Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Pagtatayo ng Simbahan
Pagtatayo ng Simbahan
Pagtatayo ng Simbahan
Ebook207 pages2 hours

Pagtatayo ng Simbahan

Rating: 0 out of 5 stars

()

Read preview

About this ebook

Ang pagtatanim ng mga simbahan ay isang kababalaghan na nagkalat sa lahat ng mga ministro ng ebanghelyo. Isa rin itong pangunahing gawain sa mga naunang mga disipulo. Ang matagumpay na pagtatanim ng mga simbahan ay nangangailanga ng kakayanan at nagtataglay ng maraming mga dahilan. Si Dag Heward-Mills, ang tagapagtaguyod ng isang karismatikong denominasyon sa buong mundo na may tatlong libong mga simbahan, ang aakay sa atin sa pag-aaral ng iba't ibang bahagi ng pagtatanim ng mga simbahan sa aklat na ito. Ito ay isang aklat sa pagsasanay para sa sino mang ministro na nagnanais gawing layunin ang pagtatanim ng simbahan sa kanyang buhay at ministeryo.

LanguageTagalog
Release dateApr 12, 2018
ISBN9781683986317
Pagtatayo ng Simbahan
Author

Dag Heward-Mills

Bishop Dag Heward-Mills is a medical doctor by profession and the founder of the United Denominations Originating from the Lighthouse Group of Churches (UD-OLGC). The UD-OLGC comprises over three thousand churches pastored by seasoned ministers, groomed and trained in-house. Bishop Dag Heward-Mills oversees this charismatic group of denominations, which operates in over 90 different countries in Africa, Asia, Europe, the Caribbean, Australia, and North and South America. With a ministry spanning over thirty years, Dag Heward-Mills has authored several books with bestsellers including ‘The Art of Leadership’, ‘Loyalty and Disloyalty’, and ‘The Mega Church’. He is considered to be the largest publishing author in Africa, having had his books translated into over 52 languages with more than 40 million copies in print.

Related to Pagtatayo ng Simbahan

Related ebooks

Reviews for Pagtatayo ng Simbahan

Rating: 0 out of 5 stars
0 ratings

0 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Pagtatayo ng Simbahan - Dag Heward-Mills

    Kabanata 1

    Ang Pagpapalawak ng Simbahan Pagsulong

    Mayroong mga pagkakataon kung kailan ang isang tao ay nag-iisip kung ang isang simbahan ay tunay na sumusulong o hindi. Maraming mga gawain sa simbahan at mga programang nagaganap. Subalit sumusulong ba talaga ang kaharian ng Diyos o ito ba’y paikot-ikot lamang?

    Minsan sa isang malaking lungsod nakikita mong maraming mga bagong simbahan ang naitatayo. Kalimitan, ang mga bagong simbahang ito ang pinag-uusapan at mukhang mayroong ginagawang bago ang Diyos. Ang lahat ay pumupuna sa simabahan at mukhang gusto ng lahat ang bagong lugar na ito. Sa malapitang pagtingin sa mga bagong mga kilusang ito, gayunman, kalimitang ipinakikita na ang mga bagong kongregasyong ito ay puno ng mga taong nanggaling lamang sa isang kalapit na simbahan.

    Ang kaharian ng Diyos ay puno ng mga mahalay na mga Kristiyano na laging naghahanap ng isang bagay na bago at nakatutuwa. Maraming mga pastor ang natutuwa dahil inaakala nilang lumalago ang kanilang mga simbahan at mayroon nang pagpapanibagong-buhay. Sa katotohanan, mayroon lamang maliit na pangkalahatang paglago sa kaharian ng Diyos. Umiikot lamang mula sa isang simbahan patungo sa susunod na simbahan ang mga tao. Ang kaharian ng Diyos ay nararapat na sumulong sa katotohanan.

