Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Ang Mga Espiritwal Na Panganib
Ang Mga Espiritwal Na Panganib
Ang Mga Espiritwal Na Panganib
Ebook114 pages1 hour

Ang Mga Espiritwal Na Panganib

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Ang isang Kristiyano ay lumalakad sa gitna ng maraming mga panganib, mga bitag at mga patibong. Ang aklat na ito ay magbubukas sa iyong mga mata sa maraming mga hindi nahahalatang mga panganib na naghihintay upang manakit, magpahamak at manira sa atin. Tulungan mo ang iyong sarili, at iligtas ang iyong sarili sa pamamagitan ng makapangyarihang aklat na ito sa mga espirituwal na panganib!

LanguageTagalog
Release dateApr 9, 2018
ISBN9781683986348
Ang Mga Espiritwal Na Panganib
Author

Dag Heward-Mills

Bishop Dag Heward-Mills is a medical doctor by profession and the founder of the United Denominations Originating from the Lighthouse Group of Churches (UD-OLGC). The UD-OLGC comprises over three thousand churches pastored by seasoned ministers, groomed and trained in-house. Bishop Dag Heward-Mills oversees this charismatic group of denominations, which operates in over 90 different countries in Africa, Asia, Europe, the Caribbean, Australia, and North and South America. With a ministry spanning over thirty years, Dag Heward-Mills has authored several books with bestsellers including ‘The Art of Leadership’, ‘Loyalty and Disloyalty’, and ‘The Mega Church’. He is considered to be the largest publishing author in Africa, having had his books translated into over 52 languages with more than 40 million copies in print.

Related to Ang Mga Espiritwal Na Panganib

Related ebooks

Reviews for Ang Mga Espiritwal Na Panganib

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Ang Mga Espiritwal Na Panganib - Dag Heward-Mills

    Kabanata 1

    Bakit May Ilang Bagay na Dapat Unahing Gawin

    Ang mga maling priyoridad ay ang mapanganib para sa mga Kristiyano. Kung ikaw ay isang makasalanan, ikaw ay pumipili sa pagitan ng dalawang opinyon: mabuti o masama. Habang ikaw ay lumalago sa Panginoon, ang iyong mga pagpipilian ay dumadami at ikaw ay nagkakaroon ng mas maraming pinagpipilian.

    Sa panahong ito ang iyong mga mapagpipilian ay hindi lamang sa pagitan ng mabuti at masama ngunit sa pagitan ng mabuti at mabuti. Sa kung ano ang gagawin, malimit na may mabubuting bagay na mapagpipilian. Kapag ikaw ay dumating sa puntong ito, mahalaga na maunawaan mo ang konsepto ng priyoridad: Ano ang unang dapat kong gawin? Si Hesus ay nagbigay sa atin ng isang dakilang pagpapahayag tungkol sa ilang mga bagay na dapat munang magawa bago ang ibang bagay.

    Nakawiwiling pag-aralan ang mga bagay na sinabi ni Hesus na dapat unahin. Tuwing si Hesus ay magsasalita tungkol sa una o kaunaunahang isyu, Siya ay gumagamit ng salitang Griyego na proton. Sa aklat na ito, titingnan natin ang mga isyung proton; ang mga bagay na sinabi ni Hesus na dapat maunang gawin.

    Bilang isang Kristiyano, dapat mong unahin ang ilang mga bagay. Ang unahin ang mga bagay ay nangangahulugan na una sa oras, pagkakasunod-sunod, bilang, ranggo at halaga.

    Dapat unahing gawin ng isang Kristiyano ang pinakamahalagang bagay.

    Bakit May Ilang mga Bagay na Dapat Unahing Gawin?

    1. Ang anomang bagay na hindi inuunang gawin ay tila nawawalan ng halaga.

    Ang Diyos ay napakatiyaga sa atin. Marami ang sumusuway sa Kanya at sila ay tila nakakatakas mula dito. Ang kahalagahan ng Salita ng Diyos ay tila naglalaho habang tayo ay nagpapatuloy sa pagsuway. Pagdaka ang siyang mas mahalaga kaysa sa alinmang bagay ay kinamumuhian at nawawalan ng katuturan.

