Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Silang Mga Mapanganib na Anak
Silang Mga Mapanganib na Anak
Silang Mga Mapanganib na Anak
Ebook177 pages2 hours

Silang Mga Mapanganib na Anak

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Ang aklat na ito ay isa pang kaloob mula sa panulat ni Dag Heward-Mills sa lahat ng ministro na magbabasa nito. Ang aklat na ito ay sasagot sa mga tanong kung paanong pangasiwaan ang mga magugulong mga relasyon sa gitna ng mga ama at mga anak na lalaki. Sa pamamagitan ng pagtuturo sa aklat na ito, maililihis mo sa sumpa ang iyong buhay at madadala mo ang isang pagpapala. Ang mga ama ay natatnging mga tao na makakapagpalaki ng mga anak at mga baguhan. Kung wala ang mga ama ay wala ang mga anak na magpapatuloy ng ministeryo sa mga susunod na saling-lahi.
Ang tawag ng Diyos ay yayabong o mamamatay sa iyong kakayahang makipag-ugnayan sa mga ama. Basahin mo ang aklaat na ito at maiwasan ang sumpa na kaugnay ng hindi paggalang, hindi pagsunod at pagkakaroon nang hindi magagandang kaugnayan sa mga ama.

LanguageTagalog
Release dateApr 26, 2018
ISBN9781683988663
Silang Mga Mapanganib na Anak
Author

Dag Heward-Mills

Bishop Dag Heward-Mills is a medical doctor by profession and the founder of the United Denominations Originating from the Lighthouse Group of Churches (UD-OLGC). The UD-OLGC comprises over three thousand churches pastored by seasoned ministers, groomed and trained in-house. Bishop Dag Heward-Mills oversees this charismatic group of denominations, which operates in over 90 different countries in Africa, Asia, Europe, the Caribbean, Australia, and North and South America. With a ministry spanning over thirty years, Dag Heward-Mills has authored several books with bestsellers including ‘The Art of Leadership’, ‘Loyalty and Disloyalty’, and ‘The Mega Church’. He is considered to be the largest publishing author in Africa, having had his books translated into over 52 languages with more than 40 million copies in print.

Related to Silang Mga Mapanganib na Anak

Related ebooks

Reviews for Silang Mga Mapanganib na Anak

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Silang Mga Mapanganib na Anak - Dag Heward-Mills

    Kabanata 1

    Paano Kumilala ng Isang Ama

    Sapagka’t bagaman mangagkaroon kayo ng sampung libong mga guro kay Cristo, ay WALA NGA KAYONG MARAMING MGA AMa; sapagka’t kay Cristo Jesus ipinanganak ko kayo sa pamamagitan ng evangelio.

    1 Mga Taga-Corinto 4:15

    Ang regalo ng pagiging isang ama ay isang pambihirang kaloob. Hindi lahat ng lalaki ng Diyos ay isang ama. Hindi lahat ng nagtuturo ng Salita ng Diyos ay isang ama. Hindi lahat ng bumibisitang mangangaral at guro ay mga ama.

    Ang Ama Ay isang Kakaibang Kaloob

    Maraming tao ang magbibigay ng opinyon sa iyong buhay. Ang mga tagapagturo at guro ay sumasagana ngunit ang mga ito ay naiiba mula sa mga ama. Ang opinyon ng isang ama ay komprehensibo. Ang isang ama ay bibigyan ka ng kumpletong bungkos na higit kaysa sa isang mabuting pangangaral. Ang guro ay inaalintana ang pagbibigay ng magandang aral. Ang propeta ay inaalintana ang pangagasiwa ng kapangyarihan ng Diyos sa pamamagitan ng pangitain, pangaginip at salita ng karunungan. Ngunit ang isang ama ay alintana ang iyong kabuuang kapakanan.

    Dahil ang pagiging ama ay kinakailangan ng mas higit pa, hindi ganun karami ang mga ama! Mas madali ang magpahayag mula sa inihandang tala kaysa sa magbigay ng kabuuang pagaaruga. Ang mga tao ay maaring mahirap pakiusapan at walang utang na loob na tanging mga ama lamang ang may kakayahan na pangasiwaan sila sa loob ng ng mahabang panahon.

    Maraming, marami ang mga pastor, ebanghelista at propeta, ngunit isang ama na propeta – sino ang makakahanap? Ito ang dahilan kung bakit sinabi ni Pablo: Bagaman magkakaroon kayo ng sampung libong mga guro, ay wala nga kayong maraming mga ama.

