Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Ang Malaking Simbahan
Ang Malaking Simbahan
Ang Malaking Simbahan
Ebook189 pages2 hours

Ang Malaking Simbahan

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

"
Pumaroon ka sa mga daan at sa mga bakuran, at pilitin mo silang magsipasok, upang mapuno ang aking bahay."" Lucas 14:23. Ang isinisigaw ng puso ng Diyos ay para sa mundo na maligtas, at para sa kanyang tahanan - ang simbahan - ay mapuno! Mula sa pahayag na ito naipanganak ang aklat na ito na ""Ang Malaking Simbahan ni Obispo Dag Heward-Mills, pastor ng isa sa mga pinakamalaking simbahan sa Ghana. Ang iyong simbahan at ministeryo ay hindi na magiging tulad nang dati matapos mong basahin ang nakapagpapasiglang aklat na ito!
""Si Dr. Heward-Mills ay tapat sa Panginoong Hesukristo at sa gawaing kasama sa pagbabahagi ng ebanghelyo sa mundo. Siya ay isang magiting na pinuno at isang modelo para sa lahat ng nasa ministeryo at kami na narito sa “Church Growth International” ay ikinararangal na makilala at tawagin si Dr. Heward-Mills na kaibigan at kasama sa gawain sa dakilang mga anihan ng mundo.""
-Dr. David Yonggi Cho
Tagapangulo, Church Growth International"

LanguageTagalog
Release dateApr 9, 2018
ISBN9781683986645
Ang Malaking Simbahan
Author

Dag Heward-Mills

Bishop Dag Heward-Mills is a medical doctor by profession and the founder of the United Denominations Originating from the Lighthouse Group of Churches (UD-OLGC). The UD-OLGC comprises over three thousand churches pastored by seasoned ministers, groomed and trained in-house. Bishop Dag Heward-Mills oversees this charismatic group of denominations, which operates in over 90 different countries in Africa, Asia, Europe, the Caribbean, Australia, and North and South America. With a ministry spanning over thirty years, Dag Heward-Mills has authored several books with bestsellers including ‘The Art of Leadership’, ‘Loyalty and Disloyalty’, and ‘The Mega Church’. He is considered to be the largest publishing author in Africa, having had his books translated into over 52 languages with more than 40 million copies in print.

Related to Ang Malaking Simbahan

Related ebooks

Reviews for Ang Malaking Simbahan

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Ang Malaking Simbahan - Dag Heward-Mills

    Kabanata 1

    Dalawampu’t- limang mga Kadahilanan kung Bakit Nararapat Kang Magkaroon ng Malaking Simbahan

    1. Dapat kang magnais na magkaroon ng malaking simbahan sapagkat iyon ang pinakawastong pangitain at layunin para sa isang pastor. Ang pinakamagandang pangitain at nag-aapoy na pagnanais para sa bawat pastor ay ang pangitain para sa malaking simbahan. Bakit hindi ka magnais magkaroon ng malaking simbahan kung magkakaroon ka rin lang naman ng simbahan?

    Kung saan walang pangitain, ang bayan ay sumasama: nguni’t siyang nagiingat ng kautusan ay maligaya siya.

    Mga Kawikaan 29:18

    2. Dapat kang magnais na magkaroon ng malaking simbahan sapagkat ang pagnanais para sa malaking simbahan ay mag-aakay sa iyo sa paglalakbay na tutulong sa paglago ng iyong simbahan. Ang pagkakaroon ng pagnanais para sa mga milagro ang mag-aakay sa iyo sa tiyak na bunga ng pagkakaroon ng mga milagro sa iyong ministeryo. Ang pagnanais ng pagpapala ang mag-aakay sa iyo sa tiyak na bunga ng pagkakaroon ng pagpapala. Ang pagnanais ng paglago ng simbahan ang mag-aakay sa iyo sa paglalakbay sa pagtuklas na makakatulong sa paglago ng iyong simbahan.

    Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Ang lahat ng mga bagay na inyong idinadalangin at hinihingi, ay magsisampalataya kayo na inyong tinanggap na, at inyong kakamtin.

    Marcos 11:24

    3. Dapat kang magkaroon ng malaking simbahan sapagkat ang nakatadhanang nauukol sa hula ng bawat simbahan na itinayo ng Panginoon ay upang magkaroon ng higit na wakas kaysa sa simula. Huwag panghinan ng loob tungkol sa pagiging maliit ng iyong simbahan sa kasalukuyan. Nakatadhana na ang katapusan ng iyong ministeryo ay magiging higit na dakila kaysa sa simula.

    Dahil sa ang Salita ng Diyos ay nanghula na ang kadakilaan ng panghuling sambahayan ay higit na malaki kaysa sa kadakilaan ng nauna, dapat kang maghintay ng higit na malaking bagay kaysa sa nakita mo sa simula. May gagawing malaki ang Diyos at pararamihin Niya ang pagtitipon-tipon ng mga tao.

    At bagaman ang iyong pasimula ay maliit, gayon ma’y ang iyong huling wakas ay lalaking mainam.

    Job 8:7

    4. Dapat kang magkaroon ng malaking simbahan sapagkat ang karamihan sa mga pastor ay nalinlang sa pag-iisip na ang gawain ay nagagawa kahit na ito ay hindi nagagawa.

    Sa panahon ng Kanyang ministeryo, gumawa si Hesus ng napakahalagang paglalahad.

    Nang magkagayo’y sinabi niya sa kaniyang mga alagad, Katotohana’y ang aanihin ay marami, datapuwa’t kakaunti ang mga manggagawa.

    Mateo 9:37

    Ito ay nangangahuluga na marami ang maaaring makuha na mga kaluluwa. Maraming gawain ang naghihintay sa atin. Maraming mga tao ang pupuno sa ating mga simbahan.

    Maraming mga pastor ang nalilinlang sa katotohana na ang kanilang maliliit na bulwagan ay puno na. Maraming mga ministro ang nakakaramdam na sila ay dumating na sa ministeryo. Nakatanggap ka ng magandang sinasahod at mayroong magandang kotse. Pinagpala ka ng Diyos at ang lahat ng iyong mga gastusin ay nabayaran na. Hindi ito nangangahulugan na ikaw ay dumating na. Huwag mong hayaan na bulagin ang iyong mga mata ng diablo sa totoong gawain na dapat nating gawin. Si Satanas ang nagpapaalab ng pagkatulog sa simbahan! Bumubulong siya sa mga puso ng marami sa ministro: Maayos na ang lahat. ‘Ito na yun. Nagawa mo na. Ito na ang pinakamalayo mong mararating. Ito na ang lahat ng matatamo mo para sa Diyos! yaong mga ministro ay nabulag na ang mga espiritwal at mapapangaraping mga mata sa pamamagitan ni Satanas. Bumubulong ang kaaway sa kanilang puso, maayos na ang lahat. Ito na yun. Nagawa mo na!"

    Nais ni Satanas na manatiling maliit ang iyong simbahan. Higit na kakaunti ang mga tao sa iyong simbahan, higit na marami ang kanyang mga bilanggo. Ang laki ng iyong simbahan ay nagpapakita sa iyo kung ano ang lawak ng pagkabawas ng mga tao sa impyerno. Kapag ikaw ay may malaking simbahan, nanganghulugan ito na higit na maraming kaluluwa ang naitatag. Nangangahulugan din ito na higit na maraming mga kaluluwa ang nakatakas sa mahigpit na pagkakahawak ng diablo.

    5. Dapat kang magkaroon ng malaking simbahan sapagkat ang kalooban ng Diyos ay Mapuno ang kanyang bahay. Karamihan sa mga simbahan ay hindi puno sapagkat hindi sila malalaking simbahan.

