Discover millions of ebooks, audiobooks, and so much more with a free trial

Only $11.99/month after trial. Cancel anytime.

Ano ang Ibig Sabihin ng Pagiging Matalino na Tulad ng Ahas
Ano ang Ibig Sabihin ng Pagiging Matalino na Tulad ng Ahas
Ano ang Ibig Sabihin ng Pagiging Matalino na Tulad ng Ahas
Ebook191 pages2 hours

Ano ang Ibig Sabihin ng Pagiging Matalino na Tulad ng Ahas

Rating: 4 out of 5 stars

4/5

()

Read preview

About this ebook

Ang sabi ni Hesus: maging matalino tulad ng mga ahas subalit hindi nakapipinsala tulad ng mga kalapati. Matatalino ba talaga ang mga ahas? Bakit magbibigay si Hesus ng ganitong payo? Maglakbay sa makabagbag-damdaming aklat na ito ni Dag-Heward Mills at tuklasin ang mga natatagong katalinuhan ng ahas. "

LanguageTagalog
Release dateApr 12, 2018
ISBN9781683986744
Ano ang Ibig Sabihin ng Pagiging Matalino na Tulad ng Ahas
Author

Dag Heward-Mills

Bishop Dag Heward-Mills is a medical doctor by profession and the founder of the United Denominations Originating from the Lighthouse Group of Churches (UD-OLGC). The UD-OLGC comprises over three thousand churches pastored by seasoned ministers, groomed and trained in-house. Bishop Dag Heward-Mills oversees this charismatic group of denominations, which operates in over 90 different countries in Africa, Asia, Europe, the Caribbean, Australia, and North and South America. With a ministry spanning over thirty years, Dag Heward-Mills has authored several books with bestsellers including ‘The Art of Leadership’, ‘Loyalty and Disloyalty’, and ‘The Mega Church’. He is considered to be the largest publishing author in Africa, having had his books translated into over 52 languages with more than 40 million copies in print.

Related to Ano ang Ibig Sabihin ng Pagiging Matalino na Tulad ng Ahas

Related ebooks

Reviews for Ano ang Ibig Sabihin ng Pagiging Matalino na Tulad ng Ahas

Rating: 4 out of 5 stars
4/5

3 ratings0 reviews

What did you think?

Tap to rate

Review must be at least 10 words

    Book preview

    Ano ang Ibig Sabihin ng Pagiging Matalino na Tulad ng Ahas - Dag Heward-Mills

    Kabanata 1

    Ang Karunungan ng mga Ahas

    …mangagpakatalino nga kayong gaya ng mga ahas at mangagpakatimtimang gaya ng mga kalapati.

    Mateo 10:16

    ANG MGA AHAS AY MATATALINO

    indi kataka-taka na kinatatakutan ng mga tao ang mga ahas. Hindi rin kataka-taka kung ang mga tao ay may nararapat na paggalaang sa mga ahas. Tunay na ang mga ahas ay mga kahanga- hangang nilalang, na may kamangha-manghang kakayahan na mabuhay at magpakarami sa kabila nang mawalakang pagkamuhi na umiiral sa mga ito.

    Kung hindi nagsalita si Hesus tungkol sa karunungan ng mga ahas, maaaring hindi natin mapansin ang uri ng karunungan na mayroon sila. Dahil itinuro ni Hesus ang karunungan ng ahas, tayong lahat ay dapat na magbigay ng natatanging pansin sa mga nilalang na ito at matutunan ang mga bagay na dapat nating matutunan mula sa kanila. Kung gayon, ano ang karunungan ng isang ahas? Bakit matalino ang mga ahas?

    Hindi mo ba nanaising malaman ang karunungan na magpapasagana sa iyo nang higit pa sa lahat ng iyong mga kasamahan?

    Hindi mo ba nanaisin na makakuha ng karunungan na magdadala sa iyo sa tagumpay sa harap ng matinding pagsalungat at pagkamuhi?

    Hindi mo ba nanaising magkaroon ng karunungan na magpapasagana sa iyo sa lahat nang mga pabago-bagong tagpo sa iyong buhay? Kung tutuusin, ilang tao ba ang may kakayahan na maging masagana sa lahat ng panahon sa kanilang buhay?

    Hindi mo ba nanaisin ang karunungan na magiging sanhi upang ikaw ay katakutan at igalang ng mga tao? Hindi mo ba nanaisin na ikaw ay magkaroon ng karunungan na iyong magagamit upang matahimik mong maisakatuparan ang lahat ng iyong mga layunin sa buhay na ito?