    Ang susi na katangian ng isang ama ay hindi ang kanyang edad kundi ang kanyang abilidad na gumawa ng kanyang kawangis. Salungat sa ilang opinyon, maraming mga kabataan ang may puso ng isang ama.

    Sa likas, ang mga tao ay kadalasan nagiging ama sa murang edad. Ang patunay ng pagiging ama ay nasa mga anak na bunga ng isang ama. Kinakailangan ng pagmamahal, panata at pasensya para magpalaki ng mga anak. Sa huli, ang mga anak ang magpapakita sa iyong pagiging ama.

    Kung iyong paghahambingin ang mga ministeryo ni Elias at Eliseo, halimbawa, iyong matatagpuan ang kanilang pagkakaiba sa pagitan ng isang ama na propeta at hindi ama na propeta. Ang pagkakaiba na ito ay lubos na nagiging malinaw kapag iyong pinagaralan ang kanilang mga ministeryo. Sa pamamagitan ng paghahambing ng mga ministeryo ni Elias at Eliseo, madali mong makikita ang pagkakaiba ng lalaking may puso ng isang ama at ang wala.

    Si Elias at Eliseo ay parehas naging mahusay na propeta. . Ngunit si Elias ay may karagdagang regalo ng pagiging ama. Dahilan kung bakit siya may kahalili. Si Eliseo ay walang kahalili. Kanyang isinumpa si Giezi na kanyang tagapagmana. Isinumpa niya si Giezi nang ito ay nakagawa ng pagkakamali kaugnay sa salapi. Ang puso ng isang ama ay hindi isusumpa ang kanyang nag-iisang anak.

    Ang espiritu ng pagiging ama ay ang bagay na pinagmumulan para ang isang lalaki ng Diyos ay magbunga ayon sa kaniyang sariling uri. Sa madaling salita, Ang regalo ng pagiging ama ay ang paghahayag ng pagmamahal ng Diyos. Kinakailangan ng pagmamahal para magpalaki ng mga taong hindi naiintindihan kung ano ang ginagawa para sa kanila.

    Kinakailangan ng pagmamahal para magpalaki ng mga tao na hindi ka maiintindihan sa maraming taon. Tunay nga, ang Diyos ay nagpapadala ng maraming, maraming guro na maglilingkod sa ating mga buhay. Kanilang ituturo ang mga aral at punto na bumubuo ng doktrina. Ngunit ang isang ama ay mas higit pa ang gagawin. Higit pa sa pagtuturo sa iyo, siya ay paglilingkuran ka ng pagmamahal at pasensya na kinakailangan upang dalhin ka sa ganap na kalooban ng Diyos.

    Ang idealismo sa isang ministro ay itinutulak siya na habulin ang pagiging perpekto sa lahat ng oras. Ang idealista at ang taong hangad lagi ang pagiging perpekto ay kadalasang mga hindi mabuting ama. Kadalasan nilang hindi binibigyan halaga na ang grasya ng Diyos ay dahan- dahang na nagtratrabaho sa buhay ng isang tao. Kanilang iginigiit ang pagiging perperkto sa lahat ng oras na hindi posible para sa mga tao.

    Maari mong matanggap ang lalaki ng Diyos bilang isang guro. Maari mo din siyang tanggapin bilang isang pastor. Maari mong tanggapin ang isang lalaki ng Diyos bilang propeta o ebanghelista. Siya rin ay posible mong matanggap bilang isang ama.

    Nawa’y makatagpo ka ng ama sa buhay na ito! Naway matanggap mo ang kapasidad na magmahal at ikaw mismo ay maging ama!

    Kabanata 2

    Paano Kumilala at Tumanggap ng Iba’t Ibang mga Ama sa Iba’t Ibang Kapanahunan ng Buhay

    Ang Diyos ay magpapadala ng iba’t ibang mga ama sa iba’t ibang panahon

    Sapagka’t bagaman mangagkaroon kayo ng sampung libong mga guro kay Cristo, ay wala nga kayong maraming mga ama; sapagka’t kay Cristo Jesus ipinanganak ko kayo sa pamamagitan ng evangelio.

    1 Mga Taga-Corinto 4:15

    Ang Diyos ay magsusugo ng ilang iba’t ibang tao para magsilbing ama sa iyo. Ang una sa mga ito ay iyong tunay na ama sa mundo na siyang kailangan mong matanggap nang wasto. Marapat na hindi mo tignan ang iyong ama bilang sinaunang panahon na walang kinalaman sa katotohanan ng modernong buhay. Ang pagtingin sa iyong biyolohikong ama bilang lipas na ay maghahadlang sa iyo mula sa pagtanggap ng malawak na karunungan.