    Maraming taon na ang nakalipas, nagpadala ng mga misyonero ang mga taga-Europa sa Aprika at Asya. Sa pamamagitan ng sakripisyong ito, ang kabuuan ng mga bansa ay naging Kristiyano. Ang mga taong dati ay pagano ay nanampalataya na kay Kristo. Huwag nating linlangin ang ating mga sarili: marami pang mga tao sa mundo ngayon. Marami pa ring mga tao ngayon ang walang mabisang simbahan o pastor. Mayroon pa ring mas malaking pangangailangan ngayon sa tunay na pagsulong ng simbahan sa mga teritoryong hindi Kristiyano.

    Noong nagpadala ng mga misyonero ang mga taga-Europa dalawang daang taon na ang nakalilipas, mayroon lamang isang bilyong tao sa mundo. Ngayon, sa taong 2004, mayroon nang 6.1 bilyong tao sa mundo. Ang seglar na mundo ay madalas magreklamo ukol sa panumbasan ng mga doktor sa populasyon.

    Mayroon bang nagrereklamo sa panumbasan ng mga pastor sa populasyon? Ilang mga mangangaral ng ebanghelyo ang mayroon laban sa milyun-milyong mga taong nabubuhay ngayon?

    Paano Isulong ang Kaharian

    Ang kaharian ng Diyos ay makararanas ng tunay na pagsulong kapag sinusunod natin ang tagubilin ni Hesus. Ang huling utos ni Hesus ay ang paghayo sa mundo at ang paggawa ng mga alagad!

    At lumapit si Jesus sa kanila at sila’y kaniyang kinausap, na sinasabi, Ang lahat ng kapamahalaan sa langit at sa ibabaw ng lupa ay naibigay na sa akin.

    DAHIL DITO MAGSIYAON NGA KAYO, AT GAWIN NINYONG MGA ALAGAD ANG LAHAT NG MGA BANSA, na sila’y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo:

    Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo: at narito, ako’y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan.

    Mateo 28:18-20

    Sa Kasulatang ito, sinasabi ni Hesus sa ating lahat ang pagtuturo sa mga tao ng Ang Salita ng Diyos. Hindi mo matuturuan ang mga tao kundi mo sila titipunin.

    Ano Talaga ang Isang Simbahan

    Ang palagiang pagtitipon ng mga Kristiyano para sa layunin ng pagtuturo ay tinatawag na isang simbahan. Sa madaling salita, ang Diyos ang nagsasabi sa atin na humayo sa buong mundo at magtipon ng mga tao ng palagian upang turuan sila ng salita. ang Diyos ay nasa negosyo ng paglikha ng mga pagtitipon ng mga taong natuturuan. Ang Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu ay nagtatatag ng mga taong hahayo saan mang dako ng mundo upang magtipon ng mga tao ng palagian sa pagtuturo ng Kanyang salita.

    Habang dumarami ang mga pagtitipon at ang mga grupo, lalong natutupad ang Dakilang Kautusan. Habang dumarami ang mga grupong natuturuan, lalong natutupad ang Dakilang Kautusan. ang mga grupong ito ay ang mga simbahang naitatayo ng mga masunuring lingkod ng Panginoon.

    Gustong-gusto Nating Magpabilib ng mga Tao

    Sa kasamaang palad, dahil ang mga pastor ay masiyadong nag-aalala sa kung anong iniisip ng mga tao, hindi nila mabisang nagagawa ang Dakilang Kautusan. Nais natin ng isang malakihang nakabibilib na pagtitipon upang makita ng lahat! Nais nating isipin ng mga taong magaling tayo! Sa huli, habang maraming tao ang nasa isang kongregasyon, lalong nagmumukhang mahalaga ang pastor.

    Nasa karamihan ng bayan ang kaluwalhatian ng hari: nguni’t na sa pangangailangan ng bayan ang kapahamakan ng pangulo.

    Kawikaan 14:28

    Mayroong pangangailangan sa pagsisimula ng mga pagtitipon ng mga tao sa bawat posibleng lugar upang magawa natin ang Dakilang Kautusan. Ang kalakhan ng mundo at ang pamamahagi ng mga tao ay humihiling na ang mga pastor at mga tao’y lumipat mula sa isang kongregasyon patungo sa maraming mga pagtitipon sa iba’t ibang lugar. Kung tayo ay seryoso sa pagsunod sa ating Panginoon, wala tayong magagawa kundi sundin ito.