    At sinabi ng panginoon sa alipin, Pumaroon ka sa mga daan at sa mga bakuran, at pilitin mo silang magsipasok, UPANG MAPUNO ANG AKING BAHAY.

    Lucas 14:23

    Sa Lucas 14, binigyan tayo ng Panginoon ng isang mahalagang pahayag. Sinabi ng amo sa kanyang lingkod, Nais kong mapuno ang aking bahay. Ang amo sa kwentong ito ay kumakatawan kay Hesus. Nais ni Hesus na mapuno ang Kanyang bahay. Sa madaling salita, nais ni Hesus na mapuno ang Kanyang mga simbahan. Nais ng Diyos ang punong mga simbahan! Ang amo sa kwentong ito ay hindi nasisiyahan sa pagkakaroon ng mangilan-ngilang mga tao sa kanyang salu-salo. Gayunpaman, magkakaroon pa rin siya ng salu-salo subalit nais niya ng maraming- maraming mga tao. At higit sa lahat ay nais niyang mapuno ang kanyang bahay.

    Sa pamamagitan ng kwento, ipinapakita ng Diyos ang Kanyang kalooban para sa simbahan. Ang kalooban Niya ay magkaroon ng maraming tao! Ang kalooban Niya ay mapuno ang mga silid! Ang kalooban Niya ay ang nag-uumapaw na mga simbahan! Ang kalooban Niya ay ang MALAKING SIMBAHAN!

    6. Dapat kang magkaroon ng malaking simbahan sapagkat ang iyong bukid na anihan ay ang mundo.

    Hindi tayo ipinadala ng Diyos sa kalapit na bayan lamang. Hindi din Niya tayo ipinadala maging sa mga iilang bayan lamang. Ipinadala Niya tayo sa buong mundo. Kung mayroon lamang tayong maliit na bukirin upang anihin, sa gayon, hindi tayo maaring umasa ng malaking dami ng maaaning mga bunga.

    At sinabi niya sa kanila, Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal. Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas; datapuwa’t ang hindi sumasampalataya ay parurusahan.

    Marcos 16:15-16

    Ang katotohanan na ang buong mundo ay dapat na abutin ay nagpapahiwatig na ang mga maaaning kaluluwa na ating dadalhin ay dapat na malaking-malaki. Ito ay talagang pangunahing bahagdan ng populasyon sa mundo. Kung ang pangunahing bahagi ng populasyon ng mundo ay maliligtas sa pamamagitan ng pangangaral ng Ebanghelyo, kung gayon, ang bawat simbahan ay dapat na sumasabog sa pinagtahian dahil sa kawalan ng puwang.

    7. Dapat kang magkaroon ng malaking simbahan sapagkat ang nauukol sa Bibliya na halimbawa ng mga simbahan ay mayroong libo-libong mga miyembro.

    Hindi ba ang naunang simbahan ang pinakamainam na halimbawa para ating sundin? Kung ang naunang simbahan ay mayroong tatlong libo at limang libong mga tao, hindi ba dapat na maging gabay na maaaring nating sundan? Sa katunayan, ang mga numerong ito ay naitala sa Bibliya ng sa gayon ay malaman natin ang dapat nating layunin.

    Yaon ngang nagsitanggap ng kaniyang salita ay nangabautismuhan: at nangaparagdag sa kanila nang araw na yaon ang may tatlong libong kaluluwa. At sila’y nagsipanatiling matibay sa turo ng mga apostol at sa pagsasamasama, sa pagpuputolputol ng tinapay at sa mga pananalangin.

    Mga Gawa 2; 41-42

    Datapuwa’t marami sa nangakarinig ng salita ay nagsisampalataya; at ang bilang ng mga lalake ay umabot sa mga limang libo.