    Ang biyolohikong ama na ito ay magkakaroon ng mga limitasyon sa pagiging ama. Hindi magtatagal ang pagpapasa ay kinakailangan nang magsimula at ang susunod na tao mula sa Panginoon upang magsilbi bilang ama para sa iyo ay darating na sa eksena. Sa pamamagitan ng kanyang ministeryo, iyong matatanggap ang pagaaruga ng isang ama na iyong kakailanganin sa iyong pagdaraanan sa susunod na yugto ng iyong buhay. Pagkatapos ay panibagong tao ang maaring tumindig upang gumanap bilang ama sa iyong buhay. Tila isang riley ang nangyayari! Ang gabilya ng pagiging ama ay iniaabot mula sa isang tao papunta sa iba.

    Maraming bagay ang iyong byolohikong ama ay hindi sasabihin sa iyo. Marahil ay marapat niysang sabihin sa iyo ang lahat, ngunit kanyang hindi ginagawa. Para sa marami sa atin, ang ating mga magulang ay hindi tayo binigyan ng hakbang-hakbang na pagpapayo sa pagpili ng magiging asawang babae o lalaki. Karamihan ng biyolohikong mga magulang ay magbibigay lamang ng komento sa iba’t ibang bagay kaugnay sa pagaasawa.

    Kadalasan hanggang dito na lamang ang kanilang pagpapayo sa pagaasawa. Maraming salamat sa Diyos para sa mga pastor na silang madalas gumaganap sa ganitong papel at gumagabay ng mga bata papunta sa pagaasawa. ang mga pastor ay kadalasan ang nagiging sumusunod na ama sa riley.

    Isang araw, ang aking anak na babae ay tinanong ako, Itay, paano nabubuntis ang tao?

    Ako ay nagulat sa tanong pero sumagot ako, Ang Diyos ang gumagawa nito upang sila ay mabuntis

    Ngunit kanyang iginiit, Alam ko na ang Diyos ang may kagagawan upang sila ay mabuntis ngunit paano ito nangyayari?

    Ako ay bumulongbulong ng ibang sagot at nagawang baguhin ang paksa.

    Kinalaunan ang aking asawa ay sinabi sa akin, Kailangan mong kausapin ang mga bata tungkol sa pagtatalik.

    Ako ay sumagot, Bakit ako? Ikaw ang kumausap sa kanila tungkol doon

    Nagsimula kaming magtalo at sinabi niya, Ikaw ang puno ng tahanan kaya ikaw dapat ang kumausap sa kanila

    Ngunit ako ay sumagot, Ikaw ang kanilang ina at lagi kang nakikipagusap sa kanila, kaya bakit hindi mo din sabihin sa kanila tungkol dito?

    Siya ay nagpatuloy, Ito ay iyong tungkulin at dapat mong gampanan ang iyong papel!

    Ngunit hindi ako sumang-ayon. Ginamit ko ang aking kapangyarihan bilang puno ng tahanan at iniutos sa kanya na kausapin ang mga bata tungkol sa lahat ng mga bagay na ito.

    Kami ay dumating na sa punto kung saan ang aming ablidad sa pagiging ama at ina ay nagkukulang na. Aming hangad na ang Diyos ay magpadala ng ibang tao para magministro sa aming mga anak katulad ng kami ay nagministro sa anak ng ibang tao. Kami ay nananalangin na ang susunod na ama sa riley ay magpapakita sa eksena at tutulungan gabayan ang mga bata para sa katiwasayan.

    Sa daan-daan na tagapagturo at guro, palaging importante na makilala kung sino ang magsisilbing mga ama. Ang mga ama ay may mas malawak na saklaw ng pag-aalala para sa iyong buhay. Ang kanilang kontribusyon ay higit kahit sa kanilang mga sinasabi. Iyong matutuklasan na ang kanilang ministeryo ay nagaalaga sa iyo ng lubos. Ang kanilang ministro ay may kataka-takang malawak na epekto sa iyong buhay.

    Isa sa mga susi sa pagkilala ng isang ama ay kilalanin ang kanyang pag-ibig, pag-aalaga at direksyon ng ating Ama sa Langit na naipapasa sa pamamagitan niya sa iyong buhay.

    Maraming tao ang nagkakamaling isipin na ang bersikulo ay nagsasabing mayroon kang sampung libong guro ngunit mayroon kang isang ama. Ang sabi ng Banal na Kasulatan ay wala kang maraming mga ama. Sinabi nito sa ibang salita na ikaw ay mayroong iilang mga ama.

    Sinabi ni Hesus, Huwag tawagin ang sinuman na ama.

