Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Silang Mga Mapagkunwari
Silang Mga Mapagkunwari
Silang Mga Mapagkunwari
Ebook126 pages1 hour

Silang Mga Mapagkunwari

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Ang pagmamataas ay isang nakamamatay na lason na nakaapekto sa lahi ng mga tao sa loob ng maraming taon. Dahil imposibleng makita ito, ang pagmamataas ay mayroong kakayanan na gumawa ng malaking kaguluhan. Paano natin malalaban ang panganib na ito sa ating mga buhay? Sa pamamagitan ng bakuna ng pagpapakumbaba! Ang pagpapakumbaba ay isang mahalagang espiritual na katangian. Ilang tao na ang sumubok na sumulat ukol sa hindi malinaw, subalit mahalagang espirituwal na katangiang ito. Sa bago't nakatutuwang seryeng ito, isinisiwalat ni Dag Heward-Mills ang marami sa mga hindi nahahalatang anyo ng pagmamataas. Ang makapangyarihang aklat na ito, na isinulat ng isang nahihirapang Kristiyano, ang magpapala at maghihikayat sa iyong magkaroon ng tila-batang pagpapakumbaba ni Hesukristo.

LanguageTagalog
Release dateApr 9, 2018
ISBN9781683986256
Silang Mga Mapagkunwari
Author

Dag Heward-Mills

Bishop Dag Heward-Mills is a medical doctor by profession and the founder of the United Denominations Originating from the Lighthouse Group of Churches (UD-OLGC). The UD-OLGC comprises over three thousand churches pastored by seasoned ministers, groomed and trained in-house. Bishop Dag Heward-Mills oversees this charismatic group of denominations, which operates in over 90 different countries in Africa, Asia, Europe, the Caribbean, Australia, and North and South America. With a ministry spanning over thirty years, Dag Heward-Mills has authored several books with bestsellers including ‘The Art of Leadership’, ‘Loyalty and Disloyalty’, and ‘The Mega Church’. He is considered to be the largest publishing author in Africa, having had his books translated into over 52 languages with more than 40 million copies in print.

Related to Silang Mga Mapagkunwari

Related ebooks

Reviews for Silang Mga Mapagkunwari

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Silang Mga Mapagkunwari - Dag Heward-Mills

    Kabanata 1

    Ang Ispiritu ng Isang Mapagkunwari

    1. Ang mapagpanggap ay nagdadala ng espiritu ng isang aktor.

    2. Ang mapagpanggap ay may mali at huwad na personalidad.

    3. Ang mapagpanggap ay nagdadala ng espiritu ng paimbabaw at kataksilan.

    4. Ang mapagpanggap ay nagdadala ng espiritu ng pag-iispiya at modernong lihim na pagmamatiyag.

    5. Ang mapagpanggap ay nagdadala ng espiritu ng kasinungalingan at panlilinlang.

    6. Ang mapagpanggap ay nagdadala ng espiritu ng nakaambang kawasakan. Kung ang mapagpanggap ay malapit sa iyo, ikaw ay nasa mapanganib na hukay.

    7. Ang mapagpanggap ay nagdadala ng espiritu ng mamamatay tao dahil halos lahat ng mga mapagpanggap ay mga mapanira at mamamatay tao.

    MGA PANGUNAHING MAPAGKUNWARI SA BIBLIYA

    1. SI DELILAH AY MAPAGKUNWARI. Si Delilah ay nagpanggap na iniibig niya si Samson. Inaliw siya, pinagpahinga siya, at pinahiga siya sa kanyang kandungan. Sa huli, nahayag na siya ay nagsisinungaling, mapaglinlang at mamatay tao.

    At nangyari pagkatapos, na siya’y suminta sa isang babae sa libis ng Sorec, na ang pangala’y Dalila.

    At inahon ng mga pangulo ng mga Filisteo ang babae, at sinabi sa kaniya: Dayain mo siya, at tingnan mo kung saan naroon ang kaniyang dakilang kalakasan, at sa anong paraan mananaig kami laban sa kaniya upang aming matalian at mapighati siya: at bibigyan ka ng bawa’t isa sa amin ng isang libo’t isang daang putol na pilak.

    At sinabi ni Dalila kay Samson, Saysayin mo sa akin, isinasamo ko sa iyo, kung saan naroon ang iyong dakilang kalakasan, at kung paanong matatalian ka upang pighatiin ka.

    At nang makita ni Dalila na sinaysay sa kaniya, ang buong taglayin niya sa kaniyang puso, ay nagsugo siya at tinawag ang mga pangulo ng mga Filisteo, na sinasabi, Ahunin pa ninyong minsan, sapagka’t sinaysay niya sa akin ang buong taglayin niya sa kaniyang puso. Nang magkagayo’y inahon siya ng mga pangulo ng mga Filisteo, at nagdala ng salapi sa kanilang kamay.

