Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Isang Dakilang Bagay Ang Paglingkuran Ang Panginoon
Isang Dakilang Bagay Ang Paglingkuran Ang Panginoon
Isang Dakilang Bagay Ang Paglingkuran Ang Panginoon
Ebook92 pages1 hour

Isang Dakilang Bagay Ang Paglingkuran Ang Panginoon

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Maaring narinig mo na na isang dakilang bagay ang maglingkod sa Panginoon, subalit hindi mo pa siguro malinaw na napag-isipan kung gaano kadakila ang maglingkod sa ating Panginoong Diyos. Sa natatanging aklat na ito ni Dag Heward Mills mauunawaan mo kung sino ang lingkod ng Diyos at paano makapaglilingkod sa Panginoon. Nawa ay praktikal mong malaman ang kaibahan ng mga naglilingkod sa Diyos at mga hindi naglilingkod sa Kanya! Nawa ay mapabilang ka sa mga taong naglilingkod sa Panginoon!

LanguageTagalog
Release dateApr 12, 2018
ISBN9781683986836
Isang Dakilang Bagay Ang Paglingkuran Ang Panginoon
Author

Dag Heward-Mills

Bishop Dag Heward-Mills is a medical doctor by profession and the founder of the United Denominations Originating from the Lighthouse Group of Churches (UD-OLGC). The UD-OLGC comprises over three thousand churches pastored by seasoned ministers, groomed and trained in-house. Bishop Dag Heward-Mills oversees this charismatic group of denominations, which operates in over 90 different countries in Africa, Asia, Europe, the Caribbean, Australia, and North and South America. With a ministry spanning over thirty years, Dag Heward-Mills has authored several books with bestsellers including ‘The Art of Leadership’, ‘Loyalty and Disloyalty’, and ‘The Mega Church’. He is considered to be the largest publishing author in Africa, having had his books translated into over 52 languages with more than 40 million copies in print.

Related to Isang Dakilang Bagay Ang Paglingkuran Ang Panginoon

Related ebooks

Reviews for Isang Dakilang Bagay Ang Paglingkuran Ang Panginoon

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Isang Dakilang Bagay Ang Paglingkuran Ang Panginoon - Dag Heward-Mills

    Kabanata 1

    Sino ang Isang Lingkod ng Diyos?

    Hindi mo kailangang maging isang pastor o misyonaryo upang maging isang lingkod ng Diyos. Alam nating lahat na ang mga pari, propeta, mga mangangaral ng ebanghelyo at mga pastor ay mga lingkod ng Panginoon. Alam natin na ang mga gayong tao ay mapalad na tawaging mga lingkod ng kataas- taasang Diyos. Kaylaking pagpapala ang mayroon sila upang paglingkuran ang lumikha sa kanina. Gayunman, ang mabuting balita ay ang ibang mga tao na hindi ministro ng ebanghelyo ni Jesu-Cristo ay maaari ring maging mga lingkod ng Diyos.

    Sa katunayan, ang Biblia ay puno ng mga kwento ng mga taong hindi pastor ngunit mga lingkod ng Diyos. Tinawag sila ng Diyos na Kanyang mga lingkod at iyon ay ang kung ano sila. Ang ilan sa mga taong ito ay mga hari, pulitiko, negosyante, milyunaryo, magsasaka, at pati ang mga hindi Judio.

    Ang katotohanan na ang mga tao, maliban sa mga pari at ebanghelista, ay tinawag na mga lingkod ng Diyos ay may malaking implikasyon para sa lahat. Ito ay nangangahulugang maaari kang maging lingkod ng Diyos! Ang isang tagabangko, isang abogado, isang manggagamot, isang pulitiko, isang parmasiyotiko at ang isang tagasingil ng buwis ay maaaring maging lingkod ng Diyos.

    Hindi mo kailangang mapabilang sa ministeryo ng buong panahon upang maging lingkod ng Diyos. Maaari ikaw ay nagtatrabaho sa kahit na anong trabaho na walang kaugnayan sa relihiyon at maging lingkod pa rin ng Diyos. Mahalagang itala ang lahat ng taong tinukoy ng Diyos na Kanyang mga lingkod.

    Ang isang lingkod ay isang tao na nagsasagawa ng mga kagustuhan ng iba. Ang isang lingkod ay isang tao na nagsisilbi sa interes ng isang tao. Mula ngayon hanggang sa hinaharap, dapat mong ituring ang iyong sarili na lingkod ng Diyos. Ang isang mag-aaral ay maaaring maging lingkod ng Diyos! Ang isang negosyante ay maaaring maging lingkod ng Diyos! Ang

    isang guro ay maaaring maging lingkod ng Diyos! Maaari mong isakatuparan ang mga hiling ng Makapangyarihang Diyos maging anuman ang iyong hanapbuhay. Ang pinakamalaking gawain na maaari mong gawin ay ang maging lingkod ng Diyos.

