Ang tao sa kalahatan ay naiisip na hindi sila yaong gumagawa ng gayong mga kasalanan. Ito kung bakit kailangan nating tukuyin ang kanilang mga kasalanan sa matibay na paraan. Atin sa gayong ipangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.

    Wasto lamang para sa atin, mga isinilang na muli, na ipangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa mga makasalanan. Kapag ating pinangangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu, kailangan muna nating tukuyin ang mga kasalanan ng lahat at hayaan silang mabatid na siya’y isang malubhang makasalanan. Ang pangangaral ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu matapos nito ay magiging madali. Pinasan ni Jesus lahat ng iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng bautismo, at Siya sa gayon ay namatay sa Krus, nabuhay na muli, at sa gayon iniligtas tayo sa lahat ng ating kasalanan. Atin sa gayong patotohanan kung siya ngayon ay may kasalanan sa kanyang puso o wala: Kinuha ba ni Jesus hindi lamang ang inyong mga kasalanan bagkus maging lahat ng kasalanan ng sanlibutan? At Siya ba’y hinatulan dahil sa inyong mga kasalanan o hindi? Kung gayon, kayo ba’y may kasalanan sa inyong puso o wala? Kailangan nating pagtibayin ito sa pamamagitan ng kapahayagan ng kanyang pananampalataya.

    Kapag tayo ay may pakikipisan sa ibang tao na nagsisikap na tulutan siyang makatamtan ang kanyang kapatawaran sa kasalanan, dapat natin siyang lapitan na may pusong tapat. Tayong mga isinilang na muli, ay mga propeta ng Diyos at mga saserdote at dapat nating maliwanag na ilahad kung ano ang wasto at kung ano ang mali. Kapag kayo at ako ay nangangaral ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa buong daigdig, dapat nating malinaw na ipatotoo ang mga kasalanan ng tao, at patotohanan pagkatapos ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.

    Si Juan Bautista ay isang Lingkod ng Diyos na Kanyang Sinugo sa Buong Sangkatauhan

    Si Juan Bautista ay tunay na lingkod ng Diyos na Kanyang sinugo. Hindi madali ang magbigay puna sa hari dahil sa kanyang mga kasalanan. Ngunit si Juan Bautista ay ibinilanggo dahil sa gayong katapatan sa kanyang tungkulin. Ibinilanggo at nahaharap sa kanyang posibleng kamatayan, siya ay patuloy pa rin sa pagtukoy sa mga kasalanan ng hari at pinagwikaan siya. Nalalaman ni Juan Bautista na siya’y mamamatay. Nalalaman niyang lubos na siya’y papatayin kung siya’y patuloy sa pagpuna sa hari. Ngunit siya’y nagpatuloy at pinagwiwikaan ang hari. Walang pangangailangan si Juan Bautista bilang siyang kinatawan ng sangkatauhan, at siya’y higit na karapat-dapat na maging dakila sa lahat ng propeta sa Lumang Tipan. Sa madaling salita, si Juan Bautista ang higit na dakila kaysa kay Abraham, Moises, David, Propeta Isaias, Propeta Ezekiel, maging kay Propeta Daniel. Tunay na siya’y lingkod ng Diyos.

    Kayo at ako ay kailangang maging mahigpit sa ating mga sarili patungkol dito. Yamang tayo ay may kakulangan, may mga bahagi na kailangang lukuban, ngunit sa harap ng Diyos at sa Salita, kailangan nating kilalanin sa ating mga sarili at tanggapin ang mali bilang mali. Kapag ang ating mga puso ay tapat lamang at dalisay sa harap ng Diyos ating makakamit ang kapatawaran sa ating mga kasalanan sa pananampalataya, sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. At ang gayong tao ang maaaring magkamit sa Banal na Espiritu at maging mga lingkod ng Diyos, dahil sila ang magkakamit ng kapatawaran sa kasalanan.