    Mga Gawa 4:4

    8. Dapat kang magkaroon ng malaking simbahan sapagkat ang pagkakaroon ng malaking simbahan ay nangangahulugan na may higit na maraming kaluluwa ang natamo para sa kaharian. Sa malaking simbahan ay mayroong higit na maraming oras ng pagsamba, higit na maraming pagtatawag sa altar at higit na maraming pagkakataon na maligtas kaysa sa maliit na simbahan. Hindi ba’t ang pakay ng bawat ministro ng ebanghelyo ay makatamo ng mga kaluluwa sa Panginoon? Hindi ba ito isang karagdagang pagpapala na ang malaking simbahan ay hahantong sa pagkakaligtas ng maraming tao na aanib dito?

    9. Dapat kang magkaroon ng malaking simbahan sapagkat sa malaking simbahan, may higit na maraming manggagawa at trabahador na lalabas upang magtrabaho para sa Diyos.

    Nang magkagayo’y sinabi niya sa kaniyang mga alagad, Katotohana’y ang aanihin ay marami, datapuwa’t kakaunti ang mga manggagawa. Idalangin nga ninyo sa Panginoon ng aanihin, na magpadala siya ng mga manggagawa sa kaniyang aanihin.

    Mateo 9:37-38

    Laging may tiyak na bahagdan ng kawan na tunay na mga manggagawa. Anuman ang iyong ginagawa o sinasabi, ang tiyak na bahagdan ng simbahan ay hindi masasangkot sa tunay na gawain ng ministeryo. Laging may mga tagapanood at mga magmamatyag. Laging may magiging mga komentarista. Ang mga manggagawa ay laging nasa ministeryo. Ang pagkakaroon mo ng higit na malaking pangkat ng tao, ay magkakaroon ng higit na maraming manggagawa ang maipapadala. At higit na madali mo silang matutustusan.

    10. Dapat kang magkaroon ng malaking simbahan sapagkat sa pamamagitan ng malaking simbahan, higit na maraming mga ministro ng ebanghelyo, lubusang mga pastor, at mga obispo ang nahirang at napakawalan sa anihan. Sa malaking simbahan, laging may mga programang pagsasanay na lumilikha ng mga pastor. Ang sampung libong mga kasapi samakatuwid ay makakalikha ng higit na maraming mga pastor kaysa sa simbahan na may isang daang kasapi. Sa katunayan, ang pastor na may maliit na simbahan ay tila hindi magkakaroon ng sapat na bilang ng tao na nais maging mga ministro ng ebanghelyo.

    11. Dapat kang magkaroon ng malaking simbahan sapagkat sa malaking simbahan, higit na maraming tao ang mapapabilang sa pananalangin laban sa kapangyarihan sa mga dakong kaitaasan.

    Sapagka’t ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan.

    Dahil dito magsikuha kayo ng buong kagayakan ng Dios, upang kayo’y mangakatagal sa araw na masama, at kung magawa ang lahat, ay magsitibay.

    Magsitibay nga kayo, na ang inyong mga baywang ay may bigkis na katotohanan, na may sakbat na baluti ng katuwiran,

    At ang inyong mga paa ay may panyapak na paghahanda ng evangelio ng kapayapaan;

    Bukod dito ay taglayin ninyo ang kalasag ng pananampalataya, na siyang ipapatay ninyo sa lahat ng nangagniningas na suligi ng masama.

    At magsikuha rin naman kayo ng turbante ng kaligtasan, at ng tabak ng Espiritu, na siyang salita ng Dios:

    Na magsipanalangin kayo sa Espiritu ng lahat ng panalangin at daing sa buong panahon, at mangagpuyat sa buong katiyagaan at daing na patungkol sa lahat ng mga banal

    Mga Taga- Efeso 6:12-18

    Kapag ikaw ay may malaking simbahan, higit na maraming panalangin ang pupunta sa Panginoon. Samakatuwid, higit na maraming tao ang maliligtas at maitatatag. Nang ako ay ipinadala ng Panginoon upang magtatag ng mga simbahan sa Europa, ipinakita niya ang isang mahalagang papel na aming gagampanan sa pagtatayong muli ng Kanyang Kaharian sa kontinenteng iyon. Alam mo, ang Europa ay naging tunay na kontinente ng mga taong hindi naniniwala sa Diyos. Inalis nila ang Diyos sa kanilang mga isipan. Marami sa mga taga-Europa ang hindi man lang naniniwala na mayroong Diyos.