    Sa ngayon, ako ay nagmiministeryo sa ilalim ng pagpapala at marami ang gumagalang sa akin dahil sa aking ministeryo. Ngunit kung ako ay hindi sumunod sa Diyos, maaaring ako ay namuhay na lamang bilang isang karaniwang doktor. Ang mga talakayan tungkol sa tawag ng Diyos ay tila hindi magiging mahalaga at mawawalan ng katuturan.

    Habang kasama ko ang aking mga kaibigan sa medisina sa iba’t ibang mga pagamutan, ang kaisipan na maging pastor ay magmumukhang katawa-tawa. Marahil ay sasabihin ko sa aking mga kaibigan na, Hayaan mong sabihin ko sa iyo ang isang kalokohan na minsan ay aking naisip. Alam mo ba na minsan kong ninais na maging isang pastor? Alam ninyo naman na noong tayo ay mga bata pa, tayo ay sobrang espiritwal at hindi praktikal.

    Wala ka pa bang nakikilalang tao na nagsabi na sila ay dating nakalinya upang maging pari? Sa kanilang pagtanda sinusubukan nilang punuan ang kanilang pagsuway sa pamamagitan ng kanilang mga anak.

    Ako ay may kakilala na pinilit ang isa sa kanyang mga anak na maging isang pari.

    Sinabi niya sa kanyang anak, Ako ay tinawag ng Diyos na maging pari ngunit ako ay hindi sumunod sa tawag na ito. Ikaw ay magpari at bibigyan kita ng mga ari-arian at salapi upang ikaw ay hindi mangailangan ng kahit ano. Sa bandang huli ng kanilang buhay sinusubukan nilang punuan ang buhay na hindi pagsunod at hindi pagtulong sa Diyos.

    Mahal na kaibigan, sinisigurado ko sa iyo na habang ginagawa mo ang iyong kagustuhan ikaw ay mas lalong lalayo at ang mga kautusan ng Diyos ay tila mas lalong mahirap sundin. May dahilan kung bakit may proton.

    Ang Proton, ang paggawa ng mga bagay na dapat unahin, ang magliligtas sa iyo sa pagkakalinlang. Ikaw ay aalagaan ng Diyos at siya ang magiging kasama mo habang ikaw ay dumadaloy sa Kanyang kalooban.

    2. Ang anomang bagay na hindi inuunang gawin ay maaring hindi na magawa.

    Ang pagpapaliban ay kalimitang nangangahulugan ng hindi pagtuloy. Ang anomang bagay na hindi inuunang gawin ay maaring hindi na magawa. Hindi ko alam na ang pagpapaliban ng isang bagay ay maaring humantong sa hindi pagtuloy nito.

    Minsan ay kinakailangan kong maglakbay mula sa London patungong New York upang maglingkod. Sa katunayan, ako ay dapat na maglingkod sa Maryland noong gabing iyon. Sa kasamaang-palad, ako ay may napaka-agang biyahe mula sa paliparan ng Heathrow sa London, patungong Amsterdam at pagkatapos ay mula Amsterdam patungong New York. Hindi ko pinaniwalaan ang oras na aking nakita sa aking tiket. Ako ay nag-akala na ito ay lubhang maaga.

    Nang ako ay makarating sa paliparan, sa unang pagkakataon sa aking buhay, ako ay nahuli upang pumasok sa eroplano. Ako ay nahuli nang dalawampung minuto sa oras ng pagpasok. Ako ay nabigo. Kinakailangan kong maghintay ng susunod na biyahe patungong Amsterdam!

    Hindi ka na aabot sa iyong biyahe patungong New York mula Amsterdam subalit ikaw ay maaring sumakay sa susunod na biyahe. ang sabi nila sa akin. Aking napagtanto noong mga oras na iyon, na ako ay aabot pa rin sa New York at ako magkaroon ng oras upang magpunta sa Maryland. Kaya’t ako ay tumawag sa New York upang sabihin sa pastor na ako ay darating ngunit kinakailangan muna naming dumaan ng Maryland. Sinigurado ko siya na kami ay may sapat na oras at ang programa ay magpapatuloy pa rin sa kabila ng ilang pagka-antala.