    Sigurado ako na nais mo ang ganitong uri ng karunungan. Sa katunayan, ito ang karunungan ng ahas! Ito ang dahilan kung bakit sinabi ni Hesus na tayo ay dapat na maging matalino katulad ng mga ahas.

    PITONG DAHILAN KUNG BAKIT ANG MGA AHAS AY ITINUTURING NA MATALINO

    1. Ang mga ahas ay itinuturing na matalino dahil sila ay dumarami at sumasagana nang higit pa sa anumang maiilap na hayop.

    2. Ang mga ahas ay itinuturing na matalino dahil sila ay patuloy na nabubuhay sa isang makabagong mundo.

    3. Ang mga ahas ay itinuturing na matalino dahil nakakaya nilang umunlad kahit na sila ay kinamumuhian ng lahat.

    4. Ang mga ahas ay itinuturing na matalino dahil nakakapukaw sila ng takot at paggalang sa mga tao. Ang mga tao ay hindi natatakot at gumagalang sa maraming mga hayop ngunit kinatatakutan at iginagalang nila ang mga ahas.

    5. Ang mga ahas ay itinuturing na matalino dahil sa kanilang kakayahan na mamuhay sa bawat kontinente at bahagi ng mundo.

    6. Ang mga ahas ay itinuturing na matalino dahil sa kanilang kakayahan na kumilos sa bawat kalagayan sa lupa, sa dagat, sa tubig tabang at kahit na sa himpapawid.

    7. Ang mga ahas ay itinuturing na matalino dahil sa kanilang kakayahan na matamo ang kanilang mga layunin sa mundong ito. Sa kabila nang lahat ng kakaibang laban sa mga ahas, nakakayanan nilang mabuhay, kumain at magparami.

    Upang maging matalino, dapat kang mag-isip, magnilay- nilay at magbulay-bulay sa mga katunayan, katotohanan, at mga pahayag. Hindi mo dapat na basta-bastang pagtakpan ang malalalim na mga pahayag na may mahahalagang kahulugan. Nang sabihin ni Hesus na, ‘maging matalino tulad ng mga ahas,’ Siya ay nagbigay ng isang madilim na kasabihan na puno ng karunungan, kahulugan at paggabay. Ang bawat kabanata sa aklat na ito ay naglalaman ng isang aspeto ng mabuting karunungan ng isang ahas na naging sanhi upang ito ay magtagumpay nang higit pa sa ibang mailap na hayop na matatagpuan sa palahayupan.

    Napagisipan mo na ba kung bakit walang mga leon na gumagala sa paligid ng iyong bahay? Ngunit maaaring may mga ahas sa iyong lugar. Ako ay nakakita ng mga ahas sa bawat bahay na aking tinirhan. Ang mga leon ay hindi makikita sa iyong lugar. Sila ay nalipon dahil ang mga ito ay hindi kumikilos nang may karunungan ng ahas. Ang mga ito ay kumikilos sa pamamagitan ng isa pang uri ng karunungan — ang karunungan ng isang leon.

    Ang karunungan ng isang leon ay nakalikha sa atin ng naaayong paggalang at takot sa mga leon. Ngunit ang karunungan ng leon ay hindi nakapagdulot sa leon ng kakayahang magparami sa bawat lungsod ng buong mundo. Ang populasyon ng mga leon ay lumiliit! Ang mga leon ay nauubos na! Ang mga ahas sa kabilang banda ay mahiwagang natatagpuan sa bawat lungsod at distrito. At dahil dito, ang ahas ay higit na matalino kaysa sa leon dahil sila ay nangibabaw, yumabong at nanagana habang ang mga leon ay paunti nang paunti at malapit nang maubos.

    Kabanata 2

    Mga Dalubhasa sa Pamumuhay nang Hindi Umaasa sa Iba

    At pagaralan ninyong maging matahimik, at gawin ang inyong sariling gawain, at kayo’y mangagpagal ng inyong sariling mga kamay, na gaya ng aming ipinagbilin sa inyo; Upang kayo’y magsilakad ng nararapat sa nangasa labas, AT HUWAG KAYONG MAGING MAPAGKAILANGANAN.