    Ilang taon na ang nakararaan, nagpadala ang Europa ng mga misyonero sa mundo. Subalit ngayon, nahulog sila sa pinakamababang antas ng malademonyong pagkabulag at kawalan ng Diyos. Ipinakita ng Diyos sa akin na ang isa sa aming mga tungkulin bilang isang simbahan ay magpakawala ng panalangin sa kapaligiran hinggil sa Simbahan sa Europa. Ang aming pagkakatigil sa mga bansang tulad ng Aleman, Olandes at Inglatera, ay nagbunga ng higit na maraming panalanging pamamagitan sa mga bansang iyon.

    Ang aming simbahan sa Geneva ay mayroong magdamagang pananalangin tuwing Biyernes mula hatinggabi hanggang ika- anim ng umaga. Nakaakit sila ng espiritwal na digmaan sa lupain kung saan nalimot ang Diyos. Sa pamamagitan ng mga simbahang tulad ng sa amin na pumupunta sa mga bansa, dahil dito ay higit na maraming panalangin ang nangyayari. Isa ito sa mga pangunahing dahilan kung bakit ang malalaki at pagkakaroon ng mga sangay ng simbahan ay mahalaga.

    Kapag ang aking simbahang pinapastol, ang Lighthouse Cathedral ay lumaki sa tiyak na sukat, kaya na naming magkaroon ng matagumpay na magdamagang pagpupulong upang manalangin araw-araw. Sa gayon ay mayroon kaming iba-ibang pangkat na nananalangin gabi-gabi.

    Mas malaki ang simbahan, mas maraming pangkat na nananalangin ang nalilikha. Higit na maraming pananalangin ang magagawa sa malaking simbahan! Iyon ang dahilan kung bakit nais ng dyablo na manatiling maliit ang simbahan!

    12. Dapat kang magkaroon ng malaking simbahan sapagkat ang malaking simbahan ay nakakagawa ng malalaking mga pangkat at ang malalaking mga pangkat ay naglilikha ng malaking pag-asa.

    At samantalang ang mga tao’y nagsisipaghintay at pinagbubulaybulay ng lahat sa kanilang puso ang tungkol kay Juan, kung siya kaya ang Cristo;

    Lucas 3:15

    Sa pamamagitan ng karanasan, aking napansin na mas malaki ang pangkat ng mga tao, higit na malaki ang pag-asa. Kapag may isang malaking pagtitipon ng mga tao ng Diyos, mayroong anyo ng katuwaan, pag-asa at tunay na pananampalata. Bakit ito ganito? Ito ay dahil ang pananampalataya ng bawat isa ay nadadagdagan ng kung ano ang kanilang nakikita.

    Ang pagkakaroon ng malaking pangkat ng mga tao ay nakakapukaw ng pananampalataya at nakalilikha ng katuwaan. Ang pinagsamang pananampalataya ng pangkat ng mga tao ay higit kaysa sa pananampalataya ng iisang tao lamang. Nakakatulong ito upang ilabas ang kaloob ng Dyos mula sa ministro.

    Nangaral ako sa maliliit na pangkat at sa napakalaking mga pangkat. Ang espiritwal na kapaligiran ng dalawang kalagayang ito ay kalimitang magkaiba.

    13. Dapat kang magkaroon ng malaking simbahan sapagkat sa malaking simbahan, magkakaroon ka ng higit na malaking patunay ng mga milagro dahil sa higit na malaking pangkat ng tao at higit na malaking pag-asa.

    At bumaba si Felipe sa bayan ng Samaria, at ipinangaral sa kanila ang Cristo. At ang mga karamiha’y nangagkakaisang nangakikinig sa mga bagay na sinasalita

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1