    Sa Amsterdam, ako ay buong tiwala na sumakay sa eroplano patungong New York na inaakalang ito ay aalis agad. Makalipas ang ilang saglit, ako ay napatingin sa labas ng bintana at nakita ko na may nilalagay sila sa pakpak ng eroplano. Pagkatapos ay may anunsyong ipinahayag: Ang ating makina ay puno ng yelo kaya’t hindi ligtas na tayo ay lumipad. Kakailanganin namin ng isang oras upang ang mga ito ay maalis. Mangyari po lamang na kayo ay makipagtulungan sa amin.

    Binilang kong muli kung ilang oras ang aking kakailanganin upang ako ay umabot sa Maryland. Ang buong simbahan ay naghihintay sa akin. Ako ay kanilang hinihintay nang ilang linggo. Sa kasamaang-palad, mukhang ako ay hindi na aabot.

    Matapos ang suliranin sa yelo, isang bagong suliranin ang dumating, na nagsasaad nang mas matagal pang pagka-antala. Sa panahong ito sinabi nila na ang palikuran ng eroplano ay kinakailangang ayusin. Hindi pa ako nakarinig kahit kailan na ang palikuran ng eroplano ay nasira ngunit ito ay nangyayari noong mga oras na iyon! Dalawang oras pa ang lumipas bago kami tuluyang nakalipad.

    Ako ay nakaupong naghahapis habang lumilipas ang mga minuto, habang iniisip kung ilang mga tao ang nagtipon-tipon para sa porgrama. Sa kalaunan, kinakailangan kong tanggapin na ang programa ay tuluyan nang hindi itinuloy dahil ako ay hindi na aabot. Habang ako ay nakaupo sa aking upuan, ako ay nagnilay-nilay tungkol sa dalawampung minuto na pagka-antala sa London na naging dahilan nang hindi pagtuloy ng buong programa.

    Ang Panginoon ay nangusap sa akin: Nakikita mo ba na ang pagka-antala ay nangangahulugang hindi pagtuloy?

    Ipinakita sa akin ng Panginoon na ang pagpapaliban sa pagsunod sa Kanyang Salita ay hahantong sa hindi tuluyang pagsunod sa Kanyang Kalooban! Ipinakita sa akin ng Panginoon na hinayaan niyang marananasan ko ito upang aking matutuhan na ang pagpapaliban sa pagsunod sa Kanyang kalooban ay minsang humahantong sa hindi pagsunod dito.

    Marami sa naglalayong sumunod sa Diyos ay humahantong sa tuluyang hindi pagsunod sa Kanya dahil inuuna nila ang mga maling bagay. Ang kanilang pag-aasawa, ang kanilang mga PhD, mga MBA, ang kanilang limang taon na paglalakbay, ay mas nauuna kaysa sa pagsunod sa Panginoon. Ang pagsunod sa Diyos, na siyang pumapangalawa lamang ay hindi na tuluyang nagagawa.

    Ako ay nalulungkot kapag nakikita ko ang mga tao na dapat sana ay nasa may kabuuang-oras na ministeryo ang ipinagpapaliban ito hangga’t magawa nila ang ilang mga bagay. Sa kasamaang-palad ang pagpapalibang ito ay tuluyan nang nagsara ng pintuan sa pagkakataon upang sila sana ay mapunta sa may kabuuang-oras na ministeryo. Ang hindi napagtatanto ng mga tao ay sa paglipas ng panahon, ang kanilang mga kalagayan ay magbabago nang husto na ang kalooban ng Diyos ay tila hindi na makatotohanan.

    Ang pagka-antala ay kalimitang nangangahulugan ng hindi pagtuloy subalit marami ang hindi nakakalam ng katotohanang ito. Ang Diyos ba ay nangusap

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1