    1 Mga Taga-Tesalonica 4:11-12

    Ang Mga Ahas Ay Matatalino Dahil Hindi Sila Umaasa Sa Mga Tagalabas

    ng isang pinuno ay hindi dapat na umaasa sa sinoman upang magtamo ng paggalang mula sa mga tagalabas. Ang ministro ay dapat na magtrabaho nang husto upang maiwasang magmakaawa. Ang pagmamakaawa ay pagmamakaawa maging ito man ay ginagawa ng mga pangulo, mga politiko o mga pastor! Ang pagmamakaawa ay pagmamakaawa kahit na ito ay binigyan ng kagalang-galang na mga paglalarawan tulad ng paghahanap ng mga mamumuhunan, paghahanap ng tulong o pagdalo sa mga kapulungan ng mga nagkakaloob. Ang alternatibo sa pag- asa sa ibang tao ay ang asikasuhin ang iyong sariling negosyo at ikaw ay magtrabaho ayon sa sarili mong kakayahan.

    Bakit ka lumilibot upang mamalimos at humingi ng mga bagay? Hindi mo ba nabasa nang sabihin ni David na, Ako’y naging bata, at ngayo’y matanda; gayon ma’y hindi ko nakita ang matuwid na pinabayaan, ni ang kaniyang lahi man ay nagpapalimos ng tinapay. (Awit 37:25). Hindi ka ba nahihiya na namumuhay nang umaasa para mabigyan ng isang tao? Sa tingin mo ba na ang mga tagalabas ay magkakaroon ng anumang paggalang sa iyo kapag ikaw ay patuloy na umaasa sa kanila? Sila ay walang paggalang para sa iyo! Basahing mabuti ang kasulatan at pagnilay-nilayan ito. At pagaralan ninyong maging matahimik, at gawin ang inyong sariling gawain, at kayo’y mangagpagal ng inyong sariling mga kamay, na gaya ng aming ipinagbilin sa inyo (1 Mga Taga-Tesalonica 4:11).

    Ipinapakita ng mga ahas na sila ay dalubhasa sa pamumuhay nang mag-isa. Nakakayanan nilang makaraos nang mag-isa sa araw-araw mula pa noong sila ay isinilang. Upang maging matalino tulad ng isang ahas dapat mong makayanan na mag- isa o hindi umasa. Nakakalungkot na makita ang mga pangulo ng mahihirap na mga bansa na nagpupunta sa ibat-ibang bansa upang humanap ng mga regalo at pautang mula sa higit na mayayamang mga bansa.

    Sa kasamaang palad, maraming mga bansa na dating nasakop ang hindi na makabangon pa mula sa kanilang mga kolonyal na mananakop. Sila ay tunay na hindi maaaring makapag-isa. Marami sa mahihirap na mga bansa ay mga bigong kalagayan na walang kakayahan na pamahalaan ang mga sarili! Ipinaglaban nila ang kanilang kalayaan subalit ang mga ito ay hindi talaga lubusang nagsasarili. Ipinagdiriwang nila ang kanilang kalayaan taun-taon sa halip na kanilang ipagluksa ang patuloy nilang pag- asa sa iba!

    Ang mga walang pag-asa at walang kakayahan na pinuno ay namumuno at inaakay ang kanilang mga bansa pababa patungo sa lumalalim na kahirapan. Ang katotohanan na ang mga pinunong ito ay walang kakayahan na magtayo ng mga daan sa pagitan ng dalawang lungsod, pagbibigay ng kuryente, tubig, mga paaralan at mga pagamutan ay katunayan ng mahina at kawalan ng kakayahan na mamuno. Para sa mga pinuno ng ilag mahihirap na bansa, ang pamumuno ay nangangahulugan ng paghingi ng salapi.

    Ang mga ahas, sa kabilang banda, ay hindi umaasa sa iba mula ng ang mga ito ay isilang at may kakayahang mamuhay nang matagumpay na malayo sa kanilang mga magulang. Karamihan sa mga ahas ay kayang pumatay mula sa araw ng kanilang kapanganakan at malimit na mamuhay nang mag-isa mula sa unang araw nang kanilang buhay. Hindi katulad ng ibang mga bansa na kailangan ng salapi at mga regalo, mula sa ibang mga bansa upang makaraos, ang mga ahas ay hindi nangangailangan ng tulong at kayang matagumpay at mabuhay nang hindi umaasa sa iba.

    Papaano Mo Maipapakita Na Ikaw Ay May Kakayahang Magsarili

    1. Kung ikaw ay matalino na katulad ng ahas, ikaw ay mabubuhay nang hindi umaasa sa salapi, mga regalo, mga kaloob, at mga bigay o kahit na mga pautang.

    At sinabi ni Abram sa hari sa Sodoma, Itinaas ko ang aking kamay sa PANGINOONG Dios na Kataastaasan, na may ari ng langit at ng lupa.