    Hindi na nakapagtataka na ang mga pari, mga Levita at mga propeta at tinawag na mga lingkod ng Diyos. Sina Abraham, Isaac at Jacob ay hindi mga pastor ngunit tinukoy sila ng Diyos bilang Kanyang mga lingkod. Alam ko na nais ninyong isipin si Abraham bilang isang pastor. Ngunit si Abraham ay hindi isang pastor. Siya ay lingkod lamang ng Diyos. Alam ko rin na nais ninyong ituring na pastor si Moises. Subalit, si Moises ay ang pinuno ng bansang Israel. Tinukoy ng Diyos si Haring David bilang Kanyang lingkod. Sa katunayan, sina Moises at David ay parehong pinuno ng bansang Israel at mga hinalinhan nina David Ben Gurion, Shimon Peres, Yitzhak Rabin, Ehud Barak, Ariel Sharon at Benjamin Netanyahu. Ang isang pinuno ng bansa ay hindi isang pastor. Ang isang pinuno ng bansa ay maaaring maging lingkod ng Diyos. Sina Moises at David ay parehong mahuhusay na mga lingkod ng Diyos. Tiyakin na anumang posisyon ang inyong mahawakan, kayo ay magiging lingkod ng Diyos.

    Si Job ang pinakamahusay na negosyante mula sa Silangan. Dahil si Job ay mula sa Silangan, marahil siya ay Tsino, Koreano o Hapon. Si Job ay napakayaman ngunit tinawag siyang isang lingkod ng Diyos. Ipinagmalaki rin ng Diyos sa demonyo ang lingkod Niyang si Job. Mula sa pananaw ng langit, si Job ay isang lingkod ng Diyos. Ngayon, ang mga mayayamang negosyante ay hindi na naglilingkod sa Diyos. Kung ikaw ay isang negosyante, maaari kang maging katulad ni Job at maging lingkod ng Diyos. Ang aklat na ito ay isinusulat upang ikaw ay maging isang lingkod ng Diyos. Nais ng Diyos na ikaw ay Kanyang maging lingkod. Papayuhan kita na maging lingkod ng Diyos. Maraming mga pakinabang sa pagiging isang lingkod ng Diyos. At iyon ang paksa ng aklat na ito! Magpasya na maging isang lingkod ng Diyos. Magpasya na ikaw ay tatawagin na isa sa mga lingkod ng Diyos. Hayaan mong ang langit ang tumukoy at magbigay ng respeto sa iyo bilang isang lingkod ng Diyos. Tingnan natin ang kamangha-manghang listahan ng mga taong tinawag na mga lingkod ng Diyos sa Biblia.

    1. Ang mga pari at mga Levita ay mga lingkod ng Diyos.

    At, narito, may mga bahagi sa mga saserdote at sa mga Levita, na ukol SA LAHAT NA PAGLILINGKOD SA BAHAY NG DIOS: at magkakaroon sa iyo sa lahat ng sarisaring gawain ng bawa’t may kusang kaloobang tao na bihasa sa sarisaring paglilingkod: ang mga punong kawal naman at ang buong bayan ay lubos na sasa iyong utos.

    1 Kronika 28:21

    2. Ang mga propeta ay mga lingkod ng Diyos.

    At iyong sasaktan ang sangbahayan ni Achab na iyong panginoon, upang aking ipaghiganti ang dugo ng aking mga lingkod na mga propeta, at ang dugo ng lahat na lingkod ng Panginoon sa kamay ni Jezabel.

    2 Mga Hari 9:7

    Nguni’t angakingmga salita atangakingmga palatuntunan, na aking iniutos sa aking mga lingkod na mga propeta, hindi baga nagsiabot sa inyong mga magulang? at sila’y nanumbalik at nangagsabi, Kung paano ang inisip na gawin ng Panginoon ng mga hukbo sa amin, ayon sa aming mga lakad, at ayon sa aming mga gawa, gayon ang ginawa niya sa amin.

    Zacarias 1:6

    3. SinaAbraham,IsaacatJacob,angmgapinakamatagumpay na negosyanter, ay mga lingkod ng Diyos.

    Alalahanin mo si Abraham, si Isaac, at si Israel na iyong mga lingkod, na silang iyong mga sinumpaan sa iyong sarili, at mga pinagsabihan, Aking pararamihin ang inyong binhi na gaya ng mga bituin sa langit, at lahat ng lupaing ito na aking sinalita ay aking ibibigay sa inyong binhi, at kanilang mamanahin magpakailan man.

    Exodo 32:13

    4. Si Jacob, isang milyunaryo, ay isang lingkod ng Diyos.

    Nguni’t ikaw, Israel, lingkod ko, Jacob na siyang aking pinili, na binhi ni Abraham na aking kaibigan; Ikaw na aking hinawakan mula sa mga wakas ng lupa, at tinawag kita mula sa mga sulok niyaon, at pinagsabihan kita, Ikaw ay aking lingkod, aking pinili ka at hindi kita itinakuwil;

    Isaias 41:8-9

    5. Si Moises, ang pinuno ng estado, ay isang lingkod

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1