    At pinatulog niya siya sa kaniyang mga tuhod; at nagpatawag siya ng isang lalake, at inahit ang pitong tirintas sa kaniyang ulo; at pinasimulan niyang pighatiin siya, at ang kaniyang lakas ay nawala.

    At sinabi niya, Narito na sa iyo ang mga Filisteo, Samson. At siya’y gumising sa kaniyang pagkakatulog, at sinabi, Ako’y lalabas na gaya ng dati, at ako’y magpupumiglas. Nguni’t hindi niya talos na ang Panginoo’y humiwalay sa kaniya.

    (Mga Hukom 16:4-6,18-20)

    2. SI HUDAS AY MAPAGPANGKUNWARI. Si Hudas ay nagpanggap na siya ay matapat na disipulo ni Hesukristo. Sa huli nahayag na siya ay traydor, mapagpanggap at mamamatay tao.

    At pumasok si Satanas kay Judas, na tinatawag na Iscariote, na kabilang sa labingdalawa.

    At siya’y umalis, at nakipagusap sa mga pangulong saserdote at mga punong kawal kung paanong maibibigay niya siya sa kanila.

    At sila’y nangagalak, at pinagkasunduang bigyan siya ng salapi.

    At pumayag siya, at humanap ng ukol na panahon upang kaniyang maibigay siya sa kanila, nang hindi kaharap ang karamihan.

    At nang magtindig siya sa kaniyang pananalangin, ay lumapit siya sa mga alagad, at naratnan silang nangatutulog dahil sa hapis,

    At sinabi sa kanila, Bakit kayo nangatutulog? mangagbangon kayo at magsipanalangin, upang huwag kayong magsipasok sa tukso.

    Samantalang nagsasalita pa siya, narito, ang isang karamihan, at siyang tinatawag na Judas, na isa sa labingdalawa, ay nangunguna sa kanila; at siya’y lumapit kay Jesus upang ito’y hagkan.

    Datapuwa’t sinabi ni Jesus sa kaniya, Judas, sa isang halik baga ay ipinagkakanulo mo ang Anak ng tao?

    (Lucas 22:2-6,45-48)

    3. SI ABSALOM AY MAPAGKUNWARI. Si Absalom ay nagpanggap na mahal niya ang kanyang kapatid nang imbitahan niya siya para sa isang salu-salo. Sa huli, nalantad na ang salu-salo ay isang panloloko. Ang kanyang salu-salo ay isa lamang patibong upang patayin ang kanyang kapatid na si Ammon.

    At hindi nagsalita si Absalom kay Amnon kahit mabuti o masama man; sapagka’t pinagtaniman ni Absalom si Amnon dahil sa kaniyang dinahas ang kaniyang kapatid na si Thamar.

    At nangyari, pagkatapos ng dalawang buong taon, na nagpagupit ng mga tupa si Absalom sa Baal-hasor na nasa siping ng Ephraim: at inanyayahan ni Absalom ang lahat ng mga anak ng hari.

    At naparoon si Absalom sa hari, at sinabi niya, Narito ngayon, ang iyong lingkod ay nagpapagupit ng mga tupa; isinasamo ko sa iyo na ang hari at ang kaniyang mga lingkod ay magsiyaong kasama ng iyong lingkod.

    At sinabi ng hari kay Absalom, Huwag anak ko, huwag tayong magsiyaong lahat, baka maging mabigat na pasan sa iyo. At pinilit niya siya: gayon ma’y hindi siya yumaon, kundi binasbasan siya.

    Nang magkagayo’y sinabi ni Absalom, Kung hindi isinasamo ko sa iyo, pasamahin mo sa amin ang aking kapatid na si Amnon. At sinabi ng hari sa kaniya, Bakit siya sasama sa iyo?

    Nguni’t pinilit siya ni Absalom, na anopa’t kaniyang pinasama sa kaniya si Amnon at ang lahat ng mga anak ng hari.

    At iniutos ni Absalom sa kaniyang mga lingkod na sinasabi, Tandaan ninyo ngayon, pagka ang puso ni Amnon ay sumaya dahil sa alak; at pagka ang aking sinabi sa inyo, Saktan ninyo si Amnon, patayin nga ninyo siya: huwag kayong mangatakot: hindi ba ako ang nagutos sa inyo? kayo nga’y magpakalakas, at magpakatapang.