    Kung tayo ay bigong tukuyin ang mga kasalanan ng tao at sa halip ay pagtakpan ang mga ito, ang kapatawaran sa kasalanan ay hindi makakamit, dahil ang mga tao ay hindi malalaman ang kanilang mga kasamaan. Malibang ating kilalanin ang ating mga kasalanan, wala ni isa sa atin ang makakaabot ng kapatawaran sa kasalanan o ang Banal na Espiritu, gaano man ang ating taimtim sa paghahayag ng ating pananampalataya sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Sa Biblia, nakatala sa Marcos 7:21-23 ang iba’t-ibang mga kasalanang ating nagagawa sa harap ng Diyos. Dapat nating malinaw na ilahad ang ating mga sarili sa harap ng Diyos bilang mga makasalanan na gumagawa ng gayong mga kasalanan sa pamamagitan ng ating mga gawa at mga kaisipan. Sinasabi ng Biblia sa atin na ang kabayaran sa kasalanan ay kamatayan at ang kapahamakan ang naghihintay sa lahat ng nagkasala, dapat lamang nating kilalanin na tayo’y may taglay na gayong mga kasalanan at tayo ay patungo sa impiyerno malibang ating makamtan ang kapatawaran sa mga kasalanang ito. Pagkatapos tayo’y dapat manalig na upang tayo ay maligtas sa ating mga kasalanan si Jesus ay binautismuhan at nagbubo ng Kanyang dugo. Kung ating ipangangaral ang ebanghelyo sa anumang ibang paraan, ang kaligtasan ay hindi matatamo.

    Ating kinikilala na si Juan Bautista ay ang dakila sa lahat ng lingkod ng Diyos. Ito ay dahil, una sa lahat, si Juan Bautista ay binautismuhan si Jesus bilang pagsunod sa misyong pinagkatiwala ng Diyos Ama sa Kanya. Itinaas din niya si Jesus sa pagpapatotoo, Narito! Ang Kordero ng Dios na magaalis sa kasalanan ng sanglibutan (Juan 1:29)! Bunga ng kanyang patotoo, atin sa ngayong malalaman ang Katotohanan kung paano kinuha ni Jesus lahat ng ating kasalanan na minsan magpakailan man sa pamamagitan ng pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Bilang ilaw ng sanlibutan, dapat nating tupdin ang gayon ding tungkulin ni Juan Bautista, at dapat din nating tapat na tuparin ang ating tungkulin bilang marangal na mga saserdote na pinalalawig ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.

    Subalit, ang mga lingkod ng Diyos ay dapat magkaroon ng pananampalataya at karunungan tulad sa nasusulat sa Biblia, Narito, sinusugo Ko kayong gaya ng mga tupa sa gitna ng mga lobo: mangagpakatalino nga kayong gaya ng mga ahas at mangagpakatimtimang gaya ng mga kalapati (Mateo 10:16). Ang mga lingkod ng Diyos ay dapat malinaw na ipahayag ang tunay na ebanghelyo sa mga kumikikilala sa Diyos at tinatanggap ang kanilang likas na kasamaan; kung kayo ay magtanong sa isang tao na hindi kumikilala sa Diyos ni sa Kanyang Salita ukol sa kanyang mga kasalanan, Ikaw ba ay may kasalanan sa iyong puso? kayo sa gayon ay kamumuhian at isasakdal lamang niya. Sa madaling salita, ang mga lingkod ng Diyos ay dapat ding maging matalino.

    Sa daigdig na ito may mga aba sa espiritu, yaong hindi masumpungan ang kasiyahan mula sa mga bagay ng sanlibutan, yaong nananaghoy sa kanilang mga kasalanan, at yaong naliligaw at hinahanap ang Katotohanan. Sa gayong mga tao, dapat nating tukuyin ang kanilang mga kasalanan sa pamamagitan ng Salita ng Diyos at ipangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.