    At huwag ninyong tawaging inyong ama ang sinomang tao sa lupa: sapagka’t iisa ang inyong ama, sa makatuwid baga’y siya na nasa langit.

    Mateo 23:9

    Ito ay dahil walang tao ang tunay na kayang maging lahat ng kung ano dapat ang pagiging isang ama.. Lahat ng kalalakihan ay nabigong maabot ang gampanin na ito at tanging ang Ama sa Langit ang tunay na magiging halimbawa ng pagiging isang ama.

    Napansin mo na ba kung paano ang mga ama sa lupa ay madalas nakikipagpaligsahan at nakikipagaway sa kanilang mga anak? Kahit ang mga byolohikong ama ay maaring maging dahilan ng maraming sakit at pagdudusa sa kanilang mga anak.

    Maraming tao ang may pagkamuhi sa kanilang mga ama. At marami ang mga buhay na magulo dahil sa kanilang mga ama. Ito ay sapat na ebidensya na ang pagiging ama ng isang taong ayong sa laman ay puno ng hindi pagiging perpekto.

    Ito ang dahilan kung bakit may pangangailangan sa tinatawag ko na, ang riley ng mga ama

    Ang riley ay kinakailangan ang Diyos na magpadala ng isang tao pagkatapos ng isa pa sa iba’t ibang yugto ng iyong buhay at ministeryo. Mahalagang makilala ang iba’t ibang tao habang sila ay dumadating sa iyong buhay.

    Ito ang inilalarawan ni Hesus na talinghaga sa Mateo 21. Tunay na tayo ay hahatulan sa kung papaano natin tatanggapin ang iba’t ibang mga ama na ipapadala ng Diyos sa atin.

    Pakinggan ninyo ang isa pang talinghaga: May isang tao, na puno ng sangbahayan, na nagtanim ng isang ubasan, at binakuran niya ng mga buhay na punong kahoy sa palibot, at humukay roon ng isang pisaan ng ubas, at nagtayo ng isang bantayan, at ipinagkatiwala yaon sa mga magsasaka, at napasa ibang lupain. At nang malapit na ang panahon ng pamumunga, ay SINUGO ANG KANYANG MGA ALIPIN sa mga magsasaka, upang tanggapin ang kaniyang bunga.

    At pinaghawakan ng mga magsasaka ang kaniyang mga alipin, at hinampas nila ang isa, at ang isa’y pinatay, at ang isa’y binato. Muling SINUGO NIYA ANG IBANG MGA ALIPIN, na mahigit pa sa nangauna; at ginawa rin sa kanila ang gayon ding paraan.

    Datapuwa’t pagkatapos ay sinugo niya sa kanila ang kaniyang anak na lalake, na nagsasabi, Igagalang nila ang aking anak. Datapuwa’t nang makita ng mga magsasaka ang anak, ay nangagusapan sila, Ito ang tagapagmana; halikayo, siya’y ating patayin, at kunin natin ang kaniyang mana.

    At siya’y hinawakan nila, at itinaboy siya sa ubasan, at pinatay siya.

    Mateo 21:33-39

    Ang Diyos ay nagpapadala ng mga ama sa ating mga buhay na kadalasan hindi natin nakikilala. Ang mga tao ay nagagawang awayin ang kanilang mga ama! Kailangan nating matutunan na tanggapin ang mga ama na ipinapadala ng Diyos sa ating buhay.

    Ano ang Pagkakaiba sa pagitan ng Pagtanggap ng isang Ama at Pagtanggap ng isang Tagapagturo?

    Ang pagtanggap ng isang tagapagturo ay kinakailangan ng pagtanggap ng kanyang mga pangangaral mula sa Salita ng Diyos. Ang pagtanggap ng isang ama ay kinakailangan ng pagtanggap ng isang tao sa paraan na ang isang ministeryo na napakahalaga sa buhay ang darating sa iyo.

    Sa likas, ang iyong biyolohikong ama ay nakakaapekto sa iyo sa maraming paraan. Tuturuan ka niya kung paano kumain, kung paano magbihis at kung paano mamuhay. Siya ay nagbibigay sa iyo ng karunungan, payo at mga munting pangaral para sa buhay. Siya ay nagbibigay ng halimbawa para iyong sundin at magsilbi bilang isang pinagmumulan ng inspirasyon at direksyon.

    Ihambing ito sa iyong guro sa paaralan. Ang mga tagapagturo na ito ay kadalasang hindi gumagabay nang kasing komprehensibo katulad ng mga ama. Pag ikaw ay nakatagpo ng isang taong malawak ang impluwensiya sa iyong buhay, marahil

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1