    Ang mga pinuno ay nararapat na sanayin. Ang mga pastor ay nararapat na sanayin. Ang mga manggagawa ay nararapat na sanayin. Dapat nang mamatay ang pag-iisip na katanyagan ng mga simbahan. Ang pag-iisip ng katanyagang ito ay nagnanais na mayroon lamang tayong isang pastor na kinikilala ng lahat at pinupuri.

    Kadalasan tayo ay nalilinlang sa pag-iisip na ang pastor na mayroong pinakamalaking kongregasyon ang magiging pinakadakila sa Langit. Hindi magiging ganito ang lagay. Ang pastor na magiging pinakadakila sa Langit ang pinakamapagkumbaba at ang pastor na tulad ng bata.

    Nang oras na yaon ay nagsilapit ang mga alagad kay Jesus, na nangagsasabi, SINO NGA BAGA ANG PINAKADAKILA SA KAHARIAN NG LANGIT?

    At pinalapit niya sa kaniya ang isang maliit na bata, at inilagay sa gitna nila,

    At sinabi, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Malibang kayo’y magsipanumbalik, at maging tulad sa maliliit na bata, sa anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit.

    Sinoman ngang magpakababa na gaya ng maliit na batang ito, AY SIYANG PINAKADAKILA SA KAHARIAN NG LANGIT.

    Mateo 18:1-4

    Nilinaw ni Hesus kung sino ang magiging pinakadakila sa kaharian. Walang makapagsasabi ng iyong pagpapakumbaba sa sukat ng iyong kongregasyon. Sa katunayan, ang mga pastor na mayroong malilit na kongregasyon ay maaaring mas mapagpakumbaba (at samakatwid mas dakila sa Langit) kaysa sa mga pastor na mayroong malalaking mga kongregasyon.

    Ang kailangan natin ay mas maraming mga kongregasyon, mas maraming mga simbahan, at mas maraming mga bunga para sa ating Panginoon. Isang simbahan sa bawat pintuan at sa bawat wika" ang dapat na maging layunin ng isang tunay na lingkod ng

    Diyos. Isang pagtitipon sa bawat poste ng kuryente o sa ilalim ng bawat puno ang makasusulong sa kaharian.

    Tigilan na natin ang pagpapabilib sa mga tao. Tigilan na natin ang pagsukat sa ating mga ministeryo sa laki ng ating mga kongregasyon. Mga minamahal na pinuno ng simbahan, huwag mong hanapin ang paggalang ng mga tao kundi ang paggalang (pagsang-ayon at pagtataguyod) ng Diyos.

    Paanong kayo’y makapananampalataya, kayong nangagtatanggapan sa isa’t isa ng kaluwalhatian at hindi ninyo pinaghahanap ang kaluwalhatiang nanggagaling sa tanging Dios?

    Juan 5:44

    Ang Pagbabahagi ng Ebanghelyo ba ang Pagtupad sa Dakilang Kautusan?

    Ang pagbabahagi ng ebanghelyo at ang mga krusada ay maganda, dahil sila ang simula ng mga katuruang ito. Dapt na manguna ang mga mangangaral ng ebanghelyo ang dapat manguna. Subalit ginagawa nga ba talaga nila ang Dakilang Kautusan? Oo at Hindi! OO, dahil sila ang nagsimula ng pamamaraan at HINDI, dahil kung wala ang katuruan, na nagsisimula sa pagtatayo ng mga simbahan, ang Dakilang Kautusan ay hindi talaga magagawa.

    ANG DAKILANG KAUTUSAN AY PAGBABAHAGI NG EBANGHELYO NA SINUSUNDAN NG PAGTATAYO NG MGA SIMBAHAN. Ang mga simbahan ang mga pagtitipon at ang mga pagtitipong ito ay nagtuturo ng Salita.