    Tayo ay mga makaharing saserdote sa panahon ng Bagong Tipan, na nagpapahayag ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa daigdig na ito. Dahil ang kasalanan ay laganap nitong kasalukuyang panahon, madaling ibunyag ang mga kasalanan ng tao bilang mga ito. Wasto lamang na ituro sa kanila kung ano ang sinasabi ng Salita ng Diyos ukol sa kasalanan. Kung ating ipapangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa sinumang kumikilala sa kanyang likas na kasamaan, sa gayon siya’y tiyak na mapapatawad sa kanyang mga kasalanan. Sa ating pangangaral ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa mga tao, marami ang tumatanggap ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan, at nanunumbalik sa Diyos.

    Ang tungkulin ng mga saserdote sa panahon ng Lumang Tipan ay ang maghandog ng mga alay ayon sa paraang paghahandog. Ipapatong ng isang tao ang kanyang mga kamay sa ulo ng hinahandog na hayop upang ilipat ang kanyang mga kasalanan, kukunan ito ng dugo at ilalagay sa mga sungay ng dambana ng sunugang handog, at iaalay ang handog sa pamamagitan ng pagsunog sa laman. Sa pagsagawa nito, ang mga saserdote ay posibleng natutupad ang matuwid na pag-ibig ng Diyos. At ito kung paano ang mga tao ay natatamo ang kapatawaran sa kanilang mga kasalanan sa pananampalataya.

    Tayo ang mga makaharing saserdote sa harap ng Diyos. Ang mga saserdote ang namamagitan sa mga tao at sa Diyos at inililipat ang mga kasalanan ng tao sa inaalay na handog. Hindi natin dapat kaligtaan na tayo ang mga espiritwal na saserdote sa harap ng Diyos at dapat nating matalinong isagawa ang ating mga tungkulin sa pamamagitan ng pananalig ng gayon.

    Ngayon, dapat nating ituro sa mga tao kung sila ay may kasalanan sa harap ng Diyos o wala, ituro sa kanila na sinumang may kasalanan ay hindi maliligtas, at yaong tumatanggap nito, ipangaral ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Sila sa gayon ay mananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at matatamo ang kapatawaran sa kanilang mga kasalanan. Ang pag-araro sa mga lupain ng kanilang puso at maghasik ng binhi ng Salita ng Buhay ang pangunahing gawain ng espiritual na mga saserdote. Anuman ang sabihin ng tao, ang labi ng mga espiritual na saserdote ay dapat panatilihin ang kaalaman ng Katotohanan at iukol lahat ng kanilang pagsisikap sa pagpapalawig ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu.

    Hindi natin nalalaman kung ano ang mangyayari bukas. Ngunit kailangan tayong maging kaisa sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu hanggang sa katapusan ng daigdig. Kailangan nating malaman na tayo ay itatapon sa impiyerno kung tayo ay may kasalanan, at dapat tayong magkaroon ng tunay na pananampalataya dito. Kung may kasalanan ngayon sa inyong puso, dapat ninyong malaman na lahat ng inyong kasalanan ay tunay na maglalaho kung kayo ay mananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu at dapat kayong manalig sa lahat ng Salita ng Diyos. Kailangan nating sundin at tanggapin ang sinasabi ng Diyos sa atin; tayong lahat ay kailangan ang karunungan at kaalaman.

    Naniniwala ako na itong daigdig ay hindi na magtatagal pa. Itong mga huling araw, ako ay nagpasiya na palalawigin ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu sa lahat bago ako pumanaw. Ito kung bakit aking pinalalawig ng buong lakas ang ebanghelyo sa inyo. Nakikita ko kung paano ang mga tao sa mga hindi kilalang mga bansa, mga pangalang hindi ko pa naririnig, patuloy sa paghiling ng aming mga aklat ng ebanghelyo at ang aking puso ay nahihikayat ng lalong higit. Kaya maraming tao sa gayong mga bansa ang nagkakamit ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan. Ako ay tunay na nagpapasalamat sa Diyos dahil dito.