    At ginawa ng mga lingkod ni Absalom kay Amnon kung ano ang iniutos ni Absalom. Nang magkagayo’y nagsitindig ang lahat ng mga anak ng hari, at sumakay bawa’t lalake sa kaniyang mula, at tumakas.(2 Samuel 13:22-29)

    4. SI JAEL AY ISANG MAPAGKUNWARI. Nilinlang niya si Sisera na komandante ng hukbo ng Canaanite. Sinabi niya sa kanya na huwag matakot at hinimok na sumama sa kanya at magpahinga. Karumaldumal na pinatay ni Jael si Sisera sa pamamagitan ng pagtatanim ng pako sa kanyang ulo. Kakaunting mga lalaki lamang ang makagagawa ng ganung karumaldumal na gaya niyon. Ang malumanay, mapag-aliw, at mapagpanggap na babae ay isa palang mamamatay tao. Pambihira!

    Gayon ma’y TUMAKAS SI SISARA NA TUMAKBO SA TOLDA NI JAEL NA ASAWA NI HEBER na Cineo; sapagka’t may kapayapaan si Jabin na hari sa Asor at ang sangbahayan ni Heber na Cineo.

    AT SINALUBONG NI JAEL SI SISARA, AT SINABI SA KANYA, LUMIKO KA, PANGINOON KO, LUMIKO KA RITO SA AKIN: HUWAG MATAKOT. At siya’y lumiko sa kaniya sa loob ng tolda, at siya’y tinalukbungan niya ng isang banig.

    At sinabi niya sa kaniya, Isinasamo ko sa iyo na bigyan mo ako ng kaunting tubig na mainom; sapagka’t ako’y nauuhaw. At binuksan niya ang isang balat na sisidlan ng gatas, at pinainom niya siya, at tinakpan siya.

    At sinabi ni Sisara sa kaniya, Tumayo ka sa pintuan ng tolda, at mangyayari, na pagka ang sinoman ay darating at magtatanong sa iyo, at magsasabi, May tao ba riyan? na iyong sasabihin, Wala.

    NANG MAGKAGAYO’Y KUMUHA SI JAEL NA ASAWA NI HEBER NG ISANG TULOS NG TOLDA, AT KUMUHA NG ISANG PAMUKPOK SA KANIYANG KAMAY AT NAPAROONG DAHANDAHAN SA KANIYA, AT ITINUSOK ANG TULOS SA KANIYANG PILIPISAN at pinalagpasan siya hanggang sa lupa; sapagka’t siya’y nakatulog ng mahimbing; sa gayo’y nanglupaypay siya at namatay. ( MGA HUKOM 4: 17-21)

    5. SI HUSAI AY ISANG MAPAGPANGGAP. Si Husai ay nagpanggap na siya ay nasa kampo ni Absalom. Nagpanggap siya na nagbibigay ng mabubuting payo, ipinapaliwanag ang bawat puntos ng may mga magagandang dahilan. Sa katotohanan, naglilingkod si Husai para kay Haring David at nakadestino siya sa palasyo ni Absalom upang tumulong kay haring David sa loob.

    At nangyari na nang si David ay dumating sa taluktok ng bundok, na doon sinasamba ang Dios, narito, si HUSAI NA ARACHITA ay sumalubong sa kaniya, na ang kaniyang suot ay hapak, at may lupa sa kaniyang ulo: At sinabi ni David sa kaniya, Kung ikaw ay magpatuloy na kasama ko ay magiging isang pasan ka nga sa akin. Nguni’t kung ikaw ay bumalik sa bayan, at sabihin mo kay Absalom, Ako’y magiging iyong lingkod, Oh hari; kung paanong ako’y naging lingkod ng iyong ama nang panahong nakaraan, ay gayon magiging lingkod mo ako ngayon: kung magkagayo’y iyo ngang masasansala ang payo ni Achitophel sa ikabubuti ko. At hindi ba kasama mo roon si Sadoc at si Abiathar na mga saserdote? kaya’t mangyayari, na anomang bagay ang iyong marinig sa sangbahayan ng hari, iyong sasaysayin kay Sadoc at kay Abiathar na mga saserdote. (2 Samuel 15:32-35)

    At nangyari, nang SI HUSAI NA ARACHITA, NA KAIBIGAN NI DAVID, AY DUMATING KAY ABSALOM, NA SINABI NI HUSAI KAY ABSALOM, MABUHAY ANG HARI, MABUHAY ANG HARI! At sinabi ni Absalom kay Husai, Ito ba ang iyong kagandahang loob sa iyong kaibigan? bakit hindi ka sumama sa iyong kaibigan? At sinabi ni Husai kay Absalom, Hindi; kundi kung sinong piliin ng Panginoon, at ng bayang ito, at ng lahat na lalake sa Israel, doroon ako, at sa kasamahan noon tatahan ako. At saka, kanino ako maglilingkod? hindi ba sa harap ng kaniyang anak? kung paanong ako’y naglingkod sa harap ng iyong ama, ay magiging gayon ako sa iyong harap. Nang magkagayo’y sinabi ni Absalom kay

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1