    Magtayo ng mga Simbahan sa mga Teritoryong Birhen

    Higit sa lahat, ang mga simbahan ay nararapat na itayo kung saan sa tayo itinuturo ng Panginoon. Ang mga simbahan ay dapat na itayo sa mga lungsod at sa mga nayon.

    Nakikita ko ang pangangailangan para magtayo ng mga simbahan sa mga teritoryong birhen. Karamihan sa atin ay nagtitipon sa mga lugar kung saan ang mga bagay ay gumagana na. Subalit sinasabi ko sa iyo, maraming mga hindi pa nararating na lugar kung saan tayo tinatawag ng Diyos. Ang simbuyo ng damdamin at ang paggawa para sa pag-akit sa mga kaluluwa at pagtatayo ng simbahan ay nararapat na bumalik sa simbahan at dapat nating isakripisyo ang ating mga kabataan para dito.

    Ang mga pastor ay dapat na mabahala na ang Islam ay dumarami na sa malalaking bahagi ng Aprika at ng mundo, habang ang simbahan ay tumitingin nang walang pag-aalala. Ang mga Muslim ay masakripisyo at hindi alintana ang pagpunta sa pinakamalalayong lunsod at nayon sa maraming mga bansa.

    Samantalang ang mga Kristiyano, na naatasang pumunta sa pinakamalalayong bahagi ng Mundo, at nananatili sa mga malalapit at pinaka-maginhawang mga lungsod sa mundo!

    Datapuwa’t tatanggapin ninyo ang kapangyarihan, pagdating sa inyo ng Espiritu Santo: at kayo’y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, at sa buong Judea at Samaria, at HANGGANG SA PINAKAMALAPIT, PINAKAMAGINHAWA AT PINAKAMAYAMANG MGA LUNGSOD NG MUNDO! (Anong Bibliya ito?)

    Kabanata 2

    Ang Pag-iisip ng mga Nagtatayo ng Simbahan

    Mangagkaroon kayo sa inyo ng pagiisip, na ito’y na kay Cristo Jesus din naman…

    Filipos 2:5

    Nagkaroon si Kristo ng pag-iisip na nagtulak sa Kanyan upang gawin ang mga bagay na Kanyang ginawa. Ang bersong ito ang nagtuturo sa atin na mag-Isip katulad ng pag-iisip ni Kristo.

    Ito ang ibig sabihin ng nawa ang isip na ito’y maging sa iyo. Tanging kapag ang isip mo ay gumagana sa isang partikular na pamamaraan lamang mo magagawa ang kalooban ng Diyos.

    Sumusulat ako ng kung paanong dapat gumana ang iyong isipan kung magtatayo ka ng simabahan. Kung wala ang pundasyong ito, wala ni isang makasusulong sa pinakamahirap na gawain ng pagtatayo ng simbahan.

    Ang mga susunod na mga kabanata ay magtuturo sa iyo ng kahalagahan ng doktrina ng pagtatayo ng simbahan. Mauudyukan ka at ang iyong ministeryo ay magaganyak na sumali sa huling pinakamalaking apostolikong kilusan ng pagtatayo ng simbahan.

    1. Unawain na ang Diyos ay sumusubaybay sa iyong mga gawain.

    Mahal kong mga kaibigan, ang iyong mga gawain sa mundo ay sinusubaybayan. Hihingin sa iyo ng Diyos ang sagot ukol sa kung ano ang Kanyang inilagay sa iyo. Tatanungin ka Niya kung ano ang ginawa mo sa iyong mga kaloob. Hihingin sa iyo ng Diyos ang mga bagay na ibinigay Niya sa iyo. Siya ay mag-uusisa sa iyong mga gawa!

    Nakawiwili na sa pitong sulat na isinulat sa pitong simbahan, isang parirala ang inuulit - nalalaman Ko ang iyong mga gawa.