    Ako ay may malaking paggalang kay Juan Bautista. Bilang kinatawan ng sangkatauhan, si Juan Bautista ay tapat sa kanyang mga tungkulin hanggang sa huli. Siya ay tunay na pinakadakila sa lahat ng isilang ng mga babae at ang huling Mataas na Saserdote sa Lumang Tipan. Maraming mga saserdote ang nauna sa kanya, ngunit siya ang naglipat sa mga kasalanan ng sangkatauhan kay Jesus bilang kinatawang saserdote ng buong sangkatauhan walang iba kundi si Juan Bautista.

    Ito kung bakit sinabi ni Jesus sa Mateo 11:12, At mula sa mga araw ni Juan Bautista hanggang ngayon, ang kaharian ng langit ay nagbabata ng karahasan, at kinukuha nang sapilitan ng mga taong mararahas. Sinasaad nitong talata na si Jesus, sa pamamagitan ni Juan Bautista, tinanggap lahat ng kasalanan ng sangkatauhan sa pamamagitan ng Kanyang bautismo. Ang karahasan dito ay tumutukoy sa mga mananampalataya na may matibay at wastong pananampalataya upang kuhanin ang Kaharian ng Diyos. Samakatuwid, ang lahat ay dapat makamtan ang kapatawaran sa kasalanan at kunin ang Langit nang sapilitan sa pamamagitan ng matatag na pananalig sa ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. Ngunit ang mga di-mananampalataya ay hindi makapapasok sa Kaharian ng Langit, at sa halip ay itatapon sa walang hanggang apoy ng impiyerno.

    Para sa inyo at sa akin, ang ating layunin para sa buhay ay ang sama-samang pagpapalawig ng ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. At taimtim na hinahangad ko ang mamuhay ng tapat bilang lingkod ng Diyos, tulad ni Juan Bautista. Maliban sa pagpapalawig ng ebanghelyo, wala na akong nais pa dito sa lupa. Ano ang nanaisin sa sanlibutan? Hindi lamang ako, bagkus lahat ng matuwid na isinilang na muli ay wala ng ibang ninanais kundi ang palawigin ang ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu. At ang ating dakilang hangarin ay ang pumasok sa Kaharian ng Panginoon at mamuhay sa kaluwalhatian. Nais nating walang hanggang gagantimpalaan sa Kanyang Kaharian dahil mga pagpapagal na ating naranasan habang narito sa lupa. At hindi na natin nais ang magkaroong mga luha, ni makita ang paghihirap, kundi ang malasap ang kaluwalhatian at ang kaningningan magpakailan man. Yamang pinangako ng Panginoon sa atin na Kanyang tutuparin lahat ng ito para sa atin, tayo’y nananalig sa pangakong ito.

    Kinikilala ko ito bilang sukdulang mahalaga na tupdin ang mga pangako, kahit pa ang mga ito ay likha ng ibang tao. Maraming tao dito sa daigdig na may maliit na pagkilala sa mga pangako at hindi lubos na nagtitiwala, ngunit ako ay nakatitiyak na upang matupad ang pangako, kahit sino pa ang lumikha nito, ay tunay na marangal. Ano ang ukol sa mga pangako ng Diyos? Hindi ba ang mga pangako ng Diyos ay higit na sapat upang parangalan, dahil ang Diyos ay walang hindi tinupad at tutuparin ang alin man sa mga ito? Kaya hindi ko kinikilala na pag-aaksaya na ihandog lahat ng sa akin sa Kanya upang makamtan ang kaganapan ng Kanyang mga pangako. Upang makapasok sa Kahariang Kanyang pinangako kailangan tayong maging tapat sa ating pagkasaserdote na mag-aalis sa mga kasalanan ng tao ayon sa Salita ng Diyos.

    Mayroon akong hihilingin sa inyo, tayo ay sama-samang palawigin itong ebanghelyo ng tubig at ng Espiritu hanggang sa katapusan ng daigdig. Hinihiling ko sa inyo na manalangin para sa ebanghelyo, magtulungan sa isa’t-isa kahit pa tayo ay may maraming mga kakulangan, palawigin itong

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1