    Isinumpa kong hindi ako kukuha maging isang sinulid, o maging isang panali ng pangyapak, o ng anomang nauukol sa iyo, BAKA IYONG SABIHIN, PINAYAMAN KO SI ABRAM:

    Genesis 14:22-23

    Hindi kinailangan ni Abraham ang sinoman upang siya ay maging mayaman. Sa katunayan, hindi niya nais na may sinomang mag-iisip na siya ay yumaman dahil sa kanila.

    Ang mga anak ang palaging umaasa na ang kanilang ina at ama ay magbibigay sa kanila ng bagay na makapagbibigay-lunas sa kanilang mga problema. Kapag ang isang tao ay walang kakayahan na mamuhay nang nag-iisa, siya ay malimit na umaasa sa mga tao na magbibigay sa kanya ng isang bagay. Maraming tao ay tumitingala sa Amerika at Inglatera, at umaasang makakatanggap ng isang bagay. Ang katotohanan na naiisip mo na ang mga Amerikano at mga taga-Europa na darating upang ikaw at tulungan ay nagpapakita na ikaw ay walang kakayahan na mamuhay nang hindi umaasa.

    Huwag umasa na may sinomang taga-labas ang makakapagpayaman sa iyo. Bakit nais mo na may taong magbibigay sa iyo? Bakit ka palaging naghahanap, umaasa at nag-aasam ng regalo, pautang o salapi? Tunay nga, ang mga pinunong walang kakayahan ay nagsasaboy ng alabok sa iyong mga mata kapag sila ay nag-aanunsyo na sila ay naghahanap ng mga pauutang upang magsimula ng mga proyekto. Malimit na hindi kailangang mangutang. Dapat lamang na magbawas ng pag-aaksaya, pagnanakaw at hindi maayos na pamamahala ng mga mapagkukunang-yaman. Niloloko ng mga masasamang pinunong ito ang masa sa pamamagitan ng kanilang pagsasalita tungkol sa pangangalap ng mga pautang. Ngunit ang mga taong nakakakita sa loob ng usok at hamog ay makakapagsabi na tunay ngang hindi kailangan ang mangutang.

    Dapat mong pamunuan ang iyong buhay sa paraan na ikaw ay hindi umaasa sa panlabas na mga tagabigay. Ang mga walang pag-asa at walang kakayahan na mga pinuno ay masayang pumunta sa mga pagpupulong ng mga tagabigay upang marinig ang mga kaloob at mga regalo na maibibigay sa kanila. Kahanga- hanga na ang mga pinunong ito ay nakakatulog habang nasa mga pagpupulong ng mga tagabigay dahil sila ay walang kalaliman pagdating sa pamumuno.

    2. Kung ikaw ay matalinong tulad ng ahas, ikaw ay magiging dalubhasa sa iyong sariling buhay at hindi mangangailangan ng sinoman upang magtaguyod ng mga bagay para sa iyo.

    Ang iyong kabutihan ang mag-aakay sa iyo upang bumangon at magtayo para sa iyong sarili. Ito ang dahilan kung bakit ang tao ay sinasabing nagiging matalino kapag siya ay nagbubuo ng mga bagay. Ang kawalan ng kakayahan na magbuo ang nagpapakita nang kawalan ng karunungan. Kung ikaw ay matalinong tulad ng ahas, ikaw ay babangon at magbubuo ng mga bagay na iyong kakailanganin. Si Solomon ay nagtayo ng maraming bagay para sa kanyang sarili. Nagpatayo siya ng mga bahay, nagtanim ng mga ubasan, gumawa ng mga hardin at halamanan at nagtanim nang sari-saring mga puno at gumawa ng mga palanguyan.

    Gumawa ako sa ganang akin ng mga malaking gawa; nagtayo ako sa ganang akin ng mga bahay; nagtanim ako sa ganang akin ng mga ubasan;

    Gumawa ako sa ganang akin ng mga halamanan at mga liwasan, at aking tinamnan ng mga sarisaring puno ng kahoy na nagkakabunga: Gumawa ako sa ganang akin ng mga tipunan ng tubig, upang dumilig ng gubat na pagtatamnan ng mga puno ng kahoy:

    Mga Taga-Pangaral 2:4-6

    Ang isang pastor na umaasang may darating na tao upang magtatayo ng gusali para sa kanya ay walang kakayahan ng isang ganap at hindi umaasang pamumuno. Hanggang sa matutunan mong maghanap ng mga pinagkukunan na mayroon ka at magplano ng iyong pamumuhay sa kung ano ang mayroon ka, ikaw ay walang kakayahan sa ganap at hind umaasang pamumuhay.

    3. Kung ikaw ay matalinong tulad ng isang ahas, ikaw ay hindi hihiling

    Enjoying the preview?
    Page 1 of 1