    Aling mga gawa ito? Ano man ang mga ito, maaring mahalaga sa bawat simbahan na ang mga gawang ito ay nagaganap. Pansinin ang mga sumusunod na berso:

    NALALAMAN KO ANG IYONG MGA GAWA, at ang iyong pagpapagal at pagtitiis, at hindi mo matiis ang masasamang tao, at sinubok mo ang mga nagpapanggap na apostol, at sila’y hindi gayon, at nasumpungan mo silang pawang bulaan;

    Pahayag 2:2

    NALALAMAN KO ANG IYONG KAPIGHATIAN, at ang iyong kadukhaan (datapuwa’t ikaw ay mayaman), at ang pamumusong ng mga nagsasabing sila’y mga Judio, at hindi sila gayon, kundi isang sinagoga ni Satanas.

    Pahayag 2:9

    NALALAMAN KO kung saan ka tumatahan, sa makatuwid baga’y sa kinaroroonan ng luklukan ni Satanas; at iniingatan mong matibay ang aking pangalan, at hindi mo ikinaila ang aking pananampalataya, kahit nang mga araw man ni Antipas na aking saksi, aking taong tapat, na pinatay sa gitna ninyo, na tinatahanan ni Satanas.

    Pahayag 2:13

    NALALAMAN KO ANG IYONG MGA GAWA, at ang iyong pagibig, at pananampalataya at ministerio at pagtitiis, at ang iyong mga huling gawa ay higit kay sa mga una.

    Pahayag 2:19

    At sa anghel ng iglesia sa Sardis ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng may pitong Espiritu ng Dios, at may pitong bituin: NALALAMAN KO ANG IYONG MGA GAWA, na ikaw ay may pangalang ikaw ay nabubuhay, at ikaw ay patay.

    Pahayag 3:1

    NALALAMAN KO ANG IYONG MGA GAWA (narito, inilagay ko sa harapan mo ang isang pintuang bukas, na di mailalapat ng sinoman), na ikaw ay may kaunting kapangyarihan, at tinupad mo ang aking salita, at hindi mo ikinaila ang aking pangalan.

    Pahayag 3:8

    Hindi sinabi ng Diyos, Alam ko ang iyong mga bahay at iyong mga sasakyan. Hindi Niya sinabing, Alam ko ang iyong Mercedes Benz. Sinabi Niya, Alam Ko ang iyong mga gawa! Hindi Niya sinabing, Alam ko ang iyong mga tinapos. Hindi Niya sinabing, Alam ko ang iyong ama at ina. Sinabi Niya, Alam ko ang iyong mga gawa!

    2. Ang pagtatayo ng simbahan ay susi sa pagpapatuloy hanggang sa huli kasama ang Diyos

    Sapagka’t ang sinomang magibig iligtas ang kaniyang buhay ay mawawalan nito: at ang sinomang mawalan ng kaniyang buhay dahil sa akin at sa evangelio ay maililigtas yaon.

    Marcos 8:35

    Noong 1985, nagpasya akong ibigay ang lahat sa Diyos. Katatapos lamang ng isang napakahirap na pagsusulit sa paaralang medikal. Sa aking palagay, nakaligtas lamang ako sa pagsusulit na iyon. Habang iniisip ko ang hirap na aking ibinigay para sa pagsusulit, at ang iba pang gawaing aking ginawa, naramdaman ko sa aking puso na hindi ito kasing halaga matapos ang lahat. Bakit kailangan kong magdusa ng ganito para sa medisina? Bakit ko ibibigay ang aking buhay para sa dahilang ito?

    Ipinangako kong mula noon, ang aking uunahin ay ang gawain ng Diyos. Noong una akala ko ang Diyos ang nangungunang tao sa aking buhay. Isa akong seryosong Kristiyanong pinuno ngunit hindi ko naisip na ang gawain ng Diyos ay hindi ko inuuna. Mula sa oras na iyon, nanindigan akong iisa lamang ang aking layunin at iyon ay ang gawin ang gawain ng Diyos! Ang ibang mga bagay ay naging mga isyung katabi lamang. Ito ay isang tunay na pag-ikot ng aking buhay.

    Mula noon, ang aking unang layunin ay ang Diyos at ang ministeryo. Ang Paaralang Medikal ay napunta sa ikalawa o ikatlo sa aking

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1